Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 52



Maki Say's: Never pa nagkiss si Gael at Ria noong teenager pa sila. PINAGBAWALAN KO MGA TEH! Hahaha 😂😂😂 kabanata 30 is just a kiss in the forehead. Yung mga teens dyan, bawal pa ☝🏻️

Talk.

"Anong ginagawa mo sa Batangas Miss Heather?" Tanong ni Agent Yushima kay Heather.

"Nag-roadtrip lang po ako, pabalik na ako mamaya dahil may gig ako hanggang sa-- hanggang sa nahuli ako kanina." Umiiyak na paliwanag ni Heather. Clearly she's lying. Ang suot nyang kulay puting tank top ang una kong napansin. Wala lang syang suot na scarf ngayon pero hindi yon sapat para magkamali ako.

"Mr. Floresca, ano pong plano nyo?" Tanong sa amin ng Colonel.

"I am filing a case against her." Matigas na sabi ni Daddy sabay turo kay Tita Helena. Pinanlakihan ng mata si Heather.

"No! Tito! Please. Sorry po.." Lumuhod si Heather sa harap ng lahat at ako naman ang nagulat.

"Heather stand up." Utos ni Gaelan pero hindi sumunod si Heather.

"Im sorry Hija, my daughter was almost killed. I don't want that kind of threat in my family again." Nag-iwas ng tingin si Daddy. I can say na naawa sya.

"She-- she was just hurt. Nasaktan lang po si Mommy sa pang-iiwan nyo noon. Napilitan syang pakasalan ang Daddy ko k-kasi wala ng natitira sa kanya. My mom lived miserably. Bigyan nyo pa sya ng pagkakataon--"

Napalunok ako. So Tita Helena is blaming her fate to my family. Gusto nyang maranasan namin ang hirap kagaya ng pinagdaanan nya. But that's unfair! Lahat naman ay may pinag dadaanang hirap. Sa iba't ibang paraan nga lang.

"Tumayo ka dyan Heather, hayaan mo sila--" Bakas pa din ang pagmamalaki sa mukha ni Tita Helena.

"Mommy, please! Makiusap tayo!" Pangungumbinse ni Heather. Puro luha ang mukha nya at pulang pula na.

"Magtigil ka nga! Wag ka ng magpanggap kay Gaelan na nakakaawa. Ipinagtatanggol ka na nya. Wag ka ng magpanggap na concern sa nanay mong wala namang pakialam sayo." Malamig na sabi ni Tita Helena. Bumakas ang sakit sa mukha ni Heather at impit na napaiyak.

Naantig ang puso ko ng husto. How can she treat Heather that way! Hindi ba dapat ay mahal nya ito? Kagaya ng pagmamahal sa amin ni Mommy.

"Helena, don't talk to your daughter like that!" Pagsangga ni Mommy.

"My daughter? Kailangan ko lang magpabuntis sa isang matandang amerikano para makakuha ako ng pera. That is the only use that girl and her sister is to mine. Wala akong pakialam dyan. Sue me if you want. Palayasin nyo na ang isang yan at bubwisitin lang ako nyan."

"Tita--" Suway ni Gaelan.

"Ano? Kasuhan nyo na ako para matapos na! Nakakapagod ng panoorin ang drama." Umismid si Tita Helena. Di ko napigilan ang binti ko para humakbang patungo kay Heather.

Bago ko pa man iyon magawa, nakalapit na si Gaelan at niyakap nya si Heather. Pakiramdam ko pinagpira-piraso ang puso ko sa tagpong iyon but who am I to intrude? Kailangan sya ni Heather at naawa ako kay Heather.

Tama lang siguro..

Pinalabas na kami sa investigation room. Naiwan na lang si Mommy, Daddy at Attorney Montemayor para iformalized ang kasong isasampa.

Si Heather dinala naman ni Gaelan sa isa sa mga kwarto ng hindi ako tinitingnan.

"Selos ka?" Nakataas ang kilay ni Kuya Rab ng lapitan ako. Nakaupo kami sa living room ng Yukan'na Headquarters.

I shook my head.

"Mahal ka non. Kaya lang may mahal pang iba." Ngumisi si Kuya na parang nang-aasar.

"Rab.." Suway ni Kuya Ahmed. Huminga ako ng malalim. Sinabi ko naman na kanina that I cannot take Gaelan's job hindi ba? Pinalalayo ko sya. Hindi pa ako nakakamove on sa nakita ko kanina.

Bumagsak ang balikat ko when Gaelan's face crossed my mind.

Pero mali sya, I am not disgusted. Natatakot lang ako sa bagay na kaya nyang gawin. Killing, lying and what else? What else is left to hurt me? He's capable to do that. Lahat ng bagay na ayaw kong gawin nya.

And if Heather needs him then go..

Napalunok ako.

Talaga ba, Maria? Can you see him go?

Nakita ko si Kiro na pumasok sa living room. Nagkatinginan kami. Kinuha ko ang pagkakataon para kamustahin si Yuki.

"Kiro, kamusta si Yuki?" Tanong ko. Sumipol si Kuya Rab kaya napalingon ako sa kanya, yun pala ay nakatayo na din sa may living room si Gaelan. Nagtama ang mga mata namin pero umiwas na naman sya ng tingin.

What? He hates me now?

"Nagpapahinga. Puntahan mo?" Tanong ni Kiro. Tumango ako at sumunod sa kanya.

Nilagpasan ko silang lahat. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Gusto kong magpahinga pero kailangan kong magpasalamat kay Yuki..

Pati na din kay Gaelan, yeah right. I should say thanks and apologize if I seem like disgusted with what he do.

And then what? Escape again? Such a weakling, Ria. Nadidismaya na ako sa sarili ko.

Huminto kami sa isang malapad at puting pinto. Pagbukas nito ay nakita ko agad si Yuki na nakaharap sa kanyang cellphone at mukhang naglalaro. May mga tubong nakakabit sa kanya pero nakataas pa ang kanyang paa na parang balewala.

Seriously? Parang walang nangyari.

"Cinnamon swirl!" Maligayang bati nya sa akin. Lumapit ako sa kanya ng nakasimangot. He's back to normal again.

"Nag-alala ako." I said.

Ngumiti si Yuki at hinuli ang kamay ko. Naramdaman ko ang init na nagmumula doon.

"Im still alive." He said.

"I know."

Napalabi ako ng tingnan ako ni Yuki. And I know he's waiting for me to say something. I sighed and sat beside his hospital bed.

"S-si Heather.. Nakita ko kanina bago ang barilan. Nilapitan pa nga sya ni Gaelan pero kanina, sinabi ni Gaelan na wala doon si Heather." Di ko alam kung bakit ko yon sinabi. Sinipat ako ni Yuki at tila tinimabang ang reaksyon ko.

"Nagsusumbong ka ba dahil nandoon si Heather o nagsusumbong ka dahil pinagtatakpan ni Gaelan si Heather?" He relaxed his head on the headboard.

I shook my head. "I am confused. Can you just tell me that he will just hurt me to infinity? Kasi ngayon, Yuki, bumabalik na naman ang sakit tapos hindi ko na naman namalayan na nasa punto pala ako ulit na masasaktan ng ganito. Nasaktan na lang ako.. Bigla. Ulit." Im in verge of tears pero pinipigilan ko.

Bakit ba nakakaiyak pa din na sasaktan nya ako? Bakit hindi pa ako nasanay!

"Normal ang masaktan, sinadya man o hindi, masasaktan ka." Yuki just said. He's talking in riddles again! And I hate it.

"Can you tell me that he will just hurt me forever? I think I will just listen to you kasi, ang bobo bobo ng puso ko. Just tell me, he's a bad news. Gaelan is a bad news." Pakiusap ko. Baka kasi yun lang ang dapat kong marinig para matigil na ako sa pag-asa.

"I wont." Mariing sabi ni Yuki. Nawalan ako ng pag-asa. Dati, kahit anong hilingin ko may Yuki, ibinibigay nya, pero bakit ngayon, hindi?

"Gaelan, will never hurt you, intentionally. Maniwala ka."  Dugtong nya pa.

Naikuyom ko ang mga palad ko at agad na tumayo para harapin si Yuki. His chinky eyes is calm. Wala man lang bahid ng kahit anong ekspresyon.

"Sinasabi mo lang yan." Galit na sabi ko. Ngayon ay tuluyan ng umagos ang luha sa mga mata ko. "Sinasabi mo lang yan kasi kaibigan mo sya. Mas matagal mo syang kaibigan kaysa sa akin di ba? Kaya ipinatatanggol mo sya." Puno ng hinagpis na sabi ko.

Hindi kumibo si Yuki.

"Anyway, I just want to thank you for saving me. And Im glad you are safe." Pinalis ko ang luha ko saka nagmamadaling lumabas ng kwarto ni Yuki. I don't want to be rude but being here will just add to my insanity. Halos mabaliw na ako sa kakaisip ng ginagawa ni Gaelan tapos yun pa ang maririnig ko mula kay Yuki?

Right! They are bestfriends after all.

Bumaba ako ng living room at wala na don si Gaelan. Hinding hindi ako magtatanong kung nasaan sya. Dumiretso na kami sa limousine dahil tapos na din naman makipag-usap sila Mommy. Tiniyak lang nilang naisakay si Tita Helena sa mobile kasama si Agent Yushima bago kami bumalik sa mansyon.

Isang nakakapagod na araw ang nangyari. Isang simpleng dinner sa bahay ang hinarap namin at wala ni isang nagsasalita. Ni hindi ko nga din manguya ang pagkain ko.

"Is anyone's still in the mood for the discussion with what happened today?" Putol ni Daddy sa katahimikan.

I nodded, baka hindi din ako makatulog kung hindi ko malalaman.

"Let's proceed to the library after eating." Deklara nya.

Isa isa kaming nag-paalam sa hapagkainan. I decided to take a quick shower and to check on Rigo. Naiwan kasi sya kay Mishel, ang isa sa househelp namin na pamangkin ni Mama Buding. Nagmamadali daw umalis si Brie kanina.

"Rigo.." Tawag ko sa kanya. Agad na kumilos ang ulo ni Rigo para hanapin ako. Nilapitan ko sya at hinalikan sa noo.

"It was a long day kay Nanay.. Babalikan kita mamaya." I whispered.

"Mishel, I will just take a shower. Pakibihisan muna si Rigo pagkatapos ibigay mo muna kay Rachel para makakain ka na.. Pasensya na." Tipid akong ngumiti kay Mishel.

She smiled back, hinawi nya ang kanyang itim na buhok at magiliw na niyakap si Rigo bago magtungo sa gamit nito.

"Halika dito Baby boy! Anong gusto mong isuot?" Naririnig ko pa si Mishel na malambing na kinakausap si Rigo.

Binuksan ko ang mainit na shower at inisa isa ang mga nangyari ngayon.

Tapos na ang gulo. I should be happy. Move on with my life. Help my family reconstruct again. 1/4 lang ng eroplano ang napasabog sa Laya Air because the rest are in flight during those times. Ahmed Mall needs healing though. Si Kuya Ahmed siguro ang aking tutulungan.

And Gaelan. I should really apologize and say my thanks. Sabi na nga ba at may mangyayaring ganito. Dapat talaga ay hindi sya nagsasalita ng tapos. There are some people who needs his saving, masyado lang syang nakatutok sa akin dahil akala nya ako yon. Now I know what Heather's life has been, I understand it. Fully.

Mabilis akong nagbihis at nagpatuyo ng buhok. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin suot ang simple pero eleganteng white dress, this is me. Halos makalimutan ko na kung ano ba ang pinag-gagagawa ko sa buhay ko. I forgot how I taught myself to stand up when Gaelan left me. Tinuruan ko ang aking sarili na bumangon. I realized my worth. Bakit ba noong bumalik sya, nangarap ulit ako ng simpleng buhay? Bakit ko naisip na para ako doon gayong hindi naman yon totoo.

I am not in for the basic because I am an heiress.

Nagtungo ako sa library at naabutan na doon ang buo kong pamilya. Si Daddy sa center, sa gilid nya ay si Mommy. Kuya Gilad with Sam, Kuya Rab and Kuya Ahmed. Tapos sa gawing kanan naman ang isang bakanteng upuan sa tabi ni Kuya Xenon, doon ako pumwesto.

"Okay. I apologize. As a head of this family, I apologize for the trauma that everybody had gone through. We missed out checking the people around us because we thought that our money can protect us. It won't. At sana maging leksyon na din sa lahat."  Panimula ni Daddy.

"Helena Martina Ortega was my first love. Kapatid ng Mommy nyo. May isang pangyayaring hindi namin inaasahan, Helga woke up one day beside me and everybody thought mayroong nangyari. Pinilit kami ng lahat na panagutan ang bagay na yon. I did not chose to be responsible pero pinalayas ang Mommy nyo at that time, iniipit ng Lolo nyo ang Laya Air by pulling out stocks. I have no choice, hindi ako nakakalapit kay Helena dahil sa bagay na yon. Kinailangan kong pakasalan si Helga that time." Huminga ng malalim si Daddy at hinanap ang kamay ni Mommy para halikan ang likod ng palad.

"But your Mom, we all know that she's wonderful. Kahit lagi ko syang inaaway noon, lagi lang syang nakangiti. At sa ngiti nyang yon, I fell inlove. Lagi na akong nagmamadaling umuwi sa kanya, nakalimutan ko na si Helena."

Kinurot ni Mommy sa tagiliran si Daddy. Napangiti ako ng husto, sa unang pagkakataon, napangiti ako. They are so sweet!

"Hindi matanggap ni Helena ng sabihin kong mahal ko si Helga. Sinabi nyang buntis sya. Natakot akong sabihin yon kay Helga dahil baka iwanan ako pero nalaman din ni Helga, iniwanan nya ako. I was so devastated kahit hindi ko pinahalata. I tried to be with Helena, she helped me built Ahmed Mall and during the process, I learned that Helga was pregnant to Gilad. And that time I also learned that Helena was not pregnant. Iniwanan ko sya at galit na galit ako."

"Ngayon nga ay galit na galit sya. Lalo na sa Ahmed Mall. She thought it was her idea. It was. But your Mom worked for it. And now Ahmed is working hard for it.. Wag kayong mag-alala. Ngayon ay nasa custody na sya ng batas. Smiths & Viernes, they were both dead. Yukan'na will replace our security. Ria, Ahmed needs your help."

Tumango ako.

"Rab, you will help Gilad. Xenon, we will help you with our factories."

Isang gabing Business as Usual sa aming pamilya. Bago matapos ang meeting na yon, tumikhim ako at nagtaas ng kamay. Kailangan kong ipakilala si Rigo.

"Dad.. When I was attacked by Chief Smiths, yung sinasakyan kong taxi, nabaril ang taxi driver. Hindi ko po alam kung namatay sya pero ibinilin nya sa amin ang anak nya, and he's here with me."

Tumahimik ang lahat, kumunot ang noo ni Daddy.

"Shall we confirm if the driver is really dead?" si Daddy.

Tumango ako. Kahit pa napamahal sa akin si Rigo, dapat pa din sya sa kanyang magulang kung buhay nga ito.

Things should fall into their right places.

At ako, dito ako.. Hindi na ako dapat magpumilit na bumagay sa lugar na hindi naman para sa akin. No matter how simple it is, no matter how I like it.  Tumututol din naman ang tadhana sa gusto ko.

I was born to lead our business, hindi para ang mangisda, magtago kung saan. I should swallow this hard truth. Where I have everything is the exact place where I feel empty. But this is where I should be.

Ang mga sumunod na araw ay mas naging abala sa aming pamilya. Parang napakatagal na nga noong nangyaring kaguluhan.

Lagi kaming sabay na umaalis ni Kuya Ahmed patungo sa kanyang mall's head office. Bitbit ko lagi si Rigo at Mishel.

It was a sad news when we all learned that Mang Chuck was confirmed dead. Ngayon nga ay pinoproseso na ang adoption papers ni Rigo para malipat sya sa aking pangalan.

"Ano ang gusto ng batang yan?" Pilit kong pinatatawa si Rigo habang lunch break sa Ahmed. Inutusan ko si Mishel mag-lunch at ganoon di si Kuya Ahmed. Sana ay hindi lang masakal ni Kuya Ahmed si Mishel dahil at home talaga ang aming kasambahay at naiirita si Kuya Ahmed doon. Ayaw nya kasi ng mga feeling close.

"Tatay ang gusto nyan." Pumasok si Kuya Ahmed sa loob ng aming private office habang hila hila si Mishel sa kanyang manggas.

"Ano ba Sir! Wag mo naman ako dinadaan sa dahas! Napapakiusapan naman ang beauty ko!" Tutol ni Mishel.

Suminghal si Kuya Ahmed. In fairness, may facial expression na sya dahil kay Mishel.

"Mayroon syang Tatay." Bigla kong nasabi.

"Oh? Asan?" Nagtaas ng kilay si Kuya.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang itim na itim na mata ni Rigo.

Nasaan nga kaya si Tatay?

Dalawang linggo na ang nakakalipas, hindi man lang nagparamdam. Kahit si Yuki ay hindi din nagparamdam. I seriously need to apologize. Ilang gabi na din ako hindi pinapatulog ng bagay na yon.

Mayroong kumatok sa pinto kaya nahinto sa pag-aaway si Kuya Ahmed at Mishel, pati ang paglalaro namin ni Rigo ay natigil.

Tumayo ang secretary namin ni Kuya na si Antoniette para daluhan ang nasa pinto.

'Yes Ma'am? May appointment po? Okay, I will ask..'

Narinig ko pa si Antoniette na nakikipagusap bago sarhan muli ang pinto.

"Ma'am Ria, may naghahanap po. Heather Wilson daw po.." Si Antoniette.

Natigilan ako at nagkatinginan kami ni Kuya Ahmed. After contemplating, I stood up. I know I need to talk to her too.

--

Maki Say's: Until chapter 55 ito :) And those who were asking about Maria's parents, actually I am currently writing it for someone. Wala pa sa wattpad. Babalitaan ko kayo ✌🏽️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro