Kabanata 19
First Aid.
Unti unti na tumahimik sa labas, mukhang nagsi-uwian na ang mga estudyante pero nandito pa din ako sa banyo at nagtatago. Huminga ako ng malalim, hinanap ko ang numero ng Keio sa aking cellphone para humingi ng tulong sa Admin, lumapit ako sa pinto at sinubukang muli na buksan ito pero kagaya noong kanina, naka-lock pa din talaga.
Narinig ko na ang pag-ring sa kabilang linya ng mapalingon ako sa pagbukas ng pinto sa banyo. Dahan dahan kong ibinaba ang cellphone para itago dahil yung iphone ang gamit ko, hindi pa din ako kumportableng gumamit ng mamahaling gadget lalo na at scholar pa din ako.
Huminga ako ng malalim para mawala ang pagkabigla, doon kasi sa may pinto, nakatayo si Yuki. Seryoso syang nakatingin sa akin, sa kaliwa nyang kamay ay mayroong paperbag at iniaabot nya din.
"Change." Sambit nya.
"A-anong ginagawa mo dyan?"
"Binabantayan ka. I figured out you can go out anytime you want but you didn't so—I waited." His lips formed a thin line, ako naman tiningnan lang yung paperbag na hawak nya.
"Yuki, papauwi na naman ako." Hinawakan ko ang kamay nya na may paperbag para itulak sa kanya iyon papabalik.
"Your clothes are still wet, isa pa, wala naman na makakakita sa atin na magkausap. Everyone went home. Wag ka na matakot." Lumambot ang aura ni Yuki. Kanina ko pa kasi napapansin yung parang galit sya pero mabait. May mabait bang galit? Bakit naman sya magagalit?
"Are you mad?" Di ko mapigilang tanungin. Tinitigan ako ni Yuki, umangat ang gilid ng labi nya at inilagay ang kanyang kamay sa bulsa. Para naman nangingiti sya pero tinatago nya.
"Yes. Why are you so nice?" Seryoso nya akong tiningnan pero sumisilay naman ang ngiti sa kanyang labi.
"Ikaw din naman ah." Hindi ko napigilan ang pagngiti. Natawa si Yuki pero mahina lang, yung pisngi nya namumula din ng onti, napakamot pa sya ng batok at mas inilapit ang paperbag sa akin.
"Sige na, isuot mo na ito, magagalit na talaga ako kung hindi." Wala na akong nagawa ng isabit nya ang paperbag sa braso ko.
Tumalikod na si Yuki at sya na ang nagsara ng pinto para sa akin. Pumasok ako sa cubicle at tinuyo ng sarili gamit ang towel na kasama sa ibinigay nya. Isang baby pink na dress ang nandoon sa paperbag, simple pero halatang mamahalin, nabasa ko ang brand na ito sa magazine eh. Mayroon ding bagong sandals na kulay puti, sukat na sukat sa akin. Mabilis ang pagkilos ko, siguradong nag-iintay pa si Yuki sa labas kasi nice syang tao.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Hinawi ko ang aking buhok at nilagay sa gilid ng aking balikat, bumalik na ulit ang pagkakulot ng dulo dahil medyo tuyo na.
Ang galing naman ni Yuki. Sukat na sukat lahat.
Nagkibit balikat ako at saka kinuha ang aking bag, tuluyan na lumabas sa banyo at napansin na bahagyang papadilim na pala sa labas. Nakita ko si Yuki na nakasandal sa pole ng pathwalk na ilang hakbang lang ang distansya sa ladies' room. Yuki's arms is tightly crossed in his chest which defined his broad shoulders, parehas ng kay Gaelan. Siguro ito ang benepisyo ng kanilang training, parang silang Avengers. Si Yuki si Captain America, tapos si Gaelan si Hulk—grumpy kasi sya.
Bahagyang ngumiti si Yuki pagkakita sa akin.
"Akin na.." Kinuha ni Yuki ang aking bag at yung paperbag na may lamang maduming damit at sumabay sa aking paglalakad. Nagpalinga linga pa ako para tiyaking wala na ngang mga estudyante, mabuti at wala naman. Naglakad kami ni Yuki hanggang sa parking lot at nag-iisang sasakyang kulay dilaw ang nandoon. Siguro ay kay Yuki.
"Ako na ang bahala mula dito. Thanks Yuki." Kukunin ko na sana ang bag ko mula kay Yuki pero inilayo nya ito.
"Ihahatid na kita." Hindi inalis ni Yuki ang tingin nya sa akin.
"Hindi na, Yuki.. Ayos lang ako."
Bumuntong hininga sya.
"Paano kapag sinaktan ka ulit?"
"Umuwi na sila." Ngumuso ako at nilibot ang paningin ko sa buong Keio na wala na halos tao.
"Paano bukas?" Tanong ulit ni Yuki.
"Magdadala na ako ng extra na damit." Ngumisi ako sa naisip na ideya. Napailing si Yuki.
"You know what, this is pointless. Inako mo ang kasalanan na hindi mo ginawa, pati ang galit ng mga tao tinatanggap mo din. Kahit mag-away kami ni Gaelan---"
"Wag.." Hinawakan ko sa braso si Yuki. "Maniwala ka, okay lang ako. Saka lilipas din naman yung galit nila. Ang mahalaga hindi na expel si Gaelan at hindi nawalan ng trabaho si Miss Farrah. Wala namang aamin hindi ba? Walang aako."
Makahulugan akong tiningnan ni Yuki pagkatapos ay kinamot na lang ang kanyang ulo.
"Why am I even listening to you, Ria?" He asked.
"Dahil malaki na ako at kaya ko. Basta Yuki! Kaya ko talaga!" Kinuha ko kay Yuki ang aking bag at mabilis na humakbang, nang malapit na ako sa gate, nilingon ko si Yuki at nakita kong nakatingin pa din sya sa akin at tulala. Ngumiti ako at kumaway pero umiling lang muli sya tanda ng hindi pag-sang ayon.
Ganoon naman talaga.
People will disagree because they think they know what's best for you, but actually they don't. Minsan kasi, hindi mo ginagawa ang ibang bagay para sa sarili mo kaya hindi nila makita kung anong pinaglalaban mo. Katulad ng akin.
Makita ko lang na maayos sya, kuntento na ako.
The next days were struggle. Halos lahat ay galit sa akin, pati ang mga propesor ay pinag-iinitan ako. Inakala kasi nila na gawain kong mangblackmail ng teacher para makakuha ng maayos na marka.
"Miss Floresca, given the radius of the large wheel is 13 and the radius of the hub is 3, Which direction does the large wheel roll along the table?" Tiningnan ako ni Professor Del Mundo na ako lamang ang halos tanungin sa klase simula nung nasangkot ako sa gulong may kinalaman si Gaelan.
Dahan dahan akong tumayo. Iniaabot kasi sa akin ang pentel pen para magsagot sa whiteboard. Napalunok ako dahil hindi pa naman sa amin natuturo ang topic doon sa tanong nya.
"Ako pa ba ang lalapit sayo?" Pinandilatan ako ng propesor kaya nagmadali akong humakbang.
Nagtawanan ang mga kaklase ko. Lagi naman at sanay na ako.
Sinubukan kong i-solve ang problema kahit wala talaga akong ideya. Nang ilang minuto na akong nakatayo, may hinila si Professor Del Mundo sa aking likod.
"Ilusyonada." Binasa nya ang papel na nakadikit pala sa aking likod. Nagtawanan muli ang mga kaklase ko.
"Tama nga ito! Ilusyonada kang matalino pero ang totoo ay hindi naman! Anong pandaraya ba ang ginagawa mo sa klase ko noong una? That is so ridiculous! Nagawa na ang mahigit sa kalahati ng grado mo at kung alam ko lang, sana mas pinagtuonan ko ng pansin kung valid ba ang grades mo sa klase ko nuong una!" Inihagis ni Professor Del Mundo ang kanyang stick sa lamesa na naglikha ng tunog. Bahagyang umangat ang balikat ko.
"Sit down!" Sigaw nya muli sa akin. Hindi ko matingnan ang mga kaklase ko dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Napatingin ako kay Leo, noong una ay ipinagtatanggol pa nya ako pero noong sya naman ang ginantihan ng mga kaklase ko, lumayo na din sya.
Naiintindihan ko. I rather sacrifice for people than seeing them suffer because of me. Mabigat kasi sa pakiramdam ang ganon.
Lunchbreak ang sumunod sa klase ko sa Physics. Natanawan ko si Selene na mayroong maliit na ngiti para sa akin mula doon sa labas ng classroom nya. Tumango lang ako at tipid ding ngumiti bago naglakad papalayo.
Nakakamiss si Selene. Kaya lang ayaw ko na madamay pa sya sa gulo ko. Mag-isa tuloy ako lagi, sya naman ay napipilitang sumama sa Yukan'na tuwing kakain sya ng lunch.
'Bakit ba yan nandito? Hindi pa ba expelled dahil doon sa ginawa nyang kasinungalingan?'
'Sasabihin ko kay Daddy na sabihan na si Master Fukuda na alisin na ang leech na yan! Or else ipu-pull out namin ang shares namin dito!'
'Gagawin ng Daddy mo yon?'
'Of course! Tama lang naman na paalisin na ang isang yan dahil hindi sya magandang impluwensiya. If they will not kick her out, ibig sabihin ay hindi maganda ang eskwelahang ito.'
Huminga ako ng malalim at lumapit sa bilihan ng burger. Kadalasan ay doon ako sa may likod ng chapel kumakain tapos mag-iintay ako ng afternoon bell sa loob ng chapel, kapag lunchtime kasi, madaming ideya ang mga estudyante para saktan ako, kahapon nga lang nabasa ng juice ang notebook ko dahil binagga ako sa Food Alley tapos agad na binuhusan ang mga gamit ko ng malagkit na juice.
Papaalis na sana ako doon sa food stall ng may nakabangga akong tao. Buti na lang mineral water ang bitbit ko kaya hindi natapon sa nakabungguan ko. Nag-angat ako ng tingin para mag-sorry ng makita ko si Gaelan yon. Masama ang tingin sa akin kaya napaatras ako ng isang hakbang.
"Sorry." Bulong ko.
'Oh my gosh! Nagkabungguan sila!'
'Sana sapakin ni Gaelan ang babaeng yan!'
"Apology not accepted. Tss." Umirap si Gaelan at napanguso ako. Tatalikod na sana ako nang bigla na naman akong hilahin ni Gaelan, mahigpit ang pagkakahawak nya pero hindi naman masakit. Mas masakit pa nga yung tumamang baseball sa ulo ko kaninang umaga.
"Bakit nandito ka pa?" Tanong ni Gaelan. Tumahimik ang buong Food Alley dahil sa nagsalita si Gaelan.
"Lunch break pa eh." Nakayuko kong sagot.
"Hindi yon ang ibig kong sabihin. Bakit nasa Keio ka pa? Hindi ka ba nagsasawa sa pananakit nila sayo?"
I smiled then I shook my head. Nagulat si Gaelan dahil sa sagot ko.
"Inaantay ko lang naman silang magsawa sa pananakit nila sa akin eh." Ngumiti ako pero yung taksil kong mata nangilid na naman ang luha. Parang may nagtutulak sa akin na isumbong kay Gaelan ang lahat ng ginagawa sa akin lately pero naisip ko, para saan pa? Hindi naman nya ako kakampihan. Hindi naman nya ako kinampihan kahit kailan.
"You are crazy." Napailing si Gaelan.
Tumango lang ako. Siguro nga baliw na ako. Pupwede ko naman hindi tiisin lahat. Pupwede naman na umuwi na lang ako kay Mommy at Daddy, mag-homeschool o di kaya ipangalandakan ang kapangyarihan ng pamilya ko but I don't like it. If I will give up this early then what am I?
"Wag ka na magalit.." Nanginig ang boses ko sa pakiusap na yon. "Hindi naman ako eh." Di ko napigilang humikbi. Unti unting lumuwag ang pagkapit ni Gaelan sa braso ko. Nangunot ang noo nya at naestatwa lang ang titig sa akin. Nabitawan ko tuloy yung hawak kong pagkain lalo na nung sunod sunod na ang pagbuhos ng luha.
'Umiiyak na sya!'
'Wala pala yan eh!'
Paulit ulit na lang sa pandinig ko ang mga boses na nanunuya sa akin. Isang linggo na silang galit. Isang linggo na nila akong sinasaktan at pinag-iinitan pero hindi ako lumalaban. Iniintay ko lang na magsawa sila kahit ipinamumukha nila sa akin na habang buhay nila akong aayawan.
Kapag nahihirapan na ako, nagpe-pray na lang ako. Iniisip ko na lang na hindi naman masamang bagay ang makaramdam ng galit, dito kasi binubuhos ng tao ang disappointments nila mula sa iba't ibang aspeto ng buhay, normal lang ang nararamdaman nila kasi akala nila masama akong tao at galit sila sa masamang tao.
"Oops.." Nagtawanan ang isang grupo na binuhusan ako ng mainit na kape sa dibdib, napangiwi ako sa hapdi. Dumaloy ang init mula sa aking dibdib patungo sa tyan hanggang sa mamanhid iyon sa sakit.
"Kawawa naman si Ria.." Lumabi ang nagbuhos sa akin ng kape at itinaktak pa ang cup sa aking ulo, kaunting patak na lang naman ang nandoon pero mainit pa din sa scalp. Hindi ako nakagalaw. Kanina lang ay umiiyak ako, ngayon naman ay nasasaktan ako dahil sa paso ng mainit na kape.
"Ano ba! Nak ng Teteng kayo ah!" Isang tili ang narinig ko mula sa loob ng Food Alley. Nakita ko si Selene na galit na galit na sumugod papalapit doon sa babaeng nagbuhos sa akin ng kape. Agad nya yong sinuntok sa panga.
"S-selene.." Gulat na gulat ako sa ginawa nya.
"Hindi ba kayo titigil? Nananahimik lang ako dahil ayaw ni Ria! Pero sobra na! Sobra na!" Inupuan ni Selene ang babae na nagtapon sa akin ng kape at sinabunutan iyon. Ilang sandali pa ay nakapalibot na ang mga estudyante at nanonood. Nabunggo ang likod ko ng mga nagmamadaling miyembro ng Yukan'na sa pangunguna ni Zeus, walang hirap na binitbit ni Zeus sa tyan si Selene para palayuin ito sa babae na binubugbog nya.
"Selene, calm down.." Hinalikan ni Zeus si Selene sa likod ng batok pero hindi pa din tumigil si Selene. Pulang pula ang maganda nyang mukha dahil sa galit.
"Akala mo natatakot akong masuspend? Well, I am not afraid!" Matapang pang sabi nito doon sa babae na binugbog nya. Galit din itong nakatingin kay Selene pero hindi ito makalaban dahil sa Yukan'na.
"Selene." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Selene habang karga pa din sya ni Zeus. "I am okay." Kahit ang totoo ay inaalala ko ang paso sa balat ko ng tumapon na kape, sana ay hindi naman mag-marka.
"Hindi, Ria. You are not okay. Dadalhin kita sa clinic." Nagpumiglas si Selene para bumaba pero umiling lang ako.
"Uuwi na lang muna ako. Salamat."
Kitang kita ko si Gaelan na nakatayo sa may pinto. Blangko ang ekspresyon nya at nakakuyom ang kamao. Sa tabi ni Gaelan, nandoon si Yuki, humahakkbang na sya papalapit sa akin pero marahan akong umiling. Tumalikod na ako at mabilis na lumayo sa Food Alley.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang naglalakad. Pinipigilan ko ang mas madaming pagluha pero hindi ko na talaga mapigilan. Nagpunas ako ng mata bago humakbang sa gate ng Keio, nag-aalala na baka makita ako ni Chief Smiths na umiiyak. Sumakay ako ng jeep para mabilis akong makauwi, I need to check kung nagkaroon ba ng problema ang aking balat dahil sa init.
Doon ako umupo sa gitnang bahagi ng jeep, hahayaan ko sana ang hangin na tuyuin ang mata ko.
"Bayad po." Kinuha ko ang 100 pesos na iniaabot sa akin at binigay sa driver. Naputol tuloy ang pag-iisip ko ng malalim.
"Ilan to?" Inangat ng driver ang pera.
Tumingin na ako sa bintana para aliwin sana ang sarili ko nadadaanan na baranggay na may iba't ibang ginagawa ang mga nakatira. May nagkukwentuhan, may nagpapaypay ng barbecue, may naglalaro sa kalsada na parang ang simple simple lang ng buhay.
"Isang gwapo po, saka isang magandang prinsesa. Keep the change." Sagot nung nag-abot ng bayad kanina.
Humagikgik ang mga estudyanteng babae na nasa harap ko at nakatingin doon sa kaliwa ko, siguro ay yung nag-abot ng 100 pesos ang tinitingnan nila.
Nilingon ko ang nasa aking kaliwa. Nangunot ang noo ko ng makita si Yuki na nasa tabi ko pala. Nakangiti sya at may hawak na isang plastic cup na puno ng ice.
"First aid?" Mahinahon syang ngumiti habang unti unti syang umusog at tuluyang tumabi sa akin.
"Bakit nandito ka?" Pilit kong pinakaswal ang boses ko kahit na naiilang ako sa sobrang lapit na distansya. Hindi ko tinanggap ang cup at tumingin muli sa labas ng bintana.
Naramdaman ko ang malamig na bagay sa aking kamay, nandoon din ang kamay ni Yuki, pilit na pinapahawak sa akin ang yelo. Iniangat nya ang kamay ko patungo sa direksyon kung saan ako napaso, sa may collarbone nagsimula ang pagdampi. Kamay ko ang may hawak sa cup na may yelo pero yung kamay ni Yuki ang nagdidirekta sa akin.
Sobrang lapit ni Yuki, nararamdaman ko na yung paghinga nya sa leeg ko tapos yung baba nya nasa shoulders ko na at naka-rest doon. Nakakailang! Hindi ko alam kung malamig ba ang kamay ko dahil sa yelo o dahil sa hawak ni Yuki. I sighed. Baka mag-away sila ni Gaelan kasi nakikipagfriends sya sa akin.
"Sana hindi ka na lang sumunod kasi---" Wika ko.
"Hindi ko kayang tingnan ang ganon." Bulong ni Yuki habang maingat nyang sinu-solusyonan ang paso ko.
"I can't really stay nice for too long, Ria. I am choosing this. Bahala na."
------
Maki Say's: Ang weird ng #MaKi (Maria + Yuki). Parang ako ang binabanggit nyo, well anyway, okay lang. Kanya kanyang ship yan di ba?!
Please vote & comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro