Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue









Maayos akong nakaupo sa bridal car na nakahanda katabi si Mommy at si Daddy. Para pa din akong nangangarap sa lahat ng maaring mangyari ngayong araw na ito. Bawat detalye na nais ko ay nasunod. Actually wala namang detalye, gusto ko lang ay yung simple.

"Wala akong pinangarap na makitang katabi mo sa altar kundi si Gaelan, Princess. Kahit kunin ka nya sa amin ngayong 23 ka pa lang, hindi na ako nagdalawang isip na pumayag." Daddy pressed his lips into a thin line.

"Iiyak ka na naman, Al." Natatawang sabi ni Mommy habang hinahaplos ang pisngi ni Daddy, "Mukhang tatalunin mo pa ako sa dami ng tissue na mauubos. Baka akalain ni Ria hindi tayo masaya." Pinisil ni Mommy ang kamay ko at huminga ako ng maluwag.

"Masaya kung sa masaya. Iba pa din syempre yung alam mong nasa saiyo pa din ang anak mo. Si Gaelan na ang magmamay-ari sa kanya pagkatapos ng lahat ng ito. Hindi na maaring basta puntahan tuwing namimiss natin ang bunso."

Ngumiti lang ako ng tipid. Nakiusap si Gaelan na huwag na akong pahawakin ng negosyo, ang mga Kuya ko naman ay sumuporta ng husto. They can do all the hard work for me, they said. Samantalang magiging parte na lang ako ng board.

"Maaari na po kayong bumaba." Sinalubong kami ng wedding coordinator. Bumilis ang tibok ng aking puso lalo na ng umapak ako sa buhangin at matanawan ko na ang nagkukulay kahel na langit. Naghahati ang amoy ng tubig alat at bulaklak sa paligid. Naririnig ko na din ang malamyos na pagtugtog ng violin. Pilit kong kinikilala ang mga nakaupo pero nakatalikod silang lahat sa akin.

My man, is gloriously standing beside the priest. Kahit lahat kami ay nakaputi, hindi maglalaho ang talas ng mata ko pagdating sa kanya. Hindi ko pa mahusgahan kung gwapo sya pero tiyak ko na gwapong gwapo sya dahil pinangako nya iyon sa akin kagabi. That he will be the best looking guy in our wedding.

Masyado ko nga syang namiss dahil hindi kami pupwedeng magkita kagabi dahil baka daw hindi matuloy ang kasal. Kahit hindi kami naniniwala, sumunod na lang kami. Ano ba naman ang isang araw na pagtitiis kumpara sa buong buhay na magkasama.

I was anticipating my wedding march while my feet is feeling the sand underneath, si Gaelan daw ang pipili kaya wala akong ideya. We never rehearsed for anything. Ginusto namin na masurpresa sa lahat ng maaring manyari, palpak man o maganda. Umaasa akong maging maganda dahil dito rin sa pribadong beach resort ng mga Ancheta kung saan kinasal ang mga magulang ni Gaelan gaganapin ang aming kasal. As Mommy Blair told the story, their wedding is magical. Siguro ganoon naman talaga ang magiging pakiramdam mo kung masaya ka sa taong papakasalan mo. Kahit siguro sa gitna ng kakahuyan pa kami ikasal, magiging napakasaya ko pa din. It is not really the fairytale-like wedding that will make it enchanting but the Prince charming beside you.

I stepped on the white carpet filled with red rose petals mixed with yellow and orange daisies. Halos tumakbo ang puso ko ng mapagtanto ko na kahit kakaunti ang imbitado, nandito ang lahat ng kakilala ko at wala ni isa ang naglabas ng cellphone bilang kahilingan na din namin. Nakatingin lang silang lahat sa akin. I can see in everyone's eyes that they're happy for me, for us..

'You look so wonderful in your dress..

I love your hair like that..

The way it falls on the side of your neck..

Down your shoulders and back..'

Agad na nabasa ang mga mata ko ng marinig ko ang pamilyar na kanta. Ito yung pinatugtog ni Gaelan noong inayos nya ang field ng Keio para daw magpasalamat sa akin. That was a long time ago but the song still send chills to my spine.  Kinalma ko ang aking sarili dahil mukhang umpisa pa lang ay aagos na ang luha. Inilagay ni Mommy at Daddy ang kanilang mga kamay sa aking braso. I smiled widely while suppressing myself to tears. I walked slowly with my parents, sa dulo nito ay nag-iintay ang lalaking pinili kong makasama sa hirap at ginahawa. The man that will make all the intolerable things lovable. The man who will make me fall in love each and everyday of my life.

'Should this be the last thing I see..

I want you to know it's enough for me

'Cause all that you are is all that I'll ever need..'

Im so in love, so in love,

So in love, so in love..'

"Gaelan, pinapaubaya ko na sa iyo ang unica hija ko." Para pa din akong nangangarap at nagulat pa na nakarating na ako papalapit kay Gaelan. His eyes are red too, hindi ko napansin kung umiyak ba siya o pinipigil nya. Binaling nya ang mga mata nya kay Daddy.

"Sorry po kung pinlano ko syang itanan. Ngayon hindi na kailangan. Mas masarap pala sa pakiramdam kung kayo mismo ang mag-aabot ng kamay nya." Gaelan is wearing a white longsleeves and a khaki pants. Terno lamang ito sa puti kong sleeveless dress na hindi umaabot ng talampakan, may hair is set to wavy curls and I am wearing a flower crown.

Napangiti ako sa pag-uusap sa dalawang pangunahing lalaki sa buhay ko.

"Gaelan, kayo ni Ria ang dapat mayroong vow, bakit mayroon ka din para sa Daddy nya?" Narinig kong bulong ni Mommy Blair. Napahigikgik si Mommy sa sinabi nito.

"Eto talagang si Al, desidido na daw pakawalan ang bunso nya ngayong araw pero naiiyak pa din siya, Blair."

"Sus! Ako nga gusto ko ng pakawalan itong si Gaelan kasi sakit sa ulo ang isang ito kapag hindi nakikita si Maria, tumitino lang sya kapag katabi si Maria, pero kapag hindi.." Ani Mommy Blair sabay yakap sa bewang ni Daddy Garrett. Binalingan ko si Gaelan at pinanliitan ng mata.

"May mga kalokohan ka bang hindi ko nalalaman, Gummy Bear?" I asked. Humalakhak si Gaelan sabay hawak sa kamay ko.

"Magpakasal muna tayo bago ko sabihin, Baby ko." He said teasingly.

Lumapit ang mga kuya ko sa maliit na umpukan namin sa gitna, everyone offered their hands to Gaelan while Gaelan's sisters kissed me on the cheeks and hugged me tight.

"Welcome to the family.." Brie said cheerfully.

"Should I welcome you to our family too?" I asked. Malungkot na tumingin si Brie kay Kuya Rab at saka umiling.

"Hindi. Hindi pa. Hindi siguro." Wika nya.

"This is not your day, Sis. Just be happy."  Hinalikan ni Gaelan si Brie sa noo at tinapik ito sa balikat. Hinila muli ni Gaelan ang aking kamay at dinala sa altar kung saan mayroong nag-aantay na pari.

Everything went well, pinili namin ni Gaelan na walang vow para sa isa't isa. We've said our piece too much. Gabi gabi iyon bago kami matulog sa telepono, and I know tonight we will say how blessed we are to have each other. Sana lang ay hindi kami makatulog agad dahil sa pagod.

Madilim na ang tabing dagat ng magsimula ang reception. Ang mga malamlam na ilaw at scented candles ang nagsisilbing liwanag sa tabing dagat. The light is not too sharp, only warm and enough to give light to our guests having fun dancing in the sand. The full moon helped to lit up the whole place, naka-reflect ang matingkad nitong puting anino sa ibabaw ng madilim na karagatan.

Magkahawak ang kamay namin ni Gaelan habang walang tigil sa pag-sway sa musika na hindi namin alam kung pang-ilan na. Gaelan is staring at me intently. Napapangiti na lang ako dahil madalas nakakailang. Kailangan ko na ata talagang masanay sa paninitig nyang ito.

"Pupwede ko bang isayaw si Mrs. Ancheta?" Napalingon ako kay Yuki. He also looks dazzling in his white Camisa de Chino and white shorts.

"Hindi." Deretsang sagot ni Gaelan na hindi pa din iniaalis ang tingin sa akin.

"Gummy Bear!" Pagalit ko.

"He is your best man." Pagpapaalala ko.

"Oo nga. Eh ano naman? Wala lang kasi akong kapatid na lalaki kaya sya na lang."

Natawa si Yuki pero hindi pa din sya umaalis sa aming harapan.

"You will have me for the rest of your life." I reminded him.

Napapailing na iniabot ni Gaelan ang kamay ko kay Yuki.

"Nakatingin ako. I can aim better than you. One wrong move I will shoot you on the butt." Pagbabanta ni Gaelan. Boys and their words!

"Magaling akong umilag baka nakakalimutan mo." Yuki chuckled. Para talaga silang bata kung mag-asaran.

Pagkatapos ng ilang segundong pakikipagtitigan, umalis din si Gaelan sa aking tabi. Maingat na inilagay ni Yuki ang kanyang kamay sa aking bewang at nagsimula na kaming umikot sa dancefloor.

"Masaya ka ba?" Lumunok si Yuki sa sariling tanong, parang hindi pa handa sa isasagot ko.

Tumango ako sa tanong ni Yuki. I am so happy, never been this happy.

Yuki nodded, "You should. Mamahalin ka nya ng husto."

"I know, I can feel it." Buong kumpiyansa kong sabi. Humampas ang alon kasabay ng pagsabog ng buhok ko, napangiti lang ako habang binabalik ito sa pagkakaayos.

"He almost gave up on you, you know. Ipinagkatiwala ka na nya sa akin. Kung mapagsamantala lang akong tao baka akin ka." Seryosong sabi ni Yuki. Pinakatitigan ko syang mabuti, nang mapagtanto kong seryoso sya hinampas ko sya sa balikat.

"Hindi mangyayari yon no. Hindi din kita sasagutin. Loyal ako, Yuki. Minsan lang akong nagmahal at sya yon. I will never use you to forget him not because it is not right but I know it is impossible to direct this feeling to another." Pagsasabi ko ng totoo. Malapad na ngumiti si Yuki.

"Nakakabilib nga eh. Maybe if you are meant to be, no matter the imperfections, you will fall inlove to that same person over and over." Ani Yuki. Sumang-ayon ako. Pinaglaruan ko ang mga buhangin sa ilalim ng aking sandals at ginala ang mata ko. I saw Gaelan dancing with my Mom. Kumaway ako sa kanilang dalawa. Gaelan is now dear to my family. Mahal na mahal din sya ng pamilya ko dahil magaling syang maglambing. Pati ang mga Kuya ko ay napaamo nya ng husto, they even thought he's their long lost brother. Mayroon siguro syang katangian na wala sa kanila.

"He's the most imperfect guy I met, milya milya ang layo ng kabutihan mo sa kanya but he made me fall for him, all those scars and bruises, beyond his demons, Yuki, minahal ko ng husto. Sumuko din ako. Alam mong sumuko ako, pero nabigo din naman ako."

Ngumiti si Yuki, may bumakas na sakit sa kanyang mga mata pero saglit lang iyon, mabilis nyang napalitan ng ngiting totoo. I don't want to feel awkward kaya pumili ako ng ibang mapag-uusapan.

"Wag ka nang maging agent." Sabi ko sa kanya.

"Wala pang pumipigil sa akin tungkol sa bagay na yon."

"Ako." I said.

Yuki smiled sadly, "Iisa lang ang maari mong pigilan, iisa lang din ang makikinig sayo."

"Sige ganito na lang, kapag nahanap mo na siya, itigil mo na yan. Gusto mo bang magaya kay Toshiyo? Matandang binata na ang Kuya mo." Natatawang sabi ko.

"Tsk, wala kang bilib sa akin, I can find her now, even right after your wedding recep--- ARAY!" Napakapit si Yuki sa kanyang ulo dahil may kung anong tumama doon. Nakita kong isang sapatos iyon na mayroong mataas na takong.

Natigilan ang mga nagsasayaw at laking gulat ko ng may tumalon sa kanyang babae at sumabit sa kanya na parang monkey.

"Sabi mo kagabi tutulungan mo akong makalimutan ang boyfriend ko yun pala ikakasal ka ngayon! Walanghiya ka! Kayo talagang mga lalaki mga sinungaling! Paasa!"

"Teka! Teka! S-sino ka ba?"

"Sino ako? Sino ako? Hoy! Ang kapal ng mukha mo, ako pa ang pinagbayad mo ng lahat ng ininom mo. Mukha ba akong matrona ha, Hapon ka! Gusto mo ng World War 3!!!" Panghahamon pa nya. God, she's making a scene pero hindi ko sya masisisi dahil malamang ay biniktima sya ni Yuki kagabi.

"Hindi nga kita kilala---- Ouch! Baliw ka ba!" Galit na sigaw ni Yuki dahil sinasabunutan na sya.

"Inaya mo pa akong makipaghalikan sayo, nang hindi ako pumayag ay bigla kang nawala! Hindi ka pa pala bayad!" Natawa ang mga lalaking bisita ko.

"May kakambal ako! Baka naman si Kiro ang tinutukoy mo!" Panay iwas ni Yuki sa hagupit ng babae.

"KUUUUU!!!! Palusot mo! Hindi ako naniniwala sayo! Bayaran mo ang lahat ng ininom mo kagabi!"

"Miss, may kakambal nga ako at nagsasabi ako ng totoo. Hindi kita maalala. Hindi kita kilala, hindi din ako lasing kagabi at higit sa lahat may pambayad ako sa lahat ng iniinom ko."

Bumaba ang babae sa pagkakasabit kay Yuki. Doon ko lang napansin ang mukha nya. Yuki is towering the girl with soft features, hindi matangkad ang babae pero mapungay ang mata at mapang-akit ang labi. Nagpamewang sya sa harap ni Yuki and she looks very cute.

"Ganoon ba? Pwes, bayaran mo ang lahat ng ininom mo kagabi, bilis!" Nilahad nya ang kanyang palad sa harapan ni Yuki.

"Yuki bayaran mo na..." May nangantyaw mula sa di kalayuan, malamang ay isa sa miyembro ng Yukan'na. Ang singkit na mata ni Yuki ay mas lalong naningkit.

"Ayoko." Matigas nyang sabi. Namula agad ang mukha ng babae.

"Ang kapal talaga ng Lelang mo! Hoy! Naubos ang laman ng ATM ko kagabi, hindi ko akalain na isang laklakan mo lang ang isang buwang sahod ko. Ano ba yang tyan mo? Ginto?"

"Hindi. Abs. 6 packs."

Mas lalong nag-baga ang mukha ng babae. Akala ko magagalit ito pero unti unting umamo ang mukha nya at biglang---

"Ganyan naman kayong mayayaman, aapakan nyo kaming mahihirap. Tao din naman kami no! May puso at damdamin din. Sabagay, ano nga naman sa inyo ang 20,000 na sahod ko mula doon sa pagwe-waitress ko sa kabilang resort. Wala, barya lang. Barya. Sino ba naman si Josefina Bulaklak sa inyo? Wala di ba? Kasi ang pangit ng pangalan ko. Pero kahit pangit ang pangalan ko, mas pangit pa din ang ugali nyo. Lalo na ng isang yan!" Turo nya pa kay Yuki habang umiiyak.

"Mishel, pakiabot naman ang wallet ko.." Hindi ko napigilang sabihin dahil sobra na ang nararamdaman kong pagkahabag kay Josefina.

"Wag na, Ria. I will deal with this. Patay sa akin si Kiro." Napapailing na sambit ni Yuki.

"Ma'am, hiwalayan nyo na po yang pinakasalan nyong ito bukas na bukas din. Tikoy po. Ayaw nyang bayaran yung ininom nya sa Bar namin doon sa resort." Hinila si Josefina ni Yuki papalayo sa amin. "Saka kulay pink ang brief nya! Hindi din totoong may abs sya! Mabaho ang hininga! May alipunga!" Kung ano ano pang pang-aalipusta ang narinig ko mula kay Josefina bago sila nakalayo ni Yuki mula sa amin.

Kinuha ni Gaelan ang kamay ko pagkatapos. Hindi pa din ako makahinga ng maluwag dahil nag-aalala ako kay Yuki at kay Josefina. Wag naman sana silang magpatayan.

"Hay salamat! Nawala na din ang asungot!" Nag-inat si Gaelan at hinalikan ako sa noo.

"Tara, iwan na natin ang mga to." Nginuso ni Gaelan ang mga bisita namin na hindi naman talaga bisita dahil halos lahat ay parte na ng pamilya, pati ang Yukan'na na nagsisilbi namang security ng aming pamilya ay nandito pa.

Pasimple kaming lumalayo sa mga bisita at nang makarating kami sa gitna ng beach resort ay tumakbo na kami patungo doon sa rest house ng mga Ancheta. Parehas kaming natawa sa ginawang pagtakas.

Gawa sa semento at hardwood ang exterior ng bahay, ang loob naman ay napapalibutan ng antique na muebles na naalagaan ng husto.

"Welcome to our honeymoon suite, Mrs. Ancheta." Pumula ang pisngi ko sa sinabi ni Gaelan. Hindi halos ako makapaniwala na makakarating kami ng ganito kalayo. Sa dinami dami ng napagdaanan namin, hindi ko akalain na kami pa din. I would want to believe that fate wants us together.

Aaminin kong wala akong ibang pinangarap kundi ito. Ang makasama sya at bumuo ng pamilya. Ito na ang simula.

"Pagod ka?" Gaelan asked. Gusto ko sanang itanggi kaya lang alam kong bakas na bakas na iyon sa mukha ko. Napatili ako ng bigla akong buhatin ni Gaelan.

"Ano ba! Ibaba mo ako!" Utos ko pero tawa naman ako ng tawa.

"Ibababa kita.. Doon na sa kama." Dumaan kami sa isang napakalapad na hagdanan. Maybe Gaelan used to be here often, kahit madilim kasi ay alam na alam nya ang dadaanan. Binuksan ni Gaelan ang isang malapad na pinto sa ikalawang palapag. Lampshade lamang ang nakabukas pero hindi ko mapigilan ang paghanga, gawa sa bricks ang buong kwarto at sa gitna ay mayroong malapad na kama.

Gaelan carefully laid me on the bed at hindi nya pinuputol ang tinginan namin. Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang ilong at labi. Gaelan kissed my hands.

"I love you.." Sabay naming sabi kaya natawa kami parehas.

"Sa wakas, ikinasal din tayo. Pangarap ko na ito halos anim na taon na ang nakakaraan akala ko hindi na matutupad."

"Lahat ng bagay ay mangyayari sa tamang oras hindi ba?" Sabi ko.

"Kung sarili ko lang ang iisipin ko, mamadaliin ko lahat. Noong wala ka sa tabi ko, nagsisisi pa din ako sa napili kong desisyon lalo na tuwing nakikita kitang masaya sa pag-aalalaga ni Yuki."

Naalala ko na naman ang sinabi ni Yuki, kinurot ko sa tagiliran si Gaelan, "Bakit sabi ni Yuki ay ipinagkatiwala mo ako sa kanya at susukuan na?"

"Almost. Sa tingin ko kahit ginawa ko yon, ito pa din ang kahahantungan nating dalawa. You marrying me and we will end up in one bed. Ikaw lang at ako.." May sumilay na pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Pinisil ko ang kanyang ilong at hinayaan naman nya ako.

"Can I kiss you?" He politely asked.

"Lagi ka bang magpapaalam tuwing gusto mo akong halikan?" Natawa ako pero nanatiling seryoso si Gaelan.

"You will never be one of those girls to me, Maria. I will respect you not just because you deserve it but because I love you."

Hinaplos ko ang mukha ni Gaelan, my hands automatically traced his nose and his lips again.

"I want you to kiss me, Gaelan."

Pumungay ang mata ng aking asawa. Dahan dahan nyang ibinaba ang kanyang mukha papalapit sa akin. He planted a soft kiss on my lips. Isa lamang noong una ngunit naging sunod sunod na pagkatapos. Bumaba ang kanyang kamay sa aking likod, I gave him full access to that. I can hear the unzipping of my dress. Nagsimula na lumalim ang kanyang mga halik at wala akong ginawa kundi umayon sa kanya.

His kisses were soft and warm, I felt different, I felt entitled and liberated. It excites me knowing that we are now legal, in fact it is our responsibility to keep the fire burning, that we should keep doing it better.

Wala talagang masama kung mag-iintay ka, walang masama kung magpapatawad ka, walang masama kung magmamahal kang muli pagkatapos mong masaktan. Madalas ang nakatagong kasiyahan ay nandoon sa mga bagay na kinakatakot mo. Kaya wag kang magsawang mag-intay, 'wag matakot na magpatawad at magmahal muli dahil sa likod non ay pangako ng Diyos na magiging masaya ka muli dahil natuto ka na at mas matibay ka kaysa dati.

I reached for his neck, I helped him unbutton his sleeves. Ibinaba ni Gaelan ang isang strap ng dress ko pagkatapos nyang matanggal ang kanyang pang-itaas and I felt an aching desire to have him more. He started to carress me on the neck with shallow kisses, I arched my back as I closed my eyes.

"Mahal kita.." He whispered on my ears. "Mahal na mahal kita."

A tear fell down on my cheek as I took in his words. Parang gatilyo iyon na nagbuhos sa akin ng napakaraming emosyon na napakatagal kong pinigilan. I want to do everything with him at ngayon ay pupwede na dahil sa sakramento ng kasal. Gusto kong maramdaman ang kakaibang uri ng pagmamahal.

Masuyong pinadaan ni Gaelan ang kanyang kamay sa aking likod and I realized how far we've reached already. Hindi ko iyon namalayan.

"I know you are tired, Baby. I promise we get to rest after." Sambit ni Gaelan sa pagitan ng mga halik.

Hindi talaga magaling tumupad sa pangako si Gaelan, dahil ang pahingang sinasabi nya ay hindi nangyari ng gabing iyon.

----

That blissful day of our marriage bloomed into a fantastic years together. Limang taon na ang lumipas at napakarami na ding nagbago. Hindi laging masaya, may pinagdadaanan din na gusot pero naayos din naman.

"Rigo, can you reach for the rolling pin?" Tanong ko sa anak ko na limang taon na. Mula sa pagkakaupo sa lamesa, kinuha nya ang rolling pin doon sa drawer ng baking utensils ko. Pinagmasdan ko sya at nakakatuwa na napalaki namin sya ng maayos. Mahal na mahal din sya ng mga Lolo at Lola nya sa parehas na partido at hindi itinuring na iba kundi parang unang apo pa nga.

"What are you doing, Nanay?" Tila naiinip nya na tanong.

"Mayroong order na empanada ang Tita Sam mo, the baby inside her tummy wants it." Ngumiti ako sa aking anak kahit na bahagyang kumirot ang puso ko. Hindi pa kami nabibiyayaan ng sariling anak ni Gaelan. Nagpatingin na kami sa doctor at sinabing walang may problema kaya hindi naman ako masyadong nag-aalala.

I decided to get back to work three years after our marriage dahil nafu-frustrate lang ako dahil hindi naman ako nagiging ina, but then, it just caused our fight. Matindi ang naging tampuhan namin ni Gaelan noon. Yun ang unang malaking away namin at ngayon nagaganap ang pangalawa.

"What time Tatay will come home?" Sumunod na tanong ni Rigo. Hindi sya nagtatanong tungkol sa away pero alam kong nararamdaman nya iyon sa apat na sulok ng bahay na tinitirhan namin ni Gaelan. Bumili sya ng bahay at lupa na napakalapit lang sa aming mansyon para hindi din daw mapagod si Rigo sa palipat lipat kina Mommy tuwing namimiss nito ang Lolo at Lola nya.

"Hindi ko alam anak, why don't you call him?" Suhestyon ko.

Ngumiti si Rigo at bumaba ng upuan. Kinuha nya ang aking cellphone sa may kitchen counter. Hindi iyon halos tumunog sa loob ng limang araw dahil sa nagaganap na cold war sa pagitan namin ni Gaelan. He said he needs to be in Brisbane for 3 months at ayaw kong pumayag, hindi pa kami nagkakahiwalay ng ganoon katagal simula maikasal kami. Hindi ko naman maiwanan si Rigo dahil pumapasok na din sya sa school kaya hindi talaga ako makakasama.

Nauwi lang kami sa away dahil hindi ko daw nauunawaan ang kanyang trabaho. Of course I do, but my insecurities are eating me. I trust him, so much, but it is hard for me to feel confident gayong alam kong kulang pa ako. Mayroon pa akong hindi naibibigay sa kanya. At nang sinabi ko yon, mas lalo lamang sumama ang loob nya dahil hindi ko daw pinagtitiwalaan ang pagmamahal nya.

"Nanay cooked your favorite.." Sinubukan pa ni Rigo i-bribe ang Tatay nya. Naku ha, hindi naman yan makukuha sa ganyan. Napaismid ako habang buong puso kong minamasa ang harina sa aking harapan.

"Really?" Masaya ang boses ni Rigo, inilapit ko ang aking tenga kung nasaan si Rigo. Uuwi sya agad? Subukan lang talaga ni Gaelan na paasahin lamang si Rigo, lagot sya sa akin mamaya.

"Nanay, what do you want daw?" Ganadong tinanong ako ni Rigo. Hindi na ako umasa, nagpapanggap lang yan si Gaelan sa harap ni Rigo para hindi maapektuhan ang bata, somehow ipinagpapasalamat ko iyon dahil mahal nya si Rigo.

"Wala." I answered sabay talikod. Nagpanggap na abala sa inihandang empanada filling doon sa may kalan.

Pagkalipas ng ilang sandali, ibinaba din ni Rigo ang tawag at nagkwento sa akin an nangako ang Tatay nya na uuwi ng maaga ngayon. Maybe because his flight is the day after tomorrow kaya nagmamadali sigurong umuwi. Akala nya siguro ay wala pa syang damit but I already prepared his clothes after he left this morning'''''''. Umiiyak pa nga ako habang tinitiklop ko ang mga damit nya, hindi ko alam kung bakit umiiyak ako ng ganon, dapat naiinis lang ako. Nag-uumapaw lang siguro talaga ang inis ko kaya ako naiyak.

Inihanda ko na ang lamesa dahil isang oras na lang ay dadating na daw si Gaelan, ayon kay Rigo. Limang araw ko na siyang hindi nakakaharap sa hapagkainan. Nung mga nakaraang araw tulog na ako tuwing darating sya at tulog pa din ako tuwing umaalis sya. Hindi nya naman iyon sinasdaya dahil maaga akong nakakatulog nung mga nakaraang araw at tanghali na ding nagigising.

Umismid ako sa sinigang na nasa aking harapan. Ngayon ay uuwi sya ng maaga dahil aalis na sya? Magaling.

Ang tunog ng sasakyan ni Gaelan ay umugong na sa labas. Nagtatatakbo si Rigo para salubungin ang ama. Nanatili lamang akong nakaupo sa hapagkainan at nakatitig doon sa kanin.

Isang mahinang pagpatak ng halik sa aking buhok ang naramdaman ko kasabay ng pag-ayos sa upo ni Rigo. Gaelan sat beside me. Hindi ko sya tinitingnan. Nagsalin si Gaelan ng kanin sa plato ni Rigo, sa akin, bago ang sa kanya. Ganoon din ang ginawa nya doon sa ulam. Nagsimula ng kumain si Rigo pero hindi ko pa din ginagalaw ang akin. Napabuntong hininga ako. Bakit ba kasi sinigang ang niluto ko? Sana ay naghanda ako ng kare-kare. Napailing ako at kinuha ang kubyertos. Kumuha ako ng isang serving pero isusubo ko na yon ay muli ko pang ibinalik ito sa plato.

"Masarap ang luto mo.. Ayaw mo ba nito?" Narinig kong nagsalita si Gaelan sa aking gilid. Humalukipkip ako. Naiinis ako sa kanyang boses, after 5 days ngayon ko lang ito narinig at nakakainis pala.

"Mamaya na lang siguro ako, I baked. Masyado akong madaming naamoy at natikman na pagkain kaya medyo busog ako."

"I will feed you." Alok ni Gaelan, saka ko lang sya tiningnan. Umasim ang mukha ko pagkakita sa kanya. I didn't like what I see, he looks tired and horrible.

"You look like a monster." Bulalas ko sabay irap. Natawa si Rigo sa aming harapan samantalang gulat na gulat naman ang reaksyon ni Gaelan. "I will just rest." Tiningnan ko si Rigo at tumango sya sa akin. I know he understands that Nanay is just tired. Maghapon kasi kaming paikot ikot sa bahay at kung ano ano ang pinagkakaabalahan.

Pumailalim ako sa mainit na shower pagkaakyat ko sa aming kwarto. Nang matapos ako ay nadatnan ko si Gaelan na seryosong nakaupo sa aming kama at nakatitig sa maleta na iniayos ko kanina.

"Masama ba ang loob mo dahil aalis ako?" He asked.

Umiling ako. Natanggap ko naman na kailangan nyang umalis. Ibang usapan ang pagkainis ko sa kanya ngayon.

"Baby, I really have to go. Really. Malaki ang target market sa Brisbane. Kung hindi ako pupunta, mawawala sa akin yon. Our future sons and daughters will benefit from this."

"Hindi naman kailangan ni Rigo ng sobra, tutal naman ay mag-isa sya—"

"Baby.." Tumayo si Gaelan at nilapitan ako. Masuyo nyang hinaplos ang aking bewang galing sa aking likod at pinapunta nya ang kanyang kamay sa aking sinapupunan, "We will still have a lot of babies. Hindi pa lang siguro napapanahon. Tayo din naman ay nag-antay para mangyari ang lahat ng ito di ba? Para maikasal tayo."

Tumango tango ako kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha. "I am still praying." Usal ko. "We got married early because we want to have kids for you to retire early, pero ano ang nangyayari?" Dismayado ang boses ko, it almost cracked dahil kahit ang sarili kong salita ay hindi ko matanggap.

Tumango si Gaelan at hinarap ako. Pinahid nya ang luhang naglalandas sa akin.

"Kahit hindi natin mabigyan ang isa't isa ng anak, magiging masaya pa din tayo." He assured me.

"But you are mad at me." Sumiksik ako sa kanyang leeg, mahigpit naman nya akong niyakap.

"Fights are healthy. It means we are both fighting for the benefit of our relationship, to make us stronger. It is not really a fight between you and me, Baby. We don't do that" Aniya.

Siguro nga fights are healthy kaya pala kinabukasan, isang araw bago sya umalis ay nag-aaway muli kami.

"Maria, di ba napag-usapan na natin na hindi ka magluluto ng hipon dahil allergic si Rigo? At ikaw din! Bawal ka dito." Malaki ang butas ng ilong ni Gaelan habang nilalagyan ng ointment ang balat ni Rigo na aksidenteng natikman ang shrimp quiche na ni-bake ko.

"I- i—I just want to eat it! Kagabi kasi hindi naman ako nakakain ng maayos. At saka walang nangyari sa akin." Depensa ko. "Sorry na Rigo.." I said.

Ngumiti si Rigo na namamaga ang mukha, gusto kong matawa dahil ang cute cute pa din nya.

"It's okay Nanay. It tastes so good." Wika pa ng anak ko. Napailing na lang sa amin si Gaelan.

"You are being reckless again." Bubulong bulong si Gaelan na dumaan sa aking gilid para tunguhin ang medicine cabinet namin sa kwarto.

"Hindi ko naman sinadyang pakainin si Rigo, Gaelan." Nagbabanta na ang aking boses. Banta ng sama ng loob.

"Paano ko kayo iiwan kung ganito? Magkaiba ang timezone natin, tiyak kong makakalimutan mo na naman na uminom ng mga gamot mo kung hindi kita papaalalahanan."

"You never remind me about anything when we are fighting." Sagot ko. Gaelan smirked.

"Talaga lang ha?" Nagtaas sya sa akin ng kilay sabay alis sa aking harapan. Doon naalala ko ang pagpupumilit sa akin ni Manang Girly na uminom ng mga supplements ko pagkatapos nyang makipagtelebabad sa kanyang cellphone tapos may tatawagan muli sya kapag nakainom na ako. It is Gaelan reminding me everything after all, hindi nga lang direkta. Imbes na matuwa mas lalong nagpuyos ang damdamin ko.

"Eh di wag kang umalis!"

"Eto na naman tayo—" Gaelan rolled his eyes. Sumikip ang dibdib ko sa kanyang reaksyon kaya lumabas ako ng kwarto tapos umiyak ako doon sa guest room. Nang maayos na ako, lumabas na ako doon at pagbalik ko sa kwarto nakaalis na din si Gaelan patungo sa opisina.

Hanggang sa makalipad sya patungo sa Brisbane ay hindi ko na siya pinansin kahit na sinubok nya akong kausapin. Nanatili ako sa guest room at nagkukulong ilang oras bago ang flight nya. Pinapatay ko ang cellphone ko tuwing nagfe-facetime sya pero kahit papaano ay guminhawa naman ako dahil nalaman kong ligtas sya na nakarating sa ibang bansa.

"Nandito po si Nanay. Nagbe-bake po." Narinig ko si Rigo na may kausap. Tiyak kong ang Tatay nya yon. Sinabihan ko si Rigo na wag sa akin ibibigay ang cellphone at sumusunod naman sya. Hindi pa ako handang kausapin si Gaelan.

Naghahanda na ako sa pagtulog ng tumunog ang cellphone ko dahil sa isang mensahe apat na araw na ang nakakalipas na malayo si Gaelan. Binuksan ko iyon at agad kong nakita ang mensahe ni Gaelan. Tumalon ang puso ko dahil sa tuwa pero hindi ko pa din sya gustong kausapin.

Gummy Bear: Mahal na mahal kita. Sana magkaayos na tayo. I miss you, Baby. Sobrang malungkot ako kasi umalis ako na hindi tayo maayos, nahihirapan ako dito :'(

Naiyak ako sa mensahe na yon ni Gaelan pero lamang na lamang pa din ang pagtatampo ko kaya hindi na ako sumagot. Nakatulog ako sa pag-iyak at sama ng loob. Bakit pa kasi nya itinuloy ang pag-alis, sana ay kayakap ko sya ngayon.

Kinabukasan ay pinuntahan ako ni Brie. May dala syang mga bulaklak para sa akin.

"Pinabibigay ni Brother dear. Bati na daw kayo. Umiiyak nga yon kagabi nung kausap ni Mommy. Hindi mo daw sya pinapansin."

Kinurot na naman ang puso ko dahil sa nalaman, tiningnan ko ang mga bulaklak sa aking harapan. Roses ang mga iyon, itinapat ko sa ilong ko para amuyin ng bigla akong nabahing.

"Allergic ka sa roses?" Nagtatakang tanong nI Brie. Umiling ako, imposible, this is my wedding bouquet.

Naging sunod sunod ang pagbahing ko hanggang sa mapansin ko ang pamumula ng aking balat. Wala pa naman akong kinakain na kahit ano.

"Ay, akin na tong mga bulaklak. Baka dito mo iyan nakuha." Nagmamadaling binawi sa akin ni Brie ang mga bulaklak at dinala sa labas ng bahay. Umupo ako sa sofa at nakaramdam ng matinding pagkahilo.

"Sis? Ayos ka lang?" Brie asked, nag-aalala ng husto ang kanyang mukha.

Tumango ako at ngumiti, si Rigo ay nasa school na kasama si Manang Girly, nandito naman si Susan kaya mayroon akong kasama kahit papaano. Mahihiga na lang siguro ako para magpahinga.

"Puyat lang siguro. Aakyat lang ako sa kwarto." Tumango si Brie at tinulungan ako. Nawala naman agad ang mga pantal. Although I feel light headed, mas lalong lumala iyon sa mga sumunod na araw. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

"Mag-pregnancy test ka, Baby Girl!" Inilagay ni Samantha ang isang box ng pregnancy test sa aking harapan ng dumalaw kami ni Rigo kila Mommy. Nabanggit ko sa kanya ang mga nararamdaman ko ng mga nakaraang araw.

"Imposible naman ito, Sam. Ilang beses na ba akong nadismaya sa resulta nito? Nadelay nga ako noon ng isang buwan pero wala pa din naman."

"Bakit natatakot kang subukan?" Panghahamon sa akin ni Sam. Napabunting hininga ako. Tumayo ako sa aming garden chair at naglakad patungo sa restroom. Pumikit ako pagkatapos gawin ang test. Imposibleng buntis ako. Negative yan. Kailangan ko talagang magpacheck-up sa dugo dahil baka anemic ako kaya ako nahihilo.

Negative—

Pinanlakihan ako ng mata ng makita ko ang resulta. Pinigilan ko ang sarili kong mapatalon.

Two red lines.

Buntis ako. Napatakip ako ng bibig. I swear si Gaelan ang unang makakaalam! Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko para tawagan sya ngunit nagbago ang isip ko. Ayaw ko din na madistract sya. Kinalma ko muna ang aking sarili. Lumabas ako ng banyo at nag-aabang doon si Sam.

"Ano?" She asked. Umiling ako at ngumiti. Nalungkot naman ang mukha ni Sam.

"Ayos lang no." Sabi ko pa. Umupo ako sa sofa at kinuha muli ang cellphone ko. Kahit hindi ko muna sasabihin kay Gaelan, gusto ko na din syang kausapin.

"Baby? Baby? Ikaw ba talaga yan?" Napabalikwas si Gaelan sa kama at gulo gulo pa ang kanyang buhok ng sagutin nya ang videocall ko.

"Hi Gummy Bear." I smiled at him. Kitang kita ko ang paghinga nya ng maluwag, napapikit pa sya at napakapit sa kanyang dibdib.

"Mamayang gabi, may meeting ako sa airport pagkatapos ay uuwi na ako, ha, Baby? Andyan na ako bukas. Intayin nyo ako ni Rigo."

Napangiti ako sa kanyang itsura. Pumangit sya, nakakainis tingnan.

"Ang pangit mo ngayon." Puna ko, imbes na matuwa sa kanyang pinaplanong pag-uwi.

Gulat na gulat ang mukha ni Gaelan.

"P-pangit ako? May nakita ka na bang gwapo?"

Umiling ako at napahagikgik sa kanyang pagkadismaya.

"Wag ka na munang umuwi." Sambit ko.

"At ngayon ay hindi mo na ako pinapauwi?"

Mas lalo akong natawa.

"Isang linggo ka palang dyan eh. Akala ko ba tatlong buwan?" Tanong ko.

"Miss na miss na kita, Baby ko. Tama ka, dapat hindi na lang ako umalis. Pinapunta ko na dito si Harold, he will be representing Armstrong. Napag-aralan na nya ang modules na ibinigay ko."

"Sigurado ka ba?" Tanong ko muli.

Pinanliitan ako ng mata ni Gaelan, "Ayaw mo ba?"

"Gusto! Mag-iingat ka sa flight mo ha. I love you. Matulog ka na ulit."

Halos hindi ako makatulog kinagabihan. Naglista pa ako ng mga ipapamalengke para sa pagdating ni Gaelan. Pati si Rigo ay naeexcite na din. Maaga pa lang kinabukasan ay magkatulong na kami ni Rigo sa pagluluto. Siya ang taga-abot ng mga kailangan ko.

"Nanay, why are you wearing a mask?" Kyuryosong tanong ni Rigo.

"I don't like the smell of the garlic, Baby." Sagot ko. Tumango si Rigo at malalim na nag-isip. Tantya ko ay napapansin din nya ang pagbabago.

"Ma'am, ako na dyan.." Isang oras na lang at lalapag na ang eroplano ni Gaelan, hindi ko pinapatulong sina Susan dahil gusto ko, ako mismo ang gagawa.

Nakaramdam ako bigla ng pagkahilo kaya napakapit ako kay Manang Girly.

"Ayan Ma'am, nasobrahan ka na sa pagod. Halika at ihahatid kita sa kwarto mo." Inalalayan ako ni Manang Girly kaya wala akong nagawa. Dinala nya ako sa kwarto at pilit na pinahiga, sya na din ang nagbukas ng aircon at sinarhan ang mga kurtina.

"Manang, gisingin nyo po ako kapag andyan na si Gaelan ha?" Bilin ko kahit bumabagsak na ang mata ko sa antok.

"Opo Ma'am. Basta magpahinga ka lang." Yun ang huli kong narinig bago nahulog sa malalim na pagtulog.

Nagulat pa ako ng maalimpungatan ako na may sumisilip na araw sa aming kurtina, napatingin ako doon, dahil gabi na noong dinala ako ni Manang Girly dito. Ibig sabihin, magdamag akong nakatulog?

"Good morning, my queen." Nakangisi si Gaelan sa akin habang nakapaupo sya sa aming kama. Pinanlakihan ako ng mata pagkakita ko sa kanya. Dumating na sya at hindi ko man lang namalayan!

"Bakit hindi nyo ako ginising?" Nagtatampo na sabi ko.

"Ginigising kita tapos sabi mo gusto mo ng mangga. Ikinuha kita, pagbalik ko nakapikit ka lang at ayaw mong dumilat." Kwento nya habang ipinapakita sa akin ang isang pirasong indian mango sa kamay at inaamoy yon. He should look cute doing this pero---

"Bakit ang pangit mo?" Sumunod na tanong ko. Nawala ang ngiti ng aking asawa.

"Bakit ba ilang araw mo na akong tinatawag na pangit? Naiinsulto na ako ha." Umismid si Gaelan. Napangiti ako. Gumapang ako patungo sa kanya at ngayon ay nakaangkla ang magkabila kong kamay sa kanyang balikat.

"Anong pasalubong mo sa akin?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Hmm? Kapayapaan?" Sagot nya. Itinulak ko ang kanyang ulo, napangiwi sya "What? Inaaway mo kaya ako lagi. Pinapatawad na kita." He said playfully.

"Ikaw yung masungit." Wika ko.

"Mas masungit ka kaya. Minsan iniisip ko na hindi mo na ako mahal at pinagsisisihan mo na—"

"Pinagsisisihan agad? Hindi pupwedeng buntis lang ako?"

"Ayun na nga kung buntis ka--- Buntis ka? BUNTIS KA? We are pregnant now? Ha? Baby?" Paulit ulit na tanong sa akin ni Gaelan, parang pumapalakpak pa ang kanyang tenga dahil doon.

Natawa ako sa kanyang reaksyon at tumango. Mabilis nya akong hinalikan sa labi. "May bago na tayong baby!" Nagsisisigaw si Gaelan sa apat na sulok ng aming kwarto. Tawa lang ako ng tawa dahil sa sobrang saya nya.

"Baby, kahit araw araw kang masungit titiisin ko." Pangako nya.

"Kahit araw araw ka ding pangit, titiisin ko." I said, sumimangot si Gaelan.

"Pinaglilihian mo lang ako. Matatapos din yan." Umirap si Gaelan at muli akong hinalikan sa pisngi.

Madami pa kaming pangungulit na sinabi sa isa't isa. I am happy, we are really happy.

Sa isang relasyon, hindi lahat ay perpekto but it shouldn't stop us from loving. Dadating talaga sa punto na hindi nyo mapapanindigan ang pangako sa isa't isa na lagi kayong magiging masaya but who cares right? At least at the end of the day you still choose to be with each other and continue to prove that this love is worth the fight.

That nobody can define a perfect relationship for the both of you, no standards at all.

Magugulat ka na lang na malayo na pala ang narating nyo. Noong una hindi nyo pa alam kung saan kayo magsisimula o kung mayroon bang magsisimula.

Marahil magkaiba din kayo ng paniniwala tungkol sa pagmamahal. May isang bigay todo at ang isa naman ay limitasyon, ang mahalaga ay parehas kayong magtatagpo sa gitna.

Magtatagpo sa gitna, ganoon ang ginawa ni Gaelan. Kinuha nya ako mula sa gitna at ngayon nga ay masaya kami.

You only love once. Tama nga siya. Ngayon lang ito dadating.


----

Gaelan's POV


..AT hindi ko na ito papakawalan. Mahal na mahal ko si Tabs.

Kinuha ni Maria ang mga kamay ko at pinagdaop ang mga palad namin. Ngumiti ako sa kanya.

Inabot ko ang kanyang malalambot na labi at hinalikan sya.

Kuntento na ako dito. Pipilitin ko pa din na mas mapasaya pa sya at ang magiging anak namin.

"Gummy Bear?" She called me.

"Thank you for being patient."

Kahit hindi nya ata sabihin yon magiging pasensyoso ako. Magtatampo pero paulit ulit na mag-aalala.

"I love your imperfections, Baby ko. Mahal na mahal kita. Alam mo yan hindi ba?"

Tumango sya, tuwing tinititigan ko sya ay mas lalo akong nalalasing.

I wonder what kind of spell she cast on me everyday. Mas lalo lang syang gumaganda sa paningin ko habang tumatagal. I never thought I will fall in love this way but I will never ever feel sorry of feeling this towards my wife.

I will be forever grateful and loyal.

Thank you for being part of our story.


The End.

Shoutouts:

Thank you for reading TBBS, hindi ko alam kung ano bang epekto pero nakakatuwa na napasaya ko kayo. Pasensya na kung biglang bumagal ang update, dahil iyon sa trabaho. Hindi na ako magtatrabaho, magsusulat na lang. Charat.

Also, yes this story is a CLICHE. Kasi nagsimula ito sa isang biro sa aking sarili. When I started asking why gangster/action stories really loved by the millenials. Pero romance talaga ang genre ko kaya baka huli na ito. HAHAHA 😂

Anyway, please support this in Wattys2016. Hindi ako updated kung kailan may voting pero kung meron, i-vote nyo na lang kapag nalaman nyo. Haha Kindy spread the word about this story para may kapuntahan pa ang effort ko. Magiging masaya ako kapag madami pa kayong magmamahal kay Gaelan at Maria.

Happy Birthday to Jamaica Ann Ganzon.

Please support, I Fell for A Gay Guy (R-18) at saka Chasing the Sassy Girl (General Fiction).

Published books—ABANGAN (keeping my fingers crossed)

Self Published Books- ABANGAN din. Noong una wala akong balak pero may mga gusto daw bumili? Salamat in advance. Pinag-iisipan ko pa din :)

Catching the Playboy at Miss Nobody and Mr. Famous, still under revision.

Yes, Floresca Brothers will have a story. Rab at Brie ang mauuna, Gilad at Sam, Ahmed at Mishel, Xenon at Maki (char). Yuki and Josefina Bulaklak, maybe?

At ang game ko. May cute akong pasalubong from Disneyland. Best comment here in Epilogue will have a prize. I will announce the winner after a week. Salamat! Salamat! Salamat! God bless everyone! :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro