Kabanata 21
Not This One.
Nakatulala ako sa itsura ni Kuya Rab. Nakaupo ako sa hospital bed sa tapat mismo ng kanyang mukha. Kulay violet ang magkabilang mata nya, namamaga yung lips at may bukol sya sa cheekbone. Para syang eggplant. Sana mayroon pa syang teeth kung hindi, magwawala sya ng husto pagkagising nya.
Sabi ng doktor, maayos ang lahat ng tests kay Kuya although nabugbog ng husto ang kanyang mukha. Wala lang daw syang malay dahil sa pisikal na pagkapagod.
Napaka-bad naman ng bumugbog sa kanya.
Sana sa abs na lang ni Kuya Rab pinatama ang suntok para hindi sya masyadong nasaktan, sabi kasi ni Kuya matibay daw ang parteng iyon ng kanyang katawan.
Love na love pa naman ni Kuya Rab ang face nya.
"Grabe naman ang gumawa nito kay Rab.. Ano kayang atraso ni Rab? Mukhang gustong paitimin si Rab sa pamamagitan ng pasa ah? Talampakan na lang ang maputi kay Rab, the rest kulay purple na. Pero in fairness, Kikay!" Komento ni Sam habang nakatunghay sa may paanan ni Kuya. Humagikgik sya pero sinamaan ko sya ng tingin kaya tumuwid sya sa pagkakatayo.
Ako lang ang bantay ni Kuya Rab dahil nakatulog naman ako ng kanina, si Mommy at Daddy namamahinga na doon sa extension na room dito sa hospital suite ni Kuya Rab kasama si Kuya Xenon. Si Kuya Ahmed at Kuya Gilad naman doon sa kabilang room.
"Iidlip muna ako Baby Girl ha." Pumwesto na si Sam sa sofa bed sa gilid ng kama ni Kuya Rab. Kasya kaming dalawa doon pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Hindi ata ako makakasleep hangga't wala pang malay si Kuya Rab.
Marahan kong hinaplos ang kamay ni Kuya Rab at pumikit para mag-offer ng prayer na sana gumaling na sya agad. Nilibang ko ang sarili sa pagtanaw sa patak ng kanyang dextrose. Ilang nurse at doktor ang pabalik balik sa suite ni Kuya Rab ng hindi man lang nagigising ang mga kasama ko dito sa suite.
Madilim pa din sa labas at unti unting lumalamig ang temperature sa kwarto ni Kuya Rab, nilagyan ko sya ng comforter at muling umupo sa kanyang tabi. Nakakainip palang magbantay ng natutulog.
"Ria, you should sleep. Ako muna ang magbabantay kay Kuya.." Niyakap ako ni Mommy, paos pa ang kanyang boses. Tumingin ako sa orasan at nakitang 4am pa lang.
"Bakit gising ka na po?" Yumakap ako kay Mommy pabalik.
"I am worried about, Rab. Kahit sabihin pa ng doktor na maayos sya, hangga't hindi ko sya nakakausap, hindi pa din maayos para sa akin.."
"He seems fine, tulog lang siya. Wag na po kung ano ano ang iniisip natin." Pagpapatanag ko kay Mommy, ngumiti sya ng pilit at inayos ang buhok ko.
Nakita ko si Daddy na kinukusot kusot ang kanyang mga mata habang lumalabas doon sa room nila ni Mommy.
"Magbabayad ang gumawa nito kay Rab." Kalmado ngunit strikto ang mukha ni Daddy. He's the typical father, strict and disciplinarian pero mapagmahal. He makes sure everything about us is being attended to pero makikinig naman sya kung gusto namin na wag syang makialam.
This time, I know he's mad. Ayaw nyang masaktan ang kahit sino sa amin.
"A-ah.." Sabay sabay kaming napalingon ng umungol si Kuya Rab.
"Rab!"
"Kuya!"
Sabay sabay kaming lumapit sa kanya.
"Ang sakit--" Humawak si Kuya sa kanyang sikmura. Si Mommy agad na lumapit doon sa buzzer na naka-konekta sa nurse station. May pumasok agad na doktor at nurse para tingnan si Kuya. Naiiyak si Mommy habang tinitingnan si Kuya samantalang ako naman ay awang awa. Ayaw pa naman ni Kuya Rab ng injection. Ilang sandali pa, napakalma naman na si Kuya Rab sa sakit dahil sa pain killer. Nakaidlip sya saglit pero nagising din sya pagkatapos ng limang minuto.
"How are you feeling Rab?" Hinaplos ni Daddy ang buhok ni Kuya ng magising sya ulit.
"Better.." Napangiwi si Kuya Rab habang iniinda ang pag-upo. Hirap na hirap talaga ang kanyang mukha sa pagtatyagang makaupo kahit inaalalayan sya ni Daddy.
"What happened Radley Brent?" Medyo masungit na tanong ni Mommy pero bakas pa din ang pag-aalala. Kinuha ni Kuya Rab ang kamay ni Mommy at hinalikan iyon. Ngumiti sya ng kaunti kay Mommy.
"Binugbog ako." Wika ni Kuya Rab na parang hindi pa obvious ang fact na bugbog sya ng sobra.
"Nino? Ilan? Saan?" Tanong naman ni Daddy.
"S-sa condo ko.."
"Paanong nakapasok doon ang mga bumugbog sayo?" si Daddy. Tutok na ngayon ang atensyon nya kay Kuya. Kanina ko pa kasi naririnig na gusto nya ng detalye sa nangyari kay Kuya Rab para makapag-isip ng susunod na hakbang.
Nagkibit balikat si Kuya. "Baka may unit din doon. Mag-isa lang kasi ang gumawa nito.."
"Isa? Tapos ganyan ang inabot mo?" Pinanlakihan ng mata si Daddy, ako naman ay nanatiling nakikinig lang.
"I don't know, Dad. I am with my fling--"
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko sayo Rab, tigilan mo na ang pagiging palikero mo!" Pinalo ni Mommy si Kuya sa balikat. Napangiwi si Kuya sa sakit pero this time umismid lang si Mommy.
"Hindi issue dito ang pambabae ng anak ko, ang issue dito binugbog sya, Helga. We will sue the condominium's security dahil sa nangyari sa kanya. I will request for a CCTV copy--"
"Hindi na Dad.. Kahit wala pa ang CCTV, Maa-identify ko sya. Alam ko ang pangalan nya. Nagpakilala sya bago nya ako iniwan kagabi."
"Ano? Nagpakilala pa?! Ang lakas naman ng loob non!" Galit na sigaw ni Daddy.
"Sabi nya, tandaan ko daw ang pangalan nya.." Nahihirapang ikwento ni Kuya. Kumunot ang noo ni Daddy.
"Ahmed, call Attorney Montemayor." Di ko napansin na nakatayo na pala si Kuya Ahmed sa pintuan ng kanilang kwarto at gising na din na nakikinig.
Agad na kinuha ni Kuya Ahmed ang kanyang cellphone mula sa kanyang pajama at nagdial doon.
Ilang saglit na pag-uusap lang ay nilingon na kami ni Kuya Ahmed.
"He's on his way." Aniya na ang tinutukoy ay si Tito Deuce Montemayor.
"Anong pangalan ng bumugbog sayo, Kuya?" Kyuryoso kong tanong. Napakatapang naman ng taong iyon para magpakilala pa, dapat pag gumagawa ng bad di ba dapat secret lang yon?
Tumikhim si Kuya Rab at mataman akong tiningnan.
"Gaelan Blake Ancheta." Malinaw ang pagkakasabi ni Kuya Rab. Naestatwa ako. Hindi man lang ako nakapaghanda sa reaksyon ko dahil napaawang ng husto ang mga labi ko.
Parang malakas na dagundong ang dumaan sa tenga ko pagbanggit ng pangalan ni Gaelan, gusto ko pang sampalin ang pisngi ko at sabihing hindi ito totoo.
Si Gaelan?
Alam nya ba ang namamagitan kay Kuya Rab at Miss Farrah?
At bakit naman buong puso nyang sinabi ang pangalan nya?!
Wala man lang syang balak magtago doon sa ginawa nya sa kapatid ko?
Lagot na..
"Ria, taga-Keio yon hindi ba? Boyfriend sya ni Farrah. Nagalit sa akin dahil naabutan nya si Farrah sa condo ko."
"K-kuya.. Ano kasi--"
"Ilang taon na siya? Pwede na makulong?" Sumunod na tanong ni Kuya na bakas sa mata ang galit. Napahugot ako ng malalim na hininga.
"Kuya, g-ganoon lang siguro ang reaksyon nya d-dahil inagaw mo ang--ang girlf--"
"Hindi yon sapat na dahilan!" Gigil na pagtutol ni Daddy. Napatahimik ako at sumiksik kay Kuya Ahmed.
"Dad, wag mo naman sigawan si Baby Botchog.." Nanghihinang sambit ni Kuya Rab.
"Hindi ko sinisigawan si Maria Arabella. Paano kasi uunawain nya na naman ang nambugbog sayo eh hindi naman tama yon." Napapailing na sambit ni Daddy, napanguso naman ako at napayuko na lang. Hindi naman sa kinakampihan ko si Gaelan pero kawawa naman sya kapag kinasuhan sya ng pamilya ko. Si Attorney Montemayor pa naman ang familiy lawyer namin, balita ko wala pang natatalo na kaso yon simula pa noon.
"Dad, pinalaki nyong maawain si Ria, magtataka pa ba kayo kung ganito kabait ang kapatid ko?" Inakbayan ako ni Kuya Ahmed at malambing na niyakap.
Tinitigan ako ni Daddy at napailing na lang.
Dumating si Attorney Montemayor sa ospital. Nakipagkwentuhan sya kay Daddy at diniscuss ang mga kasong maaring isampa kay Gaelan. Sa bawat pag-uusap nila, kinakabahan ako. Hindi naman ako makasingit kasi sasabihin nilang bata pa ako at hindi dapat sumasali sa usapan ng matatanda.
Hindi ko lang maiwasan ang mag-alalala. Makita ko pa lang ang mukha ni Gaelan na hinuhuli ng mga pulis, nanghihina na ako.
"Baby Girl! Psst!" Pasimple akong tinawag ni Sam kaya bumalik ako sa realidad, bahagyang nakakubli ang katawan nya doon sa kwarto nu Kuya Ahmed at Kuya Gilad. Si Kuya Gilad na lang ang andon at tulog dahil si Kuya Ahmed naglalakad lakad sa labas.
"Halika, picture-an mo ang SALAD." Iniabot sa akin ni Sam ang cellphone nya na mayroong pilyang ngiti. Tumakbo sya doon sa kama ng natutulog na si Kuya Gilad at sumakay kay Kuya.
Alanganin akong lumapit ng pumwesto na si Sam at mukhang excited talaga sya sa gagawin. Pumwesto sya sa tyan ni Kuya Gilad at inilapit ang mukha nya sa kapatid ko at nagpose na parang hahalik dito.
"Dali! Game na, Baby Girl!" Humagikigik si Sam kaya inihanda ko na ang cellphone nya. Sobrang lapit talaga ng mukha nya kay Kuya kaya sunod sunod ang pagclick ko hanggang sa---
"Ano ba Gilad!" Pilit na kumakawala si Sam sa kapatid ko na ikinulong sya sa mga bisig nito at hinahalikan ng totoo.
"Gilad!!" Tili ni Sam pero wala talaga syang magawa kay Kuya na ayaw syang bitiwan!
"I miss you, Samantha." Bulong ni Kuya Gilad kay Sam na may kasamang pagkindat. Kitang kita ko ang pamumula ni Sam at halos mapatalon papalayo kay Kuya.
"Walanghiya ka Gilad! First kiss ko yon!" Halos maiyak si Sam sa pagsigaw. Nagmartsa sya papalabas ng kwarto. Ngumisi si Kuya Gilad habang pinagmamasdan si Sam na naiinis.
"Kuya, ginalit mo na naman si Sam.."
"Magbibiro tapos hindi naman pala kayang panindigan." Iiling iling si Kuya Gilad habang bumabangon. "Gising na si Rab?"
"Oo Kuya pero kakasleep lang ulit."
Sa maghapon, ganoon lang ang nangyari. Binabantayan ng lahat si Kuya Rab, pilit na nililibang sya kahit alam naman namin na hindi iyon nakakabawas sa sakit na nararamdaman ni Kuya.
Nang papalubog na ang araw, nagpaalam sina Mommy para asikasuhin ang kaso na gusto nila isampa. Ako naman hindi mapakali lalo na ng malaman ko kung sino ang may sala sa nangyari sa Kuya ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Kuya, namumula ito. Halatang sumuntok din sya para ipagtanggol ang sarili.
Kamusta kaya si Gaelan kung sinuntok din sya ni Kuya Rab?
"Baby?" Napalingon ako kay Kuya Rab na nagising ulit. Kumpara kanina, mas maayos na syang magsalita ngayon. Siguro nakapagpahinga na din ng sapat.
"Kuya, may gusto ka po?" I asked, tumayo ako at lumapit sa mga fruits na nasa side table. Umiling si Kuya Rab at bahagyang ngumiti kahit namamaga ang lips nya.
"Thank you sa pagbabantay kay Kuya ha.."
"Wala yon Kuya. Basta sana, wag ka na maging babaero." Ngumuso ako, natawa naman si Kuya.
"Hindi ko maipapangako yan Baby pero maipapangako ko sayo na makukulong ang gumawa sa akin nito.."
Natigilan ako. Ipapakiusap ko si Gaelan, sana pagbigyan ako ni Kuya.
"Kuya---"
"Hmm?"
"Pupwede bang iforgive mo na lang yung gumawa sayo nyan?" Pakiramdam ko kinukurot ako sa bawat salita lalo na ng makita ko ang pagsasalubong ng kilay ni Kuya Rab.
"No!" Matigas na pagtanggi nya.
"Di ba Kuya, parehas lang naman kayong may kasalanan?"
"Ako? May kasalanan? Masyado syang pa-big deal! His girlfriend is cheating on him pero ako ang pinagbalingan nya?"
"But Kuya--"
"No Ria. Kapag pinagusapan pa natin ito, magtatampo ako." Tumagilid si Kuya Rab sa akin. Ganito sya kapag ayaw na nyang makipag-usap. Ako naman nanghina ng husto ang pakiramdam. Ipapakulong nila si Gaelan at hindi ko ata kayang panoorin na lang yon. I need to do something.
Nagmahal lang sya, in a very possessive way. Hindi naman masama yon hindi ba? Hindi masamang angkinin mo ang taong mahal mo. Hindi masamang ipaglaban. Hindi masamang magalit kapag may ibang kamay na humahawak sa kanya. Isa iyong pakiramdam na hindi makokontrol.
Pinunasan ko ang luhang pumapatak sa mata ko dahil napapaluha ako sa pag-iisip ng iba't ibang mga bagay. Nagkukulong ako sa kwarto nina Kuya Gilad at Kuya Ahmed simula nung nag-usap kami kanina ni Kuya Rab.. Naririnig ko sa labas ang mga dumating na pulis at kumukuha ng statement kay Kuya Rab.
Hindi ko kayang pakinggan..
I can't really imagine how Gaelan smashed my brother to death. Kahit na masungit sya, hindi ko maisip na ganoon sya kabayolente. Ganunpaman, I still want to understand. I don't want him to be jailed. He's still young. Isa pa, naging matapang sya dahil sa trauma nya noon. I cannot blame him, really.
"Kailan ang warrant of arrest sa taong iyon?" Narinig ko si Daddy mula sa labas. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"First thing in the morning Sir, papapirmahan lang namin sa Hepe--"
"Si General Locsin ba ay maaaring pumirma nyan para mas mapabilis ang pagdakip sa batang yon?"
"Al, gabi na.. Ipagpabukas na natin--" si Mommy.
"Baka tumakas pa."
Tumayo ako at pikit matang pinihit ang doorknob.
"Daddy.. Please.." Napalingon ang lahat sa akin ng lumabas ako sa pinto.
"Ria.. Go back to the room." Maawtoridad na sambit ni Mommy.
"No Mommy. I cannot take this anymore. Please do not bring Gaelan to jail." Pakiusap ko.
"Ria, what are you talking about?" Tanong ni Daddy.
"Daddy, he's my friend. Kung ano man ang ginawa nya--"
"Kung ano man ang ginawa nya, wala syang karapatan! He cannot hurt anyone from this family! Isang Ancheta lang ang bumugbog sa anak ko? Kahit bukas na bukas ipapasara ko ang kumpanya ng mga magulang nya and I won't even blink!"
Galit na sigaw ni Daddy. I did not falter. Matapang akong tumingin sa kanya. Si Kuya Rab ay nagtataka na akong tiningnan.
"I love you Kuya and I know you don't deserve this.. But please understand, nadala lang din sya ng galit nya. Di ba Mommy, sabi mo po, kapag nasasaktan ang tao, nagagalit sila. At kapag ang galit, nagmula sa broken heart hindi dapat hinuhusgahan? Kasi hindi nila sinasadya ang ginawa nila. At kailangan nating irespeto ang feelings ng mga taong nasasaktan dahil umiiyak yung heart nila dahil sa pain!" Hindi ko na talaga napigilan ang umiyak sa harapan nilang lahat. Pinahid ko ang luha ko at pilit na pinatatag ang boses ko.
"Mahal nya ang girlfriend nya, Kuya. Kung para sayo Kuya Rab, mababaw na bagay lang ito, para kay Gaelan ay hindi. Si Miss Farrah lang ang minahal nya. Alam ko. Alam ko yun." Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Kuya Xenon dahil hinihingal na ako sa pagpaliwanag ng pasigaw at umiiyak.
I am desperate!
Pero hindi ako titigil hangga't hindi sila napapakiusapan.
"How can you put him in jail? He is too young Daddy.. Nanakawan nyo sya ng pagkakataon para mabuhay ng maayos. Saka Mommy, ano sa tingin mo ang mararamdaman ng Mommy nya kapag ipinakulong nyo ang anak nya?" Subok ko.
Lumapit sa akin si Mommy at hinawakan ang mga kamay ko. Tiningnan nya ako ng diretso sa mata, malabo ang paningin ko dahil sa bugso ng luha pero mapait na ngumiti si Mommy sa akin.
"But Ria, ano sa tingin nila ang naramdaman namin ng Daddy mo noong halos patayin nya sa bugbog ang Kuya mo? Hindi naman nila puwedeng sabihin na nabuhay si Rab kaya walang kaso ang ginawa nya. He's a threat, Ria.. Paano kung ulitin nya?" Sambit ni Mommy ng mahinahon. Hindi ako nakasagot, suminghot lang ako sa kanyang harapan, hinaplos ni Mommy ang buhok ko at saka tinapik ang aking pisngi.. Valid ang takot nila pero para sa akin, hindi na iyon gagawin ni Gaelan.
"Kakausapin ko sya, Mommy. Please. Daddy.." Lumapit ako kay Daddy at mahigpit na yumakap sa kanya. Gusto ko pa ngang lumuhod sa kanyang harapan pero niyakap ako ni Daddy ng mahigpit. Tinapik ni Daddy ang aking likod at malalim na nagbuntong hininga.
"I can grant all of my Baby girl's wishes but not this one. Im sorry, princess.."
Doon ko tuluyang napagtanto na wala akong magagawa. Hindi ko kayang ipagtanggol si Gaelan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro