Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 14



Dalaga Na.


"Maria!" Mabilis kong pinalis ang mga luhang naglandas sa aking pisngi ng marinig si Gaelan na nagmumula sa madilim na parte ng school.


"Hoy, bagets! Ikaw ba? Ikaw ba ang nagpaiyak sa Baby Girl namin?" Tinulak tulak ni Sam si Gaelan sa dibdib. Nangunot ang noo ni Gaelan dahil sa ginagawa sa kanya ni Sam.


"Nanggaling lang sya sa loob ng masaya pa sya, lumabas sya ng lumuluha! Kayo talagang mga lalaki kayo! Wala kayong ibang alam kundi manakit ng mga babae. Kay bata bata mo pa!"


"Teka nga! Hindi ako!" Hinila ni Gaelan ang aking siko at hinarap sa kanya. Hinawakan nya ang ibaba ng mata ko at kinapa.


"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya sa nag-tatakang tono.


"Ikaw! Ikaw ang inayakan nyan! Gwapo ka kasi! Yang mga gwapo masyadong harmful. Dapat sa mga katawan nyo nilalagyan ng skull na may dalawang bones na naka-ekis para layu-layuan kayo ng girls. Nabiktima mo tuloy ang Baby Girl namin!" Singit ni Sam sa usapan. Hindi sya pinansin ni Gaelan na nag-aalala pa din na nakatingin sa akin.


"Ano? Bakit ka umiyak? Sinong nagpaiyak sayo?"


Tiningnan ko si Gaelan at pakiramdam ko naiiyak na naman ako. Hindi ko talaga alam kung bakit! Humikbi ako at naiyak lang ulit.


"Kasi yung Keio... Malungkot pag gabi." Hindi ko napigilan ang paghikbi.


Napaawang ang labi ni Gaelan, ganoon din si Sam pero ako patuloy pa din sa pagluha.


"Hoy Baby Girl! Ano bang pinagsasabi mo? Nilalagyan mo ng buhay ang lahat ng bagay, mamaya nga sumagot ang mga yan sayo!" Kinikilabutan na sabi ni Sam.


"A-anong sabi mo?" Nakatingin pa din sa akin si Gaelan.


"M-malungkot.. Kasi madilim at saka tahimik.. T-tapos.. mag-isa." Sa pagkakatanda ko, yun talaga ang nagpalungkot sa akin ng husto. Ang ganoong tanawin. Ang weird weird ko talaga.


Ngumisi si Gaelan at pinisil ang magkabila kong pisngi "Tabs ka talaga!"


"Aw"


"Bitiw! Wag mo ngang ganyanin ang Baby Girl namin!" Awat ni Sam.


"Hatid na kita?" Tanong ni Galean habang may kung anong kinukuha sa bulsa nya. Yun pala ay panyo, ipinamunas nya iyon sa aking mga mata habang kinakausap ako.


"May car kami!" Buong pagmamalaki ni Sam sabay turo sa Hello Kitty Car nya.


"Ako na lang ang maghahatid." Sambit ni Gaelan kay Sam. Kinuha ni Gaelan ang kamay ko at nilagay ang panyo nyang puti pagkatapos ay itiniklop ang palad ko.


"No! hindi pwede. Ilang taon ka na ba?" Matigas ang pag-iling ni Sam. Para syang sinasapian ng mga Kuya ko kapag kasama ko sya. Alam nya kasi kung paano ako pinalaki kaya ganoon din kung magprotekta sya sa akin.


"18."


"18 ka. Siya, 16. Under the supervision of a beautiful Guardian Angel. Ang mga 18 years old mapupusok yan. Magle-lead yan sa teenage pregnancy kaya dapat habang lumalalim ang gabi, umuuwi na kayo sa kani-kaniyang bahay. Lalo ka na, sa mukha mong yan, cute ka. Pero hindi ka na virgin. Delikado ang alaga ko. Babushki Eklavu! This is really goodbye. I might not see you again. Love you na walang malisya Baby Boy!!" Hinila ako ni Sam papalayo kay Gaelan. Alanganin akong humakbang yung mata ko nandoon pa din kay Gaelan na nagtataka sa mga pinagsasasabi ni Sam.


Humagikgik si Sam ng masarhan na ang Hello Kitty Car nya at tinuro si Gaelan.


"Ang cute nya Baby Girl. Mamaya bago ka matulog, itext mo sya ng 'Hi, got home safe. Thanks for tonight..' Lagyan mo ng madaming period saka smiley sa dulo," Halos mamilipit si Sam sa kilig.


"Sam naman eh!" Naiinis na sabi ko.


"O ano? Aarte pa? Cute nga eh. Tapos kung makatingin sayo, rawr.. May landi factor. Ang dami ko nang pinagdaanang ganyan sa Kuya mo maniwala ka." Bumisina pa si Sam kay Gaelan na hindi pa din umaalis sa pwesto nya pagkatapos ay nagmaneho na si Sam ng mabilis. Sana hindi nya inusukan si Gaelan.


"Kaninong Kuya?" Nagtatakang tanong ko.


"Kay Gilad! Sus, yang Kuya mo na yan, pakipot yan pero inlove sa akin yan. Pero sorry sya, hindi sya aabot sa dulo ng daliri ko dahil irereject sya ng genes kong pang Beauty Queen!" Humagalpak na naman si Sam sa kanyang naiisip.


"Galit sayo yun si Kuya Gilad, makulit ka daw. Ayaw pa naman nya sa makulit." Di mapigilang sabi ko. Nanliit ang mga mata ni Sam.


"Sinabi nya yon?!" Naiirita na sabi ni Sam.


"Oo, kakasabi nya lang ulit kanina kasi tinutukso sya ni Kuya Rab sayo. Sabi nya 'Rab, do not tease me with that hamster girl. She's annoying. 23 na akala mo 3 years old.' Ganong ganon ang sinabi nya.." Kwento ko. Hinampas ni Sam ang kanyang manibela.


"Humanda sa akin ang walanghiyang Gilad na yan! Mamaya sya sa akin."


Mainit ang ulo ni Sam na nagmaneho pabalik ng mansyon. Madami pa ding sasakyan. Pasimple kaming pumuslit ni Sam doon sa likod at nagpanggap na kanina pa nandoon.


"Apir! Baby girl! Hindi nila nahalata ang ninja moves natin!" Tumawa si Sam habang umiinom ng cocktail drink.


"O Sam, you are here.. Where's your mom?"


"Nasa Hongkong po Tita, kasama ang bago nyang jowa." Nagkibit balikat si Sam sa tanong ni Mommy na huminto sa tapat ng aming table.


Kahit masayahin si Sam, malungkot yung life story nyan. Kasi iniwan sila ng Daddy nya tapos yung Mommy naman nya nagkaroon ng maraming boyfriends tapos hindi na sya inalagaan. Kaya nga madalas nandito sa amin si Sam dahil naawa sa kanya si Mommy. Pinapagalitan nga ni Mommy si Kuya Gilad dahil ang mean mean nya kay Sam. Parang hindi nya alam ang pinagdadaanan nito.


"Ganoon ba? Dito ka na matulog ha, don't drink and drive."


"Tita, pupwede po ba sa kwarto ni Gilad?" Ngumisi si Sam kay Mommy na sinagot naman ni Mommy ng halakhak.


"Aba eh, pupwede! Tanungin mo sya kung gusto nya."


"Yes, may basbas! Gilad! Honey! Tabi tayo mamaya!" Sigaw ni Sam sa kapatid ko na may mga kausap na investors. Lumingon si Kuya Gilad na magkasalubong ang kilay.


Lalong humagikgik si Sam at Mommy ng makita ang reaksyon ni Kuya Gilad.


*Beep **Beep


Gaelan: Nakauwi ka na?


Ako: Nakauwi na. Ikaw?


Ay, bakit ko ba sya tinanong? Ayaw pa naman nyang tinatanong.


Gaelan: Yup. May training kami bukas. Sama ka?


Ako: Hindi na..


Gaelan: Sunduin kita sa bahay nyo ng 1PM.


Ako: Okay.


"Sam, bukas ba ihahatid mo din ako sa bahay ni Mama Buding?" Kumakain na si Sam ng napakaraming spaghetti at fried chicken na para sa mga batang bisita.


"Hm? O sige, dito naman ako sleep eh. Patulog sa kwarto mo ha. Ayoko sa guest room nyo, masyadong creepy." Umarte pa syang kinikilabutan. Malungkot daw kasi ang pakiramdam sa guest room namin, hindi ko alam kung bakit.


"Akala ko ba tabi kayo ni Kuya Gilad?" Natatawang tanong ko kahit sanay naman ako na katabi sya simula nung bata pa ako.


"Hmm, depends. Mukhang konti pa lang naiinom ng Kuya mo eh. Pag marami rami na, tiyak pupwede ko na gapangin para lalong mainis sa akin!" Nagtawanan na naman kami ni Sam. Paboritong paborito nya talagang asarin si Kuya dahil si Kuya Gilad ang pinakapikon sa lahat ng Kuya ko. Lumapit si Kuya Xenon sa akin at pinakita sa akin ang bagong game nya sa PSP.


Nalibang kaming dalawa sa paglalaro habang si Sam naman ay tinabihan ni Kuya Ahmed at nagbobolahan silang dalawa. Si Kuya Ahmed, kay Sam lang nagiging playful ang aura. Madalas syang poker face sa iba.


"Ang ganda mo talaga Sam, hot pa." Narinig ko si Kuya Ahmed na mukhang nakainom na.


"Talaga ba? Wait ibababa ko lang itong neckline ko. Dali bolahin mo pa ako!" Humagikgik si Sam sabay pakita ng cleavage nya. Natawa kami ni Kuya Xenon.


"Ugh! What are you doing? Pinipikot mo ba ang kapatid ko?" Reklamo ni Kuya Gilad na naglalakad papalapit sa amin. Sumimangot si Sam at naglakad papalapit kay Kuya Gilad.


"Kung may pipikutin ako Gilad, ikaw na yon. Dahil ikaw ang pinakamatanda dito, for sure ikaw na din ang pinakamaraming pera." Mataray na sambit ni Sam kay Kuya.


"Ha, as if mapipikot mo ako!"


Kinuha ni Sam ang kamay ni Kuya Gilad at nilagay sa dibdib nya ng mabilis. Nanlaki ang mga mata ni Kuya Gilad. Humalakhak naman si Kuya Xenon samantalang nangingiti lang si Kuya Ahmed.


"Oh my gosh, did you see that guys? Hinawakan nya ang boobs ko! Tita yung panganay nyo po hinipuan ako!" Sigaw ni Sam. Nagliligpit na ang mga waiters ng tables and chairs kaya malakas ang loob ni Sam na umeksena.


Namula ng husto ang pisngi ni Kuya Gilad. Malamang ay dahil sa inis. Kumuyom ang kanyang palad at nag-igting ang panga.


"Samantha! I really hate you!" Sigaw ni Kuya Gilad sabay walk out.


"Nyehnyeh! Pikon! Dapat nga magpasalamat ka dahil dumampi ang palad mo sa ginintuang papaya ko. Ang arte mo Gilad! Shame on you!"


"Turukan nyo nga ng pampakalma yan si Sam." Komento ni Kuya Xenon na humihikab na. "Tulog na tayo.." Kinuha ni Kuya Xenon ang kamay ko at inalalayang tumayo. Nahirapan ako dahil sa suot kong heels.


"Sakit na paa?" Nag-aalalang tanong ni Kuya Xenon.


Tumango ako. Yumukod naman si Kuya Xenon sa aking harapan. Napangiti ako. "Dating gawi. Sakay na po mahal na prinsesa." Natawa ako nang ioffer ni Kuya ang likod nya. Gumapang ako paakyat sa likod nya at walang kahirap hirap nya akong nabuhat.


"Ang laki ng ibinawas ng timbang mo, Baby." Puna ni Kuya Xenon. "Mahirap ba talaga sa school?"


Ngumiti ako at umiling habang umaandar na si Kuya Xenon. "Exciting, masaya. Hindi puro kain pero masaya."


"Good. Nag-eenjoy ka. Kaya ka naman pinagbigyan ni Daddy para mag-enjoy ka eh."


I know. Alam kong natatakot silang pakawalan ako dahil nag-iisa akong babae pero ginawa nila dahil love nila ako. Pangarap kong masubukan ang normal na bagay kaya nakakatuwa dahil hinahayaan nila ako.


"Si Kuya Rab?"


"Ayon, nagre-redeem ng STD. Nambababae na naman." Humikab si Kuya Xenon ng buksan ang pinto ng kwarto ko. Namiss ko ang Kulay Pink kong kwarto, may mga nakahilera na napakaraming paperbags sa loob, siguro ito ang tinutukoy ni Daddy na pasalubong nila sa akin mula sa Greece.


"Goodnight Kuya, Thank you.. I love you!"


"I love you too, Baby. Sleep tight."


Nagtungo ako sa sa shower room para mag-wash up. Ni-blow dry ko ang buhok ko bago bumalik sa aking kama, naabutan ko doon si Sam na nakahiga, nakapagpalit na sya ng pantulog nya, hawak nya ang cellphone nya at nagchecheck ng texts. Napagaya tuloy ako sa pagsilip sa cellphone ko.


Gaelan: Goodnight, Tabs.


Tiningnan ko ang oras at kakatext nya pa lang.


Ako: Goodnight din Yabs :)


Gaelan: Bakit gising ka pa? Hindi ka pa matutulog?


Ako: Matutulog na din. Ngayon pa lang ako inaantok.


Gaelan: Matulog ka na kasi isasama kita bukas.


Ako: Okay :) Goodnight ulit :)


Gaelan: Goodnight :-*


Gaelan: Ay eto pala :-) Typo.


Napangiti ako sa huling mensahe ni Gaelan. Syempre naman typo yun. Bakit naman nya ako sesendan ng kiss emoticon.


"Yung Baby namin dalaga na talaga!" Tinusok ako ni Sam sa bewang kaya napaigtad ako.


"H-hindi ah. Magkaibigan lang talaga kami ni Gaelan. Matutulog na ako. Goodnight Sam!"


Pinatay na ni Sam ang lampshade. Kinuha ko sa bulsa ng pajama ko ang panyo na ipinahiram ni Gaelan kanina at tinapat yon sa ilong ko. 


Mmmm.. Amoy Gaelan. Nakakatuwa amuyin.



Maki Say's: Alam ko bitin. Pinangiti ko lang kayo. Haha! :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro