Kabanata 5
Pahirap.
"Tabs!"
"Yabs."
"Tabs!"
"Yabs."
"Tabs!"
'Uy! May tawagan na talaga sila! Huhuhu!'
'Ano kayang ibig sabihin non?'
'Bakit yang mataba pa na yan?!'
"Oh my gosh! Kayo na talagang dalawa?!" Huminto si Selene sa harapan namin ni Gaelan, patungo sana kaming Food Alley habang si Yuki naman ay nauna na sa paglalakad. Isa ding weirdo yon.
"Back off, Selene." Masungit na sabi ni Gaelan.
"No. I am Ria's only friend kaya dapat alam ko." Pagpupumilit pa ni Selene. Napangiwi ako. Kung alam mo lang talaga Selene...
"Oo, kami na nga! Tsk, kailangan talaga ipag-diinan?!" Sigaw ni Gaelan. Tumahimik ang buong Keio. Ang paghuni lang ng ibon ang maririnig. Nahiya nga akong huminga dahil baka marinig nila dahil sobrang tahimik.
'Oh Sht. He means it.' May isang babae ang hindi napigilang mapabulalas.
Napaawang ang mapupulang labi ni Selene, nanliit ang husto ang bilugan nyang mga mata na kulay blue.
"Langya ka Ancheta! Paano mo ginawa yon?" Malakas na hinampas ni Selene ang balikat ni Gaelan, agad na sumama ang mukha ni Gaelan at akmang hahampasin din si Selene.
"Gaelan!" Mula sa malayo mayroong sumigaw. Salubong ang kilay ni Zeus na naglalakad papalapit sa amin.
"Tsk." Sambit ni Gaelan. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila lalo na nang lumapit si Zeus kay Selene at tiningnan ito ng may pag-aaalala.
"Ayos ka lang?" Zeus asked. Umirap naman si Selene.
"Ang OA mo. Subukan ni Gaelan galawin ang dulo ng daliri ko, isusumbong ko sya kay Daddy!" Buong pagmamalaking sabi ni Selene.
"Tss. I should tell Ninong Alec how bitchy you are!" Pagbabanta ni Gaelan.
"I should tell Ninang Blair how jerk you are!"
"Tara na, Selene.." Pumagitna ako sa kanilang dalawa dahil mukhang walang magpapatalo. Matigas ang ulo ni Gaelan, ganoon din si Selene pero syempre mas kampi ako kay Selene dahil mabait sya sa akin.
"Teka, Tabs! Kakain pa tayo!" Sigaw ni Gaelan nang naglalakad kami ni Selene papalayo.
'Ay grabe na ang sakit! May tawagan talaga sila!' Mayroon na namang nagsalita sa di kalayuan.
"Busog pa ako, Yabs. Ikaw na lang." Binigyan ko sya ng pekeng ngiti.
Kitang kita ko ang pagsimangot ni Gaelan. Halatang ayaw nyang tinatawag syang Yabs.
"Bibilhan mo pa ako ng pagkain di ba." Tumakbo pa si Gaelan at inagaw ang kamay ko kay Selene.
"Fried chicken lang naman ang kinakain mo eh. Ano bang challenge doon?" Huminto ako at hinuli ko din ng tingin ang kanyang mga mata.
"Hindi ko gusto ng fried chicken ngayon! Gusto ko ng gulay. Ikaw ang pumili."
'Naglalambing si Gaelan sa kanya!'
'Eiw, bakit walang taste si Gaelan?!'
'Wag mong ipaparinig yan kay Gaelan, baka magalit yan.'
kailangan ko na atang masanay sa malalakas na bulungan kapag malapit ako kay Gaelan. Tsk.
"Sasama ako!" Singit ni Selene.
"Hindi na, bakit sasama ka pa?" Kontra naman ni Gaelan kay Selene. "Zeus, igapos mo nga yang chick mo." Nakangising sabi ni Gaelan kay Zeus na nakasunod lang pala sa amin sa likuran. Nakapamulsa sya at nakatuon lang ang mga mata nya kay Selene.
"Hindi nya ako chick!" Namula ang pisngi ni Selene, angat na angat ito dahil maputi ang kanyang kutis na parang snow.
Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi ni Zeus, para bang natutuwa sya kapag naiilang si Selene.
Pumunta kami ni Gaelan sa Food Alley at hindi na nga nakasunod pa si Selene, wala pa akong susunod na klase dahil free cut namin. Gaya ng dati, inabutan ako ni Gaelan ng isang libo para ibili sya ng pagkain.
Tumungo ako doon sa Filipino selections ng Food Alley. Bumili ako ng rice, pinakbet at inihaw na tuna. Imbes na coke, bottled water rin lang ang kinuha ko.
Pagkababa ng pagkain sa harapan ni Gaelan, sumimangot agad sya.
"Bakit yan?!" Masungit na tanong nya. Ngumuso ako at umupo sa kanyang harapan.
"Sabi mo gusto mo ng gulay."
"Tsk, ayoko nyan." Umiling sya at parang nandidiri pa doon sa pagkain.
"Wag kang ganyan, baka magtampo sayo ang grasya. Masarap ito." Sumandok ako ng kanin at nilagyan ko ng kalabasa. Itinapat ko ang kutsara sa kanyang bibig pero umiling sya. Yung sunod sunod na pag-iling na parang bata.
"Hindi ka kumakain ng gulay?" Nagtatakang tanong ko. Umiling syang muli.
"Dapat kumain ka na nito ngayon, alam mo ba na 1,000 people everyday ang namamatay dahil sa hypertension. Dahil lagi silang kumakain ng makokolesterol na pagkain---"
"Say it to yourself, Tabs. Bago ako mamatay sa hypertension, ikaw muna kasi mas mataba ka pa sa akin. Sigurado ako na sampung cups ng rice ang inuubos mo sa isang araw at ang balat ng chicken ang ginagawa mong chips." Natatawang sabi nya sa akin. Sumimangot naman ako.
Ang sama nya talaga.
Humalakhak sya ng hindi na nya mapigilan.
"Nakakatawa ang mukha mo, Tabs. Lalong lumobo ang pisngi mo! Gusto mo bang bilhan kita ng chicharon?" Nanginginig pa ang balikat nya sa sobrang ligaya.
"Grabe ka, Yabs. Kaya lang naman ako tumaba kasi magaling mag-alaga si Mama.." Pagtatanggol ko sa aking sarili pero hindi naman ata sya nakikinig dahil tawa sya ng tawa.
Binagsak ko ang kutsara na hawak ko, hinawakan ko ang bag ko at tumayo na.
"O saan ka pupunta?" Natatawa pa ding tanong nya.
"Aalis na ako, hindi ka naman pala kakain."
Tumalikod na ako at lumayo na sa lamesa. "T-teka! Tabs, pikon mo! Kakain ako!" Pahabol nya pa. Hindi ko na sya pinansin pero naramdaman ko na lang ang paghawak ni Gaelan sa braso ko.
'Ay may LQ agad?'
"Sige na, kakain na ako. Madaming nakatingin kaya wag mo akong ipapahiya kung ayaw mong magalit ako." Bulong pa nya sa akin ng may halong pagbabanta. Nagpatianod ako sa paghila ni Gaelan. Umupo akong muli sa harapan nya.
"Subuan mo ako." Utos nya. Napaawang ang labi ko.
"Tss. Kanina sinusubuan mo ako, gawin mo ngayon!" Pagdidiin nya na may kasama pang pag-ismid. Huminga ako ng malalim.
'St. Monica, Mother of Patience and Tolerance, please give me kindness today.'
Sumandok ako muli ng kanin, nilagyan ko ng kaunting gulay at isda at sinubo ko iyon kay Gaelan. Mabilis nya yong nginuya na parang hindi humihinga pagkatapos ay lumagok ng tubig. Gusto kong matawa sa itsura nya dahil namumula ang mga mata nya na parang hindi nya gusto ang nangyayari sa kanya.
Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ni Gaelan pero patuloy pa din sya sa pag-subo tuwing sinusubuan ko sya. Kawawang bata!
"Bakit ka natatawa?!" Galit na tanong na naman sa akin ni Gaelan.
"Kasi namumula na ang mukha mo." Ngumisi ako. Nag-iwas sya ng tingin.
"Hindi pa ba ubos?"
"Isa na lang, AH!!!" Nilahad ko ang huling serving doon sa bibig nya.
'They are so PDA! Ilang buwan na ba sila?'
Nagawa nga ni Gaelan ang huling pagsubo. Uminom agad sya ng tubig mula doon sa mineral water bottle nya.
"Very good, Yabs!" Papuri ko sa kanya.
Nilabas ni Gaelan ang dila nya. "Ang sama ng lasa!" Reklamo nya.
"Masasanay ka din. Nasa isip lang naman ng tao yan kaya hindi masarap ang gulay. Sa bahay namin, laging gulay at isda ang niluluto ni Mama." Kwento ko.
"Hindi ako makikikain sa inyo."
"Hindi din naman kita iimbitahan." Sagot ko naman, pinandilatan nya ako ng mata. Pati ang butas ng ilong nya nanlaki din. Nakakatuwa syang asarin, para pala syang bata. Kaya lang kapag nagagalit sya ng totoo, nakakatakot, kaya tuloy sunod sunuran ako sa kanya.
Nag-alarm na naman ang bell para sa afternoon classes. Tumayo na ako, nag-angat naman ng tingin si Gaelan mula sa pagtitipa sa kanyang cellphone.
"Pupunta na ako sa klase ko, maiwan na kita." Maayos na pagpapaalam ko. Tumango si Gaelan at tumayo na din.
"Bakit?" tanong ko ng inagaw nya sa akin ang bag ko.
"Tss, ihahatid kita."
"Hindi naman ako maliligaw."
"Tsk, tanga ka ba? Girlfriend nga di ba? Kailangan ihatid kita para mas convincing!" Bulong nyang muli sa akin. Tumango tango ako at hinayaan sya sa kanyang gusto. PE ang next class ko kaya tinahak namin ang daan patungo sa gymnasium.
"Sige na, ayos na ako dito." Huminto ako sa tapat ng locker room ng girls para magpalit ng PE uniform. Ito lang ang tanging uniporme na mayroon kami, mas pinili kasi ng mga estudyante na ipagparangalan ang mamahalin nilang damit kahit dito sa university.
May mga babaeng pumasok din sa loob ng locker room, lahat sila ay nakatingin kay Gaelan. Hindi man lang sila tinapunan ni Gaelan ng tingin.
"Iintayin kita hanggang sa matapos."
"Hindi ka ba pumapasok sa klase mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Noon ay hindi ko napapansin pero ngayon kumbinsido na ako. Parang hindi kasi sya nagmamadali lagi. Parang may sariling oras.
"We are not required to." Sagot nya pagkatapos ay tumalikod na.
Ang cool nyang tingnan kapag naglalakad sya papalayo. Parang walang pupwdeng humarang sa kanya o di kaya ay manakit. Kinakatakutan pa sya ng lahat.
"Hoy biik! Paano mo ginayuma si Gaelan?" Napalingon ako sa likod ko ng may humila ng braso ko.
"Hindi ko sya ginayuma." Mabiis na sagot ko.
"Anong hindi?! Paano naging kayo?!"
"E-ewan ko." Kinabahan ako ng ipasandal ako ng babaeng may maamong mukha doon sa locker. Nasaktan ako pero hindi ako makapagreklamo dahil may nakatayo din na apat pang babae sa kanyang likuran. Hindi ko sya kilala, hindi ko sya kaklase.
"Matagal na naming binabantayan si Gaelan tapos sayo lang pala mapupunta?! Humanda ka sa mga susunod na araw! We will make your life miserable at hindi ka maaring magsumbong kay Gaelan dahil babalikan kita!" Gigil na pagbabanta ng babae.
"Rona, let's go.. Andyan na si Sir Advincula!"
Nakahinga ako ng maluwag ng iwanan nila ako sa locker room. Ano bang nagustuhan ng mga ito kay Gaelan? Hindi naman sya mabait. Hindi din naman sila pinapansin. Napailing na lang ako.
Nagpalit ako ng PE uniform ko at nagtungo sa bleachers kung nasaan ang mga kaklase ko. Nasa harapan na si Sir Advincula na mayroong hawak na listahan.
"Nasa akin na ang listahan ng mga pumasa sa inyo sa try outs." Anunsiyo ni Sir Advincula. Naalala ko nga na noong unang linggo ng klase, nagkaroon ng try out ang iba't ibang teams para sa mga freshmen na isasali nila bilang bagong miyembro. Elite Circle ang tawag nila imbes na Sports Club. Maayos kasi ang training ng mga ito dahil nirerepresent nila ang Keio sa Interschools at ang mga nagiging miyembro ay sumisikat nationwide.
"Basketball, Toledo, Ang, Suarez." Tumayo ang tatlong kaklase ko at nag-apir pa sila sa isa't isa. Nagpalakpakan din ang mga kaklase ko at nakisali na din ako dahil dama ko ang kanilang tuwa.
"Volleyball Womens, Arevalo."
'Yes!' Tumayo si Monica at halos mapatalon pa sya dahil sa tuwa. Malaki syang babae at payat, bali-balita nga na sikat na sya sa volleyball noong highchool pa lang at pinili sya ng Keio dahil sa skill nyang yon.
Sunod sunod ang naging pagtawag sa mga pangalan, mayroong mga team kagaya ng Men's volleyball ang hindi kumuha sa amin kaya nadismaya ang ibang sumali.
"And lastly, cheerleading." Binitin ni Sir Advincula ang kanyang sasabihin.
"Alam kong madami sa inyo ang sumubok, sinabi iyon sa akin ni Rona. Isa lang daw ang nakapasok." Malungkot na pagbabalita ni Sir Advincula.
"Yes, ako na yan! Ako na!" Tumayo si Tyra at kumaway sa lahat.
"Im sorry, Tyra, but Maria Arabella Kassandra Floresca will be joining the squad." Ngumiti ako at hinanap ang kaklase kong tatayo para palakpakan.
"Ria?" Untag sa akin ng katabi kong si Lisa. "Ikaw yon hindi ba?"
Doon pa lang nag-sink in ang sinabi sa akin ni Sir Advincula. Binanggit nya ang pangalan ko!
"Nag-try out ka?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Tyra.
"Hindi!" Mabilis na sagot ko at yun naman ang totoo.
"Inagaw mo na ang lahat sa akin!" Maluha luhang sambit ni Tyra sabay takbo papalabas ng gym na sinundan naman ng mga kaibigan nya.
"Hindi po ako nag-try out!" Pagpupunto ko.
"Don't be shy Miss Floresca. It's fine. Mamaya nga pala ang unang rehearsal mo kasama ang squad. You may rest for now dahil kasunod ng PE class nyo ang rehearsal." Nakangiting sabi ni Sir Advincula. Bumagsak naman ang balikat ko.
Wala sa sariling lumabas ako ng gymnasium. Napabuntong hininga ako at napatingala sa langit.
Ano na naman pong challenge ito, Lord?
"Kitang kita ko ang ikalawang baba mo kapag nakatingala ka." Napalingon ako sa nagsasalita. Nakita ko agad si Gaelan na nakahiga doon sa ilalim ng puno ng mahogany. Mayroong nakalatag na tela sa kanyang likuran at ang kanyang magkabilang braso ang ginawa nyang unan. Naglakad ako papalapit sa kanya. Umupo pa ako doon sa kanyang tabi.
"Kasali ako sa cheering squad." Bulong ko. Agad na napabangon si Gaelan.
"Ikaw? Eh di ba puro magaganda lang ang kasali doon? Haha!"
Sinimangutan ko si Gaelan, "Hindi naman ako sumali don eh!" Bulalas ko.
"Sus! Hindi daw! Sabihin mo kung kailan ang practice nyo ah, para makalayo ako. Baka lumindol sa Keio kapag sumayaw ka."
Gusto ko na lang maiyak dahil sa frustration. Kung sino man ang nagsali sa akin don malamang gusto akong ipahiya o pahirapan. Siguradong may kinalaman kay Gaelan iyon pero hindi naman ako maaring magsumbong kay Gaelan dahil tyak na malalagot ako lalo at mas pag-iinitan. Or worst, wala syang gagawin dahil wala naman syang pakialam.
Oo nga pala't isa din sya sa nagpapahirap sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro