Kabanata 38
Tapos Na.
Kinapa ko ang kwintas sa aking leeg. Abala ang lahat sa paghahanda sa party mamaya habang ako ay natutulala. Bawat oras ay nakaabang ako. Itatakas ako ni Gaelan at nakahanda ako doon.
I don't want to go to Romania. Hindi lang dahil wala doon si Gaelan kundi dahil hindi ko na nararamdaman ang pag-isisip nila sa kagustuhan ko. Nasasakal ako.
"Baby girl! Did you see Ezra Santos' gown for you? Ang ganda! Paano pa kaya kung debut mo? Have you invited your friends?" Nilapitan ako ni Sam at hinalikan ako sa pisngi. I shook my head. I invited no one, walang magaganap na party. Sa huling sulat ni Gaelan ay magtatagpo kami sa labas ng mansyon at bibigyan nya daw ako ng senyales kung kailan.
Hapon na ng simulan ang makeup ko. Sinunod ko ang gusto nila, hinayaan kong ayusan nila ako pero hindi pa ako nagpalit ng damit, mas madaling tumakas sa suot kong summer dress. Para akong nabibingi sa mga pag-uusap, wala ang isip ko doon kundi na kay Gaelan. 7PM ang party and it is almost 5PM but no signs of him.
"Hi Baby Girl! Happy birthday!" Lumapit sa akin si Kuya Ahmed and handed me a gold card. Kinapa ko ang nakaembossed na pangalan ko at ang kay Kuya Ahmed, he gave me a supplementary card. Magagamit ko ito sa pagtakas namin ni Gaelan.
"Thanks Kuya!" Pinilit kong pasiyahin ang tinig ko. But the sad thought kicks in, I might not see them again tomorrow.
Si Kuya Xenon naman ay binigyan ako ng cellphone, hindi ako halos makapaniwala. I am grounded in gadgets!
"Tago mo lang." Bulong ni Kuya. I am really delighted! Niyakap ko si Kuya Xenon at itinago ang box sa drawer ko bago pa mayroong makakita. They both left the room ng sinabihan akong magbihis na. Pumasok sa loob ang dalawang dresser at si Sam para bihisan ako.
My make up was fresh and light, brown ang eyeshadow at glossy peach naman ang sa labi. Nakaayos na din ang buhok ko, it is in messy bun.
Nirequest kong iwanan muna ako sandali bago isuot ang gown, binuksan ko ang cellphone na ibinigay ni Kuya Xenon ng mawala na sila at nagtipa ng message para kay Gaelan.
Ako: Yabs, where are you? I will go out now.
Tumingin ako sa orasan, 6:15. He might be waiting outside. Baka hindi nagdala ng cellphone. Suot pa din ang floral dress, pasimple akong lumabas ng mansyon. I passed by the fire exit na diretso sa likod ng mansyon. Sa maliit na exit gate ako dumaan at sa isang iglap, nasa kalsada na ako ng village. Tanging ang cellphone ni Kuya Xenon at ang wallet na naglalaman ng gold card mula kay Kuya Ahmed ang hawak ko.
I can buy whatever I need kapag magkasama na kami ni Gaelan.
6:30. I glimpsed on my watch, nakakubli ako sa mataas na halaman sa pinakasulok na labas ng aming mansyon. By now I think everyone's looking for me but still, no signs of Gaelan. I tried dialling his number but I cannot reach him.
7:00. Mas naging mahirap ang pagtatago ko. Naalarma na ang aming security dahil nakikita ko na ang paglabas nila mula sa mansyon, our man is speaking through walkie talkies at ang ilan ay sumasakay na sa motorsiklo. Sumiksik ako ng husto sa mga halaman at hindi gumawa ng kahit anong ingay. Tingin ko ay hindi na din makakalapit pa si Gaelan dito kung ganito ang sitwayson.
Sinubukan ko maglakad sa pagitan ng halaman ng mga kapitbahay hanggang sa makalayo ako ng kaunti. Ramdam ko ang galos sa pagsuong ko sa mga halaman pero hindi ko alintana. Tumakbo pa ako para tunguhin ang gilid ako ng entrada ng village na nadedekorasyunan ng puno para ulit magtago. Sa village gate ko napagdesisyunang mag-intay para makita ko si Gaelan kung magtatangka syang pumasok. Ipinagpasalamat ko ang kadiliman at ang malamlam na ilaw sa poste, hindi ako nahirapang magkubli.
8:30 PM
"Nasaan ka na ba Gaelan?" I whispered to myself. Hinawakan ko ang binigay nyang kwintas. I can feel insect bites on my skin pero hindi ko binigyang pansin. I notice a taxi that went inside our village pero isang babae ang sakay non. Nawawalan na ako ng pag-asa, ilang beses na akong sumilip nag-asam na si Gaelan ang pumapasok sa village namin pero hindi.
Nakaisip ako ng ideya. Sinubukan kong maglakad ng kaunti papalapit muli sa aming mansyon, lumayo lang ng kaunti sa guard house, nang matanawan ko ang taxi na pumasok kanina sa village at ngayon ay papalabas na, winagayway ko ang kamay ko at agad na huminto ito. Dali-dali akong sumakay.
Tinuro ko ang bahay nila Gaelan. Ngayon ay nakakaramdam ako ng kaba sa kanyang kaligtasan. Kung walang masamang nangyari, dapat ay nandito na sya. He will not forget this! Imposible.
Nagtago ako ng husto ng huminto ang taxi sa guard house para kunin ang kanyang ID. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas na ako ng aming village. Finally!
Malakas ang kabog ng dibdib ko ng papalapit ako sa bahay nila Gaelan.
"Dito lang po, Manong." Sabi ko sa taxi, dalawang bahay ang pagitan kina Gaelan. "S-sandali lang po.."
Wala pang limang minuto, I saw Gaelan's car. Hinawakan ko agad ang wallet ko para kumuha ng pambayad pero natigil ako ng bumaba si Gaelan. Kasabay noon ay ang pagbukas ng pinto sa shotgun seat at iniluwa non si Heather. May sinasabi ito kay Gaelan at ngiting ngiti pa sya.
Kumunot ang noo ko. May dala si Heather na pagkain sa kanyang kamay. Inalalayan pa sya ni Gaelan na pumasok sa loob ng kanilang gate. Nanood ako kung paano iabot ni Gaelan ang susi sa isa sa kanilang mga guards. Hindi ako halos makahinga! I dialled Gaelan's number again, I saw he took his phone from his pocket kasabay ng sunod sunod na busy tone sa kabilang linya.
Pinatay nya ang tawag ko...
"Neng, okay ka lang?" the taxi driver asked. Tumango ako ng nanginginig ang mga labi at nabasa na ang mukha sa luha.
He cheated! He played on my feelings!
"S-sandali lang po.." Dahan dahan akong bumaba ng taxi. Wala sa sariling naglakad patungo sa visitor's gate ng mga Ancheta.
"Gaelan!" I called. Napalingon sya mula sa aktong papasok sa kanilang bahay, pumihit sya papunta sa akin, his expresson remained blank, parang hindi man lang sya nagulat na nandito ako sa harap nya.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong nya.
"M-may usapan tayo.." Nahihirapang sabi ko.
"Gael, sino yan?" Narinig ko ang boses ni Heather. Napapikit ako. This will be the most embarassing moment of my life, I am crying in front of Gaelan at may ibang makakakita.
"Get inside, Heather." Wika ni Gaelan ng makita ko ang anino ni Heather na papalapit. Hindi sya sumunod.
"Ria? Are you okay?" Sumilip si Heather sa may gate at kumunot ang noo.
"Heather, susunod na ako. Pumasok ka muna." Ulit ni Gaelan, tumango tango naman si Heather.
"Gaelan, nag-intay ako." Bigkas ko. Alam kong hindi pa nakakalayo si Heather but my words couldn't wait.
"You should go back."
"What? No! I came this far Gaelan! I came this far tapos pababalikin mo ako doon? May usapan tayo. Sinabi mong mag-intay ako, hindi lang ako nag-intay! Andito na ako.." Bigong bigo ang boses ko. Ni hindi ko maisip kung si Gaelan pa ba ang kaharap ko. Baka ibang tao na!
"Wala akong balak pumunta." Malamig na sabi nya. Hindi man lang sya tumitingin sa akin. Natigilan ako at ilang segundong prinoseso ang kanyang sinabi.
"Anong sabi mo?"
"Wala akong balak pumunta. I realize that I can't do this. I am too young, you are too young."
Hindi ako makapaniwala. My heart shattered in to pieces hanggang sa natulala na ng tuluyan. Ramdam ko ang panginginig ng balikat ko dahil sa sama ng loob.
"Ganoon lang yon? Ha?" Hinampas ko ang dibdib ni Gaelan pero parang bakal lang iyon sa aking kamay. "Hahayaan mo akong pumunta sa ibang bansa?" Buong hinanakit na tanong ko.
Humakbang ng isa si Gaelan paatras, "Loving you is so complicated. It is not what I imagined. Alam mo, tama ka, maybe this is too fast-"
Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Gaelan, halos mamanhid ang kamay ko pero hindi man lang sya pumiksi.
"Ang daya mo! Ang daya daya mo! Pinaniwala mo ako. You broke my heart so many times but I choose forgive you because I thought you deserve it. But you don't!" Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang palad. As if it could cover me up from tears, halos umecho nga ang pagtangis ko sa aking tenga.
Binalot kami ng katahimikan bukod sa malakas kong paghikbi. I felt a constricting pain in my chest, the pattern of my tears remained constant, malungkot na malungkot at parang dinudurog. Sa puntong iyon, alam ko na. Alam na alam ko na hinding hindi na ako magmamahal ulit sa paraang ganito. My love for him is so strong that it consumed me. The feeling came in when I was not ready, when I have not yet figured out what it is called in the first place. Sa panahong ang mga salita para ipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ay hindi pa nabubuo!
Hindi ko alam kung paano pa ako humihinga sa kanyang harapan kung sa paraan pa lang ng panlalamig nya, kanina pa ako namatay.
Kumuyom ang palad ko, sumikip ng husto ang dibdib.
Standing in front of me is the man I choose to love. It is forever. I know. Hindi basta kumawala ang utak ko, hindi dala ng kabataan kundi isang pakiramdam na itinakda sa akin. I know I am not capable to feel this love so compelling, so selfless and destructive ever again. My future is here in front of me and I am sure. Madilim ang mga mata ni Gaelan, his jaw tightened, inaantay kong maawa man lang sya sa akin pero hindi. Hindi sya lumapit.
"But then, I love you. Gaelan." I whimpered.
"Kahit anong masamang gawin mo. God knows how painful it is and how ready I am to embrace it." Nanginginig ang kamay kong inilihad kay Gaelan kasabay ng pagpikit ko.
"Kakalimutan ko ang lahat. Tumakas tayo, please." Kinagat ko ang pangibabang labi ko, I never thought I would be so good in self destruction. Inaantay ko ang pagdampi ng kamay nya sa akin.
Pero nabigo ako.
"You don't know what you are talking about." Ang huling salitang narinig ko bago sumara ang gate sa harapan ko.
Tapos na. I cried convulsively, pinagmasdan ko ang likod nya na papalayo sa akin.
"Ineng, iuuwi na kita." Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo sa harapan ng gate nila Gaelan para labasin ako ng Taxi Driver at higitin sa braso.
Walang lakas na nagpatianod ako at sumakay sa taxi nya.
"Dalhin nyo po ako sa airport, Manong." Bulong ko.
Saglit na nag-isip ang taxi driver at sinilip ako mula sa rearview mirror.
"Ineng, alam ba ito ng mga magulang mo? Ibabalik na lang kita sa inyo-"
"17 na po ako, Manong pero magpapaalam po ako pagdating ko sa pupuntahan ko." I sobbed and sniffed altogether. I am so frustrated na balak pang makipagtalo sa akin ng Manong driver.
"Neng, ang anak ko hindi pa nakakapagdesisyon ng ganyang edad. Pag-ibig ba ang problema mo? Mag-aral ka muna. Walang magseseryoso sa kabataan ngayon. Tsk." Manong Driver said as if he knows everything.
"Kung hindi nyo po ako ihahatid sa airport sa ibang taxi na lang po ako." Akmang bababa ako ng pigilan ako ni Manong.
"Sige na, ihahatid na kita. Baka mas lalo kang mapahamak sa kamay ng ibang taxi dyan."
Sinunod ni Manong ang hiniling ko. Natulala pa ako sa liwanag at abalang airport pagpasok doon ng taxi. Nakaramdam agad ako ng kapayapaan na walang nakakaalam kung nasaan ako. Freedom, it is so close in my lips that I could taste it. Kinapa ko ang dibdib ko, may kalayaan pero kulang. My heart left me. Iniwanan ako at hindi ko alam kung kailan babalik. Baka hindi na, baka sa kanya na. We will not be close again but I will never forget how it used to be. Masakit. Sobra.
"Ito po ang bayad." Kumuha ako ng pera sa wallet ko ng higit higit pa sa metro pero umiling lang ang Manong Driver, hindi nya tinanggap.
"Kung saan ka man pupunta, tumawag ka sa magulang mo. Hindi nyo kasi alam kung gaano kami nag-aaalala sa padalos dalos na desisyon nyo. Walang magulang ang naghahangad na mapasama ang anak.. Tandaan mo yan, Ineng."
Tumango lang ako at nagpasalamat. Bumaba ako at pumila papasok sa airport kasabay ng ilang mga magkasintahan na nagkakatuwaan. Mabilis kong inialis sa utak ko na ganyan dapat kami ni Gaelan kung tumupad sya sa pangako nya. Hindi na nga sya tumupad sa kanyang pangako, nagsisiya pa sya kasama si Heather.
Nagtungo ako sa pinakamalapit na ticketing office kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta pero napili ko ang Cebu. Walang dalang gamit o kung ano.
Habang nag-iintay sa ticketing officer na ibigay ang aking ticket, sinubukan kong i-dial ang numero sa aming bahay.
"Floresca Residence.."
"May I speak to Helga?" I asked in a formal voice.
"Who's on the line please?"
"Anna." Pagsisinungaling ko.
Ilang segundo din akong nag-intay bago may sumagot muli sa kabilang linya.
"Hello?"
"Mom.. Please don't make a scene. I am fine. I need time. I am so heartbroken right now." Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang pag-iyak. May katabi pa akong nanay na may kargang baby na natutulog, ayaw kong gumawa ng ingay.
"A-anak.. Oh my, anak.. Come home to Mommy. I will take care of you.. Hindi kami galit, umuwi ka.." Bulong ni Mommy pero bakas din sa kanyang boses ang pagluha.
"Mom, I need time. Sandali lang. I need a break. Please.."
"O-okay.. S-san ka pupunta? May pera ka ba? What do you need?"
"I have money. Pupunta po ako sa Cebu. I will be fine." Paniniyak ko kahit hindi ko alam kung kaya ko ba talaga.
Ibinigay sa aking ang ticket para sa susunod na flight. Gulong gulo ang utak ko. Ganoon ba talaga katindi ang naging pagmamahal ko? Nakuha ko pang ayain si Gaelan na sumama sa akin. Ako pa ang naglakas ng loob pero tinanggihan ako.
Then I thought maybe I love like Helga Floresca, love like no tomorrow, no limits. We will choose to love until our heart revamps into a broken glass. That fragile-- but still capable of loving into those small broken pieces.
Habang nakasakay ako sa eroplano, bumalik muli sa akin ang alaala. The way he said he loves me, his promises and his conviction. Balewala lahat. Pakiramdam ko ay nilagay nya ako sa posisyon na hindi na ko maaring bumalik dahil walang kahit ano sa mga dinaanan ko nung umpisa. Walang pangako o alaala ang itinira. Nang lingunin ko ang daan pabalik, walang nag-iintay, wala akong babalikan, wala sya. All of a sudden it turned into a sink hole, malalaglag ka lang kung tatalon ka pero walang sasalo.
Masakit. Pinakamasakit lahat ang mapagtaksilan, higit pa ang maiwanan dahil sumuko sya sa laban kahit handang handa ka. Masakit na magtiwala at panghawakan ang pangako sa hangin. The empty promises cuts like sword, walang kahit ano pero nakakasakit.
I fell hard and I was made to believe that reckless love gains the best love. Rough, spontaneous and true. Mali ako. Walang ganoon. Ang pagmamahal na walang pag-iingat ay isang apoy na susunugin ka kapag hulog na hulog ka na.
The consuming love I had, but love just ain't enough. Stupid, Maria.
Tumingin ako sa labas ng bintana. Kanina lang ay maliwanag pa at punong puno ako ng pag-asa, pero habang papalapit ako sa destinasyon ko, bumabalik ang pait ng alaala.
"Ah.. di ko akalain na may kaharutan ka pala five years ago ha. Muntik ka pang makipagtanan! May balita ka pa sa kanya?" Lumabi si Regine sa akin. Ang kanyang alon alon na buhok ay nakakadistract. Kulay asul kasi ang ilang strands nito. Minsan ay pink o di kaya gold kung gusto nya.
"Sa tingin mo makikibalita pa ako? Ipinagpalit nya ako sa bestfriend nya, kakamustahin ko pa?" Umismid ako.
"Kasi kung makapagkwento ka ng anim na buwang love-hate relationship nyo eh naubos mo ang 17-hour flight natin mula France! Beh, nakakalimang power nap na yang nakaupo sa harapan natin, hindi ka pa din tapos sa kwento mo!"
Ngumisi ako sa kanya. Parang kailan lang kasi. Buong buo pa din sa utak ko ang detalye, wala akong halos nakalimutan. I sighed.
"Kahit si Yuki ay hindi din naman nagkwento kung kamusta na sya. He will forever be 'he-who-must-not-be-named' ng pamilya ko. Walang nagbanggit sa akin, hindi din naman ako nagtanong. Hindi ako interesado." Ngumuso ako at tiningnan ang sarili ko sa maliit na compact mirror mula sa aking trench coat. My hair is now shoulder length, I maintained a side bangs and that's it, my hair reflects brown hues kaya wala na akong gustong baguhin.
"Speaking of Yuki ko. Hindi ba talaga nanligaw sayo? Di ba sya ang nakasama mo sa Cebu nung nag-emote ka? Ayie." Siniko pa ako ng matabil kong kaibigan.
Umirap ako sa sinabi ni Regine.
"Mukha ba kaming sweet sa isa't isa? Ang daming babae ng isang yon! Sisingit pa ba ako?" Binalot ko muli ang aking sarili sa comforter at itinaas ang paa, ugh! I hate long flights!
"Well, he choose to be with you when you studied in Venice." Nagkibit balikat si Regine.
"Hah, Rej. Alam mong hindi totoo yon. He choose to live in Venice dahil idol nya si James Bond sa Casino Royale."
"But he was there for you right? You're bestfriends."
Pinanlakihan ko sya ng mata "Sinong may sabi? Si Yuki? Pinapaniwala ka na naman nya palibhasa'y patay na patay ka!"
Pumikit ako ng ilang sandali. Napagod ako sa kakasalita. Hanggang sa layover namin sa Dubai ay nagsasalita lang ako. It's been, what? Five years. Parang kailan lang. Nothing has changed, tingin ko ay wala pero sabi nila Rona noong magkita kami sa Rome ay hindi na daw nila ako halos makilala. Tumatawa na lang ako.
Pagkalapag ko pa lang ng Cebu noong 17th Birthday ko, Yuki was at the airport, nakasabay ko sa pagpila sa taxi. Sabi nya nagkataon, well I guess nagkataon nga dahil bakit naman nya ako susundan? I stayed in Oslob for two weeks, sa parehas na hotel nandoon din si Yuki. Hindi ko naramdaman ang mag-isa dahil sinasabayan nya din ako sa pagkain at pamamasyal. Kung iisipin ko ngayon, baka hindi nga ako nagsurvive kung mag-isa ako doon.
Nang ilang balde ang iniluha ni Mommy, bumalik ako sa Manila. I never saw 'him' again because I was homeschooled. Para akong robot ng mga panahong yon, I did what my parents asked me to do, to study and focus on it. Walang nagtanong kung kamusta nga ba ako. Kahit ang sarili ko ay hindi ko nakamusta. Come my 18th birthday, nagising ako ng umiiyak, walang hinto at ni hindi naubos ang tubig sa katawan, that is when I realized that I am not yet okay, I was never okay. Para sa akin, ang birthday ko ang anibersaryo ng pagkakatanga ko at ang napala ko sa pagsuway sa magulang. Yun lang ang naalala ko tuwing nagbibirthday ako.
That is why on my 18th birthday I went to Venice, dala ng sobrang lungkot. Hindi ko alam kung anong nag-iintay sa akin, pagkababa ko ng eroplano, si Yuki ulit ang nandoon. Naitanong ko pa sa sarili ko kung sya ba ang nag-iintay sa akin sa Venice but who am I kidding, may misyon sya doon. Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari sa buhay ni Yuki pero araw araw ko syang nakikita, maybe his mission was near my place or what. Whenever I asked him, he will always say that it is a secret mission. Of course! He's an agent.
"In fairness, bago ngayon ang atake mo, yung lugar na tinatakasan mo tuwing birthday mo, babalikan mo na ngayong birthday mo din." Ngumisi si Regine na nanunuya. She was my classmate in Venice when I took up Culinary Arts, bukod kay Yuki, sya ang madalas na nakakasama ko since her family's in Italy, hindi na sya umalis doon magmula ng umapak ako sa Venice. Babalik din ito doon pagkatapos ng aming bakasyon sa France at Pilipinas.
"Hindi ako tumatakas." Umismid ako. "Hinahanap ko ang lugar na para sa akin. Normal yon sa tumatanda."
"And home is where you should be, right?"
'The plane is now preparing for our final descent. Make sure your seatbelts are securely fasten. Please straighten up your seats, window shades up and tray table stood still. '
Home, minsan ko na ring natagpuan kung saan iyon..
at Imposible ng makauwi pa akong muli doon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro