Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 44


Bahala.

"Teka nga! Gaelan! Saan tayo pupunta?" Binawi ko ang kamay ko pagkalabas namin ng restaurant, I am expecting Yuki to follow pero hindi sya sumunod. Kahit si Heather ay hindi lumabas.

"Bakit?" Naiinis na tanong ko. Huminto kami sa pinakasulok na bahagi ng parking lot kung nasaan ang sasakyan ni Yuki. Ipinagpasalamat ko na huminto din si Gaelan at hindi na tumutol.

Ginulo ni Gaelan ang kanyang buhok at mataman akong tiningnan na para bang may ginawa nga akong masama sa kanya.

"I don't want to see you there." Tinuro nya pa ang loob ng restaurant.

Pansumandali kong hindi nakuha ang sinabi nya. Sa kanya ba ang restaurant na yon at hindi kami pupwede ni Yuki?

"Eh di uuwi na kami ni Yuki! Hindi yung umeeksena ka pa!" I retorted.

"You don't understand. I don't want to see you with Yuki! Im jealous. Gods! I am jealous!" Buong frustration na isinigaw nya sa akin, hindi ko mapigilan ang mapataas ang kilay.

"And why? Nang dumating ako, meron ng Heather at ikaw. You left me years ago, baka nakakalimutan mo. Don't act like you care about me now dahil wala kang alam! You have no idea what I've went through!"

"Bakit? Do you have any idea what I have went through?" Sagot ni Gaelan ng pasigaw din. Lalo  namang nagpuyos ang kalooban ko. Bakit nya ako tatanungin kung may ideya ako? Gusto kong malaman kung ano ang pinagdaanan nya pero wala akong narinig sa kanya simula pa noon! Do I need to ask? He owe me an explanation!

"Pwes bakit hindi mo sabihin? You just tell me! Matagal akong nag-intay!" Sinubukan ko syang itulak ng malakas at nagpaanod lang sya. Tila apoy ang bawat salita. Bawat bitiw ng panibagong hinanakit parang hangin na nagpapalakas ng apoy. The worst part is I am starting to tear up. Ramdam ko na ang pananakit ng mata ko at hindi ko na mapigilan. I gasped when a tear fell from my right eye. Nanginig ang labi ko dahil parang may nakabara sa pagbabalak kong magsalita.

"Bakit? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako pinabayaan? Bakit mo ako pinakawalan?"

Paulit ulit ko syang itinulak sa bawat katanungan. Every question cut deep, I want to stop asking but I cant.

"I have to push you away because I want you to become better." Napayuko si Gaelan.

"And you think I am better now?" Buong hinanakit na tanong ko.

"You are."

"Then I am better off without you then." Bumalik lang sa alaala ko ang sakit na pinaranas nya sa akin noon.

Kasabay ng pagwasiwas ng hangin ay ang panunuyo ng luha pero may panibago na namang babagsak. Tuwing may lalabas sa restaurant, umaasa akong si Yuki o si Heather yon pero wala ni isa sa kanila ang nandoon.

Humakbang si Gaelan papalapit sa akin at umatras ako ng isa. Isang pag-atras lang ang nakayanan ko dahil lumapit ng husto si Gaelan at kinain ang distansya namin. Hinawakan nya ang ulo ko at masuyong hinaplos yon at ipinasandal sa kanyang dibdib. All of a sudden, I want to rest now. Hindi ko alam kung kaya ko pang makipagtalo.

"Im sorry.." Bulong nya. "I never said this in the past but I am sorry. I really am. Hindi ko alam kung makakagaan sa nararamdaman mo but Im sorry."

Sorry.

Simula nagkahiwalay kami hindi ko inisip na ang paghingi nya ng tawad ang kailangan ko. I need reasons. Bakit?

"Bakit mo ako iniwan, Gaelan?" Impit na ang boses ko.

Ria, just stop.

Napapagitnaan ako ng kyuryosidad at sakit ng nararamdaman, lamang ang gusto kong ibuhos ang tinago ko ng ilang taon.

Tinuro ko ang dibdib ko. "Kasi Gaelan ang sakit sakit pa din.. Tinitiis ko lang dahil kailangan kong humakbang, I was forced to grow. Ayaw kong isipin nyong lahat na nanatili ako kung nasaan ako noon pero alam mo ba? kung saan mo ako iniwan, nandoon pa din ako. Nandon pa din ito."

"I always ask myself, 'Hindi ba dapat ganito kasakit?' Kasi ang sakit.. Ang sakit pa din talaga.." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko pero hindi iyon nakatulong para pigilin ang sarili sa pagsasalita.

"Pagod na pagod na akong magalit kasabay ng pagiging mabait. Tao lang pala ako. Ito lang pala ang kaya ko." Tinakpan ko ang mukha ko sa sobra sobrang pagluha. Nahihirapan na akong huminga at nahihiya akong umamin ng kahinaan.

"Maria.. Im sorry.." Hinawakan ako ni Gaelan sa braso pero iniiwas ko lang iyon.

"Tinalikuran mo ako noon, may bago ka pa ngayon. Ano pang para sa akin hindi ba? Wala. Hindi na ako umaasa. Tulungan mo na lang akong pagalingin to.. Magsabi ka na ng totoo.." Nagsusumamo na ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pait. It was a young love! That was five years ago but it imprisoned the pain, kumakawala na ngayon.

"I have to choose. I don't want you to self destruct because you will realize that you made a wrong choice. Prinsesa ka, ordinaryo ako. Kahit pigain mo ako, hindi buong mundo ang maibibigay ko sayo."

"Pero wala akong hinihingi sayo!" Sigaw ko.

"Wala pa! Pero magkakaroon. Bata ka pa noon. You love your family so much!" Mariin nyang sabi.

"At naisip mo yan pagkatapos mo akong paasahin? Pagkatapos mong mangako na dadating ka? Pagkatapos kong mag-intay! Pagkatapos kong magmakaawa! Pagkatapos kong maniwala na ipaglalaban mo kung anong meron tayo pero hindi. Hindi mo sineryoso ang mararamdaman ko kasi inisip mong bata pa ako. You all think that I will forget it. Walang naniwala that I am capable. Capable of getting hurt big time. And I was, still am." Pinalis ko ang luha ko. Kitang kita ko ang nag-aalalang pagsulyap nya sa akin pero hindi ako nagpatinag.

To others, this conversation is useless. Nasaktan na ako. Tapos na. This is just the casualty.

But this has to happen. We both need closure. I need closure to heal. Then I will move on. Mas magiging matatag pa pagkatapos nito. Aasa muli pero mas magiging matalino.

"Hindi lang ikaw ang nasaktan." Pumiyok ang boses ni Gaelan kasabay ng pagkislap ng kanyang mga mata.

Nagkibit balikat ako habang napapailing.

If you experienced pain and survived from it, you will live your life protecting yourself from harm. Pakiramdam ko, kapag lumapit ako kay Gaelan, babalik lang ang dati. If I was his pain from the past, ano pa ang ginagawa nya sa harapan ko? I am not his greatest after all, kahit sya ang sa akin.

Ngayon ay malinaw na. Tumayo ako ng tuwid.

"That was puppy love. I was sixteen. I should forget it like how you forgot me. Im stupid. Dapat ay hindi ako umiiyak ngayon." Ngumiti ako ng mapait, sisiguruhin kong ito na ang huli.

"I did not forget you." Nagtiim bagang si Gaelan.

Umiling ako. Napatingin ako sa isang taxi na nagbaba ng pasahero sa restaurant.

"Hindi yan ang nakikita ko ngayon. Go back inside. Apologize to Heather." Mariin kong sabi saka nagmadaling sumakay ng taxi. I heard Gaelan shouted my name but I didn't look back.

"Manong.. Paandarin nyo na po." Yun lang ang nakayanan kong sabihin pansamantala. Pinatahan ko muna ang sarili bago ko nasabi ang address ng bahay. I know Gaelan is following me. Wala naman akong balak iligaw sya dahil uuwi lang naman ako.

Pagdating ko ng bahay, huminto din ang sasakyan ni Gaelan sa harap ng mansyon. Hindi sya bumaba. He might be giving me time.

Pinagbuksan ako ng gwardiya ng mansyon at saka ko narinig ang mabilis na pagpapatakbo ni Gaelan ng sasakyan. Hindi sya uuwi dito. He might talk to Heather. Wala na akong pakialam. Sapat na sa akin ang malaman niya na nasaktan nya ako.

Wala akong ganang umakyat sa kwarto ko. Contemplating about the normal life that I thirst when I was young. Pinilit kong kumawala noon dahil nainip ako sa buhay na mayroon ako.

But the truth is, a normal life is not about simplicity. Yon ang tinuro sa akin ni Gaelan. Ang totoong buhay ay yung may kakayanan na saktan ka, paluhain ka at ikukulong ka sa bagay na pilit mong tatakasan. Life is not about happiness, it's about pain and how you will get through, and being happy after. A product of destruction is a complete being.

Binuo nya ako sa pamamagitan ng pagsira. O sinira muna nya ako. Kasalukuyang sinisira. Dahil ngayon, I still feel empty.

Desidido akong ipalayo si Gaelan sa akin. Kung hindi papalitan si Gaelan bilang bodyguard ko, hindi na rin lang ako lalabas ng bahay.

"No Maria Arabella. I want Gaelan to be your bodyguard." Matigas na sabi ni Daddy ng pasukin ko sya sa library kinabukasan. Hindi ko pa nakakaharap muli si Gaelan pero alam kong nasa paligid lang sya ng mansyon.

"Dad. I am avoiding him. Don't make it hard for me, please.." Pakiusap ko. Umupo ako sa kanyang tagiliran.

Tinanggal ni Daddy ang kanyang eyeglasses at kinusot ang kanyang mata bago isuot muli. Tiningnan nya ako ng may napapagod na mata.

"Noong bata ka pa, sinabi mong gusto mo ng normal na buhay.. Sinabi ko noon kay Helga, bakit ang unica hija ko pa ang gustong dumaan sa butas ng karayom? Ang prinsesa ng lahat.."

Tumayo si Daddy at naglakad patungo sa bintana kung saan matatanaw ang aming garden. He likes the sound of the grass cutter and the sprinkles of water, nakakapag-isip daw syang mabuti kapag ganito. Tinuon ko ang mata ko kay Daddy na hindi na tumingin sa akin kundi doon sa malayo.

"But Helga said, I have to let you go. Nakinig ako.. I know I cannot protect you from everything. I want to tell you back then that you will get hurt even in your deepest comfort. Kahit ang unan ay pupwede kang bigyan ng hika, o titirhan ng surot na kakagat sayo." Ngumiti si Daddy at napailing. "Kahit gaano kaperpekto ang artipisyal na mundong gawin ko sa iyo, masasaktan at masasaktan ka. Madadapa ka."

A tear rolled down my cheeks.

"At nadapa ka. At 16 nadapa ka. I want you to know that I am so proud of you. Kitang kita ko si Helga sayo, ang babaeng minahal ko ng husto. Nginitian mo kami kahit na alam naming gabi gabi umiiyak ka. That's a lesson learned for you.."

"In life, you don't have to avoid someone to continue living. You should realize that the existence of the other is not enough to kill you. Mentras may iniiwasan ka, mas pinapaliit mo ang mundo mo. This is another lesson for you. Gaelan earned my trust, personal issues aside, I trust him for your safety."

Wala na akong nagawa sa sinabi ni Daddy. Bihira kasi magsalita si Daddy kaya kapag may sinabi sya, nakikinig kaming lahat. Lalo na ako.

Siguro naman kakayanin ko. Hindi naman ibibigay ni Daddy sa akin ang bagay na hindi ko kaya.

Bumaba ako sa garden kung nasaan ang gazebo. Hindi muna ako lalabas ng mansyon. I will give myself time before seeing Gaelan again. I don't feel my life is at risk too. Yung sinabing sumusunod sa amin noong galing kami kila Selene, wala naman na akong balita. Maybe it is not a big deal after all.

"Nagbreakfast ka na, Maria?" Napalingon ako sa likod ko ng may magsalita. Napairap ako sa hangin ng makita ko si Gaelan na bitbit ang garapon ng cookies. He's munching like it is an ordinary day except for his eyes are red.

"Wala kang pakialam." I glared at him. Hindi man lang sya nagkaroon ng reaksyon. Tiningnan nya lang ako na parang wala kaming pinag-usapan kagabi at hindi ako umiyak sa kanyang harapan.

Buong umaga akong naglalakad sa palibot ng mansyon. Ngayon nga ay nasa sofa ako sa living room at nagbabasa ng libro. Wala nga lang akong maintindihan na letra dahil kung nasaan ako, nandoon din si Gaelan yakap ang cookie jar nya at mayroon din syang libro na kunyari ay binabasa nya. Pag mapapadako ang tingin ko sa kanya, mahuhuli ko naman na nakamasid sa akin.

Tumunog ang cellphone ko. Inakala kong si Yuki yon. I texted him last night to apologize pero hindi naman sya sumagot.

Napangiti na din ako ng mabasa ang pangalan ni Selene.

Selene: Kamusta ka na? I heard from Heather what happened last night 😔

Napabuntong hininga ako bago nagtipa ng reply.

Ako: Ano bang nangyayari sa kinakapatid mo? Sabihin mo nga wag syang two timer 😠

Selene: Ay, alam na ang salitang two-timer 😂😂😂 Pinaulanan ko nga ng text kagabi ang reply lang sa akin wag akong mag-alala. Sinabihan ba namang chill lang ako!

I sighed. Well, Gaelan is right. Hindi dapat pinapaprublema pa si Selene dahil may sarili din syang problema na ipinangako nyang ikukwento nya sa akin kapag nagkita kami ng personal.

Nakaisip ako ng ideya!

Ako: Luto tayo! Punta ako sa inyo 😁😁😁

Selene: Oh! Sige! Naiinip na nga ako sa bahay. Hindi ako pinapalabas ni Mommy. 😭😭😭

Nakangiti akong naglakad pakyat ng kwarto ko. Naramdaman kong sumunod din sa akin si Gaelan sa hagdan.

"Wag mo sabihing susundan mo din ako hanggang sa kwarto ko?" Umismid ako.

"May kukunin lang ako sa kwarto ko." Tinuro ni Gaelan ang tinutulugan nya. Ngumiti pa sya bigla para hindi ako magduda. Napailing na lamang ako. Tinalikuran ko sya at nagpatuloy sa pag-akyat.

Mabilis akong naghanda. I opted for a simple jeans and beige top. Magluluto kami kaya kailangan ay kumportable. Walang tigil si Selene sa pagtetext tungkol sa sangkap na kakailanganin ko para makapagpabili na sya.
Sinabi ko na lang na kung ano ang mayroon sa kanila, yun na lang ang lulutuin.

Nagblower lang ako ng buhok ko habang nag-iisip kung paano ko matatakasan si Gaelan. Napatingin ako sa walk-in closet ko.

Another idea crossed my mind.

Pumasok ako sa walk in closet ko at hinawi ang mga damit na nakasalansan para makita ang maliit na pinto na laging nagagamit noong bata pa kami ni Kuya Xenon. Sobrang close kami ni Kuya Xenon kaya mayroon akong access sa kwarto nya para tuwing gusto kong maglaro ay dadaan lang ako dito.

Pagbukas ko non ay kwarto na agad ni Kuya, wala ng pasikot sikot pa. Wala naman sya kaya napangiti ako ng husto. Bumungad sa akin ang ikalawang palapag ng kwarto ni Kuya Xenon. He has the largest room amongst us. May hagdanan sa kanyang kwarto.

The top floor is Kuya Xenon's study area where he prepare and store all of his inventions. He loves miniature mechanisms. He has fascination for mechanical things kaya binigyan sya ng malaking kwarto noon pa man. Isang spiral na hagdanan ang dinaanan ko para makababa sa main room ni Kuya Xenon where his bed is. I smiled at the sight of our pictures together in his side table.

Mayroon syang malaking bintana na nakakunekta sa sarili syang terrace na nakaharap sa likod na bahagi ng garden. Hinawi ko ang makapal na kurtina saka ko binuksan ang bintana at pasimpleng umupo sa terrace at inihakbang ang paa ko patungong garden.

Pasimple akong kumubli sa malalaking halaman hanggang sa makarating ako sa helper's exit door. Maliit lang iyon at sa loob lang mayroong access. Kung gustong pumasok ay kakailanganing pumindot sa intercom para mainspeksyon muna ng gwardiya ang kanilang dala ngunit sa paglabas ay wala ng kailangan.

Kumalabog ang puso ko dahil sa ginagawang pagtakas. Wala talagang nakakakita sa akin kaya mabilis lang akong nakalabas sa mansyon. Pasimple akong naglakad papalabas ng village. I am taking my time.

Nang makalabas ako ng village napangiti ako ng husto. Pinara ko ang kauna-unahang taxi na dumaan, sinabi ko ang address nila Selene.

*Kring Kring

Napangiti ako ng makita ang numero ni Selene sa screen.

"Papunta na ako.." I told her without bothering to say hello.

"Sige! Excited na ako! Itext mo sa akin ang numero ng taxi ha.." Humagikgik si Selene sa kabilang linya kaya lalo din akong naexcite.

"Oo. Ibababa ko na ito. Magtetext ako." Sambit ko.

Nagtitipa ako ng mensahe ng mapansin ko ang paulit ulit na pagsulyap ng taxi driver sa rearview mirror. Kumunot ang noo ko.

"Ma'am? May sumusunod po ba sa inyo?" Kinakabahang tanong ng taxi driver. Mabilis kong pinadala ang numero ng taxi kay Selene bago kumpirmahin ang sinasabi ng driver.

Lumingon ako sa likod. Inisip ko agad na si Gaelan ang tinutukoy nya. Pero nabali ang paniniwala ko ng makita ko ang sasakyan. It's a big black hummer. Wala kaming ganito.

Binayo ang puso ko ng nakita ko ng may sumilay na baril mula sa bintana ng sasakyang nakasunod sa amin.

"Ma'am, yuko!" Sigaw ng taxi driver, kasunod non ang sunod sunod na pagtama ng bala sa taxi na sinasakyan ko. Humiga ako sa sahig ng taxi habang ang driver at nakayakap sa manibela.

Pumikit ako at inantay na matapos ang putukan. I am so scared! Hindi ko inialis ang tingin ko sa taxi driver na nasa aking harap. I want to make sure that he is okay, nakayuko din sya gaya ko at nakatingin sa akin ng takot na takot. I want to assure him that it's okay pero hindi ko din naman tiyak kung ayos nga lang ba kami.

"Ma'am.." Dahan dahang iniabot sa akin ng taxi driver ang lisensya nya.  Kumunot ang noo ko sa kanyang ginawa.

"Namatay po ang asawa ko sa panganganak. K-kung makakaligtas po k-kayo, hanapin nyo po ang anak ko. Hanapin nyo po si Rodrigo D-de Guzman.. Nandito po ang address ko." Tila hirap na hirap nyang sabi.

Kinuha ko ang lisensya nya at doon ko napagmasdan ang dugo na masaganang umaagos sa kanyang dibdib.

"M-manong... M-may dugo.." My whole body started trembling.

"Kaawaan po kayo ng Diyos para makita nyo pa yung anak ko.. W-wag nyo po syang pababayaaan kung makakaligtas po kayo.."

I was horrified when the guy in front of me closed his eyes. Is he dead?

"Manong!" I shouted. Hindi pa ako nakakabawi ng mapansin kong tumigil na ang putukan sa labas. Nakatulala lang ako sa lalaking walang malay sa harapan ko hanggang sa magliwanag ang loob ng taxi dahil sa pagbukas ng pinto.

Isang kamay ang humila sa akin papalabas ng taxi. Nagpupumiglas ako pero masyado akong mahina, nakatuon lang ang mata ko sa loob ng taxi.

"S-si Manong.." I cried!

Kahit sa hinagap, hindi ko inasahang mangyayari sa akin ang panganib na ito.

'Kayo na po ang bahala sa akin, Papa God.. Amen.'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro