Kabanata 32
Maki Say's:
-(Heather---HEDER with a 'th')
-Walang PAng story ang Rab at Brie, wala silang side story. Pasulpot sulpot lang sila sa TBBS
-Wala PAng story ang Sam at Gilad.
So far they are still support characters here in TBBS. Mas gusto ko ang buong libro para sa kanila pero hindi ko yon maisasabay ngayon :) Sa lahat ng tanong na paulit ulit. WALA PA. WALA PA talaga.
So don't.
"Twin!" Nakangiting sinalubong nung babae si Gaelan sabay yakap ng mahigpit dito, napalunok ako.
This is just fine right? It is just a hug.
Gulat ang mukha ni Gaelan sa ginawa nung babae pero hindi sya nagsalita. Unti unting humiwalay ang babae sa pagkakayakap pero puno pa din ng kumpiyansa ang kanyang ngiti.
"Hanggang ngayon ay nagtatampo ka pa din sa akin?" Bahagyang tinapik ng babae ang balikat ni Gaelan na parang naging estatwa na lang dahil sa pangyayari.
"Sabi ko naman sayo, babalik ako kapag nag18 na ako. Here I am." Nilahad pa ng babae ang kanyang mga kamay. "Huy, magsalita ka naman."
Kinailangan ko pang sikuhin ang tagiliran ni Gaelan bago muling kumilos.
"I-Im glad you are back." Mahinang sabi ni Gaelan.
"You are glad pero parang labas sa ilong. Nakita ko na sina Yuki at Kiro, sayang at hindi pala pumapasok sa klase ang mga iyon. Mabuti at nandito ka. Tingin ko ay magiging magkaklase tayo."
Nanatili lang akong nakatayo at nakikinig sa kanilang usapan. Nakakakuha na ng atensyon si Gaelan at ang babae kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Tumuwid ako at inalog ng kaunti ang braso ni Gaelan.
"Papasok na ako." I said, sabay lakad patalikod. Hindi kumibo si Gaelan, narinig nya kaya ako?
"Tabs.." Nakalayo na ako ng tawagin akong muli ni Gaelan. "Tabs.."
Lumingon ako. Hindi ko pa din tiyak kung lalapit ako pero tumango sa akin si Gaelan kaya humakbang ako pabalik. "This is Heather. Kaibigan namin ni Yuki at Kiro nung bata kami. Heather, this is Maria. Girlfriend ko."
'What? For real? Like, sila na ulit?'
'On and off and on and off...'
'AND ON.'
Nagsimula na naman ang parang bubuyog na bulungan ng mga kaklase ko. Gaya ng dati, ni hindi ko man lang tinapunan ng tingin. Lumapad ang ngiti ni Heather at tiningnan akong mabuti pagkatapos lumipat ang mga mata nya kay Gaelan.
"Binata ka na ah! Hello! Ako si Heather. Nung bata pa kami madalas kaming napagkakamalang kambal ni Gaelan." Kwento nito. Malakas ang boses nya pero malambing, bumagay sa maamo nyang mukha ang kanyang tono.
"Mukha ka kasing lalaki non." Umangat ang gilid ng labi ni Gaelan at mukhang nangingiti na.
"Ay grabe sya! Kambal si Yuki at Kiro and secret mo na gusto mong magkaroon ng kakambal kaya sinabi ko sayo na ako na lang ang kakambal mo! Nagpagupit pa ako ng buhok non para sayo." Si Heather.
Natawa na ng tuluyan si Gaelan.
"Kinarir ko ang pagiging bestfriend sayo hindi ba? Kaya bati mo na ako, Gaelan! Alam mo namang nung 7 years old ako, umaasa lang ako sa pakain ng magulang ko, paano kita pipiliin noong nagmigrate kami sa States?" Kinuha ni Heather ang braso ni Gaelan at humilig dito. Gaelan laughed again.
'Bestfriend sya ni Gaelan? Oh my!'
'She's really pretty!'
'Ang ganda ng sense of style nya and she looks cool!'
"Oo na, nakalimutan ko na yon." Natatawa pa ding sambit ni Gaelan. "Saan ang susunod mong klase?"
"Gaelan, mauupo na ako." Wika ko bago pa nila makalimutan ang presensya ko.
"Okay, Tabs. See you later." Malawak ang ngiting sabi ni Gaelan, nauna pa silang tumalikod kaysa sa akin kaya napagmasdan ko silang mabuti. Heather is a bit tall kaya abot sya sa tenga ni Gaelan. She has a lot of curves too.
Napabuntong hininga lang ako, what do I know about curves? I don't wear dresses like that. Naglakad ako patungong upuan ko at nakahinga ng dumating na ang professor ko.
Lumilipad ang utak ko habang nagkaklase. Bestfriend ba talaga iyon ni Gaelan? Masyado silang masaya kung titingnan. Sabagay, di ba ganoon naman kapag may kaibigan ka, dapat masaya. Haist! Ano ba itong iniisip ko. Dapat kay Gaelan lang ang aking tingin at hindi sa mga taong nakapaligid sa kanya. Hinilot ko ang nostrils ko, the thought is giving me headache.
Lumingon ako sa labas ng pinto para ipahinga ang aking mga mata, kalahating oras pa lang ang nakakalipas sa klase. Nagulat pa ako ng makita ko don si Gaelan. Nakangiti sya at kumakaway. Sinenyas nya ang kanyang cellphone kaya kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko.
Yabs Ko: Mahal kita, wag mo akong isipin :P
Napasimangot ako at inirapan si Gaelan na napakalapad ng ngiti. Hindi na sya umalis sa tapat ng classroom ko, hanggang kailan nya ba ito balak gawin? Hindi naman sana kailangan.
'Grabe, dalawang oras nakatayo doon si Gaelan!'
'Iba talagang mag-mahal si Gaelan!'
Then I realized that I should appreciate this little things that he do. Sa isang relasyon, may mga bagay na hindi naman kailangan pero gustong gawin para sayo, o ang mga bagay na kaya mo namang gawin sa iyong sarili pero iba pa din kung may gagawa para sayo. Small things like that and we should be thankful. Kung ang ibang tao nga natutuwa, paano pa ikaw na inaalayan ng serbisyo?
"Gutom na ako!" Ungot ni Gaelan sabay hawak sa kanyang tyan. Sinalubong nya ako pagkalabas ko pa lang ng pinto.
"Tabs!" Inakbayan ako ni Gaelan kaya nilingon ko sya, "I love you." Ngumiti sya sa akin, nag-init ng husto ang pisngi ko.
Hindi ko alam kung may ibang nakarinig! Napakabulgar talaga ni Gaelan!
"Saan mo gustong kumain? Ito ang first day duty ko bilang boyfriend mo." Buong pagmamalaki nyang sabi. Lumilingon pa din ako sa likod dahil baka may nakakarinig sa aming usapan.
"Basta gusto kitang kasabay." Sabi ko. Napangisi si Gaelan.
Nagtungo kami sa Food Alley. Awtomatiko ang mata namin sa lamesa ng Yukan'na. Nakaupo na don ang mga kaibigan ni Gaelan, si Selene at si Heather.
"Ria!" Kumaway sa akin si Selene. I smiled back. Nagsisimula na silang kumain at masayang nagkukwentuhan.
"Dyaan tayo uupo?" Alanganing sambit ni Gaelan ng hilahin ko ang kanyang kamay papunta doon.
"Oo, ayaw mo ba? Mga kaibigan mo sila." Paalala ko sa kanya.
Nagkibit balikat si Gaelan at sumunod din sa akin. "Ako na ang bibili ng pagkain.." Tumango ako sa sinabi ni Gaelan. Tumalikod agad sya at nagpunta sa food kiosks.
"Kayo na daw ni Gaelan? Bakit hindi mo ako tinext?" Nagtatampo ang boses ni Selene. Nahihiya akong ngumiti, tumahimik kasi silang lahat at tila gustong pakinggan ang sasabihin ko.
"Kagabi lang, Selene."
"Hm, okay! Basta pag niloko ka ni Gaelan isumbong mo sa akin ha!" Pagmamalaki ni Selene.
"Sa akin mo isumbong. Madami akong pamblackmail kay Gaelan!" Singit ni Heather na ikinahalakhak ni Kiro at Yuki. It's like she knows half of Gaelan's life. Ang kalahating hindi ko pa nararating.
I shoo away the thought in an instant, hindi makakatulong kung maiinggit ako kay Heather dahil lang sa childhood bestfriend nya si Gaelan, whatever their connection is, iba ang sa amin. I want to believe that ours is deeper. We are building our future together kaya ano ang pakakaisipin ko?
Umupo si Gaelan sa aking tabi na may bitbit na pagkain. Pinagmamalaki nya ang mga gulay na binili nya. Hindi sya natahimik hangga't hindi ko sinasabi na very good sya kaya puro kantyaw ang inabot nya sa kanyang mga kaibigan.
"Tabs, subuan mo ako.." Paglalambing sa akin ni Gaelan.
"Yuck! Alam na naming may relasyon kayo, wag naman sa harapan namin please.." Umirap si Selene pero ako, sinunod ko ang gusto ni Gaelan. Gusto kong pagbigyan ang paglalambing nya. Wala namang masama lalo na't kami na.
"Binata ka na talaga, Tutuy!!" Panunukso ni Heather na nakatutok lang ang mata sa amin. She's smiling dreamily. Ramdam ko ang tuwa nya para sa amin, kung tuwa nga bang matatawag ang kinang ng kanyang mga mata.
"Oh please, Heather. Don't start." Pagbabanta ni Gaelan sa malamig na tono.
He really hates his nickname that is why I never attempted teasing him that.
Humagikgik lang si Heather, "Pikon pa din!"
Napangiti lang si Gaelan at napailing. Inambaan sya ni Gaelan na babatuhin ng tissue si Heather. Mas lalong natuwa si Heather dahil doon.
Sa mga sumunod na araw, unti unting pumapasok si Heather sa mundo namin at nakakapag-adjust na ang sistema ko. Nakakapanibago. Close din sila ni Selene dahil magkaklase sila. Madalas ay sabay kaming kumain kasama ang Yukan'na. She has a good sense of humor at halos lahat ay gusto sya.
"I have free tickets for One Republic concert!! Who's coming?" Ipinaypay ni Heather ang mga ticket sa kanyang sarili. Nagsigawan naman sina Ice, Hunter at Kiro. Rye remained smiling, while Gaelan looks calm and happy. Nandito kami sa park sa likod ng chapel at nag-iintay ng afternoon bell.
"Heather! One for me!" Nagtaas si Selene ng kanyang kamay at agad syang inabutan ni Heather.
"Ako!"
"Ako!" Nag-uunahan na makakuha ang magkakaibigan.
Pinisil ni Gaelan ang aking kamay "You want to come?" Bulong sa akin ni Gaelan. Ngumiti ako at umiling.
"Hindi ako papayagan ni Daddy." Sagot ko. Tumango si Gaelan at pinagmasdan na lang ang mga kaibigan nyang nag-aagawan sa ticket.
"Gaelan! Di ba paborito mo ito? Favorite song natin ang Stop And Stare! Naalala mo non? Bulol ka pa non!" Natatawang sabi ni Heather. I was surprised. Gaelan likes it? Hindi ko man lang alam. Hindi ko nga kilala kung sino ang One Republic. Siguro ay isang banda yon, does Gaelan loves music? I never asked.
"Baka ikaw ang bulol!" Patol naman ni Gaelan.
"Ano, join ka?" Heather asked.
"Hindi na. Hindi kami sasama ni Maria." Nakangiting sabi ni Gaelan. Tumahimik ang lahat dahil sa desisyon ni Gaelan. I felt awkward. Hindi lang ba sya sasama dahil hindi ako pupwede?
Does it really have to be this way? Kailangan nyang limitahan ang kanyang sarili dahil sa akin? Nakaramdam ako ng hiya sa aking sarili. Pakiramdam ko ako ang killjoy kaya hindi pupwedeng maging masaya si Gaelan. Kapag hindi ako pupwede, hindi na rin sya.
"Yabs, sumama ka na... Kahit hindi ako kasama." Bulong ko.
"No. We will decide as partners." Sangga ni Gaelan.
Tinitigan ko ang kanyang mukha. His eyes are really understanding. Puno na ito ng pagiingat simula naging kami. Hindi nya ako hinahayaang mag-isa at nirerespeto nya ang mga desisyon ko. Hindi sya nagkulang sa bagay na iyon. And I really think he is sacrificing a lot for me kaysa ako ang gumagawa sa kanya.
I heaved a sigh, this won't hurt but---
"Okay, sasama ako. Sasama tayo." Pinal na desisyon ko.
Napalunok si Gaelan at tiningnan ako ng hindi makapaniwala. Binigyan ko sya ng panatag na ngiti.
"Ako ang bahala. Makakasama ako."
And I never felt proud about my decision since then. Kung kayang gawin ni Gaelan ang sakripisyo para sa akin, kaya ko din para sa kanya. Gaelan is still the same, sweet and caring. Yun nga lang pagkatapos ng oras sa Keio ay tapos na din kaming mag-usap. Hindi na kami magpapansinan at mag-iiwasan. We have surpassed three weeks and we are still okay. So far we planned it this way.
I have friends and above all, I have Gaelan. The world is fun.
"---At saka alam mo ba, hindi nahalata ni Prof Marquez na pinipilosopo na sya ni Heather. Tawa nga kami ng tawa!" Humalakhak si Selene habang nagkukwento sa akin habang papalabas kami ng Keio. Wala naman akong maisagot kundi tango. They are all older than me. Ako lang ang freshman. Bago sa akin ang lahat ng kalokohan na ginagawa ng higher years, lahat ng freshman ay takot pa din. I heard rumors about Heather being laid back and cool, para daw syang lalaki kung umasta pero babaeng babae ang porma. Men are literally drooling over her beauty and guts.
"Wag ka ngang magkwento kay Ria, Selene! Baka gayahin ako nyan!" Nakitawa din si Heather and her laugh is divine, mas lalo syang gumaganda, I wonder if Gaelan notices this things about his bestfriend.
Naglalakad si Heather sa aming unahan kasabay si Gaelan. Papalapit na kami sa parking lot kaya kailangan na naming pumosisyon ng maayos, si Selene sa aking tabi at si Gaelan at Heather naman ang sabay.
"Oy hindi! Malayo, Heather! Si Ria, demure yan. Matalino at mabait. Sya nga ang nagturo kay Gaelan magdasal!" Buong pagmamalaki ni Selene. Hinampas ni Heather si Gaelan. Umiwas si Gaelan at tumawa.
Mayroon bang nakakatawa?
"Pinapahiya mo ako, ako ang nagturo sayo magdasal nung kinder! Ibig bang sabihin, kinalimutan mo? Nagrerebelde ka sa akin kaya ka naging salbahe?" Natatawang tanong ni Heather kay Gaelan. Sumaboy sa kanyang mukha ang mahaba nyang buhok, mas lalong natawa si Gaelan at sya mismo ang humawi nito patungo sa ayos.
Naglakad na si Gaelan at Heather patungo sa pulang sasakyan. Sa kanya sumasabay si Heather dahil magkalapit lang ang kanilang bahay. Pinagmasdan kong pagbuksan ni Gaelan si Heather ng pinto at kung paano nya alalayang sumakay iyon doon. Araw araw ko namang nakikita ang tagpong ito pero ang hirap pa ding lunukin.
Parang masakit..
Pinapagalitan ko nga ang aking sarili dahil hindi naman tama na makadama ako ng ganito. Malinaw pa sa sikat ng araw na magkaibigan si Heather at Gaelan, ako lang ang maruming mag-isip.
Paglabas ko ng gate ng Keio, nakaabang na doon si Chief Smiths. Yumukod sila at sinagot ko lang iyon ng tango.
Mas masaya ba silang magkwentuhan kapag silang dalawa na lang? Nababanggit kaya ako ni Gaelan or naalala man lang?
"Baby Girl, you are spacing out. Sabi ko tingnan mo ang gown ni Kim K!" Siniko ako ni Sam. Sinubo ko ang strawberry mula sa maliit na dessert fork. Nanonood kami ng TV sa kwarto ko. Ilang beses akong lumingon sa aking cellphone para icheck kung nagtext muli si Gaelan, sinabi nya kasing sa kanila nagdinner si Heather dahil wala pa ang parents nito sa kanilang bahay at gagabihin umuwi.
"Selosa ka ba, Sam?" I asked out of nowhere. Hindi na din ako tumingin sa TV dahil hindi ko na alam ang pinapanood ni Sam.
"Ako? Well, depende. Hindi ako magseselos kahit alam kong may nakakahigit sa akin kung hindi naman sya pinagtutuunan ng pansin ng Kuya Gilad mo." Sam chuckled.
Hindi nga ba pinagtutuunan ni Gaelan ng pansin si Heather? Kung gayon ay bakit nandoon ito sa kanila?
Argh! Syempre wala si Heather kasama sa kanilang bahay. Gagawin ko din naman iyon kung nagkapalit kami ng sitwasyon.
"Pero hindi maiiwasan na makaramdam ng selos. Minsan balewala lang yon sa mahal mo pero sayo big deal na yung kaunting atensyon na ibinigay nya. Ikaw na ang may mali doon, maitatama mo lang iyon kung itutuon mo ang isip mo sa iba pang bagay bukod sa taong mahal mo. Kaya nga ako, nagpapakabusy si Gilad sa business? Ako, busy sa styling! Para naman mamiss nya ako! Mamaya ng doon ako matutulog sa kwarto nya eh kasi napapadalas ang pagkagat ko sa dila ko! I really feel Gilad thinks about me!"
Ngumiti lang ako sa sinabi ni Sam at bumalik sa pag-iisip. Ako nga siguro ang mali, binibigyan kong lahat ng kahulugan. Hindi ko dapat hayaan ang sarili na maging selosa. I know Im still young but I want to make my decisions right. Being in a relationship is deceitful. Nag-uumapaw ang emosyon kaysa sa pag-iisip ng tama. Gusto kong turuan ang aking sarili na pumili ng tamang emosyon. I will trash all the negativities kung hindi ay baka magkasira lang kami ni Gaelan.
Yabs Ko: Sinundo na si Heather ng parents nya. Miss na kita, Tabs. I love you.
Kung ganito ang taong mahal mo, maiiwasan mo ba talaga ang pagiging makasarili? I want to feel every word, I want to take everything literally. Lahat ng sinasabi nyang pagmamahal at pangako, I want to feed my soul with it. Pakiramdam ko, doon ako mas lalong nagmamahal.
I was about to reply when there's an incoming facetime videocall.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Gaelan. Sa background, halata ang kanyang kwarto. Inaantok ang kanyang mata habang nakatingin sa akin.
"Tagal mong magreply, hindi mo na ba ako mahal?" Paunang sabi sa akin ni Gaelan. Napangiti agad ako. Lumingon pa ako sa pinto at tiniyak na nakalock na iyon, mabuti na lang at nagpresinta si Sam na sa guest room matulog.
"Mahal." Nahihiyang sagot ko. Umangat ang labi ni Gaelan at tinitigan ang screen.
"Can I curse?" Seryosong tanong nya.
"Bad—"
"Damn, hindi pa din ako nasanay. Kinikilig pa din ako pag sinasabi mo yan. Mahal na mahal kita, Maria."
Ganoon din ang pakiramdam ko. Bumilis ang tibok ng puso ko pati ang paghinga. I want to cry. I want to cry because of the love I felt. May ganoon palang emosyon, sa sobrang halaga ng sinasabi, maiiyak ka. Nabusog ang kaluluwa ko ng husto at parang lulutang na lang sya paitaas.
I sighed. Bumagsak ang ilang buhok ni Gaelan sa kanyang noo. He looks really handsome. Hindi siguro ako magsasawang pakatitigan ang mukha nya.
"I love you too, Gaelan. Wag mo akong sasaktan."
"I wont. I promise"
"Good."
Sana ay hindi nga, Gaelan. Dahil sa ngayon yun lang ang tanging panghahawakan ko para manatiling normal. If I won't be shattered, I will keep my sanity. Tearing me apart will be hard, so probably, mending me will be twice as much. So don't.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro