KABANATA 24 (2nd Re-posting)
Maki Say's: Hindi mabasa ng iba ang Chapter 24. So Reposting this :)
Mayroong Isang Linya.
Hanggang sa bago ako matulog nasa isip ko ang pangyayaring yon sa pagitan namin ni Gaelan. It was.. different. Gaelan was different. Nagbago siya bigla.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ni Gaelan sa kabilang linya. Nakauwi na daw sya at nakakain na. Sabi nya ay tatawag sya pagkatapos ng lahat ng kanyang gagawin sa bahay nila at ngayon ay mukhang tapos na.
"Mmm.. Kasi kakatapos ko lang ayusin ang mga gamit na dadalhin ko bukas." Nagkibit balikat ako habang naglalagay ng gamit sa aking bag.
Tumahimik bigla sa kabilang linya. Iniisip ko tuloy kung naputol ba ang tawag.
"Gaelan?" Untag ko. "Andyan ka pa?"
"I thought you are waiting for my call." May kakaibang tunog sa boses nya. Napangiti ako, para talagang bata.
"Bakit ko naman aantayin?" Tanong ko sa kanya.
"Tss! Syempre. Sinabi kong tatawag ako. Kapag sinabi ko, gagawin ko. You should wait."
"I waited. Inaayos ko ang mga gamit ko kasabay ng pag-iintay sayo para kung hindi mo gagawin, may pakinabang naman ang oras ko hindi ba?"
"Fine. Nakakain ka na ba? Tinanong ka ba kung bakit ka nagtagal sa labas?" Tanong nya. Umiling ako kahit hindi nya nakikita.
"Kumain ako pero hindi ako tinanong. Ikaw, hindi ka ba tinanong kung bakit late ka na umuwi?" I asked.
"Late? This is still early. Masyado pang maaga ang uwi ko na ganito.."
I pouted. Is this still early? It is 10 in the evening!
"Maaga? Anong oras ka ba kadalasan umuuwi?" Kyuryosong tanong ko. Tumayo ako para ilagay ang bag ko sa study table.
"Tuwing kasama ko sina Yuki kadalasan ay umaga na.." Kaswal nyang sagot.
"Training?" Kumunot ang aking noo.
"Party." Tipid na sabi nya. I almost sighed with his answer.
"Ah." Wala akong ibang masabi at nahulog na lang ako sa pag-iisip.
Sabagay ang tipo nila ang madalas na magtutungo sa mga pinupuntahan ng mga Kuya ko para makainom at makapambabae. Si Gaelan kaya nambababae din?
Siguro.. Imposible namang hindi sya mapansin ng mga nagagandahang babae. At imposibleng hindi sya tumingin sa mga babae kahit girlfriend nya pa noon si Miss Farrah.
"Natahimik ka?" Gaelan asked in the other line. Nakagat ko ang pangibabang labi ko. Naimagine ko kasi agad na nag-sasaya si Gaelan habang mayroong kaakbay na babae at umiinom. Parang may tumutusok na kung ano sa puso ko. Ang pangit sa pakiramdam.
"W-wala." I shook my head. Humiga ako sa aking kama at tinakpan ko ang aking mukha. Ano ba ang nangyayari sa akin?
"Huhulaan ko." I can distinguish a smile on his voice. "Ayaw ni Maria na nagpaparty ako, tama?" He asked.
Hala! Paano nya nalaman yon?!
"H-hindi naman sa--"
"Hindi ko na gagawin.." Malambing nyang sabi. Ramdam ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko! Ano ba naman si Gaelan!
"Bakit mo hindi gagawin?" Nangingiming tanong ko pero sa likod ng utak ko, umaasa na ako ang dahilan.
"Kasi ayaw mo. Lahat ng ayaw mo hindi ko na gagawin. Hindi na ako makikipag-away, hindi na ako mambubully, hindi na din ako gagawa ng gulo. I will be a good boy for Maria." Pangako nya. I am almost dreamy, ang sarap pakinggan. Halos mabitiwan ko ang hawak kong cellphone.
"Gusto ko yon.." Halos bulong ko. Napatakip ako ng aking bibig. Masyado akong nahumaling sa pangako nyang yon kahit hindi ko naman alam kung tutuparin nya. Napakapilyo kaya ni Gaelan!
"Basta mangako ka, hindi mo ako iiwasan ha? Lagi tayong magkasama."
Napahagikgik ako "Paano tayo laging magkakasama eh hindi ka naman pumapasok sa klase!"
Hindi nya sinagot ang tanong kong iyon hanggang sa nagpaalam na ako para matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Kaya kinabukasan, nagulat na lang ako dahil inaabangan ako ni Gaelan sa gate ng Keio.
"Good morning!" Maligayang bati ni Gaelan. Maayos ang kanyang suot. Hindi sya naka-tshirt ngayon. Nakasuot sya ng polo shirt na kulay puti. Pormal ang kanyang pantalon at sapatos. Sa likod nya ay mayroong backpack. Inabot nya ang mga libro ko mula sa akin.
"Bakit ganyan ang suot mo?" Hindi ko mapigilan ang matawa. Agad namang napasimangot si Gaelan.
"Papasok ako sa klase!" He said. Napahinto ako sa paglalakad at kunot noong hinarap sya.
"Aist! Di ba sinabi ko na nga! Lagi tayong magkasama para hindi mo na ako maiiwasan." Tumingin si Gaelan sa malayo at pasimpleng inabot ang kamay ko. Huminga ako ng malalim kahit tinatambol ng husto ang puso ko sa pagkakadikit ng kamay namin.
Bakit kaya ganon ang pakiramdam? Sa simpleng bagay halos tumakbo ang puso ko ng mabilis. Presenya nga lang ni Gaelan, kinakabahan agad ako.
'OMG! Nagkabalikan ba sila?'
'Girl, hindi naging sila hindi ba?'
'Look at them. Mukhang ingat na ingat si Gaelan kay Ria!'
'Just leave them alone! Baka paliguan na naman tayo ni Gaelan ng ketchup!'
Sari-saring bulungan ang naririnig ko habang naglalakad kami sa field ng Keio. Hindi naman iyon alintana ni Gaelan. Hawak kamay kaming naglalakad patungo sa classroom ko. Maliliit ang hakbang namin, para tuloy hindi nauubos ang daanan. Ang tagal naming makarating eh!
"Wag mo silang papansinin." Nag-angat ako ng tingin kay Gaelan na mayroong seryosong ekspresyon. Naririnig din nya ba sila? Ay oo nga pala.. Mayroon din naman syang tenga.
"Sa akin ka lang makikinig, Maria." Huminto si Gaelan at hinarap ako. Tinitigan nya ako ng husto. Madaming emosyon ang makikita sa mga mata nya pero hindi ko maintindihan kung anong laman. It is both dark and caring. Paano nya napagsasabay ang emosyon na yon? Madilim pero malambing. Ang sarap tinginan pero nakakapanghina. Yumuko ako para umiwas sa ganoong paninitig, baka mahimatay ako sa sobrang panlalambot dahil sa titig nya.
"Ria!" Kumaway si Selene na ilang hakbang lang ang layo mula sa amin ni Gaelan. Patakbo syang nagtungo sa amin at masayang sumabit sa braso ko.
"Tch, napaka-extra talaga ni Selene." Bulong ni Gaelan.
"Huh?" Tanong ko. Napailing lang si Gaelan.
"Im so happy you are here! Ayos ka na ba? Halika, hahatid kita sa classroom mo!" She chirped. Hinila ni Selene ang kamay ko pero hindi ako nakagalaw dahil hila din ni Gaelan ang kabila.
"Ako na." Malamig na turan ni Gaelan. Napasimangot naman si Selene sa kanya.
"Bakit ikaw? Hoy Gaelan, baka di mo nakakalimutan na ikaw ang dahilan kung bakit napapahamak si Ria lately!"
"Alam ko. Kaya nga ako na ang maghahatid kasi poprotektahan ko sya." Sagot naman ni Gaelan. Natigilan si Selene at lumipat ang mga mata sa kamay naming magkahawak. Nanlaki ang mga mata nya.
"OMG! Kayo na?" Selene shrieked.
"HINDI!"-Ako
"OO!"-Gaelan
"Anong oo?"-Ako
"Anong hindi?"-Gaelan
Sabay kaming nagsasalita kaya lalong naguluhan si Selene.
"Ha? Hindi pa?" Hinarap ako ni Gaelan.
"Paano magiging tayo? Eh hindi ka naman nanligaw." Nagkibit balikat ako. Bakit ganoon ang iniisip ni Gaelan? Di ba dapat nagtatapat muna ng feelings bago magkakaroon ng relasyon? May feelings ba sya sa akin? Sabi nya lang magpapakabait sya eh.
"Akin ka!" Naiinis nyang sabi. Napaatras ako dahil sa pagsigaw nya.
"Hindi pa pala kayo eh." Boses iyon ni Yuki na naglalakad papalapit sa amin. Nakangisi sya at nang-aasar na tiningnan si Gaelan. Kasunod nya ay sina Kiro, Ice, Hunter, Rye at Zeus.
"Anong hindi pa tayo?" Binulungan ako ni Gaelan ng nagtataka.
"Bad magsinungaling." I whispered.
"I am not lying! Ano yung kagabi? You let me hug you." Sumbat nya sa akin na nanlalaki ang mga mata.
"Dapat ba hindi?" I asked. Niyakap nya ako, dapat bang ipagtulakan ko sya?
"Why, will you let anyone hug you?" Nakakatakot na naman nya akong tiningnan.
"Well, if--"
"Tsk." Pabagsak na binitawan ni Gaelan ang kamay ko at umismid.
"Naku, LQ kayo agad?" Humagikgik si Selene.
"Ria. Hindi naman nanliligaw yan si Gaelan. Hindi uso yon sa kanya." Natatawang paliwanag ni Selene. Humawak pa sya sa kanyang tyan sa sobrang ligaya, mas lalong napasimangot si Gaelan.
"Gaelan has a lot of girls, too. Nakukuha nya ang lahat sa tingin at pambobola." Humalakhak si Hunter at nakipag-high five sa mga kaibigan nya na tumatawa din. Nilingon ko si Gaelan. Wala man lang syang reaksyon. Ibig sabihin ay totoo? Kagaya sya ng mga kapatid ko?
"Madami ka naman palang babae eh." Bulong ko kay Gaelan.
"Of course! Gwapo ako! Anong akala mo sa--"
"Eh di dun ka na sa mga babae mo!" Kinuha ko ang mga libro ko sa kamay ni Gaelan na kanina lang ay bitbit nya. Naglakad ako papalayo sa umpukan na yon.
Nakaramdam ako ng inis na hindi ko maipaliwanag.
Anong klaseng inis ba ito?
Nakarating ako sa classroom na hindi na lumingon pa sa likod. Umupo ako sa bandang hulihan. Pinanlakihan ako ng mata ng makita kong pumasok din si Gaelan. Nakasimangot sya na naglakad sa direksyon ko.
Pabagsak din syang umupo sa tabi ko. Hindi ko sya pinansin. Naiinis pa din ako sa kanya. Madami pala syang babae! Akala ko si Miss Farrah lang ang naging girlfriend nya! Kung makapagexplain pa sya noon ng ibig sabihin ng pagmamahal, akala mo kung sinong siyentipiko!
Nagpangalumbaba ako sa arm chair ko. Masyado pang maaga para sa unang klase. Kakaunti pa nga lang ang nakaupo sa classroom. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Gaelan. Lumingon ako sa bandang kanan na bintana. Sa kaliwa ko nakaupo si Gaelan at hindi ko alam ang ginagawa.
Pinagmasdan ko ang puno sa labas, pati ang pagdapo ng ibon dito ay pinansin ko. I sighed. Sobrang lungkot ng pakiramdam ko. Ayaw ko ng ganito.
"Iba ang girlfriend sa fling okay?" Huminga ng malalim si Gaelan at pinutol ang katahimikan.
"Ganoon pa din yon." Wika ko sa nadidismayang tono.
"Hindi ko na nga gagawin eh. Bakit ba naiinis ka?" Tanong nya sa akin na tila nawawalan na din ng pasensya.
"Eh bakit ba nangingialam ka. Eh sa naiinis nga ako! Masama bang makaramdam ng inis?" Bumilis ang paghinga ko, ako ang nawalan ng pasensya agad agad. Hinarap ko si Gaelan at nakatulala lang sya sa akin. Bahagya pang nakaawang ang kanyang labi sa gulat.
"Hey.." Hinawakan ni Gaelan ang kamay ko. "Naiiyak ka na." Bulong nya. Nagtataka kong pinakiramdaman ang mata ko at nakita kong nabasa nga iyon ng luha.
Hala! Bakit ako umiiyak?
Kumuha si Gaelan ng panyo at pinunasan ang mukha ko.
"Did I upset you?" Mahinahong tanong ni Gaelan. Suminghot ako para pigilan ang pagluha.
Am I upset? Siguro nga. Dati ay nakukuha ko ang lahat, kahit ang pakiramdam na gusto ko ay nakukuha ko pero bakit ngayon ay hindi ako masaya?
Marahan akong tumango.
"Sorry. It's all in the past.." He whispered. "Hindi na ulit ganon, makakaasa ka."
Hinigpitan ni Gaelan ang paghawak sa kamay ko.
Mahigpit.
Gaya sa paghawak ko sa mga pangako nya.
Nakumpleto namin ni Gaelan ang buong school week na hindi naghihiwalay. Pumapasok sya sa lahat ng klase ko at gumagawa din sya ng assignments nya. Nakakatuwa ang mga pagbabago. Pagkahatid nya sa akin pagkagaling sa school. Umuuwi din sya agad.
Yun ang sabi nya.
"Hello, Selene?" Kakatapos ko pa lang magshower at maghanda para sa pagtulog ng tumawag si Selene sa akin.
"Alam mo ba kung nasaan si Gaelan? Kasama nya pa ba si Zeus?" Tanong nya sa akin. Tumingin ako sa aking orasan, 9PM.
"Hm? Ang alam ko nakauwi na si Gaelan. Nagtext kasi sya sa akin--"
"Magkakasama silang pito!" Putol ni Selene. Dumaan si Zeus sa Pool Club at nandoon si Gaelan! Dapat nga ay sasama ako pero hindi pumayag si Zeus. Inihatid nya din ako pauwi at bumalik doon. Wait, hindi ba sinabi sayo ni Gaelan?"
Nagtataka naman ako. Malinaw ang sinabi ni Gaelan na uuwi na sya.
Parang hangin lang na dumadaan sa tenga ko ang mga sinabi ni Selene tungkol sa pagkainis nya kay Zeus at sa duda nitong may babae ito. Nasa isip ko kasi, si Gaelan. Nagsinungaling ba sya?
Nabuhay na naman ang inis sa akin. Habang lumilipas ang oras, kung ano ano ang nadadagdag sa imahinasyon ko. Umiinom sya, nakikipagsayaw sa kung sinong babae at magsasaya. Habang ako..
Iniisip sya.
Sinilip ko ang cellphone na pinatay ko pagkatapos makipag-usap kay Selene. Pinatay ko iyon dahil sa tsansang magtetext si Gaelan at magsisinungaling sya. I don't want to hear him lie. Mas mabuti pang wala syang sasabihin. Hindi ako masyadong masasaktan.
Hinipan ko ng hangin na nalaglag sa aking mukha.
Ano na kayang ginagawa nya?
Eh bakit ko ba iniisip?
Bahala nga sya! Kung gusto nyang mambabae eh di bahala sya..
Kahit masakit, sanay naman na akong masaktan..
Habang pinipilit ang aking sarili na makatulog, nakarinig ako ng kung ano na tumama sa may bintana ko. Tumayo ako para silipin yon.
Nagtaka ako ng makita doon si Gaelan, nakasuot ng jacket, sa ilalim non ay puting tshirt at kulay gray na---pajama? Bakit sya nakapantulog?
Nakatingin sya sa akin ng malungkot pagkatapos ako ay kanyang tinanguan, para bang sinasabi na babain ko sya. Nagmadali naman ako na humarap sa salamin at nagsuklay ng buhok. Madilim na sa aming salas dahil malalim na ang gabi kaya nagdahan dahan ako kundi ay baka magising si Mama at Papa.
"Anong ginagawa mo dito?" Pagalit na tanong ko kay Gaelan habang sinasarhan ang gate. Hindi pa ako nakakalapit, sumugod na sya agad ng hakbang.
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga text ko? Bakit nakapatay ang cellphone mo? Alam mong tatawag ako hindi ba? Alam mo." Yumukod si Gaelan at humilig sa balikat ko, ang dalawa nyang kamay ay nakapaakap sa bewang ko. Para syang nagtatampo na kung ano. Lumambot ang puso ko agad. Nagsisi sa pagpapatay ko ng cellphone para hindi sya makausap.
"K-kasama mo ang mga kaibigan mo." I whispered.
"Kanina. Birthday ni Agent Toshio, Kuya nila Yuki at Kiro. Tinawagan nila ako para dumaan doon. Bumati lang ako at umuwi na din."
Hindi ako nakaimik. Iniangat ni Gaelan ang mga kamay nya patungo sa balikat ko at mula doon ay niyakap ako ng mas mahigpit.
"Kinabahan ako kasi galit ka." He softly said. I couldn't believe na si Gaelan ang nagsasalita sa aking harapan. Masyadong mahinahon, masyadong malambing. Sinisira ang bawat bakod na binuo ko at ng pamilya ko sa aking sarili.
I want to dwell. I want to stay. I want to hope. For him. With him.
Inilagay ko ang mga kamay ko sa bewang ni Gaelan at humilig ako sa kanyang dibdib. My nose welcomed his manly scent. It smells like fresh mint and wood. Pinakalma ako nito mula sa samu't saring kaba at pagdududa simula pa kanina.
"Sorry, akala ko kasi--" I mumbled.
"I am keeping my promise. I will keep my promise. Wag ka na magagalit. Nag-aalala ako." He whispered. I close my eyes. Tight.
Slowly, I am pushing myself towards him.
No, quickly. This is fast.
Para akong hinehele ng isang napakagandang pakiramdam, hindi ko na gustong sumayad pa ang mga paa ko sa lupa.
Mayroong isang linya.. At gustong gusto ko na humakbang doon para abutin sya.
But no, how about my principles?
Sabagay, matagal na iyong wala. Pagdating kay Gaelan, matagal ng nawala. Ang mayroon na lang sa mundo ko ay siya.
"Mag-iintay ako." Wika muli ni Gaelan. Kinuha nya ang kamay ko at inilagay nya sa kanyang dibdib. Those are crazy heartbeats! Hindi ko alam kung para saan.
"Wag kang aalis." Mas lalong humigpit ang hawak ni Gaelan sa mga kamay ko. Huminga sya ng malalim at tiningnan ako ng seryoso.
"Hindi na. Hindi na mauulit ang lahat."
Ang sarap pakinggan,I don't want this night to end. Nanatili kami ni Gaelan sa labas ng bahay, tumingin sa stars habang nakaupo sa hood ng sasakyan nya. Parehas na kaming nakapantulog. Nagpunta lang daw sya sa bahay dahil galit ako. Sabi ko sana ay ipinagpabukas na lang nya pero umiling sya, hindi daw sya makakatulog.
Sabay kaming humikab ni Gaelan. Itinulak ko na sya papauwi. Baka kasi mahihirapan syang magmaneho kung magmamatigas sya.
Nakahiga na ako sa aking kama pero hindi mawala ang aking ngiti. Nagtext na si Gaelan na nakauwi na sya sa kanila kaya napanatag na ako.
**Kring **Kring
"Hello?" Nakangisi kong sagot.
"Ria." Isang malamig na boses ang sumagot sa kabilang linya. Akala ko ay si Gaelan. Sinilip ko ang screen ng phone ko at nakitang si Kuya Rab ang tumatawag.
"Bakit gising ka pa?" Seryoso nyang tanong. Umayos ako ng pagkakaupo sa aking kama.
"Papatulog na din po, Kuya. Kamusta ka na?" Kinakabahan kong tanong. Dumagundong ang puso ko, hindi kaya ng kanina kundi sa kakaibang paraan.
"Bad. I feel bad, my princess." Malamig nyang tugon at umabot ang panlalamig na yon sa aking batok. Kinilabutan ako ng husto.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro