Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 25



Bakit.


"Alam mo, hindi ko pa din gets si Gaelan kung bakit biglang patay na patay sayo.. Hindi kaya plot twist lang ang lahat ng ito, tapos may gagawin syang kalokohan?" Lumabi si Selene at sinubo ang lollipop sa kanyang bibig. Namamahinga kami sa park ng Keio sa likod ng chapel. Kaming dalawa lang ang nandito at kakatapos lang namin maglunch.


Si Gaelan nagpaalam na kasama ang mga kaklase nya dahil mayroon silang meeting para sa kanilang project. Pumapasok na sya sa mga klase nya. Minsan pa nga, napapagaya sa kanya ang mga kaibigan nya sa Yukan'na.


"Patay na patay? Hindi naman Selene. Bumait lang sya ng sampung paligo sa akin." Nakangiting paliwanag ko. Umismid si Selene.


"Wow ha, bumait? Eh kulang na lang walisin ang nilalakaran mo. Saka grabe kung dumikit sayo, parang mayroong glue, ipinagtutulakan nya pa ang sarili nya sayo samantalang nung nakaraan, halos itaboy ka nya. Sabihin mo nga, ginayuma mo ba ang kinakapatid ko?" Nagtaas ng kilay si Selene, humagikgik ako. Ang kulit nya talaga at parang bata.


"Bad yung witchcraft." Wika ko. Ngumuso si Selene at tumango tango habang tinutulak ang sarili sa swing.


"Baka talagang gusto ka na nuon pa. In denial lang. Kaya nung umamin na sya sa feelings nya, dire-diretso na." Sambit ni Selene na nakatingin ngayon sa damo, mabagal ang kanyang pagswing kaya hinahangin ang mahaba nyang buhok.


Napaisip ako. Gusto ba talaga ako ni Gaelan? Hindi naman kasi nya sinasabi kung ano ang gusto nya. Madalas, sinasabi nya ang ayaw nya.


Ayaw nyang tumintingin ako sa iba ng tao.


Ayaw nyang nagagalit ako.


Ayaw nyang makikipag-usap ako sa mga lalaki kahit pa sa mga kaibigan nya.


Ayaw nyang nagsusuot ako ng maigsi.


Ayaw nyang sumali ako sa cheering squad.


Kaunti na lang nga iisipin kong isa sya sa mga Kuya ko, madami din yong ayaw eh.


Speaking of Kuya.. Ano nga kaya ang sinasabi ni Kuya Rab? Nag-aalala ako dahil baka nakita nya kami ni Gaelan na magkasama pero hindi na naman sya tumawag ulit. Siguro ay nananaginip lang non si Kuya Rab o di kaya masama ang pakiramdam nya nung isang gabi.


"Pero alam mo Ria, kahit kinakapatid ko yun si Gaelan, wala pa din akong tiwala sa mokong na yon eh. Alam mo bang yung phonebook nya puro pangalan ng babae?" Hinawi ni Selene ang kanyang buhok sa likod. Bahagya akong natigilan at napalunok.


Puro babae ang numero sa cellphone nya?


"L-lahat ba yon tinatawagan nya?" Nakaramdam ako ng pagbabara sa aking lalamunan dahil sa sariling tanong.


"Ewan ko. Ewan natin! Pwedeng hindi, pwedeng oo. Alam mo, yang Yukan'na na yan, pare parehas ang shape ng intestine nila! Mga babaero. Tsk. Si Zeus nga mayroon ng girlfriend ngayon eh, di ako naniniwala. Kung meron man panigurado, one week lang yon." Buong pagmamalaki na sambit ni Selene.


Narinig ko din na mayroong girlfriend si Zeus. Si Olivia Montemayor daw, yung muse ng accountancy. Lagi silang magkasama nung nakaraan kaya si Zeus hindi na masyadong nakakasama ang Yukan'na at dahil doon laging mainit ang ulo ni Selene.


"Mabait naman si Olivia, bagay sila--"


"Naku hindi!" Sigaw ni Selene. Napaatras tuloy ako bahagya mula sa pagkakaupo sa swing. Huminga si Selene ng malalim at pumikit. Ayan, nagagalit na naman sya...


"H-hindi sila bagay.." Halos bulong lang iyon ngayon. May bumalatay na sakit sa mukha ni Selene. Si Selene yung taong mahilig magdeny pero yung asul nyang mata hindi nakakapagsinungaling. Nanatili syang nakayuko at maya maya pa nagpunas sya ng mata, mapait syang ngumiti sa akin.


"Salbahe talagang Zeus na yun! That's why I never liked him." Kumuyom ang kamao ni Selene at tumayo ng tuwid. "Tara?" She asked, namamaos na ang kanyang boses at mabilis na namula ang ilong. Alanganin akong tumayo at sumunod sa kanya sa paglalakad. Mabigat ang hakbang ni Selene pero pilit nyang pinasisigla ang mukha. Nag-aalala tuloy ako.


"Tabs!" Hindi pa kami nakakalayo ni Selene sa park, nakita kong humahangos si Gaelan papalapit sa akin. Ngumiti agad ako. Kagaya nung nakaraang araw, pormal ang kanyang polo shirt at mayroon syang bag na nakasabit sa balikat.


"Vacant mo na?" Agad nyang tanong.


Tumango ako. Wala akong susunod na klase kaya maari na akong umuwi pero mananatili muna ako sa library para makapagbasa ng mga libro.


Nagpaalam si Selene sa amin ni Gaelan. Kumaway ako at pinagmasdan syang maglakad patungo sa building na pupuntahan nya. Nag-aalala pa din ako pero nabaling kay Gaelan ang atensyon ko.


"Kumain ka na?" Bumaba agad ang kamay ni Gaelan sa aking kamay. Hinayaan ko sya, nasasanay na din naman ako. Isa pa, panatag ako kapag ganito. Ano kaya ang mayroon sa hands nya?


"Mmm, ikaw?" I asked. Ngumiti sya ng matamis. Nahawa din tuloy ako sa pagngiti. Kinagat nya ang pang-ibabang labi nya habang nakatingin sa mga mata ko. Pinaglaruan nya ang mga daliri ko sa kanyang kamay. Nakakaengganyo ang kanyang ginagawa, wala naman akong kiliti sa kamay pero nakikiliti ako.


"Hindi pa, samahan mo ako?" Lumamlam na naman ang mga mata ni Gaelan at bahagyang lumapit pa sa akin.


Sabay kaming naglakad patungo sa Food Alley. Dumiretso kami sa binibilhan namin ng gulay at isda. Nakakatuwa na sanay na sanay na sya kumain ng masustansya. Kumuha si Gaelan Mango Shake para sa akin at chicken sandwich.


"Kumain na ako.." I insited, ngumisi si Gaelan at pinakatitigan ako.


"Payat mo na eh. Pataba ka ulit." He said pagkatapos ay inakbayan ako ng buong bigat sabay kurot sa pisngi ko ng madiin.


"Aww.." Reklamo ko. Humalakhak lamang sya. Si Gaelan talaga mahilig mang-asar. Hinilot ko ang parte ng kinurot.


Ibinaba ni Gaelan ang tray sa lamesa ng Yukan'na, tumango sa akin si Hunter at kumaway naman si Ice.


"Hi Maria." Bati sa akin ni Yuki. Ngumiti ako sa kanya pero sumimangot si Gaelan.


Tinapik ko ang kanyang braso para hindi magsungit sa kaibigan. Ayaw nya talagang tinatawag ako ng iba bilang 'Maria'. Isa na naman sa mga ayaw nya.


Tahimik na kumain si Gaelan habang nakaupo ako sa kanyang tabi.


"Hay! Nakakapagod mag-aral. Ang corny." Dumating si Rye at binagsak ang kanyang notebook. "Gael, ayoko na mag-aral." Sambit nya.


Masama din syang tiningnan ni Gaelan.


Tumawa si Hunter. "Submit to your leader, Rafael Ace." Ani to.


"We study at home." Nagkibit balikat si Rye.


"Rafael, isa..." Pagbabanta ni Gaelan.


"Kaya ayokong mainlove, corny din." Napapailing na umalis si Rye para siguro bumili ng pagkain.


Nasasanay na din ang sa takbo ng usapan ng Yukan'na. Madalas ay nagtatalo sila pero lagi namang magkakasama. Nalipat ang paningin ko kay Gaelan ng tumunog ang kanyang cellphone, halos papatapos na syang kumain. Kinuha nya yon sa kanyang bulsa at nagbasa. Napapangiti sya sa mensaheng nakalagay doon. Pinigilan kong mapakunot ang noo ko, uminom lang ako ng shake mula sa aking baso.


Maligaya syang nagtipa ng reply.


Nasilip ko ang 'Brianna' doon sa cellphone nya. Hindi ko lang nabasa ang nilalaman ng mensahe. Ipinatong muli ni Gaelan ang cellphone nya at agad iyong tumunog. Hindi sya natuloy sa pagsubo dahil kinuha nya iyon.


'Brianna' muli ang nakita ko. Ako kaya ang pinag-uusapan nila nung katext nyang babae?


"Is that Bree?" Nakangising tanong ni Ice. Nagkibit balikat si Gaelan at ngumisi pabalik. Nagtinginan sila ng may kahulugan. Sino ang katext ni Gaelan? Bumagabag sa akin ang isiping yon hanggang sa umalis na kami sa Food Alley. Sumunod sa akin si Gaelan patungo sa library para manatili doon. Kumuha ako ng napakaraming libro sa shelves at umupo sa harapan ni Gaelan. Nag-angat ng tingin si Gaelan at tumayo para lumipat sa tabi ko. Humila sya ng upuan at dinikit sa upuan ko.


Hindi ko sya pinansin at itinutok ang mata sa libro. Nagsulat ako ng mga notes na kailangan. Narinig kong nagvibrate ang phone ni Gaelan mula sa lamesa, nakita ko agad ang pangalan ng nagtext sa kanya.


'Brooke'


Babae ulit?


Napanguso ako at nagsulat. Napansin ko ang madiin na pagkakasulat ng mga sumunod na letra habang sumasagot si Gaelan sa mensahe. Binaba muli ni Gaelan ang cellphone nya sa lamesa. Humilig ang ulo nya sa balikat ko, pasimple akong umiwas kaya nalaglag ang ulo nya. Hindi ko alam kung anong naging reaksyon ni Gaelan pero naramdaman ko na lang ang paghawak sa kamay ko kaya bumagsak ang tingin ko doon.


"Bakit?" Gaelan asked, may himig ng pag-aalala.


I shook my head. Bakit nga ba?


Masama ang pakiramdam? Hindi.


Galit? Hindi.


Nagtatampo? Hindi.


Nagseselos? Kanino naman?


"Tabs, kanina ka pa tahimik." Bulong sa akin ni Gaelan. Sa sobrang lapit nya sa mukha ko, ramdam ko ang mainit nyang paghinga. Lumayo akong muli ng bahagya at tumikhim.


"Busy lang ako.."


"Pasyal tayo?" He asked.


Umiling ako. Lumabi si Gaelan at nagpuppy eyes sya ulit.


"Gusto mo magsimba tayo sa Tagaytay?" Sabi nya.


"Layo."


"Maaga pa naman eh.."


"Ayaw." Umiling ako at binaling ulit ang paningin ko sa libro.


"Tabs.. Bakit ka ganyan?" Ulit nya sa malambing na boses.


Hindi ko sya sinagot dahil hindi ko din alam ang nangyayari sa akin. Parang nawalan ako ng interes na kausapin sya pero ayokong umalis sya sa tabi ko. We stayed in silence hanggang napagod ang mga mata ko sa pagbabasa ng libro. Sinarhan ko ang libro na nasa harapan ko.


"Hay salamat, pwede mo na akong pansinin!" Nag-inat si Gaelan at ngumiti sa akin, nanahimik lang pala sya dahil akala nya ay busy ako. Nanatiling blanko ang ekspresyon ko kaya napakunot ang noo nya. Tumayo sya kasabay ko at sinikop ang mga libro. Naglakad kami sa mga shelves at isa isa kong ibinalik ang mga kinuha ko.


"Maria, galit ka? May ginawa ba ako?" Untag sa akin ni Gaelan habang naglalakad sa pagitan ng partitions ng library.


Umiling akong muli. Napabuntong hininga si Gaelan.


"Di ba, masamang magsinungaling?" Natigilan ako sa sinabi ni Gaelan. Oo nga pala! Nakakapagsinungaling din ako dahil kay Gaelan. Pumikit ako. Dapat walang magbabago, dapat ako pa din ang dating Maria kahit andyan si Gaelan.


I will save whatever principles and goodness that is left in me. I still want to be the same person, but this time, I want to be able to choose.


Tinutok ni Gaelan ang nga mata nya sa akin na parang naghahanap ng sagot. Napabuga ako ng hangin.


"S-sabi kasi ni Selene.. Madami daw numero ng babae sa cellphone mo." Nahihiya kong sabi. Matagal akong tinitigan ni Gaelan bago malakas na napabuntong hininga.


Kinuha nya sa kanyang bulsa ang cellphone nya at iniabot sa akin.


"Check it." Utos nya. Umiling ako. Nakakahiya na yon! Hindi ko dapat pinapakialaman ang personal na gamit nya.


Kinuha ni Gaelan ang kamay ko at ipinatong nya ang cellphone nya na nakalagay doon sa phonebook.


Agent Toshiyo. Agent Yushima. Coach Ford. Hunter. Ice. Kiro. Rye. Yuki. Daddy. Brandy. Brianna. Brooke. Mommy. Tabs ❤. Zeus.


Paulit ulit nyang niswipe ang phonebook at wala ng ibang numero.


"Limang babae lang. Yung tatlong Ate ko, mommy ko at yung sayo." He sighed. "Kaya ba wala ka sa mood dahil doon?"


Marahan akong tumango.


"Nagseselos ka?" Mayroong mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. Bakit kaya sya natutuwa? Ganunpaman, I nodded.


"Wag ka masyadong nagpapaniwala kay Selene. Bitter yon eh." Nagkibit balikat si Gaelan.


"Pero maraming nagtetext sayo?"


"Marami, pero hindi ko naman sinasagot." Nilagay nya ang cellphone nya doon sa messages. Madaming hindi nakarehistrong numero, yung iba ay hindi pa nga nya nababasa.


Inakbayan ako ni Gaelan at nilagay ang huling libro doon sa shelves. "Kapag may gusto kang malaman, tatanungin mo lang ako."


"Baka magalit ka." Bulong ko.


"Hindi na ako yung Gaelan na yon. Hindi na ako magagalit sayo kasi nandito na tayo.." Wika nya.


"Saan?" Kunot noong tanong ko.


"Nandito na tayo sa hindi ko na kailangang magtago. Ayos na. Naipaparamdam ko na."


"Ang alin?"


Ano ba yung mga sinasabi ni Gaelan! Ang gulo gulo naman!


"Na gusto kita.." Nagkibit balikat si Gaelan at nauna sa paglalakad. Ako naman ang natigilan at sinundan na lang sya ng tingin. Napakurap kurap pa ako habang hindi pa nagsisink-in ang sinasabi nya.


Gusto nya ako?


Kaya sya bumait kasi gusto nya nga ako?


Bumaling sa akin si Gaelan nang hindi ko sya sinundan. Mapula ang kanyang pisngi at tenga. Bumagsak ang tingin ko sa sapatos ko dahil nakaramdam din ako ng hiya.


"H-halika na.." Nilahad nya ang kamay nya sa akin. Lumapit naman ako at kinuha yon.


Tahimik kaming naglakad ni Gaelan. Mayroong hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib ko. This is crazy, parang mayroong kumurot sa puso ko at nagtutulak sa akin na magsalita. Ano ang sasabihin ko? Dapat ba mayroon din akong sabihin dahil gusto nya ako?


Kung hinahayaan ko sya na magustuhan ako, ibig sabihin ay gusto ko din sya hindi ba? Alam nya din kaya ang bagay na yon? Eh di ibig sabihin magkakaroon kami ng---relasyon? Bad kaya yun? Kasi sabi ng mga Kuya ko, bad pa daw sa age ko. Anong age ba ang tama? Pag nagbirthday ba ako sa susunod na buwan at 17 years old na ako, pupwede na?


Bumagsak ang balikat ko, sabi ni Kuya Gilad kapag 50 years old na ako...


Matagal pa mag-iintay si Gaelan.


Tumingala ako at napansing papadilim na din. Bahagyang makulimlim din ang langit. Maamoy mo sa hangin ang tila magaspang na hamog, parang uulan ng malakas.


"Tabs, umaambon na.." Pinagbuksan ako ni Gaelan ng sasakyan at inanyayahang pumasok. Nagmadali din si Gaelan na umikot patungo sa driver seat dahil mas lumalaki ang patak ng ambon. Inihanda ko ang tissue at pinunasan ko ang braso ni Gaelan. Tipid syang ngumiti sa akin at ginulo ang buhok ko.


"Salamat." Bulong nya. Tumango ako. Nang papaalis na kami ay tuluyang bumuhos ang malakas na ulan. Ilang metro pa lang ang layo sa aming school, wala ng mga estudyante o tao sa paligid hindi kagaya ng normal na araw, dahil siguro napakalakas ng ulan. Dumilim ang kalangitan ng tuluyan dahil sa ulan at papagabi na din naman.


Binuksan ni Gaelan ang ilaw ng kanyang sasakyan at ilang ulit na bumusina. Napatingin ako sa kanya. Nakahinto kami sa gitna at panay lang ang kanyang busina. Doon ko napansin na mayroong apat na itim na sasakyan ang nakaharang sa aming dadaaanan, at mayroong mga lalaking nakatayo at hinahayaang maulanan ang kanilang mga sarili.


"Anong problema?" Tanong ko kay Gaelan na seryosong nakakunot ang noo.


"Dito ka lang." May kinuha na baseball bat si Gaelan sa gilid ng kanyang sasakyan. Kinabahan ako ng husto. Pakiramdam ko ay mayroong gulo.


"T-teka! Wag kang bababa.." Natatarantang sabi ko ng akmang bubuksan ni Gaelan ang pinto.


"Tabs, kahit anong mangyari wag kang bababa.. Lock the doors." Kinuha ni Gaelan ang cellphone nya at iniabot sa akin.


"Kapag hindi ako bumalik ng sampung minuto, tawagan mo si Yuki." Sabi nya ng hindi nakatingin sa akin kundi nakatuon lang doon sa labas.


Bumaba na si Gaelan at sinunod ko ang gusto nya. I locked the door. Pinanood ko sya kung paano sya maligo sa ulan. Natatanawan ko sya dahil doon sya nakatayo sa gitna ng sasakyan. Nakapormang poprotektahan ang kinalalagyan ko kahit anong mangyari. Hindi ko na nakita ang sumunod nang may sumugod kay Gaelan na nakaitim. Natumba si Gaelan, napapikit ako habang sinusuntok o sinisipa siguro sya ng mga lalaking nakaitim.


"Tama na!" I yelled, alam kong hindi nila ako maririnig mula sa loob ng sasakyan dahil sobrang lakas din ng ulan.


Nabuhayan ako ng makitang tumayo si Gaelan, pero napakunot ang noo ko ng iniangat nya ang baseball bat na bitbit nya at nilaglag iyon sa lupa.


Bakit nya itinapon? Hindi ba sya lalaban?


Naglakad sya papalapit doon sa mga lalaki. Dahan dahang lumuhod si Gaelan sa harapan ng mga nakaitim at nilahad nya ang magkabilang braso nya, parang sinasabing suntukin sya ng mga ito! Isa isang sumugod ang mga nakaitim at pinagsusuntok sya. Naririnig ko ang malakas na pwersa na ibinabato sa kanya. Napatakip ako ng bibig.


Bakit hindi sya lumalaban!?


Hindi na ako nag-isip. Lumabas ako. Tumakbo ako sa kinalalagyan nya. Nakahiga na si Gaelan sa lupa at wala ng malay pero ayaw pa din syang tigilan sa suntok at sipa. Basang basa ang kanyang katawan.


"Tigil! Tumigil kayo!" Sigaw ko at pinilit isiniksik ang sarili ko paplapit kay Gaelan.


Hinila ko ang isang lalaki na bumubugbog kay Gaelan.


"Hinto!" Sumigaw ang lalaking inilayo ko kay Gaelan. Hindi ko na sya tiningnan pero huminto nga ang lahat ng bumubugbog kay Gaelan. Lumuhod ako sa kanyang harapan. Tulog sya at punong puno ng dugo ang mukha at ang kanyang puting tshirt ay naging mapusyaw na pula dahil sa dugo at tubig.


Bumuhos ang luha sa akin. Awang awa ako sa kanya. Hinaplos ko ang buhok nya, hindi man lang sya kumilos. Kailangan kong tawagan si Yuki pero ayokong iwan si Gaelan, baka saktan muli sya.


"Young Maiden. Lumayo po kayo dito, wag po kayong magpaulan.." Dahan dahan akong napaangat ng tingin sa mga sumugod kay Gaelan.


Ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko ang isa sa Bodyguard ng aming pamilya.


"B-Bakit?" Puno ng hinanakit na sigaw ko.


Marahan kong ibinaba si Gaelan muli sa lupa.


"Chief Smiths!" Sigaw ko para humingi ng tulong, nakita ko ang kaba sa kanilang mga mukha.


"Y-young Maiden, napag-utusan lang po ako." Sabi nung bodyguard na hindi ko matandaan ang pangalan.


"Chief Smiths!" Sumigaw muli ako, nanginginig sa galit. Anong kasalanan ni Gaelan sa kanila!


Natanawan ko ang apat na motor na sumusugod papalapit sa amin. Nagmamadaling bumaba si Chief Smiths at ang apat pa nyang kasama sa motor.


"Severin, anong ginawa nyo?" Mabilis na tanong ni Chief Smiths sa bumugbog kay Gaelan.


"Tulungan nyo ako, Chief Smiths." Umiiyak na sabi ko, bumalik ako sa katawan ni Gaelan at ipinahiga sya sa aking binti.


"B-bakit ka lumabas?" Bahagyang nakadilat ang mga mata ni Gaelan, pinipilit nyang ngumiti kahit na duguan ang kanyang mga labi.


"Baka lagnatin ka, Tabs... Pasok ka na doon sa sasakyan. Tawagan mo si Yuki kapag umalis na sila.." Nanghihina nyang sabi.


"Gaelan, Im sorry.." Humihikbing sabi ko, isang nanghihinang ngiti ang itinugon nya sa akin.


"Inaantok ako, Tabs.." He whispered.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro