Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Huling Kabanata

Maki Say's: Ang naka-italic ay flashback.


More and Better.


"Paano ba kayo unang nagkakilala?" Napataas ako ng kilay sa tanong ni Agent Brax Neto habang inaantay namin ang mga kapatid ng Mahal ko para sa inorganisa nilang stag party para sa akin sa isang ekslusibong hotel sa gitna ng Manila. That question is like a flashflood of memories. May pangit, pero mas madaming maganda. I met her in the most conventional way but indeed our lives were seriously extraordinary. Nagmahal ako at hindi ko na sinanto ang kahit sino, kahit pa ang sarili ko.

"I bumped into her.." Tipid kong sagot bago sumimsim ng kape.

"And? Love at first sight?" Dugtong nya. Umiling ako.

"Hate at first sight."

"Ah, she's not as striking as she is now then?" Brax concluded.

Lumiit ang mata ko, "Do you find her attractive?" Pagalit kong tanong.

"She is attractive. Anong akala mo sa akin, bulag? Maganda ang magiging future Mrs. Ancheta, Gaelan. I am just asking why hate at first sight?" Pamimilit nya. Bumuntong hininga ako at kumportbleng ipinahinga ang likod sa couch ng coffee shop ng hotel.

.....

...........

.................

"Gael! Bakit ka ba nagmamadali?" Naiinis na tanong sa akin ni Kiro. Ang sarap nyang suntukin dahil nagtatanong pa! I want to see Farrah now, ayokong ma-late. I'll have my prize later if I will be earlier than her. That fcking hot teacher.

She's 2 years older and I met her at the club a ago, that was the first time. I thought one night stand lang, I didn't expect that second sem last year I will see her again, she gave me the keys to her condo and we fck. It just gets exciting everytime because no one knows about it.

Ewan ko. Maybe it is hormones because of my age but I never spent time with someone longer than I spend my time with her. Girlfriend ko na ba sya? Sa tingin ko naman. Hindi lang namin pinag-uusapan. Labels sucks.

"May binubully na naman." Napalingon ako sa tinitingnan ni Zeus kung saan nagkakagulo ang mga estudyante. Nakatalikod ang tinutukoy ni Zeus at hind ko maiwasan ang mapangiti.

Kaya naman pala..

Isang odinaryong babae. Baduy na babae. Mahaba ang palda at kulay brown pa, nakalongsleeves na puti, nakapusod ang buhok sa tuktok ng kanyang ulo at chubby.

Where's the glasses and braces, Nerdy?

Gusto kong makisali sa asaran but Yukan'na taught us to be nice and gentle mannered. Nandito pa naman ang dalawang anak ni Master Yushima, baka isumbong ako. Kung hindi lang talaga ay tatanggalin ko ang pagkakatali ng kanyang buhok at paiiyakin.

Natawa ako sa iniisip, kaunting kaunti na lang she will look like a fcking cartoon character. Hindi ko pa nga lang nakikita ang kanyang mukha dahil nakapikit ito at nakatingala.

Ano yan? Nagdadasal? May baliw sa Keio. Langya.

Nakarinig ako ng tilian, these girls, lagi na lang nagsisigawan tuwing paparating na kami. Hindi na nasanay. I heard a group of people warning the Nerd to get out of our way. Napaawang ang labi ng gilid nung Nerd na tila hindi maintindihan ang sinasabi sa kanya. Aninag ang unting pagkunot ng noo hanggang sa dahan dahang humarap sa direksyon namin. Lumipad agad ang tingin ko sa kanyang mukha para sana mas pagtawanan pa iyon.

Kaya lang...

Kaya lang may naramdaman akong kakaiba sa muscle ko sa dibdib.

It pounded so fast, parang bigla akong kinabahan.

What the hell?

"Ang ganda." I heard Yuki murmured. Napalingon ako sa kanya at nakadama ako ng pagkainis. Bakit sya nagagandahan sa Nerd na yan? Wala na bang taste sa mundo?

Inaantay kong kumontra sina Zeus at Kiro pero hindi sila umimik, nakatingin lang sila doon sa Nerd, tumingin ulit ako at langya mas bumilis ang tibok ng puso ko.

Ano to?

Tngna, galit yan Gael. Galit ka sa pangit di ba?

Tama! Galit! Sa sobrang galit nanginginig ka. Bungguin mo yan para mabawasan ang inis mo!

Naglakad ako ng mabilis saka buong pwersang binunggo ang Nerd, napangiti ako, I feel good about myself, mga isang segundo. Isang segundo lang ang naramdman kong tuwa. Kasi pakiramdam ko unti unting natutunaw ang puso ko at yung paa ko biglang naglakad pabalik sa kanya pero hindi pa ako nakakahakbang, nakita ko si Yuki na nag-aabot na ng kamay. Nag-init ang ulo ko.

PAKYU KANG HAPON KA!

"Miss, grab my hand." Alok ni Yuki.

LUL!

Nakatingin lang ang Nerd kay Yuki at nag-iinarte pa. Lagot ka sakin kapag kinuha mo yang kamay ni Hapon.

Miss?" Ulit pa ni Yuki.

Nakahinga ako ng maluwag ng tumayo ang Nerd at hindi tinanggap ang kamay ni Yuki. Yung natunaw na parte ng puso ko kanina parang bigla na namang sumigla.

"Salamat." The Nerd muttered with a smile.

With a smile.

My lips parted. Tngna lalong--- lalong Pumangit! Leche!

Nagmadali akong maglakad para lumayo sa babaeng weirdo na yon. Iba ibang emosyon in a matter of minutes, sa sobrang kapangitan nag-malfunction ang utak at puso ko. 

Noong akala ko tapos na ang kalbaryo, nagkamali ako.

Kaklase ko sya sa klase ni Farrah. Syet. Katabi ko pa and I can smell her natural scent. Aside from aircon, there's a fan near our seats at tuwing dinadaanan sya ng hangin, naamoy ko sya at parang nanlalambot ang sikmura ko kapag napupunta sa ilong ko ang amoy nya.

Wala naman syang kamalay malay at sulat lang ng sulat ng lessons. When Farrah started writing in the farther right of the whiteboard, the nerd started to lean towards Ice, papalayo sa akin. Hindi ko ugaling magsulat pero this time, nagpanggap ako. I leaned towards her just to smell her. Tuwing aayos sya ng upo, tutuwid din ako ng upo. I keep on doing that for the whole three hours.

Tngnang yan. Ano yon?

Nang matapos ang klase bigla na lang syang nawala. Tiningnan ako ni Farrah ng makahulugan. Lumipat ang mata nya sa lumang Faculty Building. Alam na alam naming walang nagagawi dito because everyone's scared of the ghost rumors. Nauuna doon si Farrah tuwing lunch break at dahil diet sya, she would skip lunch for a makeout session with me or most of the times, we go all the way.

Sinusubukan kong alisin sa utak ko ang amoy ng nerd na yon, yung ngiti nya at yung mga mata nya. Pero fck, nakaimprenta sa utak ko, parang mantsa.

Kailangan kong alisin kaya nagmadali din akong puntahan si Farrah, sinugod ko sya ng halik. Itinulak nya ako sa bakanteng silya as she crawled and sat on my lap.

Now we are making out. Farrah started teasing me, I would try to kiss her back but the image of the nerd crossed my mind. Para syang gulong na umiikot lang sa utak ko. Farrah undressed herself in front of me. Halos mawalan ako ng gana although I tried. May damit pa din ako but I let my hands navigate her body. She moaned when I kissed her on the neck and everytime my hands touches her flesh.

Madali lang namang pasayahin ang mga babae. Kahit wala ka sa mood ay hindi nila mahahalata.

Natapos lang iyon ng ganon dahil tumunog na ang bell hudyat ng afternoon classes. I don't have an afternoon class. We are not required to attend classes dahil may specialized training kami sa Yukan'na. Studying academics is optional pero kumpleto ako sa modules at sinisiguro kong nagsasagot ako dahil nag-iisa akong lalake na inaasahan ni Daddy na magmanage ng Armstrong. However, they still let me do what I want.

Naunang lumabas si Farrah ng classroom, pagkatapos ng sampung minuto ay lalabas naman ako. Naglalakad na ako patungong Food Alley para kumain ng mapansin kong mayroong kuminang sa isang four seater armchair sa labas ng classroom kung saan naroon kami ni Farrah kanina. Nang lapitan ko iyon, nakita kong isa yong rosary.

Naghinala agad ako na mayroong tao dito kanina at maaring may nakakita. Of course I wont let Farrah be sanctioned about this. Isa pa, kapag nasangkot ako sa eskandalo ay mawawala ako sa Yukan'na special training. Imbes na magtungo sa Food Alley, nag-intay ako doon sa lumang building. Pinatong ko muli ang rosary kung saan ko sya nakita at ilang oras akong tumayo doon para magtago at mag-abang. After two freaking hours nakarinig ako ng mga yabag papalapit.

Napapikit ako at inantay na makalapit ang mga yabag na yon sa arm chair, pagkadilat ko ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko ang Nerd. Nakahinga pa sya ng maluwag pagkakita sa kanyang rosary. Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. If I will talk, this will be our first conversation at nakakaptngina kasi kinakabahan ako. Parang umuurong ang buntot ko kahit wala naman ako noon.

Huminga ako ng malalim at kumuha ng lakas ng loob.

"So ikaw pala ang mayari?" Halos mapatalon pa ang Nerd sa gulat. "What did you see?" I asked habang lumalapit ako sa kanya, nagpapanggap din ako na hindi kinakabahan. Just like her, I feel nervous, hindi ko alam kung bakit. 

Nang halos magkatapat na ang mga sapatos namin hindi ko maiwasan na matulala sa kanya sa malapitan, mas lalo syang--- pumagit! Pumangit ng pumangit. Napakapangit! Bakit ganito ang mukha nito? Ang--p-pangit.

Pagkatapos ay biglang---

Nag-sign of the cross sya!

Thump! Thump! Thump!

And the weird feeling again! This fcking muscle celebrated when she did that. I find that freaking adorable.

"Do not do that in front of me. Hindi ako santo!" Pagalit na sabi ko imbes na mapangiti.

Oh please, stop being this way! I am literally creeping out.

"What's your name?" I asked wanting to hear her voice. Yung walang ingay, yung kaming dalawa lang pero hindi sya nagsalita. Her eyes went droopy like a scared cat wanting me to fcking pinch her well chiseled nose and fluffy cheeks. Instead of doing that, dumako ang mata ko sa kanyang ID at yun na lang ang hinawakan ko. Kailangang may hawakan ako dahil gustong gustong lumipad ng kamay ko sa mukha nya at pisilin sya paulit ulit.

"Maria Arabella Kassandra Floresca.." I dictated. And I know I will never forget that name forever.

"From now on I will keep my eye on you, hindi ka makakalayo sa akin, Maria." Kailangan ko ng umalis. Kailangan kong lumayo dahil mababaliw na ako kung tatagalan ko pang nasa harap ko sya and do something I am not supposed to do.

----

"So you cannot distinguish what you felt?" Natatawang tanong ni Brax. I shook my head.

"Noon ko lang naramdaman yon. I get wasted and fcked but the satisfaction of seeing her face without her doing anything but being cute was my first time."

"Dinaig ang orgasm." Natatawang paghahambing ni Brax.

"Fck you."

"So paano ngang naging kayo noong college kayo. I mean, based on your story kung ako si Young Maiden pagtataguan kita. Iiwas na lang ako. Hindi nya ba ginawa yon?"

"Ginawa." Natatawang pag-aalala ko noong umiiwas ang Mahal ko sa akin na parang may sakit ako. Ramdam ko pa din ang pagkadismaya ko tuwing nakikita ko yon.

"Pero nagpapansin ako. Kinulit ko ang registrar para ibigay sa akin ang address ni Maria, ang phone number. I txted her pero hindi nya ako nirereplyan. Isang beses lang syang sumagot tapos nung nalaman nyang ako ang nagtetext sa kanya hindi na sumagot ulit. Alam mo ba hanggang madaling araw nagpapapansin ako? pero walang sagot. Kinabukasan I sent her a letter at school saying 'Magiingat ka.' Binantaan ko ang buhay nya at naniwala sya doon, pumayag syang magpaalipin sa akin para hindi ko sya saktan." Natatawang pag-aalala ko.

"Gago mo." Tumawa si Brax sabay bato sa akin ng tissue.

I know. Kung hindi ko ginawa yon hindi ako mapapalapit sa kanya. She's my happy pill then and now. Tuwing nakikita ko sya na naiinis pero hindi nya ako nilalabanan tuwang tuwa ako dahil ang amo amo ng mukha nya at kaunti lang na magsasalubong ang kilay nya at pupula bigla ang pisngi.

"So, kailan mo naman naamin sa sarili mo na mahal mo sya?" Brax asked. Napalingon ako sa kay Ice na papasok ng coffee shop, kinawayan ko sya at tinuro ang upuan sa aming harapan.

"Kailan?" Inulit ko ang tanong ni Brax.

.....

...........

.................

"Nagmahal ka na ba?" Ilang segundo akong nakatitig sa kanya at hindi ko alam kung bakit ko naitanong yon pagkatapos naming mapagusapan ang human anatomy. I couldn't believe how high her values are, para sa isang 16 years old, she may seem submissive but she knows when to give in.

She smiled at me and nodded. I felt something in my chest crashing.

"Oo naman, mga magulang ko—"

I sighed in relief.

"Ikaw, nagmahal ka na ba?" Inosenteng tanong nya.

Say it, Gaelan or be a prisoner forever.

Napatingin ako sa labi niya at sa magagandang mata nya. She looks innocent in all form. Hindi maiiwasang sambahin ng kahit sinong magmamahal sa kanya because she deserves love and more than that. She can rule any hearts, including—Fck. No.

"Bulag ka ba? Girlfriend ko si Farrah, and yes, we do sex. That's what couples do. When you are inlove, you give yourself, you give everything. Ang kanya ay akin, ang akin ay sa kanya." Pag-iiba ko ng sagot.

Maria shook her head and took a step forward. Gusto kong lumayo. I will never meet the standards of someone like her kaya bago pa ako tumungo doon iiwas ako.

"No. When you are inlove, you don't give anything but love, not even your body or your soul not unless you both mean it. Wala kang utang sa kanya. When you are inlove, you respect. Irerespeto mo ang pagkatao nya mula ulo hanggang paa, alam mo ang limitasyon ng dapat mong ibigay sa hindi--- You will know when it is the right time to do it."

Ganoon kataas ang expectations nya?

Tngina ang hirap naman abutin non.

"Tsk, that's what Manangs would say. Masyado kang makaluma, Maria." Napapailing na sabi ko. I know I sounded evil but the truth is I am bitter, if that's the standards then I will never be good enough.

"Pagmamahal ba ang pagkuha ng pagkababae nya s isang classroom na walang tao at palihim nyo yong ginagawa. Pagmamahal ba ang pagtatago sa isang relasyon---"

"Are you saying---" Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

Tngina ang relasyon parang buhay ng tao, kailangan may pagkain. Kung wala non ay parehas kayong mamamatay.

"When you love, you do a lot of things Gaelan. You are happy, you are proud and you are kind. You do the right things not the wrong ones, you make everything else special. Ipagsisigawan mo sa buong mundo na nakita mo na ang taong mahal mo because that person deserves it. You do not show it in passionate kisses or aggressive sex, because love is more than that."

Nagalit ako pagkasabi nya noon. Hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Nadismaya ako na hindi ko kayang gawin yon. Hindi ako magiging karapatdapat kahit kailan and it fcking hurts my ego.

------

"Sinabi nya yon? Ang lalim pala ni Young Maiden. Bakit ka nagalit that time?" Tanong sa akin ni Brax.

"Wala. Kasi hindi nya kayang imeet ang standards ng pinakasimpleng babae na nakilala nya." Singit naman ni Ice.

"And it turned out that you will do it naturally. Totoo ang sinabi ni Maria. Sa kanya ko natagpuan ang lahat ng yon."

"And the most special thing you did for her? Naikwento mo na ba kay Pareng Brax?" Siniko ako ni Ice habang natatawa. I remembered. It was the most painful part of loving her. I never thought love would be that complicated. I always thought that people just go to the basics, fall inlove, kikiligin, lose the spark but remain as friends, decide to continue with the relationship or quit it because it gets boring. 

The last part of that basic love story are two people deciding to find happiness with some other people or two bored people who keep the relationship because it is practical and people are used to it.

That is why they said that love is a choice but I say it is a feeling. When you feel it and take you to the heights, you will do your best to keep it that way, you work hard because it will make the love of your life better and happy; even if it breaks you. You still do something different because you want to fall in love over and over, your feelings other than love wont matter.

"I let go of her. I let go of the woman I love." Tumingin ako sa malayo habang inaalala ang araw na yon.

.....

.......

...........

"Hijo, nakikiusap ako. Nakikiusap ako." Umiiyak sa harap ko si Madame Helga. Maaga pa ay nandoon na ako sa bahay nila. Nag-aabang para sa plinano naming pagtatanan. Pero nakita nila ako. Nakita ako ng Daddy ni Maria at inanyayahang makausap sa pribadong garden ng mag-asawang Floresca doon sa mansyon.

"Sisigaw ako at tatawagin ko sya. Kukunin ko sya. Ma'am, I am sorry. Mahal ko ang anak nyo at ganoon din ang nararamdaman nya." Nagmatigas ako. My happiness or theirs? 

"That is bullshit!" Padabog na inihagis ng Daddy ni Maria ang isang vase sa garden table. Nagkapira piraso ito agad pero hindi ako nagpatinag. Alam kong isang sigaw ko lang ay lalabas si Maria at sasama sya sa akin.

"Kahit anong pigil ninyo gagawa ako ng paraan. Kung ilalayo nyo sya, lalapit pa din ako. I will be the problem you won't get rid off. I am the problem that makes your daughter happy. Bakit ba ang damot nyo?" Nabasag ang boses ko sa bandang huli. Handa ko nang iwan ang lahat. Kahit pa ang pamilya ko pero bakit mayroong hadlang?

"Because you do not deserve her!" Sigaw ni Pierre Alfred Floresca. "The best love that anyone can give to my daughter should be selfless. Giving importance to her priorities dahil bago mo sya makilala, isa muna syang anak sa pamamahay na ito na mayroong magulang na kailangang sundin. We are her priority at this age! She's just a child, she was not able to explore the world the way she wanted it, she never saw the worst. We just gave her unicorns and flowers, that's what she sees pero sa problema ay wala siyang ideya! You will not let her grow, you will snatch her liberty from her! Liberty in seeing the world when she's ready. You are selfish and that is not love! That is arrogance and brute!" Galit na galit sa akin ni Mr Floresca.

Hinihingal din ako sa pagpipigil ng emosyon. Sa pangalawang pagkakataon, mayroong nagsabi sa akin na mali ang pamamaraan ko ng pagmamahal. Hindi ko matanggap na tama sya. Nasasaktan ako na sa isang iglap kailangan ko ng magdesisyon. Buo sana ang desisyon ko noong nagpunta dito pero ngayon ay unti unting gumuguho. Not because her parents don't like me. It is because I don't want to force her grow.

That maybe, I need to grow to.

This love only comes once.

Kung hindi ko aayusin ang aking sarili, maglalaho lang ito at mas lalo itong magpapawasak sa akin, sa aming dalawa.

"Im sorry, Sir." Lalabas na sana ng garden si Mr. Floresca ng magsalita ako. Kumuyom ang kamao ko sa halo halomng sakit na hindi ko maipaliwanag. I don't even want to talk about my feelings but I might explode.

"Ito lang ang pagmamahal na alam ko dahil ito ang unang beses. Unang beses na nasasaktan ako dahil tama kayo at kailangan kong makinig sa taong hindi ko kaano ano para sa ikabubuti nya. I dreamed of marrying your daughter." Sa pagkakataong iyon, mayroong pumatak na luha sa akin. I pictured my Maria in a white dress as we get married someday, nasasaktan akong hindi pala mangyayari iyon. Kitang kita ko si Madame Helga na nakikiiyak kasabay ko.

"But your opinion will always matter because you are her parents. You  willalways count. Im sorry, Sir. Ma'am. Take care of her, for me."

Tumalikod na ako at umakyat ng bakod para wala ng makakita pa sa akin. Sa araw na ito lalayo na ako. Marahil pagsisihan ko, pero kung balang araw mas magiging mabuti pa sya at sya pa din ang mahal ko, makukuntento na ako sa pagtingin sa malayo kahit hanggang doon lang ako.

.....

........

.......

"Huhuhu naiiyak na ako." Binatukan ako ni Rab na dumating na pala kasunod ang tatlo pang kapatid ni Maria. "Gago, ikakasal ka na nga sa kapatid namin nagdadrama ka pa." Humalakhak si Rab na parang nasisiraan ng bait. Ngumiti lang ako.

"Saan ba ang stag party? Walang babae ha." Warning ko agad. Sabay sabay na humalakhak ang magkakapatid.

"Sigurado ka? Kapag ikinasal na kayo ng kapatid ko, novena ang pampatulog non. Ikaw din." Nagbibirong sambit ni Rab. Nakadama agad ako ng panganib dahil mukhang may mga kalokohan silang dala.. Baka mag-away kami ni Maria nito.

"Hindi naman nya malalaman." Ngumiti si Gilad sabay kindat. Napa-facepalm na lang ako, paano ko tatanggihan ang mga kapatid nya?!

"Tara na, nandoon na daw sila Yuki." Tinapik ako ni Ice sa balikat at sabay sabay kaming tumayo para lisanin ang coffee shop.

Isang madilim na Presedential Suite ang bumungad sa amin sa pinakataas na floor ng hotel. It was set up like a private bar. May tamang lakas ng music sa paligid at strobe lights. Mayroong mobile bar na nagseserve ng iba't ibang alcoholic drinks at sa gilid naman ay may mga nakahandang pagkain na mukhang nagmula pa sa catering business ng nanay ko.


"Okay, rule of the night. Bawal ang KJ! Walang asawa o girlfriend na iisipin." Anunsiyo ni Ahmed. 

Walanghiya! Eh hanggang sa puntong nagsasalita sya, si Maria ang naiisip ko.

"Wait, hindi ko kaya." Tutol ko. Nanghina ako bigla, I don't want to disappoint my Baby.

"Makakalimutan mo yan mamaya. Di ba mayroon din naman silang bridal shower ngayon?" Xenon said. Tumango ako. But it will be a clean fun gaya ng pangako ni Maria at Sam sa akin. Hindi din ganoong klaseng babae si Maria at siniguro kong wala syang kasama na hindi matino.

"Basta, what happens in this room, stays in this room." Sigaw ni Gilad. Napangiwi ako, paano kapag may ganoon ding kasunduan si Maria at ang mga kaibigan nya? Maglilihim din sya sa akin? She will touch some man's private part and I will never know! Ptngina hindi.

"Sakit ng tyan ko!" Umarte pa akong nakakapit sa tyan at lumalapit na sa pinto para sana lumabas.

"Ulol, may banyo dyan!" Kantyaw ni Ice.

Sa puntong iyon mayroong nagdoorbell kaya napayuko na ako.

"Ako ang magbubukas!" Nagtaas ng kamay si Yuki habang nakangisi, malapad nyang binuksan ang pinto at ang isang babaeng mayroong sexy elf costume ang nakatayo doon. My group clapped with anticipation and heavy breathing. Mga loko loko!

"Hi Boys. Special Delivery.." Kumindat pa ang babae at mas lalong umingay ang lahat.

Mayroong pang tatlong babae na may parehas ng costume ang lumapit sa pinto na mayroong dalang malaking kahon.

"Where's the groom?" Sabay sabay na tanong nito. Hinila ako ni Ahmed at Xenon papalapit sa mga box kahit umaayaw ako.

"Buksan mo na! Ang arte!" Pagpupumilit ni Hunter habang patuloy ang tawanan. Inilagay nya ang kamay ko sa ibabaw ng box. Hinawakan ko ang dulo ng ribbon, matindi ang peer pressure ng mga walanghiyang ito.

Nang kumalas ang ribbon, dalawang babae ang nasa loob pa ng kahon. They are sexy actress but I cannot remember their names. Halos wala na silang damit at wala akong ginawa kundi umiwas ng tingin. Kailangan naming mag-pray ng Baby ko mamaya!

The girls were dancing in front of us while we seated at the couch. Mayroong wala ng mga damit and I never polluted my eyes after Maria, ngayon na lang.

Nag-vibrate ang cellphone ko. Pasimple akong tumayo para kunin yon. Nagtungo ako sa dulong bahagi ng suite kung saan nakatunghay ako sa maliliwanag na ilaw ng siyudad. Pinagmasdan ko iyo and my mind wanders where my girlfriend is. Kung ano bang ginagawa nya ngayon. Namimiss ko agad kapag hindi ko nakikita.

"Hello Baby.." Bulong ko.

"Hello? Do you have chicks?" Tanong nya agad sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa malambing nyang boses pero bahagya pa din akong nataranta. May cctv ba dito? Paano nya alam?

"What? Wala. I mean--- Yung mga Kuya mo kasi.." Sumbong ko. I heard my Baby sigh.

"I know. They've told me about it."

"What? At pumayag ka?" Si Maria? Papayag sa ganoong kalokohan.

"I am not that sexy, you know." Malungkot nyang sabi.

"Hindi! Hindi ganoon yon. Don't ever feel that. You are the one I am dying to be with!" Depensa ko. Palagay ko pag naikasal na kami, wala na akong hihilingin pa at gusto kong lagi nyang nararamdaman iyon. Nakarinig ako ng tilian sa kabilang linya, kumunot ang noo ko.

"What's that Baby?"

"Hmmm.. some macho dancers." Kaswal na sagot pa ni Maria.

"WHAT? What did they do to you? Are they even wearing clothes?"

"No. I felt one of the macho dancer's hairy legs to mine but I was blind folded so I am not sure if it is his legs or---"

"FUCK THAT GUY!" Uminit ng husto ang mukha ko sa galit. Hindi ko nga ginagawa iyon sa baby ko!

"Wag ka mamumura!"

"Nasaan kayo? Susunduin kita dyan." Kinapa ko na ang susi ng sasakyan ko sa aking bulsa. Kung kinakailangan kong talunin ang kabilang unit para makatakas, gagawin ko.

"Secret.." Humagikgik si Maria sa kabilang linya, napakunot ang noo ko. Anong 'secret'?

"Why? Are you enjoying yourself there? Sige kung masaya ka dyan hindi na kita pupuntahan." Pinatay ko na ang kanyang tawag ng nagtatampo. Ako itong guilty na guilty dahil may dinalang babae dito na hindi ko alam samantalang sya ay natatawa pa! Akala nya ba ay biro iyon?

Sa kabilang banda ng  utak ko ay naghahanap ako ng ibang paraan para mapuntahan sya. Ayaw ko namang matakot sya sa pagiging istrikto ko, pupwede ko naman sigurong lumpuhin ang macho dancer na yon. It is lesser evil though.

"Gaelan! Ano? Suko ka na?" Tanong sa akin ni Xenon.

"I have to go." Matigas na sabi ko. Kumunot ang noo ng mga kapatid ni Maria.

"May macho dancer sa bridal shower ni Maria." Paglilinaw ko.

Napatayo si Gilad, Ahmed at Rab. "What? Who hired that?" They all asked in chorus.

Nagkibit ako ng balikat, "Your sister, Gael. She's really evil." Umismid si Rab. Nandoon nga si Brie sa bridal shower at posibleng sya ang naghanap ng macho dancer dahil puno ng kapilyahan ang utak ni Brianna, tsk. Nauna pang lumabas ng suite ang tatlo, si Xenon lang ang naiwan at ang Yukan'na.

Sumakay kami sa kani-kaniyang sasakyan sa pangunguna ni Gilad. Nakasunod lamang ako dahil wala akong ideya kung saan kami pupunta. Sa isang mamahaling hotel din kami huminto pagkalipas ng ilang minuto. Tahimik kaming apat nang nasa loob na kami ng elevator.

"I will wring the neck of that macho dancer!" Nanggigigil sa inis na sabi ni Gilad na tila hindi mapakali.

"Ha, ako si Brie na lang sasapukin ko." Bulong ni Rab sa akin gilid. 

Tumikhim ako, baka nakakalimutan ni Rab na naririnig ko ang sinasabi nya. Tiningnan ako ni Rab ng makahulugan. "What? Your sister is stronger than me." Wika nya sa akin.

"Ako siguro lulumpuhin ko ang macho dancer ng patago kasi ayaw ni Maria ng bayolente." Sambit ko na lang saka bahagyang ipinahinga ang likod sa elevator.

"Ilalaglag ko sa building." Bulong ni Ahmed sa aking gilid. Sabay sabay kaming napatingin sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong namin kay Ahmed.

Napalunok sya at nag-iwas ng tingin. "Nakikisama. Galit kayo eh. We're brothers, right?" Aniya na bumalik sa pagiging blanko ang mukha.

Nang bumukas ang elevator, nagmamadaling humakbang si Gilad. Malalakas ang pagkatok niya sa pinto. Hindi naman siya nabigo dahil bumukas agad ito.

"Hi!" Si Sam ang bumungad na ngiting ngiti.

"You pregnant woman, bakit ka—bakit ka—" Hindi maituloy ni Gilad ang sasabihin dahil ang kaninang galit na mukha ay umamo pagkakita nya sa kanyang girlfriend.

Nilingon kami ni Sam saka ngumiti. "Ayan, perfect ang attendance. Girls andito na ang mga macho dancers." Humahalakhak na wika ni Sam.

Malapad na binuksan ang pinto. Nagulat ako ng wala akong makitang kakaiba bukod kay Maria, Mishel, Brie, Regine at iba pang babaeng mga kaibigan. They are eating popcorn, pizza and watching a movie.

"Baby, akala ko—"

Tumayo si Maria at sinugod ako ng yakap.

"I tricked you." She whispered. Hinaplos ko ang kanyang buhok at hinalikan ang tuktok ng ulo. "Im jealous. Kaya naisip nila Sam na sabihin sayong mayroong macho dancer dito kahit wala naman." She said. Para akong biglang nalasing sa paglalambing nya sa akin. I will never get tired of her. I will never get pissed of her jealousy. If she would want to keep me beside her, I will, gladly.

"Hindi ko naman alam na may babae doon. Kung sinabi mo lang na ayaw mo akong pumunta doon-"

"They are my brothers, they want to welcome you. We don't want to spoil it but they are so naughty."

Napatingin ako kay Gilad na pingot pingot na ni Sam, si Ahmed naman ay pilit na tinatanggalan ng tshirt ni Mishel samantalang si Rab--- si Rab ay nawala, kasama ang kapatid ko.

"Let's get out of here." Pag-aaya ko sa Mahal ko. She nodded willingly. She grasp my right hand tightly at pasimple din kaming lumabas ng pinto na hindi na nagpaalam.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta, I just drive while holding her hands. Hindi ko ata ipagpapalit ang ganito. Kung pwede lang hawakan ang kamay nya sa lahat ng pagkakataon.

"Gaelan.." She whispered my name.

"Hmm?"

"I love you." She said out of nowhere. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Ewan ko, kinikilig ako kapag sya ang nauunang magsabi non. Although I wont mind if I will always say it first.

Tumigil ako sa pagmamaneho sa isang bakanteng lote. Tiningnan ako ni Maria ng nagtataka.

"Bakit? Asan tayo?" Nakangiting sabi nya.

"I don't know. Baka lang kasi maibangga ko sa sobrang kilig." I said. Lumapad ang ngiti nya at ginulo ang buhok ko.

"Bolero ka." She laughed. I held her hands and kissed the back of it, she looked at me while smiling.

"Thank you." Sabi nya. "Thank you kasi kahit hindi ko naintindihan ang pang-iiwan mo sa akin noon, tiniis mo ako para magawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin. Hindi mo hinayaang masira ako sa mga magulang ko kasi kung ginawa natin yon noon, baka hanggang ngayon ay wala akong pamilya—"

"Tapos na yon.." Paano nya kaya nalaman ang bagay na yon? Up to this day, hindi ko na iyon sinabi although Rab knows since then.

"Thank you because you cared so much for my parents that you didn't tell me what really happened because you don't want me to get angry at them. Salamat for loving me unconditionally and I know you also love my family."

"Syempre, kung sino ang mahal mo mamahalin ko din." Nakaramdam ako ng pagmamalaki.

"Ako na ba talaga ang papakasalan mo?" Halos hindi makapaniwala nyang tanong habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Baby, ikaw nga ang gusto kong makasama. Kayo ni Rigo at mas madami pang anak."

"H-hindi naman ako maganda at sexy, Kamukha ko si Sadako, mataba—"

"Shh.." Mabilis ko syang hinalikan sa labi at agad na pumula ang pisngi nya. I will fall in love over and over again with her innocence.

"Lahat ng sinasabi ko sayo tungkol sa mukha mo, kabaliktaran yon. Ang totoo crush kita dati pa. Gandang ganda ako sayo noong una kitang nakilala kaya nagpapansin ako sayo. Effective naman hindi ba? Napansin mo ako at ngayon papakasalan na."

"Nagsisinungaling ka." Umismid ang girlfriend ko sa akin. Binalot ko sya sa yakap at nagsumiksik sya sa akin.

"Gago lang pero hindi sinungaling. I am so excited spending my life with you. Yung tipong gigising ako ng maaga at nagluluto ka ng almusal at baon ko sa opisina tapos dadating ako galing sa work at may nakahanda na ding pagkain.."

Kumalas ng yakap sa akin si Maria.

"Maid naman ata ang gusto mo eh!"

"Hindi, chef ang gusto ko."

Hinampas nya ako sa balikat, "Iniinis mo na naman ako."

"Hindi pa kasi ako tapos—" Hinila ko sya at ibinalik sa yakap.

"May nakahanda ng pagkain tapos uupo ka sa lap ko at susubuan kita ng pagkain. Ako ang maghuhugas ng lahat ng pinagkainan at pagkatapos pupunta ako sa kwarto at hihilutin ko ang likod at binti mo dahil alam kong napagod ka sa buong maghapon. Pagsisilbihan kita lagi pag-uwi ko sa bahay, pangako yan."

"I want that." Bulong nya.

"You will have that, more and better. I love you." Pangako ko.

"I love how you take care of me even without being told to. I will never let go of you." She reached for my lips and we kissed, passionately. 

In a way we never kissed before.

-----

Maki Say's: Epilogue na lang :) Thank you for reaching this far. 

As announced, magkakaroon ako ng maliit na game. I want to read the best comment in the Comment Box of TBBS' EPILOGUE kung bakit nyo nagustuhan ang story (hindi kailangan tungkol sa akin). Sa comment box ako titingin okay? Wala pang epilogue kaya paghandaan ang comments :) Pero wala akong way para ipadala sa abroad (Kung asa abroad ang mananalo). Kung may way address kayo sa Pilipennns, ipadala ko muna doon :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro