Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30


Akin.


Patungong isang sikat na village na malapit lang sa Keio ang binabaybay namin. Nakingin lang ako kay Gaelan sa buong byahe, makita ko lang ang pasa nya ay nag-aalala na ako, ngayon pa kaya na alam kong inaapoy sya ng lagnat?

Tumunog ang aking cellphone dahil sa isang mensahe galing kay Daddy.

Dad: How are you?

Ako: Im fine Dad.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang ipinapadala ang mensahe. Hindi ko maaring sabihin na sumama ako kay Gaelan, tiyak na mag-aalala yon at ipapasundo ako. Pwede naman akong magsabi ng totoo, kaya lang ayaw kong iwanan si Gaelan na ganito ang kalagayan.

Huminto si Gaelan sa tapat ng isang eleganteng brass gate, mula sa labas ay matatanaw ang napakagandang landscaping ng kanilang garden, may mga payat na puno at nakahugis na bonsai. Mayroon ding nakatanim na rosas. Madilim na pero angat na angat pa din ang ganda ng pagkakaayos dahil sa detalyeng malamlam na ilaw sa kanilang garden.

Bumusina si Gaelan at agad na nagbukas ang gate. Mas lalo akong namangha sa pagpasok sa loob, sa gilid ay mayroong magarbong swimming pool na mayroong kulay asul, pula at berdeng ilaw sa ilalim ng tubig. Mayroong ding maliit na fountain malapit dito. Their house is not as big as ours pero mapapansin na naalagaan ito ng husto. It brings out the warmth and calm feeling when you are home.

I wonder if he grew up here. Masyadong kalmado ang pamamahay para sa masungit na si Gaelan. Ibinalik ko kay Gaelan ang aking paningin at tinaasan nya ako ng kilay.

Nagpark si Gaelan katabi ng iba pang sasakyan sa kanilang bahay. Bumaba ako kasabay ng kanyang pagbaba. Mabigat ang pagsara nya ng pinto sa kanyang side pagkatapos nang magkatinginan kami, umismid sya.

"Galit ka pa din sa akin?" Lakas loob kong tanong sa kanya.

"Ano sa tingin mo?" He answered coldly.

Napangiwi ako ng talikuran nya ako. Kahit galit sya, iniligtas nya pa din ako kaya kailangan kong tiisin ang pagsusungit nya. Nakasunod ako sa kanya habang naglalakad sya at tinutumbok ang main door ng bahay. Huminto kami sa pinto na gawa sa mabigat na kahoy, it is painted dark brown. Pinindot ni Gaelan ang maliit na buzzer. We waited for 20 seconds at bumukas agad ang pinto.

Napanganga ako sa isang napakagandang babae sa aming harapan. Nakasuot sya ng puting maong shorts at light yellow spaghetti strap, mahaba ang kanyang buhok at brown ang kanyang mga mata. Mayroon syang foreign features na sumasalamin sa mga nagagandahang modelo na napapanood ko sa TV. Nanliliit ang mata nito kay Gaelan at mukhang hindi pa napansin ang presensya ko.

"Pilyo kang bata ka! Bakit mo tinakasan ang nanay mo ha?!" Sambit nito sabay hablot ng tenga ni Gaelan. Napapikit si Gaelan at hinawakan ang kamay ng babae para patigilin sa ginagawa.

"Mom! Sorry na!"

Mom? Ito ang mommy ni Gaelan? Mukhang kasing edad lang sya ni Brie.

"Sorry? Saan ka na naman nagpunta? Tatlong araw kang may lagnat, tatlong araw ka din umaalis araw araw. Paano ka gagaling?"

"Mommy! May kasama ako.." Ungot ni Gaelan sabay tingin sa akin. Alanganin akong ngumiti at tipid na kumaway ng dumako sa akin ang mata ng Mommy ni Gaelan.

"Good evening po.."

Tumuwid sa pagkakatayo ang Mommy ni Gaelan at nahihiya akong nginitian.

"Good evening. Sorry, di ko napansin na mayroong tao. Ako nga pala si Blair. Mommy ni Tutuy."

"T-tutuy?"

"Oo, Tutuy. Si Gaelan.." Inakbayan nya pa si Gaelan na nakasimangot ng husto.

"Mom!"

"What? Yun naman ang tawag namin sayo ah."

"Si Daddy yon, nilipat nya lang sa akin nung pinanganak ako." Napapailing na sambit ni Gaelan.

"Speaking of Daddy. Nagagalit din sayo si Honeybunch at teka, bakit ka may pasa? Nakipagbasag ulo ka na naman?" Hinawakan pa nito ang mga sugat ni Gaelan sa mukha. "Anong pangalan mo pretty girl?"

"Ria po.."

"Girlfriend?" Sumunod na tanong ni Gaelan.

"Hindi." Si Gaelan na ang sumagot habang tinitingnan ako ng masama.

"Ria.. Ria.." Tila nag-isip na sambit ni Tita Blair. "Ay ikaw ang Ria na nagturo kay Tutuy na kumain ng gulay? Ikaw din ang nagturo sa kanyang magdasal? Naku, maraming salamat ha! Halika pasok ka." Hinila ako ni Tita Blair para tuluyang makapasok sa kanila. Maganda din ang pagkakaayos sa loob ng bahay, the design is Mediterranean inspired. Minimalist at pinag-isipan ang ilalagay na furniture.

"Alam mo, nung ganyan ang edad ko sayo, mahilig din akong magpray. Best in Religion nga ako." Humagikgik pa si Tita Blair habang nagkukwento.

Dalawa ang hapagkainan sa kanilang bahay, isang malaki at isang maliit na kasya lamang sa anim. May dalawang babae ang nakaupo doon at nanonood ng TV, parehas na maganda ang mukha at mestiza.

"Brooke, Brandy, asan si Brianna?"

"May hina-hunting daw po, Ma. Alam nyo na yung bunsong babae nyo may pagka-ninja." Humagikgik ang isang babae.

Hina-hunting? Hindi kaya si Kuya Rab?

"May bisita ang bunso natin!" Excited na sambit ni Tita Blair.

"Ria, ito ang dalawa sa mga Ate ni Gaelan, yung maganda na yon si Brooke." Turo ni Tita Blair sa isang babae na kulot kulot ang buhok, her skin is as clear as silk, mabait syang ngumiti sa akin.

"Hello Ria. Gilrfriend ni Gael?" She asked nicely.

"Hindi!" Mabilis na sagot ni Gaelan bago pa man bumukas ang bibig ko.

"Kung maka-hindi, wagas!" Puna ng isang babae na tingin ko ay si Brandy. Her hair is soft brown, tingin ko ay natural iyon, manipis ang kanyang ilong at sya ang mayroong pinakamapusyaw na brown na mata sa kanilang lahat. Tumayo sya at lumapit sa akin para bumeso.

"Wag mong sasagutin ang kapatid ko ha, spoiled brat yan tapos sumasagot sa mga Ate nya. Napakasungit nyan. Mamalasin ka—"

"Brandy!" Awat ni Gaelan sa kanyang Ate, humagikgik naman ang Ate nya sa kanya.

Umupo kaming tatlo sa lamesa kasama si Gaelan, umalis agad si Tita Blair para kumuha ng first aid kit. Walang ginawa ang dalawang ate ni Gaelan kundi pagpiyestahan ang kanyang mga pasa.

"Lagot ka kay Daddy." Pananakot pa ni Brooke. Umismid lang sa kanila si Gaelan.

"Honeybunch!!" Mula sa salas ay masayang tumili si Tita Blair.

"Hi Babybunch!" Isang lalaki ang pumasok sa loob ng kanilang bahay. Agad na sumabit si Tita Blair sa kanya. Tingin ko ito ang Daddy ni Gaelan dahil sa tindig ay magkaparehas sila, nanggaling kaya ito sa abroad? Parang excited na excited si Tita eh.

"Asan si Tutuy? Nakauwi na?"

Tutuy ba talaga ang tawag ng kanyang mga magulang kay Gaelan? Nakakatuwa naman ang kanyang nickname.

"Wag mong papapagalitan kasi nandito ang nililigawan. Saka Gaelan ang itatawag mo, nagagalit." Bulong pa ni Tita Blair.

Humagikgik si Brandy at tiningnan kami ni Gaelan ng makahulugan. Tumikhim si Gaelan, inirapan ako ng mapatingin muli sa kanya.

"Hi Kids!" Tumakbo si Brooke at Brandy patungo sa Daddy ni Gaelan. Tumayo din si Gaelan para yumakap dito. Mahigpit ang mga yakap nila sa isa't isa. Masyadong malambing ang kanilang pamilya. Nakakatuwa.

"Hello, Miss—" Binalingan ako ng Daddy nila. He looks young, bagay na bagay sila ni Tita Blair dahil mukha din syang modelo.

"Ria.." Bulong ni Tita Blair.

"Ria, my name is Garrett, Tut--- Gaelan's Dad. Feel at home ha, kumain na ba kayo?"

"Nagpapaluto pa ako, Honeybunch." Maagap na sagot ni Tita Blair. Tumango si Tito Garrett at tinitigan ang mukha ni Gaelan bago nangunot ang noo, "May pasa ka na naman?" He asked. Umiwas ng tingin si Gaelan.

"Kanino kaya nagmana yan si Gaelan at Brianna, Honeybunch? Mahilig sumuot sa gulo." Napapailing na sabi ni Tita Blair.

"Iniligtas lang po ako ni Gaelan sa muntik ng mambastos sa akin kaya napaaway po sya. Sorry po Tita, Tito.." Di ko na maiwasang sumingit. Tumango tango si Tita Blair at kinurot sa tagiliran si Gaelan.

"Nice move ha. Ipagpatuloy mo yan. Sa dahas din ako nadaan nitong Daddy mo eh--"

"Babybunch.." Tito Garrett groaned, I wonder how they started their love story. They really look so cute and inlove with each other. Masyado silang masaya kung titingnan.

After awhile, nagsimula na ang hapunan. Wala pa din si Brie. Nahanap na kaya nya si Kuya Rab? Sana hindi naman nya balian ng buto.

Parang sa bahay namin ang kanilang hapunan, madaming usapan ang nagaganap, it's just that my brothers and parents usually talks about business. Sila naman, kung hindi ang iboboto nila sa eleksyon ang pinag-uusapan, yung huling nangyari sa telenovelang inaabangan nilang pamilya. Namiss ata ni Tito Garrett ang episode kahapon.

"Ikaw Gaelan.. Have you decided where to transfer?" Kyuryosong tanong ni Tito Garrett sa kanya.

Tiningnan ko si Gaelan at nag-iwas sya ng tingin sa akin. Transfer? School?

"Hindi pa ako nakakapagdecide, Dad."

"Magtransfer ka na nga lang Tutuy, kinakabahan ako sa pagsali mo dyan sa Yukan'na na yan. Okay lang sa akin kung sumali ka sa Dance troupe, nakakapogi yon, pero ang maging agent ka? Kinakabahan ako lagi. Yan si Brianna, ipapa-fix marriage ko na lang para maging babae." Mahabang litanya ni Tita Blair na ikinatawa naman ni Brooke at Brandy.

Pagkatapos ng dinner kinuha agad ni Gaelan ang kamay ko, hindi ko alam kung saan kami naglalakad pero humakbang kami ng hagdan paakyat. Napahinto kami sa isang kwarto at nang buksan iyon, bumungad sa amin ang isang malawak na kwarto na may pinturang pastel light blue. Ang kama ay kulay gray pati ang kurtina. It is very manly.

Umupo si Gaelan sa kanyang kama, nakatayo lang ako doon sa may pinto. Tiningnan na naman nya ako ng masama.

"Paano ka uuwi?" Tanong nya. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.

"M-magpapasundo ako." I lied. Siguro kahit kay Sam na lang kung ayaw nya ako dito. Of course ayaw nya ako dito, ako lang naman ang nagpumilit na sumama sa kanya. Saka saan naman ako matutulog kung sakali? Paano nya sasabihin sa mommy nya na dito ako tutuloy?

"Kaya ba hindi ka pumapasok dahil may lagnat ka?" Pagkakataon ko para magtanong.

"Lagnat lang ba ang pwedeng maging sakit kaya ako absent?" Angil nya sa akin.

"M-may iba ka pang sakit? Dahil ba sa suntok ng kapatid ko? S-sorry.. Isusumbong ko sya sa Daddy ko, sasabihin ko---"

"Hindi!"

"Pwes ano? Bakit hindi ka pumapasok? Anong sakit mo?" Nagtataka pa ding tanong ko.

"Dito?" Turo nya sa kanyang dibdib.

"M-may sakit ka sa puso? B-bakit? P-paano? Malala na ba? Ipagpray natin yan Gaelan.."

"Tsk, ang inosente mo talaga. Ipapahatid na lang kita sa driver namin. Wag ka na magtagal dito. Baka mag-alala ang mga magulang mo."

Umiling ako, I can make an excuse. Hindi naman nila malalaman na hindi ako kay Mama Buding nakauwi dahil hindi nila ito mako-contact. Nag-aalala ako kay Gaelan.

"Can I stay here?" Impit na bulong ko. Pinanlakihan ng mata si Gaelan.

"Dito? Dito?" Tanong nya sabay turo sa kanyang kwarto. Mahina akong tumango.

"Im worried." Sagot ko.

"You cannot stay here." Matigas na tanggi ni Gaelan.

"K-kahit ngayon lang. Gusto lang kitang bantayan."

"Hindi ko kailangan ng bantay." I can see that.

"Gagamutin ko yung sugat mo.." Lahat na lang ata ng dahilan masasabi ko ngayon, sana pumayag na sya.

"May kasama ako sa bahay." Pagmamatigas nya. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Pakiramdam ko ipinagtutulakan nya ako. Gusto ko ding malaman ang plano nya na paglipat ng school. Hindi na kami magkikita talaga? Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat.

"Sorry na kasi!" Di ko napigilan ang sarili ko. "Sorry na Gaelan.. Sorry." I sobbed.

"Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. If I would choose homeschool, hindi din naman kita makikita. Balewala rin iyon. K-kapag pinili ko ang Keio, I cannot be friends with you but still, I can see you. Pero hindi ka naman pumapasok kasi galit ka. Sorry na Gaelan." I explained in between tears. I just have to be honest, baka sakaling may solusyon sya, ako kasi wala. I cannot break my parents' hearts pero ayoko ding lumayo kay Gaelan.

Mataman akong tiningnan ni Gaelan, para bang sinusukat ang sinasabi ko. I just want to see him. Always. Sarili ko lang naman ang niloloko ko kapag iiwasan ko sya at mas mahirap magsinungaling sa sarili.

Inilahad ni Gaelan ang kanyang braso. Tumango sya sa akin, mabagal akong humakbang patungo sa kanya, dahan dahan nya akong hinila papalapit sa kanya hanggang sa mapaupo ako sa kanyang tabi. Niyakap nya ako ng mahigpit, mahigpit na wala ng salita na kailangan pang sabihin. I like to stay here. I feel that any moment, sasabog ako sa sobrang lungkot at saya. Na dahil hindi magkatugma ang dalawang emosyon sa aking sarili, puputok na lang ako basta.

"Mahal kita." Bulong nya. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. I acknowledge.

Mahal din kita, Gaelan.

"Iiyak ka ng madami kapag nasa tabi mo ako, pero hindi ako ang gagawa sayo non." He whispered. Tumango ako. "Papaiyakin ka nila dahil ayaw nila sa akin. Magagalit sayo ang mundo. Gagawin mo ang mga bagay na hindi mo ginagawa noon."

"I don't care.." Bulong ko. Gaelan sighed.

"Let's jump?" Tanong nya.

Kinuha ko ang kamay nya para pagmasdan, pinagdaop nya ang palad namin, my hands looks small in his.

"I love you too.." 

Napasinghap si Gaelan dahil sa sinabi ko. Hinalikan nya ang aking noo, kitang kita ko ang paraan ng pagkinang ng kanyang mga mata.


"It's official. Akin ka. Akin."


At 16, I fell inlove. I am not sure what to do. They say it's difficult, they say it is wrong, but I wanted this. I wanted to take the risk. I jumped, we both jumped. I didn't know that it will open my eyes to another side of the world, another side of me. Sa isang iglap, hindi na ako ang Maria na nakilala ng lahat. Nagbago ang lahat. Naiwala ko ang aking sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro