Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

KABANATA 8

Nakatitig lang sila—iniinspeksyon na parang tagaibang planeta ako dahil nakanganga ang mga ito na parang hindi makapaniwala.

What's their problem? May problema ba sa pagsabi ko ng 'thank you'? I feel like an alien with their stares. Naiilang tuloy ako. It's uncomfortable.

"Stop drooling at her, you bastards," basag ni Carl sa mga kasama niya na parang pikon na pikon.

Mabilis natauhan ang mga kasamahan niya at agad naman nitong sinunod si Carl. They cleared their
throats.

"Carl, my man, why did you not tell us that the god is giving away his angel?" tanong ng isa niyang kasama habang nakaakbay kay Carl.

Siya yung nakalambitin kanina sa puno.

He looks playful.

He looked at me and smirked. I think he has this frolic personality in him kaya hindi ko na lang seseryosohin ang titig at ngisi niya.

"Hi, Miss. I'm Thomas. Wanna be mine?" sabi nito sabay kindat sa ‘kin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay and gave a tentative smile. Yup, he's crazy. And a playboy. Now, I'm curious if Carl is one too, like his friends. I bet madaming babae ang nai-involve sa kanya. He's good-looking.

Pero ang sabi sa ‘kin ni May, wala raw siyang alam na may girlfriend ito dahil madaming takot sa kanya despite their admiration for him.

Binatukan naman siya ni Carl.

"Ouch, man! Why'd you do that? That fvcking hurts, bro!" daing niya habang nakahawak sa ulo niya.

"Shut the fuck up and stop flirting with her!" sigaw ni Carl dito.

Huh. He's defending me from his friends.

"Geez man, calm down. Parang boyfriend ka naman kung makabakod,” sabi ni Thomas at napakamot ng ulo.

Just like Carl, matangkad din siya at malaki ang pangangatawan. Maputi siya at bilugan ang mga mata. Gwapo siya.

"You deserve it man! Nice one, bro!" singit ng isa pa niyang kasamahan at nakipag-fist bump pa kay Carl. Siya yung may kahabulan kanina.

"Hi, angel! I'm Vincent," pakilala nito and offered his hands to me.

Chinito siya at maputi. Mukha naman siyang mabait, pero alam kong may kapilyuhan na tinatago.

I shook his hands. "I'm Christie. Nice to meet you,” sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Hi! I'm Slade. Nice to meet you,” sabi nito at kumindat din. Siya yung kahabulan ni Vincent kanina.

"Francis," tipid na sabi ng isa na seryosong nakatingin sa ‘kin. Siya naman yung lalaking nagbabasa lang ng libro kanina. Parang siya lang pinakanormal sa kanilang lahat.

Wow, what a bunch of friends they are. Nakakatuwa naman.

"Pasensyahan mo na 'tong si Francis. Seryoso talaga yan,” sabi ni Thomas at inakbayan si Francis.

Tipid akong ngumiti sa kanila. They seemed pretty friendly. Akala ko mga hambog sila eh— based on how I judged their appearance when I saw them earlier—before they saved me.

Mababait naman pala sila.

"It's okay. I'm Christie. Nice to meet you all. At, salamat sa pagsagip sa ‘kin," nakayuko kong pasasalamat sa kanila. I felt my cheeks heat up dahil sa atensyon na binabaling nila sa ‘kin.

I'm still not used to having these number of people lalo na at lahat sila mga lalaki. Hindi ko pa rin makalimutan ang nakita ko kanina. Parang sanay na sanay sila sa bayolente.

"You're welcome, beautiful. Sayang naman kasi kung mababawasan pa ang mga anghel ni God," nakangiting sabi ni Slade.

Sabay-sabay nagsitawanan ang tatlo sa kanila except Carl and Francis na masama ang tingin kay Slade.

Ngumiti din ako at medyo nakahinga nang maluwag na ngayon. Isa-isa ko silang tiningnan. Kung hindi lang siguro sa nakita ko kanina, mapagkakamalan ko silang mga inosente dahil sa mga mala-anghel nilang mukha. Pwedeng-pwede silang models.

"Stop it! Umalis na tayo," naiiritang singit ni Carl.

Gumilid na ako nang daan nang naglakad ito sa direksyon ko. Akala ko ay dadaan lang sila pero nagulat ako nang hawakan niya ang pulso ko.

Huh? What's with him?

I gave him a confused look, looking back and forth to him and my wrist.

"Let's get you home. Baka balikan ka pa ng mga gagong 'yun..." masungit niyang usal.

I stared at Carl in full shock sa sinabi niya. Ihahatid niya—nila ako?

Umiling ako. "H-Hindi na kailangan—"

"No," he said sternly at dumiin ang pagkakahawak sa ‘kin, pero hindi naman ako nasaktan sa higpit ng hawak niya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtanto kong nakalapat ang balat niya sa akin. He's warm. I can also feel the callouses in his palm.

"P-Pero..." Tatanggi pa sana ako nang yumuko siya para magpantay ang lebel ng mukha namin. Napalunok ako. Halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya.

"Wala akong pakialam," he said in an irritated tone.

I bit my lip and just nodded. Wala na akong magagawa. I just have to oblige to him— baka suntukin niya ako o ‘di kaya pagtulungan ng mga barkada niya na bugbugin.

"Good girl..." he whispered coldly while smirking. Nakakatakot siyang suwayin. He's very dominant with his words and actions. Kaya siguro para siyang nakakatakot.

"And, you fuckers! Go home and hide under your mother's skirts!" baling naman ni Carl sa mga kasama nito.

Napatalon pa ako sa gulat dahil ang lakas ng boses niya. His voice is very dominating. Maskuladong-maskulado ito. Pwede na nga siyang maging radio announcer sa lalim ng boses niya.

Hindi niya na hinintay ang sasabihin ng mga barkada niya at hinila niya ako palakad. Narinig kong tinawanan ng mga ito si Carl at binaliwala ang sinabi niya.

Napabitaw ako sa hawak niya at tumikhim. Nakita ko kung paano siya natigilan pero hinayaan akong kumawala sa hawak niya. God, kinakabahan ako.

"S-Salamat ulit."

Napatingin ako sa kanya na seryoso lang na nakatingin sa kawalan. He did not respond, para akong napahiya dun. Mahirap bang magsalita ng 'you're welcome'?

I sighed heavily.

Nakapamulsa siya sa suot niyang hoodie. Nanindig ang balahibo ko dahil sa lamig ng ekspresyon ng kalahati ng mukha niya. Sinundan ko siya nang pumunta ito sa direksyon ng isang puting mamahaling sasakyan na naka-park sa gilid.

A freaking Lamborghini!

Kinagat ko ang labi ko. Ang yaman.

Tumunog ang sasakyan bago niya binuksan ang pintuan. He moved his head, telling me to get in. Alanganin akong lumapit sa kanya. Tiningnan ko lang ang loob ng sasakyan.

Sasakay ba ako? I could just ride a taxi actually. Sasabihan ko na lang kaya na susunduin ako. Nakakahiya talagang magpahatid.

"What are you waiting for? Sumakay ka na!" Andyan na naman ang pagkairita sa boses niya.

I pouted at binitbit ang bag sa harapan ko at niyakap nang mahigpit. Sumakay na ako sa loob.

Naamoy ko ang mabangong amoy ng kotse niya. Lahat ba sa kanya ay maskulado?

Nagulat ako sa biglang pagsara ng pintuan ng kotse. Tiningnan ko siya mula sa labas hanggang sa makasakay siya.

Pinaandar niya na ang sasakyan at walang imikan sa gitna ng biyahe maliban na lang kapag sasabihin ko kung saan siya dapat lumiko patungo sa direksyon ng bahay namin.

Hindi ko napigilang mapakagat ng labi habang inaala ang nangyari kanina sa school.

Wala sa sarili ay nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng skirt ko at hinawakan ang candy na nasa loob.

What now, Christie? Huminga ako nang malalim at naglakas ng loob na magsalita.

"U-Uhm… a-ano... Carl?" Damn it, bakit ngayon ka pa nautal, Christie?

"What?" parang masungit niyang tanong. Napasimangot ako sa naging ugali niya. Kanina pa siya nagsusungit. Napipilitan lang yata siyang ihatid ako eh.

If he is so concerned about those goons coming back, then sana ipina-report na lang namin sa pulis.

"Wala. Never mind," masungit ko ring sagot. Bwisit, nahawaan pa ako.

"What's wrong?" He asked—more like commanded.

Damn him. Kanina pa ako napapahiya dahil sa inaakto niya.

"Wala. Iliko mo na diyan. Sa eskinita mo na lang ako ibaba."

"No. I said, I'm taking you home, didn't I?" he said sternly nang lumiko siya.

Napasimangot ako. Bakit pa niya pinagpipilitan na ihatid ako kung naiinis siya? Lihim ko siyang tinaasan ng kilay. Ngumisi ako at hindi na ulit kumibo hanggang sa makarating kami sa bahay.

"Dito na,” I said.

Hininto na niya ang sasakyan. Tumingin muna ako sa bahay baka nasa labas sila Mama at Papa. Minsa kasi tumatambay sila sa backyard at nagkakape.

Buti na lang wala sila.

Kinagat ko ang labi ko at nilingon si Carl. Now, what? Say thank you and good night?

"S-Salamat sa paghatid a-at sa paglitas niyo sa ‘kin kanina ng mga kaibigan mo," mahina kong sinabi.

Nahihiya talaga ako, kasabay pa ang kaba dahil sa mataimting pagtitig sa akin ni Carl ngayon.

What’s with that look? Parang tutunawin na niya ako. Tumango lang ito at tumingin na sa harapan.

Okay. Maybe I should just get out of his car now. Baka naiirita na ito dahil sa tagal kong bumaba.

"B-Bye..." sinabi ko at binuksan ang pintuan ng kotse pero bago pa man ako makalabas ay napasinghap ako sa gulat nang may humawak sa kamay ko.

Nanlalaki ang mata ko na lumingon kay Carl. We just stared at each other without him saying anything.

Ano nang kailangan niya ngayon?

Hinintay ko ang sasabihin niya. Pero ilang segundo na ang lumipas wala pa rin itong sinasabi.

"M-May sasabihin ka pa ba?" utal ko.

Nanigas ang buong katawan ko nang bigla niyang inilapit ang mukha sa akin.

Napapikit ako nang mariin. I don't wanna assume but is he going to kiss me?

Huh? Bakit niya naman gagawin 'yun?

Para akong nakiliti when I felt his mint breath against my nose.

"Good night..." he whispered with a husky voice.

Dahan-dahan akong napamulat. I felt embarrassed about the thoughts I have in mind. Boluntaryo akong napakagat sa labi habang nakatingin din sa kanya.

His eyes darkened as he eyed my lips. He licked his lips. Mas lalong niyang nilapit ang mukha niya.

Our nose touched.

"G-Good night din..." natataranta ko nang sabi at umatras. Natigilan ako nang masilayan ko ang tipid niyang ngiti.

He smiled. The Osmium's bad boy just smiled at me. Oh my god!

Ang lapit ng mga mukha namin. Kung may nakakakita siguro sa amin mula sa labas ay mapagkakamalan kaming naghahalikan.

Ang ganda ng mata niya lalo na sa malapitan. Ang mahahaba niyang pilik mata na bumagay sa nakakatakot niyang titig. Ang tangos din ng ilong niya. Kita ko din sa malapitan ang sugat sa kanyang pisngi.

Bumaba ang mata ko sa labi niya at napalunok ako nang basain niya ulit ito gamit ang dila niya.

Halos mawalan ako ng hininga nang unti-unti niyang nilapit ang labi niya. Napakuyom ang kamao ko. We were just staring at each other with our faces going closer.

Am I going to have my first kiss?

"Be careful next time, hmm?" he said bago ako napapitlag nang marinig ko ang nag-aalalang boses ng Mama at Papa ko mula sa loob.

"Hon, I'm worried. Tumawag na kaya tayo ng pulis. Baka napaano na siya."

Mabilis akong lumayo kay Carl and composed my posture. Narinig ko rin ang mahinang pagmumura ni Carl habang hinihilamos ang palad sa mukha niya.

Tumingin siya sa ‘kin at hindi ko mapigilang mag-init ang mukha. I'm sure the blush on my face is visible.

"Get inside,” he said softly.

Tumango ako sa kanya. Napalunok ako at muling nilakasan ang loob ko sa gusto kong sabihin kanina pa.

"T-Thank you nga pala sa c-candy."

He chuckled at tumango. He touched my right cheek and pinched it softly.

I breathed rapidly. Nginitian ko siya.

Bumaba na ako sa sasakyan niya. Binaba naman niya ang bintana kaya sumilip pa ako sa kanya at kumaway.

He nodded at me at pinaandar na ang sasakyan niya.

And that's the only time I let out a deep breath. Parang nakahinga ako nang maluwag. Kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga habang kasama si Carl.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro