Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 41


Still.

Maaga akong bumangon para simulan ang araw ko. No, I was not able to sleep at all. Mayroon akong jetlag. Parang nirereplay pa sa utak ko yung eksena nung tinatanggalan nya ako ng harina sa face.

Gaelan is so good in flirting.

And oh, come on Maria. Ano to? Nagpapadala ka?

Dumiretso agad ako sa pagligo at kumuha na lang ng kung ano sa closet ko. I ended up wearing an all white ensemble. From pleated dress to white stilettos. Dinampot ko ang shades ko at nilagay sa aking ulo. Iniisip kong magbreakfast pero kinakabahan ako ng husto sa unang araw ko sa LAYA Air. Kuya Gilad will train me though, pero hindi sapat ang dahilan na iyon para maging kampante ako.

Aantok antok pa akong humakbang sa labas ng kwarto ko. Kailangan kong magtrabaho katulad nila Kuya at hindi ko alam kung paano ko ba magagawa yon. Hindi naman ako ganoon kasipag.

"Mama!" Nagulat pa ako ng salubungin ako ni Mama Buding sa ibaba ng hagdanan. Hindi ko sya nakita kahapon dahil hindi naman na sila naninilbihan sa amin. Ngiting ngiti si Mama habang pinagmamasdan akong makababa.

"Ria! Kamusta ka na?" Niyakap ako ni Mama ng mahigpit. Agad kong napansin na bumaba ang kanyang timbang at mukhang nadagdagan ang kulubot sa mukha. Surprising how five years could change a person, pero kung iisipin mo parang kailan lang.

Ganoon siguro talaga, mas mabilis magbago ang itsura, pero kapag feelings ang tinamaan sayo, you will remember it vividly. Lahat ng saya di mo makakalimutan lalo naman ang sakit, may peklat pang kasama, if not, fresh wounds stays forever.

"Mabuti. Kayo po ni Papa? Bumalik na kayo ulit ng Maynila? Dito na kayo sa bahay?" Umaasang tanong ko.

"Naku hindi. Binisita lang kita. Isa pa, dinala ko dito ang pamangkin kong mamasukan dito. Halika, ako ang naghanda ng almusal. Kumain ka na muna. Nagsialisan na ang mga kapatid mo." Hinila ako ni Mama Buding patungo sa dining area. Nakaramdam ako ng sandaling pamimilipit ng sikmura ng madatnan ko doon si Gaelan, holding the jar of cookies I baked last night. Kalahati na ito halos. Kinain nya ba kagabi? Inalmusal nya?

Nag-angat ng tingin si Gaelan at tumuwid ng pagkakaupo. He's wearing his agent uniform.  Kung uniporme ba ang dark blue longsleeves na nakatiklop hanggang siko at slacks. How can he save a life with a leather shoes though? Parang may pupuntahan lang na fashion show.

"Teka't titingnan ko kung nakahanda na ang meatloaf." Tinapik ako ni Mama Buding sa balikat at saka nagtungo na ng kusina. Ni hindi man lang nagulat na nandito si Gaelan. Ganoon na ba ka-usual ang presensya nya sa bahay namin?

Inabot ko ang bandehado ng kanin at nagsimulang magsandok. Gusto kong magpanggap na wala si Gaelan sa harapan ko kaya lang paano ko naman gagawin yon kung hindi sya umaalis sa harap. Kalmante syang nakaupo na para bang sanay na sanay sa bahay namin.

"Is this how you say thanks?" Seryosong tanong ni Gaelan sabay angat sa hangin ng cookie jar. Tipid akong tumango.

And why did he ask?

Alam ko namang kulang ang cookies sa pagligtas nya kay Daddy. Wala naman na akong iooffer pang iba. Kabuhayan package? Hindi naman nya kailangan. Baka naman nag-iintay ng paparty? Patawarin ko na lang kaya sya sa utak ko? Sabagay hindi naman nya alam na galit ako.  Kaunting galit lang naman.

ibinuhos ang atensyon sa pagkain habang iniisip ang ibang pasasalamat kay Gaelan. Hindi ko tuloy napansin na naparami ako ng kain dahil lagay ng lagay si Mama Buding sa plato ko ng kung ano-ano. I missed Filipino cuisine! Lalo na ang luto ni Mama.

Nahinto lamang ako ng hindi iniaalis ni Gaelan ang tingin nya sa akin. Binaba ko ang kutsara at tinidor ko, hudyat ng pagtatapos sa pagkain.

"You can eat more. Maaga pa naman." He said. Umiling na ako.

"Im good. Too much carbs." Uminom ako ng tubig.

"Takot kang tumaba?" Natatawa nyang tanong. Ano naman kayang nakakatawa doon?

"Yeah. May bad experience kasi ako sa pagiging mataba. Anyway, Male-late ako na ako."

An awkward silence filled the air. Tiningnan ako ng mataman ni Gaelan.

What now?

"You are already late." Pagpupunto nya na may striktong mukha, hindi man lang kumilos sa harapan.

Tinaasan ko sya ng kilay kasabay ng pagtayo. Masungit pa din talaga sya! May mga bagay din talagang hindi nababago ng panahon. Ang kasungitan ata ni Gaelan likas na likas talaga. Ano namang masama sa pagsasabing may bad experience sa pagiging mataba? Kung hindi naman dahil don, hindi kami magkakakilala kasi hindi nya ako ibu-bully!

Umalis na ako sa harap ng lamesa at nagpaalam kay Mama Buding na syang may bitbit ng bag ko. Si Gaelan ang kumuha ng bag imbes na ako sana ang kukuha mula kay Mama.

"Thank you." Wala sa sariling sabi ko.

Sinundan ko sya sa paglalakad hanggang sa makarating sa main door. Sino kaya ang magmamaneho para sa akin? It could be Mang Vic. Natanawan ko syang papalapit sa amin.

Binuksan ni Gaelan ang upuan sa likod para pumasok ako.

"Thanks."

"Two." Sambit ni Gaelan. Kinunutan ko sya ng noo. Two? Anong ibig nyang sabihin?

Umikot si Gaelan patungo sa driver seat. Sya ba ang magmamaneho? Hindi naman sya driver! Tumikhim pa sya at inayos ang rearview mirror kaya nagkatinginan kami mula doon. Matagal kaming nagkatinginan.

"Yes?" Tanong nya ng seryoso. Nag-iwas ako ng tingin. Teka nga! Sya din naman ay patingin tingin din? Parang ako lang ang nakatingin ah!

"Bakit ikaw ang nagda-drive?" I asked.

"Driver Bodyguard." Nagkibit balikat sya.

"Why are you doing this?" Hindi ko na matiis na hindi tanungin. Agent sya. Hindi naman talaga sya 'bodyguard' at mas lalong hindi naman sya driver!

"This is my job."

"No, this isn't your job."

"I was hired to do this, Young Maiden."

"Can you stop addressing me that?"

"Yes, Ma'am!" Galing sa ilong na sagot nya.

"Ayaw ko din ng Ma'am. Do not act as if we don't know each other. Too late to be formal now so quit it." Pabagsak kong ipinahinga ang likod sa sandalan ng sasakyan.

"Copy, Baby." Bulong lang iyon but I think I heard it!

"What did you just say?" Medyo tumaas na ang boses ko.

"Copy?" Pinaikot nya ang manibela dahil sa isang U-turn.

"Copy what?"

"Copy clearly." Kalmado nyang sagot.  Tumikhim ako ng napapahiya.

Nagkamali lang siguro ako ng dinig.

The drive to Laya Airlines is too quiet. Wala akong ibang naririnig kundi ang pangilan-ngilan na pagbuntong hininga ni Gaelan o di kaya ang pagpindot sa cellphone ko dahil kanina pa ako hinahanap ni Kuya Gilad.

Dinala sa parking lot ni Gaelan ang sasakyan. He once again opened the door for me so I said thanks again, he said 'Three' when I said thanks. Ang weird naman nya today! What's with his counting thing?

Akala ko ay maghapon ko syang makakasama pero tumigil sya sa lobby ng Laya. Will he stay there the whole time? Ganyan ka-boring ang trabaho ng agent? Noon, hindi ko naman naiimagine sina Chief Smiths na naiinip sa pagbabantay sa amin but now, seeing Gaelan waiting that long parang nakakawa naman.

I just shrugged.

Sabagay, naintay nga nya ang pagbabalik ni Heather simula iwanan sya, mag-intay pa kaya para sa akin ng walong oras? Piece of cake.

"Ria!" Pagbukas ko ng pintuan ng opisina ni Kuya Gilad, tuwang tuwa nyang sinalubong ako, with open arms pa!

"Hi Kuya!"

"How was your travel going here?"

"Fine." Pagod akong umupo sa silya sa harapan.

"Fine as in really fine? O fine na wala ka lang choice?"

I sighed.

"Why is he even my bodyguard, Kuya?" Napapagod na tanong ko. Ang tanong na hindi nagpatulog sa akin kagabi.

Lumabi si Kuya Gilad at ibinagsak ang likod sa kanyang swivel chair.

"Because Pierre Alfred Floresca suggested it? Did you ask him why?"

"I did! Nakakainis lang kasi parang ako pa ang immature. Samantalang dati, pinaglalayo kami."

"Ria, he's dad's favorite person now. If you really don't want him, I will talk to Dad."

"Hindi naman sa ayaw. Ang weird lang kasi sa pakiramdam. Parang hindi ako tumanda. Those old faces, nandyan pa din. It reminds me how stupid I was before." Humalukipkip ako at sumimangot.

"Speaking of old face.. Have you seen Selene?"

"Hindi pa. We lost touch. Nag-aral daw sya sa New Jersey para mag-masters, yun ang huling balita ko."

"You should see her now."

Nakaramdam ako ng saya sa ibinalita ni Kuya Gilad. Kung nandito sya sa Pilipinas ibig sabihin pupwede ko syang dalawin?

"Your friend looks a miserable housewife.." Dugtong ni Kuya.

"Miserable? Housewife? What do you mean?"

"Well, Sam was supposed to style her in one of Valdemar's corporate event last month pero isinugod daw sa ospital. Nakitang maraming pasa." Nagkibit balikat si Kuya Gilad samantalang gulat na gulat naman ako. I didn't know she got married! And to whom?

Sumakit ang ulo ko bigla, nag-alala ako agad.

"C-can I see her now?"

Inilahad ni Kuya Gilad ang palad nya. "Sure, Princess."

Nagmamadali akong nagtungo sa lobby. Wala na akong pakialam kung unang araw ko ay maglalakwatsa agad ako. Nag-alala ako sa sinabi ni Kuya. Ilang hakbang lang nakarating na ako sa entrada ng opisina.

Nanliit ang mata ko ng makita ko ang receptionist doon na nakikipaghagikgikan kay Gaelan. Si Gaelan na kanina lang ay sinusungitan ako.

"Neda.." Nakita ko sa ID plate ang pangalan nya. Tumuwid naman sya ng pagkakatayo.

"Y-yes Ma'am?"

"May pasalubong ako galing Rome." Malamig kong sabi.

"Ay, thank you po, Ma'am!"

Inilahad ko sa kanyang table ang maliit na prayer book. Napawi naman ang ngiti ni Neda. "Pray ka sa free time mo."

Kitang kita ko ang pag-angat ng labi ni Gaelan na agad din namang nawala ng masama ko syang tingnan.

Naglakad ako papalapit sa elevator na naiinis pa din. Hindi ba dapat ay nagtatarabaho sya? Nabura agad yung concern ko sa pagkainip nya! For sure he's pleased that he stayed at the lobby. Alam ko ang mga tipo ni Gaelan, she likes confident girls like Ms. Farrah, Heather and even Neda. Ilang babae pa kaya ang nagdaan doon sa limang taon na hindi ko sya nakita? Three, ten? Maybe, twenty! No, probably a hundred. Sabi ni Daddy, mayroon daw syang girlfriend. So sino naman kaya?

"Where are we going?" Natigil ako sa pag-iisip ng mamatay ang ilaw sa paligid. Nasa loob pala kami ni Gaelan ng elevator at wala kaming pinindot na button kaya nag-stand by mode ito. Nanginig ang kamay ko at hindi alam ang pipindutin. I hate dark, enclosed spaces!

"Ako na." Natigil ako sa panginging ng maramdaman ko ang kamay ni Gaelan na humawak ng mahigpit sa kamay ko. "You're trembling."

"I hate dark places." I uttered, pinaikot ni Gaelan ang daliri sa ibabaw ng palad ko. I don't know what for pero gumaan ang pakiramdam ko.

"Im here." Matatag na sabi nya pero nanlambot ang tuhod ko.

In three seconds nagkaroon agad ng ilaw, napatingin ako kay Gaelan na nakatingin lang sa akin. Nag-unahan pa kaming mag-iwas ng tingin.

"I want to see Selene. Nasaan sya?"

Natulala si Gaelan sa mukha ko na parang imposibleng sagutin ang tanong ko.

"Gaelan."

Tumango si Gaelan. Tahimik kaming naglakad patungo sa sasakyan. Napuno ang utak ko sa pag-iisip kay Selene habang nasa byahe kami. Ayaw ko naman magtanong kay Gaelan tungkol kay Selene. I felt guilt, she's a good friend, dapat hindi ko pinutol ang komunikasyon sa kanya dahil nasaktan ako. Hindi ko alam na mas malala pa pala ang inabot nya sa kamay ng asawa nya.

Bumisina si Gaelan sa tapat ng isang mansyon na mayroong malaking 'V' na nakaukit sa kahoy na gate. Hindi pamilyar ang bahay. I never met Selene's parents before kaya bigla akong nakaramdam ng hiya. Would they think na chismosa ako?

"Let's go?" Hindi ko napansin si Gaelan sa harapan ko na nakalahad na ang kamay.

Hindi ko tinanggap ang kamay pero bumaba din ako. May sumalubong sa aming matandang babae na nakatuon ang mata kay Gaelan.

"Hi Manang.. Si Selene po?" Tanong ni Gaelan.

"Nasa itaas.. Umakyat na lang kayo doon."

Ngumiti ako sa may katandaang babae na pormal na ngiti ang sinukli. Malaki ang bahay nila Selene, modern Mediterranean ang disenyo, parang mga bahay sa Italy. Bumungad ang malaking painting ng pamilya nila Selene, bata pa si Selene sa litrato, may hawak na baby ang kanyang Mommy at mayroon pang isang batang lalaki doon na kasama. Ang alam ko, babae ang kapatid ni Selene? Who's the baby boy?

"Selene..." Mahinahong kumatok si Gaelan sa tapat ng isang puting pinto ng makaakyat kami sa ikalawang palapag, walang sumagot kaya binuksan ni Gaelan ang pinto.

Nagulat pa ako ng makita ko si Selene. She really looks thin and frail. Nakaupo sya sa isang rocking chair na nakapaharap sa bintana. Pero mas nasurpresa ako sa nagsusubo sa kanya ng pagkain.

"Twin!"

Napalunok ako ng ibaba ni Heather ang hawak nyang  bowl ng soup sa tray at tinalon nya ang distansya nila ni Gaelan at naglambitin dito. Her legs wrapped against Gaelan's waist. Umiwas ako at binaling ang mga mata kay Selene na nakatingin sa akin ng walang emosyon. I wonder if she still remembers me.

Pero nakumpirma ko ng may tumulo sa kanyang mga mata na luha. Oh my God she's crying!

Napatakip ako ng bibig. Naiyak din ako sa kalagayan nya. Parang hindi sya kumakain ng husto. And I never imagined her like this! She's the strong Selene! Bakit sya nagkaganito?

Naglakad ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"I failed, Ria. I am such a failure.." She whispered in between sobs. Hinagod ko ang likod nya.

"Maayos din ito." Hinaplos ko ang mukha ni Selene at mas lalo syang naiyak. Wala tuloy akong ginawa kundi aluin sya buong maghapon. Hindi ako nagtanong. Sa tingin ko mas lalo syang maiiyak kung magtatanong ako sa pinagdaanan nya.

"Ria, you're back." Napalingon ako kay Heather na nasa likod ko pala. She's wearing a black spaghetti strap and shorts but she looks pretty. Inilahad nya ang kamay nya at niyakap ako. Yumakap din ako pabalik.

"Kamusta?" I asked casually. Hindi ako tumitingin kay Gaelan na nakaupo sa kama ni Selene.

"I am fine. We're fine." Sinilip nya sa gilid ng mata nya si Gaelan.

"Good to know."

Tumango lang si Heather at tiningnan si Selene. "Bes, do you need anything?"

Bes? They are bestfriends now? Madami talaga akong nakaligtaan, all of a sudden Heather took over, sa kanya napunta ang titulo na dapat ay sa akin. Pero wala naman akong karapatang magselos. Pinili kong talikuran ang lahat ng tao na may kinalaman kay Gaelan.

Ngumiti si Selene at umiling.

Lumapit ako kay Selene at kumuha ng book sa bag ko, hindi iyon bago. Inspirational book iyon na bitbit ko simula tumuntong ako sa ibang bansa. It helped me moved on. I hope this will help Selene too.

"Si Ria, hindi pa din nagbabago!" Sa unang pagkakataon nakita ko ang malapad na ngiti ni Selene habang binabasa ang title ng libro na ibinigay ko. Yung childish na smile nya bumakas sa mukha nya. Tumawa ako.

"Akala mo lang wala, pero madami."

"Yeah. I am sure madami.." Napalingon ako kay Heather na nakayakap sa bewang ni Gaelan. Nakaramdam ako ng pagkurot sa sikmura ko.

Kailangan kong masanay.

"Twin, will you go home later? Wala akong gig mamaya." Malambing na tanong ni Heather kay Gaelan.

"No. I have work." Pormal na sagot ni Gaelan.

"Twin.. I missed you.. Alam mo namang bihira lang ako mabakante. Kahit sa gabi na lang tayo magkita." Mas lalong lumambing ang boses ni Heather.

Tumingin si Gaelan sa akin na parang naiilang. I just shrugged.

"You go home. Ayos lang ako." Paniniguro ko, "I will call Yuki to pick---"

"Ako na. Ayoko namang sabihin ni Mr. Floresca na hindi ko inaayos ang trabaho ko." Putol sa akin ni Gaelan

"Gaelan, I can manage."

"You can't. Wag ka na makulit."

"I am not! Ikaw ang makulit." Tumaas ng kaunti ang boses ko.

"Mas makulit ka!"

Aba't talagang ipipilit nya pa! Huminga ako ng malalim dahil ayaw ko naman makipag-away sa harap ni Selene.

"Gaelan, Yuki can do it."  Kalmado kong sabi. Nagtiim bagang sya.

"No one do things the way I do, Maria." Matalim akong tiningnan ni Gaelan. Natigilan tuloy ako. Sa unang pagkakataon mula ng magbalik ako, tinawag nya akong 'Maria' and thousands of memories came back.

Pakiramdam ko sinampal sa akin ang sakit na pinaramdam nya noon. Iniwan nya ako sa ere. Pinaasa nya ako sa pangakong sya ang bumuo. Pinasakay lang ako tapos mag-isa lang pala akong babyahe. That's exactly how it felt years ago and I can still feel it now.

"W-wait.. You guys aren't fighting right?" Si Heather. Sinabayan ko ang tingin ni Gaelan.

"No one will do it the way you do because others always do it better." Umismid ako at lumabas na ng kwarto ni Selene.

It still hurts but I refuse to admit it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro