Kabanata 10
Hello @utternothingness Napa-update ako dahil sayo. Malakas ka sa akin eh haha 😂😊✌🏽️
Hot.
Kagaya ng nakagawian, naglakad lang ako pauwi sa bahay habang nagro-rosaryo. Nakakapagod ang araw na to!
Hindi ko namamalayan ang paglalakad ng malayo dahil nalilibang ako sa pananalangin. Inenjoy ko ang simoy ng hangin na medyo madumi dahil sa usok ng jeep. Ang baho pero masaya! Tao na ako!
Kanina nakita ko pa si Chief Smiths na sumusunod din sa akin at naglalakad, naka-mask pa sya. Hindi ko na lang pinansin! Baka pagalitan ni Daddy pag nalaman nya na nahuli ko sya.
Papasok pa lang ako doon sa maliit naming gate ng makarinig ako ng halakhakan doon sa loob. Wala din si Mama sa labas kagaya ng nakagawian nyang pagwawalis ng bakuran tuwing hapon kaya nagtaka ako.
Pumasok ako sa pinto at laking gulat ko nang makakita ako ng malalaking tao--- pero hindi kapre, doon sa loob ng bahay namin. May hawak silang stuffed toys at karayom, ginagawa ang trabaho ko.
"Kuya!!" Sigaw ko. Sabay sabay silang napalingon. Wala naman akong partikular na tinutukoy! Naexcite ako na nakita ko si Kuya Gilad, Kuya Rab, Kuya Ahmed at Kuya Xenon na nagsisiksikan sa lumang sofa nila Mama at kani-kaniyang naglalagay ng damit doon sa mga manika na trabaho ko para makakuha ng allowance.
"Baby Botchog ko!!!" Sigaw ni Kuya Rab na nabitawan ang hawak na manika sabay yakap sa akin. Natigil sya sa pagyakap at bigla nyang kinapa ang likod ko. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at inilayo ng onti sa kanya. Tinusok tusok nya ang tyan ko at hinaplos ang mukha ko. Nangunot ang makakapal nyang kilay at dumilim ang kulay brown nyang mga mata.
"Bakit malnourished ka na, Baby Botchog?!!!!" Naging mabilog ang mapula nyang labi dahil sa pagkagulat. Si Kuya Rab ang pinakamakulit sa lahat ng kapatid ko, sya din ang pinakamadaming babae, he knows how to please women but he's better in breaking their hearts. Matagal ko na ngang ipinapanalangin ang soul ni Kuya Rab eh, grade 2 pa ata nung nagstart ako sa pagno-novena para ma-spare sya sa hell.
"Rab, masyado kang OA." Umismid si Kuya Gilad habang humahakbang papalapit sa akin para yakapin ako. Si Kuya Gilad naman ang pinakaseryoso sa kanilang apat. Panganay at masungit. Nung bata ako akala ko talaga sya si Superman, kamukha kasi eh, ang stiff nya pa. Yun pala si Bin Laden ang idol nya, lagi kasi syang galit, di ko din alam kung bakit...
"Ria, baka naman nagsusuot ka ng maiigsi. Alam mong ayaw na ayaw ko yan." Tumaas ang kilay ni Kuya Gilad, para bang may ginawa na akong kasalanan kahit wala pa. Ay meron pala, yung kanina, labas ang tyan ko.
"Mas OA ka Gilad.." Singit ni Kuya Xenon. Sya ang pinakabunso sa lalaki. Ako lang ang tumatawag na 'Kuya' sa kanila pero sa isa't isa, they don't. "Dalaga na si Ria. There's nothing wrong." Inakbayan ako ni Kuya Xenon at hinalikan ang buhok ko. Dati napagkamalan kong kakambal si Kuya Xenon kasi nagkamalay na lang ako na lagi kaming magkalaro. Hanggang sa lumaki na kami, sya ang napagsasabihan ko ng secrets ko kasi hindi sya mahigpit. Kuya Xenon is the liberated type. Sa lahat ng bagay. Ayoko na ngang alamin kung ano ang mga iyon eh, pero pinagpe-pray ko din sya kung ano man ang ginagawa nya sa likod ng pamilya namin.
"Basta walang boyfriend, boyfriend, Ria." Naging isang manipis na linya ang labi ni Kuya Ahmed na kanina pa nakikinig pero walang reaksyon masyado. Ganoon talaga sya, seryoso pero hindi sya kasing dominante ni Kuya Gilad, wala lang talaga syang pakialam. Sa lahat ng Kuya ko, sya ang pinakamadaming naging girlfriend kasi kapag may nagtanong sa kanya kung pwede ba syang maging boyfriend, ang sagot nya lang ay 'Okay'. Sa kanya ko ata nakuha ang kaka-okay ko kay Gaelan eh.
All of my brothers resembles the same features. Ginto ang kanilang balat, sunkissed but not dark. Mapupula ang labi at may brown na mata. The tallest is Kuya Gilad, pabawas ng pabawas ang height namin hanggang sa halos wala ng matira pa sa akin. Good thing, all my brothers are still tall hanggang kay Kuya Xenon na tinitingala ko pa din kapag kausap ako.
"Anong ginagawa nyo dito?" Nakangiting tanong ko habang nakayakap sa bewang ni Kuya Xenon.
Tumayo si Kuya Ahmed at inabutan ako ng sobreng kulay powder blue. Sa likod ay may nakasulat na date.
'09.30.16'
"Celebration ng birthday ko." Nagkibit balikat si Kuya Ahmed. Nanlaki ang mga mata ko.
Hala, yun din ang araw ng Acquiantance party namin eh!
"Naku Kuya, mayroong---"
"Ineexpect ka ni Mom and Dad. Alam mo naman na tuwing may gathering ang Floresca, kumpleto tayo." Seryosong sabi ni Kuya Gilad. Napanguso ako. Tiyak na pag sinabi kong Acquiantance Party ang pupuntahan ko, lalo nila akong kukumbinsihin na wag pumunta doon.
"Dadalhin ni Butler Joe dito ang magtatahi ng gown mo para makapili ka ng design at masukatan. Sinundo lang sa airport, galing pang Dubai si Michael Cinco." Wika ni Kuya Rab. Lalo akong nawalan ng pag-asa. Nakaplano na pala ang lahat. Naisip ko ang mukha ni Gaelan, tiyak na magpapaulan na naman yon ng death threat kapag hindi ako pumunta.
Sabagay, sabi naman nya ayaw nya akong maka-date eh.. Hindi naman siguro magagalit yon. Slight lang.
Inabot ng hapunan ang mga Kuya ko sa bahay ni Mama. Nagpa-cater pa nga sila ng food eh, ang aksayado talaga sa pera. Napapailing na lang ako dahil hindi ko sila matanggihan.
Nasukatan na din ako ng gown. Di ako makapili ng design dahil hindi ko alam kung anong gusto ko. Wala kasi akong gusto eh, nadistract pa ako kay Kuya Rab na halos magwala nung nalaman na 24 na lang ang bewang ko, proyekto nya daw kasing maging 40 sana bago ako mag-18. Grabe talaga sya.
Nag-paalam na din sina Kuya nang lumalim na ang gabi. Isa-isa ko silang niyakap. Nakakamiss kasi. Kahit si Kuya Ahmed at Kuya Xenon na lang ang madalas sa bahay kasi si Kuya Gilad at Kuya Rab may work na sa Aviation Business ni Daddy, nakakamiss pa din ang kwentuhan namin bago matulog.
Pero ito kasi ang pinili ko....
"Ria.." Narinig ko ang mahinang pagkatok ni Mama sa labas ng pinto ng kwarto ko. Kasalukuyan akong nagrereview para sa Midterms namin next week bago ang Acquiantance Party. Sumilip si Mama sa aking pinto at ipinakita ang baso ng gatas.
"Gatas mo, inumin mo na habang mainit." Umupo din si Mama sa kama ko at pinagmasdan akong inumin ang baso ng gatas. Ngumiti sya ng maubos ko na yon.
"Masaya ka ba at nadalaw ka ng mga kapatid mo? Hindi mo ba namimiss si Madame at si Master?" Tanong sa akin ni Mama. Lalong nangulubot ang kanyang noo dahil sa pagngiti. Simula kay Kuya Gilad, sya na ang nag-alaga, malamang na-stress talaga si Mama ng sobra doon sa mga kapatid ko.
Ngumiti ako at tumango. "Namimiss din, pero madalas naman silang busy kaya hindi ko masyadong naiisip, sanay na ako eh."
"Nagtatampo ka ba?" May bahid ng pag-aaalala ang boses ni Mama.
"Ay hindi po! Actually mas iniisip ko pa nga po yung Birthday party ni Kuya Ahmed. Natapat kasi na Acquiantance Party namin sa school. Naka-Kompromiso na din po ako doon sa kaibigan ko sa school na pupunta ako." Humugot ako ng malalim na paghinga at na-picture ko na naman ang ilong ni Gaelan na umuusok.
"Ganoon ba? Gusto mo din bang dumalo doon sa Acquiantance Party na yon?" Tanong ni Mama.
Hindi ako umimik kahit alam ko ang sagot.
Gusto ko. Kahit wala akong date, gusto ko. Unang beses ko kasing mararanasan yon eh. Kaya lang, kung magtatampo naman sa akin ang pamilya ko, hindi naman tama.
"Hindi po. Maiintindihan naman po ako siguro ng kaibigan ko.."
-----
"Ano? Iindyanin mo ako ganon? Pagkatapos kitang ayain?!" Halos lumabas na ang gums ni Gaelan kakasigaw sa akin. Nandito ako sa labas ng lumang building. Aantayin ko sana na matapos ang date nila ni Miss Farrah pero si Gaelan lang ang nakita ko dito, nakaupo sya doon sa arm chair na lagi kong inuupuan tuwing binabantayan ko sila ni Miss Farrah. Wala syang kasama ngayon.
"E-eh kasi may aattend-an akong birthday.."
"Na mas importante pa kaysa sa akin?!" Nanlalaki ang butas ng ilong ni Gaelan tapos yung noo nya may sampung wrinkles.
"O-oo.." Syempre naman kapatid ko yon.
Malakas na sinipa ni Gaelan ang arm chair kaya tumalsik ito at malayo ang inabot.
"No! You will attend because I said so! Subukan mong hindi, I will make your life----"
"O-oo na! Oo na! Pupunta ako!" Mabilis kong sabi para huminto na si Gaelan sa pagtatantrums nya.
Paano ko kaya gagawin yon? How can I be at two places at the same time?
"Subukan mong hindi, Maria! Makakatikim ka sa akin!" Nanggigigil na pagbabanta ni Gaelan. Tumango ako.
Wala tuloy ako sa sarili nang magtungo ako sa sumunod na klase ko. Lumilipad ang utak ko habang discussion, hindi ko nga mahuli yung brain ko eh.
Paano nga kaya?
Ginulo-gulo ko ang buhok ko. Hay! Bahala na nga! Mayroon pa akong isang linggo para pag-isipan.
Nang matapos ang klase namin na wala akong naintindihan kahit isa, naabutan ko sa labas si Selene na parang may iniintay. Nagliwanag agad ang mukha nya pagkakita nya sa akin.
"Ria! Sama ka sa akin! Free day ko today eh." Masayang sambit ni Selene sabay kapit sa braso ko. Nilagay nya ang takas na buhok sa likod ng kanyang tenga at patalon talon pang naglalakad.
"Free day?" Tanong ko.
"Free day! Selene's Day! Today is the day when I can buy all that I want. This happens every quarter, right after my class until midnight!" Masayang kwento nya. Ngumiti ako kahit hindi ko naiintindihan. I am happy for her basta she's happy. Huminga si Selene ng malalim bago nagkwento.
"Si Dad kasi mahigpit sa akin pagdating sa shopping but he allows me to shop once every quarter of the things I need and I want as long as it's after my classes at hanggang hatinggabi lang. So literally, I can buy everything today! Dali! Isasama kita! I will buy something for you!" Excited nyang sabi habang winawagayway ang credit card na mayroong pangalan ng Daddy nya.
Natigilan ako.
"N-naku, wag na Selene. Eh di ba, araw mo nga ngayon? Bakit ibibigay mo pa sa akin?"
"Syempre! Friends tayo! Saka wala naman akong gusto o kaya kailangan na hindi ibinibigay ni Mommy at Daddy eh. Ikaw na lang ang bibigyan ko. Magtatampo ako kapag tatanggi ka!" Lumabi si Selene at nagpaawa sa akin. Ang spoiled nya talaga!
Nakakahiya sana kaso---
"Ayan! Doon tayo Ria!" Turo ni Selene sa luxury boutique ng makarating kami sa mall, para kaming may hinahabol na midnight sale kung makapagmadali sya. Napabuntong hininga ako. Mag-aaksaya ng pera si Selene para sa akin kahit hindi naman sana kailangan.
Nagtama ang mata namin ng Manager ng boutique pagkapasok namin ni Selene, nanlaki ang mata nito. Ngumiti si Selene sa kanya at tumugon ito ng yuko na sobrang baba.
Enjoy si Selene sa paglalakad sa boutique. Manghang mangha sya hindi lang sa display ng mga damit kundi pati na din sa palamuting itim at ginto sa buong shop. Humahalimuyak din ang mabangong amoy mula doon sa air humidifier ng shop. Nakakaengganyo din ang mahinang jazz music sa loob. Wala masyadong pumapasok dito kundi mga high end na kliyente lang o di kaya naman mga Personal Shopper ng mga billionaires na walang time para magshopping. In short, wala kaming kasama ni Selene ngayon sa loob.
Ngumiti si Selene at hinarap ang isa sa mga staff. "In fairness ha, ang gagalang nyo ngayon!" Turan niya sa isa. Mukhang pabalik balik dito si Selene. Nanatiling nakayuko ang staff kahit kinakausap sya kaya naman lumakad ako at nilagpasan ang staff.
Nasalubong ko na naman ang isa sa mga staff at yumuko na naman ito. Napangiwi ako sa kanilang asta kaya hinanap ng mata ko ang Manager, nakita ko ang manager sa tabi ng Cashier na nakatayo at nakamasid sa amin. Kinuha ko ang pagkakataon para lumapit sa pwesto nya habang palaboy laboy naman si Selene sa palibot ng boutique.
Yumuko agad ang Manager na nag-ngangalang Chin base doon sa gintong nameplate na nakalagay sa kanyang itim na Amerikana nang makalapit ako.
"Chin, wag na kayong yumuko pag dumadaan ako." Bulong ko. Pati kasi ang cashier nakayuko na din sa akin at bahagya pang nanginginig ang kamay.
"Hindi po pupwede, Young Maiden." Magalang na pagtanggi nito. Napakamot ako ng aking ulo.
"Hindi nila pupwedeng malaman kung sino ako."
"Pero--"
"Chin, inuutos ko na wag kang yumuko." Sabi ko sa mariin na boses. Napanganga si Manager Chin pero tumuwid sya ng pagkakatayo.
Kinalabit ko ang cashier na hindi makatingin sa akin "Wag mong icharge ng kahit ano ang card nya ha. Pakiannounce na din sa buong Ahmed Mall na offline ang lahat ng transaction sa card ni Alec Xerxes Montebello pero hindi nya dapat malalaman." Kumindat ako at hinanap si Selene na natatabunan ng mga damit habang hindi alam kung ano ang gusto nya para sa akin.
"Kukuha tayo ng gown mo--" Panimula ni Selene. Umiling agad ako.
"May gagamitin ako Selene.."
Mukha namang nagulat si Selene sa sinabi ko pero maya maya din ay ngumiti sya. "Ganoon ba? Sige. Bibilhan na lang kita ng pang-school. Yung sakto sa sukat mo."
Hindi na ako tumanggi. Nagniningning ang mga mata ni Selene sa mga damit na nahahawakan. Inaanalisa nya ang mga disenyo ng bawat isa. Maya maya pa ay naglabas na sya ng isang notebook at namangha ako nang buklatin nya ito at naglalaman pala ng iba't ibang sketch ng mga damit.
"Gawa mo?" Una kong naitanong. Masayang ngumiti Selene at pinakita sa akin isa-isa ang kanyang designs.
Wala akong masabi sa sobrang ganda! Magaling syang gumuhit pero ang kurso nya ay business.
"Libangan ko lang ito." Paliwanag nya nang mahalata nya ang pagtataka sa mukha ko.
Kumuha si Selene ng pitong pares ng dress para sa akin. Sabi nya maganda daw ito at magmumukha akong bata tingnan. Tuwang tuwa sya sa pagsukat ko ng mga damit. Para syang bata na ang pangarap ay maging isang designer.
"Alam mo ba, ako ang nagdesign ng gown ko para sa Akwe. Sayang nga hindi kita naidesign nung sayo kasi nung March ko pa sinimulan yung akin.. Pero next year, ako na ang magdedesign ng gown nating dalawa, promise!" Nagtaas pa sya ng palad sa harap ko. Napangiti ako.
"Talaga? Sige mas gusto ko yon!" Sagot ko naman.
Nang masiyahan na si Selene sa mga pinamili nyang damit para sa akin, nag-aya syang kumain ng Ice cream doon sa rooftop ng mall. Open space yon at maraming nagpapahinga mula sa mahabang pamimili sa Ahmed Mall na ipinangalan sa ikatlo kong kapatid, ito din ang ima-manage nya pagkatapos nyang mag-aral.
Nag-eenjoy ako sa pagkain ng cookies and cream ko nang muntikan na akong mabilaukan dahil natanawan ko si Kuya Rab na papalapit sa amin. Di ko malaman kung tatayo ba ako at sasalubungin sya o magpapatay malisya na hindi sya kilala.
Akala ko nakita nya ako pero nagkamali ako dahil dumiretso sya doon sa malapit sa counter kung saan oorder ng ice cream. Hindi nya ako pinanasin!
"One Coffee Jelly and-- What's yours, Babe?" Narinig ko pang sabi nya.
May kasama sya? Mag-isa lang syang naglalakad kanina ah!
Dahan dahan akong lumingon para tingnan ang kinakausap ng Kuya ko.
"Mint Ice Cream, Babe." Sagot nung tinawag nyang 'Babe'.
Agad na nanlaki ang mata ko ng makita ang kausap ni Kuya Rab.
"Oh, ang hot ng boyfriend ni Miss Farrah oh! May na-scoop pa tayo bago tayo umuwi.." Humagikgik si Selene habang pinagmamasdan nya si Kuya Rab na hinahalikan sa labi si Miss Farrah na girlfriend naman ni Gaelan!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro