Kabanata 13
Maki Say's: May mga video links akong isinali, syempre party itong scene. Yung iba na naka-offline reading I think you will see a blank space in your interface kaya wag na kayong magtaka :) Hindi putol putol ang story okay?
Thanks for reading! :)
Aray Ko Beh.
"Mabuti naman dumating ka na, Maria. Kanina pa malungkot yan si Gaelan..." Panimula ni Ice.
"PARANG IIYAK NA!!!" Sabay sabay na sabi ng Yukan'na sabay hagalpak ng tawa.
Alanganin akong ngumiti sa kanila. Tiyak na magagalit na naman si Gaelan sa akin kapag napikon sya sa mga kaibigan nya.
"Sorry ha, late ako.." Bulong ko kay Gaelan habang hinahawi ko ang gown ko na umaabot doon sa upuan nya.
"Bakit ka ba late? Matagal bang magpa-plastic surgery? Siguro nahirapan yung mga nag-ayos sayo kaya ka ganyan kaganda." Masungit nyang sabi.
"N-nagagandahan ka sakin?" Paniniyak ko.
"Hindi! Sila ang nagagandahan sayo. Narinig mo naman di ba? Tss." Highblood na naman sya.
"Ria!!!" Sumugod sa pwesto namin ang mga freshies na kasama ko sa cheering. Si Abbie, Tisha, Francine at nandito din si Selene na magandang maganda sa suot nyang itim na gown.
"Wow! Sabi na nga ba at ikaw yan eh. Halika, doon ang table natin mga squad!" Hinila ni Selene ang kamay ko pero pinigil iyon ni Gaelan.
"O bakit? Hindi ito prom kaya wag kang maarte Gaelan. Walang date date. Kailangan makisocialize ng freshies sa iba. Grabe mambakod! Eh di maiinip naman niyan si Ria puro kayo lalaki dyan!" Dire-diretsong sambit ni Selene.
"Tss. Ang daming sinabi! Papakainin ko muna. Ihahatid ko mamaya sa inyo. Alis na." Sinamaan ng tingin ni Gaelan si Selene pero hindi kagaya ko na napipipi kapag galit na si Gaelan, sinabayan lang ito ng sama ng tingin ni Selene.
Hindi pa din umalis si Selene sa tapat ng aming lamesa kaya inaasar sya ng Yukan'na kay Zeus, nung napikon na sya, saka lang sya kumilos at iniwanan ako. Kinuha ni Gaelan ang kamay ko pagkatapos ay tumungo kami doon sa buffet table. Mukhang lahat ay nakakain na pero madami pa ding pagkain na nakaayos. May isang buong lechon pa nga.
Kumuha si Gaelan ng plato at ibinigay sa akin. Kumuha din sya ng isa pa.
"Hindi ka pa kumakain?" Takang tanong ko.
"Hindi pa nga! Tagal mo kasi!" Galit na sabi ni Gaelan.
"Wag ka na magalit.." Bulong ko. Nakaka-kunsensya naman, ako kasi nakakain na sa party ni Kuya Ahmed.
"Tch, ano bang gusto mo?" Tanong sa akin ni Gaelan habang nakatingin doon sa mga pagkain. Sya ang naglalagay sa plato ko, gusto kong magreklamo dahil napakadami nung nilalagay nya pero bubukas pa lang ang bibig ko, may naka-amba agad ng sigaw.
Kumain kami ni Gaelan sa isang sulok. Natanawan ko si Miss Farrah sa doon sa pinakaunang table sa aming tapat kasama ang faculty na nagkakasiyahan din. Kulay purple ang gown nya at low neckline. Napakasexy nyang tingnan, parang artista. Ganyan siguro ang mga taste ni Gaelan.
Nilipat ang tingin ko kay Gaelan at nakatingin lang sya doon sa pagkain nya. Siguro hindi nya maaring tingnan si Miss Farrah kasi baka may makahalata, o di kaya nasasarapan sya sa food kaya nagcoconcentrate sya. Isang week na kasi kaming kumakain ng gulay eh.
Nang maubos ko na ang pagkain ko, nakita kong kumakaway ang mga kasama ko sa squad. Sa kabilang parte ng function hall ang pwesto nila.
"Tapos ka na?" Tumango ako ng nagtanong si Gaelan. Sya ang naunang tumayo at inilahad ang kanyang kamay sa akin.
"Sasayaw kayo?" Nakangising tanong ni Hunter kay Gaelan.
"Ihahatid ko sa mga kaibigan nya."
"Kay Selene? Sama ako." Tumayo din si Zeus. Nakita kong naglalakad papalapit si Selene sa pwesto namin, para siguro salubungin ako. Tumawid kami sa dance floor kung saan may nagkakatuwaan na magkakaklase na sumugod sa dance floor at masayang sumayaw sa saliw ng isang trance music. Dumikit ang ilan sa aking balat, nakita ko si Gaelan na nakasimangot na dahil naiipit na kami at hindi makalakad.
"Selene!" Tawag ni Zeus kay Selene dahil pare parehas kaming naiipit. Inabot ni Selene ang kamay ni Zeus at pilit na dumikit sa amin.
Nagkabungguan kami ni Selene ng balikat at parehas kaming nagtawanan.
"Grabe naman! Gustong gusto nilang sumayaw!" Tawang tawa si Selene na hindi napapansin na nakasandal na sya sa dibdib ni Zeus na nakahawak sa kanyang bewang.
Tumikhim si Gaelan, nag-angat ako ng tingin. Katulad din pala ng kay Selene ang pagkakasandal ko sa kanya.
"S-sorry." Humarap ako sa kanya, marereklamo pa sana sya at aawayin sana ako nang biglang namatay ang ilaw. Napasigaw ako!
Nagpanic ako kagaya ng ibang mga estudyante.
"Tabs, pakinggan mo ang boses ko, wag mong bibitiwan ang kamay ko." Sambit ni Gaelan. Nakaramdam ako ng pag-gagap sa palad ko.
"Yabs, ikaw ba to?" Inagat ko ang kamay na nakahawak sa akin.
"Im here.." Bulong nya sabay hila pa sa akin pabagsak sa dibdib nya. I can smell his scent at mas lalo akong naengganyo na humilig sa dibdib nya. Parang safe kahit ang dilim dilim sa paligid. Para kasi syang warrior kung umasta. Ang tapang tapang.
"Ano ba yan! Ang korny! Bakit brown out!" Narinig ko ang boses ni Selene.
"Wag kang lalayo sa akin, Selene." Narinig ko din si Zeus.
When the days are cold
And the cards all fold
And the saints we see
Are all made of gold
When your dreams all fail
And the ones we hail
Are the worst of all
And the blood's run stale
https://youtu.be/qZaCtJc07RI
Unti unting bumukas ang malamlam na ilaw. Mas malamlam kaysa kanina at sumabay ang malamyos na awitin. Ang ibang estudyante ay halos mapasigaw sa kilig samantalang ako...
Parang lalabas ulit ang puso sa sobrang bilis ng tibok. Nag-angat ako ng tingin kay Gaelan, napalunok sya at maya maya pa ay ginigiya nya ako para sumayaw kagaya ng iba.
When you feel my heat
Look into my eyes
It's where my demons hide
It's where my demons hide
Don't get too close
It's dark inside
It's where my demons hide
It's where my demons hide
"N-nagkataon lang ito. Sasayaw tayo hanggang marating ang dulo ng dancefloor. Wag kang mag-iisip ng iba.." Sambit sa akin ni Gaelan. Tiningnan ko lang sya at palagay ko hindi sya kumportable.
"Ano? Bakit ganyan ka makatingin? Magsalita ka."
"N-nagpa-palpitate kasi ako. May problema ata ako, Yabs." Bibitiwan ko sana ang isang kamay ko para pakiramdaman ang aking dibdib pero hinila lang iyon ni Gaelan pabalik. Hawak nya ang kaliwang kamay ko samantalang ang kanang kamay nya ay nakaalalay sa likod ko. Pilit akong pinapalapit ng kamay nyang yon sa kanya.
"Baka pagod ka lang. Sa susunod kasi wag ka na magsusuot ng ganyan. Halika, lapit ka dito.." Hinila ako ni Gaelan pabagsak doon sa dibdib nya. Eh parang mas lalong nagalit yung puso ko at bumilis.
"Kalma lang, nandito lang ako." Mahinahong bulong sa akin ni Gaelan.
I wanna hide the truth
I wanna shelter you
But with the beast inside
There's nowhere we can hide
No matter what we breed
We still are made of greed
This is my kingdom come
This is my kingdom come
Pinikit ko ang mga mata ko at unti unti nga akong napanatag habang maliliit ang hakbang na sumasabay sa music.
"Oy lovebirds. Naubos na yung tao, parang may sariling mundo tayo dyan ah. Tara na, Ria." Hinila ako ni Selene papalayo kay Gaelan. Doon ko lang naramdaman na naging normal na ang pagtibok ng puso ko.
Buti na lang inilayo ako ni Selene doon kundi baka ma-cardiac arrest ako. Nakakahiya mamatay sa gitna ng dance floor!
Sinipat nina Tisha at Sunshine ang gown ko nung nandoon na kami sa pwesto ng squad. Nalibang ako sa pakikipagkwentuhan sa kanila.
"Saan mo to pinagawa?" Tanong ni Sunshine na nakahawak sa laylayan ng gown ko.
"H-hiniram ko lang."
Sorry po Lord sa pagsisinungaling.
"Parang ka-tipo ng dinedesign ni Michael Cinco eh! Ang ganda ganda!" Wika ni Tisha. Hindi na ako kumibo dahil ayoko na ng karagdagang pagsisinungaling.
Puro sayawan ang sumunod na naganap. Paminsan minsan nababawasan ang mga ka-squad ko kasi may nag-aayang sumayaw sa kanila. Lagi kaming naiiwan ni Selene.
"Bakit kaya walang nag-aayang sumayaw sa akin?" Nakalabing tanong ni Selene.
"Wag ka na malungkot, Selene.. Sa akin din naman.." I chuckled. Nakasimangot pa din si Selene.
"Syempre. You are Gaelan's property. Everybody knows that. Baka pag isinayaw ka ng iba, ito na ang last day nila sa earth." Nagkibit balikat si Selene. Ngumiti lang ako sa sinabi nyang iyon. Wala namang pakialam si Gaelan sa akin eh.
'Everyone, you may ask the faculty members to dance ha! Mukhang inaantok na ang mga Professors nyo.' Sambit ni Sir Arnaldo sa mikropono.
Mula sa kinauupuan ko, nakita kong tumayo si Gaelan. Patungo sya sa lamesa ng faculty. Nilapitan nya si Miss Farrah na agad namang ngumiti. Inilahad ni Gaelan ang kamay nya at tinanggap naman ni Miss Farrah.
Kung anong bilis ng puso ko kanina, sya namang bagal ngayon. Tinapik tapik ko ang dibdib ko.
"Huy, anong ginagawa mo dyan? Parang sira." Tumawa si Selene. Kumunot ang noo ko at hindi pinansin ang pagbibiro nya.
"Eh kasi parang nagmamalfunction na naman eh. Kanina nagpapalpitate tapos ngayon parang hihinto sa pagtibok."
"Ha? Naku, ipacheck mo yan Ria. Alam mo ba yung pinsan ni Dad, cardio yon.. Samahan kita next week, gusto mo?" Tanong ni Selene na hindi ko masyadong inintindi. Nakatingin lang ako doon sa dance floor kung saan nakakapit si Gaelan sa manipis na bewang ni Miss Farrah. Kaswal silang nagkukwentuhan at parang ang saya saya nila.
Ilang beses ako napalunok.
Ayan na mag-i-stop na ang heart ko..
"Hi Ria, can I have this dance?" Inilahad ni Yuki ang kamay nya sa akin. Nakangiti sya at yung mata nya nag-eexpect. Ayaw ko sana pero...
Ah tama! Pag nandoon ako sa dance floor, bumibilis ang tibok ng puso ko. Kailangan ko sigurong bumalik para bumilis na ulit!
Kinuha ko ang kamay ni Yuki at tiningnan si Selene. Inaaya na sya ni Zeus sumayaw pero tumatanggi si Selene. Si Selene talaga! Kapag walang nag-aaya, naiinis. Kapag meron, naiinis din. Ang gulo nya!
"Ang ganda mo naman ngayon." Pambobola sa akin ni Yuki ng marating namin ang gitna ng dance floor. Nakahawak sya sa aking bewang at nakapatong naman ang kamay ko sa kanyang balikat.
"Ikaw din pogi.." Binola ko din sya. Yuki chuckled. Namumula din ang pisngi nya.
"Hala, nagbu-blush ka." Puna ko.
"Hindi ah." Yumuko si Yuki para ikubli ang pamumula pero huling huli ko na sya eh!
"Namumula ka eh. Nahihiya ka ba sakin? Kasi ako namumula kapag nahihiya." Nagkibit balikat ako.
"Bakit ka naman nahihiya?" Nakangiting tanong nya. Nakatuon lang ang mga mata nya sa akin. Naiilang ako sa paraan ng pagtitig ni Yuki. Si Gaelan naman kasi hindi nakakatingin sa akin ng diretso, ganoon kasi yung mga bad boys, laging guilty ang eyes kasi nagla-lie sila lagi.
"Wala. Nakakahiya lang kasi.. Hindi ako normal. Mataba ako, walang talent, hindi ako cool--"
"Sinong may sabi? Bugbugin ko!"
Natawa ako sa sinabi ni Yuki. Paano nya bubugbugin eh ako ang nagsasabi non sa sarili ko!
"Ouch! Gaelan.. Kanina mo pa ako inaapakan!" Nakarinig ako ng pagrereklamo. Nagtama ang mata namin ni Gaelan na malapit na malapit pala sa amin ni Yuki. Umiwas sya ng tingin at hinarap ulit si Miss Farrah.
Ang weird naman non, kanina nasa magkabilang dulo kami. Nung nagkatinginan kami ni Gaelan, sumayaw silang muli papalayo sa amin ni Yuki hanggang sa nawala na sila sa dagat ng tao dito sa dance floor.
'Magbigayan naman kayo, change partners sa para fair!' Anunsiyo muli sa mikropono ng isa sa mga faculty. Nagkatinginan kami ni Yuki, tumingin sya sa paligid nya at ganoon din ako.
Sino ang makakapartner ko?
Nakita ko si Steve, yung kaklase ko na nasa kanan, at si Lawrence naman sa kaliwa, parehas silang nakatingin sa akin samantalang ayaw kumilos ni Yuki para pakawalan ang bewang ko.
Binalik ko ang tingin ko kay Lawrence, nabigla ako ng sumulpot si Gaelan at dumaan pa sa gitna ni Lawrence at nung partner nya.
"Gaelan!" Nakita kong sinusundan sya ni Miss Farrah.
"Gael, change partners daw, hindi leave partner." Bulong ni Yuki kay Gaelan. Hinila ni Gaelan ang kamay ko mula sa balikat ni Yuki at sinenyasan ito na puntahan si Miss Farrah. Napapailing na sumunod si Yuki.
"Anong pinag-uusapan nyo ni Yuki? Bakit ka tawa ng tawa?" Magkasunod na tanong ni Gaelan. Hindi ko na nga mapakinggan ang kanta kasi masyadong malakas ang boses nya.
"Sabi ko kasi pogi sya.." Kwento ko.
"A-ano? Sinabi mo yon? Bakit mo yon sinabi?!"
"Eh kasi sabi nya maganda ako eh." Nagkibit balikat ako.
"Ang cheap mo!" Naiinis na sabi nya sa akin. Napasimangot ako. Cheap agad? Pogi din naman si Yuki talaga eh. Singkit ang mga mata, matangkad din naman at mabait pa!
"Ang ganda mo Maria!" Angil sa akin ni Gaelan.
"Thank you!"
"A-anong thank you! Dapat ang sagot mo 'Pogi din ako'!"
"Hindi ako dapat pogi, panlalaki yon di ba?" Pang-aasar ko sa kanya. Namula ang ilong nya sa inis.
Ngumiti ako at tinuro ang pisngi nya.
"Biro lang. Pogi ka din. Ikaw ang pinakapogi dito para sa akin." Pagsasabi ko ng totoo. Tumigil si Gaelan sa pagsasayaw. Kumurap kurap ang mata nya. Huminto din ako sa pagsayaw. Nagkasukatan kami ng titig hindi ko alam kung bakit kasabay ng paghinto nung natapos na kanta, tila mayroon ding huminto sa paligid namin. Hindi ko alam kung ang mga nagsasayaw ba, yung oras or yung mundo.
All I knew this morning when I woke
Is I know something now, know something now I didn't before.
And all I've seen since eighteen hours ago
Is green eyes and freckles and your smile
In the back of my mind making me feel like
https://youtu.be/jwNrC_tkigU
"I am inlove with someone else." Bulong ni Gaelan kasabay ng panibagong kanta. Napawi ang ngiti ko. Nakaramdam ako ng pagbabara sa lalamunan dahil sa sinabi nya.
Tumingin ako ng diretso sa mga mata nya pero hindi nya sinalubong ang titig ko. Parang nilalamukos ngayon yung puso ko. Iba na ngayon ang pakiramdam nya. Sa tingin ko kailangan ko na talagang lumayo sa lugar na ito.
"O-okay.. Kailangan ko na pala umuwi.. Nag-iintay na yung kaibigan ko sa labas. Bye Gaelan."
Nagmadali akong naglakad paalis doon sa dancefloor. Hindi na binigyan ng pagkakataon na makapagsalita si Gaelan.
Hindi ko na nilingon si Selene na tinatawag ako. Pati din si Tisha nakangiting sinalubong ako pero nilagpasan ko lang.
Pakiramdam ko unti unting kumakapal ang mga palad ko at umaakyat ang pamamanhid sa mukha ko. Ito ba yung tinatawag nilang stroke? O heart attack na talaga to?
Lumabas ako ng Charm building at sinalubong ang malamig na hangin at katahimikan habang naglalakad patungo sa coffee shop kung nasaan si Sam. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang lungkot habang naglalakad ako sa field ng Keio. Ganito pala ang itsura nito pag gabi, malamig at mag-isa. Taliwas sa ingay at saya tuwing umaga.
Kawawa ka naman pala Keio.
Niyakap ko ang sarili ko na unang beses na nakaramdam ng ganito katinding lungkot. Natalo pa yung lungkot ko tuwing nakikipaglaro ako sa mga cancer patients sa Children's Hospital. Hindi ko maesplika ang lungkot at kirot sa dibdib.
Tumayo ako sa glass door nung coffee shop, bubuksan ko na sana ang pinto ng may humila sa braso ko. Di ko namalayan na nasa likod ko na pala si Sam.
"Bakit ka umiiyak, Baby Girl?" Tanong niya sa akin. Agad kong kinapa ang mukha ko. Basa nga iyon ng luha. Ni hindi ko nga naramdaman ang pagtulo ng luha ko kanina! Bakit naman ako iiyak?
"Aray ko Beh, inlove ka ba?" Nagtataka na tanong sa akin ni Sam.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro