Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15


Gusto.


"Samantha! What are you doing in my room?" Malalakas na sigaw ni Kuya Gilad ang gumising sa diwa ko.



Haaay! I miss home...



Nakakamiss ang mga boses ng mga kapatid ko, ang malambot na kama, ang malamig na kwarto at higit sa lahat..



"Good morning, Princess!" Pagmulat ng mata ko, nakatunghay na sa akin si Mommy at inaantay na magising ako.



"Good morning, Mommy! I miss waking up like this.." Yumakap ako kay Mommy at hinalikan sya sa pisngi.



"Ikaw naman kasi, bakit hindi ka na lang umuwi dito sa bahay? Pupwede naman dito si Yaya Buding at si Filo, mayroon silang kwarto sa quarters, mas malaki pa nga sa bahay nila!"



"Mommy, I want a normal life. Pag nandito ako, lahat na lang nakukuha ko. Isang sabi ko lang, mayroon na agad ako. I want the struggles, Mom.."



"Hija, why would you want struggles? Kaya ng nagpapakahirap kaming ng Dad mo na magtrabaho para maibigay ang pangangailangan nyo.." Lumabas ang mga linya sa noo ni Mommy. I chuckled, pilit kong binanat ang wrinkles nya.



"Struggles makes you strong, Mom."



"Struggles destroys a person."



"Destruction is a choice. People self destruct because they try to escape the pain rather than enduring it."



"May hangganan ang tao, anak. Hindi lahat kayang mag-tiis. May mga nasasaktan hanggang mabasag—"



"Nasasaktan sila dahil pinaninindigan nila ang prinsipyo nila, they are not willing to sacrifice... That, is also a choice."



"Love--- Love is blind." Napatingin kami ni Mommy kay Sam na biglang pumasok sa kwarto ko, nakatapis lang sya ng tuwalya at ngiting ngiti na tiyak may ginawa na namang kalokohan.



"Grabe naman kayong mag-ina kung makahugot. Umagang-umaga, ang deep! Wala bang tipong JAPAN dyan? Like Just Always Pray At Night?" Humalakhak si Sam pero napakamot lang ako ng aking ulo. "Ay waley ang joke. Bibihis lang po ako, Tita. Yung panganay nyo ang sensitive! Masyadong pa-virgin! Pinaglihi nyo po ba yan kay Virgin Mary? Joke!"



Napailing na lang si Mommy kay Sam. Sanay na din sya, sa bahay na ito si Daddy lang naman ang hindi niya masyadong mabiro. Tingin ni Sam, dadaan sya sa butas ng karayom ni Daddy bago makuha si Kuya Gilad.



Inaya ko si Mommy sa chapel para mag-rosary, pinaunlakan naman nya ako. Ito kasi ang bonding moment namin simula pa noon and I am thankful na ganito nya ako pinalaki. She taught me who to lean on, she taught me moral values and above all, she taught me to have faith.



We had early lunch, yun kasi ang nakasanayan ng pamilya lalo na pag weekend. Tanghali na kasi nagigising ang mga kuya ko kaya brunch na, instead na lunch. Nakakatuwang panoorin na kasama ko na ulit sila sa isang lamesa habang nagkukwentuhan pero hindi ko maiwasan ang tumingin sa cellphone ko ng ilang beses.



Matutuloy pa kaya kami? Wala pa syang mensahe eh.



"Tita, batsi na po kami ni Baby Girl pagkatapos ng lunch time ah, may group study po kasi sya. Ihahatid ko lang." Sinipa ako ni Sam sa ilalim ng lamesa saka kumindat sa akin.



"O sige.. Ipapahatid ko na lang ang mga gamit mo kay Butler Joe, Maria Arabela. And please, tuwing weekends naman, dalawin mo kami." Ngumiti ako kay Mommy at tumango.



Pagkatapos naming mananghalian, inaya ako ni Sam sa kwarto ko para bihisan. Naalala ko nung bata pa kami, she likes dressing up Barbie dolls pero ngayon, tao na talaga ang binibihisan nya.



"Magde-date kayo ni Baby Boy no? Naku, nung ganyan ang edad ko, madami na akong flings! Pero wag kang gagaya sa akin. Kahit loka loka ako, alam ko kung paano ko aalagaan ang sarili ko. The world is cruel, Baby Girl. Hindi lahat ng nakikita mo totoo, hindi lahat ng mabait may malinis na intensyon—"



"Hindi din ang lahat ng masama, bad talaga... Di ba? Sometimes, people turns to be bad because they hate rejections. Shield lang nila yun para hindi masaktan."



Pinanliitan ako ni Sam ng mata saka napailing.



"Tsk, delikado tayo dyan eh! Don't see the goodness in everyone! Minsan ang masama, masama lang talaga!" Inayos ni Sam ang laylayan ng maong jumpsuit ko.



Napanguso ako. Dati akala ko, salbahe talaga si Gaelan pero unti unti, nakikita ko naman ang good side nya. Maasikaso sya kahit ayaw nyang ipahalata. Nag-aalala sya kapag nagagalit sya.



"Bago sayo ang pakiramdam na crush, Ria.. Nakakatuwa yan, support ako dyan pero wag seryosohin ah. Si Tito Alfredo, 20 years ko na nililigawan si Gilad pero hindi ko pa din makuha ang approval nya. Patay ka sa Tatay mo pag nag-jowa ka sa Keio.. Ang lahat ng kalayaan na meron ka, mawawala." Seryosong hinawakan ni Sam ang mga kamay ko at tiningnan sa mata.



"Ang unfair naman non..." Reklamo ko. Bakit sina Kuya kaliwa't kanan ang girlfriends pero okay lang? Bakit ako, bawal? Maiintindihan ko pa sa ngayon dahil bata pa ako, pero kapag 18 na ako? 20? 25? Bawal pa din?



"You are the heiress of this famly, Ria. Mas malaki ang responsibilidad mo kaysa sa kanilang lahat dahil you will own the empire. Gilad, Rab, Ahmed and Xenon will be the back bone. Feeling ko nagpa-raffle yang si Tita Helga at Tito Al kung sino ang magmamana ng kayamanan nyo eh, hindi lang ako nainvite." Hinawi ni Sam ang buhok ko.



Mas lalo akong nanlumo. Hindi ko pa din maunawaan ang patakaran ni Daddy. I will not be given just a part of what we have, I will get the whole of it at ayos lang iyon sa mga kapatid ko.



"Seriously, they see so much potential in you. Matalino ka at mabait. Yung mga Kuya mo, matalino, gwapo at masusungit. Hindi tuloy pinagpala." Ngumiti si Sam at napapalakpak matapos nya akong ayusan. "Ayan! Ang cute cute mo na, Baby Girl! Halika na!" Hinila ni Sam ang aking kamay ng magustuhan na nya ang itsura ko. Dumaan kami sa pasilyo sa second floor kung nasaan magkakatabi ang mga kwarto naming magkakapatid at kinatok ang pinto ng mga Kuya ko.



"We are leaving! Gilad, Honey! Pa-kiss muna ako at baka humabol ka na naman!" Humalakhak si Sam habang tinagalan ang madadaming katok sa pinto ni Kuya Gilad.



Nakasimangot na lumabas si Kuya Gilad at niyakap ako ng mahigpit. "Kapag may problema, magsumbong sa Kuya ha." Humalik si Kuya Gilad sa aking buhok.



"Ang sweet mo Honey.. Eh pag ako kaya ang may problema?" Singit ni Sam.



"Eh di masaya! Dapat sayo tinatambakan ng problema para manahimik ka." Umismid si Kuya Gilad sa napasimangot na si Sam.



"Gilad---" Ang boses ni Mommy sa may living room. Nakasilip pala sila ni Daddy sa amin mula sa ibaba. Nanahimik si Kuya Gilad bigla.



"Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng may problema kaya ganyan ka magsalita." Mapaklang sabi ni Sam. Tumalikod na sya at nagmartsa papababa ng hagdan. Humalik ako sa pisngi ng mga Kuya ko at hinabol si Sam na bumeso kay Mommy at kumaway kay Daddy na walang sinasabing salita.



"Gilad talaga!" Narinig ko pang pagalit ni Mommy kay Kuya.



"Sam!" Nahuli ko pa si Sam na nagpunas ng luha sa kanyang mata bago humarap sa akin ng nakangiti.



"Sorry kay Kuya ha.. Masungit kasi talaga yon.." Hingi ko ng tawad.



"Ah! Wala yon. Sanay na. Sakay na Baby Girl, baka nag-iintay na yung kaklase mo."



Sumampa ako sa sasakyan ni Sam kahit na nag-aalala pa din ako sa kanya. Hindi na kasi sya nag-sasalita eh, tapos yung ilong nya medyo mapula.



Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Kuya Gilad.



Ako: Pinaiyak mo si Sam, Kuya. Bad ka.

Kuya Gilad: Sya tong malakas mang-asar, pag ginantihan mo naman mapipikon.

Ako: Hindi ka ba nakukunsensya?

Kuya Gilad: Nope.



Natahimik na din tuloy ako sa loob ng sasakyan ni Sam. Nakakahiya kasi nanghihingi ako ng favor sa kanya pero ang bad bad ng Kuya ko sa kanya. Matampuhin pala si Sam. Sabi na nga ba, sad sya deep inside kaya nya lagi pinagtitripan ang Kuya ko para maging masaya. Pero kasi malayo naman si Kuya Gilad para maging clown. Ang sungit sungit non eh.



"Andyan na si cutie pie..." Medyo nakangiti na si Sam ng makarating kami sa apartment ni Mama Buding. Nakaupo si Gaelan sa loob ng gate namin. Napakurap kurap pa ako dahil iba ang itsura nya ngayon. Masyado syang—kaswal. Itim na sando ang suot nya at itim na pants. Bahagyang umangat ang labi nya pagkakita sa akin.


Tumayo sya pagkakita at sinalubong ako sa labas ng gate.


"Shet, 18 pa lang yan? Bakit ang ganda ng katawan?" Nanlalaki ang mata ni Sam na bumabalik ang dating sigla.


"Saan ka galing, Tabs? Umagang umaga nag-gagala ka." Masungit na sabi ni Gaelan sabay gulo sa buhok ko.



"Kay bata bata mo pa ang clingy mo! Maiwan ko na si Baby Girl. Wag masyadong mapusok. Iuwi mo ng maaga." Bilin ni Sam kay Gaelan na nakatingin lang.



Pinanood muna namin ni Gaelan na makalayo si Sam. "Magpaalam ka muna sa Mama mo." Hinarap ako ni Gaelan. Tumango ako at tumakbo papasok ng bahay ay naabutan ko doon si Mama Buding na nagwawalis.



"Ma, aalis po muna kami.." Yumakap ako at humalik sa kanyang pisngi.



"Ay, eh sige. Mag-iingat ka ha.."



Tumakbo ako pabalik kay Gaelan. Nakatayo sya doon sa passenger seat ng itim na sasakyan. Pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok naman ako.



Inantay ko si Gaelan na makapasok sa sasakyan bago ko kinabit ang seatbelts. Pinagmasdan ako ni Gaelan sa ginagawa ko, nailang tuloy ako at hindi mai-shoot yung metal buckle, biglang hinawakan ni Gaelan ang kamay ko para tulungan ako. Nag-init ang pisngi ko kaya lumingon ako sa bintana.



Narinig ko ang pagkabit ni Gaelan ng seatbelts nya hanggang sa dahan dahan nang umaandar ang sasakyan.



"Kumain ka na?" Tanong nya.



"Mmm."



"Saan ka nanggaling kagabi? Akala ko uuwi ka na."



"K-kay Sam ako umuwi. Nagpunta kasi kami sa birthday nung kakilala namin." Pagsisinungaling ko.



Sorry Gaelan...



Tumango tango si Gaelan at nilingon ako.



"Wag kang lalayo sa akin mamaya ah." Bilin nya habang nagmamaneho.



"B-bakit?"



"Tsk! Malamang ikaw ang slave ko. Bakit naman kita isasama sa training ko kung hindi mo ako pagsisilbihan doon?" Naiinis na sabi nya.



Ngumiti ako at tumango. Oo nga pala!



Ilang sandali pa nakarating kami sa isang lugar na mayroong mataas na pader at napakalaking gate. Bumukas agad yung gate pagtapat ng sasakyan ni Gaelan at sumaludo ang mga nakaitim din na lalaki sa kanya ng magbaba sya ng bintana. Sinagot lang nya iyon ng tango.



Nagmaneho si Gaelan ng mabagal pero napakahaba na daan. Sa magkabilang gilid ay mayroong damuhan. May mga lalaki at ilang babae ang nagte-training na parang sa military. Humahakbang sila sa gulong, nag-momonkey bar at nag-jo-jogging. Lahat sila ay naka-all black. Huminto sila pagkakita sa sasakyan ni Gaelan at sumaludo ulit pero hindi nagbaba ng bintana si Gaelan.



Hindi ko alam kung saan ang dulo ng facility pero mayroon akong natanawan na mansyon, hindi kasing laki ng sa amin pero malaki na din. May mahigit sa sampu ang katulad ng sasakyan ni Gaelan at mga motor na magkakamukha din. Ipinarada ni Gaelan ang sinasakyan namin katabi ng mga yon at nang makababa na kami, doon ko napansin na ang nakasulat sa plate number ay pare-parehas na 'Yukan'na'



"Halika.." Inilahad ni Gaelan ang kanyang kamay sa akin na tinanggap ko agad. Pumasok kami sa loob nung mansyon. Para talaga itong magarbong bahay. Mayroong malawak na pasilyo at pasikot sikot. Walang tao. Palagay ko hindi matapos ang hall ng bahay hanggang sa makarating kami sa isang malaking frosted glass door, itinulak iyon ni Gaelan. Napangiti ako ng makita ko ang mga pamilyar na mukha. Andito ang F7!



"Tsk. Wag kang ngingiti." Umirap si Gaelan sa akin kaya napasimangot ako. Ang sungit!



"Hi Ria!" Maligayang bati ni Kiro. Gumaya din ang iba sa pagbati na tinanguan ko lang at medyo ngumiti na hindi labas ang ngipin. Baka magalit na naman ang amo ko eh.



Mayroong boxing ring sa gitna at nakita ko si Yuki na tanging pantalon lang ang suot at nakikipaglaban sa isang doble ang laki ng katawan sa kanya. Lumingon si Yuki sa akin kaya nasuntok sya sa mukha. Napangiwi ako pero mukhang hindi iyon ininda ni Yuki dahil binalikan nya ng napakaraming suntok yung sumuntok sa kanya.



Bago ang tunog ng suntok sa akin, pakiramdam ko nakapanlalambot ng tuhod. Napaawang ang labi ko habang nakitang sumusuntok si Yuki. Hinila ako muli ni Gaelan sa isang upuan sa sulok at pinaupo. Lumuhod si Gaelan sa harapan ko at pinanliitan ako ng mata.



"This is a sport. Wag nga ganyan ang mukha mo." Sambit sa akin ni Gaelan.



"Eh bakit nananakit?" Di makapaniwalang tanong ko.



Napangiti si Gaelan dahil don at pinisil ang pisngi ko ng mariin.



"People needs pain to know their limits. Mas mabuti na yon para hindi ka basta bastang masasaktan sa susunod."



Iniwanan ako ni Gaelan ng bote ng mineral water at isang bag na naglalaman ng pangangailangan nya. Pinanlakihan ako ng mata ng tanggalin nya ang suot nyang pang-itaas at sumampa sa boxing ring ng bumaba na si Yuki.



"Wala man lang warm-up? Parang may bago?" Panunuya ni Hunter kay Gaelan. Nagpupush up si Hunter pero parang balewala lang sa kanya ang magsalita. Sa gilid naman ay si Zeus na panay ang sipa sa kamay ni Ice. Si Rye ay sumusuntok sa punching bag na sobrang lakas.



Tumalon talon si Gaelan sa boxing ring. Nakabalot lang ang kamay nya pero wala syang gloves na makapal. Sinugod sya ng isa ding lalaki na malaki ang katawan, triple pa nga ata ng kay Gaelan, napaiwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng kaba hanggang sa makarinig ako ng palakpakan.



Dagan-dagan na kasi ni Gaelan yung kalaban nya at hawak sa leeg.



"Bangis!" Papuri ni Rye na natigilan sa ginagawa.



"Pa-impress, Bruh?" Humalakhak si Ice. Lahat sila ay nakatingin kay Gaelan na tumingin sa akin.



Napalunok ako at nagpalpitate na naman. Mukhang kailangan ko na tanggapin ang offer ni Selene na magpacheck up sa kakilala nila na Cardiologist.



Ilang oras pa ang nakalipas, bakas na ang pagod sa kanilang lahat. Nakaupo na sila sa sahig ng gym. Lumapit sa akin si Gaelan at humingi ng towel pero hindi nya yon kinuha. Binaba nya ang bote ng tubig na hawak nya at sinamaan ako ng tingin.



"Tsk, anong klaseng yaya ka? Bakit hindi mo ako punasan ng pawis?!" Angil sa akin ni Gaelan. Tumayo ako at dahan dahang idinampi ang towel kay Gaelan.



"Maria, tuyo na ang pawis ko bago ka matapos. Ayusin mo!" Sigaw nya muli. Hindi naman kasi ako marunong magpunas ng pawis ng iba eh!



Medyo diniinan ko ang pagpunas ng pawis, sinimulan ko sa malapad niyang likod. Napalunok ulit ako. Alam kong pinagmamasdan ako ng lahat sa aking ginagawa pero bawal ako tumigil dahil magagalit na naman si Gaelan.


Humarap si Gaelan sa akin kaya nag-angat ako ng tingin. Yung distansya nya mga isang dangkal na lang. Kinuha nya ang kamay kong may towel tapos nilagay sa mukha nya at dinampi doon kasama ang kamay ko.



Gusto kong magtatatakbo! Alam kong namumula ng husto ang pisngi ko. Kumakalampag din ang puso ko na hindi ko na maintindihan ang pattern. Mayroon ding nagwawala na kung ano sa sikmura ko tapos yung kamay ko, nanlalamig.



"Pag-nagpupunas ka ng pawis, ayusin mo.." Nilagay ni Gaelan ang towel sa dibdib nya, nag-alab ng husto ang pisngi ko. Umangat ang gilid ng labi ni Gaelan na parang nangingiti.



"Ayoko nito.." Bulong ko.



"Alin?" Kaswal na tanong nya.



"Ayokong magpunas ng pawis. Kaya nga ako nag-aaral kasi ayokong maging taga-punas ng pawis eh!"



"Tsk, kahit mag-aral ka pa. Kung gusto kong maging taga punas ka ng pawis ko, gagawin mo." Umirap si Gaelan. Binawi ko ang towel sa kanya at padabog na nagmartsa pabalik ng upuan. Mas lalong sumimangot si Gaelan ng lumapit sa akin.



"Yabs ka talaga!" Angil ko.



"Aba, lumalaban ka na?" Bulong lang iyon pero pinisil nya ang ilong ko. Hindi ako nakasagot dahil nagsalita ang isang lalaki na kanina pa nanonood sa kanilang training. Foreign ang features nito at may malaki ding pangangatawan, tinatawag nila itong 'Coach'.



"Gaelan, Yuki." sambit nung lalaki. Tumuwid ng tayo si Gaelan at lumapit sa ring. Ganoon din si Yuki.



"Okay, exciting!" Tumayo si Ice sa baba ng ring, ganoon din ang iba pa. Bakit exciting? Sila ba ang magsusuntukan?



Pumwesto si Yuki sa kanan, si Gaelan naman ay nakapaharap sa akin. Sinamaan nya ako ng tingin kaya napayuko ako. Isang pagpito ang narinig ko. Nakarinig agad ako ng pagtama ng suntok sa katawan.



"Nice one, Yuki." Sambit ni Kiro.



Napailing si Gaelan at binalikan ng suntok si Yuki sa mukha.



"Gaelan wag masyadong mainit ang ulo!" Suway ng trainer nila.



Tumango si Gaelan dito dahilan kung bakit nasipa sya ni Yuki pabagsak.



"Strategy, boy!" Ani Zeus. Ilang saglit pa ay nasa ibabaw ulit si Gaelan. Biglang bumilis ang kilos nila hanggang sa wala ng makatama ng suntok dahil sa sobrang liksi. Gaelan would try to kick pero naiiwasan iyon ni Yuki. Susuntok si Yuki pero agad na makakalayo si Gaelan. Depensa.



"Ayaw nyong magkasakitan, so sweet!!" Humagalpak si Kiro. Labing limang minuto na kasi ang nakakalipas at hindi nila masaktan ang isa't isa.



Sumilip sa akin si Yuki at biglang kumindat. "Hi Maria!" Sambit nito. Pinanlakihan ako ng mata dahil sa kanyang ginawa.



Nagtiim bagang si Gaelan at sinugod si Yuki ng malakas na suntok sa mukha. Natawa lamang si Yuki. Nawalan ng direksyon si Gaelan sa pagsuntok dahil nakakapasok si Yuki sa depensa nya hanggang sa tuluyan nyang maupuan si Gaelan sa tyan at hindi na muling pinakawalan.



"Enough." Sambit nung kanilang trainer. Agad namang umalis si Yuki sa ibabaw ni Gaelan.



"Nawala ka sa focus, Ancheta." Sambit nung coach nila.



Tumango lang si Gaelan at bumaba sa ring. Naglakad sya ng papalapit sa akin. "Ikaw kasi eh!" Angil na naman nya. Hindi na ako nakakibo dahil napalingon ako doon sa sugat nya sa kilay.



"May sugat ka. Teka." Kinuha ko ang pouch ko. Mayroong maliit na metal box doon na mayroong first aid kit. Kasama ng rosary ko. Pinaupo ko si Gaelan sa upuan ko kanina at binalatan ang cotton pad. Nilagyan ko iyon ng alcohol at dinampi sa kilay ni Gaelan habang hinihipan iyon. Nakatitig lang sya sa aking ginagawa.



Ang lapit pala ng mukha namin!



Binalatan ko ang bandaid pagkatapos ng paglalagay ng alcohol sa sugat.



"Oh ano yan???" Iniwas ni Gaelan ang kanyang mukha.



"Bandaid!"



"Bakit pink! Tch! Hello Kitty pa! Ayoko nyan!" Galit na sabi nya.



"Eh wala na akong iba eh.."



"Wag mo na akong lagyan." Umismid sya at akmang tatayo.



"Sige na. Pauwi naman na kayo di ba?" Napansin ko kasing nagliligpit na ng gamit ang mga janitors sa loob.



Walang nagawa si Gaelan at nilahad ang noo nya sa akin. Inayos ko ang paglalagay ng bandaid sa ibaba ng kanyang kilay. Napangiti ako ng makuntento.



"Favorite mo pala si Hello Kitty." Narinig ko si Zeus na nakatitig kay Gaelan habang nag-uusap sila sa isang sulok. Napangiti ako dahil kinakantyawan sya ng husto!


Nililigpit na ang mga gamit sa gym kaya nagsimula na din akong ayusin ang kay Gaelan. Mahirap pala maging yaya!


"Halika na.." Napalingon ako kay Gaelan ng makalapit sya sa akin. Di ko namalayan na nakapagshower na pala sya at nakasuot na ng tshirt na puti at maong. Kahit hindi naman sya magshower, hindi sya nag-amoy pawis.


Kinuha ni Gaelan ang mga gamit nya mula sa akin at naglakad ulit kami ng paikot ikot sa mansyon. Naabutan namin sa labas sina Yuki, Kiro, Zeus, Ice, Rye at Hunter na nakapuwesto sa parehas na itim na sasakyan ng kagaya ng kay Gaelan. Papadilim na din pala sa labas kaya natapos na ang training. Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Mama Buding na maayos lang ako.


Kumaway ako sa mga kaibigan ni Gaelan ng pagbuksan ako nito ng pinto. Nagpaalam din si Gaelan at kami ang pinakaunang lumabas ng facility.


"Gutom na?" Tanong ni Gaelan. Umiling ako dahil yon ang totoo.


Pinagmasdan ko ang kalsadang tinatahak ni Gaelan. Napakunot ang noo ko dahil pamilyar.


"May klase ka?" Nagtatakang tanong ko dahil bumisina sya sa tapat ng gate ng Keio. Kagaya ng kagabi, madalim pa din ang Keio, lalo na ngayon dahil wala ng party. Pinagbuksan kami ng Guard. Binaba ni Gaelan ang bintana at bumati sa gwardiya na nakangiti sa kanya.


Nagpark si Gaelan sa parking lot na walang laman. Ano kaya ang gagawin namin dito?


Inilahad ni Gaelan ang kamay nya sa akin para pababain ako ng sasakyan pero hindi gaya kanina, hindi na nya ako binitawan.


Naglakad kami sa gitna ng kadiliman ng Keio, humampas na naman ang pamilyar na hangin sa akin. Yung malungkot na hangin. Nalulungkot pa din ako para sa Keio pero hindi na ako naiiyak.Medyotakot ako sa dilim eh!


"Ano bang ginagawa natin dito?" Natatakot na tanong ko kay Gaelan. Tumigil sya sa paglalakad sa gitna ng field.


"Tingala ka.." Utos ni Gaelan.


Ginawa ko ang sinabi nya, natulala ako ng bumukas ang napakaraming christmas lights sa ibabaw. Nakasabit lang ito sa mga poste na at ginawang parang sampayan. Sobrang dami at ganda! Namangha ako ng sobra.

"A-ang ganda!!" Bulalas ko. Nagpaikot ikot ako habang nakatingala. Sa gilid ay mayroong couch na may nakapatong na binoculars. Kinuha ko yon at sumilip sa itaas para tingnan ang stars. Lumapit si Gaelan sa akin at pinindot ang cassette radio sa maliit na side table sa gilid ng couch.


You look so wonderful in your dress

I love your hair like that

The way it falls on the side of your neck

Down your shoulders and back


We are surrounded by all of these lies

And people who talk too much

You got the kind of look in your eyes

As if no one knows anything but us


Napatingin ako kay Gaelan ng nakangiti pero nag-iwas sya ng tingin.


"I-it was just a random song." Aniya. Tumango ako. Wala naman akong iniisip na iba.


Should this be the last thing I see

I want you to know it's enough for me

'Cause all that you are is all that I'll ever need

I'm so in love, so in love

So in love, so in love


"Nalungkot ka nung una kasi mag-isa ka. Ngayon, may kasama ka na. Ganoon pa din ba?" May bahid ng kaba sa boses ni Gaelan, parang bigla syang kinabahan sa isasagot ko.


Ngumiti ako sa kanya at umiling.


"Hindi na. Nandyan ka lang naman di ba?" Tumingin ulit ako sa binoculars at nilibang ang sarili ko sa pagsilip sa buwan.


You look so beautiful in this light

Your silhouette over me

The way it brings out the blue in your eyes

Is the Tenerife Sea


Hindi sumagot si Gaelan kaya binaba ko ang binoculars na hawak para tingnan sya. Nakatitig lang sya sa akin. Yung kulay brown nyang mata na nirereflect ang ilaw, ang anino na dumidepina sa kanyang mukha, he looks so perfect.


"Kung yon ang gusto mo.." He whispered.


Yung puso ko, mabilis ulit... Tapos nauubusan na ako ng oxygen!



***Song Prompt: Terenife Sea 

https://youtu.be/kNrJhb1iv8U

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro