Kabanata 29
Bahala Na.
Hindi ako sumagot kay Gaelan at ibinaba agad ang tawag. Nagmamadali na kasi si Mommy at Daddy. They really want to get out of Keio. Sa sasakyan ay wala kaming kibuan. Si Daddy malalim ang iniisip habang si Mommy ay mukhang galit sa pinagdaanan namin ngayon dahil gusto ko ng normal na buhay kagaya ng mga kasing edad ko. I want to feel being happy because you lack of some things, settle for less and resolving my problems in my own accord.
Nang dumating kami sa mansyon, bumalik na naman ang kaba kanina lalo na noong doon kami dumiretso sa library. Our library is only being used in serious meetings of the family. Isa ito sa mga bagay na yon.
Si Daddy ang nakaupo sa aisle, sa kanyang kaliwa ay si Mommy katabi si Kuya Rab tapos si Kuya Ahmed. On Daddy's right nandoon naman si Kuya Gilad at Kuya Xenon. I am sitting on the other side of the aisle. Lahat sila ay nakapaharap sa akin at mukhang madaming gustong itanong.
"Now, talk." Utos sa akin ni Daddy.
"Dad, I am doing fine. Nagkaroon lang ng hindi pagkakaunawaan."
"That your own Professor framed you up? Ganoon ba ang kalakaran sa Keio? Ang mga estudyante ay nakikipagrelasyon sa guro. Ang Guro ay ginagawan ng krimen ang kanyang estudyante? That's horrible." Napapailing na sabi ni Mommy.
I think so too, hindi katanggap tanggap ang ginawa ni Miss Farrah sa akin pero hindi magbabago ang desisyon ko. Hindi dahil ako ang nakatanggap ng kamalasan, isusuko ko na ang gusto ko.
"I-i still want to go to school.." I whispered.
"But you are being bullied, Maria Arabella. Si Ancheta at yung babaeng kinausap ko kanina, kahit ang Professor na yon ay binubully ka. Maaring ang buong Keio ay inaalipusta ka. Hahayaan mo bang walang tumatanggap sayo sa paaralang yon?" Mommy asked.
"I have a friend." Pagtatanggol ko at nasa isip si Selene. She's been nice to me eversince. Hindi nya hinusgahan ang pagkatao ko at ni hindi nadagdagan ang pagiging mabuti nya noong nalaman nya ang pagkatao ko.
"Friend is one thing, pero ang mas madalas mong makakasalamuha ay inaayawan ka. I am heartbroken, Princess." Tiningnan ako ni Daddy ng may malungkot na mata.
Tumahimik ang buong library. Ang mga kapatid ko ay hindi kumikibo. Nasasaktan ako sa ganoong tanawin pero wala akong magawa. They are right. Sinasaktan ako doon samantalang pinoprotektahan nila ako buong buhay ko.
"But I still want this. I want this Daddy.." Pagpupumilit ko halos maiyak na ako. Wala na akong masabi dahil alam kong tama sila at hindi ko naman mababago ang sitwasyon, pero gusto ko talaga. Gustong gusto ko.
Tinitigan ako ni Daddy. Bumuga sya ng hangin pagkatapos ng ilang sandali.
"Fine." His tone is with finality.
"Alfred!" Protesta ni Mommy, itinaas ni Daddy ang kanyang palad para patapusin sya ni Mommy sa pagsasalita.
"You will be returning to school pero dito ka na uuwi. Hatid sundo ka, with bodyguards and driver. I want you to promise na hindi ka lalapit sa Professor na yon pati kay Ancheta. I want you safe, Princess. Kapag naulit pa ito, Im sorry but you will be homeschooled again. Nagkakaintindihan ba tayo?" Matigas na sambit ni Daddy. Tumango ako, paulit ulit. Isang tsansa kapalit ng pag-iwas ko kay Gaelan.
'I love you..'
Paulit ulit na nag-echo ang boses ni Gaelan. Totoo kaya yon o niloloko nya lang ako? Hindi ko na alam ang totoo. All I know is life choices isn't that easy. Kung papipiliin ka kung magiging mabuti ka ba o masama, madaling piliin ang mabuti. Pero kung papipiliin ka kung magtitiwala ka o hindi, ang hirap palang pumili.
Sa isang iglap, bumalik ako sa dating buhay. Doon na ako sa mansyon pinatuloy ni Mommy. Nagkasundo kami na hindi sila magrereklamo sa mga school activities at hindi ako magkakaroon ng curfew kung sakali, but I should report to Chief Smiths. Umayon pa din sila sa gusto ko but they want me to see in our house everyday and they are betting on my honesty.
Honesty. Papanatilihin ko yon para hindi mabalewala ang tiwala nila sa akin. Nakita ko kung paano ako pagtiwalaan ng aking pamilya noong nandon kami sa opisina ng Dean. They were there not to apologize but to prove my innocence kahit hindi pa nila alam ang nangyayari.
"Good morning, Mom, Dad. Kuyas!" Maligaya kong bati sa aking pamilya kinaumagahan. Medyo nahuli ako sa breakfast dahil hindi ako agad nakatulog kagabi. Pinatay ko ang aking cellphone pero hindi naman ako napalagay sa kakaisip sa isang tao. Si Gaelan. Maeexpel kaya sya? Kung hindi ay kailangan ko sya iiwasan. Sana ay hindi iyon mahirap gawin.
"O! I miss this kind morning. Good morning Baby Botchog!" Bati sa akin ni Kuya Rab. Nakakatuwa na hindi na ulit sya galit sa akin. Doon ako pumwesto sa tabi ni Kuya Xenon kagaya ng dati.
"Good morning Baby." Bulong sa akin ni Kuya Xenon na mukhang inaantok pa. He placed food on my plate pagkatapos si Kuya Gilad naman ang nasasalin ng juice. Nanonood si Mommy at Daddy sa amin ng nakangiti.
"This is what I want.." Sabi ni Mommy kay Daddy.
Masaya kaming nagkwentuhan habang nag-aagahan. My vibe in the morning is back, kasama ko muli ang pamilya ko at maingay muli sa hapag. Kahit papaano ay naibsan ang kaguluhan ng utak dahil dito. Kagaya ng napagkasunduan, I went to school with a driver and bodyguard. Si Chief Smiths lamang ang kasama ko.
Pagbaba ko pa lang ng Keio, pinagtitinginan na ako ng lahat. Siguro dapat ay masanay na ako sa ganito. I will till try to be on the shadows kahit alam na nila ang pagkatao ko.
"Hi Ria! Do you want to eat lunch with us?" May lumapit sa aking grupo na kasama noon ni Tyra. Napangiwi ako sa ideya. Hindi kaya plano nilang pasakitin ang aking tyan?
Mukha naman nabasa ng isang babae ang aking iniisip. Malapad syang ngumiti at tinapik ang aking balikat.
"Look, we are sorry for what we have done. Let's start a new beginning as friends!" Masayang sambit nito.
"I-Im sorry pero may kasabay ako tuwing lunch.." Yumuko ako at nilagpasan sila. They want me to be their friend because of my family's power at ayoko ng ganon. You don't gain friendship because of what you have. You earn them with your personality.
Lumanghap ako ng malinis na hangin nang nagsigalawan ang puno sa field ng Keio. This is so refreshing. Hindi ko talaga ito ipagpapalit sa apat na sulok ng aming mansyon.
"Maria." Natigilan ako sa paghakbang dahil sa boses na yon. Dahan dahan akong lumingon at nakita ko doon si Gaelan. Nagtataka ko syang tiningnan. Bakit ba sya pumapasok? Maayos na ba sya? Mukhang hindi pa. Namamaga pa ang kanyang mukha at may mga sugat at pasa sa mata. Even his arms are full of bruises!
"Gaelan, please. Just go home and rest." Tumalikod ako at humakbang.
"She's jealous of you. Iniisip nyang ikaw ang dahilan ng pakikipagkalas ko sa kanya bago pa ang tagpo sa litrato na yon. She invited me to talk that day, bigla nya akong hinalikan. Hindi ko alam ang motibo nya. Wala akong naisip na ito." Patuloy sa pagpapaliwanag si Gaelan habang naglalakad ako. Hindi ako lumingon. It hurts that I cannot envision the truth. Dalawang tao lang ang kilala ko, ang mabuti o ang masama pero ang nagtatago sa gitna ay nalilinlang ako.
"So you are saying that you lied? Itong sinasabi mo ang totoo at ang kahapon ay hindi. Nung mga nakaraang araw? Alin doon ang totoo? Ang hirap maniwala kapag may ilan kang bagay na ipinagsisinungaling at ang iba ay hindi. I am not a mind reader."
"Kailangan kong sabihin ang lahat ng sinabi ko kahapon para bumagsak si Farrah! The only way she could go down is if I will push her with me. Parehas kaming may kasalanan. Ayokong magmalinis!"
But you still choose to be with her in her battle.
"I don't care. I don't care anymore, Gaelan! Kailangan kitang iwasan dahil gusto kong mamuhay ng normal. This. This is a privilege! Kung magpapatuloy ako sa paglapit sayo, ibabalik ako sa home schooling. I don't want that." MPinilit kong tigasan ang aking anyo kahit nahihirapan ang kalooban ko. Nasasaktan akong isipin na pinili na lang din nyang magsinungaling, bakit isinama nya ang kanyang sarili sa parusa? Now, I need to push him away because my family hated him more!
Hinawakan ako ni Gaelan sa braso at ipinaharap sa kanya. At doon, nagsisi ako kung bakit tumingin pa ako sa mata nyang parang nasasaktan. Dumaloy sa akin ang sakit na yon, parang may nagdudugtong sa aming dalawa na kapag nasasaktan sya, yun din ang nararamdaman ko. Masakit din.
Lumunok ako ng umigting ang panga ni Gaelan.
"Iiwasan mo ako para sa buhay na to? Akala ko ba hindi ka aalis sa tabi ko? You promised!" Gaelan clenched his jaw.
"I don't know! Yung mga sinabi mo kahapon--"
"Yung mga sinabi ko kahapon ay para idiin si Farrah. She can get away with it. Magaling syang umarte. Kailangan ko syang hilahin pababa. Babagsak sya kung magpapabigat ako. Ganoon yon! I lied because you promise you will stay. NO MATTER WHAT. Regardless if I do bad things, you will stay. At hinawakan ko ang pangako mong yon." Mabibigat ang bawat sinasabi ni Gaelan.
There, pinaalala nya sa akin kung bakit ako maniniwala sa kanya. Parang kinukurot ang puso ko ng maalala ko kung paano sya nakiusap na mananatili lang ako sa tabi nya kahit anong mangyari at kung paano nya pinanghawakan ang pangako nyang iyon.
"I can't." Mahinang bulong ko. Napaawang ang labi ni Gaelan.
Humapdi ang gilid ng mata ko. I remember my parents' faces, yung mga salita ng mga Kuya ko. Ang pagiging dismayado nila sa kabila ng kagustuhang mapabuti ako. Now my logic isn't working, I cannot think straight dahil humaling na humaling na ako sa aking nasa harap at nakaramdam ako ng takot, paano kung tama sila?
I cannot do it.
Tumigas ang anyo ni Gaelan at dahan dahang niluwagan ang pagkakahawak sa akin.
"Mas mahalaga sayo ang normal na buhay na ganito? Fine. Enjoy every minute of it. Hindi na kita guguluhin." Pagkasabi non ay tumalikod na si Gaelan. Nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha habang pinagmamasdan syang naglalakad papalayo. Nalasahan ko ang alat sa aking mga labi, pero mas lamang ang pait. I tried to suppress a sob but I failed! Para akong bata na iniwan ng paboritong kaibigan. Nanginig ang balikat ko ng husto, may mga natanawan akong paparating kaya tumakbo ako patungo sa ladies room dahil hindi ko na kayang pigilan ang bigat ng nararamdaman. Hindi ko din alam ang gagawin ko.
This pain is unbearable. Ganito pala ang pakiramdam na maubusan ng dahilan para ipaglaban mo ang taong ayaw mong pakawalan? Kahit sya ang piliin ko, hindi din magiging matagumpay dahil itatago din naman ako ng aking pamilya sa kanya. He was never part of my choice, hindi nila ako hahayaan.
Lumabas lang ako doon sa ladies room ng marinig ko ang morning bell. Pumasok ako sa klase ko kahit namamaga ang aking mga mata. Hindi kagaya ng dati na pinapaupo ng mga kaklase ko ang kanilang bag, ngayon ay nakangiti sila sa akin at inilalahad ang upuan sa kanilang tabi. Pumwesto ako doon sa likuran kagaya ng nakasanayan ko na.
Mabilis kumalat ang balita tungkol sa katauhan ko. Yung iba ay ngingitian ako tuwing makakasalubong ko samantalang yung iba ay lumilihis ng daan at natatakot sa akin. Pakiramdam ko, nagbago ang mundong ginagalawan ko sa isang iglap. Keio is now trying to give me a perfect environment. They are trying to make me believe that this is a normal life, ang mga tao ay mabait sayo o hindi ka guguluhin.
"You know, this school is really pathetic! Talaga bang ibabase nila ang pakikisama sa kung anong meron ka?" Ngumuya si Selene ng kanyang burger at pinagmasdan ang mga nakaupo sa kalapit na lamesa na tila nangangarap na nakatingin sa akin. Hinawi nya ang kanyang buhok at kampanteng nakapatong ang paa sa isang bakanteng upuan. Hindi ako kumibo at pinaglaruan ang spaghetti sa aking harapan.
"And Gaelan is such a loser. Alam mo bang nagresign sya sa Yukan'na?" Sambit ni Selene. Huminga ako ng malalim. Kamusta na kaya sya? Isang linggo ko na syang hindi nakikita. Ang alam ko ay hindi sya ieexpel dahil nakiusap ang kanyang mga magulang sa board pero hindi naman sya pumapasok.
"Hindi naman sya tinanggal sa Yukan'na eh!" Pagpapatuloy ni Selene. Bakit nga kaya nagresign sya? Saka bakit hindi sya nagpapakita sa school?
Pumasok sa Food Alley ang Yukan'na at pumwesto sa kanilang lamesa. Tumahimik ang buong Food Alley dahil kahit sanay na sila sa presensya ng mga ito ay namamangha pa din sila. The usual air in their group suddenly fills the whole place, dark. Mga kabataang walang pakialam, they won't bend and they make rules. They all look the same except for one. Wala si Gaelan.
I realized that this school is not the same without him. Pero pupwede naman syang pumasok. Bakit hindi nya ginagawa? Nagrerebelde na ba sya? Hindi na sya mag-aaral?
Pagkatapos namin magsnack ni Selene, naglakad na kami patungo sa gate ng Keio. Free cut namin parehas. Sabay kaming nag-intay ng aming sundo. Naunang dumating ang sasakyan ni Selene habang ang akin ay wala pa.
"Ayos ka na?" Bumeso sa akin si Selene bago sumakay sa kanilang sasakyan. Tumango ako at ngumiti.
"Oo! Ayos na ako. Text kita mamaya kapag nakauwi na ako."
Umupo ako sa bakanteng waiting shed para intayin sina Chief Smiths. Kadalasan ay nauuna pa sila sa schedule ko pero iba ngayong araw.
**Kring *kring
"Hello, Chief Smiths?"
"Young Maiden, mayroong aksidente habang papunta kami sa school mo kaya hindi gumalaw ang traffic. Mag-intay lang po muna kayo o pumasok muna sa loob ng Keio para ligtas. Mukhang gagabihihin kami" Suhestyon ni Chief Smiths. Nilingon ko ang Exit Gate ng Keio at nagsisimula na lumabas ang mga estudyante.
"Ganoon ba? Kay Mama Buding na lang muna ako uuwi para hindi na kayo maabala." Naisip ko na ganoon na nga. Namimiss ko na din si Mama. Ayaw nilang sumama sa mansyon ni Papa, dalawin ko na lang daw sila.
"Magco-commute po kayo? Maglalakad? Baka hindi po safe, Young Maiden. Magpaalam po muna kayo kay Master Al."
Tumango tango ako. Dinial ko agad ang numero ni Daddy na agad din namang nasagot. I can hear him tapping from his computer.
"Dad! Natraffic po si Chief Smiths. Pupwede po ako kay Mama Buding umuwi? Malapit lang naman sa school."
Dad did not answer right away but he sighed.
"Okay, Ria. Mag-iingat ka. Call me when you get there. Kapag may problema ay tatawag ka din."
Napangiti ako sa pagpayag ni Daddy. Naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep. Sa kanto ito ng Keio. Gusto ko sanang maglakad kaya lang ay naghahati na ang dilim at liwanag. Sa jeep naman ay madaming tao, mas ligtas doon.
"Hi Miss.. Pauwi ka na?" Napalingon ako sa nagsalita sa aking tabi. Di ko namalayan na mayroong grupo doon na mukhang may inaantay din. They are in school uniforms pero mukhang hindi ayos ang kanilang mukha, may mali sa kanilang mga mata, bahagyang mapupula iyon.
Hindi ako sumagot pero nakaamoy ako ng panganib. NIlingon ko ang daan pabalik sa Keio, kung maglalakad ako papabalik, mas ligtas ako doon. Kaya lang paano kung habulin din nila ako?
"Inisnab ka, David!" Humalakhak ang isa na may hawak na sigarilyo. Mas lalo akong kinabahan dahil mukhang hindi nila ako titigilan. Marahas akong tumalikod para bumalik ng Keio ng biglang may humawak sa kamay ko.
'Lord, please protect me, St. Michael, please intervene with my prayers. Amen.'
"Lambot ng kamay Pre!" My heart thumped really hard! Nanginig ang tuhod ko sa bawat pagkabog. Isa na naman ba itong dahilan para ibalik ako sa homeschooling? Yun ay kung makakauwi ako ng buhay!
"Bitaw.." Isang malamig na boses ang bumasag sa kabang nararamdaman ko at sa isang iglap kumalma ang nerves ko.
Si Gaelan!
Nakatingin sya doon sa kamay kong hawak nung isang lalaki at magkasalubong na magkasalubong ang kilay.
"Oy.. Andito na pala ang hinihintay natin!" Natutuwang sabi nung isa.
Napakunot ang noo ko ng tumayo sila at pinaligiran si Gaelan. They are tall and buff. Siguro ay mga anim sila kasama ang may hawak ng kamay ko.
"Tanggal ka na daw sa Yukan'na? Bakit?" Nanunuyang tanong nung pinakamalaki sa kanila. Hindi sumagot si Gaelan. Tumagos ang tingin nya sa akin.
"Sakay sa kotse ko." Sabi nya sa akin sabay nguso ng sasakyan nya sa likod. Hindi naman ako makagalaw. Bakit ako sasakay doon? Paano sya?
"Chicks mo?" Tiningnan ako ng lalaking may hawak sa kamay ko.
"Ganda, Pre ah. Pahira---" Isang suntok ang tumama sa pisngi nung nagsalita. Sinuntok sya ni Gaelan. Nanginginig ang kamao ni Gaelan at sa lagay na yon ay nagpipigil pa sya! But the guy went straight on the floor and passed out!
"Gago ka ah!" May gumanti ng suntok kay Gaelan. He's out numbered! Masyado silang madami para sa isa.
"Maria. Go to my car and lock the door!" Nagawa pang isigaw ni Gaelan. Hindi ako makakilos dahil kinakabahan ako. I still remember the punches he received from our bodyguards. Ayoko na makita ulit na duguan sya.
My heart beats like crazy pero wala akong magawa para matulungan sya. Sabay sabay syang sinunsuntok ng tatlong tao at ang dalawa ay nakahawak sa kanya. Umangat ang kanyang paa at sinipa ang dalawang sumusuntok sa kanyang harapan. Kagaya nung isa, bumagsak ang dalawa.
Three in total ang napabagsak ni Gaelan kaya bumitiw na sa pagkakahawak ang dalawang pumipigil sa kanya. They tried to punch him pero sinipa lang ni Gaelan ang parang leader nung grupo at ininda nito ang sakit kaya yung natitirang dalawa ang pinagbuntunan nya ng suntok at sipa. Gaelan is fighting really well pero hindi din biro ang natatanggap nyang suntok.
Apat na ang napabagsak ni Gaelan at hindi pa din tumitigil ang dalawa.
"Gusto nyo ding mahiga sa lupa?" Mayabang na sabi ni Gaelan at kinwelyuhan ang isa. I shook my head. No this isnt happening! Bakit pa sya nagmamalaki sa mga ito?
"T-tara na!" Aya nung isa sa kanyang kasama. Hirap na hirap bumangon ang nakahiga samantalang ang isa ay wala pa ding malay. In a split second they all vanished!
Lumapit sa akin si Gaelan at hinila ang aking kamay patungo doon sa sasakyan nya. Kaladlkad ang ginagawa nya sa akin.
"Why are you here?" Tanong sa akin ni Gaelan na parang naiinis.
"Inaantay ko ang bodyguard ko kaya lang natraffic daw kaya uuwi sana ako kay Mama Buding. May sugat ka--"
"Tch. Hindi ligtas! Sana ay nag-intay ka na lang. Paano kung wala ako dito?" Pasigaw nyang tanong sa akin, hinarap nya ako at napahinto kami sa tapat ng kanyang sasakyan, bumalik na naman ang pagiging iritable nya.
"Bakit ba nandito ka?" Tanong ko din. Nandito lang pala sya eh di sana pumapasok na din sya sa school.
"Bakit ka nagtatanong?" Masungit nyang sabi. Napanguso ako. Napakasungit naman!
"Ihahatid na kita." Umirap si Gaelan. Hindi na ako nagprotesta. Nakakatakot ang nasaksihan ko kanina kaya laking pasasalamat ko at nandito sya.
Tahimik ang naging byahe namin patungo kay Mama Buding. Hindi nya din ako tinitingnan. Ako ang tingin ng tingin sa kanya dahil nag-aalala ako sa kanyang sugat. Hindi pa nga magaling ang suntok ng bodyguards namin sa kanya, ngayon naman ay mayroong panibago.
Hindi ko namalayan na nakahinto na kami sa apartment ni Mama kung hindi pa ako kinalabit ni Gaelan sa noo. Walang ekspresyon ang kanyang mukha at hindi ko gusto kapag ganito sya kalamig.
Bumaba ako sa bahay ni Mama, narinig ko ang pagsara ng pinto ni Gaelan kasunod ko. Napansin ko ang gate na nakapadlock at saradong pinto. Tinulak tulak ko iyon.
"Mama!" Sinubukan kong tumawag. Ilang ulit akong tumawag pero walang sumasagot. Sumilip ang kapitbahay namin na si Aling Julie pagkalipas ng ilang sandali.
"O, Ria. Naku, wala dyan si Buding. Umuwi sila ni Filo sa Cagayan dahil naospital daw ang Tatay ni Buding. Hindi mo ba alam?" Tanong sa akin ni Aling Julie na sa pagkakaalam ay pamangkin ako ni Mama.
Umiling ako, wala naman kasing cellphone yon si Mama Buding at si Papa at base sa pagkakakilala ko sa kanila, hindi sila magpapaalam sa mga magulang ko kapag mayroong problema dahil mahihiya sila.
Binalikan ko ng tingin si Gaelan. Mapungay ang kanyang mata, dahil siguro sa suntok sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili na haplusin ang pasa sa kanyang baba pero laking gulat ko na lang ng halos mapaso ako sa init.
"Bakit ang init mo?" Gulat na tanong ko sa kanya.
Nag-iwas ng tingin si Gaelan.
"May lagnat ka?" Sumunod na tanong ko. Eh bakit pa sya namamasyal kanina? Nakipagsuntukan pa sya!
"Ayos lang ako." Doon ko lang napansin that his voice is hoarse, paos at mahina. Bakit ba hindi ko napansin na may sakit sya?
"Ihahatid na kita sa totoong bahay mo." He offered. I shook my head.
"Hindi. Hindi na. Malayo ang sa amin, isa pa may malalang traffic daw sa daraanan. Kailangan mong umuwi."
"At ikaw?" Tinaasan ako ng kilay ni Gaelan.
Oo nga pala, paano ako? Siguro uunahin ko muna na makauwi sya at magpapasundo na lang ako mamaya doon sa bahay nila? Wala naman kasi akong pagpipilian. Kung babyahe si Gaelan patungo sa amin, hindi ko din sya maiimbitahan para gamutin. Tapos susuungin nya ang trapik papabalik. Kawawa naman sya.
"Isama mo muna ako sa inyo." Nahihiya kong bulong. Tiningnan ako ni Gaelan ng hindi makapaniwala pagkatapos ay natawa ng nanunuya.
"Ikaw? Sasama ka sa bahay namin?" He asked, maliit ang kanyang mga mata at para bang sinusuri ang ekspresyon ko. Tinapangan ko ang aking mga mata.
I nodded.
Bahala na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro