Kabanata 26
Just Stay.
"Young Maiden, dalhin po natin sa ospital.." Lumapit sa akin si Chief Smiths at akmang bubuhatin si Gaelan na walang malay.
Tumango ako, hindi ko alam ang gagawin. I want to wake Gaelan up pero hindi na sya kumikilos o kung ano. Humawak ako sa kanyang tyan at ramdam ko pa din ang pagkilos non kaya bahagyang napanatag ako.
Isang sasakyan ang dumating, napuyuko ako dahil nasilaw ako sa liwanag na nagmumula doon, tumatagos sa patak ng malakas na ulan. Huminto iyon sa tapat ng sasakyan ni Gaelan.
Nahagip ang aking hininga ng makita ko si Yuki, tumakbo sya patungo kay Gaelan at nag-aalala ng husto ang kanyang mukha.
"Gael.." Nakakunot ang noo nya at tinapik tapik ang pisngi ni Gaelan habang nakaluhod din sa harapan nito.
"Y-yuki.." nanginig ang labi ko. Gumala ang mga mata nya sa bodyguards ng pamilya namin na bumugbog kay Gaelan.
"Agent Yushima." Bati ni Chief Smiths sa kanya.
Magkakilala sila?
Ibig bang sabihin, alam ni Yuki ang tungkol sa akin?
"Umuwi ka na.. Dadalhin ko si Gaelan sa Headquarters, mayroong gagamot sa kanya doon.." Sambit ni Yuki ng tumingin sya sa akin. Mabilis akong umiling. Hindi! Hindi ko iiwan si Gaelan.
"Young Maiden, makakabuti po kung uuwi muna kayo, ipapahatid ko kayo--"
"Ayoko! Hindi ako aalis sa tabi ni Gaelan! Bakit sya sinaktan?" Nanginig ang balikat ko sa sobrang sama ng loob, tila mauubusan ako ng hininga sa pagsabog ng emosyon.
I don't want to see him like this at maisip pa lang na ang pamilya ko ang may gawa, halos masukuan na ako ng malay. I am nervous and I am mad. Sino sa pamilya ko ang kayang gumawa ng ganito?
Huminga ng malalim si Yuki, "Sumama ka na kung ganon. Chief Smiths, report to Master Al that she's safe. Kasama nya ako." Tumayo ng tuwid si Yuki at buong lakas na binuhat si Gaelan. Napaawang ang bibig ko pero wala na akong tsansang magtanong pa kung bakit kilala ni Yuki si Daddy.
Nagmadali akong sumunod kay Yuki. Nakabukas ang upuan sa likod ng itim nyang sasakyan at inihiga nya doon si Gaelan sa tulong ni Kiro. Nilagyan sya ni Kiro ng maliit na unan at kinumutan.
"Iuwi mo ang sasakyan sa bahay ng mga Ancheta, Kiro. Ipapasundo na lang kita kay Hunter." Seryosong sambit ni Yuki kay Kiro. Mabilis na tumango si Kiro at tumakbo patungo sa sasakyan ni Gaelan.
Marahas na pinatakbo ni Yuki ang kanyang sasakyan, sa tunog nito ay tila mayroong karera. Walang patid ang pagsilip ko doon sa likuran dahil nag-aalala ako ng husto. Si Yuki naman ay abala sa pagpapahanda ng mga kagamitan na ipanggagamot kay Gaelan doon sa headquarters nila. Narinig ko din ang pag-uusap nila ni Hunter para sunduin si Kiro sa bahay nila Gaelan. Walang habas ang pag-ring ng cellphone ni Yuki kaya hindi ako nakakuha ng pagkakataon na tanungin sya kung nakikilala nya ba ako.
Napansin kong walang tumatawag na magulang ni Gaelan. Hindi ba ito ipapaalam sa kanyang pamilya?
Dumating kami sa pamilyar na lugar. Nagbukas agad ang malaking gate ng kanilang Headquarters at sumaludo ang lahat sa aming pagdating. Walang pinansin si Yuki na bakas sa mukha ang pag-aalala. Hindi nagbago ang bilis ng kanyang pagmamaneho kahit nakapasok na kami sa facility.
Huminto kami sa tapat ng mansyon kung saan sila nagte-training at isang grupo ng mga nakaputi na mayroong hila hilang stretcher ang parang langgam na sumugod sa sasakyan ni Yuki. Hindi pa napapatay ang makina ng kotse ay nakabukas na ang pinto at maingat na hinila si Gaelan na wala pa ding malay.
Itinulak agad nila si Gaelan papasok doon sa loob ng mansyon at natanawan ko pang isinasakay nila ang stretcher ni Gaelan sa elevator na hindi ko napansin noon. Kalmadong naglakad si Yuki papalapit sa akin at inilahad ang kanyang kamay habang nakayukod.
"Young Maiden.." Wika nya.
"Y-yuki.."
"Gagamutin nila si Gaelan, they are the best doctors our country have. Isa pa, kumpleto kami sa facilities dito. We have a chopper kung kinakailangang dalhin sa ibang bansa. You see, worrying is unnecessary but I will let you stay here because I understand how you feel, Young Maiden.." seryoso nyang paliwanag. Parehas kaming nananatili sa ilalim ng ulan.
"K-kilala mo ako?" Kahit alam ko na ang sagot, gusto ko pa ring marinig. Tipid na tumango si Yuki.
"You are my special case, Young Maiden. Hindi makakapasok ang bodyguards mo sa Keio dahil nangako ang mga magulang mo sayo na magiging normal ang pagpasok mo ng college. But you know, they couldn't really let you go right?" Pormal na pakikipag-usap ni Yuki sa akin. Hindi pa din ako makapaniwala! Alam nya? Alam ba lahat ng Yukan'na?
Tumalikod sa akin si Yuki kaya sinundan ko sya. Isang motor ang bumusina mula sa aming likuran kaya kami natigilan sa paghakbang. Naka-itim mula ulo hanggang paa ang nakasakay dito, humarap si Yuki, ganoon din ako.
"Agent Yushima.." Boses ng isang babae ang nasa likod ng helmet. Isang plastic bag ang iniabot nya kay Yuki kasabay ng pagtanggal nya ng helmet.
Nagulat ako ng makita ang isang napakagandang mukha na nagtatago doon sa helmet. She's tanned, her nose is chiseled and her lips are plump. Wala syang makeup pero napakaganda nya! Agent din ba ito?
"Thank you, Brie.." Tumango si Yuki sa kanya.
"Gamitin mo ito, Young--- uhm, Maria.. Brianna, ihatid mo sya sa guest room."
"Kamusta ang kapatid ko, Agent Yushima?" Hindi pinansin nung babae ang utos ni Yuki. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng magandang babae na sinabayan si Yuki sa paglalakad.
Kapatid?
Sya ang isa sa ate ni Gaelan?
"He will be fine, Brie. Ihatid mo muna si Maria sa guest room at saka ka magtungo sa treatment room. Mauuna na ako doon." Kalmadong sambit ni Yuki at nagpatiuna na sa paglalakad. Tinanguan ako ng babae at inayang umakyat sa malapad at makintab na hagdang kahoy. Nauuna sya habang nagtatanggal sya ng kanyang itim na jacket. Natira na lamang ang isang itim na tank top na panloob. Grabe, napakaganda nya pero mukhang mabagsik.
Humarap sya sa akin at umatras ako ng isang hakbang. Pormal syang ngumiti at kinunutan ako ng noo.
"Brianna.." Iniabot nya ang kanyang kanang kamay. Tinanggap ko iyon at tipid na ngumiti.
"Sorry kung seryoso ako ha. Nag-aalala lang ako sa bunso namin. Hindi ko alam kung anong kalokohan na naman ang pinasok non." Napapailing nyang sabi. Nakarating kami sa huling baitang ng second floor. Mabilis syang nagtungo sa isang puting pinto at binuksan ang doorknob. Iniabot nya sa akin ang plastic bag na bitbit nya.
"Maari kang mag-shower at magpalit ka na ng damit. Nasa third floor ang treatment room. Nandoon lang ako kung may kailangan ka." Tinuro nya pa ang isang hagdang kahoy na paakyat sa third floor ng mansyon. Patakbo syang lumayo sa akin at nagtungo sa kinalalagyan ni Gaelan. Wala akong nagawa kundi tunguhin ang kwarto. Mayroong malapad na kama at magagandang muebles sa loob.
This mansion really looks like a home kaya lang weirdo ang nilalaman ng bahay. Maraming security sa paligid at halos lahat ay nakaitim.
Dumiretso ako sa bathroom ng silid. Mayroong bathtub at dibisyon para sa shower room, nagtungo ako sa shower room dahil gusto ko na din puntahan si Gaelan. Mabilis akong nagshower at nagpalit ng damit. Isang puting dress ang dinala para sa akin ni Brie
Bitbit ko ang suot ko kanina ng lumabas ako ng banyo. Maayos ko munang itiniklop nang makapa sa bulsa ng dress ang aking cellphone. Pinakatitigan ko iyon. I want to know a lot of things. Mayroon na akong hinala pero ayaw tanggapin ng sistema ko. We are brought up with high moral values, bakit ganito?
I shook my head. I need to know. Now.
I dialled my brother's number. Lumunok ako ng marinig ko ang pagring sa kabilang linya. Sa pangatlong ring ay mayroon agad na sumagot.
"Kuya, ikaw ba?" Humikbi ako agad, hindi pa natatapos ang pagsagot ni Kuya Rab sa kabilang linya.
"Ang pambubugbog nya sa akin, mapapalagpas ko, pero ang panloloko nya sayo, hindi." Seryosong sambit ni Kuya Rab. Nakuha ko agad na kilala nya si Gaelan at alam nya ang pagiging malapit namin.
"Kuya! Hindi nya ako niloloko and about what you did--- That's bad! Hindi tayo pinalaki ni Mommy ng ganito!" Protesta ko.
"Oh, I know they will understand. Kung hindi ako pinalaki ganito pwes para ipaalala ko din sayo, hindi ka nila pinalaking ganyan, Maria. Bata ka pa, what are you thinking? Makikipagrelasyon ka sa isang basag ulo?"
"He's an agent!" Pagtatanggol ko.
"All the more na dapat mag-ingat ka, what kind of life did he promise you? Bubuhayin ka nya sa pagpatay ng masasamang tao?"
"You are overthinking, Kuya."
"I am not overthinking. You really think he likes you? Noong nakaraang linggo ay halos patayin nya ako sa bugbog dahil kay Farrah. Hindi mo ba naiisip na parte ka ng paghihiganti nya sa akin?" Pang-uusig ni Kuya Rab. Umiling ako ng mabilis. Sinabi ni Gaelan ang dahilan kung bakit nya yon nagawa kay Kuya Rab. Dahil akala nya ay niloloko ako ni Kuya at naniniwala ako doon!
"Hindi pa alam nila Daddy ang ginagawa mo but you should stay away from him. Do it now, Maria. Bago ka saktan ng gago na yan!"
"Kuya!" Napatakip ako ng bibig sa kanyang pagmumura.
"The world is cruel, Maria. It will justify wickedness as noble. It will make you blind. this world stings and if you haven't experience pain yet, it will destroy you quick. Mabilis at masakit." Gigil na sambit ni Kuya Rab. Bumagsak agad ang luha ko sa kanyang sinabi.
No! Hindi ganoon si Gaelan. Hindi ganoon ang mundo. It will make you strong, it will not destroy you. Masisira ka lamang kung hahayaan mo. It's the way you view things, you learn or you self-destruct. You can either be good or be bad. Life choices will make it different.
Pinunasan ko ang luha ko. I am not living in a make believe world. I was hurt a couple of times simula pumasok ako sa Keio but I survived. Nababasag ako pero paulit ulit na nabubuo dahil ganoon ang tao. You will break but you will be whole again. Hindi tayo gawa sa babasaging bagay.
We are made out of the strongest material by God, we are made out of love and it is unbreakable! Love endures all things.
Naglakad ako papalabas ng kwarto nang kumalma na ako. Mabagal akong umakyat patungo sa treatment room na itinuro ni Brie. Sa gitna ng third floor ay mayroong malawak na sofa, malaking TV at wine cellar doon sa gilid. Nakaupo si Yuki sa isang malaking sofa at nakahawak sa kanyang cellphone, samantalang si Brie at nasa dulong sulok ng kwarto, nakatayo lang sa labas ng pinto. Marahil ay doon ginagamot si Gaelan.
"We cannot come in yet, nagpahanda ako ng pagkain. Kumain ka muna." Marahan akong lumapit kay Yuki at umupo. Abala sya sa pagtitipa ng mensahe. Huminga ako ng malalim.
"Alam-- alam ba nila ang pagkatao ko?"
"No. Even Kiro doesn't know." Tipid na sagot ni Yuki.
"Alam ba ng pamilya ko ang nangyayari sa loob ng Keio?"
"No. I was assigned to protect you from harm, not to report about your personal life."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Yuki.
"Salamat.. Alam kong naging mabait ka sa akin dahil sinabi ng pamilya ko, but Thank you, Yuki. For keeping my secrets."
Tipid na tumango si Yuki. He seems so cold now. Hindi man lang sya nagsabi na mabait talaga sya sa akin dahil sadyang mabait sya. Of course, he's supposed to be nice. My family is paying their agency to protect me.
Ang yapak ng combat boots mula sa wooden floor ang nagpaangat sa paningin ko. Papalapit sa amin si Brie.
"Ilan ang bumugbog sa kapatid ko?" Kay Yuki nakatingin si Brie.
"There were four cars. Siguro ay dalawampu." Nagkibit balikat si Yuki at ipinatong ang cellphone nya sa centertable.
"May lead ka na kung sinong nag-utos?"
Napakapit ako sa aking tuhod. Yuki knows that it is my family.
"Wala." He calmly said. Napalingon ako kay Yuki. His face has no trace of lying. Walang kahit anong pagdududa sa kanyang mga mata. Kaya siguro hindi ko nahalata na binabantayan nya ako. He can lie and get away with it easily.
"Sasakalin ko kung sino ang gumawa. Hindi ako titigil kapag hindi ko nakita--"
"Brie.." Awat ni Yuki.
Napangiwi ako, mukhang maoospital na naman si Kuya Rab.
"Puputulan ko na lang ng pototoy." Umismid si Brie kasabay ng bulgarang pagsasalita. Halos mapatakip ako ng tenga sa kanyang sinabi.
"Brie.. Nabugbog si Gaelan dahil hinayaan nya. Sa tingin mo magkakaganyan ang kapatid mo kung hindi yan pumayag? Sya na lang bugbugin mo pagkagising dahil may pagkatanga." Tumayo si Yuki at tumingin sa akin.
"Mag-intay ka dito. Iche-check ko ang pagkain." Naglakad na sya patungo sa hagdan. Naiwan kaming dalawa ni Brie at umupo sya sa tabi ko. Nilingon nya ako at nginitian.
"Girlfriend ka ng kapatid ko?" She asked. I shook my head right away.
"Ah.." Tumango tango sya.
"Pero close kayo? Wala ka naman dito kung hindi. Ikaw ba si Tabs?"
I nodded.
Lumapad ang ngiti ni Brie at nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin.
"Binabati kita sa pagpapatino sa kapatid ko.." Tinapik tapik nya pa ang aking likod. Hindi ako nakagalaw. Iniisip ba nila na ako ang dahilan ng pagbabago kay Gaelan?
Humiwalay sa pagyakap sa akin si Brie at mataman akong tiningnan.
"Kapag mayroon kang balita sa nanakit sa kapatid ko, sabihin mo sa akin ha." Sambit nya. Hindi ako nag-react. Ayokong magsinungaling pero hindi ko naman maaring ituro ang sariling kapatid!
"A-anong gagawin mo k-kung sakali?"
Ano ba Maria! Don't ask kung ayaw mong marinig ang pananakit sa Kuya mo!
"I will definitely cut his balls. Tapos, ilalagay ko ang pototoy nya sa noo nya!" Galit na sambit ni Brie. Napatakip ako ng tenga. Tiningnan ako ni Brie ng nagtataka at saka sya humalakhak dahil sa reaksyon ko.
"Brutal ba? But seriously, may kalalagyan sya sa akin." Kumuyom ang kamao ni Brie at kitang kita ko sa mata nya ang galit. Nakikini-kinita ko na kung anong aabutin ni Kuya Rab sa kamay ng Ate ni Gaelan. Eh para syang amazona kasi! She's beautiful but her looks can kill.
"A-agent ka din ba?"
Tumango sya.
"Intelligence Department but I am good in Taekwondo and Yawyan. Alam mo yun? Yung Sayaw ng Kamatayan? Filipino version of Muay Thai--kickboxing--"
Patay ka talaga Kuya Rab.. Tsktsk..
Malamang madali yong mapapatumba ng ganito kagandang babae. Kahinaan ng kapatid ko ang magagandang babae.
"Brianna.. Agent Ancheta is stable now. Napagod lang ang kanyang katawan pero alam mo naman na mahigpit ang training nyan kaya kayang kaya tumanggap ng suntok." Mayroong lumabas na doctor mula sa treatment room. Nakahinga ako ng maluwag. Sinundan ko si Brie na pumasok sa loob ng treatment room na wala ng ibang tao. Nakapikit si Gaelan.
"Gael.. Walanghiya ka, pinagalala mo na naman ako." Sinapok ni Brie si Gaelan, napasinghap ako sa pagtrato nya sa sariling kapatid. Hindi kumilos si Gaelan.
"Hoy. Ayos ka na daw. Wag kang umarte dyan.." Patuloy na pagdadaldal ni Brie na akala mo ay hindi nag-aalala kanina.
"Bakit ka ba nagpabugbog? Para ano pa't nagtetraining ka?" Hindi pa din kumikilos si Gaelan. Nanatili lang ako sa may pinto at nakamasid.
"Kasama ba ng pagbait mo ang pagiging bano--"
"Aist. Ang ingay mo, Brie! Bakit puro ikaw ang nagsasalita? Nasaan ang Tabs ko?" Hinampas ni Gaelan ng unan si Brie. Pinanlakihan ako ng mata. Nagtutulug-tulugan lang sya?!
Nilingon ako ni Brie at napangisi sa akin. "Binata ka na talaga, hindi mo na ako kailangan." Napapailing si Brie at humalik sa noo ni Gaelan. "Mag-uusap tayo mamaya." Masuyong sambit nito pagkatapos ay naglakad na papalabas ng kwarto.
Naiwan kaming dalawa ni Gaelan. Katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin. Kung kakamustahin ba sya o magsosorry sa ginawa ng kapatid ko o aamin sa totoong katauhan ko.
Alam na ba niya?
"Ah! Aray!!"
Bumalik ako sa sa huwisyo ng marinig ko ang boses ni Gaelan na sumisigaw.
Napangiwi si Gaelan at humawak sa kanyang tagiliran. Agad akong lumapit para tinginan sya.
"A-anong masakit?"
"D-dito.. Haplos mo.." Utos ni Gaelan. Hinaplos ko ang kanyang tyan. Nakakunot ang kanyang noo at parang nasasaktan talaga. Kawawa naman si Yabs.
"Dito din.." Lumabi si Gaelan at itinuro ang kanyang noo. Hinaplos ko din yon at napapapikit pa sya.
"Dito din." Tinuro nya ang putok nyang labi. Nilagay ko ang kamay ko don pero hinuli din ni Gaelan ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko! Namula ang aking pisngi at may sumilay na mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Nagawa pang magbiro!
"Gaelan!" Suway ko.
"Nag-alala ka ba?" Tanong nya sa akin habang mataman akong tinitingnan.
Tumango ako. Naalala ko ang suntok at sipa sa kanya kanina na tinanggap nya ng buong buo.
"Bakit hindi ka gumanti? Kaya mo naman sila eh.." Naluluhang tanong ko. Hilaw na ngumiti si Gaelan at humigpit ang hawak sa kamay ko.
"Handa akong magpabugbog hanggang mawala na ang pagdududa sa kapatid mo." Makahulugan nyang sabi.
"Nakausap mo sya?" Gulat na tanong ko.
Tumango sya. "I apologized."
"Bakit mo pa ginawa?" Hindi ko mapigilang itanong. Hindi makikinig si Kuya Rab at napahamak pa sya dahil don!
"I want to prove na kaya kong alagaan ang prinsesa nila.."
Parang akong sinampal sa sinabi ni Gaelan.
'Prinsesa nila..'
"Y-You know.." Nanginig ang labi ko, hindi ko na kailangang tanungin kung alam nya na ang pagkatao ko. Nagkibitbalikat si Gaelan.
"Kailan lang, noong nakausap ko ang Kuya mo, he adviced me to stay away from you but I didn't so...." He answered habang tinitingnan ang kanyang mga pasa. I am lost for words!
"Inaantay kitang magsabi ng totoo." Ngumiti si Gaelan ng mapait. Napalunok ako.
"Hindi ka nagagalit? I lied. I lied again." Pinunasan ko ang luha ko. He knows! And he hate liars!
"You lie for the right reasons."
"But it's still a lie.."
"But I like you.. How can I get mad?" Masuyong hinaplos ni Gaelan ang kamay ko. Pinilit nyang umupo para punasan ang luha ko. Umupo ako sa kanyang tabi para mabilis nya akong maabot.
"Sorry.." I whispered. Hinalikan ni Gaelan ang aking buhok.
"Just stay, whatever happens. Just stay."
I promise, I will stay.. I won't falter. I'll stay. Here. With him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro