Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 45



Instant.

Kahit saan na ako dalhin, wala na akong pakialam. Nakatuon ang pansin ko sa naiwan kong taxi na naglalaman ng duguan na Mamang Driver. Halos mapunit din ang lisensya sa kamay ko. Puro dugo iyon pero hindi ko alintana.

Walang kumilos ngayon kung saan naganap ang barilan. Ang hummer ay nakabukas ang lahat ng pinto. Mayroong limang katawan ang nakakalat sa ibaba mismo nito at isang katawan doon sa may taxi kung saan ako nakapwesto kanina.

May takip ng mukha ang ilan, samantalang isang pamilyar na mukha ang nakita ko doon sa mga nakahiga at walang malay.

"C-Chief Smiths!" Sumigaw ako ng makita na duguan din at nakahandusay sa kalsada ang head of security namin. Kung titingnan mo ay hindi na sya humihinga pero umaasa ako...

Doon ko na realize na nasa malaking panganib nga ako at wala na akong aasahan. Unti unting may naghihintuang sasakyan sa crime scene, nagsimula ng umosyoso ang mga tao dahil ilang dipa na lang ang layo namin sa main road. Mayroon pa ngang sinadya ang kinaroroonan namin kanina. Nakarinig pa ako ng alarm ng pulis sa di kalayuan kaya kumalabog ang puso ko. I should wait for the police but I am stepping backwards. Sumisiksik sa mga puno sa gilid ng main road.

"Faster!" Sambit ng may hila sa kamay ko. Doon lang bumalik ang lahat, someone pulled me from the taxi! At hawak nya pa din ang kamay ko ngayon.

Ibig sabihin ay nagtagumpay ang may masamang balak. Napatay nila si Chief Smiths kaya nakakuha sila ng pagkakataon na kuhain ako mula sa taxi at kidnapin!

Kasunod ba ay hihingi sila ng ransom? They will emotionally torture my family for days? Hindi ako makakapayag! Para akong dinudurog sa isiping kailangan ko na ding isuko ang aking buhay ngayon din.

"Just kill me now." Nanlalabo ng husto ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pagluha. Kung noon ay ayaw kong masaktan, iba kapag nasa panganib ka-- tatanggapin mo na lang ang lahat. Mas gusto mo na lang mamatay dahil papatayin ka din naman kalaunan, pagkatapos ng katakot takot na pananakot na papatayin ka nila, they will still do it after they get what they want. I'd rather wish for a quick death kaysa sa kung ano anong torture.

Pumikit ako at nagpabigat. Patayin nya na lang ako kasama ng bodyguard ng pamilya ko. At least mahahanap nila ako agad kung sakali. I just pray they will think of the taxi driver, sana ay maisipan nilang tumulong sa pamilya nya kung sakali.

"Tss."

Nagulat na lang ako ng umangat ako sa lupa at isinampay ako sa isang balikat.

"Get back to your senses, Maria. You are in danger."

Ang pamilyar na boses na yon. Matigas at maawtoridad.

"G-gaelan?" I asked. Hindi sumagot si Gaelan na mabilis na naglakad patungo sa main road at humalo kami sa napakaraming tao. Napalitan ang matataas na damo ng mga building sa paligid. Right! Nakalagpas na kami sa residential area at ngayon ay nandito kami sa matatayog na simbolo ng lungsod.

Pinagtitinginan kami dahil ang laki laki ko na at buhat buhat nya pa din ako ni Gaelan, parang balewala naman ito sa kanya dahil abala sya sa pagtingin sa cellphone nya. Bahagya ko na lang iniyuko ang ulo ko at hindi na din tumingin pa sa mga tao habang walang kahirap hirap na buhat ni Gaelan.

Sumusunod kami ni Gaelan sa tracker ng cellphone nya. Kung saan saan kami nagsusuot. Kahit sa maliit na pagitan ng mga building sa isang commercial area, sinusuong namin. Malalaki ang naging hakbang ni Gaelan kaya naman nakita agad namin ang hinahanap nya. Isang motorsiklo. Hindi kasing garbo ng kay Yuki pero mukhang maayos naman.

Kinuha ni Gaelan ang nakasabit na helmet pati na din ang jacket.

"Wear this." Iniabot ni Gaelan sa akin ang kanyang hawak. Hindi na ako nag-atubiling suotin yung jacket dahil kahit mataas ang sikat ng araw, nakaramdam ako ng panlalamig. Hindi ko maisuot ng maayos ang jacket. Pumapasok sa isip ko na muntik na talaga akong mamatay wala pang isang oras ang nakakaraan.

Now that it is just me and him, I feel safe, at the same time I feel weak. Wala akong nagawa kanina para iligtas ang sarili ko.

"Nanginginig ka." Hinawakan ni Gaelan ng mahigpit ang kamay ko. Bahagya akong napagitad pero kumalma din naman, ramdam ko pa din ang takot. Unti unti ay may bumagsak na namang luha sa akin. Gusto kong magsumbong kay Gaelan. Gusto kong umiyak habang sinasabi ang naramdaman ko kanina at ang pasasalamat ko na iniligtas niya ako.

Isang mahigpit na yakap ang binigay sa akin ni Gaelan para tumahan ako. Naramdaman ko ang pagiging ligtas sa kanyang yakap. Halos madurog ako sa higpit ng yakap nya pero gusto ko yon. Gustong gusto.

"Hindi ka mapapano, basta nandito ako." He whispered. Tumango tango ako habang patuloy sa pag-iyak. Wala namang tigil si Gaelan sa pagpapatahan sa akin. Binubulungan ako ng mga nakakapantag na salita.

Inilayo ni Gaelan ang kanyang sarili sa akin ng kumalma na ako pagkatapos ay sya na ang tumulong sa akin sa jacket.

Minaneho ni Gaelan ang motor at sa loob ng isang oras ay nasa kalsada lang kami. I really think na nakalayo na kami mula sa pinangyarihan ng ambush. Hindi na din ganoon kabilis ang pagmamaneho ni Gaelan at hindi na nagmamadali.

May hinintuan muli kaming lumang bodega. Ang mga bodega sa setting ng isang Cowboy Film, luma at abandonado. Bumaba si Gaelan para buksan ang gate na chicken wire lang ang harang at isang padlock. Ipinasok nya ang kanyang motor sa warehouse at doon ako namangha ng husto...

Sa loob ay isang hindi inaasahang modernong pasilidad. Mula sahig hanggang bubong ay kulay puti. Doon nakakubli maraming sasakyan, mula sa ordinaryo hanggang sa mamahalin ang itsura. Naglakad kami sa isang hallway na puro sasakyan. Sa isang biometric scanner, nilagay ni Gaelan ang kanyang hintuturo at bumukas ang isa pang sliding metal door, isang elevator! Kung patungo saan ay hindi ko alam.

Isang matinis na tunog hudyat ng pagbubukas ng elevator ang sya namang pagbungat ng napkaraming baril at explosives sa isang kwarto na gawa sa metal, hindi ganoon kaliwanag ang ilaw. Makikintab ang lahat at nakasalansan ng maayos ang bawat isang sandata.

What do we need this for?

Walang ginawa si Gaelan kundi maglagay ng kung ano anong baril at pasabog sa isang itim na duffle bag.

"A-ano yan?" Kinakabahang tanong ko ng humawak si Gaelan sa isang granada na kadalasan sa pelikula ko lang nakikita. Hindi kaya sumasabog agad ito kapag nalaglag?

"Grenade." Kaswal na sagot nya.

"Kailangan mo ba nyan? Umuwi na tayo.."

Umiling si Gaelan na parang hindi makapaniwala sa ideya ko. Naglakad syang muli papalayo sa akin at kumuha ulit ng maliit na baril at iniabot nya sa akin pero hindi ko tinanggap.

"No. I want to go home!" Pagpupumilit ko. I have so many things to do! Pupuntahan ko pa ang anak na sinasabi nung driver kanina.

Huminga ng malalim si Gaelan na tila nagpipigil lang ng emosyon.

"There's no home.. Wala na, Maria. Wala kang babalikan. Everyone in your family flew outside the country. Everyone." Wika ni Gaelan sa akin. Ako naman ang hindi makapaniwala.

I was with Daddy this morning! Nagpaalam pa ako sa mga Kuya ko bago sila pumasok sa opisina. My mom even combed my hair before she went out with Dad.

"An hour ago, tumawag ang Daddy mo at sinabing dalhin kita sa Laya Air because there's a big threat to your family. Sgt. Viernes bumped your parent's car while they are on their way to the office. Sinadya iyon. May pulis lang na dumating kaya sila nakarating sa Laya."

"Pero pagdating doon, isang death threat ang natanggap ni Gilad. They will kill your family at 3PM in the afternoon."

Napasinghap ako sa sinabi ni Gaelan. Death threat? Bakit? I never thought we were in danger before. I always feel safe!

"Itinawag agad sa akin ni Master Al na kailangan kitang dalhin sa Laya dahil doon. Then the police called, Sgt. Viernes spoke about the assassination plot to your family, your family security plot against you."

My mouth fell.

"H-hindi.. Impossible-- Si Chief Smiths---"

"I killed Smiths. I shot him because he was the one chasing you. He will kill you." Buong kumpiyansang sagot ni Gaelan.

The words are like bombs. Nalalaglag isa-isa at ang hirap tanggapin.

Sobra sobra ang nalaman ko ngayong araw na ito. My family is outside the country now.

"Then let's go to Laya!" Sambit ko. Kahit hindi parehas na eroplano then maybe I could hop in to another plane. Magkikita na lang kami kung saan sila nagpunta!

Umiling si Gaelan. "Sabay sabay pinasabog ang eroplano ng Laya Air kaninang ala una ng hapon kaya pupunta sana ang magulang mo doon para tumulong kay Gilad. Kaya lang, kasabay non ang pagsunog din sa Ahmed mall--"

"N-no, no.. Hindi yan nangyari. You are lying! Ibalik mo ako sa pamilya ko! They will not leave me here! Kung nasunog ang lahat ng eroplano, paano sila nakaalis!" Naghihysterical na ako sa sobrang gulo ng isip ko. I understand every word but I cannot decode it in my brain! Parang puro riddles ang sinabi nya na may kalakip lang na ibig sabihin.

"They borrowed plane from Tan Group of Companies! Kaya nga dapat ay sasabay ka doon pero mas malaki ang tsansa na mapahamak silang lahat kung magtatagal pa! Pinasok kita sa kwarto mo pero nakita kong wala ka doon. Halos mabaliw ako kanina dahil akala ko nakuha ka na din nila. They want to kill your family all together. At the same time! That was the plan. Ala una, susunugin ang lahat ng inyong negosyo. Alas tres, papatayin kayong lahat! Yan ang sinabi ni Viernes!"

Mas lalo akong napaiyak. Wala na pala ang lahat. Hindi ko namalayan! At nasa bingit pala kaming lahat ng kamatayan. I want to see my family. I want to make sure they are okay.

"H-how can I t-talk to Dad?"

Malungkot akong tiningnan ni Gaelan. "There's no way.. Before they took off, I promised him I will take care of you. I have to decide that they should not wait for you. Mas lalo kayong mapapahamak lahat kung mapapatagal ang pag-alis. Im sorry. That's the most that I can do."

Lumuluha akong tumango. Kung ako din naman ang papipiliin ay ganoon din.

Then what now? Saan ako magsisimula? Wala akong pamilya. Wala din akong kahit ano. Our businesses are ruined. Matitigil ang operasyon ng Laya Air, ang Ahmed Malls ay naging abo na. Marahil pati ang pabrika ng autoparts ay ganoon din. Our security betrayed us. Inaasahan ko pa ang sunod sunod na complaints sa Laya o di kaya sa Ahmed o sa factory kung may mga nadamay na tao.

"I was so reckless, dapat ay kasama nila ako ngayon.." Buong pagsisising bulong ko.

"Yes you are reckless." Matigas na sabi sa akin ni Gaelan. Napayuko na lang ako sa hiya. Pinigilan kong lumuha pero hindi ko mapigilan.

"That's what I am here for, so stop worrying about that. Bilisan na natin."

Mabilis na kumilos si Gaelan. Hindi ko nga maintindihan kung ano ang kinukuha ko basta tinutulungan ko lang sya.

Hinila ako ni Gaelan sa isang kwarto pagkatapos ng ginagawa namin at nakita ko doon na may mga bagong damit na iba't ibang klase. Binigyan ako ni Gaelan ng daster para suotin. Mapusyaw na dilaw ang kulay. Kumuha pa sya ng maraming pares na ganoon din at nilagay sa isang backpack.

"B-bakit ko ito susuotin?" Hindi naman sa nagrereklamo ako pero mayroon naman akong damit. Hindi naman siguro kailangang magpalit ng damit ngayon.

Napabuga ng hangin si Gaelan na tila napapagod na magpaliwanag.

"Kasi kung hindi mo ako tinakasan, sana hindi ka maiiwan ng pamilya mo dito sa Pilipinas. Because Miss, you are now officially wanted by those criminals. Delikado na ang buhay mo at ang mababaw, gasgas at nakakabobong ideya na naiisip ko para maitago ka ay magdisguise ka."

"Disguise? Sa daster? Nagpalit lang ng damit, hindi na agad ako? Magic daster ba ito? Pang-agent?" Sunod sunod na tanong ko.

"Tsk, ang dami mong tanong. Kailangan mo munang magpalit ng damit. Malamang may nakapagreport na ng suot mong yan. Kapag may humabol sa ating dalawa, kasalanan mo." Pananakot pa sa akin ni Gaelan sabay angat ng kanyang tshirt habang nakikipag-usap sa akin.

"A-ano yan?" Halos pasigaw kong tanong sabay talikod. Did he just took off his pants in front of me?! Ugh! Yung tshirt ay matitiis ko pa pero ang pantalon talagang tinanggal din sa harapan ko!

"Nagbibihis! Magrereklamo ka?" Tanong nya ng naiirita.

"Syempre magrereklamo ako! Ako ba nagbibihis sa harapan mo?" Di ko mapigilang tanungin ng hindi tumitingin. Agad naman akong nagsisi dahil nakarinig ako ng pagak na tawa mula kay Gaelan.

"Sige nga?" Paghahamon nya.

"Tse!"

Umirap ako at tinungo agad ang isang maliit na pinto patungo sa banyo na hindi na sya nilingon. Hindi ko alam kung bakit ako nagsuot ng ganito, sa lahat ng disguise ito talaga ang napili nya. Alanganin akong lumabas dahil sa nakikita kong repleksyon sa salamin.. I look like myself...

YEARS ago!

Yung lumang ako. Yung baduy at walang ayos.

"Hey, long time no see!" Nang sa wakas mapagdesisyunan ko na lumabas pagkatapos magbihis, sinalubong agad ako ni Gaelan ng mayroong nanunuyang tingin.

"Ayoko nito! Hindi ba puwedeng magdisguise ng iba?"

"Like what? Hindi ka naman pwedeng maging rabbit, o di kaya hamster, or butterfly." Nagtaas ng kilay sa akin si Gaelan.

Nakipagtitigan ako sa kanya pero ako din naman ang sumuko. Anong disguise nga ba? Wala din akong alam.

"You have to listen to me, Maria. I am all that you got." Seryoso si Gaelan ng sinabi nya yon.

Kaya ngayon nakasakay ako sa sasakyan na lumang modelo. Si Gaelan ay nakasuot ng maluwang na tshirt at faded jeans. Nagpapanggap syang mahirap pero napakagwapo pa din.

Tumingin ako sa kamay ko kung nasaan ang lisensya ng taxi driver na nakita ko. His face will forever haunt me. Sana ay may tumulong sa kanya kung may pag-asa pa syang mabuhay.

CHUCK DE GUZMAN.

Yan ag nakalagay sa lisensya. Tiningnan ako ni Gaelan ng may nagtatakang mata.

"Ano yan?" He asked bago muling ibinalik ang mata sa kalsada.

"Ibinigay sa akin ng taxi driver na nasakyan ko kanina. Gusto nyang puntahan ko ang anak nya--"

"No, we will not do that." Putol sa akin ni Gaelan.

"Pero sa akin nya ipinagkatiwala ang anak nya.. Bata pa yon.. Paano kung namatay na si Mang Chuck? Paano ang anak nya?"

"Paano kung nabuhay?"

"Kailangan pa din ng magbabantay sa bata. Wala na syang nanay.. Namatay daw ang asawa ni Mang Chuck sa panganganak. Paano kung maospital si Mang Chuck? And worst paano kung wala na talaga.." Nanghihina ako sa isiping yon. Dahil sa akin nadamay ang inosenteng tao. O may mga nadamay na inosenteng tao dahil sa pamilya namin ngayong araw na ito. I will pray for their safety, sana ay mayroong tumulong sa kanila. Sana ay mayroong umayos ng problema.

"Sige na. Wag ka nang umiyak. Hahanap tayo ng tyempo pag mas dumilim na." Kinapa ko ang mukha ko at naramdaman ko na naman ang pagkabasa non. Naiyak na naman pala ako.

Bumwelta ang sasakyan ni Gaelan pabalik doon sa siyudad. Wala akong masyadong alam sa kalsada pero si Gaelan, mukhang alam ang pasikot sikot. Paliit ng paliit ang kalsadang dinadaanan namin. Pati ako ay nasanay na din sa paglinga linga dahil baka mayroon na namang nakaambang panganib.

Bukod sa napakaraming naglalasing sa kalsada at ilang nagbabasketball, wala naman akong napapansing kaduda-duda. Luma ang kulay silver na lancer ang sinasakyan namin. 90s na modelo pa kaya wala namang pumansin ng nagparada kami sa tapat ng isang tindahan. Wala man lang tumingin.

"Sandali lang. Wag kang lalabas hangga't wala akong sinasabi. Wag kang makulit." Yun ang huling bilin sa akin ni Gaelan bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Nagtanong sya sa nagigitara sa gitna ng  isang umpukan. Agad namang sumenyas ng pagtuturo ang isang lalaki. Sinundan ko ang kamay nya at nakita ko agad ang isang lumang barong-barong na nandoon.

Kumatok sa bintana ng sasakyan si Gaelan at pinalabas ako. Nakaakbay sya sa akin habang binabaybay namin ang kalsadang napakaraming bata na naglalaro pati na din mga matatandang nagkukwentuhan. Hindi ko maiwasan ang mapalingon sa paligid, isang mundong hindi ko nakasanayan. Kahit sina Mama Buding ay hindi tumira sa ganito.

"Tao po.." Kahit nakabukas ang pinto, kumatok pa din kami sa maliit na bahay na tinukoy na kay Mang Chuck.

Walang sumagot pero nakabukas ang TV na maliit doon sa salas na walang tao.

"Tao po.." Ulit ni Gaelan.

"Sandali." May sumagot mula sa loob. Nakatanaw akong isang lalaking nagsusuot ng tshirt nya at mukhang kakagising lang. Huminto sya sa tapat ng pinto at sinipat kami mula ulo hanggang paa. Tumikhim si Gaelan at inilahad ang kanyang kamay.

"Brad, ako nga pala si Raymond. Raymond De Guzman at ito naman ang Misis kong si Anita De Guzman, pinsan ko si Kuya Chuck." Napataas ang aking kilay sa pagpapakilala ni Gaelan pero mahina nya akong siniko kaya nagpeke ako ng ngiti.

Tumango lang ang matangkad na lalaki na aming kaharap, parang hindi naman sya interesado sa presensya namin.

"Wala pa si Pareng Chuck. Namamasada pa yon. Gabi pa ang uwi."  Tila walang ganang sambit ng Mama. Ibig sabihin, hindi nya alam na may masamang nanagyari kay Mang Chuck?

"Oo alam namin yon, Fritz." Wika naman ni Gaelan. Napakunot ang noo ng lalaki, sinong Fritz?

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong nung lalaki. So sya nga si Fritz?

"Sinabi sa akin ni Kuya Chuck. Sinurpresa kasi namin sya kasama ang buo naming pamilya. Nandoon sila ngayon sa bahay namin sa Bicutan, nagvivideoke. Pinapakuha nya si Rigo."

Gusto ko nang palakpakan ang galing ni Gaelan sa pag-arte. Hindi ko naman binanggit ang pangalan ng anak ni Mang Chuck sa kanya, ngayon pati ang nickname ay alam nya din!

"Ah tamang tama! May pa-liga mamaya eh. Makakasali pala ako. Kayo na ang bahala kay Rigo. Pakisabi kay Pareng Chuck, umuwi muna ako sa bahay namin."

Nagsasalita pa si Mang Fritz, nakatalikod na sya sa amin. Pumasok sya sa kwarto at paglabas nya, may bitbit na syang bata. Hindi lang basta bata.

Sanggol!

Umiiyak ito ng husto. Nagkatinginan pa kami ni Gaelan ng iabot sa amin ni Mang Fritz ang baby. Ako ba ang kukuha? O siya? Tinaasan kami ni Mang Fritz ng kilay.

"Hindi kayo marunong magbuhat ng baby?" Nakataas ang kilay na tanong ni Mang Fritz. Sabay kaming umiling. Napa-tsk pa si Mang Fritz ng ituro sa amin kung paano. Pinalahad nya lang ang kamay ko at sinabing alalayan ang leeg ni Baby Rigo. Takot na takot ako dahil baka mapisa ko sa sobrang liit! O di kaya baka mahulog ko dahil iyak sya ng iyak at liyad ng liyad.

"Ssshhh..." Sinubukan kong ihele sa pamamagitan ng pagsayaw si Rigo. In just a matter of seconds, tumahan ito agad. Seriously? Ganoon lang?

"Napatahan mo.." Gaelan said. Tumango tango ako at di ko mapigilan ang maluha ng bahagya, kinagat ko pa ang pang-ibabang labi ko pra pigilan ang pag-luha. Wala na syang magulang. At kasalanan ko.

"Wag kang umiyak.." Binulungan ako ni Gaelan. Si Mang Fritz naman nakanganga habang tinitingnan akong umiiyak.

"May secret kayo no? Kayo ang totoong magulang ni Rigo?" Humalakhak pa si Mang Fritz. "Sabi na nga ba't imposibleng magkaroon ng ganyan kapoging anak yan si Chuck! Siguro kung ako ang ama pupwede pa! Eh kaso sya! O sya! Sige. Babay Rigo! Wag mo silang pahirapan hanggang magkita kayo ni Tatay ah! Lablab yan ni Tatay Fritz! High Five! Apir!" Pinilit pa ni Mang Fritz na ibukas ang kamay ni Rigo para mag-high five sila. Grabe naman ang yaya ni Rigo. Masyadong astig.

Pinalis ko ang luha ko at nauna na kaming lumabas sa bahay pagkatapos iabot ni Mang Fritz ang mga gamit ni Rigo. Mabilis lang kaming naglakad pabalik ng sasakyan pagkatapos pinaarangkada na iyon ni Gaelan.

Lumalalim na ang gabi, nagmamaneho pa din si Gaelan. Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Si Rigo naman ay tulog lang. Napa-gatas na din namin sya kanina kaya mukhang kuntento na sya.

"Maria.. Maria.." Mahinang tapik ang naramdaman ko mula sa aking pisngi. Nagising ako bigla. Napabuntong hininga ako ng makita ko si Rigo sa aking kamay. Hindi ng ito panaginip.

"Nandito na tayo. Halika na." Naunang lumabas si Gaelan sa sasakyan at nakasunod naman ako. Buhangin ang unang natapakan ko. Kasabay non ang paghampas ng malamig na hangin at tunog ng alon.

"N-nasa beach tayo?"

"Tabing-dagat. Nasa Batangas tayo."

Naglakad si Gaelan bitbit ang mga bag namin. Niyakap ko si Rigo dahil pinoprotektahan ko sa lamig. Medyo nakadilat na din kasi sya pero hindi naman sya nagagalit.

"Manang Selya.." Kumatok si Gaelan sa maliit na pinto. Gawa sa pawid at kahoy ang bahay, sa mga katabi nito ay ganoon din. "Manang.."

"Sandali!"

Niluwa ng pinto ang isang may edad na babae.

"O? Daniel? Ikaw ba yan? Ay sus! Ikaw nga Daniel!"

Daniel?

Tuwang tuwa ang matanda at yumakap agad kay Gaelan.

"Ang tagal mong hindi napagawi dito sa Sta. Monica ah! Bigla ka pang nawala."

"Oo nga ho eh. Nakakontrata sa abroad." Nagkibit balikat si Gaelan.

"O e anong ginagawa mo dito, Daniel. May kailangan ka ba?" Nagtatakang tanong ni Manang Selya.

"Ay oho. Itatanong ko kung maayos pa ho ba yung kubo ko."

"Ay oo naman! Lagi naming nililinisan ni Mercy iyon. Alam mo naman yon si Mercy, malakas ka doon!" Humagikgik pa si Manang Selya na parang kinikilig. Gustong tumaas ng kilay ko pero pinigilan ko.

Sino namang Mercy yon?

"Kayo talaga Manang, hanggang ngayon tinutukso nyo pa din ako. Eto nga't kasama ko ang misis-- Aw!" Inapakan ko ang paa ni Gaelan bilang pagtutol. Anong misis? Dinadamay pa ako nito sa kalokohan nya!

"Aray. Nakagat ata ako ng alimango." Wika ni Gaelan sa matandang hindi inaalis ang mukha sa akin. "Si Kathryn po, misis ko. Ito ang anak namin, si Rigo."

"Ah.. Nagagalak akong makilala ka, Kathryn. Bagay na bagay kayo ni Daniel. Halika't magsalabat muna kayo sa loob habang kinukuha konang susi.." Mas niluwagan ni Manang Selya ang pintuan at saka kami pumasok. Maayos ang loob ng bahay, kahit maliit ay malinis.

Sa upuang gawa sa kawayan kami umupo. Lumabas si Manang Selya mula sa kusina na may bitbit na thermos. Nilagay nya sa aming harapan ang dalawang tasa at sinalinan ng kung ano.

"Pampatanggal lamig." She said. Pumasok muli sya sa isang kwarto na natatakpan lang ng kurtina at may iniabot kay Gaelan na susi.

"Ito ang susi. Malinis ang kubo mo. Lagyan mo lang ng panibagong kobre kama ang kutson ng papag at maayos na yon."

"Salamat, Manang."

Inabot ni Gaelan ang kanyang tasa at uminom doon. Ginaya ko sya pero muntik ko na maibuga. Napangiwi ako sa lasa ng ininom ko. Lasang ginger! Ginagawa palang juice yon?

"Hindi ka sanay sa salabat, hija. Taga Maynila ka ba?" Tanong ni Manang Selya. Hindi ako agad nakasagot. Ito pala ang salabat!

"Naku hindi ho. Taga-Nueva Ecija itong Misis ko." Sabi ni Gaelan sabay akbay sa akin.

Tumango tango naman si Manang Selya na tila nakumbinsi.

Hindi din kami nagtagal. Nang maubos ni Gaelan ang salabat nya, nagpaalam na kami. Hinaplos ko ang mukha ni Baby Rigo na tulog na naman. Napakabait naman ng baby na ito!

Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang madilim na paligid. Hanggang kailan kami dito? Kailangan ba talagang magsinungaling kami? Kakayanin ko kaya? And the big question is, Sino ang may kagagawan ng lahat ng ito sa aming pamilya?

Tumingin ako sa malapad na likod ni Gaelan habang nauuna syang maglakad. At least I feel safe with him.

Sa weirdong paraan nga lang.

May instant baby na nga ako, may instant husband pa.

Tumingala ako sa langit at bumulong.

'Lord, you are full of surprises!'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro