Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2


Yukan'na.

Nagmadali akong maglakad papalayo. Matindi ang kaba ko doon sa nakita ko kanina. Hindi ko naman nakita lahat, pero tiyak kong hindi maganda ang ginagawa nilang dalawa.

Ano yun?

Una, bata pa si Gaelan.. Mas matanda sa kanya si Miss Farrah!

Isa pa, teacher namin si Miss Farrah, estudyante si Gaelan!

Isa pa ulit, nandito sila sa loob ng school at maling mali ang ginagawa nilang paglalampungan...

At isa pa, okay last na, mali ang sex outside marriage!

Di ba tinuturo sa highschool ang Chastity Covenant?! Last year, tandang tanda ko pa ang kontratang pinapirma sa amin ni Father Kit at ibinaon sa lupa ng simbahan na mananatili kaming busilak hanggang sa araw ng kasal namin, mapalalaki man o mapababae.

Haliparot pala ang Gaelan na yon. Grabe..

Napasign of the cross ako at huminga ng malalim bago tumingala muli sa langit.

"Please forgive their souls. Amen."

Halos magkanda-dapa dapa ako sa mabilisang paglalakad. Susmayosep! Hindi ko kasi akalaing makakakita ako ng ganoong klaseng bagay.

That is---

That is so wrong and so-----

"Ouch!" Sa pangalawang pagkakataon, napaupo ako muli sa lupa ng Keio. Tulog ba ang guardian angel ko ngayon? Rest Day? Mukhang pinabayaan nya ako today. Napakamot ako sa aking ulo at nanalangin muli ng pasensya.

"Miss, are you okay?"

Hindi ako nakasagot dahil sa inindang sakit sa pang-upo.

"St. Guiseppe, please heal me again.. Amen." Tumingala ako muli at nanalangin.

"Miss?" Ulit ng boses ng isang babae na nakabungguan ko.

Umangat ang aking noo at sinapat ang nakatayo sa harapan ko. Her voice is too soft and sweet, parang candy. Masarap sa tenga.

My eyes darted to a beautiful face. Hindi lang pala boses ang maganda kundi ang mukha din nya. Mahaba ang kanyang buhok na kulay brown at ang kanyang mata? Kulay blue. Nakakamangha!

"Hi?" Nagtataka nya din akong tiningnan. "Hellooooo? Are you there?" Pinaikot ikot nya ang kanyang palad sa aking mukha.

"O-okay lang." Sagot ko kahit ang totoo ay hindi.

"Selene." Nakangiti nyang inabot ang kanyang kamay sa akin.

"Ria." Kinuha ko ang kamay nya but she locked in her hands at hinila ako papatayo.

"Ikaw yung binu-bully kanina nila Charm di ba?"

"Charm? Sinong Charm?" Nagtatakang tanong ko.

"Yung btch!" Sagot nya. Napatakip ako ng ng aking bibig.

"Don't say bad words, Selene.." Wika ko sa kanya but she just smirked.

"Sabi ng Mommy ko, di bale nang masama ang lumalabas sa bibig ko basta may mabuti akong puso. Anyway, kumain ka na?"

Nanatili ang mata ko kay Selene. Sobrang amo ng mukha nya, mapagkakamalan mo syang iginuhit na anime character, yung kutis nya parang bulak at para syang kumikinang, pero napakabrusko nya magsalita.

"Hindi pa.. Kulang ang pera ko--" Sagot ko pero hindi nya ako pinatapos magsalita.

"Tamang tama, wala akong kasabay." Kinuha ni Selene ang kamay ko at kinaladkad ako pabalik ng Food Alley.

Taas noo syang naglalakad at walang pakialam sa mga napapatingin sa kanya o nakatingin sa akin dahil kasama ko sya.

Pinagmasdan ko ang mga hakbang nya kung saan sya papunta at doon sya naglakad sa may direksyon ng F6! Hinanap ko sa grupo nila si Gaelan.

Aist! Oo nga pala, nandoon pa yon sa old building. Hindi ako dapat matakot, magpapatay malisya ako, tama!

"Oi, Zeus. Chick mo." Siniko ni Ice yung Zeus na tinutukoy nya.

Umismid si Selene at humalukipkip kay Ice.

"Kuya Zeus, bili mo ako ng food saka si Ria. I want double cheeseburger---"

"Without mayonaise, extra cheese sauce, no tomatoes plus fries without salt and caramel sundae." Tumatayo na si Zeus habang dinidikta ang mga sasabihin ni Selene. Napaawang ang labi ko. Galing!

"Bangis. Memorize." Humalakhak ang isa pang chinito na F6 na naalala ko sa pangalang si Kiro.

"Kuya mo?" Tanong ko kay Selene habang naglalakad papalayo si Zeus. Pinagmasdan nya din si Zeus pagkatapos ay umirap.

"Hindi."

"Ah, pinsan mo?"

"Hindi din.."

"Eh ano?" Imposible namang sunud-sunuran sa kanya ang taong yon na hindi man lang sila blood related. Kuya pa nga ang tawag nya.

"Slave ko sya. Haha!" Humalakhak si Selene habang hinihila ako sa bakanteng lamesa na medyo malayo doon sa F6.

"Upo ka dyan dali." Hinila ni Selene ang isang monobloc at nginuso yon para umupo ako na syang sinunod ko naman.

"Tumingin ka sa paligid mo." Utos ni Selene. Umikot ang mga mata ko. Wala namang kakaiba bukod doon sa lahat ng mata ay nandoon sa F6.

"Nakatingin sila lahat sa F6." Nagkibit balikat ako.

"F6?" Kununot ang noo niya.

"Parang F4 eh. Yun bang big deal yung presensya nila tuwing papadaan na sila. Lahat lilingon at halos sambahin sila. Ayun nga lang pito sila. F7 sila kanina pero ngayon anim lang sila kaya F6." Nagkibit balikat ako. Tinitigan ako ni Selene na parang hindi makapaniwala, mamaya lumapad ng husto ang ngiti nya.

"I like you!" Humagikgik syang muli.

"Pero eto seryoso ha. Mag-iingat ka sa pitong yan. They seem quiet but looks can be deceiving." Bumulong sya sa akin at pinagdikit ang monobloc namin.

"They guy in Sky Blue shirt..." Panimula nya. Pasimple akong lumingon sa kanan kung nasaan ang F6. "That's Rye. Rafael Ace Garcia. They own G Towers, yung pinakasikat na condo developer sa bansa."

Si Rye, hindi mo sya mapapansin dahil parati syang nakayuko. Moreno at mapula ang mga labi. Walang ekspresyon ang mukha nya at ang tanging gumagalaw sa kanya ay ang kanyang kilay.

"Pinsan ni Rye si Ice. Pinsan ko din si Ice. Isaiah Ezekiel Jacinto. Wag kang magpapadala sa ngiti nyang lokong yan. Madaming nagpakamatay dyan." Umirap pa si Selene sa kanyang pinsan ng magtama ang kanilang mga mata. "He's filthy rich, they own 70% of the malls in our country and 40% of Dubai."

Si Ice, laging may nakakalokong ngiti. He flaunts dimples most of the times. Sya din ang madalas mong maririnig na tumawa sa kanilang lahat.

"Yung dalawang singkit. Kambal yan, half japanese. Yuki at Kiro Yushima. They have a security and intelligence business, isa ang Philippine government sa kliyente nila, pero small time lang ang Pilipinas, they also work for Japan, Russia and South Korea."

Pinakatitigan ko ang dalawa, magkamukha nga sila but Yuki's eyes is deep set. Singkit sya pero may talukap, si Kiro naman puro ang pagka-tsinito.

Nagtama ang mata namin ni Yuki. Nauna akong yumuko dahil sa pagpula ng pisngi ko. Ewan ko kung anong klaseng santo ang nag-iintervene sa akin kapag nakikita ko ang mukha ni Yuki, para kasing ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Going back to Zeus. Si Zeus anak ni Tita Loraine, close friend ni Mom and Dad. They own the largest TV company but aside from that, I hate him."

Tiningnan ko ng mataman si Selene. Parang normal lang sa kanya ang sinasabi. How could she hate Zeus if he's too nice to her?

"Selene.." Di ko namalayan na nakalapit na si Zeus kay Selene. Narinig nya ba si Selene? Seryoso ang mata nya na nakatingin kay Selene pero inirapan lang sya.

Binaba ni Zeus ang pagkain na inorder nya para sa amin ni Selene.

"Thank you.." Sambit ko. Tumango lang si Zeus sa akin at binalik ang tingin nya kay Selene na walang pakialam na ngumunguya na ng fries.

Bumalik na si Zeus kanilang pwesto. Nakatuon ang mga mata ko sa kanya ng biglang may dumating na syang nagpasinghap ng mga estudyante sa Food Alley.

Ako naman ay hindi malaman ang gagawin. Para akong naguilty sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

Di ba mas malaki ang kasalanan nya? Kay Papa God at syempre sa school. Labag yon sa rules!

"Gaelan Blake Ancheta. He's an ultimate jerk. Their family and my family are business partners in Construction Business. My mom and his mom are bestfriends so as our dads. Kilala ko na yan si Gaelan simula noon and his parents don't have any idea how scumbag he is." Nakatingin din pala si Selene kay Gaelan.

Pinagmasdan ko si Gaelan habang tahimik syang umuupo katabi ng kanyang mga kaibigan. He has a lean body, maputi sya pero hindi sobrang puti and his eyes, brown iyon pati ang kanyang buhok ay sumisilay din ang pagkabrown. Bihira syang ngumiti at parang laging nag-oobserve sa paligid, nag-aantay ng may gumawa ng pagkakamali, maybe?

"Spoiled yan nila Tita Blair, only son kasi tapos bunso pa---" Pagpapatuloy ni Selene.

Tumingin sa direksyon namin si Gaelan, hindi ko agad naialis ang mata ko at ganoon din sya.

"So magagaling silang sumayaw?" Wala sa sariling naitanong ko para bumalik ang mga mata ko kay Selene.

"Sayaw? Anong sayaw?"

"Hindi ba dance troupe sila?" Kumagat ako ng fries at pinagmasdan si Selene. Nanlalaki ang mga mata nya at nilapit ang mukha nya sa tenga ko.

"Seriously, hindi mo alam kung ano ang Yukan'na?" Parang gulat na tanong nya. I shook my head.

"Tunog mananayaw eh." Nagkibit balikat ako.

"Naku girl, don't you ever ever say that in front of them. Ang Yukan'na ay private organization na nagmula sa isang mafia sa Japan, father ni Yuki at Kiro ang president. They are financing groups with certain skills, particularly those with killer skills and their training will start from highschool para makita agad ang potential then they will hire them in their security and intelligence agency."

Kumunot ang noo ko.

"Parang fraternity?"

"Worst. Fraternity puro hangin yon, but Yukan'na, they are elite members who are being trained to be the best, you must see how they fight. They can kill with bare hands if they want to." Parang may pagmamalaki pang sabi ni Selene.

"N-nakita mo na?" Pumasok agad sa isip ko ang posibilidad na saktan ako ni Gaelan dahil doon sa nakita ko. Bare hands pa! Eh di ba mabagal ang paraan na yon? Papatayin ka muna sa suntok at sa sakal. Sa taba kong to hindi agad aabot sa organs ko ang suntok nya.

"Kung paano sila pumatay? Yang pito na yan, wala pang napapatay pero nakita ko na kung paano sila makipaglaban doon sa gangsters ng Triston. That time inagaw ang girlfriend ni Ice tapos sinugod nila. Seven against twenty five people na may dalang mga kahoy at patalim at hindi man lang naalikabukan ang Yukan'na."

Hindi ko naituloy ang isubo ang french fries na hawak ko. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Paano nila nagawang sumali sa ganoong samahan?

Sabi ni Selene, they were chosen, chosen to do bad? Hindi ba nila naiisip ang mga taong nag-aalala para sa kanilang buhay?

Nag-alarm na ang cellphone ko hudyat na kailangan ko ng maghanda para sa susunod kong klase. Nagpaalam ako kay Selene pero tumayo din sya.

"Ihahatid na kita." She smiled at me.

Habang nag-lalakad, walang humpay sa pagkukwento si Selene tungkol sa kanya. Ka-batch nya pala ang Yukan'na, nasa 3rd year na sila at kagaya ko, business course din ang kinukuha nila. Tinanong ko kung bakit may klase ang Yukan'na sa Math 1, sinabi ni Selene na malamang sit in lang yon dahil matatalino ang miyembro ng Yukan'na, imposibleng may bumagsak sa kanila.

Baka umuupo talaga doon si Gaelan para makita si Miss Farrah. Napailing ako, pilit na binubura ang imaheng nakita ko kanina.

"Pag may umaway sayo, sumbong mo sa akin ha?" Bilin ni Selene bago kami maghiwalay.

Ngumiti ako at tumango.

She waved her hands at me habang naglalakad na din sya papalayo.

Pagpasok ko sa classroom, ganoon pa din ang tinginan at bulungan sa akin ng mga kaklase ko. Di ko tuloy alam kung ano ba talaga ang ikinaayaw nila sa akin.

Masama bang hindi maging kagaya nila?

People tend to judge people quick based on their appearance, nakakalimutan nila that everyone is unique.

Nasa kalagitnaan na kami ng klase ng pinakuha kami ng index card para gawing classcards. Kinuha ko ang bag ko at napadako ako sa maliit na bulsa, naisip ko bigla ang rosary na hawak ko kanina.

Kinapa ko ang bulsa ko at napansing wala yon doon. Hinanap ko ulit at paulit ulit na kinapa sa bag ko, halos nailabas ko na ang lahat ng gamit ko pero wala pa din.

Sa Food Alley lang naman ako nagtungo. Imposibleng malaglag din yon habang nag-uusap kami ni Selene dahil naisara kong mabuti ang bag ko bago ako umalis doon sa lumang building kanina.

Lumang building! Malamang nandoon yon!

Pagkatapos ng discussion namin sa Soc Sci, nagmadali akong tumayo para hanapin ang rosary ko. Hindi yon pupwedeng mawala dahil bigay sa akin yon.

Tiningnan ko ang paligid ng old building at ganoon pa din, wala pa ding tao ang napapagawi doon.

Dumako ang mata ko sa armchair na inuupuan ko kanina. Kuminang agad ang rosaryo ko nang masinagan ng araw.

"Thank you po at wala pong ibang nakakita.." I whispered habang lakad takbo kong tinungo ang kinaroroonan ng rosaryo ko.

Dinampot ko iyon at natigilan ako ng may maramdaman akong nakatayo sa likuran ko. Masyado yong malapit ang distansya para hindi ko mapuna. I even smelled the manly cologne, the scent gives security, parang niyayakap ka-- kung di ko lang alam na nasa panganib ako ngayon ganoon sana ang mararamdaman ko.

"So ikaw pala ang may-ari?" Isang malamig na boses ang narinig ko galing sa likuran.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko habang dahan dahang humarap. I saw Gaelan, walang ekspresyon ang mata nya pero hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko pinag-aaralan nya ang buong pagkatao ko.

"What did you see?" Ang kulay kape nyang mata ay walang kasinglamig kung tumingin.

Por dyos por santo, santisima! Nanginig agad ang aking mga tuhod.

Butil butil na pawis ang nalaglag sa pisngi ko. Parang tubig ang pag-agos nito mula sa noo.

'Mahabaging ama, bigyan nyo po ako ng awa.' Nag-sign of the cross pa ako sa kanyang harapan. Mas lalo nya akong tiningnan ng masama.

"Don't do that in front of me. Hindi ako Santo!" Napapikit ako dahil mas nakakatakot ang boses nya ngayon. Kumapit ako sa napakahabang laylayan ng aking palda at halos mapunit ito sa aking mga kamay.

'St. Jude, help!'

"What's your name?" Tanong nya.

Unti unti akong nagmulat ng mata. Sabi nila nakakawalang malay daw ang isang ito dahil sa angking kagwapuhan. Aminado naman ako doon, pero tingin ko hindi lang malay ang mawawala sa akin kundi ang sarili kong buhay dahil sa nakita ko kanina!

Magsisinungaling ba ako? --Pero bad yon, Ria!

Kaya lang pag nagsabi ako ng totoo, mamamatay ako nang hindi ko nakikita ang mga magulang ko!

Nakatayo sa harapan ko si Gaelan Blake Ancheta, ang leader ng Yukan'na ayon kay Selene. Ang pinaka kinatatakutan ng lahat.

Sabi na nga ba dapat sa St. Scho ako inenroll ni Mama. Eh di sana nagdadasal ako ng Three o' clock prayer ngayon hindi yung ganito--- pakiramdam ko may 2 minutes na lang ang buhay ko. Sana naman mabilis ang pagpatay nya at wag nya gupitin ang buhok ko, ayokong umakyat sa langit na maigsi ang buhok baka hindi ako papasukin dahil hindi kaaya-aya ang maigsi ang buhok sa babae.

"Maria Arabella Kassandra Floresca." Inangat ni Gaelan ang ID ko at halos masakal ako sa sariling ID lace.

'St. Joseph, hindi ko po alam na ngayon kita tatawagin. 16 pa lang po ako pero patron na ng mamamatay ang tinatawag ko, make it a quick death, please!'

"From now on, I will keep an eye on you. Hindi ka makakalayo sa akin, Maria." Pinanliitan nya ako ng mata bago padabog na binagsak ang ID ko. Napayuko ako. Umaasa ako ng suntok, bugbog o kung ano pero hindi nangyari.

Pinagmasdan ko ang likod nyang papalayo. Napaupo ako sa malamig na sahig ng corridor ng Keio. Inintay kong bumagal ang sobrang bilis na tibok ng puso ko.

Maganda bang bagay na pinaglagpas nya ako ngayon o pagsisisihan ko yon buong buhay ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro