Epilogue
Epilogue
Kasal
"Sab? Michaela?" nagising nalang ako na nasa kuwarto na namin ni Gio ang dalawang babae.
"Good morning, Giselle!" ngiting ngiting bati nila sa akin.
Kunot naman ang noo ko. "Ano'ng ginagawa n'yo rito?" tanong ko.
Wala na rin sa tabi ko si Gio.
"May bridal photoshoot ka ngayon!" pagpapaalam sa akin ni Sab.
"Huh?"
"Oo," sang-ayon din ni Mica. "At sasamahan ka namin." anito.
"Ano? Teka, ano'ng nangyayari,"
"Tara na, Gi." hinila na nila ako paalis sa kama.
Wala na akong nagawa. Sumunod nalang ako. Naligo ako at sinuot ang isang mermaid style na puting gown. Sakto lang din sa dibdib ko ang halter nitong top. Inayos din nila Sab ang buhok ko at tinulungan ako sa makeup. Magaling si Mica sa pag-m-makeup. Natutunan din niya sa pagmomodelo.
Hinanap ko na rin si Gio. Sinubukan kong tawagan pero hindi naman sumasagot. Nakalimutan ko ba na may ganito pa pala kami ngayon?
Medyo inaantok at tinatamad pa ako. Hinawakan ko ang flat ko pa rin naman na tiyan at napangiti nalang.
"Mauna na kami, Gi, ha. Hintayin ka nalang namin sa baba, sa labas." ngiti nila Mica at iniwan na ako sa kuwarto.
Parang ang weird nilang dalawa ni Sab. Pinagkibit-balikat ko nalang.
Saglit ko lang pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin at napangiti sa hitsura at ayos. Pagkatapos ay sumunod na rin ako.
Pero wala na roon sila Sab. Nang nakalabas ako ng bahay ay si Jackson na ang naroon. Neat and clean sa kaniyang tuxedo na nakatayo sa labas ng dala niyang sasakyan. May guwapong ngiti sa mga labi.
Kahit bahagyang nangunot ang noo ko ay napangiti pa rin ako sa ayos niya.
Bigla kong naalala iyong unang pagkikita namin. Muntikan na niya akong mabangga ng kotse niya noon. Siya ang nagdala sa akin sa bahay ni Gio. At doon ko na rin nakilala sila Felix at Daniel. Lalo akong napangiti sa alaala.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya. Ano ba ang nangyayari?
Binati niya lang ako at giniya papasok sa sasakyan. Pumasok nalang din ako sa backseat. Nagmukhang driver ko naman tuloy si Jack sa driver seat.
"Nasaan na pala sila Sab at Mica? Kasama ka ba nila?" tanong ko habang nagmamaneho na si Jack.
"Nauna na sila. Susunod nalang tayo." sagot niya.
Napakunot nalang ang noo ko at bahagyang napanguso. Tiningnan ko ang phone ko. Wala pa rin kahit message galing kay Gio. Ano kaya ang pinaplano ng isang 'yon?
Umawang nalang ang bibig ko nang tinigil ni Jack ang sasakyan sa harap ng isang simbahan. Ito rin ang simbahan na napili namin ni Gio para sa kasal namin.
Nilingon ako ni Jack. May ngiti sa mga labi niya. "Your Groom is waiting for you inside." aniya.
"H-Huh?" Si Gio talaga! Hindi pa naman ngayong araw ang kasal namin, ah.
Unang lumabas ng sasakyan si Jack at pinagbuksan niya ako. Lumabas na rin ako at kumapit sa nilahad niyang kamay. Naroon na rin muli sila Sab na nakabihis na rin para alalayan ako. "Kayo talaga..." Hindi ko malaman ang sasabihin. I was stunned. Halos kakagising ko nga lang kanina sa bahay.
Ngumiti lang sa akin si Sab.
"I'm sorry, Gi. Na-weird-uhan ka siguro sa 'kin kanina dahil hindi ako halos nagsasalita sa loob ng sasakyan. I just don't wanna ruin Gio's surprise with my mouth." bahagyang ngumisi si Jack.
Napapailing nalang ako pero natutuwa na rin ang puso ko sa nangyayari.
Giniya na nila ako. Bumukas ang large doors ng simbahan kasabay ng isang magandang musika. Unti-unti akong naglakad sa may kahabaang aisle. Hawak ang isang wedding bouquet na binigay sa akin ni Sab. Diretso ang mga mata ko kay Gio na naroon na nga at naghihintay sa akin sa altar.
Ang guwapo nito sa suot na puting suit. At may ngiti sa mga labi. Katabi ni Gio si Kuya Silvester. Nakita ko na rin sila Felix na royal blue naman ang suit gaya sa suot din nila Jack at Daniel. Ang mga bridesmaids ko naman ay nakasuot din ng kulay blue. Ganoon din ang ate ko na siya namang matron of honor. Naroon na rin sila Nanay, ang pamilya ko, ang pamilya ni Gio, sila Tita Clara. Pare-parehong may mga ngiti sa labi para sa amin ni Gio.
Kalagitnaan ng marahan kong paglalakad patungo kay Gio ay naging emotional na ako. Nakita kong ganoon din si Gio na may luha na ang mga mata habang hinihintay ako. Nakatingin lang din siya sa akin.
"May plano ka na palang ganito?" sabi ko sa kaniya nang tuluyan na akong nakalapit sa kaniya.
Inabot ni Gio ang pisngi ko para punasan ang luha. Inabot ko rin ang pisngi niyang may luha rin. Napangiti nalang kami sa isa't isa.
"I just want to surprise you, too." aniya.
Tumango ako. "I love you." sabi ko sa kaniya.
"I love you, too." hinalikan ako ni Gio sa noo.
Yumakap na rin kami kanila Nanay at Tatay, at sa Dad ni Gio. Pagkatapos ay humarap na rin kami sa Kaniya.
Inalala ko ang mga nangyari sa amin ni Gio. Iyong gabi na nalasing ako sa club na iyon. Ang kinabukasan noon na nagising nalang ako sa tabi niya at may nangyari na sa amin. Noong nalaman kong nabuntis ako. Noong nagkita kaming muli ni Gio at nalaman kong siya ang ama ng anak ko. Hindi nga iyon lahat puro saya. Si Van...palagi siyang nasa puso naming mga nagmamahal sa kaniya.
Ang lahat ng iyon ay nagdala sa amin ni Gio kung nasaan kami ngayon. Kabilang na ang sakit.
Sabi nila mabuti rin daw ang sakit. Pain makes you feel alive. Dahil may nararamdaman ka. Nasasaktan ka dahil totoo kang nagmamahal. And we might not appreciate happiness if there's no pain.
Paano natin masasabing masaya nga tayo kung ni minsan ay hindi natin naranasan ang sakit o kalungkutan at pagkabigo...
Kaya ayos lang. It's okay to be sad, to experience pain, or failure. It makes us stronger. And make us appreciate life more. It is living.
Sinelyuhan namin ni Gio ng halik ang mga pangako namin sa isa't isa.
"Picture!" anang photographer.
Pumuwesto kami ni Gio sa gitna. Tumabi sa amin ang pamilya ko ganoon din ang pamilya ni Gio para sa pictures. Sumunod ang mga kaibigan namin. Hanggang sa isang kasama lang namin ni Gio sila Jackson, Felix at Daniel sa picture.
I smiled beautifully at camera beside these four gorgeous men. Gorgeous inside and out.
AUTHOR'S NOTE: Hello, readers! I did not proofread this, sorry. This is the end. I hope you continue to support my works. Writing has been a part of me since I was little. I might have failed in many things, and I consider writing as one of my strength. Thank you for giving me the confidence to continue creating these stories, with the hopes that somehow it will also reach you. Please consider errors for I am still learning. I will never stop learning and will always aim to be better. Just give me the chance to grow. Thank you! Stay safe!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro