Kabanata 5
KABANATA 5
Time flew slowly for me at isang linggo na ako sa Osmium. So far, maganda naman ang takbo ng klase. May is still the only friend na close ko. Mayroon namang nakikipag-usap sa ‘kin na mga kaklase ko, but it was just casual convos with them.
I think they're all nice, but I can't tell 'til when though. Hirap na akong magtwala dahil sa karanasan ko sa dati kong school. Kay May lang talaga magaan ang loob ko.
I was silently reading my notes para sa quiz namin mamaya sa isang subject. It's gonna be our first quiz kaya ayokong bumagsak agad. Ang sama naman kung ganun. Dati pa man, conscious na ako sa grades ko. I'm scared of failing any of my grades. Good thing, that never happened.
"Nakatambay na naman sila Gianluca sa labas ng room. Ang iingay. Ginawa na nilang tambayan diyan, hindi naman nila field dito."
I heard my classmate say. Napatingin ako nang kaunti dito at nagkasalubong ang tingin namin. I smiled at her at continued reading. Medyo na-distract lang ako nang kaunti sa lakas ng pagkakasabi niya ng ganun. Wala kasi si May at may binili lang muna sa cafeteria. Gutom na naman daw siya.
Break time namin kaya medyo magulo ang mga classmates ko.
"Sabi, may crush daw siya dito. Yun ang rinig ko."
"Weh? Eh, ‘di ba may girlfriend siya sa Nursing?"
"Wala na raw sila nung sembreak pa."
"Kaya naman pala at alam ko na kung sino 'yang crush niya. Nagpapansin 'yan... sigurado." They all laughed together.
Kumunot ang noo ko. Parang naiistorbo ako sa kwentuhan nila. Hindi ako maka-focus. Sinara ko ang notes ko at huminga nang malalim. Mamaya na lang siguro. Marami pa namang oras mamaya, tutal it's just a quick review. Baka makalimutan ko kasi. Minsan, I tend to blankout pero naalala ko rin naman agad ‘pag naka-relax na ako.
I took out my phone at scrolled through my messages. Text lang ni Lola ang nabasa ko. Nangangamusta siya sa amin ni Mama. Napangiti ako at nireplyan siya. How I miss her. Siguro sa sembreak uuwi ako sa kanya.
"Christie, hindi ka ba lalabas?" biglang tanong ng kaklase ko. Isa siya sa mga nagkwe-kwentuhan kanina.
Bakit naman niya naitanong?
I shook my head. "No. Bakit?"
She beamed in a teasing way. "Wala naman. Sayang naman." She chuckled at tumingin sa labas.
"Huh? Anong meron sa labas? May ipapabili ka ba?"
Tumawa ito. "Hindi. Nandiyan kasi yung admirer mo. Gustong-gusto ka yatang sulyapan kaya laging nakatambay sa labas ng room natin."
"H-Huh? Admirer? Baka hindi ako."
Admirer daw? Baka naman mali lang siya. Bago lang ako tapos may admirer na agad? Puro nga mga blockmates ko lang ang nakakasalamuha ko, so paano 'yun? Hindi naman ako sikat dito, transferee lang kaya ako.
"Hindi, ikaw raw talaga. Kilala mo si Gianluca? Yung taga-Engineering Department? Ayun siya oh, yung nasa labas, yung matangkad." She pointed at the guy who's laughing with his friends.
The guy looked pretty decent. Parang boy next door ang aura nito. Oo, nga lagi ko siyang nakikita sa labas ng ganito laging oras at sa itong subject. Minsan, nakakasalubong ko siya sa hallway ng Education Department. Nagtataka nga ako minsan dahil malayo naman ang Engineering Department dito.
"No, hindi ko kilala," mahinhin kong pagkakasabi.
I've never heard of that name, not until the other day. Kapag lumalabas ako minsan at nasaktuhan na nakatambay sila diyan ay maghihiyawan ito. Sa una, hindi ko pinansin—baka girlfriend niya ang isa sa mga classmates ko.
"May crush 'yan sa ‘yo. Naku, ingat ka diyan. Playboy 'yan," she chuckled.
I chuckled too, not knowing what to reply. Parang nailang naman ako bigla sa sinabi niya. Baka nagkakamali lang siya. I shook all those thoughts out. I have no time to entertain those things right now.
Dumating na si May at saktong dumating na rin ang prof namin sa subject na ito. I can already feel the excitement in the room nang pumasok na si Sir. Yung mga kaklase ko kasi, kinikilig kay Sir Marco. Gwapo kasi ito, matipuno at bata pa. Fresh graduate yata siya at dito din grumaduate.
Napailing na lang ako. May halong kilig sa tono nila na bumati kay Sir.
"Ang tagal mo, ha. Sigurado kang sa cafeteria ka lang galing?" pagbibiro ko kay May nang maupo siya sa tabi ko.
Ngumuso siya. "Ang haba kasi ng pila."
"Hmm..." was just my reply to her with a grin. Tutuksuhin ko pa sana siya nang marinig ko ang pangalan ko na tinatawag.
"Christie..." Napaangat agad ako ng tingin sa harapan kung saan ito nanggaling.
"Yes, po?" Si Sir Marco pala.
"Kindly distribute these to your classmates," he said, smiling. Nilahad niya ang mga papel.
Ako na naman? E ang layo-layo ko mula sa table niya. Bakit ako lagi inuutusan niya sa ganito?
Wala akong nagawa at tumayo na para kunin ang mga papers.
"Thank you," he said lightly when I got it from him. Ngiti lang ang naging tugon ko at isa-isang dinistribute ang mga papel sa mga kaklase.
Mabait naman si Sir Marco at magaling ding magturo ng subject niya. No wonder, madaming nagkakagusto sa kanya dito, base sa kwento ni May sa ‘kin. Marami rin daw gustong magpa-enroll sa subject niya. Natatawa na lang ako minsan kasi laging nagiging buhay ang kaluluwa ng mga kaklase kong babae kapag siya ang prof.
"Favorite ka talaga ni Sir," May said when I finished my task and returned to my sit. Sinamaan ko lang siya ng tingin at inilingan. Ayoko ng issue and it's just a coincidence siguro na ako lagi tinatawag niya sa ganitong bagay. It'll change after a little longer.
The class went fast and smooth. I was just taking notes and peacefully listening. But, during the lecture, napapansin ko na laging nagtatama ang tingin namin ni Sir Marco kaya nakakaramdam ako ng hiya at ilang kapag matagal siyang tumititig. Ginawa ko na lang excuse ang pagsusulat para hindi na ako tumingin sa harap.
"Makatitig naman si Sir..." May said teasingly beside me. I looked at her with a frown. She shook her head at mabilis na tinaasan ng kilay na parang nagsasabi na tumingin sa harap.
Alam ko na kung sinong tinutukoy niya.
But, I choose to ignore her. Alam ko na kung anong gusto niyang ipahiwatig. I think she's just overthinking it by putting malice to it. Professional naman siguro ang mga professor.
I continued scribbling nonsense things on my notes. Now, I'm feeling a little awkward.
***
"Uy, okay ka lang? Kanina ka pa kasing walang imik. May problema ba?" Pagpukaw ni May.
Nandito kami ngayo sa may garden. After class, we choose this place para maka-relax ng kaunti. Isa pa, quiz namin after nito at ito na talaga ang ultimate tambayan namin kapag vacant or break time. Nakaka-trauma kasi tumambay sa may soccer field, baka na naman matamaan kami ng bola.
"Wala naman."
"Hmm? Dahil ba kay Sir Marco? Uuuy, crush ka yata ni Sir, eh. Peboret," she teased which annoyed me a little.
"Tumigil ka na nga." Ayoko talaga ng tukso-tukso lalo na at hindi naman totoo.
"Ano ba kasing iniisip mo at tulala ka diyan?" she asked, pouting.
Naging sobrang close na kami ni May sa nakalipas na mga araw at mas lalo ko pa siyang nakikilala.
Natutuwa akong nagkaroon ako ng kaibigan tulad niya. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng close na kaibigan dito.
So far, wala namang mga bullies dito. Lahat sila friendly or maybe yung mga blockmates ko lang, since sila lang naman ang nakakasalamuha ko araw-araw. At sana, ganito lagi. Hindi na sana magbago ang pakikitungo sa ‘kin ng mga tao dito.
Napalingon ako kay May at ngumiti ng tipid. "Wala, nami-miss ko lang yung lola't lolo ko."
She rolled her eyes. "Asus, pwede mo naman silang bisitahin, ‘di ba ?" sabi ni May.
Tumango ako. "Oo nga, kaso ang layo-layo. Isipin mo 5 hours ang biyahe papunta dun?" sabi ko na nakasimangot.
Hindi talaga ako mahilig bumiyahe nang matagal. Pagkatapos ilang araw lang ako dun. Kaya nga tiniis ko lang na mag-video call lagi sa kanila. I promised na sa semestral break ay bibisitahin ko sila.
Napaisip naman siya sa sinabi ko. "Oo nga 'no? Ako nga ‘di ko matalagan kahit isang oras kakaupo lang, limang oras pa kaya?" sang-ayon niya.
Natawa ako. "Baliw ka—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kay May nang biglang narinig ang marahang pagbukas at pagsara ng pinto sa may office malapit dito sa garden.
Ang lakas ng pagkakahampas ng pinto sa pader kaya gumawa ito ng malakas na tunog. Napatingin din ang ibang estudyante na nakatambay sa malapit.
Sino naman kayang bastos ang nagbukas ng pinto na 'yun? Hindi ba siya marunong mag-ingat? Paano kung masira ang pinto?
Napatingin ako at nakita kong lumabas ang isang lalaki na mabilis na naglalakad. Mapapansin mo rin ang mabibigat nitong hakbang. Pansin ko ang pagtahimik ng paligid.
Agad kong napansin ang laki ng katawan nito. Sobrang lapad ng balikat at halatang malalaki ang braso sa suot nito. Hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha dahil sa suot nitong hood.
Matangkad at malaki ang pangangatawan niya. Sa tingin ko pwede na siyang maging wrestler sa laki ng katawan nito. Or baka, wrestler si Kuya.
Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad palabas ng office. Bumukas ulit ang pinto ng pinaglabasan ng lalaki kanina at doon lumabas ulit na isang matandang babae. Si Ma'am Cruz, siya yung teacher namin sa chemistry!
"Mr. Welhem! Come back here! Hindi pa tayo tapos mag-usap! Wala ka talagang respeto! This is for your own good! You just have to take my chemistry class para makapasa ka sa ‘kin sa physics!" sigaw ni Mrs. Cruz.
Nakita ko namang patuloy pa rin sa paglalakad ang lalaking naka-hood at marahan na nilingon si Mrs. Cruz.
"To damn hell with that!" sigaw ni Mr. Hoodie.
Nagulat ako sa naging pabalang niyang sagot. Grabe, estudyante ba siya? Bakit niya sinasagot ng ganun si Ma'am? Professor niya pa rin ito at dapat galangin.
Nakakatakot din ang boses niya, lalaking-lalaking. Nakaka-intimidate pakinggan na pati ako nanindig ang balahibo nang marinig ito.
"No, Mr. Welhem, you're gonna attend my chemistry class or else hindi ka makakapasa sa subject ko at hindi ka makaka-graduate!" sigaw pabalik ni Mrs. Cruz.
Tahimik kaming nakatingin ni May sa dalawang nagbabangayan pati rin ang ibang estudyante na nakatambay na maiingay kanina ay napatahimik.
"Go to hell!" Yun lang sabi ni Mr. Hoodie at tuluyan nang umalis.
Parehas kaming napasinghap ni May sa naging sagot ng lalaki. Grabe, gano'n ba siya makipag-usap sa matatanda?
Nakita ko ang malalim na buntong-hininga ni Mrs. Cruz at pumasok ulit sa kanyang office. Kawawa naman si Ma'am. I empathize with her as a teacher. One day, may makakasalamuha din ako na ganung klase na estudyante. It takes hard work and dedication to be a teacher.
I looked around when I noticed the atmosphere became tense. Kanya-kanyang bulungan ito habang nakatingin sa dinaanan ng lalaki kanina.
I looked at May and gave her a questioning look.
"Sino 'yun? Kilala mo?" I asked.
She sighed heavily. "Si Carl 'yun, cliché man... sikat siya dito bilang bad boy ng Osium. Maraming takot d’yan sa kanya, napaka-basagolero kasi at laging galit. Walang sinasantong tao 'yan dito, mapababae ka man o lalaki pa, sinusuntok niyan at kung sino man ang bumangga sa kanya. Fourth year na siya at repeater. Alam mo bang it's his second time in this year? Hindi maka-graduate graduate. Ewan ko ba, pati mga teacher hindi nakakaangal sa kanya kasi napaka-empluwensya ng mga magulang niya,” sabi ni May.
"Oh..." was the only reply I gave.
Nakakatakot naman pala siya. Delikado kung makakasalubong ko siya dito. I can tell that he's also a bully. All my fears came back, now that I know of his presence in this school.
I'm scared.
Maraming nakwento sa ‘kin si May tungkol sa 'Carl' na 'yun. Kung pa'no na build-up yung reputasyon na 'bad boy' ng Osmium. He really is popular daw dahil din mayaman ito at marami din daw ang nagkakagusto dito despite his reputation.
"If I were you, ‘wag kang lumapit dun baka mapaano ka pa. Lalo na ngayon magiging kaklase na natin siya sa Chemistry," dugtong ni May.
Oo, magiging kaklase namin si Carl sa Chemistry tulad ng narinig namin kanina. In-announce kasi ni Mrs. Cruz kanina na magiging kaklase namin siya sa subject niya sa Monday. Grabe ang excitement ng mga kaklase kong babae habang sinasabi yun ni Ma'am, baliktad naman ang sa mga kaklase kong lalaki parang takot silang maging classmate sa chemistry si Carl.
Inisingit siya si Ma'am sa department namin kahit Criminology ang kurso niya. Tanging siya na lang daw ang nabe-behind sa subject na ito sa mga fourth year Criminology student.
I feel anxious. His mysterious aura gives me chills. Hindi ko pa siya masyadong kilala pero may magnet sa ‘kin na gustong malaman ang tungkol sa kanya.
Natahimik lang ako sa banta ni May. May parte sa 'king gusto ko siyang iwasan but some part of me want to know him better. To know him more.
Maybe, he has his own story to tell kaya siya naging ganun. Ano kayang mangyayari sa Monday? I hope it'll turn out just fine.
Carl, who are you?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro