Kabanata 22
Safety.
Tumakbo ako papabalik ng kwarto na umiiyak. Hindi ko alam kung gaano katagal. Basta ramdam ko ang sakit na hindi ako pinakinggan.
"Baby Girl.. Kain na ng dinner, kanina ka pa hindi kumakain." Narinig ko si Sam sa gilid ng kama. Umiling lamang ako.
"Baby Girl.. Naiinitindihan ko ang nararamdaman mo. Syempre si Baby Boy ang issue dito, pero kahit hindi ka kumain, desidido talaga sina Tito Al na ipakulong sya. Kung ano man ang dahilan ni Baby Boy, mali pa din sa batas ang ginawa nya. Kung ang batas kasi Baby, nag-ma-matter sa feelings eh di wala na makukulong?"
Hindi ako umimik. If they want to send anyone to jail, they can do that except to Gaelan. Ayaw ko talaga syang makulong. All my life hindi ako naging brat, lagi akong nakikinig at sumusunod but not this time. I am not in for this.
Napabuntong hininga si Sam at umalis na ng kwarto. Narinig ko pang ipinaliwanag nya sa pamilya ko na ayaw kong kumain. Naririnig kong nagrereklamo si Mommy pero sinabi ni Daddy na hayaan muna ako.
I can hear the sound of dining utensils outside, naamoy ko din ang pagkain pero wala akong gana. Gusto kong tawagan si Gaelan para sabihing magtago sya pero wala naman akong numero nya.
Naramdaman ko na lumubog ang kama na hinihigaan ko. Natanawan ko si Kuya Gilad. Humiga sya sa tabi ko at pilit na sinisilip ang mukha ko. Lalo ko lamang iyong siniksik sa unan.
"Baby.. It breaks our hearts kapag nagtatampo ka." Bulong sa akin ni Kuya Gilad.
"Sana intindihin mo naman sila Daddy. Pag nagfifty years old ka na at nagkaroon ka ng anak, maiintindihan mo sila.."
Napalingon ako kay Kuya. Nakangiti sya sa akin. Fifty years old talaga?! Hinampas ko sya sa balikat dahil nagpipigil ako sa pagngiti.
"I hate you all!" Sambit ko. Hinuli ako ni Kuya Gilad at kinulong sa yakap.
"We love you, Baby. Bata ka pa kasi kaya hindi mo naiintindihan. But this is the best for Rab's safety." Ani Kuya. Hindi ko pa din maintindihan.
The best won't matter. Pupwede naman na magdagdag ng security si Kuya Rab para walang makalapit sa kanya. I sniffed again at hinagod ni Kuya ang likod ko. Hindi ko pa ito iintindihin. Both parties are at fault. Wala akong sinasabi na tama si Gaelan pero dapat ay pumili din si Kuya Rab ng babaeng paiibigin.
If people would make the right choices, no one would get hurt. The thing is, you'll only know it is wrong after you suffer from its consequences.
Nilapit ko ang sarili kay Kuya Gilad at niyakap nya ako ng mahigpit.
Nakatulog ako sa ganoong ayos.
Tiyak ko na hindi ako papasok kinabukasan. Nagising din kasi ako na may guilt. Bigla kong naisip si Kuya Rab. Hindi ko na sya sinilip simula kagabi dahil naging emosyonal ako. Masama ang loob ko sa kanila, I was blinded by my wants from what is right, but still, ang desisyon ko ay mananatili. Hindi ko pa din gustong maparusahan si Gaelan.
Katabi ko si Kuya Gilad at katabi naman nya si Kuya Ahmed. Parehas silang tulog kahit sumisilip na ang liwanag sa labas.
Humakbang ako papalabas ng kwarto na hindi gumagawa ng ingay. Sumilip ako sa pwesto ni Kuya Rab. Gising na sya at nagce-cellphone. Wala syang kasama sa labas. Napalingon sya sa akin at malambing na ngumiti. Alanganin akong lumapit sa kanya pero iniunat nya ang kanyang kamay para lumapit ako sa kanya.
"Baby Botchog.." Hinawakan ni Kuya ang kamay ko. Umupo ako sa kanyang kama na hindi makatingin sa kanya.
"Nalulungkot si Kuya kapag nagtatampo ka sa amin eh." Bulong nya. Lalo naman akong naguilty.
"Im sorry Kuya for being a bad girl." Nag-ulap na naman ang mata ko pero pinahid iyon ni Kuya Rab.
"Alam ko na naaawa ka sa kaibigan mo, Ria.." Huminga sya ng malalim at seryoso akong tiningnan sa mata.
"Kaya sabi ko kay Daddy, hindi na ako magsasampa ng kaso." Ngumiti sa akin si Kuya. Dahan dahan akong nag-angat ng mukha. Hindi ako makapaniwala!
"Baka kasi lalo kang sumexy kapag hindi ka namin sinunod. Hindi ka kumain maghapon ah. Sandali, magpapadeliver si Kuya ng food.." Pinindot ni Kuya ang buzzer at may dumating agad na nurse. Nakatingin lang ako kay Kuya habang sinasabi nya ang gusto nyang pagkain.
I still couldn't believe this!
"Baby? Okay na ba sayo ang inorder ko?" Mabilis akong tumango kahit wala akong naintindihan sa sinabi ni Kuya Rab.
Nang makalabas na ang nurse hindi ko napigilan na yumakap kay Kuya.
"Thank you Kuya!"
"A-aww!"
"Ay sorry Kuya! Masaya lang ako.." Ngumiti ako. Hinaplos ni Kuya Rab ang pisngi ko.
"Yun naman ang gusto ko, Baby. Maging masaya ka lagi."
Para akong nasa ulap at gumaan ng husto ang aking pakiramdam. Nang sumunod na araw, mas napabuti ang pakiramdam ni Kuya Rab. Hindi ko sya iniwanan kahit sinasabi nya na ayos lang sya. I am really grateful!
Sa isang linggong pananatili ni Kuya sa ospital, bumuti na ang kanyang kulay at pakiramdam. Nung ikaapat na araw lang, nakakatayo at nakakalakad na naman sya.
"Excited na akong umuwi, Baby Botchog!" Nakatawang sambit ni Kuya. Nagkukwentuhan kaming magkakapatid sa pwesto ni Kuya Rab. Nakaupo lang si Kuya sa Kama nya samantalang nakatayo kami ni Kuya Gilad at si Kuya Xenon naman ay katabi ni Kuya Ahmed sa sofa.
"At makapambabae ka na naman! Sa kaharutan mo naoospital ka tuloy. Nacheck ba nila kung may AIDS ka na? Sana isinabay na din." Ani Kuya Gilad. Sumimangot si Kuya Rab sa kanya.
"Inggit ka lang. Nakatali ka na kasi kay Sam kaya nagsusungit ka. Ganyan ba kapag pumasok sa serious relationsh*t? Nagiging loyal? Eiw si Gilad, one woman man!" Pang-aasar naman ni Kuya Rab. Tumawa si Kuya Xenon at Kuya Ahmed. Ano naman ang nakakadiri sa pagiging stick to one? Si Kuya Rab talaga!
"I can get all the girls that I want Rab, and Samantha isn't one of them."
"Ang taas ng standards!" Napalingon kaming lahat sa pintuan ng bumukas iyon. Pumasok si Sam na mayroong dala dalang paperbag na mayroong cake. Iniabot nya iyon kay Kuya Rab.
"Wow! The best ka talaga Sam! Kung ako lang ang niligawan mo, sinagot na kita. Si Gilad kasi pakipot eh." Wika ni Kuya habang binubuksan ang paborito nyang japanese cheesecake mula kay Sam.
"I know right! I am a good catch, maganda, sexy, mabait! Sino bang hindi magugustuhan ang kagaya kong Beauty Queen?" Buong pagmamalaking sambit ni Sam kay Kuya Rab.
"Sige one time, date tayo." Sabi ni Kuya Rab na ngumunguya.
"You know it is very unethical to bring someone food at yung mga kasama nya ay wala." Puna ni Kuya Gilad. Umirap lang si Sam.
"Bakit? May sakit ka ba? Alam mo ang problema sayo Gilad, kapag nilalambing ka, ayaw mo. Kapag hindi naman, galit ka. May issue ka ba sa pagkatao ko talaga? o sadyang may galit ka lang sa mga babaeng sobrang lakas ng sex appeal? Sorry ha, hindi ko kasalanan kung ipinanganak akong ganito!" Umismid si Sam at lumapit kay Kuya Ahmed. "Hi Mahal ko!" Bati nya kay Kuya Ahmed sabay beso dito.
"Pero magaling na si Rab!" Angil ni Kuya Gilad.
Napabuga ng hangin si Sam at nahinto sa pakikipagkwentuhan kay Kuya Ahmed. Naghalungkat sya sa bag nya ng kung ano.
Napangiti sya ng makita nya ang isang kahon ng Tictac candy.
"O ito Gilad, wag ka na magtampo. Sayo na ito." Inilagay ni Sam ang Tictac sa kamay ni Kuya Gilad. Natawa kami ni Kuya Xenon dahil nangunot ang noo ni Kuya Gilad.
"Tsk!" Ani Kuya Gilad at lumabas na ng kwarto ni Kuya Rab.
Natawa lang kaming lahat. Dumating si Mommy at si Daddy sa room ni Kuya Rab na may mga kasamang househelps para iligpit ang gamit ni Kuya.
Inantay lang namin na mapainom si Kuya Rab ng gamot pagkatapos ay umalis na din kami sa ospital.
Nilingon ko ang napakaraming bodyguards ng pamilya namin. Pati tuloy ang mga nurse at pasyente sa ospital napapalingon dahil sa dami ng lalaking naka-itim ang sumasabay sa paglalakad namin.
Sumakay kami sa isang sasakyan bukod kay Kuya Xenon na dala ang sasakyan. May sumunod din sa kanyang bodyguard. Mukhang hinigpitan na ni Daddy ang seguridad naming lahat.
Para sa akin ay ayos lang, basta hindi mapapahamak si Gaelan. Pupwede naman kaming mag-adjust. Kakausapin ko lang si Gaelan at sasabihing mali ang ginawa nya.
Nanatili ako sa mansyon hanggang lunes ng umaga. Doon ako nanggaling para pumasok sa Keio pero mamayang hapon ay doon na ako ulit kay Mama Buding uuwi.
"You will have Smiths, Cepeda, Esquivel and Del Cruz, Ria.. Wag kang mag-alala. They won't meddle in your school life. Nandoon lang sila lagi sa labas at titiyakin nila na makakauwi ka ng ligtas." Sabi ni Daddy.
Tumango ako. Wala na akong oras para makapagdiskusyon pa. Humalik ako sa pisngi ni Mommy at Daddy. Nakaalis na si Kuya Gilad, Kuya Ahmed at Kuya Xenon, si Kuya Rab naman ay namamahinga daw.
Sumakay ako sa sasakyan na minamaneho ni Chief Smiths.
"Chief Smiths, paano po kapag sumabay ako sa kaibigan ko pagpapauwi?" Tanong ko.
"May tracker po ang cellphone nyo, Young Maiden. Kapag lumabas kayo ng Keio, nakakasunod ako. Ganoon pa din sa susunod na mga araw."
Tumango ako. At least tracker lang at hindi camera.
Nagpababa ako na medyo malapit na lang sa Keio. Bumaba din ang ibang mga bodyguards ko. Hindi sila nakaitim ngayon para madaling humalo sa iba.
Naglalakad ako at dumistansya sila. Nakahinga ako ng makaapak ako sa Keio.
Namiss ko to!!
"Aray.." May tumama na bola ng badminton sa pisngi ko.
'Bakit nandito pa yan?'
'Akala ko nagquit na! Gusto talagang mahirapan! Weird'
'Ihanda ang welcome party!'
Nagsimula na naman sila. Hindi ko na lang pinansin. Naglakad ako patungo sa unang klase ko, sayang at hindi ko nasimulan ang pag-rorosaryo kaninang umaga.
Lumingon ako sa parking lot nang dumaan ako doon para hanapin ang sasakyan ni Gaelan pero wala naman ito. Isa iyon sa agenda ko ngayong araw, kailangan ko syang kausapin.
'Bakit pumasok si Ria?'
'Sabi pa naman ng grupo nina Viktoria may pa'welcome party kapag tumuntong ulit sya ng Keio..'
'Lagot na. Free cut pa naman today at wala ang karamihan sa Faculty dahil nakipagmeeting para sa Intercollegiate..'
'Malamang hindi nya alam yon dahil ngayon lang sya nagpakita!'
'Sabihan kaya natin na wag syang pumasok, tiyak na bugbog aabutin nya kila Vicky!'
'Gusto mong mabugbog ni Vicky? Hayaan mo na.. Tara na..'
Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Ayon sa pagkakaintindi ko, walang klase ngayon? Lalo akong hindi nagmadali sa paghakbang. Hahanapin ko na lang si Gaelan para makausap.
**Beep ** beep
Nagmadali akong pumunta sa gilid dahil sa sasakyang bumusina. Nakita kong sasakyan iyon ni Gaelan. Natuwa ako. Makakausap ko agad sya! Inantay ko ang pagbaba nya sa pula nyang sasakyan. Nakasimangot kaagad sya sa akin.
"Gaelan.."
"Bakit hindi ka pumasok ng isang linggo?" Angil nya agad sa akin.
"K-kasi--"
"Inalagaan mo ang boyfriend mo?" Galit na tanong nya. Napakunot ang noo ko.
"He's a cheater, Maria. Bakit mo sya inalagaan? Dapat nilumpo ko na yon eh."
Hinangin ang buhok ni Gaelan, nanatili lang akong nakatingin sa kanya, galit na galit ang kanyang mga mata.
"Gaelan. Hindi tama ang ginawa mo." Panimula ko.
"What?" Nadidismayang tanong ni Gaelan. Nanunuya syang natawa at tumingin sa malayo bago ako binalikan ng matalim nyang tingin.
"Hindi tama? Maria, niloloko ka ng taong yon pero hindi tama?"
I sighed.
"Naiintindihan ko na nagagalit ka dahil may relasyon siya kay Miss Farrah." Nanginig ang boses ko. Matabang ang panlasa ko sa pagpupunto na nagalit sya dahil kay Miss Farrah but that is a fact. Iritableng napakamot ng kanyang ulo si Gaelan.
"What? You think I am that shallow? Hoy Maria, hindi ako ganon kababaw. Kung gusto ni Farrah sa taong yon wala akong pakialam! Niloloko ka nga nya eh! Ano ba ang mahirap intindihin doon?"
Natigilan ako. Walang kaso sa kanya ang pakikipagrelasyon ni Miss Farrah kay Kuya Rab?
Kaya sya ganito dahil akala nya ay boyfriend ko si Kuya at nagtataksil ito sa akin?
"Bad ang gumamit ng kamao, Gaelan. Naiintindihan ko na matapang ka. Lumakas ka dahil sa pinagdaanan mo. Pero kung lagi mong magiging solusyon ang lakas mo, ano ang pinagkaiba mo sa mamamatay tao?" I asked. Gaelan clenched his jaw. Dumilim ang mata nya na parang may paparating na bagyo.
"Talaga bang ipinagtatanggol mo ang taong yon?" Puno ng hinanakit ang mga mata nya.
Huminga ako ng malalim bago tumango.
Hinampas ni Gaelan ang bubong ng kanyang sasakyan.
"Whatever! Bahala ka na dyan, Maria!" Asik nya sabay tumalikod sa akin para maglakad papalayo.
"Gaelan, hindi ko boyfriend ang sinaktan mo. Kapatid ko yon." Umalpas ang luha ko sa mga mata ko ng sumigaw sa kanya. Tumigil sa paghakbang si Gaelan at nanatili kami sa katahimikan.
The silence is deafening. Tunog lang ng dahon sa puno ang maririnig sa pagitan namin.
"K-kapatid?" He asked again. Tumango ako kahit hindi nya ako tinitingnan.
"Please don't do that again, Gaelan. Stop being bad. I hate it!" Huli kong sinabi bago naunang maglakad sa kanya. Pinahid ko ang luha ko habang naglalakad.
Alam kong hindi sya makikinig, sino ba naman ako. But he needs to know! He cannot be bad and violent all his life. Tama na yung alam nya kung paano poproteksyunan ang kanyang sarili pero para gamitin nya ito sa karahasan o solusyunan ang init ng ulo, masyado na iyong mali!
Humugot ako ng malalim na paghinga at humakbang ng mabibilis.
Nang makarating ako sa gitna ng Keio, agad na may bumuhos sa akin na tubig na puno ng yelo. Ramdam ko ang panunuot ng lamig sa balat ko dahil namanhid ng husto ang aking panga.
'Welcome back, b*tch!' Humalakhak si Tyra babang may bitbit na balde ng tubig. Binato nya iyon sa akin pagkatapos. Unti unting nagsilapitan ang mga estudyante sa akin.
May mga binato silang papel at ballpen habang tumatawa. Pilit akong umiiwas pero na-corner nila ako sa gitna.
"Bakit ba kasi bumalik ka pang papansin ka?"
"Attention seeker!" May nagbuhos sa akin ng juice at potato chips. Naramdaman ko agad ang pagdagdag ng lamig at panginginig ng tuhod ko.
Tinakpan ko ang mukha ko, hindi ko na alam kung ano ang tumatama sa akin. Sari saring pagkain at mga papel ang mga iyon. Lahat ng binubuhos nila ay may kasamang panunuya at pagtawa.
'Bagay sayo yan, sinungaling ka naman eh! We don't want you here! You're just a dirt in this community!'
'Hindi sapat na matalino ka para pasukin ang mundo na gusto mo, social climber!'
Niyakap ko ang aking sarili, mayroong bag ang humampas sa akin, paulit ulit. Tumingala ako. Sa pwestong ito ako sinurpresa ni Gaelan, puno ng masasayang alaala para sa akin ito pero ngayon ay ganito ang nangyayari sa akin.
Naiyak ako sa pang-aapi na ginagawa nila. Gusto kong tumakbo papalayo pero nakabilog sila at wala akong kawala.
'BLAG!'
Isang malakas na tunog ang tumama sa mukha ko, doon mismo sa aking ilong. Dahilan kung bakit ako napaluhod. Kitang kita ko ang pagtalbog ng bola ng soccer papalayo sa akin. Hinawakan ko ang aking ilong at nakita ko ang masaganang pagdudugo nito.
Nakaramdam agad ako ng pagkahilo. Ayoko ng dugo!
Nakita ko ang Yukan'na at si Yuki ay akmang hahakbang papalapit sa akin. Natanawan ko si Gaelan na tumatakbo patungo kay Yuki mula sa likod at iniharang nya ang kamay nya sa dibdib ni Yuki.
I can see that Gaelan mouthed 'Wag.'
Nawalan ako ng pag-asa. Ayaw nya akong patulungan. He really hates me..
Unti-unti akong nawawalan ng malay at papahiga na talaga sa damo.
"Tama na!" Ang boses na puno ng galit ang huling narinig ko bago tuluyang maging itim ang lahat.
I did not fall on the grass, I felt a tight grasp on my back as I fell asleep in someone's embrace assuring my safety.
Wala na akong naalala pagkatapos.
🍀
Maki Say's: Last update today, I am super mega SEVERELY sick. Please vote all chapters! Isinali ko ito sa Wattys2016 ✌🏽️
Facebook Group: MAKI DYOSA (Wag Matakot)
Facebook Account: Makiwander Stories
Facebook Fan Page: Ako si Maki
Vote. Comment. Recommend.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro