Kabanata 42
Assumed.
"I smell something sweet.." Napalingon ako sa nagsalita. Hindi ako halos makapaniwala na si Yuki yon!
"Strawberry muffin!!" Napangisi si Yuki pagkakita ko sa kanya.
Nandito kasi ako sa garden ng mga Valdemar-Montebello. Umalis na lang ako bigla kanina, parang ayaw ko na bumalik kasi nakakahiya! Masyadong naging mapakla ang pagkakasabi ko non at ano na lang ang sasabihin nila Heather at Selene. That I am bitter?
I want to smack my head, literally.
"I want to go home.." Lumapit ako kay Yuki at ipinahinga ang ulo ko sa kanyang balikat, nakakahiya talaga! Naramdaman ko ang kamay ni Yuki sa aking likod.
"You're home.." Bulong nya. Lumabi ako kay Yuki pero binigyan nya ako ng mabait na ngiti. Hinaplos ni Yuki ang pisngi ko and I felt uneasy. Kapag seryoso sya kasi, hindi ako sanay.
"I will bring you home." Mula sa likod nagsalita si Gaelan. Napalingon agad ako.
"Ako ang nagdala sayo kaya ako din ang mag-uuwi." Sinamaan ko sya ng tingin. Bakit ba sya sumusunod? Iniwan nya si Heather? Ayos lang kaya ito sa kanya? Because if I was her years ago, I would probably get jealous. Hahamunin ko si Gaelan ng breakup kagaya ng ginawa ko non.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked Yuki instead. Not minding Gaelan's presence.
"I smelled something sweet so sinundan ko. Ikaw pala yan." He chuckled. Hinampas ko sya sa balikat. Gusto ko kapag nagbibiro sya. Kapag masyadong seryoso ang hangin sa pagitan namin, it creeps me out.
"Ang corny corny mo!" Humagikhik ako.
"Ehem.." Tumikhim si Gaelan. Napawi ang tawa ko. Nagkatinginan sila ni Yuki. Palipat lipat ang mata ko sa kanila dahil nagtitigan sila ng husto na parang walang gustong pumutol but then, Yuki sighed.
"Sumama ka na sa kanya, Honeybunny." Tinapik ni Yuki ang balikat ko. Para silang may kung anong pinag-uusapan pero hindi ko naman naiintindihan. Eksaherado akong napayuko dahil sa sinabi ni Yuki. Pinamimigay nya ako. Gusto kong magtampo.
"He's just doing his job." Iniangat ni Yuki ang baba ko gamit ang isang daliri tapos namungay ang mata nya habang tinitingnan ako. Napalunok ako, Yuki's starting to freak me out again!
Naubo naman si Gaelan ng sobrang lakas, parang malapit na lumabas ang lungs. Kanina naman ay wala syang ubo, magkakasakit kaya sya?
Wala akong nagawa kundi sumakay sa aming sasakyan kasama si Gaelan. Hindi na ako nakapagpaalam kay Selene. Pupunta na lang ako sa ibang araw. Tuturuan ko syang mag-bake para hindi sya mainip. Hindi ko na isasama si Gaelan kapag pupunta ako dito. Tama, tatakasan ko sya.
"Yuki and you.. are a c-couple?" Gaelan asked habang papalabas kami sa village nila Selene. He tried his best to remained poker face pero nauutal naman sya. I don't want to answer his question about my personal life. My God, its been years, kung interesado pala sya, sana noon pa sya nagtanong.
Sana hindi nya ako pinakawalan.
"Kayo pala ni Heather no?" Balik tanong ko. Natahimik sya bigla. Pero ilang sandali lang nagsalita sya ulit, hindi ko inaasahan.
"Kailan lang."
Sinungaling talaga ang isang to.
"I am happy for both of you. Finally nagpakatotoo ka." Pinili kong sabihin.
"What? Nagpakatotoo? Do you think Im lying years ago?" Bumagal ang pagmamaneho ni Gaelan.
"Oo." I said as a matter of factly.
Tumingin ako sa labas ng bintana at doon tinuon ang pansin.
Biglang nagpreno ng napakalakas si Gaelan.
"Aray!" Reklamo ko dahil muntik na tumama ang ulo ko sa sandalan ng sasakyan nya. Galit ba sya sa sinabi ko?
"Im sorry. Lower your head." Utos nya habang nakalingon sa likod.
"Ha?"
"Tabs, just do it.."
"Ha?" Mas lalo tuloy akong nalito! Him calling me Tabs! Nag-balik tanaw na naman ang utak ko ng kusa!
"Tss." Hinila ni Gaelan ang kamay ko at hinapit ako papalapit sa kanya sa driver seat. Pinahinga nya ako sa dibdib nya at narinig ko na naman ang ritmo na matagal ko na hindi narinig. Mabilis na tibok ng puso. Pero ngayon hindi na ako nag-isip ng ibig sabihin nito. Ganito lang talaga siguro to noon pa. Idinadahilan nya lang na malapit ako kapag bumibilis ito para kiligin ang younger version ko.
"A-anong gagawin mo?" Nagtataka kong tanong. Naiwan ang mga binti ko sa passenger seat sa likod, ang kalahati ng katawan ko nakapahinga sa dibdib nya. Pinagtitripan nya ba ako?!
Nag-ring ang cellphone nya. Pinindot nya at nilagay nya agad sa loudspeaker.
'Y. Yushima calling...'
"Walang plaka ang sasakyan." Narinig ko si Yuki sa kabilang linya. May nakikita ba silang hindi ko nakikita? Are they ghostbusters?!
"Ilan?" Gaelan asked.
"Isa lang. Anong dala mo?" Si Yuki.
"45."
"Give a warning shot."
Pinanlakihan ako ng mata ng kumuha si Gaelan ng baril mula sa kung saan. Wala naman akong nakita na kahit ano kanina na may ganito sya.
"Sandali. Ano bang gagawin mo?" Pigil ko sa kamay nya.
Feeling ko nasa Just For Laughs ako at pinapakaba lang ako ni Gaelan dahil mayroong hidden camera! Wala naman akong nakikita na kahit ano.
Binuksan ni Gaelan ang bintana at hinarap sa likod ang kanyang baril at walang ano ano na ipinutok ito. Doon ko napansin ang itim na sasakyan na nasa likuran na biglang umatras at pinatakbo ang sasakyan papalayo sa direksyon namin.
"Susundan ko." Yuki ended the call kasabay ng pagtunog ng kanyang motor sa kung saan. Nakasunod din pala si Yuki sa amin. Nag-alala ako ng husto Samantalang si Gaelan kalmadong nagpatakbo muli papalabas ng village.
"Ano yon?" My heart beat went faster! And I am very sure hindi dahil kay Gaelan iyon. I am nervous!
"May sumusunod sa atin." Gaelan said.
"Baka naman may stalker ka o di kaya nakaaway." Sinamaan ko sya ng tingin, naniniwala akong hindi ako ang sinusundan non! Bigla nya akong hinila hanggang mapayakap ako ng tuluyan sa kanya. Iniangat nya ang binti ko para malipat ako sa shotgun seat.
"Ayyy! Ano ba?!"
Nagpupumiglas ako pero nagmatigas si Gaelan.
"Wala akong stalker, ikaw meron." Napapailing na sabi nya sabay tingin sa cellphone nya na nakaflash pa din ang pangalan ni Yuki. "Hawakan mo to." Sabi ni Gaelan sabay abot sa akin ng baril.
"Ayaw! Ayoko.." Pinatong ko ulit sa binti nya ang baril. Grabe naman! Bakit nya ako pinapahawak ng ganon? Buong buhay ko, I only touch rosary, prayer books, yung mga bumubuhay ng kaluluwa ng tao, now he wants me to touch a gun? Nakakapatay ng tao!
"You need this, Tabs. Wag ka na makipagtalo." Napapagod na sabi ni Gaelan. Nilahad nya ang palad ko at maingat na inilagay ang baril. May kinuha na naman sya sa gilid ng sasakyan at pinatong sa dashboard na baril din. Bakit ang dami nyang baril? It seems that he's up for a war!
Malalim na nag-isip si Gaelan habang nagmamaneho. Hindi ko tuloy sya matanong. Seryoso? May susunod sa akin? Hindi ba talaga ligtas ang pamilya namin kaya isang batalyon lagi ang security? I never realized that before. Or maybe, paranoid lang si Gaelan. Or babae nya talaga ito na nagagalit dahil may girlfriend na sya.
Napagpasyahan kong hindi na muna bumalik sa Laya Air. I am emotionally drained. At nakarinig ako ng putok ng baril for crissakes!
"Ria, ang aga nyo bumalik?" Sinalubong kami ni Mama Buding sa main door ng mansyon. I smiled weakly. Inaya kami ni Mama sa kusina para mag-lunch, mayroong dalawang plato don para sa amin. Ibinuhos ko ang atensyon sa pagkain. Nakikita kong tinitingnan ako ni Gaelan sa gilid ng mata ko pero hindi ako tumingin pabalik.
Tumayo na ako ng makuntento na sa kinain. I am planning to watch food channel in my room dahil nakaalis na si Regine at nagtungo na pala sa mga relatives nya. Wala akong makakausap.
"Maaga pa. Change clothes." Biglang nagsalita si Gaelan. Tiningnan ko sya at tinaasan ng kilay.
"At bakit?" I asked.
"I will teach you something. Wag ka na makipagtalo." He said. Nakipagtagisan ako ng tingin pero ako din naman ang sumuko.
Nagmartsa ako papabalik sa aking kwarto para magpalit ng damit. I wore a jeggings and black scoop shirt.
Ano naman kaya ang ituturo nya? I hope something interesting para hindi naman ako makakatulog.
Napaawang ang labi ko ng mapagtanto ko kung saan nya ako 'tuturuan'.
'Straight Shooters.'
Dinala nya ako sa gun shooting range na malapit lang sa village namin. Ang daming nakadisplay na baril pero hindi magkakamukha. Hindi ko alam ang tawag ng mga ito but it really looks deadly.
"Gael.." Isang morena na babaeng may tattoo sa braso ang lumapit kay Gaelan. She got well groomed brows and pouty lips. Mahaba ang kanyang buhok at itim na itim. The girl snaked her arms to Gaelan. Ang dibdib nya ay humahaplos kay Gaelan dahil naka-tanktop lang sya na kulay pula at reallyyyyy short shorts!
"Apple, I have a company." Lumayo si Gaelan pero hindi pa din mawala ang tingin ko sa babaeng iyon. Masyadong bulgar. Bigyan ko din kaya sya ng prayer book?
"Oh.. Hi?" 'Apple' said. Sinipat nya ako mula ulo hanggang paa. Umayos ako ng pagkakatayo.
"Bine-baby sit mo?" Tiningnan ni Apple si Gaelan. This girl is really unbelievable. Kumapit muli sya kay Gaelan. Alam kaya ni Heather ito? Gaelan is being unfaithful!
"May bakanteng shooting range?" Tanong ni Gaelan.
"Basta ikaw, babakantehin ko."
Hindi ko maiwasan ang masamid. This girl is flirting upfront!
Sumunod kami ni Gaelan kay Apple. Isang kwarto na mayroong karton na hugis tao sa gitna at sa pagitan non ay salamin. Mayroon ding lamesa na napapatungan ng baril at mga bala na nakapila.
"Okay. You may leave now, Apple. Thank you." Pormal na sabi ni Gaelan. Parang nadismaya naman si Apple dahil pinapaalis sya. Tumaas ang kilay ko.
"Dati naman hindi mo ako pinapaalis." Lumabi si Apple.
Aba't ganon? Hinahayaan talaga sya ni Gaelan na lumapit lapit kapag mag-isa lang sya? Babaero talaga.
Nang hindi kumibo si Gaelan, umalis naman si Apple. Nakatuon na kasi ang pansin ni Gaelan sa mga bala na nandoon sa lamesa.
"General rule, Inexperience doesn't matter, safety does. So safety first..."
Hindi ko inalis ang tingin ko kay Gaelan habang nagsasalita sya tungkol sa basic safety tungkol sa baril. Naiinis pa din kasi ako. Paano nya pagkakasyahin sa talambuhay nya ang napakaraming babae? Paano kapag naging hero sya at may nagsulat ng biography nya? Ilan kaming nandoon bilang leading lady? Baka maubos ang pahina sa pangalan pa lang ng mga chicks nya.
"Whoah. If looks can kill, I am probably dead right now. But it doesn't so you need to learn guns." Umismid si Gaelan at sinentro ang kanyang baril sa target pero hindi naman ipinutok yon.
"Ayoko na matuto nyan. Para saan pa't nandyan ka hindi ba? Kung ayaw mo naman ng trabaho mo, you can resign. I will get a security--"
"That is not my point. I want you to learn because two heads are better than one." Putol sa akin ni Gaelan.
Natigilan ako. May punto sya. Two heads will result to a stronger unit. Saka hindi din tama na dumepende sa kanya. Isa pa, mahilig syang mang-iwan. Baka nga iwanan ako sa panganib, mahirap na.
Binigay ni Gaelan ang safety rules. Sampu iyong sinabi nya pero isa lang ata ang natandaan.
"Point your muzzle in a safe direction when not firing.." Sambit ko sa unang rule.
"Ano pa?"
I sighed. Hindi ko na matandaan ang iba kundi ang tungkol sa safety. I cannot imagine that I will use this to someone but as Gaelan said, Guns don't kill people, people do it. Siguro naman mapapatawad nya ako kung hindi ako makakapatay. Kahit nga sa lamok, naawa ako eh, tao pa kaya?
"----Ten. Learn The Mechanical And Handling Characteristics Of The Firearm You Are Using." Huling sambit ni Gaelan.
"Okay. I will just review it tonight. Sampu lang naman di ba?" Isinuot ko ang eye and hearing protector. Sinubok kong lagyan ng bala ang magazine kagaya ng itinuro ni Gaelan at isinaksak ito sa baril.
Ghad, this is heavy. Seriously heavy.
"Use your left hand on the barrel to support the weight. Wag kang kabahan dahil lalong manginginig ang kamay mo. Feel it as the extension of your arms."
"I know, I know.." Naiinis na sabi ko. Nakakalimang ulit na kasi si Gaelan. I want to shoot the target para matigil na si Gaelan sa pagtuturo.
"Watch me first." Pinanood ko si Gaelan na confident na itinutok ang baril sa target. In one aim he was able to hit the bullseye. He's so good at this!
"Ikaw naman.." I just lip read Gaelan's words. Halos ma-shutdown kasi ang ingay mula sa hearing protection na suot ko.
Pigil hininga kong tinutukan ng baril ang target.
"Aim!" Gaelan said. I did! But it didn't hit anywhere. Nadismaya ako. Ibig sabihin ay hindi pa kami hihinto.
Sumubok pa ako ng isa, dalawa, tatlo. Balewala. Ano ba itong baril na ito? Baka tabingi ang pagkakagawa!
Nagulat ako ng balutin ni Gaelan ang katawan ko sa yakap nya. He held my hands tightly. Nanlamig ang mga kamay ko lalo na ng sumilay ang tattoo nya sa ring finger nya. It's still there! My initial is still there? Hindi kapani-paniwala na hindi nya ipinabura o baka naman busy sya?
"Focus. Interval of shooting is one second per bullet. That's the code of conduct of shooting." Gaelan said. I nodded.
Tinulungan ako ni Gaelan na paputukin ang baril. Malapit ito sa bulleye! We tried again and it hit the bullseye. Napangisi ako ng malapad! I want to feel the victory but it was Gaelan's hands helping me. I cannot do it myself for sure.
Maya maya pa ay binitawan na ako ni Gaelan pero nanatili pa din sya sa likod ko. Naiilang ako sa mainit na paghinga nya sa leeg ko pero wala naman akong lakas para paalisin sya. Nawawala kasi ang kaba ko kapag malapit sya. He's my guide.
Focus Ria! You can do this!
I focused on the target and tried shooting again. This time tumatama na talaga sa katawan ng target kahit hindi bullseye. Ayos na iyon kaysa hindi di ba?
Sumubok pa ako ng tatlo at lahat iyon sa katawan na tumatama.
"Last bullet.." Anunsiyo ni Gaelan. Napahinto ako. Pinag-isipan kong mabuti kung paano papatamain sa bullseye. Bigla akong nagkaroon ng drive para gawing tama ang shooting.
"If you have a last bullet what will you do?" Gaelan asked.
"Focus and shoot the villain?"
"Good." Pumulupot ang kamay ni Gaelan sa bewang ko at ang baba nya ay pinahinga nya sa balikat ko. It is so-- warm.
"You don't have to shoot if I am still with you, I will die for you, Princess."
"Don't die.. I will get killed if you're dead, Gaelan." Pagpupunto ko. Gaelan sighed.
"Fair enough. But If I die, do not die with me.."
Bulong nya sa aking tenga. Kahit sa pagitan ng makapal na hearing protection, naririnig ko sya ng husto. Lumakas ang tibok ng puso ko. Ayaw matigil. May nagmamartsa ata sa loob at hindi nagpaalam sa akin!
"I don't want anyone to die for me." I whispered.
Bumagsak ang tingin ko sa hawak kong baril. Mabilis na hinawakan ni Gaelan ang kamay ko at pinutok iyon. Tumumba ang target dahil sa ulo pinatama ni Gaelan.
"Then learn. Be good."
Tumango tango ako. Gagawin ko talagang mabuti ito. Magiging magaling ako para maipagtanggol ko din ang sarili ko at ang mga bodyguards ko. Hindi ako manonood habang may nagaalay ng buhay para sa akin o para sa pamilya ko. I promise.
Inabutan ako ni Gaelan ng mineral water pagkatapos ng shooting. Bumalik kami sa lobby ng Firing Range at nakita ko na naman si Apple na may malalagkit na tingin kay Gaelan.
"Tapos na? Puwedeng ako naman?" Pinagpagan ni Apple ang kwelyo ni Gaelan na blangko lang ang mukha. Hindi ba talaga sya titigil? At eto naman si Gaelan hindi man lang pinipigilan. He's really unfaithful!
"Mauuna na ako sa sasakyan." Nagpatiuna na ako at sumakay ng elevator.
"Wait!" Tumatakbo patungo sa akin si Gaelan kaya minadali ko ang pagsara ng pinto.
Nakalimutan kong na kay Gaelan pala ang susi ng sasakyan. I should drive myself home! Wala pang isang minuto, niluwa na din ng elevator si Gaelan. Nakasimangot sya sa akin.
"Bakit mo ako iniwan?" Naiinis na tanong nya.
"Eh baka kasi may pag-uusapan pa kayo ni Apple." Umirap ako.
"Bakit ka ganyan sa akin?"
"Wala! Nakakainis ka lang kasi niloloko mo si Heather! Playboy! Masama!"
"Oy teka! Grabe ka manghusga! Kaibigan ko si Apple."
"Why are you even explaining?!" Gusto kong sumabog sa inis! He's guilty! He knows I am pertaining to Apple because he really is cheating.
"Why are you reacting that way, then?"
"Kasi nakakainis ka! Manloloko! Babaero! Prostitute!"
"A-anong prostitute?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Gaelan.
"Ah basta! Tse!" Humalukipkip ako at tumingin sa ibang direksyon.
"Anong tse! Bakit ba galit na galit ka?" Napakamot si Gaelan ng kanyang ulo.
"Because you are cheating on Heather and I don't like guys that cheat." Sinubukan kong kumalma panandali pero si Gaelan naman ang hindi makalma.
"Okay. I may be cheating! But I guarantee you that it is not with Apple!"
Aleluya! Umamin din.
"See? Cheater ka!"
"I am not cheating on Heather, Maria. I am cheating on my feelings." Tinuro pa nya ang kanyang dibdib.
Hindi ko na nasundan ang sinabing iyon ni Gaelan. Pumasok na sya sa sasakyan at ako nanatili lang sa labas. Isang busina ang nagpatigil sa pag-iisip ko, pinaandar na pala nya ang sasakyan. Padabog akong sumakay sa shotgun seat.
Nakasimangot si Gaelan na kinabitan ako ng seatbelts. Sumimangot din ako pabalik.
Nang makalayo na kami sa Firing Range, kumalma ang mukha ni Gaelan at may kinuha na kung ano sa bulsa nya at inilahad sa gawi ko. I gasped with the sight of 'galatine'. It's my favorite candy in Venice! Naubos ko na ang ganito ko dahil nagbakasyon kami ni Rej sa France bago umuwi sa Pilipinas.
Kukunin ko na sana ito sana ito ng sarhan ni Gaelan ang palad nya. Napasimangot ako.
"Galit ka pa?" Tumaas ang kilay nya sa akin. Mabilis akong umiling. Ipagpapalit ko talaga ang galit ko sa Galatine!
"Okay.." Nagkibit balikat si Gaelan at binigay sa akin ang apat na piraso. Binalatan ko ang isa at kinain yon. Nagbalat pa ako ng isa at diretsong sinubo yon kay Gaelan before I realized what I did! My hands touched his lips. Namula ang pisngi ko.
"S-sarap noh.." I said instead.
Kaswal na tumango si Gaelan, "Sobra. Isa pa nga." He smiled wickedly. Hinampas ko sya sa braso. Nakakainis! Kanina lang, sobra kami kung magsigawan tapos ngayon sinubuan ko pa ng candy.
"Akin na lang to.. Wala nito dito.. Bakit ka pala meron nito?"
"Bawal na ba ako magkaroon nyan kasi paborito mo?" Tanong nya. Kumunot ang noo ko.
"How did you know?" Nagtatakang tanong ko. Lumikot ang mga mata ni Gaelan at di na ako tiningnan.
"I-- I just assumed." He said.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro