Kabanata 27
Sino?
Nagising ako kinaumagahan na nandoon ako sa tabi ni Gaelan. Agad na uminit ang pisngi ko kasi hindi ko alam na nakatulog pala ako sa tabi nya.
Nagkukwentuhan pa kami kagabi tungkol sa favorite kong Saint eh. Nakakahiya naman kung ako ang unang nakatulog! Tapos yung pwesto pa namin, pinagkasya namin ang aming sarili sa kama na pang-isahan lang.
Nakasiksik ako sa kanya at nakapatong ang kamay nya sa bewang ko, mahimbing din sya. Bahagyang nag-iba ang pattern ng tibok ng puso ko at nahulog sa paninitig kay Gaelan.
Ang amo amo ng mukha nya kapag tulog... Sinilip ko ang pilikmata nya at pinalaruan ko pa iyon gamit ang hintuturo ko. Makapal ang pilik nya, mas makapal pa ata kaysa sa akin. Lumipat ang daliri ko sa ilong nya. Ang tangos naman, mapula ito dahil pinagsusuntok kagabi pero hindi nabawasan ang pagkaperpekto nito. Tapos yung lips nya parang strawberry. Kahit umaga at hindi naman nya kinakagat, mapula pa din..
Dahan dahan akong kumilos para sana bumaba kaso bumigat ang kamay ni Gaelan sa bewang ko. Hindi tuloy ako ulit nakagalaw. Kaya lang nag-aalala ako dahil baka masaktan ko sya at hindi maayos ang pagkakapuwesto nya, nabugbog pa naman sya ng husto.
"Dito ka lang.." Natigilan ako sa pagkilos ng marinig ko ang napapaos na boses ni Gaelan. Tinitigan ko sya ng husto. Nakapikit pa din sya.
"Paano ka gagaling kapag hindi ka makakapahinga ng maayos?" Hinaplos ko ang pisngi nya at kinapa ang mga galos doon. Napangiti sya sa aking ginagawa.
"I just had the best sleep."
Gusto ko syang hampasin kaya lang naalala ko na bagong bugbog pala sya. Naalala ko na naman na kagagawan ng kapatid ko.
"Sorry.. Sorry sa ginawa ng kapatid ko." Mahinang bulong ko. Bahagyang nagmulat ng mata si Gaelan at sinilip ako.
"Did I say that Im mad? Lahat naman ito may kapalit hindi ba? You will stay." Para syang bata na nagpapaalala sa akin ng binitiwan kong salita.
Ngumiti ako at tumango. Pangako.
Nang masiyahan na si Gaelan sa pagsiksik ko sa kanya, bumangon na din ako bago pa may dumating na doctor at nurse sa kanyang kwarto. Naunang dumating ang almusal nya. Nagpakuha din sya ng pagkain para sa akin pero tumanggi ako.
"No. Sabay tayong magbe-breakfast. Unang beses to hindi ba? Nagising tayong magkatabi." Ngumiti si Gaelan at hindi nga ginalaw ang kanyang pagkain hangga't hindi dumadating ang akin. Nahihiyang ngumiti ako sa babaeng nurse na nagdala ng pagkain ko, pati tuloy ako ay inaasikaso nya pa.
Umupo kami sa gilid ng kama, mayroong lamesang may gulong sa tabi ni Gaelan at inilipat iyon sa aming harapan. Fried rice, eggs, ham and bacon ang nakahanda. Mayroon ding fruits at juice. Si Gaelan ang nagsasalin ng pagkain ko sa aking plato, para tuloy ako ang mayroong sakit!
"Ako na.." Protesta ko habang nagsasalin si Gaelan ng juice sa baso ko.
"Ako na. Baka kasi kapag nakakita ka ng mag-aasikaso sayo, doon mo na ibigay ang atensyon mo."
Natawa ako sa sinabi nya. Si Gaelan talaga! Anong akala nya sa akin? Naghahanap ng taga-silbi? Madami kaya kaming taga-silbi sa bahay.
"Bakit natatawa ka?" Nag-wiggle yung kilay ni Gaelan. Hindi ko kasi mapigilan. Iniisip nya bang ang basehan ng pagmamahal ay nasusukat sa pinakamagbibigay sayo ng atensyon?
Madami nga ang umiibig dyan na hindi nasusuklian pero umiibig pa din sila. Hindi naman kasi nadidiktahan ang puso na piliin ang mababait lang sayo. Kadalasan, we fall for the wrong ones, mas naghahabol tayo sa mga bagay na mahirap makuha.
"Ang aga ng lambingan. Ayos ka na?" Sunod sunod na pumasok ang Yukan'na sa loob ng silid ni Gaelan sa pangunguna ni Ice, awtomatiko naman na napasimangot si Gaelan.
"Bakit nandito kayo? Tss, sa ospital nga, hindi pa visiting hours ang ganito." Umismid si Gaelan.
"Sa lahat ng dinadalaw, ikaw pa ang galit." Masungit na sabi ni Hunter.
Umupo din sila sa kama ni Gaelan at nginitian nila ako isa isa. Tumango lang ako sa kanila, naramdaman ko ang kamay ni Gaelan sa aking bewang.
"Ako na ang maghahatid sayo papasok sa school, Ria. Papasok ka pa hindi ba? May klase din kasi ako sa Physics. Hay!" Ani Rye na parang labag sa loob ang pagpasok sa eskwela. Tumango ako agad. Buti at hindi sobrang aga ng unang klase ko, mayroon pa akong masasabayan pagpasok sa Keio.
"Anong ikaw? Hindi sya papasok." Protesta ni Gaelan.
"Hala, papasok ako." Ungot ko.
"Anong papasok ka? Dito ka lang, hindi pa ako magaling." Singhal sa akin ni Gaelan.
"Hindi naman ako nurse eh." Napakamot ako ng aking ulo. Pinanliitan ako ng mata ni Gaelan at pinindot ang ilong ko.
"Gusto mo bang tumingin ako sa mga nurse na nandidito dahil wala ka?" Banta nya.
"Makikita mo naman talaga sila kasi may mata ka." Sagot ko.
Humagalpak sa tawa ang mga kaibigan ni Gaelan. Namula ang tenga ni Gaelan agad. Ano bang mali sa sinabi ko?
"Akala ko ba selosa ka?!" Naiinis na tanong nya.
"Bakit naman ako magiging selosa?" Tanong ko ulit. Si Gaelan talaga. Bigla syang nawalan ng sense.
"Because you like me!" Pagpupumilit nya. Pagkakataon ko naman para pamulahan ng pisngi. Sa harap ng kaibigan nya, pinapaamin nya ako sa feelings ko.
"I-I like everyone..." Nagkibit balikat ako. Pabagsak na tinanggal ni Gaelan ang kamay nya sa bewang ko ay nadidismayang tiningnan ako.
"Dude, wag ka kasing mag-assume na merong 'kayo'.." Sambit ni Kiro na mas lalong nagpatawa sa lahat. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nya basta namumula na lang ang mukha ni Gaelan.
"Ako na lang ang maghahatid." Mula sa labas ng pinto ay pumapasok si Yuki. Tipid ko syang nginitian. Ngayong alam ko na kaya pala sya mabait sa akin dahil sa trabaho nya sa pamilya ko, nakaramdam ako ng pagkailang.
"Ako ang nagdala sa kanya dito kaya ako ang maghahatid." Wika ni Yuki.
Walang nagawa ang lahat. Nagmasid rin lang sila kay Yuki. Tiningnan ni Yuki ang plato ko, wala na iyong laman kaya tumayo na ako.
"Mayroon ng damit sa kwarto mo, let's go to your house first para magsabi sa guardian mo na maayos ka lang and then we will head to Keio."
"But—" Narinig ko ang pagprotesta ni Gaelan. Hinarap sya ni Yuki at kalmadong tiningnan.
"Gaelan, bad shot ka pa din sa mga Floresca. Don't be selfish this time."
Napatingin ako kay Gaelan, alam kong ayaw nya talaga akong paalisin. Ayaw ko din naman sanang umalis kaya lang kailangan ko ding pumasok. Kapag hindi din ako umalis sa headquarters ng Keio, magdududa si Kuya Rab na paniguradong pinasusundan din ako.
Naligo muna ako at nagbihis, nakita ko ang bag ko nandoon nakapatong sa kama, siguro ay dinala ni Kiro dito. Bago ako tuluyang lumabas, mayroon muna akong hinanap na isang bagay na gusto kong ibigay kay Gaelan.
Sumilip ako sa kwarto ni Gaelan bago ako bumaba para pumasok sa school at nakita kong namamahinga sya doon sa kama.
Nakatingin sya sa labas ng bintana at tila malalim ang kanyang iniisip.
Napalingon sya sa akin ng humakbang ako papalapit sa kanya. His lips started to show a smile. Ngumiti din ako at lumapit na ng tuluyan sa kanya.
"Ipapahiram ko muna sayo." Sabi ko kay Gaelan sabay abot ng rosary.
Ngumiti si Gaelan at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko kasama ang rosary. Iniangat nya ang rosary at itinapat sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana.
"Why didn't I notice that this rosary of yours is freaking diamond and gold?" Natatawang sambit ni Gaelan. Napangiti ako ng maalala ang una naming pag-uusap. Hinanap ko ang rosary na ito sa lumang building kaya nahuli ako ni Gaelan at nagsimula na ang lahat ng gulo at nakakatuwang bagay sa pagitan namin.
"But this is our lucky charm." Huminga sya ng malalim at nginitian ako.
"Magpagaling ka.." Bilin ko kay Gaelan.
"I can drive you to school." Nagkibit balikat sya.
"Magpahinga ka. Kakausapin ko si Kuya para hindi na mangyari ito ulit."
Yun talaga ang naiisip ko, imbes na kay Mama Buding ako pupunta, pupuntahan ko ulit si Kuya Rab, makikiusap na hayaan nya na si Gaelan.
"It won't be easy." Ngumiti ng hilaw si Gaelan.
Alam ko. But if I won't do anything then nothing will change. It is worth a try.
"It will. They will listen to me." Nilagyan konng kumpiyansa ang aking boses kahit sa sarili ko ay nagdududa ako. Si Kuya Rab pa lang ang nakakaalam ng pagiging malapit namin ni Gaelan, mayroon pa akong tatlong mga Kuya at si Daddy pa.
Papalabas na sana ako ng pinto ng tawagin ako ni Gaelan.
"Pupuntahan mo ba ako mamaya?" Puno ng antisipasyon ang kanyang mata. Tumango ako. Gusto kong matiyak na ayos lang sya. Gagawa ako ng paraan para madalaw sya.
Naabutan ko si Yuki na nag-iintay doon sa may living room. Nakapangalumbaba sya sa kanyang tuhod at seryosong nag-iisip.
"Young Maiden, handa ka na?" Magalang nyang tanong.
"Yuki.. Pupwede bang Ria na lang?" Tanong ko sa kanya.
"Dati pwede, pero ngayong alam mo na nagsisilbi ako sa pamilya mo, hindi na pupwede. I owe you respect."
"But we are friends!" Sambit ko bago napatakip ng bibig. Oo nga pala, ginawa nya lang ang lahat dahil napagutusan sya.
"Sorry Yuki. I just assumed." Nagkibit balikat ako at nauna ng lumabas ng mansyon. Lumapit ako sa sasakyan ni Yuki na sinakyan namin kagabi. Mabagal syang naglakad papalapit sa akin.
"Ria, we can't stay friends. Amo kita.."
"Bakit noong una?" Ngumuso ako at tiningnan sya. Yuki
sighed.
"Noong una ay hindi mo pa alam. Ngayon alam mo na."
"Okay." Malungkot akong tumango. Noong bata pa ako, lumaki ako na mayroong sariling bodyguard. Hindi naman kami pinagbabawalan na maging malapit sa mga bodyguard namin pero tingin ko ay protocol na nila ang maging civil sa pinagsisilbihan. Mabilis kasing magduda si Daddy kapag magaan ang loob namin sa bodyguard, iniisip nya agad na baka kidnapin kami o kung ano.
Yuki is different. Mabait sya sa akin umpisa pa lang pero ngayon ayaw na nya akong friend.
"Ria.. Im sorry. Gusto mo ba talaga akong kaibigan?" Tanong ni Yuki ng mapansin ang pananahimik ko. Nagtatlong hakbang pa sya papalapit sa akin kaya lumiit ang distansya. Tumango ako ng madami.
Ngumiti sya at napapailing akong tiningnan.
"Okay. Well, then.. We're friends." Anunsiyo nya. Bumalik ang sigla sa kanyang mukha pati yung ngiti nya na mabait. Halos mapapalakpak ako sa tuwa kaya natawa din sya.
"Mababaw ang kaligayahan mo kaya aliw na aliw si Gael sayo eh. Let's go." Pinagbuksan ako ni Yuki ng pinto at pumasok naman ako. Inintay ko syang makasakay bago magtanong ng maraming bagay.
Sinimulan ko sa pagtatanong kung kailan nya unang nalaman na ako ay ako. Ay ang gulo!
"Before you went to Keio. Kahit anong mangyari, sa Keio ka makakapag-aral dahil si Daddy ang nagrecommend non, Ria. You are safe in our school.." Simpleng sagot ni Yuki. Napasimangot ako sa kanyang sinabi. I was bullied in Keio!
"Well, uhm, except for the bullies. Hindi namin inaasahan ang ganon. I offered you help but you declined, hinayaan kita pero h-hindi naman kita iniwan."
Napangisi ako. Oo nga naman! Lagi ngang nakasunod sa akin si Yuki non. Sabagay, ako naman ang may gusto na magpabully eh. I want to feel the suffering because I want to know until when I can endure. I did.
"Ayos lang yon! Eh kasi hindi naman ako kagaya nyo na maayos ang itsura--"
"Hindi ka magiging kagaya namin, Ria. Your parents are the richest and most powerful people in this country. Kung tutuusin, lahat kami ay ordinaryo lang sa paningin mo." Putol sa akin ni Yuki.
Napalabi ako at tiningnan si Yuki na seryosong nagmamaneho."Mayaman naman kayo eh." I pointed out. They cannot put up security agency if they are not rich. They even have a world class facilities inside their headquarters.
"Pero hindi kasing yaman nyo. Tuldok lang ang sa amin Ria and I have to do well in protecting you dahil sa akin nakasalalay ang business ni Dad."
"Ibig sabihin kaya mo lang ako kinaibigan dahil mayaman ako?"
"What do you think of me? a Social climber?" Umirap sa akin si Yuki kaya ako natawa. Social climber! Kahit kailan hindi kami pinalaki nila mommy na tumingin sa estado ng mga nakakasalamuha namin kaya hindi ko naisip na mayroon akong masasabihan na social climber.
"Kasi sabi mo sa akin nakasalalay ang negosyo nyo." Natatawa kong tanong. Ngumiti si Yuki ng malapad.
"Oo pero di ibig sabihin na itatrato kita ng walang sinseridad. You are a good person, hindi mahirap makisimpatya sayo. Hindi mahirap maging mabuti lalo na at alam ko ang kwento mo. You wanted to experience a normal life kaya ka nakisalamuha sa amin."
Ngumiti ako at tumango. Mabuti naman pala at hindi social climber si Yuki. Nagsabi na ako kay Yuki na didiretso na muna sa Keio bago sa bahay nila Mama. Nakapagtext naman na ako kagabi at sinabing ligtas ako.
Naunang lumabas si Yuki sa kanyang sasakyan. Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayang lumabas.
'Si Yuki naman ang kasama nya!'
'Mukha lang talagang mahinhin ang isang yan pero kapag wala si Gaelan, si Yuki naman!'
'When the cat is away, the mouse will play.'
"Wag mo na pansinin." Bumulong sa akin si Yuki. Tumango lang ako, hindi nya ata alam na sanay na sanay na ako.
Hinatid ako ni Yuki sa unang klase ko. Sumubok akong makinig sa lessons pero walang humpay ang mensahe sa akin ni Gaelan. Kinakamusta ako at pinapapicture-an ang katabi ko. Ang kulit kulit talaga nya!
"Miss Floresca, ipinapatawag ka sa Dean's office." Nagmadali akong ikubli ang cellphone ko dahil akala ko papagalitan ako ng Professor ko, pero mukhang hindi naman nya nakita na nagtetext ako sa klase.
'Expulsion will be served..' Ngumisi si Tyra sa akin ng dumaan ako sa kanyang upuan. Yumuko na lang ako at hindi pinakinggan ang mga bulungan nila.
Mabilis akong naglakad patungo sa opisina ni Dean, nakarating agad ako pero hindi ako makapasok. Ni hindi ko maiangat ang kamay ko para kumatok.
You can do this Maria.. Kaya mo yan!
Kakatok pa lamang ako ng bumukas ang pinto at tiningnan ako ni Miss Farrah mula ulo hanggang paa. Nanggaling sya doon sa loob. Mula noong eskandalo, ngayon ko lang ulit sya nakita kaya nagulat ako. Ang sinabi sa amin ng substitute teacher ay nangibang bansa daw sya. Sumalubong sa akin ang matapang nyang pabango. She's wearing a white dress that hugs her body. Malaki ang pagitan ng taas namin dahil para talaga syang modelo sa height, isa pa, nakasuot sya ng high heels. Her curves are at the right places, hinog na ang kanyang katawan. No wonder Gaelan fell for her. She's perfect. She's very beautiful. Binangga nya ang aking balikat at umismid sa akin.
Bago pa ako makapagreact, Natanawan ako ng Dean kaya sinenyasan nya akong pumasok. I nervously entered his office. Hindi ako mapakali sa dami ng ideyang pumasok sa utak ko.
"Miss Floresca. The board talked about your case and most of them were in agreement of expulsion" Sumandal si Dean sa kanyang swivel chair at hinilot ang kanyang sentido.
"However, Agent Yushima insisted that we should talk to your parents." Pagpapatuloy nya pa.
Hindi ako nakapagsalita at nag-isip ng magandang gagawin. I can stop now. I can leave Keio at bumalik sa mga magulang ko but I am not sure if I am willing to sacrifice the memories I had here, mga kaibigan na nabuo at ang pagiging 'normal' na estudyante.
"Kapag nakausap nyo po ang parents ko, hindi nyo na po ba ako ieexpel?" Kyuryosong tanong ko. Huminga ng malalim si Dean.
"There's a chance that you won't be expelled. Ang totoo nyan, gusto naming makausap ang magulang mo para malaman namin ang environment mo sa labas ng Keio at makumbinse kami na hindi na mauulit ang kalokohang ginawa mo. If we will not be assured that your parents can discipline you at home, well then Miss Floresca, I am sorry but you will be expelled." Mataman na paliwanag ni Dean. Tumango ako.
My parents will be disappointed pero hindi ko alam kung paano nila sosolusyunan ang bagay na ito. Ilalayo din ba nila ako sa Keio?
"Your parents will be here this afternoon. Ang school affairs na ang nagpadala ng imbitasyon sa mga magulang mo para makatiyak kami na makakarating sila."
Napasinghap ako. Ngayon na?
Wala man lang akong natanggap na tawag mula sa kanila!
"Pinaalam ko lang sayo para hindi ka mabigla." Yun ang huling sinabi ng Dean bago matapos ang pag-uusap namin.
Dadating sila!
Wala sa sariling lumabas ako ng Faculty Building, tanging pagkabog ng dibdib ang naririnig ko at ang pakiramdam na napakalayo ng lahat sa akin. Nakita ko si Selene na naglalakad papalapit kaya tumigil ako sa paghakbang.
"S-selene.." Ngumiti ako ng tipid sa kanya.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Nakangiting tanong ni Selene.
Umiling ako. Wala akong gana ikwento ang mangyayari. Nalulungkot ako na baka huling araw ko na ito sa Keio kapag nagkataon.
'Narinig mo ba na ieexpel na ngayon si Ria!'
'Mabuti naman at wala ng aaligid kay Gaelan!'
'Ha! So tayo pa rin ang mayroong huling halakhak!'
Nagtawanan ang mga estudyante na dumaan sa aming harapan. Alam kong sinadya nila na paringgan ako. Sinundan sila ni Selene ng tingin.
"Totoo ba yon Ria? Kaya ka galing sa faculty?" Hinawakan ni Selene ang aking braso. Marahan akong tumango.
"Pero wala kang kasalanan! Si Gaelan ang dapat umayos ng gusot na ito." Dismayado syang napabuga ng hangin. "Nasaan na ba yon?"
"M-may lagnat sya. Wag mo na lang sabihin sa kanya. I-I can do this. I-isa pa, baka mawala sa kanya ang Yukan'na kapag iniligtas nya ako."
"Ano? Bakit mawawala? May ginawa ba syang kasalanan?" Selene asked. Napakagat ako ng pangibabang labi ko. Hindi nila alam na nagkaroon nga ng relasyon si Miss Farrah at si Gaelan dahil hindi naman nasarhan ang issue na yon. They just thought Gaelan forgive me and that's it.
"W-wala. Pero hindi nya ako maaring ipagtanggol. Basta Selene.. Kahit anong mangyari, wag mong ipaparating kay Gaelan." Mahigpit na bilin ko.
"Tsk! You know what? Kung pupwede ko lang alamin kung sino ang naghack ng email mo kaso wala naman akong ideya kung paano gagawin yon." Umismid si Selene.
I should have thought about it before too.. Kaya lang hayaan ko na din dahil baka may iba pang madamay.
Inaya nya ako sa Food Alley kahit wala akong ganang kumain. Naging bulong bulungan ang expulsion sa akin ngayong araw at mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Pagkatapos naming umorder ni Selene, pumwesto na kami sa bakanteng lamesa.
'Nagpakita na si Miss Farrah. Yun lang daw ang inantay para maexpel yan si Ria eh'
'Well, good for her! Mawawala na ang sinungaling dito.'
"Hoy! Kung makapagsalita kayo parang wala kayong ginawa kay Ria ah! Eh kung ireport ko ang pambubully nyo sa kanya?" Binato ni Selene ng fries ang kabilang mesa. Yinugyog ko ang braso ni Selene para wag na makipagtalo.
"Selene, kung binully man namin sya at maexpel sya ngayon, wala ng silbi ang pagsusumbong mo dahil isa na syang outsider ng Keio. Tiyak na babalik na sya sa public school kung saan sya nababagay!" Binato ako ng fries noong nasa kabilang lamesa. Napayuko lang ako at tinanggap iyon.
"Ano ba!" Gumanti din si Selene sa pagbato ng fries at galit na galit sya sa kausap.
"Selene. Let's go.." Bulong ko sa kanya. Hinihingal si Selene sa pagtitimpi ng galit pero tumayo din sya at sumunod sa akin.
Nagpatiuna si Selene sa paglalakad. Nakasunod ako sa kanya ng may biglang sumagi sa akin at ang sumunod ay nakaramdam na lang ako ng malamig na bagay sa ilalim ng damit ko. Softdrinks.
"Oops.. Iniisip ko lang na baka mamiss mo." Sambit ni Tyra kasabay ng paghagikgik ng mga kaklase namin. Itinapon nya ang plastic cup na naubos ang laman sa dibdib ko.
"Sayang. Sana nakapaghanda kami ng farewell party para sayo." Iiling iling si Tyra na kunyari ay naaawa. Tiningnan ko lang sya dahil wala akong masabi.
"Ano? Walang magtatanggol sayo? Iniwan ka ni Gaelan? Siguro kasi, alam nyang ngayon ka maeexpel. Siguro kasi, ayaw ka nyang ipagtanggol. Siguro kasi, nagpapanggap lang sya na mabait para makaganti sayo!" Tinulak ni Tyra ang balikat ko. Halos matumba ako sa tulak na yon. Parang mga bola na ibinato sa akin ang mga salita nya.
Sa lahat ng sinabi nya sa huling punto ako naapektuhan. Pangalawang beses ko na yon narinig. I heard it from Kuya Rab last night. Gumaganti si Gaelan sa akin.
"Do not pollute her thoughts, Bitch," Malakas na tinulak ni Selene si Tyra at para akong papel na hinila ni Selene. Kumakayod lang ang suot kong sapatos sa lupa dahil hindi ako halos makahakbang. Nakarating kami sa gitna ng field ng huminto si Selene sa paglalakad at hinarap ako.
"Don't tell me you believe her crappy mouth?" Seryosong tanong ni Selene na ang tinutukoy ay si Tyra.
"Di ba kahit ikaw ay nagdududa din sa kabaitan ni Gaelan?" Naisantinig ko. Selene sighed. Hinawakan nya ang magkabilang kamay ko at niyugyog.
"Oo.. But I can see happiness in his eyes.."
Naalala ko si Miss Farrah. Napakaganda nya. Ganoon ang tipo ni Gaelan. Maganda, matangkad at sopistikada. Lahat ng hindi ako. Nung umalis si Miss Farrah, saka nagkaroon si Gaelan ng kalayaan na lapitan ako. Totoo nga kaya ang paglapit nya o dahil wala si Miss Farrah kaya nya nagagawa iyon? May plano nga ba syang gumanti?
'OMG. Dumating ba ang President ng Pilipinas?'
'What a car! Ngayon pa lang ako nakakita ng sampung mustang na magkakasama!'
Napalingon kami ni Selene sa mga nagbubulungan.
Nakarinig ako ng malakas na pag-ugong ng sasakyan mula sa di kalayuan. The roar of a sports car engine, it's a familiar sound dahil magkakasama ang apat na tunog na pumupunit sa ingay ng lahat ng madadaaanan nito. Agad kong natanaw ang mga sasakyan na pagmamayari ng mga kapatid ko. Nakasunod sila sa mustang na naglalaman ng security namin. Humilera ang mustang paikot sa field ng Keio. Sa gilid ng mga ito ipinarada ng mga kapatid ko ang pula, itim, dilaw at puting Lambhorgini.
'What's happening?'
'Grand entrance, sino yan?'
Di ako makakilos. Alam na alam ko kung sino ang dumating. Kumapit sa kamay ko si Selene. Magkakasabay na bumukas ang pinto ng mustang at lumingon sa likuran. Tila may inaantay. Napigil ang hininga ko ng makita ko ang limousine ng mga magulang ko. Marahil ay nanggaling sila sa importanteng meeting kaya ito ang gamit nilang sasakyan. Sabay sabay na yumukod ang security namin habang pababa ang mga magulang ko. Nagpalinga linga si Mommy na tila mayroong hinahanap.
Napangiwi ako ng makita ang seryosong mukha ni Daddy at Mommy ng magtama ang mga mata namin. Naglalakad na sila papalapit sa direksyon namin ni Selene. Binuksan ni Kuya Gilad ang itim nyang Lamborghini kaya napalingon ako doon. Ang lakas ng pagsinghap ng mga estudyante sa paligid.
'Oh no? Is he a god?'
'Spell Gwapo!!'
Magkakasunod na lumabas sa kanilang sasakyan si Kuya Rab, Kuya Ahmed at Kuya Xenon na mas lalong nagpaingay sa mga nanonood.
'OMFG!!! Ang gagwapo!'
'Saan sila galing? Mag-aaral ba sila sa Keio?!'
"Ria, kuya mo ang mga yan? Pahinging isa." Narinig kong bulong ni Selene. Hindi ko sya nasagot dahil nakatutok ang mga mata ko kay Mommy na nakikipagtitigan sa akin.
"Young Maiden!!" Sabay sabay na sabi ng mga bodyguards namin kasabay ng pagyukod.
'W-what?!'
'D-did they just call her--'
Huminto si Mommy sa aking harapan. I can see in her eyes that she's not pleased. Bumaba ang tingin nya sa aking damit at hinaplos nito ng buong pag-iingat ang nabasa ng softdrinks kanina. Kumuyom ang kamao ni Mommy kaya napaatras kami ni Selene sa takot. Huminga sya ng malalim at lumingon sa paligid.
"Sinong gumawa sa Baby ko nito?!" Matinis na sigaw ni Mommy.
Ang mga estudyante ng Keio na kanina lang ay nakamasid, biglang pumasok sa kanilang classroom at nagtago.
Oh Lord!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro