Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9

Parents


Sinakay nalang ako ni Gio sa sasakyan niya ay parang wala pa rin ako sa sarili. Sumunod siyang pumasok sa driver's seat at nag-drive paalis doon sa lugar. Nasa harap sa daan lang ang mga mata ko.

Walang nagsasalita sa amin. Pero ramdam ko rin ang mga pagbaling niya sa akin. Hindi ko siya binalingan kahit isang beses. Nanatili akong tahimik at tulala sa daan.

Pagkarating sa bahay ay diretso lang ang labas ko sa kotse niya at pasok sa loob. Maagap niya akong hinabol at hinawakan sa siko. Tumigil din ako at hinubad ang coat niya na pinasuot niya rin sa akin kanina. At binigay iyon pabalik sa kaniya.

"Giselle," aniya.

Hindi ko siya tiningnan at muli lang tinalikuran. Pero hinawakan at pinigilan niya akong muli.

"Giselle, please, I'm sorry. I'm sorry..." sumamo niya.

Tiningnan ko siya. Halos ngayon ko lang din ulit siya nakita. Namuo ang luha sa mga mata ko.

"Giselle..." aniyang mukhang nahihirapan. "I'm sorry... When I saw you again...after that night...here in my house, and knew that you're pregnant...I got so scared..." May mga luha na rin nagbabadya sa mga mata niya.

"I didn't know what to do... And you don't remember me... I'm scared I'd fail. I don't know if I can be a father. What if I'll mess up? I'm a mess, Giselle."

"At tingin mo hindi ako natakot?" Hindi siya nagsalita. "Natatakot din ako. Pero hinaharap ko ito. Tama si Felix. Duwag ka, Gio."

Magkakasabay na dumating sila Felix, Daniel at Jack. Mabilis na nilapitan ni Daniel si Gio at sinuntok. Inawat siya ni Felix. Si Jack naman ay nilapitan ako at giniya paakyat sa hagdanan.

"Fucking asshole! You don't deserve Giselle and her child!"

Narinig ko si Daniel pero pumikit nalang ako kasabay ng pagbuhos ng luha at hinayaan si Jack na dalhin ako sa kuwarto ko.

"Are you okay, Gi?" tanong ni Jack. "Stupid!" aniya sa sarili. "Of course you're not okay." nagbuntong-hininga siya. "What can I do now to possibly make you feel better?" aniya na mas kausap ang sarili.

"Iwan mo nalang muna ako, Jack." sabi ko sa kaniya.

Umiling siya.

"Please, Jack." paki-usap ko. "Kaya ko ang sarili ko. Hayaan n'yo muna ako."

Wala rin siyang nagawa at tuluyan kong napalabas sa kuwarto ko at ni-locked ang pinto. Napasandal ako sa kakasarang pinto sa panghihina. Dinala ko ang mga kamay sa tiyan ko. Muli lang akong lumuha pa.

Hindi na ako lumabas pa sa kuwarto. Kahit pa ilang beses din akong kinatok nila Daniel. Kinabukasan ay hinatdan ako ng agahan ni Jack. Pinagbuksan ko naman siya. Kailangan ko pa rin kumain para sa baby ko.

"Salamat, Jack." sabi ko sa kaniya at tinanggap ang tray. Hindi ko na siya pinapasok sa loob ng kuwarto.

"Gi, just tell me if you need anything, okay?" aniya.

Tumango lang ako.

Tumango rin siya at iniwan na ako.

Nang mag-lunch ay muli akong kinatok ni Jack sa kuwarto. "Gi, nakaalis na sila kanina pa. Tayong dalawa nalang ngayon ang nandito sa bahay. You might want to go downstairs and we can have lunch together? I cooked your favorite." aniya.

Hindi na yata siya nakapasok ngayon sa University nila. Pinagbuksan ko siya at sinalubong niya ako ng ngiti. "They already left for work." aniya.

Sumama nalang ako sa kaniya sa kusina para makakain na rin kami.

Wala na nga ang tatlo sa bahay at kaming dalawa lang ni Jack ang naiwan doon. Para akong nakahinga. Hindi ko alam kung mahaharap ko ba si Gio ngayon pagkatapos ng nalaman ko na mukhang may alam din si Felix. Hindi ko naman sigurado kay Daniel.

"Wala akong alam, Gi. I didn't know until just last night, kay kuya ko lang nalaman." iyan naman ang sabi sa akin ni Jack.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain hanggang narinig namin ang doorbell. Tumayo si Jack para pagbuksan iyon. 

Patapos na rin akong kumain kaya lumabas na rin ako ng dining at baka sila Gio ang dumating at nakabalik na.

Nag-isip na rin ako ng pag-alis ko rito sa bahay ni Gio. Siguro ay sasabihin ko na talaga kanila Nanay para makauwi na rin ako sa amin. Wala naman na talaga akong mapupuntahan kung 'di ang pamilya ko. At the end of the day, ang pamilya pa rin natin ang mauuwian natin. At handa na akong tanggapin ang kahit na ano pang disappointment o galit mula sa kanila. Kasalanan ko rin.

"Is Giovanni here?" boses ng isang babae iyon.

Napalapit naman ako sa pinanggalingan noon at nakita ko ang likod ni Jack na may kausap ngang babae. "He's not here. Bakit hindi ka dumiretso sa office niya? He's at work." ani Jack sa magandang babaeng kaharap.

"Bigla nalang kasi siyang nawala kagabi sa engagement party namin." anang mahinhin na boses nito at lumipat ang tingin sa akin.

Nagkatinginan kami. Maganda siya at halatang mayaman sa pananamit pa lang at bag na dala. Nilingon din ako ni Jack. Tapos muling binalingan iyong babae. "He's not here. You can leave." pagpapaalis ni Jack dito.

"Jack," tawag ko. At pigil na rin dahil parang nagiging rude siya roon sa babae. Kung hinahanap nito si Gio at gustuhin nitong hintayin si Gio rito sa bahay nito ay tingin ko ayos lang naman iyon at wala kaming karapatan na paalisin siya lalo at bahay naman ito ni Gio.

At...siya ba iyong fiancée ni Gio.

Pero patuloy lang siyang pinapaalis ni Jack kaya sinaway ko na ito. "Jack," tawag at saway ko.

"O-Okay," anang babae. "Pupuntahan ko nalang siguro siya sa office niya ngayon,"

"Yeah." patuloy ni Jack sa pantataboy dito.

Tumango na iyong babae at halos naiiwan pa sa akin ang tingin bago tuluyang tumalikod at pumasok sa sasakyang may lalaking mukhang bodyguard ang nagbukas sa kaniya ng pinto.

Umiling-iling si Jack at nilapitan na ako. "Pasok na tayo sa loob, Gi. Mainit dito sa labas." aniya at giniya na ako sa loob ng bahay.

Naiisip ko pa lang na tumawag sa pamilya ko sa probinsya ay naunahan na ako ng tawag din ni Nanay. Agad akong inatake ng kaba.

"Gi, are you okay?" ani Jack nang nakita ang reaction ng mukha ko. Napatingin na rin siya sa phone ko na patuloy ang pag-ring.

"Gi..." aniya.

Sinagot ko nalang ang tawag. "'N-nay..."

"Giselle," malamig ang boses ni Nanay sa kabilang linya. "nasaan ka ngayon? Nandito kami ng Tatay mo sa Maynila. Wala ka rito sa dorm mo. Nabanggit sa amin ni Katrina na lumipat ka na raw at hindi ka na rin pala pumapasok sa eskwelahan. Kaya lumuwas kami ng Tatay mo."

Agad namuo ang luha sa mga mata ko. "N-Nanay-"

"Nasaan ka ngayon?" bahagyang tumaas ang boses ng Nanay.

"Gi,"

Nag-angat ako ng tingin kay Jack at nakita ang pag-aalala niya. Umiling ako.

Kitang hindi rin siya sigurado nang inagaw niya sa 'kin ang phone ko at siya na ang kumausap kanila Nanay.

"I-I'm Giselle's friend, po," natigilan siya. "She's staying with us- Y-Yes, po, opo, I-I can tell you the address."

Nagkatinginan kami ni Jack pagkatapos ng tawag sa parents ko.

Mabilis niyang nilabas ang phone niya pagkatapos at may tinawagan. "Kuya!" Mukhang si Felix iyon.

Nanatili lang akong nakatayo roon sa living room kasama si Jack at kabadong-kabado. Sinabi na ni Jack kanila Nanay itong address at pupunta sila rito. Para akong hihimatayin.

"Just come here right now! And Gio, too! Especially him! Papunta na raw dito sa bahay ang parents ni Giselle! Yes! They just called! At kasama ang Tatay ni Gi! Baka mapagkamalan akong nakabuntis sa anak nila. Kuya, ayaw kong masuntok!" kausap ni Jack kay Felix sa phone.

Ilang minuto pagkatapos ng tawag na ginawa ni Jack ay tumunog na muli ang doorbell. Nagkatinginan kami at parehong may labis na pag-aalala sa mga mukha. Hindi namin alam kung sila Felix o ang mga magulang ko na ang nasa labas.

Mariin na napapikit si Jack at tinungo na ang pinto. Sumunod naman ako sa kaniya. Pakiramdam ko ay nahihilo ako at bigla na lang mahihimatay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro