Kabanata 20
Kapatid.
"Pasok ka.." Pag-aaya ko kay Yuki ng makarating kami sa bahay. Tumango sya at tumuloy.
"Good Afternoon po!" Sambit ni Yuki, hindi ko namalayan kung sino ang kanyang kausap. Lumabas pala kasi sa pinto si Mama para salubungin ako. Sumagort si Mama pero sa akin ang kanyang tingin.
"Magandang hapon din, iho. Anong nangyari dyan?" Lumipat ang mata ni Mama sa damit ko na kulay brown na.
"Natapunan po ng kape mga schoolmates namin na nagkukulitan sa school." Kaswal na sambit ni Yuki. Alanganin akong ngumiti kay Mama na halatang nadismaya sa nangyari. Laging masungit si Mama kapag may hindi magandang nangyayari sa amin.
"Sana ay nagtungo ka sa ospital, halika at titingnan ko. Pasok ka muna--" Tiningnan ni Mama si Yuki at inantay pagsasabi ng pangalan nito.
"Yuki Thorn Yushima po."
"Salamat Yuki.. Pumasok ka muna at titingnan ko ang nangyari kay Ria."
Agad na hinila ni Mama ang kamay ko patungo sa kwarto ko. Sinarado nya ang pinto pagkatapos ay isa isang tinanggal ang butones ng blouse ko. Nakitingin na din ako sa nangyari sa aking balat na mahapdi at masakit.
"Pulang pula! At itong parteng ito umangat na ang balat. Tsk, bakit hindi nag-iingat ang mga bata don sa Keio? Kapag nalaman ni Madame---"
"Ma.. Baka po marinig kayo ni Yuki.." Bulong ko. Umismid si Mama.
"Maligo ka muna at amoy ka kape. Kukuha ako ng yelo at ointment sa baba. Nasa pangangalaga kita, hindi ka dapat nagkakaganyan. Hala sige at kilos na." Inabutan ako ni Mama ng towel at pinatungo ako sa banyo.
Sumunod ako kay Mama. Mabilis akong naligo at paglabas ko, may nakahanda na na yelo at ointment sa aking kama. Saglit kong pinasadahan ng yelo ang affected area tapos naglagay na ng ointment. Pansamantalang naibsan ang hapdi pero matindi pa din ang pamumula.
Bumaba ako mula sa kwarto para silipin si Yuki. Tahimik syang nakaupo sa sofa at mayroon sa harapan na pichi pichi at coke. Ibinigay siguro ni Mama. Walang kahit anong ginagawa si Yuki kundi nagmamasid lang sa paligid.
"Kamusta?" He asked, bakas ang pag-aalala.
"Namula lang ng kaunti tapos pantal." Ngumiti ako at tumabi sa kanya.
"Salamat ha." I finally said. Bahagya nya akong sinilip gamit ang gilid ng mata nya at tumango.
"Ipahinga mo muna yan. Mabuti at walang pasok bukas.." Ani Yuki, ipinatong nya ang kanyang kamay sa tuhod at parang may nais sabihin pang iba, kaya lang ay mayroong tumawag mula sa labas.
"Tao po.." Sabay kaming napalingon ni Yuki sa may pinto dahil sa kumatok. Lumabas din si Mama mula doon sa kusina para tingnan.
Isang babaeng nakaputing coat ang nandoon. Palagay ko ay doktor, bata pa sya at magandang babae.
"Sino po si Maria Arabella Kassandra Floresca?" Tanong nung babae.
"Ako po.." Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Kamusta ang skin mo?" Ngumiti ito at nag-aalala akong tiningnan.
Hala, feeling close naman.
"I am Doctora Rosalie Ybanez. Dermatologist. Mayroon kasing tumawag sa akin at sinabing may paso ka daw."
Lalo naman akong nagtaka.
"Sino po naman ang tumawag?"
Napawi ang ngiti nya at saglit na nag-isip "Y-yung school nyo! Di ba galing ka sa school kanina. T-tapos h-hindi ka nagpadala sa clinic. Kaya p-pinadala ako ng school." Sagot nito. Napalingon ako kay Yuki, baka mamaya joke time na naman ang mga schoolmates ko at nagpadala ng accomplice para sirain ang balat ko. Lumapit si Yuki sa akin.
"I know her, she's also one of our doctors." Seryosong sabi ni Yuki habang mataman na tinitingnan si Rosalie.
"H-hi Sir Y-yuki!" Sabi nung doktora. Tumango lamang si Yuki at nagbigay ng daan kay Doktora.
Bumalik kami sa kwarto ko kasama si Mama Buding habang tinitingnan ni Doctora ang balat ko. Mabuti nyang sinuri isa isa.
"Hindi naman pala malala, grabe naman, parang matter of life and death na nung tumawag kanina. OA." Bulong ni Doktora sa kanyang sarili habang ginagamot ang mga lumobong balat dahil sa lapnos.
"This should be healed in a week. Lagyan mo lang nitong ointment, at inuman ng antibiotic para hindi mainfect. Lalo na pag naging open wound na ang mga lapnos."
"Sino po yung tumawag?" Tanong ko muli. Masyado naman palang mabait yung Keio kung ganito ang trato nila sa estudyante. Yung binubugbog ni Selene, pinadalhan din kaya ng doctor?
"Ah. Hehe! Yung nurse sa clinic nyo. Masyadong nag-aalala yung nurse eh. Grabe makasigaw sa phone! Papatayin-- ay este.. Pupuntahan nya daw ako sa clinic ko pag hindi ako nakarating dito. Buti malapit lang sa clinic ang bahay nyo kundi wala na ako sa earth este sa clinic ko." Napakamot ng ulo si Doctora Rosalie at nagmadali na sa ginagawa.
"Magkano ho ba ang bayad, Doctora?" Tanong ni Mama ng maisuot ko na muli ang blouse ko.
"Ay, wala ho. All expense paid!" Nakangiting sagot ni Doctora. Nakakapagtaka naman.. Ang bait talaga ng Keio, sana mas marami pang mag-enroll sa kanila.
Bumaba na kami ng kwarto ko ng matapos. Nahihiyang ngumiti si Doctora nang dumaan sa harap ni Yuki.
"Rosalie, what medications?"
Napakapit pa si Doktora Rosalie sa kanyang dibdib dahil sa biglang pagtatanong ni Yuki. Para syang nagugulat na natatakot.
"Bactroban cream and Sultamicillin Tosylate, Sir Yuki." Sagot ni Doctora Rosalie. Tumango si Yuki kaya nagdire-diretso na si Doctora papalabas ng bahay, pero nandoon pa lang sya sa may pinto, muli syang kinausap ni Yuki.
"Isabay mo na ako."
"Ah, Sir Kasi-- may p-puntahan pa ako."
"Sa Keio din ako pupunta. Doon ka din naman papunta hindi ba?" Nagtaas ng kilay si Yuki. Tumango naman si Doctora Rosalie.
"S-sige, Sir."
Hinarap ako ni Yuki at ginulo ang buhok ko.
"Drink your medicines, Ria. Take care." Sambit nito. Tumango ako at nagpasalamat kay Doctora Rosalie at kay Yuki na may isa pa ding katanungan sa isip.
Sino kaya ang nagpadala sa doktor?
---
Nagpahinga lang ako kinabukasan. Sa wakas at wala na ding pasok! Makakaligtas ako sa pambubully ng school. Nagbabasa ako habang nakahiga sa aking kama ng mag-ring ang cellphone ko. Tamad kong kinuha iyon.
"Hello?"
"Baby Botchog!!" Humalakhak si Kuya Rab sa kabilang linya. Napangiti agad ako sa lutong ng tawa nya.
"Free ka ba today? I-Date mo si Kuya." Malambing na tanong nito. I rolled my eyes, I cannot say no to my Kuya. Isa pa, sa kanila din ako matutulog mamaya dahil weekend. Inaantay ko na nga lang si Butler Joe para sana sunduin ako.
"Punta tayo sa mall nung pangit nating kapatid!"
'Whatever, Rab.' Narinig ko pa si Kuya Ahmed na tumututol mula sa kabilang line.
"Sige Kuya.."
"Dadaanan kita dyan, Prinsesa ko. Ikaw Ahmed, sama ka?"
'Ingay!'
Humalakhak ulit si Kuya Rab.
"Mantika mo matulog, Ahmed. Baby Botchog, mga 1PM andyan na si Kuya ha."
Naghanda ako agad pagbaba ko ng tawag ni Kuya Rab. Nahirapan akong pumili ng damit dahil lahat ay puro bago, ipinadala ni Sam.
Kinuha ko ang maong na shorts jumpsuit at puting tshirt. I fixed my hair into a high ponytail. Ilang saglit lang, bumubusina na si Kuya Rab sa labas.
Ibinaba nya ang kanyang bintana, he's wearing aviators and white shirt, yung manggas ay bahagya nyang itiniklop para ipakita na naman ang muscles nya. He smiled playfully when he saw me.
"Hi Baby Botchog. Naiinis pa din ako na pumayat ka but you look great!" Hinalikan ako ni Kuya Rab sa noo pagkapasok ko sa kanyang sasakyan.
"Hi Kuya.. Ang pogi mo today."
"Lagi naman." Humagikgik ang Kuya ko na sobrang bilib sa sarili. Humilig ako sa kanyang balikat at inamoy ang pabango nya na nakasanayan ko.
"Namiss kita, Kuya.." I whispered.
"Tsk.. Kaya nga pinuntahan kita."
"Wala kang date?"
"Ikaw.. Ikaw ang pinakagusto kong maka-date sa lahat."
Natawa ako sa pambobola ni Kuya pero namiss ko sya ng husto.
Walang ibang activity na nakakalibang sa mall ni Kuya Ahmed kaya kumain lang kami ng kumain ni Kuya Rab. Gaya ng dati na nagtungo kami dito ni Selene, lahat sila ay yumukod kapag nakikita kami ni Kuya, pinagsasabihan ko nga ang iba na wag na gawin kaya lang ay hindi daw pupwede.
"Baby.. Look at this.." Iniangat ni Kuya Rab ang isang malaking body pillow na color pink. "Katulad nung nasa bahay, kunin natin ha? Ilagay mo doon sa kwarto mo kay Yaya Buding." Ngumiti ako at niyakap ang malaking unan.
"Young Master, ipapadala na lang po namin sa address nyo." Yumuko ang saleslady na pulang pula ang pisngi. Ngumisi si Kuya Rab.
"Okay, beautiful!" Umakbay sa akin si Kuya Rab pagkatapos ay hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"Gael, let's go to--"
Napalingon ako sa boses ng nagsasalita, hindi pa kami tuluyang nakakalakad papalayo ni Kuya Rab. Nakita ko si Gaelan habang napakapakapit sa braso nya si Miss Farrah na madaming bitbit na paperbag. May kumurot na naman sa puso ko dahil sa nakikita ko, masakit pa din sa mata ang makita sila na magkasama.
Saka paano na lang kung may makakita sa kanilang iba? Sayang naman yung pagpapabully ko..
Nakatayo lang ako at nakapaharap sa kanila, si Gaelan hindi din naman umalis o humakbang. Nagtaas ng kilay si Miss Farrah at sinipat ako mula ulo hanggang paa.
Nagtiim bagang naman si Gaelan habang tiningnan ako.
Galit na naman..
Sinundan ko ang mga mata nya, nandoon sa balikat ko na pinapatungan ng kamay ni Kuya Rab.
"Baby, what else do you want?" Tanong sa akin ni Kuya, doon lang ako nagbalik sa kamalayan. Nag-angat ako ng tingin kay Kuya at hindi man lang nya tinapunan ng tingin si Miss Farrah samantalang si Miss Farrah naman ay tutok ang mata sa Kuya ko. Hindi tuloy ako nakasagot dahil naalala ko na mayroon nga pala silang nakaraan ni Kuya Rab.
"Let's go home, excited na si Mommy na makita ka." Ibinaba ni Kuya Rab ang kamay nya sa aking kamay at mahigpit na hinawakan iyon.
Napalunok si Gaelan at sinundan na naman ang kamay ni Kuya Rab.
Ano kaya ang mayroon sa kamay ni Kuya? Bakit laging nandoon ang mga mata ni Gaelan?
Hindi ko na nakita si Gaelan at Miss Farrah nang naglakad na si Kuya Rab. Hanggang sa makasakay kami ng sasakyan ay nanatili ang katahimikan ko.
"Kuya, wala na ba kayo ni Miss Farrah?" Naisipan kong itanong.
"Farrah who?"
"Yung professor ko.. Yung dine-date mo dati.. Yung kanina na nakatayo sa harap natin bago tayo umalis ng Ahmed." Paliwanag ko.
"Ah! Si Farrah pala yun. Kaya pala pamilyar. Haha!" Hinampas ko si Kuya Rab sa binti at pinanliitan ng mata, mas lalo syang tumawa.
"Kidding! I have to pretend that I don't know her para di na mag-expect. Alam mo naman ako, kapag clingy na ang chicks ayawan na." Tamad na nagmaneho si Kuya Rab nang matanawan na namin ang gate ng village.
Napanguso ako sa sinabi ni Kuya Rab. Grabe talaga sya! Paano nya nagagawang mambabae ng ganoon karami? At balewala lang sa kanya ang damdamin ng iba?
Sabagay, si Miss Farrah naman ay mayroon ng Gaelan, aanhin nya pa ang Kuya ko. If she really loves Gaelan, Gaelan deserves the 100% of it, hindi kalahati, hindi katiting. Buo dapat hindi ba?
Dahil mahal na mahal sya ni Gaelan.
Nagpaalam si Kuya ng maihatid nya ako sa mansyon, hindi talaga bumaba at paniguradong mambababae na naman. Naabutan ko naman si Kuya Gilad at Kuya Xenon sa living room. Parehas na nakatingin sa kanilang cellphone.
Si Kuya Xenon, nakangiti at mukhang kinikilig. Si Kuya Gilad naman, nakasimangot at galit, as usual...
"Kuya.." Una akong lumapit kay Kuya Xenon at humalik sa pisngi. Si Kuya Gilad ay hindi man lang ako tiningnan, abala talaga sya sa kanyang cellphone.
"Kuya!" Tawag ko sa pansin ni Kuya Gilad.
"Ano bang problema ni Sam? Why isn't she answering my calls?" Yun ang bungad sa akin ni Kuya Gilad.
"That's something new. You calling Samantha." Puna ni Kuya Xenon na nasa cellphone pa din pero nakikinig sa usapan.
"I don't want to call her, si Mommy kasi, panay ang follow up kung nagkaayos na daw ba kami." Napapailing si Kuya Gilad.
"So nakikipag-ayos ka dahil sinabi ni Mommy?" Paglilinaw ko.
"Baka naman namimiss mo." Kuya Xenon chuckled, binato tuloy sya ng unan ni Kuya Gilad.
"Ayain ko na lang magsleep over?" Tanong ko kay Kuya Gilad pero hindi sya sumagot, nagkibit balikat ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at inanyayahan si Sam na magtungo sa bahay. Pumayag sya kaso may tatapusin lang daw syang shoot. Umakyat ako sa aking kwarto habang hinihintay sila Mommy at Daddy na nagtungo daw sa outreach program. I miss them. Dati rati ay lagi nila akong bitbit sa mga outreach program kaya lang ngayon ay bihira na ako umuwi.
Tinitigan ko ang music box ko at ilang sandali pa, nakatulog na ako sa sobrang pagod....
"Don't wake her up.. Mag-aalala iyon."
"Pero kailangan nyang malaman."
"Hindi pa nga natin alam, pumunta na muna tayo sa ospital."
Naalimpungatan ako sa mahinang boses na nagtatalo doon sa labas. Boses ni Mommy, Daddy, at Kuya Gilad.
Lampshade na lang ang nagbibigay ng liwanag sa kwarto ko, mula sa labas ng bintana, tanaw ko ang buwan at bituin. Ginabi na ako ng sobra sa pagtulog!
Kinusot ko ang mga mata ko at napagpasyahang humakbang papalabas ng kwarto para alamin ang nangyayari.
Sabay sabay na napalingon sa akin sina Mommy, Daddy at mga Kuya ko, pati si Sam ay nandito na din. Nakatayo lang sila sa harap ng pinto ng silid ko kaya pala naririnig ko sila kanina.
"Ano pong nangyayari?" Tanong ko.
Doon ko napansin na namumula ang mata ni Mommy. Yumakap sya agad sa akin at naramdaman ko ang panginginig nya ng katawan.
"Rab was beaten up. Binugbog ang Kuya mo at hanggang ngayon ay wala pa ding malay. Puntahan na natin ang anak ko, Al.. Kailangan nya ako." Humihikbing sambit ni Mommy.
Malakas na kumalabog ang dibdib ko, binalot ng matinding pag-aalala sa kapatid ko!
Bakit sya binugbog?
Maki Say's: Lahat ng katanungan masasagot sa mga susunod na kabanata. Kapag isiniksik ko kasi sa isang chapter, malamang the end na agad. Hihi Pagtyagaan ang mga typo. Sobrang nakapikit na while typing:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro