Kabanata 28
Tricks.
Kabado akong humakbang habang sinusundan si Mommy at Daddy. Kahawak ko ng kamay si Selene, hindi ko man lang naipakilala sa kanila ang kaibigan ko dahil masyadong seryoso ang hangin. Tingin ko kahit anong oras ay sasabog na si Mommy sa galit samantalang si Daddy ay nanatiling walang imik kagaya ng dati. Nagkatinginan kami ni Kuya Rab at tinaasan nya ako ng kilay. Galit ba talaga sya sa akin?
Nakikita ko pa din ang nakamasid sa amin ang mga estudyanteng nagtatago sa classroom. Nahihiya tuloy ako dahil masyadong magarbo ang pagdating ng aking pamilya. Iniisip kaya nilang mayabang kami? Sana naman ay hindi.
Lumapit sa akin si Kuya Xenon at hinawakan ang kamay ko.
"Okay ka lang?" Kuya Xenon asked. Tumango ako kahit kinakabahan ako. Ang araw na ito ang maghuhusga kung mananatili ako sa Keio o babalik na naman ako sa home schooling na ayokong mangyari.
I want this life. Hindi perpekto pero ito ang gusto ko. This is reality, people aim for beautiful things but there's no such thing as constant beauty. Ugly things should interfere to experience magnificence.
Bawat paghakbang, naakakarinig din ako ng malakas na kalabog sa puso. Nakarating kami sa opisina ng Dean, ang bodyguard mismo ni Mommy ang kumatok sa pinto. Taas noo pa din si Mommy. She's an epitome of strong woman with elegance and beauty but there are so many things why Dad loves her, katiting pa lang ang nabanggit kong positibo.
"Nandito na po si Master Alfred & Madame Helga Floresca." Magalang na sambit ng bodyguard kay Dean. Nakita ko pa mula sa labas ang pagtango ni Dean, naunang pumasok si Mommy at Daddy kasunod ang mga Kuya ko, sumunod ako sa loob at naiwan si Selene. Ngumiti si Selene sa akin para palakasin ang aking loob. She even mouthed 'goodluck' bago ko sarhan ang pinto.
Bahagyang nakaawang pa ang labi ng Dean dahil sa pagdating ng aking pamilya, hindi siguro inaasahan na ang magulang ko pa ang magsusungit sa pag-uusap na ito. Of course, my parents won't actually care if I will get expelled, it's just that they will not back down without a good fight. Nilipat ni Dean ang kanyang tingin sa akin ng may nagtatanong na mata. Tumikhim sya at lumipat naman ang tingin kay Mommy.
"M-mrs. F-floresca, pinatawag ko po kayo dahil, uhm.."
"May ginawang kalokohan ang anak ko, ganoon ba?" Tumaas ang kilay ni Mommy. Napigil ko ang aking hininga. Hindi naman masungit si Mommy, kaya lang kapag ang kanyang anak na ang pinag-uusapan, nagiging tigre talaga sya. Hindi na nadugtungan ng dean ang kanayang sasabihin.
"Well, Dean. I would like to apologize if my daughter had difficulty in adjusting in this 'normal' environment that she's not used to but I would like to stress that my daughter is born a heiress and raised as such at kahit hindi ko pa naririnig ang reklamo nyo sa anak ko, hindi ako naniniwala."
"Uhm, M-mrs.Floresca. What really happened is that your daughter, sent an email to the entire school, maliciously claiming that her schoolmate and her Math Teacher is in a relationship." Mahinahong paliwanag ni Dean.
"And why would she do that?" Mommy asked, humalukipkip pa sya. Si Daddy na nasa kanyang tabi ay hinaplos lang ang kanyang likod.
"I am sorry Mrs. Floresca but your daughter is failing Math and she admitted of doing the crime to blackmail Miss Hernaez her professor and Mr. Ancheta dahil na-bully daw sya nito.."
"Admitted?" Matalim akong tiningnan ni Mommy. "Bullied?" matabang ang pagkakasabi ni Mommy, "Failing math?" Wika nya muli. Napayuko ako, I can see wrath in her eyes at nakakaramdam ako ng hindi magandang pangyayari.
"Maria Arabella.." Mabagsik ang pagkakasabi ni Mommy. Umangat ang balikat ko sa pahkataranta.
"Consider the functions f(x)= x2 and g(x)=7x + b. In the standard (x,y), coordinate plane, y=(g(x)) passes through (4,6). What is the value of b?" Seryoso akong tiningnan ni Mommy. Ugh! I hate it when she asked random math equations! It is her favorite subject.
"The value of B is 8." Napalunok ako sa aking sagot. Tumango tango si Mommy at tiningnan si Dean na ngayon ay kunot na kunot na ang noo.
"My daughter's IQ is not really high at 160-- but her Mathematics intelligence is way too above average. She was not just trained by a professor, but by a Singaporean Mathematician, she started at the age of 6. Solving Algebra at 7. Her favorite is Trigonometry but her Algebra is not really bad." Umayos si Mommy sa kanyang pagkakaupo. Hindi nagsalita si Dean at tila inaabsorb pa ang pagmamalaki ni Mommy tungkol sa akin.
"Can I talk to her Math Teacher to know in which area my daughter is failing?"
"Of course, Mrs. Floresca. Yolly, can you look for Miss Hernaez?" Lumingon si Dean sa kanyang sekretarya. Nagdial ito sa telepono at ilang sandali pa ay nagsabi na ito at kinumpirma ang pagpunta ni Miss Farrah. Napalingon ako kay Kuya Rab, tumaas muli ang kanyang kilay sa akin. If this is still about Gaelan then I should change his views.
Walang nagsasalita habang iniintay namin si Miss Farrah. Mas lalong nagkaroon ng tensyon ang hangin ng makarinig kami ng mahinang pagkatok mula sa labas ng pinto.
"Miss Hernaez, please come in." Si Dean.
Lumunok si Miss Farrah at lumipat ang mga mata nya kay Kuya Rab, nakikita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.
"Radley.." Mahinang bulong nya. Umiwas ng tingin si Kuya Rab. Lumipat ang tingin sa akin ni Miss Farrah na tila hindi makapaniwala.
"Ikaw ba ang Math Teacher ng anak ko?"
Tumuwid sa pagkakatayo si Miss Farrah at alanganing tumingin kay Mommy.
"Y-yes, Ma'am.."
"So, ikaw ang teacher na may relasyon sa kanyang estudyante?" Diretsang tanong ni Mommy.
"I-- I beg to disagree Ma'am. It was taken out of proportion. I-I mean, M-miss Floresca is failing her Math--"
"She will never fail your subject, Miss Hernaez! I really think that someone is framing up my daughter."
"U-umamin na sya, I mean--wala naman kaming relasyon ni Mr. Ancheta... K-kasi s-si Radley ang boyfriend ko.." Kinakabahang paliwanag ni Miss Farrah sabay tingin kay Kuya.
"Excuse me? I don't do girlfriend thing, Farrah. It is clear, ang boyfriend mo ay yung estudyanteng bumugbog sa akin because he saw us in my condo." Masungit na pagtanggi ni Kuya. Sumakit na ang ulo ko. Kaunti na lang ay madadawit na ang pangalan ni Gaelan.
"I-it's not true.." Napalunok si Miss Farrah.
"Dean, your Faculty member is having an affair with Gaelan Blake Ancheta! I was beaten up by your student out of jealousy." Buong pagdidiin na sambit ni Kuya. Gusto ko na lang maglaho ng marinig ko ang pangalan ni Gaelan!
"W-wait, what? So ang issue na ito--Maria Arabella being expelled and you Radley Brent being beaten up is because of this leech and that Ancheta?" Hindi na napigilan ni Mommy ang pagtaas ng kanyang boses.
"Nasaan ang iba pang sangkot?" Kalmadong tanong ni Daddy na tila malalim ang iniisip.
"Mr. Ancheta is sick so he can't come." Mabilis na sagot ng Dean na mukhang naguguluhan na din.
"My son was clearly beaten up because of this girl and my daughter was framed up--" Inaanalisa ni Daddy ang pangyayari. Mahinahon pa din sya samantalang si Mommy ay galit na galit na.
"Hindi pa tayo malinaw sa issue na mayroong na-frame up, Mr. Floresca, umamin ang anak nyo--"
"Hindi na ako magtataka kung umamin ang anak ko sa isang bagay na hindi nya ginawa dahil alam nyang kahit anong pagkakamali nya ay mahal pa din sya ng kanyang pamilya but I am really disappointed that her name is being dragged in this scandal. Maaring tinakot sya ni Ancheta."
"Hindi po ganoon si Gaelan, Dad!" Singit ko.
"Ria.." Kuya Gilad said in a warning tone.
"H--he's my friend, kagaya ko ay biktima lang din sya n-ng c--chismis."
"Chismis? That bastard beaten the sh*t out of me!" Masungit na sigaw ni Kuya Rab.
"Radley Brent, watch your mouth!" Si Mommy.
"Mom, Ria is being influenced by that guy to lie. Pinaako pa sya sa kasalanang hindi naman nya ginagawa--"
"Hindi nya ako sinabihan, Kuya Rab. Kailangan ko lang sabihin na ako ang may kasalanan para matapos na. Isa pa.. W-wala naman silang relasyon ni Miss Farrah.. K-kaya ka nya binugbog dahil akala nya boyfriend kita at niloloko mo ako." Nahihiyang paliwanag ko.
"So you are saying na may gusto sayo si Gaelan kaya nya binugbog si Radley?" Tumaas ang kilay ni Miss Farrah. Tiningnan ko sya ng makahulugan, hindi ito ang tamang panahon para makipagtalo sya. I need to spare Gaelan in that student-teacher relationship issue para makumbinse ang Dean at ang mga magulang ko na lahat kami ay biktima! Gusto nya ba talaga sa pakiramdam ang pinag-aawayan ng dalawang lalaki kaya nagagalit sya sa sinabi ko?
"Ria, just tell the fcking truth!" pagpupumilit ni Kuya Rab at nagsusumamo ang mata sa akin, nag-iwas na lang ako ng tingin.
"Rab, do not pressure Ria." Singit ni Kuya Ahmed. I don't know what to do! I need to finish this issue now! Kung hindi ay madadamay pa si Gaelan.
Napatingin ako kay Dean na mukhang hilong hilo na sa lahat ng bagay na lumalabas. Parang mga bomba na sumasabog isa isa at hindi mapigilan ang mga ito. Tuloy tuloy, nakakabingi. Huminga ng malalim na hininga si Dean at tinanggal ang kanyang eyeglasses.
"Okay, okay. The student-teacher relationship issue, maari muna nating isantabi dahil wala dito ang isang involve, rest assured that it will be further investigated, ipapatawag din ang kanyang mga magulang kagaya nito. Mr & Mrs Floresca, gusto ko lamang masettle ang issue kay Miss Floresca. Uulitin ko, an email was sent using her email account at naglalaman iyon ng malisyosong litrato ni Miss Hernaez at Mr. Ancheta. Inamin iyon ng inyong anak---"
"Xenon, call our IT guy. God, nobody knows how to investigate this case properly?" Mommy rolled her eyes.
"Ikaw naman, wag kang amin ng amin ng kasalanang hindi para sayo. I taught you how to be nice, Maria Arabella Kassandra, but not this." Nadidismaya akong tiningnan ni Mommy. It makes me sad that I fail them. Nabigo akong sumunod sa values na ipinakilala sa akin ni Mommy. The principles on how to be good and not to lean on evil, she's now thinking I didn't follow. Tingin pa lang nya ay alam nyang sumuway ako.
"Radley, is Ria your sister?" Narinig ko pang bumulong si Miss Farrah kay Kuya Rab. Hindi kumibo si Kuya Rab "but you said your surname is De Marco?"Bulong muli ni Miss Farrah. Humagikgik si Kuya Xenon dahil doon.
"Miss, flirts don't get to bag honest guys." Kuya Xenon said as a matter of factly.
Napasimangot si Miss Farrah, nagtaas ng kamay si Kuya Xenon na natatawa pa din, ganoon nga si Kuya Rab, ang pagkatao nya ay itinatago nya din sa kanyang mga babae.
Ilang sandali pa ay dumating na ang isa sa tauhan namin na si Richard na mula sa aming IT Consultancy Firm ni Kuya Xenon. Lumapit si Richard sa computer ni Dean at tiningnan ang email na sinend noon sa Keio gamit ang email address ko.
"The IP address indicates that the email came from Taguig." Kalmadong sabi ng ni Richard, tumatango tango naman si Dean dahil nakikita nya ang bawat proseso ng pag-iimbestiga. Si Mommy ay nagpapaypay ng kanyang sarili at tila tiyak na tiyak sya na wala talaga akong kinalaman sa ganoong kabulastugan.
"Our house is in Makati and Ria is now staying at Quezon City." Sambit ni Mommy. Nagtipa muli ang Richard na walang pakialam sa komosyon. Mayroon syang ilang tinawagan para magtanong ng ilang bagay at humingi ng assistance.
"According to my tracker, Sir. This is the address of the culprit. Pinakuhanan ko na din ng litrato sa agents ng mga Floresca ang bahay." Nilingon ni Richard si Dean na ngayon ay pinanlalakihan ng mata.
"Miss Hernaez, hindi ba ito ang bahay mo?" Lumingon si Dean kay Miss Farrah na namumutla na ngayon. Nanliit ang mga mata ni Mommy, tumayo sya at nilapitan si Miss Farrah.
"Sinasabi ko na nga ba!" Sigaw ni Mommy.
"N-no! I am being set up! H-hindi porket mayaman kayo.." Umatras si Miss Farrah kay Mommy. Ako naman ay takang taka sa nadiskubre ni Richard.
Hindi ko iyon naisip man lang! Bakit nya iyon gagawin sa kanyang sarili? Kung gusto nya akong ipahamak, hindi ba dapat ay sa ibang bagay na lang? Why did she let herself be exposed?
"Mayaman? Of course! Then why are you doing this? Miyembro ka ba ng sindikato at gusto mong perahan ang aming pamilya?!" Asik ni Mommy. Kitang kita ko ang pag-igting ng panga ni Kuya Rab. He's throwing death glares to Miss Farrah habang bumubukas ang bibig para magsalita.
Isang katok ang umawat sa dapat na pagsasalita ni Kuya Rab. Nagulat na lang ako ng biglang sumulpot si Gaelan doon sa may pinto. Seryoso syang nakatingin sa akin. Sugat sugat ang kanyang mukha at halatang may iniindang sakit sa paglalakad. He's wearing a black shirt and jeans habang ang kanyang kanang kamay ay nandoon sa tagiliran.
Tatayo na sana ako para tulungan sya pero hinawakan ni Daddy ang aking kamay para pigilan.
"G-gael! Pinagtutulungan nila ako!" Kumapit si Miss Farrah sa braso ni Gaelan, hindi inaalis ni Gaelan ang kanyang tingin sa akin kaya ako ang umiwas. Masyadong masakit sa mata ang nakikita ko pero hindi ko naman iyon masabi sa lahat, hindi na lang ako titingin kung ganito pala kasakit.
"See!" Sigaw ni Kuya Rab na nakatingin sa akin. Gusto ko na maiyak. Ang posibilidad na tama ang hinala ni Kuya Rab na niloloko lang ako ni Gaelan ay hindi maproseso ng utak ko. Mayroong masakit na parte sa puso ko na hindi ko madepina. Gumuguho ang maliliit na pag-asang binuo ko noong mga nakaraang araw dahil naging masaya ako, kasama sya.
"Mr. Ancheta! Clarify this issue!" Galit na tiningnan ni Dean si Gaelan at ang kaninang pagkakalmado nya ay nawala na.
"Totoo." Direstahan nyang sabi.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi.
"Gago talaga." Galit na pagpaparinig ni Kuya Rab.
"May relasyon kami ni Farrah.." Parang tinutusok ako sa bawat pagbagsak ng mga salita ni Gaelan. Nangingilid na ang mainit na luha sa aking mga mata.
"And you are manipulating my sister because you love bullying her? Sinabi ko sayong layuan mo sya! Look at where you are dragging her name! Mess huh? Ito ang gusto mo?" Kuya Rab clenched his jaw. Hindi kumibo si Gaelan kaya mas lalo akong nasaktan. Umaasa akong tumanggi man lamang sya sa mga paratang.
Katahimikan ang nanatili sa maliit na opisina na tuluyang sumikip dahil sa aming lahat. Patuloy sa pag-iyak si Miss Farrah sa balikat ni Gaelan na walang karea-reaksyon.
"I lied. I admit all the accusations. I bullied Maria, I engaged in student-teacher relationship." Pumikit sya ng mariin at nagkuyom ng kamao " I --I know it was Farrah who sent the email, I let it happen because I want to bully Maria for no reason. Fire Farrah and expel me. I don't care." Matigas na sambit ni Gaelan. I almost faint! Bakit ganon? No. he's not even joking. He's dead serious about it.
"Gaelan!" Sigaw ni Miss Farrah ng di pagsang-ayon. Nanatili lamang akong nakikinig sa mga salita ni Gaelan, parang lumalabas lang ito sa kabilang tenga dahil namamanhid na ako sa sakit. Bakit ang mga sinabi kanina ni Gaelan nung umaga ay taliwas sa sinasabi nya ngayon? Paano nya nagawang magsinungaling sa akin? He knows! He knows about the email and he let it. Gusto nya lang ako ipahamak!
Dahil ba masaya? Dahil ba nakakatuwa?
The thought almost killed me. It is painful. Masakit itago ang sakit lalo pa't nakikita ko silang ganito kalapit at haharapin nila ang problema na magkasama.
"Bakit ba hindi ka na lang natuluyan kagabi?" Gigil na sambit ni Kuya Rab. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Gusto kong pigilan si Kuya Rab kaya lang wala na akong lakas para tumutol, tinatanggap ko na lang ang lahat ng sakit. Kasi ang sakit sakit na.
Natapos ang usapan na wala na akong naintindihan kahit isa. Naririnig ko ang paghingi ng tawad ni Dean sa amin. Si Miss Farrah ay umiiyak pa din at sa isang sulok ng Dean's Office, nanatali doon si Gaelan na mayroong pagod na mata. Nakakaawa sya kung titingnan pero anong magagawa ko? Hindi ako ang kailangan nya.
"Let's go, Ria." Hinawakan ni Kuya Gilad ang aking kamay. Yumukod muli ang mga bodyguards paglabas namin ng opisina. Halos lahat ng estudyante ay nakamasid muli. May mga matang namamangha, may mga matang nagtataka, pero ang karamihan ay natatakot.
"Ria! Kamusta? Dumating si Gael?" Hinablot ni Selene ang aking kamay. "Uuwi ka na ba? Ito ang extra shirt ko, magpalit ka muna ng damit."
Huminto si Mommy sa paghakbang.
"Speaking of, who did that to you, Princess?" Mom asked in a sing-song voice. Nakangiti pa sya pero alam kong hilaw ang ngiting iyon.
"Mommy, h-hindi naman---"
"Si Tyra po, kaklase nya po! Ayon o! Lagi nga po nyang binubully si Ria--" Malakas na pagsusumbong ni Selene.
"S-selene..."
Hindi nakahakbang si Tyra ng marinig ang pangalan nya. Naglakad patungo doon si Mommy kasunod ang ilang bodyguards, takot na takot ang mga mata ni Tyra.
"Mommy." Sinubukan kong takbuhin ang distansya namin.
"Sorry Ria! Sorry. Hindi ko talaga alam! Sorry!" Pinagdaop pa ni Tyra ang kanyang mga palad ng makarating ako sa kanyang harapan. Hindi ako nakaimik dahil sa paghingi nya ng tawad. I am not sure if it was sincere or out of fear.
"Do it again, little girl... " Panghahamon ni Mommy. "Then your Daddy will be jobless in one month. You play around with my daughter, I will close this school. Be a good girl.. Especially to my princess!"
Pagkasabi non ay tumalikod agad si Mommy. Si Tyra naman ay mabilis na tumango tango at nagingilid ang luha sa mga mata. I sighed. I feel bad about Tyra, tiyak na napahiya sya.
"Maria Arabella, sakay sa kotse.." Daddy demanded. His eyes are deep and brooding. Pagkatapos ng lahat ng ingay at kaguluhan kanina sa Dean's office ay hindi pa din pala sya tapos, siguro ay mayroon syang sariling opinyon sa lahat ng pangyayari.
"Daddy.." Ayokong umalis pero wala akong magagawa kundi ang sumunod, I need to know what they want too. Sana hindi doon kasali ang pagsuko ng buhay ko sa Keio, kahit walang Gaelan ay magpapatuloy ako. Makakalimutan ko din siguro sya at ang panloloko nya. Ipagpe-pray ko na lang talaga at sisimulan ko na mamayang gabi.
Tumunog ang cellphone ko kaya natigil ako sa paghakbang sa direksyon ng sasakyan nila Mommy. Agad na kumalabog ang puso ko sa hindi inaasahang mensahe sa kanya.
Yabs Ko: Stop doing things for me and let me handle this. I am still your Knight.
Nahirapan akong huminga dahil doon sa mensahe. Hindi pa ba tapos ang kanyang palabas?
Kaya lang, kahit iniisip ko na niloloko nya ako, bumibigay naman ang aking puso at naglalakad na naman papabalik sa kanya.
**Kring Kring
"H-hello.." Tila nagbara ang aking lalamunan. Bakit ko ba sinagot ang tawag ni Gaelan?
"Don't cry.." I heard him said. Kinapa ko ang aking mata at napansin na naluluha ako. Nagpalinga linga ako at nakita kong nakatayo si Gaelan doon sa labas ng opisina ni Dean sa ikalawang palapag, nakakapit sya sa railings at nasa kanyang likod si Brie. Hindi ako nakapagsalita.
"I love you.."
Bulong lang iyon but it seems like I clearly heard it dahil nakita ko ang pag-arko ng kanyang labi dahil sa kanyang sinabi. Halos sumabog ako sa halo halong pakiramdam, gusto kong takbuhin ang distansya naming dalawa pero hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako.
"Ria, let's go!" Untag ni Mommy.
Binalikan ko ng tingin si Gaelan at tumingin muli kay Mommy saka napabuntong hininga.
No Ria.
This world is full of tricks!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro