Prologue
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, and incidents are just products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, persons, living or dead, is entirely coincidental.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form and in any means without the permission of the author.
This story may contain mature themes. Read at your own risk.
Prologue
Positive
Tulala ako habang hawak ang pregnancy test. Positive, iyan ang resulta. Halos hindi ako makapag-isip nang maayos. Hindi ko malaman ang gagawin. Pero alam kong kailangan kong kumilos. Kailangan kong magdesisyon.
Unti-unti kong dinala ang palad sa tiyan ko. Kaya pala madalas sumama ang pakiramdam ko nitong mga nagdaang araw. Nahihilo ako at nagsusuka rin. At 'yong weird cravings ko. Naghinala na ako sa sarili ko kaya naka-tatlong PT nga ako ngayon. At lahat ay iisa lang ang resulta.
Naiyak ako pero tumayo rin kalaunan. Lumabas ako ng banyo at nagsimulang mag-impake. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta hindi na puwede rito. Kasama ko rito sa dorm si Katrina, kapitbahay namin sa probinsya. Lalaki ang tiyan ko at makikita nila. Aabot sa pamilya ko na nagpapaaral sa akin dito sa Maynila.
"Oh, sa'n ka pupunta?" kakapasok nga lang ni Kat sa kuwarto namin.
Hindi naman talaga kami close. Hindi kami naging magkaklase noong high school kahit no'ng elementary. Nang nag-college ay pareho kaming may balak na mag-aral sa Manila kaya pinagsabay na kami ng parents namin.
"Ah, hindi ko pa pala nabanggit sa 'yo. Ano, ah, lilipat ako sa...Tita ko. Oo, sa Tita ko..." parang wala pa sa sarili na sabi ko sa kaniya. Nagpatuloy ako sa paglalagay ng mga damit at gamit ko sa luggage at saglit lang siyang tiningnan.
"Ha? Saan?" lumapit siya sa akin.
"Dito lang din sa QC," sabi ko.
"May Tita ka pala rito? Bakit nag-dorm ka pa?" tanong niya.
"Ah, hindi, ano...kakalipat lang nila..."
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagtango niya. "Sige,"
Hindi rin malapit ang mga magulang namin kaya hindi rin naman siguro niya mababanggit sa mga ito na lumipat ako. Talagang nagsabay lang kami noon papunta rito sa Maynila at nakahanap ng dorm na matitirhan. Hindi rin kami pareho ng course. At madalang lang magkita sa University.
"Mag-ingat ka," bilin ni Kat.
Nilingon ko siya at tipid na nginitian. "Salamat,"
Tumango siya.
Nakapagpaalam na rin ako sa may-ari. Nakapag-advance pa ako para next month pero hindi ko na kinuha. Naging maayos naman ang pagtira ko rito nang higit na isang taon.
"Biglaan?" Nakasalubong ko rin sila Thea pagbaba.
Tumango ako sa mga naging kaibigan na rin dito. "Oo, ah, si Tita kasi...wala silang masyadong kasama sa bahay..."
"Susunduin ka ba?" tanong ni Rose.
Umiling ako. "Hindi na, malapit lang naman. Mag-t-taxi na ako."
Tumango na sila. "Dalaw ka pa rin, ha. 'Tsaka kita nalang tayo sa Univ 'pag nagkita." ani Thea.
Pareho silang mga hindi ko kaklase sa eskwela. Minsan nga lang din talaga kaming nagkikita-kita sa University at may kaniya kaniya na rin kaming mga classmates at kaibigan doon.
Second year na ako sa kursong Accountancy. Bunso ako sa tatlong magkakapatid at ako nalang din ang nag-aaral. Pareho nang may asawa at kaniya kanyang pamilya ang mga nakatatandang kapatid ko. May lupa kami sa probinsya na taniman kaya may pampaaral sa akin ang mga magulang ko rito sa Manila.
Nagbuntong-hininga ako at kinagat nalang ang labing nanginig.
Nagsimula akong tumawid sa kalsada. Sinubukan ko nang pumara ng masasakyan kanina pero wala kaya naglakad lakad nalang ako. Hindi ko rin talaga alam kung saan ako pupunta.
Halos hindi ko namalayang tumawid na palang muli ako. Natigilan nalang ako sa lakas nang narinig na busina. Napatakip ako sa tainga. Unti-unti kong nilingon ang sasakyan na muntikan nang makabangga sa akin. Lumabas ang lalaking driver noong magarang kotse.
"Are you okay, Miss?" lumapit ito sa akin.
Pero bigla akong nahilo at unti-unting nagdilim ang paningin...
Nagising nalang ako na nasa isang kuwarto na ng ospital. Sinubukan kong bumangon pero pinigilan ako ng lalaki. Siya iyong muntik nang makasagasa sa akin kanina. Naalala ko.
"Let's wait for the doctor." pigil nito sa 'kin. "Here's your things." tinuro niya sa 'kin ang bag na dala dala ko.
Kumalma ako. Napatingin ako sa lalaki. Mukha siyang korean. Iyong tipo ng mga napapanood mong korean actors sa mga korean dramas. Ang puti rin niya. At mukha siyang mabait... Ngumiti pa ito sa akin.
"Hi! I'm Jackson..." pakilala nito. "I'm really sorry about earlier,"
Tumango ako. "Ayos lang,"
May pumasok na doktora at kinausap ako nito. Nasali rin si Jackson. Nalaman na rin nito na buntis ako. Nagkatinginan kami nang nakalabas na ang doktor. Puwede na rin akong lumabas ngayon. Nahilo lang talaga ako kanina. Siguro dahil na rin sa dami ng iniisip.
"What's your name?" tanong sa akin ni Jackson.
"Giselle..." mahina kong sagot.
Tumango siya. "Hey, Giselle, where do you live? Ihahatid na kita."
Umiling ako. "Wala... Hindi ko alam kung saan ako pupunta."
Nakatingin kami sa isa't isa. Mukha pa siyang nagulat. "What do you mean? Wait, did you..."
Umiling ako. "Hindi ako naglayas." Hindi naman... Umalis lang ako roon sa dating dorm dahil baka malaman ni Kat na buntis nga ako at umabot doon sa amin sa probinsya sa mga magulang ko.
"Okay..." ani Jackson. "You have no place to go...and you're pregnant,"
Tumango ako sa kaniya.
Natigilan kami nang parehong narinig na tumunog ang tiyan ko. Gutom na ako.
"Okay..." nagbuntong-hininga siya pagkatapos.
Pumasok ako sa kotse niya matapos niya akong pagbuksan ng pinto. Mukha siyang lito pero tinulungan niya ako. "I'm not really...sure. But..." tumingin siya sa 'kin nang nakapasok na sa driver's seat. Nagkabit naman ako ng seatbelt. "Okay." aniya at in-start ang sasakyan.
Hindi ko rin alam kung bakit ako sumasama sa kaniya. Siguro dahil hindi naman siya mukhang masamang tao. At gabi na at wala pa rin akong maisip na puntahan. Hindi naman ako ganoon kapalakaibigan. Sakto lang minsan sumasama ako kanila Kat lumabas. Naalala ko na naman yung gabi na 'yon na sumama ako sa kanila nila Thea na mag-party daw kami. Pumunta kami no'n sa isang club. At nalasing ako...
"I think you can stay in our place..." ani Jackson habang nag-d-drive.
"Uhm, salamat." nilingon ko siya. Nasa daan ang mga mata niya. Mukhang marami siyang iniisip.
Siguro kahit ngayong gabi lang. Magulo pa ang isip ko. Bukas mag-iisip na ako ng maayos sa mga hakbang ko. Sa ngayon ay kailangan ko ng tulong. Honestly, natatakot talaga ako. Hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko hanggang sa ngayon. Ang gulo. Parang gusto ko nalang umiyak nang umiyak.
"We're here." ani Jackson.
Nilingon ko ang bahay.
Malaki iyon. Bigla akong kinabahan. Sino ang nakatira rito? Nandito ba ang parents niya? Ano ang sasabihin ng mga ito na nag-uwi ng babae ang anak nila?
"Come in." pinapasok ako ni Jackson sa loob. Bumungad sa akin ang malapad na sala at halatang mamahaling mga gamit na naroon.
"You're hungry, right? Halika muna sa kitchen." giniya ako ni Jackson.
Tahimik ang bahay. Mukha ngang walang tao doon bukod sa amin ni Jackson. "Sino ang kasama mo rito?"
"Oh, they're not here yet. And I'm not sure if they'll be here tonight." Gumalaw na siya sa kusina habang pinaupo naman niya ako roon. "We don't really live here. But sometimes, yeah, dito rin kami umuuwi."
Nakatingin ako sa kaniya. Magluluto siya.
"Sino sila?"
Saglit niya akong nilingon. "My friends?" bumalik siya sa ginagawa. "They're actually my older brother's friends. But I'm welcome here, too."
Tumango ako. "Kung ganoon, parang tambayan n'yo ito?"
Tumango siya sa akin at ngumiti.
Napangiti rin ako. Ang gaan niya lang kasama at kausap. At ang cute, cute niya. Iyong cute na guwapo.
"What..."
Sabay kaming napalingon ni Jackson sa dumating. Agad iniwan ni Jackson ang ginagawa para lapitan ito. Napatayo naman ako.
"Kuya, let me explain-" lapit ni Jackson sa dumating.
Mula sa akin ay bumaling ang lalaki kay Jackson. Parang magkamukha sila... Mas matangkad at mas malaki lang ang pangangatawan nitong bagong dating.
"What are you doing? Have you forgot Gio's rule? We can't bring girls here-"
"I did not! I mean," nahirapan si Jackson sa pagpapaliwanag. Unti-unti akong lumapit sa kanila. Sumulyap muli sa akin iyong mukhang nakatatandang kapatid na siguro ni Jackson.
"She has nowhere to go, kuya..." tiningnan ako ni Jackson. Bumaling siyang muli sa kapatid. "She's pregnant-"
Nanlaki ang mga mata ng kuya ni Jackson. "Motherfucker!-" umamba itong susuntukin ang nakababatang kapatid.
"I'm not the father!" agap ni Jackson sa inisip ng kapatid. "I'm not, okay? I'm not!"
"Hindi po talaga siya," awat ko rin. Bumaling ito sa akin. "Sorry, po. Huwag kang magalit sa kaniya. Tinulungan niya lang ako."
Kumunot ang noo nito at naningkit ang mga mata sa kay Jackson sa tabi ko. "You-"
"Kuya, hindi talaga. Promise." ani Jackson.
"Sumunod ka!" pagkatapos ay tumalikod ito.
Binalingan naman muna ako ni Jackson. "Sorry. Stay here. Mag-uusap lang kami ng kuya ko." paalam niya.
Tumango ako at sumunod na siya sa kapatid niya. Naiwan akong mag-isa roon.
Nakabalik din si Jackson. Nakapagpaliwanag na siya sa kuya niya at nasabi ang nangyari. Tinapos niya ang pagluluto at pagkatapos kumain na rin kaming dalawa.
"Ang kuya mo?"
Umiling si Jackson. "He's fine."
"Hindi na ba siya galit?"
Umiling muli siya. "He's not, don't worry. Akala ko hindi sila pupunta rito ngayon. Pero okay na rin. Okay at si kuya ang unang dumating. At least siya nalang mag-e-explain kanila Daniel mamaya."
"Pasensya ka na."
Tumingin siya sa 'kin. "Nah. It's okay. No prob."
Muli akong sumubo ng pagkain. Masarap ang luto ni Jackson. Marunong pala siyang magluto.
"Korean ka ba? Kayo?" natanong ko.
Ngumiti si Jackson at tumango. Halos mawala pa ang mga mata niya dahil sa pagngiti. "Yeah. My Dad's Korean." aniya. "Lee. Jackson Lee."
Tumango ako.
"That was my brother, Felix Lee." pakilala niya sa lalaking nandito kanina. Ngayon ay nasa ikalawang palapag na raw nitong bahay. Nagpapahinga sa kuwarto.
"Where are you from?" tanong sa akin ni Jackson.
"Ah, nasa province ang pamilya ko. Nag-aaral lang ako rito sa Manila."
Tumango si Jackson na nakatingin sa akin. "You're alone here..."
Tumango ako. "Oo, umalis ako sa dorm na tinitirhan ko rito pagkatapos malaman na..." Tumango siya. "May ka-dormmate kasi ako na kapitbahay namin sa probinsya, uh, baka malaman sa amin..."
"So...you don't want your family to know..."
Tumango ako at napanguso. "Hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa kanila..."
Tumango si Jackson na parang naiintindihan niya ako. "You need time..."
Tumango ako.
"Where's your...baby's Daddy?"
Napayuko ako, umiling. "Hindi ko alam..." tahimik kong sagot.
Pagkatapos naming kumain ay may mga lalaki pang nagsidatingan. Dalawa ang mga ito. Nakababa na rin ang kuya ni Jackson. Nakatingin sila sa akin. Nagsimulang magpaliwanag naman ngayon ang kuya ni Jackson sa mga kaibigan.
Kung gano'n ay puro pala sila lalaki rito? Parang ngayon lang ako nahiya. At naging uncomfortable.
"Guys, this is Giselle. Gi, this is Gio, and Daniel." si Jackson.
Mukhang okay naman iyong Daniel. Pero yung Gio nakakapanlamig. "H-Hi," awkward kong bati sa maliit na boses. Nagkatinginan pa kami ni Gio pero agad din itong nag-iwas ng tingin at iniwan kaming lahat doon sa living room.
"Hi!" binati naman ako ni Daniel ng palakaibigang ngiti.
Napangiti rin ako. Mukha naman silang mababait.
"Careless driving again, huh?" baling nito kay Jackson na sinimangutan lamang siya.
"Bakit dito mo agad dinala? Why not in your pad?" tanong ni Daniel kay Jackson.
"No! You know our Mom." patuloy na simangot ni Jackson.
"Yeah. Surprise visits." Felix groaned.
Napapangiti ako kahit pinagmamasdan lang ang magkakaibigan. Mukhang close nga sila sa isa't isa.
Napatingin ako sa hagdan kung saan nakitang umakyat kanina iyong Gio... Ayaw niya ba na nandito ako? Ngayon lang naman...
"Don't worry. You can stay here for until when." Bumaling ako kay Daniel na nagsalita. Mukha naman itong Hollywood actor. Ang ganda pa ng mga mata niya. "Gio's the owner of this house but don't mind him." ngumisi siya.
"Yeah." nagkibit-balikat lang si Felix.
Ngiting-ngiti naman ngayon si Jackson sa naging desisyon ng mga kaibigan niya at kapatid. "Thanks, guys! She really needs a place to stay. Especially with her situation right now."
Tumango sila Felix at Daniel.
"Salamat." ngiti ko sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro