Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 36


Maki Say's: Maraming salamat sa bumati sa akin ng Mudra's Day ❤️ At sa mga hindi nangulit ng update dahil araw ko yon. Thank you 😊 Although this chapter is long. Pambawi.


Break. (The Second)

"Please, Gaelan. Hayaan mo muna akong makapag-isip." Pakiusap ko. Kung naniniwala ako sa kasabihang 'If you love someone set them free.' taliwas ang kay Gaelan.

"At pano kapag naisip mong ayaw mo na sa akin?" Hinawakan ni Gaelan ang aking siko na parang nakadepende doon ang desisyon ko.

"S-siguro hindi talaga.." Nag-iwas ako ng tingin. Tingin ko ay hindi mangyayari yon. Hindi ako dadating sa puntong hindi ko na sya gusto. Naiisip ko pa lang ay tiyak na itatakwil ako ng sarili ko sa sobrang pagde-deny.

"No! Hindi pwede. Bakit ang bilis namang magbago ng isip mo?" Buong pag-tatampong sambit nya and it breaks my heart to him like this. Hindi naman nya kailangang magmakaawa para mahalin ko sya dahil andon na ako. Ang hinihingi ko ay oras para maitama ko ang sarili ko bago pumasok sa relasyon na kagaya nito. 

Exclusivity has a lot of meaning. Exclusivity do not give you the right to be selfish, to be narrow minded and to hate people. Ang pagiging ekslusibo ay may kaakibat na responsibilidad na maunawaan na may sarili pa ding mundo ang isa at yon ang gusto kong maintindihan ko. I want to find my individual self before being with someone. I also want to understand Gaelan's individuality, that way, I wouldn't be insecure.

"This is too fast, Gaelan. Think about things too, baka h-hindi naman talaga ako ang mahal mo."

"What? Did I make you feel that?" Gulat na gulat ang mukha ni Gaelan.

"--O may mahal ka pang iba." Pagtatama ko na ang nasa isip ay si Heather. That maybe, unknowingly, inintay nya ang pagbabalik nito kaya lang ay nandito na ako, dumating na ako at hindi na nya ako maitulak papalayo dahil gusto nya lang panindigan.

"What? Tabs, may iba pa ba tayong problema dito? Sino?"

Hindi ako nakakibo, I don't want him to make me say it. Hindi nya ba talaga nararamadaman? Their closeness is like a rust to me, unti unti nitong nilalamon ang mahina kong puso hanggang sa hindi ko na ito makilala.

"Si Heather.. Nagseselos ka kay Heather?" It's like a light bulb moment for him.

Tiningnan ko lang sya sa mata at hindi na sumagot.

"Tabs! For crissake! We are childhood friends. If I love her like I love you sa tingin mo magmamakaawa ako na wag natin tapusin ito ngayon?" Hinawakan ni Gaelan ang magkabila kong braso para tumingin sa kanya.

"Hindi ko nga naiintindihan Gaelan! Nasasaktan ako kapag magkasama kayo pero alam ko namang hindi tama kasi magkaibigan kayo. Nahihiya ako sa sarili ko kapag nararamdaman ko yon kaya nakikipagbreak ako. Bago mo pa sabihin na mali ang nararamdaman ko, alam ko na. That's why I know I am not doing this right. I hate this feeling. Kailangan kong mag-isip ng malayo sayo." Yumuko ko para hindi nya makita ang mukha ko na punong puno na ng luha. Iniangat ni Gaelan ang baba ko at ipinaharap sa kanya.

"Tabs. Ikaw ang mahal ko. Panghawakan mo yon."

"At yung nasasaktan ako, titiisin ko? Can I teach this not to feel anything? Can I really dictate this?" Tinuro ko sa kanya ang puso ko. "Hayaan mo muna ako, kapag nakapag-isip isip na ako saka na tayo mag-usap ulit."

Tumalikod na ako at papalapit na sa pinto ng chapel. I can't stay any longer.

"Are you making me choose between you and Heather?" Napigil ako sa tuluyang pagbubukas ng pinto.

"I am not asking you to choose." Nanginig ang boses ko.

"You are!" Giit ni Gaelan.

"No, I am telling you that I want to be alone because I want to learn. Gusto kong mapag-isa dahil gusto kong ituwid ang isip ko, I know this will help me in the future. Hindi kita pinapapili. Kung gusto mo ding gumawa ng bagay na maitatama ka o mas mapapabuti, then do it. Bye Gaelan."

Naglakad ako patungong rooftop ng Arts And Letters Building, doon kasi ang pinakamalapit. Binuhos ko ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang mangyayari sa mga susunod na araw, siguro ay mas masakit. Siguro mas magiging malapit sila, siguro tuluyan na kaming magkakalayo.

Isang kamay na mayroong panyo ang lumebel sa aking mukha. Tiningnan ko muna ang nag-aabot at nakita kong si Yuki iyon. Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang mukha ko, balewala din naman dahil laging mayroong bagong bugso ng luha.

"Masyado ka pang bata para umiyak ng ganyan kadami." Malumanay na sabi ni Yuki. Pinigilan ko ang paghinga para hindi tumulo ang luha pero ganoon pa din, parang gripo ang mata ko.

"Kung ako ang magulang mo, grounded ka."

Nakuha non ang atensyon ko.

"Bakit naman? Masama bang umiyak?" Nakasimangot na tanong ko.

"Alam mo yung joke na PBB Teens?"

I shook my head.

"You are too young to fall inlove as serious as that."

"Eh yun ang nararamdaman ko eh." Gusto kong magmaktol. Hindi nya lang ako naiintindihan. "Matanda ka na ba Yuki?" Umismid ako.

"I am older than you, at least."

"Break na kami." I sighed. Hinayaan kong hanginin ang buhok ko at dinama ang sinabi ko. Break na. Wala na. Tapos na.

"See, mature people won't do that." Yuki uttered.

"Paano kung nasasaktan ka na?"

"Di ba ikaw nga ang nagsabi na gusto mong masaktan kaya ka nakikihalubilo sa amin?" Tinaasan ako ng kilay ni Yuki. "Tapos kapag nasaktan ka, ayaw mo na?" Sinasabi nya yon na parang pinapagalitan ako, natigil tuloy ako sa pag-iyak.

"So dapat hindi ako nakipagbreak?"

"Dapat nag-intay ka muna ng pagkakataon at siguradong sigurado ka na. Do you think hindi nasasaktan si Gaelan ngayon? Ngayon pa lang nagmahal si Gaelan. Fck corny. But I think he really loves you"

"Ako din naman ah."

"Exactly. Nagkasakitan lang kayo."

"Ikaw Yuki, nagmahal ka na ba?"

"Yes."

"Nagkasakitan din kayo?"

"Ako lang. Hindi sya kasali. Hindi naman nya alam eh."

"Bakit hindi mo sabihin?"

"She's too young."

"Like 10 years old?" Grabe naman kung sampung taong gulang pa lang ang minamahal ni Yuki. Matagal tagal pa pala syang mag-iintay.

"No, like 16."

"Ah, ka-age ko pala." Tumango tango ako. "Pero 17 na ako next month, will that make me old enough?"

"Age is just a number."

"Parang Ponds?" Remembering the beauty product which used that line he said.

"Experience is what makes you old, and that makes you come up with better decisions. Hindi pa ako tapos eh."

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pag-uusap namin ni Yuki. Time is what I really need. Time and experience maybe. Sinimulan ko ang pag-iisip ng huling araw na magkita kami ni Gaelan although I really missed him. Kung hindi pa kami ni-require na pumunta sa school para sa huling araw ng Intercollegiate ay hindi pa sana ako papasok. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong iakto kapag nagkita kaming muli.

Nandoon ako sa gymnasium kasama ang Cheering Squad sa huling araw ng Intercollegiate. Awarding Ceremony na kasi at nanalo nga ang Keio sa karamihan sa mga laro.

"Ria, tinetext ka namin, bakit hindi ka nagrerelply?"

Ngumiti ako ng tipid kay Rona. "Sira kasi ang cellphone ko." Pagsisinungaling ko. Ang totoo ay hindi ko binubuksan. Umusog ako ng kaunti para makaupo sila.

"Kung may pinagtataguan, magpalit ng number." Suhestyon ni Rona. Napangiwi ako, alam nila siguro ang ginagawa ko ngayon.

"Sorry talaga ha.. Hindi namin akalaing pag-aawayan nyo pa ito ni Gaelan." Rona looked at me with sincerity.

"Hindi. Nagkaintindihan na kami sa bagay na ito." Sambit ko. Ako lang talaga ang umayaw.

Sabay sabay kaming napalingon sa stage ng ianunsyo na ang simula ng program. Binanggit muli ang pagkapanalo ng cheering squad at kahit papaano ay nakaramdam ako ng pagmamalaki. Ang pinakapanghuli ay ang anunsiyo ng nanalo sa basketball team, alam ko na din na ang Keio ang nanalo doon.

"Ang galing galing nga ni Gaelan.." Bumulong si Sunshine sa katabi nyang si Angelique. Hindi naman ako makapagkumento dahil hindi ko man lang napanood kahit isa. Siguro ay inspirado pa din sya dahil sinuportahan naman sya ni Heather. Hindi naman talaga kailangang nandoon ako.

"Siguro sya ang MVP." Bulong pa ni Clara. I sighed. Kung naging magaling sya sana ay sya nga, deserve naman nya yon. Sa kabilang bleachers nakita ko doon si Heather kasama ang kanyang mga kaklase. She's all smiles looking at the stage. Tiyak kagaya ko ay proud din sya para kay Gaelan.

Pumapalakpak ako sa bawat pagtawag ng team na nanalo, pinapunta naman kami dito para pumalakpak. Inanunsyo na ang 3rd at second place sa basketball.

"And now. This year's Basketball Competition winner, they made a history being the first Grandslam champion of Intercollegiate for 70 years, may we call on, KEIO Timberwolves!"

Kumurap kurap ang ilaw sa gymnasium ng Keio at napalitan ng maliliwanag ng ilaw ang masayang music. They all stood up to clap their hands for Keio. Gumaya din ako. Napunta agad ang mata ko kay Gaelan, they are all wearing their white varsity jacket in jeans but Gaelan just stood out. Mapapatingin ka din sa kanya, siguro dahil ay maraming sumisigaw ng kanyang pangalan.

Isa isa silang sinabitan ng medalya. Tipid na ngumiti si Gaelan.

"Ang gwapo talaga ng boyfriend mo, Ria." Siniko ako ni Sunshine sa sobrang ligaya, sinuway naman sya ni Rona sa ginawa. Umupo na ako dahil hindi maganda ang aking pakiramdam, masaya ako na malungkot. Tumingin ako sa aking mga sapatos lalo na ng magsalita ang emcee.

'And this year's Most Valuable Player is Gaelan Blake Ancheta!' Nagsigawan ang lahat ng ianunsyo ang kanyang pangalan. Hindi na ako tumingin. Para kasing sasabog ang puso ko sa sobrang saya ko para sa kanya pero hindi ko maipakita. Baka sabihin ni Gaelan, ang weird ko, nakipagbreak ako tapos kung makapalakpak naman ako, wagas. Tahimik na lang na nag-clap yung puso ko para sa kanya.

"Any words for your fans?" Tanong nung emcee. Gusto ko ng umalis, hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil ayokong marinig ang boses nya sa ngayon. Hindi pa talaga maayos ang pakiramdam ko.

"Ano yung nandoon sa kamay ni Gaelan?" Narinig kong bulong sa akin ni Rona. Napatingin din ako sa kaliwang kamay ni Gaelan na may hawak ng mikropono. Kapansin-pansin kasi ang kulay itim na kung ano doon sa kanyang daliri.

"Is it a tat? Pwede bang magpatattoo sa Keio?" Tanong naman ni Sunshine.

Kyuryoso din akong tumingin doon at pinagmasdang mabuti, nilipat ko ang tingin ko kay Gaelan at napansin kong nakatingin na sya sa akin at huli na para umiwas.

"Uhm, I want to extend my thanks to all the students of Keio." Nagsigawan ang lahat ng magsalita si Gaelan, halos mapapikit ako sa boses nyang yon dahil namimiss ko naman na talaga syang kausap.

"Maria Arabella Kassandra Floresca, para sayo to kahit hindi mo ako pinanood. Mahal na mahal kita."

My cheeks flared up with his statement. Umugong ang buong gym sa kanyang anunsiyo. Tunog ng nadidismaya pero karamihan ay natutuwa. Namanhid ang buong mukha ko, para lumabo pa nga ang paningin.

Talaga bang sinabi nya yon? Halos mahimatay na si Rona sa aking tabi, nagpapapadyak din ang mga kasamahan ko sa cheering squad at pinisil at kinurot pa ako nung iba. Para silang mga ipo-ipo na nagpaikot ikot sa sobrang kilig!

Ano bang ginagawa ni Gaelan?

Naramdaman ko na lang ang paghila sa akin ni Sunshine pababa ng bleachers, nasa ikalawang baitang lang naman ako kaya hindi mahirap. Nagpabigat ako ng husto, anong gagawin ko? Napatingin ako kay Gaelan, nakatingin sya sa akin, hawak ang kanyang trophy. Walang ano-ano ay humakbang sya patungo sa akin. Mas lalo kong ginustong lamunin na lang ng lupa!

Binitawan na ni Sunshine ang kamay ko, doon ko naramdaman ang kamay ni Gaelan sa akin, mataman nya akong tiningnan habang pinagdadaop nya ang palad namin. Bumaba ang tingin ko sa daliri nyang may tinta. In his left hand ring finger there's an ink, at letter 'M' iyon. Sinubukan kong burahin, napangiwi si Gaelan.

"Bago pa lang yan, masakit pa, Baby."

"Anong ginawa mo?" Pagalit ko sa kanya, nakalimutan ko na ang mga matang nakamasid sa amin.

"It's your initial in my ring finger."

"I know, pero bakit?"

"You will put our wedding ring on it."

"Gaelan.. Let's take this slow." Umiwas ako ng tingin. Mataman akong tiningnan ni Gaelan at hinaplos ang pisngi ko.

"Wag ka ng magtampo. Wag kang lumayo sa akin, ako ang mag-aadjust. You don't need to have second thoughts about it, girlfriend ko ang priority ko."

Kitang kita ko ang determinasyon sa mga mata nya. How can he say it? This world is full of uncertainties, hindi lahat ng gusto mong mangyari, yun ang mapupunta sayo. Kahit ganoon ang gusto ko, hindi ko tiyak kung kakayanin ba ng puso ko ang mangako ng walang hanggang sa kanya. Tama si Yuki, gusto kong makaramdam ng sakit pero kapag naramdaman ko na, naduduwag na ako, hindi ko na kaya. Ngayon, naiisip ko pa lang ang pinagdaanan namin ni Gaelan na away at ang posibilidad na maulit yon, natatakot na ako.

Pero yung puso ko talaga, makulit.

Sumubok ulit ako pero may pag-iingat. Ngayon ay hindi ko na masyadong binibigyan ng kahulugan ang pagkilos nya. Sometimes when you overanalyze things, doon ka mas nasasaktan. Mas binabantayan ko ngayon ang aking sarili kahit na walang patid ang panunuyo sa akin ni Gaelan.

"--Maganda at safe naman ang campsite sa Magsaysay. It is your opportunity to experience to disconnect with the outside world. Yun ay kung gusto nyo lang naman." Kaswal na sambit ni Professor Aranque na dinidiscuss ang imbitasyon sa aming klase para magtungo sa retreat ng isang linggo which means half of our sembreak.

But I don't think I will be allowed to stay in the province for a week.

"So sino ang makakasama?" Professor Aranque asked. I didn't raise my hand kahit halos lahat sila ay sasama. I sighed. Madami pa naman sigurong next time.

Niligpit ko ang gamit ko ng matapos ang klase, nag-iintay na din si Gaelan sa labas.

"Gutom ka na, Tabs?" Bungad sa akin ni Gaelan pagkalabas ko ng classroom. I nodded, late na din kaming nadismiss. Tahimik kaming dalawa na naglalakad patungo sa Food Alley, kahit araw araw naming ginagawa ang sabay na pagkain, ramdam ko na mayroong nag-iba. Hindi lang ako ang dumidistansya, ganoon din si Gaelan, para syang nakikiramdam sa dapat nyang gawin para hindi na ulit ako makipagbreak sa kanya.

Pinaupo ako ni Gaelan sa bakanteng lamesa, hindi doon sa upuan ng mga kaibigan nya dahil nandoon ang Yukan'na. Tipid akong kumaway kay Selene, ganoon din ang ginawa nya. Wala doon si Heather, sa kabilang bandang lamesa sila nakapwesto, nakita ko syang nakatingin sa amin ni Gaelan. Kasama nya ang mga kaklase nya, ngumiti din sya sa akin at kumaway. Ganoon din ang ginawa ko kahit nakukunsensya ako, alam kong iniiwasan sya ni Gaelan para sa akin.

Inantay ko si Gaelan na bumalik dala ang aming pagkain.

"Gusto mo ba nito?" Tanong nya habang ibinababa ang grilled chicken at iba't ibang klaseng gulay na walang hipon. Tumango ako, ayos lang naman sa akin.

"Sa sabado pala yung concert, uhm, makakasama ka ba?"

Matagal pa akong nag-isip para maalala ang concert na sinasabi ni Gaelan. Oo nga pala, yung paborito nyang banda. Nandoon ang mga kaibigan nya, nandoon din si Heather. Siguro ay ayos lang kung wala ako.

"Hindi na siguro, ikaw na lang." Sagot ko. Napatigil si Gaelan sa pagkuha ng pagkain at tinitigan ako.

"Sumama ka na, nangako ka." Sabi nya, "We still do things as partners right? Please?"

Huminga ako ng malalim, I made a promise. Kahit hindi ko maintindihan ang sitwasyon namin ni Gaelan, hindi dapat naapektuhan ang pangakong binitiwan ko. Kaya pinroblema ko maghapon kung paano ako magpapaalam kay Daddy at Mommy.

Sumilip ako sa library ng aming pamilya pagkadating ko mula sa school, madalas ay nandito si Daddy para sa mga papeles na kanyang iniuuwi sa bahay. Nag-angat sya ng tingin ng maramdaman nya ang pagbubukas ng pinto.

"Dad.." I uttered.

"Yes, sweetheart?"

"C-can I... Can I watch a concert with friends?"

Ilang segundo akong tiningnan ni Daddy bago magsalita. "Concert.. With friends. Sino sinong mga kaibigan? Kakilala ko ba sila?"

"Hindi pa po.. Just r-random classmates from school."

"Baka hindi safe yon, Hija. Concerts have the worst crowds, nagwawala ang mga tao, smokers are everywhere, may mga nakainom—"

"Dad, please?" Pagsusumamo ko. Hinawakan ko pa ang ibabaw ng kamay ni Daddy para maramdaman nya ang pagiging desperado ko. "I will be a good girl. I promise."

Huminga ng malalim si Daddy at tiningnan akong mabuti. "You will bring your security with you. Uuwi ka pagkatapos na pagkatapos ng concert."

Tumango tango ako. Mabuti iyon! Basta makakapunta ako.

Hindi ko na nakakasama ang Yukan'na ng mga sumunod na araw kaya hindi ko alam kung ano ang aasahan ko doon sa concert. Unang beses ito. Unang beses na pinayagan ako ni Daddy. Nabanggit ko naman kay Gaelan at naging masaya sya. Gustong gusto nya ang bandang yon.

"Doon ba tayo magkikita, Tabs?" Inilipat ko sa kabila kong tenga ang cellphone habang kausap si Gaelan. Bukas na ang concert at hindi talaga mapalagay si Gaelan.

"Oo.. Kailangan kasing kasama ko ang bodyguards ko. Ihahatid nila ako doon."

"Okay.. Magsuot ka ng kumportableng damit. Wag kang mag-palda o di kaya ay dress, magsuot ka din ng sneakers." Bilin pa ni Gaelan, tumango tango ako kahit di nya nakikita.

"Mahal kita." Sambit ni Gaelan para putulin ang katahimikan.

Mahal din kita.

Ang salitang ilang araw ko na ding nililimitahang sabihin. Ayaw ko na ding magpadalos dalos. Ayaw ko din na isipin nya na sobrang nahuhumaling ako sa kanya kahit totoo naman yon. Minsan kasi, kapag ikaw ang mas nagpapakita ng pagmamahal, ikaw ang nababalewala. Ayoko lang maulit ang dati.

Dumating ang araw ng concert. Nakabihis na ako, skinny jeans, puting scoop tshirt at sneakers ang sinuot ko, sinunod ko ang sinabi ni Gaelan. Alas-sais ang usapan namin na magtagpo doon sa entrance. Tinext ko si Gaelan ng sumakay ako sa sasakyan at sinabi nyang nag-iintay sya, maaga pala nagsisimula ang concert?

Mayroon ng pila doon sa venue pagdating ko pero mukhang hindi pa nagpapapasok. Everyone has banners huge and small. Mukhang masasaya at excited ang lahat pero ako talaga walang reaksyon dahil hindi ko naman kilala.

"Young Maiden, mag-i-station lang po kami sa palibot ng area. Ayos lang po ba kung pipila kayo o dito muna kayo sa sasakyan?" Si Chief Smiths.

Tumango ako, puro kabataan lang naman ang nasa paligid kaya sigurado akong ligtas.

"Aantayin ko lang ang mga kaibigan ko, I don't want them to feel intimidated with my bodyguards. Please be discreet, Chief." Bilin ko. Tumango si Chief Smiths at sumenyas sa kanyang mga kasama bago tuluyang lumayo sa akin.

Nagparada ang tatlong itim na sasakyan ng mga bodyguards ko at natabunan sila ng napakaraming tao. Tumunog ang cellphone ko, tumigil muna ako sa paghahanap kina Gaelan at sinagot iyon.

"Kahit madaming tao, ikaw agad ang nakikita ko. Ano bang pinakain mo sa akin?" Napangiti ako ng marinig ang boses ni Gaelan.

"Gulay at isda." Sagot ko.

"Ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko, Baby." Nag-init ang pisngi ko.

Nasaan na ba si Gaelan? Alam kong nakikita naman nya ako!

"Dati ay mataba ako. Ayaw mo sa akin kasi mataba ako." Pag-papaalala ko sa kanya. I even rolled my eyes.

"Dati mataba ka, ayaw ko sayo dahil nakuha mo ang atensyon ko kahit mataba ka."

"Bakit binobola mo pa din ako? Nasan ka ba?" Natatawang tanong ko.

"Pag marami na pala ang nasa harap mo, hindi mo na talaga ako makikita." May himig ng pagtatampo si Gaelan. Nagpalinga linga ako. Nasaan ba talaga sya?

May kakaiba akong napansin na nakatayo at mayroong hawak na lobo sa di kalayuan, hugis puso pa ang lobo!

"Ikaw ba ang may lobo?" Gusto kong matawa. "Paano kita makikita kung nagtatakip ka ng mukha?"

"Can you follow the balloon, Baby?" Tanong nya.

"Uhm.." Sinubukan kong lumapit sa lobo pero naglalakad ito, sumuot suot ako sa napakaraming tao para lang masundan, kapag nawawala ako ay titingala ako para makita ko ito. Parang hindi nauubos ang tao. Hanggang sa nakita ko na nakahinto ang lobo. Nakita kong nakatali iyon sa sasakyan ni Gaelan. Tinanggal ko ang pagkakaribbon nito sa door handle at ininspeksyong mabuti.

"Sakay." Utos ni Gaelan pagkabukas ng bintana.

Sumakay agad ako sa kanyang sasakyan.

Ngumiti si Gaelan at hinawakan ang kamay ko. "Good job, Tabs."

"S-saan tayo pupunta?"

"Itinakas lang kita sa mga guards mo." Gaelan chuckled habang nagsisimula ng paandarin ang sasakyan. "Turn-off your phone."

"Di ba manonood tayo ng concert.." Pagpapaalala ko sa kanya.

"I have better plans."

"More than your favorite band?"

"For my favorite girl."

Pinisil ni Gaelan ang palad ako at kalmadong nagpaandar ng kanyang sasakyan.

Ilang ulit akong nagtanong kung saan kami pupunta pero surprise daw! Si Gaelan talaga ang daming kalokohan.

Napagtanto kong malapit sa bahay nila ang binabaybay ni Gaelan na daan. Pupunta kami sa kanila o ano?

Nadaanan na namin ang bahay nila pero lumagpas lang siya. Saan ba talaga?

Isang bakanteng lote ang pinaradahan ni Gaelan. May chicken wire na nakaharang at may nakalagay na 'PRIVATE PROPERTY'. Mukhang wala namang tao sa loob, kulay berde ito dahil sa mga halaman at napakatahimik. I can even see the birds flying towards the area, siguro ay pupwesto na sila sa mga puno para tulugan.

"Halika na." Pag-aaya sa akin ni Gaelan.

"Saan?"

"Dito.."

"Sinong mayari nyan?"

Hindi sumagot si Gaelan at nagsimula na syang maglakad. Sumunod na lang tuloy ako. Binuksan nya ang nagsisilbing gate doon sa lugar. Pumasok sya at sumunod pa din ako kahit kinakabahan. Are we trespassing?

"Alright, we need to hike a bit.." Hinawakan ni Gaelan ang aking kamay. Sobrang bare pa nung lugar. Puro puno lang pero mukhang well-maintained naman. Mayroong paakyat na pathwalk na tanging hindi natatakpan ng makapal na damo't halaman at doon kami umakyat ni Gaelan. Ano kayang mayroon doon sa itaas? Parang bakante din naman. Naghahati ang dilim sa liwanag kaya nakikita ko pa ang palibot. Kaya lang mamaya ay madilim na! Late na din kami sa concert, hahanapin kami ng mga kaibigan namin.

Siguro limang minuto kaming nag-lakad paakyat. Wala ng ilaw sa itaas kaya nangapa ako, ang liwanag ay tuluyan ng nilamon ng dilim. Just when we stood there under a big tree, sumilip ang buwan sa pinakamataas na bahagi ng lugar. Doon ko napagtanto kung nasaan kami. It's a cliff! Hinila ako ni Gaelan sa pinaka dulo non.. Ganoon na lang ang pagkamangha ko ng makita ko ang man-made lake sa ibaba! Kumikinang ito dahil sa perpektong bilog na buwan, yun ang nagsilbing liwanag.

"Ang ganda!" Bulalas ko. Gaelan smiled widely.

"Nagustuhan mo?" Tanong sa akin ni Gaelan. Tumango tango ako. Higit pa sa pagkagusto ang pakiramdam ko, napakasaya dito! Matahimik, mahangin, ang liwanag na nagmumula sa buwan at tunog ng tubig sa ibaba. It is really enchanting!

"Good. Halika." Hinawakan ni Gaelan ang aking kamay, Nagtungo kami sa kabilang dako ng cliff, ilang hakbang lang naman ang layo. May nakikita akong mga gamit na hindi ko mapagtanto kung ano pero naliwanagan ako ng magbukas si Gaelan ng maliit na lamp na may dilaw na ilaw. Sapat lang ang liwanag nito para makita ko ang tent at barbecue grill sa katabi non. Na-excite ako bigla. Are we going to camp? Bonfire, barbecue and soft music? I really like the idea though.

"Do you love camping?" Tanong ko kay Gaelan. Umiling si Gaelan.

"I saw how your eyes lit up when Professor Aranque invited your class into a camp pero hindi ka nagtaas ng kamay nung nagtanong kung sino ang sasama." Yumukod si Gaelan at pinisil ang pisngi ko. Nalungkot ako ng maalalang hindi nga pala ako makakasama doon.

"Hindi kasi ako pwede doon." Napanguso ako. Gaelan hugged me.

"I know, so we are doing this."

"Paano yung concert na gusto mo?" Bulong ko sa kanyang dibdib.

"Alam ko kasing mahihirapan kang magpaalam sa susunod na araw kung hindi natin to gagawin. Mas madali kang itakas ngayon. This is our first date too."

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa effort ni Gaelan. Sabagay, pinag-iisipan naman nya talaga ang mga ginagawa nya, kagaya noon na nanood kami ng stars sa Keio, may mga sinabit pa syang ilaw sa gitna ng Keio. Nakakatuwa ang ganitong side ni Gaelan.

"Hindi mo na ba gustong manood ng concert?" Nag-aalala ko syang tiningnan, if he really wants it, kahit ipagpaliban na lang muna ito o di kaya ay humabol kami sa concert. Baka nagsisimula pa lang naman yon.

"Saka na. Isasama pa din kita kapag nanood ako non." Tumango ako, I will surely come with him kapag nangyari yon.

Gaelan set up a bonfire kung saan sa harap non kami umupo. Tapos nagluto kami ng barbecue para sa dinner naming dalawa. May nakaready din syang music player para kahit papaano ay may mag-aalis ng katahimikan.

"Tabs, tell me something about yourself." Hinuli ni Gaelan ang aking kamay.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Bakit ngayon ka nagtatanong nyan?"

"Well, I planned this date because I want to know you better."

"Paano kapag nakilala mo ako ng husto, ma-turn off ka?" Biro ko sa kanya.

"That won't happen."

I smiled. "Hm, I have four brothers, Gilad, Rab, Ahmed and Xenon."

"Bakit yun ang inuna mo? Tinatakot mo ba ako?" Umismid sa akin si Gaelan. Natawa ako.

"Sinasabi ko lang!"

"Ako ang bunso. I was homeschooled eversince. Growing up, I was taught to love everyone--"

"Hindi pwede. Dapat ako lang!" Singit naman ni Gaelan.

"Iba yung sayo, iba yung sa ibang tao."

"So iba ako?" Ngumisi si Gaelan.

"Ipagpapatuloy ko pa ba?" I asked. Gaelan embraced me and nodded. Habang nagkukwento ako, nakasiksik lang sya sa balikat ko at nakatingin sa mukha ko. Hawak nya din ang parehas na kamay ko. Hindi ko nga alam kung nakikinig pa sya eh. Madami akong nasabi, pati sa maliliit na detalye, mga paborito kong gawin, pagkain saka yung favorite Saint ko.

Tumingin ako sa orasan. It is 10 in the evening. Inaya ako ni Gaelan doon sa tent para maexperience ko daw. Although I think this is not the usual tent dahil napakaraming unan. Halos hindi na maramdaman ang lupa na pinapatungan ng tent.

We both lay down, ang ulo namin nakatapat doon sa maliit na butas ng tent, nakasilip kami sa stars.

"I want to know you more." Narinig kong sabi ni Gaelan.

"But I want to know you more by doing things together." He said. Malungkot akong ngumiti. Will that be possible? Limitado ang kilos ko ngayon at hindi ko tiyak kung mababawasan pa ba yon paglipas ng panahon. I will have bigger responsibilities as I get older. Fact won't change, I am the heiress and my world is way different than his.

"Maria, ikaw pa din ang Tabs ko at ako pa din ang Yabs mo kahit anong mangyari ha?" Tumagilid si Gaelan paharap sa akin. Parang narinig nya ang iniisip ko. Tumagilid din ako paharap sa kanya.

In his eyes, I can see a lot of emotions, angat doon ang lungkot at takot. Kinuha ko ang kamay nya na mayroong Initial ko at hinaplos yon.

"Makakapag-intay ka ba?" I asked.

"Oo." Mabilis na sagot nya.

"Bakit ako?"

Kinuha ni Gaelan ang kamay ko at itinapat sa dibdib nya. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok non.

"Simula una kitang nakita, hanggang ngayon, ganyan na sya." He bit his lower lip. Kumilos ako para mas lumapit sa kanya. Itinapat ko ang tenga sa kanyang dibdib at mas pinakinggan pa yon. Parang mayroong tumutugtog doon na napakagandang musika. Mabilis pero pare-parehas ang ritmo.

"I want to stay here." I whispered. Hindi ko alam na may kakayahan akong magpatibok ng ganito at espesyal yon dahil kay Gaelan ang pusong ito. The badboy who made me his slave, and until now, I am. Until when, I don't know.

---

"Maria Arabella!" Nagising ako sa pagtapik sa aking balikat. Noong una ay akala ko nananaginip lang ako pero nakita ko nga ang mukha ni Daddy na galit na nakatingin sa akin. Sa likod nya ay si Mommy na naguguluhan.

Tiningnan ko sa aking tabi, Gaelan is also fast asleep. Maliwanag na sa labas. Kinabahan ako ng husto.

Nakatulog kami!

"Tutuy" Si Tita Blair ay pilit na ginigising naman si Gaelan. Dahan dahan akong bumangon at lumabas ng tent. Nakita ko doon si Tito Garrett na may kasama ding ilang bodyguards na naka-barong, while my family has a whole battalion of guys in black.

"Maria Arabella, I am so disappointed of you!" Galit na sambit ni Daddy.

Napayuko na lang ako. Hindi naman namin sinasadyang makatulog at wala naman kaming ginawang masama. Although yes, mali. Mali talaga ito.

"Dad.. let's not overreact. I am sure Ria has a good explanation on this." Lumapit sa akin si Kuya Rab at iniharang ang katawan nya sa akin.

"You better." Tinuro pa ako ni Daddy kahit nakakapit na ako sa bewang ni Kuya Rab. Humigpit ang yakap sa akin ng kapatid ko.

"Mr. Ancheta, I would like to invite you in our home to talk about your son." Seryosong wika ni Daddy kay Tito Garrett. Tumango naman ito.

"Princess, why did you do this?" Disappointed na sabi ni Mommy.

That day I know I will choose, and I know I will break somebody's heart.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro