Kabanata 35
Maki Say's: Ang susunod na pangyayari ay hango sa tunay na buhay ko kaya mag-ingat kayo sa mga comments nyo. Char! :) Happy weekend! Thanks for reading :)
Break.
Ang dami kong nasasalubong, lahat sila ay bulgarang humahanga. Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko. Nagpunta agad ako sa dressing room para hagilapin ang gamit ko at umalis na. Hahanapin ko si Gaelan.
"Ria! Saan ka pupunta?" Tawag sa akin ni Rona, huminto ako para harapin sya.
"Kailangan ko na umalis, Rona.." Pagsisinungaling ko. Ngumiti sya at tumango.
"Job well done. Sayang at hindi mo maabutan ang results. Sana makabalik ka."
Tumango lang ako at nilagpasan sya, hindi na yon importante. Ano pang halaga non kung hindi din naman nagustuhan ni Gaelan ang surpresa ko? Akala ko ay matutuwa sya pero hindi. Hindi man lang sya nanatili para pumalakpak kagaya ng iba.
Tiningnan ko ang cellphone ko, dalawang mensahe lang ang nandoon, bago ata magsimula ang pagpapakilala sa kanila at yung isa ay yung hinahanap nya ako para kumain, wala syang planong manood ng cheerdance competition.
Nagtungo ako sa chapel, nakahinga ako ng matanawan ko sya sa swing, pero ganoon na lang ang pagkalukot ng mukha ko ng makita kong nasa tabi nya si Heather.
Si Heather ulit.
"You should understand that she wants to be a part of a group." Narinig ko pang sabi ni Heather.
"Group? Hindi pa ba sapat ang grupong mayroon ako? She's part of my friends! She's my girlfriend! Why does she needs a group?" Si Gaelan. Nasasaktan ako sa sinasabi nya.
Oo, sumasama ako sa Yukan'na, pero tuwing magkakasama sila, tila may sarili naman silang mundo. Hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila! Hindi ko makuha ang mga bagay na gusto nila. Unlike in the squad, nakakapag-usap kami tungkol sa steps, sa stunts at sa mga bagay tungkol sa buhay. They treated me like a family, they cover me up when I want to keep our practice a secret. Tuwing may napapagod ay mayroon ding nagpapalakas ng loob, kung may natatakot, may hahawak sa iyong kamay.
"Bumalik na tayo doon, baka hinahanap ka na. Di ba first game kayo? Sayang ang banner ko." Ngumiti si Heather kaya napangiti din si Gaelan. Unti unti akong nilulubog sa pinatataguan ko. Nang tumayo sila, nagmadali akong pumasok sa loob ng chapel.
At doon ako nagsimulang umiyak.
Gaelan wanted me to need him but he doesn't need me as much. Madami syang matatakbuhan samantalang ako ay sya lang. Hindi pa ba nya nararamdaman ang pangangailangan ko sa kanya ng husto? I need him so much pero ayoko syang sakalin sa bagay na yon dahil ayaw ko syang limitahan. Huminga ako ng malalim ng maubos na ang luha ko. Sinuot ko ang varsity jacket ng pep squad. Gusto ko pa sanang panoorin ang laro ni Gaelan kaya lang maiiyak lang ako pag makikita ko sya.
Papalabas na sana ako ng paking lot para salubungin si Chief Smiths ng mayroong humarang sa dadaanan ko. Kitang kita ko sa kanilang sando ang 'Roman University'.
"Uy, ang star ng Keio." Sambit nung isa, nag-angat ako ng tingin, lalagpasan ko sana sila kaya lang mas lalo nilang nilakihan ang pagsakop sa aking daraanan.
"Ang galing mo kanina." Sabi nung pinakamatangkad. Hindi ako makapagsalita kasi parang hindi talaga nila ako papadaanin.
Madami pa silang sinabi, hinihingi ang numero ko at ang kung ano ano. Wala akong sinabi kahit anong salita. Wala masyadong tao sa parking lot dahil halos lahat sila ay nandoon sa gymnasium. I can just call Chief Smiths to help me pero hangga't maari ay ayaw ko para hindi na lumikha ng komosyon.
"Nakakainis yung malakas ang loob pero nandito sa loob ng Keio di ba, Ice?" Napalingon ako sa aking tagiliran, nandoon si Hunter na sinasarhan ang pinto ng kanyang puting sasakyan, kasunod nya si Ice, may bitbit silang ice chest, mukhang gagamitin nila sa game.
Binaba ni Ice ang hawak ng ice chest, "Baka sinasadya, Bro."
Nakaamoy ako ng gulo. Magsisimula na ang game pero mukhang handa pang makipag-away ang dalawa. Nakita kong humahakbang si Ice papalapit. Sa likod nya ay si Hunter. Parehas galit ang kanilang mukha.
Natawa lang ang Romans, "So dito nyo gustong simulan ang laban?" Wika nung isa na para bang may nakakatawa.
"Kami ang nagsimula o kayo?" Tinulak ni Hunter ang isa. "Ria, get out of here." Utos nya na hindi inaalis ang mata doon sa kaharap.
"Hunter.. Tatawag na lang ako ng security.." I whispered. Umiling si Hunter at agad na nagpakawala ng suntok. Napaatras ako sa mabilis na kaguluhan, sa isang iglap ay nasa lupa na silang lahat at nagpapapgulong gulong! Wala man lang nakakapansin dahil walang sounds yung suntukan! Walang nagsasalita kundi puro suntok at sipa lang.
Napalingon ako sa gymnasium, hihingi ako ng tulong!
Nagmadali akong tumakbo patungo doon, isiniksik ko ang sarili sa napakaraming tao na nanonood ng laro ng volleyball. Nakita ko si Gaelan na katabi si Heather sa pinakaibabang bleachers, nag-alangan akong lumapit pero naisip ko si Ice at Hunter, nakakalamang sa bilang ang Romans. Isinantabi ko muna ang sama ng loob, mabuti na lang at napatingin sa akin si Kiro.
"S-si Hunter saka si Ice, napaaway.. Doon sa may parking lot." Kinakabahang sabi ko.
Nakarinig ako ng ilang pagmumura mula kay Zeus, tumakbo sila patungo doon, sumama din si Gaelan at nalagpasan na nila ako. Sumunod na lang ako sa kanila, pagkarating namin sa parking lot ay nakahiga na ang limang kalaban nung dalawa. Hinihingal si Ice at Hunter pero wala namang sugat.
"Tapos na!" Buong pagmamalaki ni Hunter. Nakahinga ako ng maluwag na wala man lang masamang nangyari sa kanila.
"Bakit kayo nakipagsuntukan?" Yuki asked. Ang strikto nyang mata ang ipinukol nya sa mga kaibigan.
"Binabastos nyan si Ria. Pababayaan namin?" Sabi naman ni Ice na parang hindi pa din nakakabangon sa inis. Napatingin ako kay Gaelan. Napakuyom ang palad nya.
"Tsk, paano pa makakapaglaro ng basketball ang mga yan? Tulog na!" Reklamo ni Kiro.
"Tara!" Nagkaayaan na sila para iwanan ang Romans. Hindi man lang kumilos si Gaelan at nanatili ang mga mata sa akin.
Sinalubong ko ang mga titig nya. Nasasaktan ako sa paraan ng pagtingin nya. Galit din ba sya sa akin dahil nasuntok ng mga kaibigan nya ang makakalaban nila sa game? Ano pa kaya ang isisisi sa akin ni Gaelan?
"Look where your decisions got you." Itinuro ni Gaelan ang mga nakahiga sa lupa.
"Gaelan."
"Ano? Sabihin mo sa akin na may idinulot na maganda ang pagsali mo doon sa squad. These people are now fantasizing about you and I bet there's more. How much attention do you really need?!" Pagalit na sabi nya sa akin. Napayuko ako dahil sa kanyang pagsigaw. Mabuti at walang tao na napapadaan man lang.
"Hindi ko hiningi ang atensyon nila..." Impit ang boses ko.
"Then ano? Why don't you just stay who you are, Maria? Why do you keep on changing? How much blood should shed dahil sa katigasan ng ulo mo? Ilan pa kaming mapapaaway ng dahil sa pagiging impulsive mo?"
"I am not being impulsive." Pagtatanggol ko sa aking sarili kahit nanginginig na ang boses ko.
"Hindi? Then why are you wearing that uniform? Why did you lie?" Sigaw ni Gaelan na para bang hindi ko sya naririnig, hinihingal pa sya sa sobrang inis.
"I did not lie!" Bumulusok ang luha sa aking mata kasabay ng pagsigaw ko. Halos masamid pa ako sa sobrang sama ng loob. Why is he so mad about it? Kung kilala nya ako, he would know that I did not intentionally do it para magpapansin.
But he doesn't know me at all. Now I have to explain.
"I wanted to surprise you at magkaibang bagay yon. Do you know how much it costs?" My voice cracked-- Out of frustration, disappointment at marami pang bagay na ngayon ko lang naramdaman.
"It cost me every bruise, every sprain and muscle ache because I am not really good at anything but I tried. Hard. Really, really hard to please you." Pinalis ko ang luhang nag-uunahan sa aking pisngi habang nababasag ang aking pagkatao. Nilalamukos ang puso ko sa sobrang sakit lalo na kapag nakikita ko sya na parang walang balak sumuko sa galit nya.
"Yung makita ang mga mata mong humahanga dahil nakikita mo akong magaling sa isang bagay na hindi nagagawa ng iba? It would probably make me jump for joy. Gusto ko ng ganon. K-Kahit kaunting appreciation lang, kahit katiting nung kinang ng mata mo noong kumanta si Heather sa stage, pahingi naman non---"
"Heather? So si Heather ang issue. Paano naman sya napasok sa usapan?" He asked in full sarcasm. Ilang beses bang makukurot ang puso ko dahil sa pag-uusap na ganito?
"She is not the issue Gaelan. Ikaw. Bakit hindi mo kayang maging proud sa akin? Kasi alam mo, proud na proud ako sayo—"
"Don't use that line to me. Do not get there!" Naiinis na sigaw nya and it breaks my heart. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumingin sa malayo. Katahimikan. Tanging langit lang ang saksi sa palitan namin ng mga salita at sa mga pagdaing ng luha ko.
Tumunog ang cellphone ko, marahil ay iniintay na ako nila Chief Smiths. Nadidismaya kong tiningnan si Gaelan.
"Gusto ko lang makuha ang atensyon mo, ang dami mo ng sinabi." Hindi sya sumagot kaya nagpatuloy ako.
"I am filthy rich and I can afford a security to protect me and even to die for me. I don't need you to bleed, Gaelan, I won't appreciate that." Matigas kong sabi, nagtiim bagang sya at tinitigan ako. Hindi ako sigurado kung paano ko napanatili ang pagiging straight-faced kahit patuloy na umaagos ang luha ko na parang patak ng ulan. My knees trembled, I felt my chest crumpled. Tumalikod na ako sa kanya dahil yon ang pinakatamang gawin bago ko pa maipunto at maipaalala sa kanya that I am Maria Arabella Kassandra Floresca, the heiress who just choose to live this life with audacity. At sila, ang maswerteng naging parte nito.
"Just make this heart stop bleeding. Masakit na."
Buong lakas akong humakbang papalayo. My soul is wounded. Pakiramdam ko gusto na ako nitong iwan dahil sa buong buhay ko ngayon lang naging ganito kasakit. Maybe because you did not expect that the person whom you have loved most will be the one to hurt you. Kung sino pala ang minahal mo ng sobra, sila lang ang may kakayanan na manakit sayo ng ganito katindi.
---
"Hello Pincess!" sinalubong ako ni Mommy pagkagaling ko sa school. Dumaan muna ako sa mall para magbihis dahil hindi na ako nagkaroon ng oras. Ginawa ko na ding dahilan iyon para palipasin ang pamumula ng aking mga mata.
"Mom, dumating na pala kayo.." Lumapit ako at humalik sa kanyang pisngi.
"Of course, we only have a month to go to prepare for your 17th birthday."
"I don't want anything, Mom." I snorted. Alam kong hindi naman sya papayag. Nung 16th birthday ko kasi ipinangako ko na sa kanya na papayag akong magpaparty sya ngayon.
"Why not? It is just a party where you can invite your friends. Of course, girl friends huh. Kung ayaw mong magwala ang mga Kuya mo."
"Hello Baby Girl!" Nagulat pa ako sa presensya ni Sam sa aking harapan. When there's party, there's Sam. She makes sure everything's okay.
"Wag kang makikinig kay Tita, she just have to say it just so she can tell your Kuya's that she warned you about boys but we can really invite guy friends di ba, Tita?"
Natawa si Mommy at nagkibit balikat, ngumuso sya at itinuro si Kuya Gilad na nandoon lang sa paligid.
"Gilad! Pinagmamasdan mo na naman ang kagandahan ko. Hindi pa tayo tapos, sino yung babaeng kasama mo nung isang araw?" Malambing at tila nagtatampong sambit ni Sam.
"Ikaw? Sino ang kasayaw mo doon sa club?" Tinaasan sya ng kilay ni Kuya Gilad at agad na pumula ang pisngi ni Sam.
"Oh my gosh si Jake!" Kinikilig na sambit ni Sam. Pabagsak na inihagis ni Kuya Gilad ang papeles na hawak doon sa centertable at nagwalkout.
Mayroon ba silang selosan?
Bakit hindi naman sila nagsisigawan? Bakit hindi umiiyak si Sam? Bakit ako umiiyak kapag nagseselos?
Ang weirdo ko talaga.
Sa sumunod na araw ay hindi na ako pumasok. Nanatili lang ako sa bahay dahil isang linggo naman ang Intercollegiate. Sinubukan ko munang maglaan ng oras sa aking sarili, hinayaan kong hindi gumana ang aking cellphone Pangalawang araw pa lang ay inip na inip na ako. Madalas lang ako sa aking kwarto at umiiyak. My tears is my breakfast in the morning and my dinner at night. How much did I lose in me? Hindi ko na matagpuan ang aking sarili. Kahit humakbang ako pabalik, wala na akong makitang bakas ng pagkatao ko noon.
This world really changed me. Totally. 360 degrees.
Then I realized a lot of things. Maybe I fell inlove too early, I lose myself in the process. Hindi ko man lang maibigay ang hilig ng sarili ko, kumuha agad ako ng isa pang iisipin. Nilagay ko ang buong mundo ko kaya hindi ko malunok na hindi lang ako ang nasa mundo nya.
Yes. This is too early.
Pangatlong na araw ng Intercollegiate, pumasok muli ako sa pag-aakalang nabuo ako sa pagiging mag-isa, pero nang makita ko muli si Gaelan at magkasama sila ni Heather? Nabasag muli ako.
"Ria! Ngayon ka lang ulit pumasok? Nanalo kayo sa Cheering Competition!" Masayang pamamalita sa akin ni Heather. She's wearing high waisted maong shorts and a white racerback, nakalugay ang kanyang mahabang buhok at nakasuot din sya ng puting baseball cap at sneakers. How can I be jealous of this girl and think that she looks good with Gaelan?
Tipid lang akong ngumiti sa kanya at tumango, si Gaelan ay hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Kakalabas lang nila sa Food Alley samantalang ako ay papasok pa lang sana.
"Pasok muna ako sa loob." Nagawa kong sabihin. Pumasok nga ako pero hindi man lang ako humakbang, inantay ko lang na sumara ang pinto, nag-ipon ng lakas ng loob tapos lumabas ako muli ng matiyak ko na nakalayo na sila.
Hinanap ko ang daan patungo doon sa chapel, I need to vent out again, kailangan ko ulit mag-pray. I have to ask forgiveness everytime I see Heather with him, nagsasawa na ako dahil pati yon ay kailangan kong ipaghingi ng tawad. Pagtapak ko sa loob ay tumalikod akong muli ng makita ko ang pamilyar na katawan na nakaupo doon sa pinakagitna.
"Wag kang aalis." Sambit ni Gaelan.
Alam kong hindi ko naman kailangang sumunod sa kanya pero hindi ko din maihakbang ang paa ko, naestatwa ako doon sa kinatatayuan ko.
Tumayo si Gaelan at dahan dahang lumapit sa akin, pinanliitan nya ako ng mata at masuyong hinaplos ang pisngi ko. Pinigilan ko ang kamay nya dahil nilulusaw ng hawak nya ang pagkatao ko, ganoon ang pakiramdam.
"Im sorry.." Bulong sa akin ni Gaelan. Sa bulong pa lang nya halos bumigay na ang sistema ko pero pinulot ko ulit at pinagtagpi tagpi ang puso ko na ilang ulit na nyang binasag.
Umiling ako, "I am too young."
"Don't say it.." Mariin na pumikit si Gaelan, alam nya kung saan papunta ang usapang ito and he's right.
"I am too young and I don't know how to handle this. Gaelan, I am too young."
"I don't care. Sige, sorry. Sorry Tabs. I was wrong. Sa tingin mo ba, sayo lang bago ang lahat ng ito? Sa akin din.. I don't like anyone seeing you the way I do. I don't want them to see why I love you but I am very proud of you. Very proud of you." Nagpahinga ang noo ni Gaelan sa aking noo, nagsusumamo ang kanyang mata at bahagyang basa pa ito. Sinalo ni Gaelan ang pisngi ko ng dalawang palad nya, my face seems so small with his hands.
"Tabs, sorry.. Sorry. Susuportahan kita sa lahat ng gusto mo. You want to grow? Then go. I will let you. Just don't do this. Please." Pumikit ako, ayokong makita si Gaelan na ganito. He broke me! Couple of times, I can forgive him but staying in this relationship keeps me on chastising myself. Nalulunod na ako sa sobrang pagmamahal ko sa kanya at hindi na din iyon makatarungan.
"Let's break up.."
"No.. No.. Tabs. Break agad? Pag nag-away tayo, break agad? Bakit ganon? Normal lang naman ang nag-aaway ha? Normal lang ito. Ito na nga, nagsosorry na ako.."
"Gaelan, please.."
"I missed you. I missed you. Im sorry.."
"I just realized that I am not ready.."
"Tabs." Putol sa akin ni Gaelan, may luhang umalpas sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung gaano pa ang itatagal ko sa usapan na ito, bawat patak ng luha ni Gaelan gusto kong saluhin. Gusto kong ako lang ang masaktan, akala ko ako lang ang masasaktan.
"Kailangan kong mapag-isa." I said. Unti unting dumulas ang kamay ni Gaelan pababa ng aking mukha. Punong puno ng sakit ang kanyang mga mata.
Gaelan is the one. I love him to bits that it is really painful. Halos bumaliktad ang sikmura ko sa sobrang sakit at pagmamahal.
My heart pounded so hard for him that it ended up breaking at the same time. Kasabay ng pagmamahal ko.
"I will give you space if I don't love you." Seryoso akong tiningnan ni Gaelan sa mata.
"But I do, so—stay.. Kapit lang, Baby." Wika ni Gaelan at masuyong hinalikan ang aking noo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro