Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7

Father


"Paano kayo nagkakilalang apat?" natanong ko kay Daniel nang nag-aayos kaming dalawa ng baby room. Sa paglilinis ay may napulot akong isang lumang picture nilang apat siguro noong nasa High School pa lang sila sa litrato.

Bumaling sa akin si Daniel. "Sila Gio at Felix ang unang naging magkaibigan. Elementary pa lang. I met them in high school. Si Felix din ang nagpakilala sa amin ni Gio. Felix's friendly at tahimik naman si Gio." kuwento niya.

At nakilala nalang din siguro nila si Jack dahil kapatid ito ni Felix.

Hindi na nga umuuwi sa bahay si Gio. Si Daniel at Jack lang ang madalas kong kasama sa bahay. Ayaw ko siyang hanapin. Hindi dapat. Lalo na ngayon na magpapakasal na pala siya. Ang akala ko ay wala siyang girlfriend. Pero ang sabi naman ni Jack fixed marriage raw ang mangyayari. Hindi rin nila kilala 'yong babae na galing rin sa mayamang pamilya.

"Are you okay?" Daniel asked beside me.

Bumaling ako sa kaniya at sinubukang ngumiti. "Oo naman, bakit?"

Umiling siya at ngumiti na rin.

Pinagpatuloy na lang namin ang pag-aayos sa magiging kuwarto ng baby.

"No way, Mom! No way!"

Hindi sinasadyang narinig ko si Jack na may kausap sa phone niya isang araw. Kakababa ko lang ng hagdan at nasa sala siya nakatalikod sa akin habang patuloy na nakikipag-usap sa phone.

"What?! No!- I'm sorry! I'm not shouting, okay?! You're just really freaking me out right now, Mom!" ani Jack sa kausap na mukhang Mommy nila ni Felix.

"It's not just a date! I know! You're already arranging a marriage for me! Bakit ako? Bakit hindi muna si kuya? He's older! I don't wanna marry yet, Mom- Im not overthinking! I know you-" napasabunot si Jack sa buhok niyang medyo humaba na rin.

"I can't! I'm-" nalingunan niya ako. "I can't, Mom! I can't go on a date with anyone anymore.- Why? Because I already got someone pregnant!" sinabi nalang niya na parang hindi pinag-iisipan.

Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Yes, Mom, Im not kidding!- I'm not! You're going to be a grandma."

Parang pagod na pagod si Jack matapos niyang ibaba ang tawag. Napaupo siya sa sofa.

"Jack..."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at apologetic ang mga mata. Umiling siya. "I'm sorry, Gi,"

Kaya naman isang araw ay nasa isang mamahaling restaurant nalang kami kung saan may reservation din at hinihintay namin ang Mama ni Jack...

"Jack," bumaling ako sa kaniya. "Ayaw ko talagang magsinungaling sa Mama mo. Mali iyon. At magagalit siya sa atin." sabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa. "Please, Gi. Ipapakasal niya ako sa kung sino. Ayaw ko pa. Ayaw ko! I'm still young and still enjoying my life." nagbuntong-hininga siya. "Bakit kasi hindi si kuya ang ipakasal niya. Tsk."

Iyon ang naabutan ng Mama ni Jack na ayos namin ng anak nito. Nakahawak pa si Jack sa kamay ko. Agad kaming napatayo para batiin ang ginang na dumating.

"Mom," si Jack.

"G-Good evening, po." agad na akong nakadama ng kaba at konting takot.

Matangkad at parang sa isang model ang katawan ng Mommy ni Jack kahit pa may edad na rin ito. Halatang mayaman ito kung titingnan. Lahat sa kaniya mula ulo hanggang paa ay nagpapakita ng karangyaan sa natural na paraan.

Nakaangat pa ang kilay nito ng ilang sandali sa amin ng anak niya.

"Mom, this is Giselle Anne Reyes..." pinakilala kami ni Jack.

"Have your seats." anang Mommy ni Jack na nauna nang umupo at medyo nagtagal din kaming nakatayo ni Jack doon sa harap nito.

Maagap din naman kaming sumunod. Nakita ko kanina ang pagsulyap nito sa tiyan ko.

"Mom-"

"Kailan pa ito, Jackson? Malaki na ang tiyan niya. Kailan mo balak na sabihin sa amin, sa akin, ha?!"

Nagulat naman ako roon. Hindi ko inasahan. Medyo nawala yata ang poise ng Mommy ni Jack. Parang kanina lang ay kalmado pa ito at biglang parang sumabog.

"Mom," si Jack na mukhang problemado sa tabi ko.

"Jackson Lee!"

Halos mapatalon ako sa upuan ko.

"Mom, please! It's already here! What will you do?"

Matalim ang tingin ng Mommy ni Jack sa anak. "What will I do? I will throw you out and have this girl here instead as my daughter! How dare you just hid her?! Kung hindi pa siguro kita sinabihan na makipag-date noong isang araw ay hindi mo pa mababanggit o maaamin ito! Nako, tumataas ang dugo ko sa 'yong bata ka. Give me my phone." anito sa katabing mukhang sekretarya.

Nagmadali naman ang babae sa pag-abot noon sa amo. "Here, Madame."

Kinuha nito ang phone at nilagay sa tainga. "Felix,"

Nagkatinginan kami ni Jack.

"I'm here with your brother and his girlfriend. She's pregnant. Yes, may alam ka ba rito?"

Huminga ang ginang. "Sinabi ko na rin ito sa Dad ninyo, yes, we'll set a formal dinner at home." saka binaba ang tawag.

"Walang alam ang kuya mo." Naningkit ang mga mata nito. "Your father wants to meet your girlfriend, too. Sa bahay na tayo mag-usap pa." anito at tumayo na. Nagulat pa ako nang ngitian ako nito. Kaya hindi na ako nakapag-react agad. Pagkatapos ay tinalikuran na kami kasunod ang secretary.

"Ma'am," hahabulin ko pa sana para makapagpaliwanag nang maayos para na rin kay Jack. Hindi talaga tama ito.

Pero maagap akong pinigilan ni Jack at hinawakan sa kamay. Umiling siya. "Please, Gi."

Nakaalis nalang ang Mama niya.

Nagbuntong-hininga ako. "Jack, ayaw mong magpakasal pero paano kung ipakasal tayo ng Mama mo? Ng parents mo? Ano na ang gagawin mo? Wala talaga itong magandang dulot." umiling ako.

Napahilamos nalang si Jack sa mukha niya. Halos hindi na rin namin nagalaw ang mga pagkain sa mesa. Umalis lang din kasi agad ang Mama niya.


"I'm really sorry, Gi. Dinamay pa kita sa gulo ko." ani Jack isang araw nang mukhang natauhan na.

Nagbuntong-hininga ako at nginitian siya. "Magpaliwanag nalang tayo ng maayos sa parents mo. Sabihin mo sa kanila kung ano talaga ang gusto mo."

"Alam mo ba ang sabi sa akin ni Felix dapat ay nagsasabi ka raw sa kanila. Hindi iyong sumusunod ka lang sa sinasabi o pinapagawa sa 'yo." sabi ko sa kaniya.

Nakatingin siya sa akin. "Sinabi sa 'yo 'yan ni kuya?"

Tumango ako. "Oo." at ngumiti sa kaniya.

Nagpunta kami sa dinner na s-in-et ng Mommy ni Jack. Hindi para patuloy na magsinungaling kung 'di magpaliwanag na. Tatanggapin namin ang magiging galit lalo ng Mommy niya dahil hindi pa rin namin agad nasabi ang totoo noong nakaraan.

Malaking malaki ang bahay nila Jack. Mas malaki pa sa bahay ni Gio. 'Tapos ang dami pa nilang maids na sumalubong din sa amin ni Jack nang dumating kami.

"What the..." natigilan si Jack papasok sa kanilang malaki rin dining area.

Napatingin din ako sa mga tao na naroon. Umawang ang labi ko nang nakitang naroon silang lahat. Bukod sa parents ni Jack at kay Felix na inasahan na namin ay naroon din sila Daniel at Gio...

Hinawakan ni Jack ang kamay ko at hinila na ako paupo sa isa sa mga dining chairs ng long table. Bumati rin kami sa parents niya.

"I invited your friends. Para hindi naman boring kung tayo lang." ngumiti sa akin ang Mommy ni Jack. Maganda ang ngiti niyang iyon at mukhang nagsasabi pa na masaya siyang makita akong muli.

Tahimik ang mesa. At si Jack lang ang bumasag ng katahimikan. Napatingin ako kay Gio na tahimik lang din at nasa pinggan niya ang tingin.

"Mom, Dad," panimula ni Jack. Kabado siya kaya hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Humugot siya ng hininga. Bumaling siya sa Mommy at Daddy niya na mukhang pormal lang din naman. "I'm sorry." aniya.

Nakita kong napainom ng tubig si Felix sa water goblet niya.

Pareho rin tahimik si Gio at Daniel na mukhang naghihintay lang din sa sasabihin ni Jack sa tabi ko.

"I lied. Giselle isn't really my girlfriend, and I'm not the father of her baby." diretsong sinabi ni Jack.

Tumingin siya sa akin at nginitian ko siya para gumaan kahit papaano ang loob niya. Alam kong nahihirapan siya ngayon.

Wala talagang nadudulot na maganda ang pagsisinungaling. Iisipin mo pa ang naging mga kasinungalingan mo at gagambalain ka nito hanggang sa pagtulog. Problema lang ang dala sa 'yo ng pagsisinungaling.

"What?!"

Napabaling kami sa Mommy ni Jack. Mukhang nanghihinayang ang mukha nito. Umiling ito. "No...I was already ready to be a grandmom, 'tapos ganito?"

Maagap naman na inalo ng Daddy ni Jack sa tabi ang asawa.

"I'm sorry, Mom, Dad. Ayaw ko lang po talagang makipag-date at magpakasal gaya ng alam kong pinaplano ni Mommy. I'm still young...I still wanna do so many things... I will marry in time, don't worry."

Parehong nakikinig ang parents ni Jack sa kaniya.

"And...I want to try Culinary, too." tumingin si Jack sa parents niya. "I really want to."

Nakita ko ang ngiti ni Felix na mukhang mas naging proud pa sa kapatid.

Nagkatinginan si Mr. at Mrs. Lee.

"You should've told us even before, son." nagsalita ang Daddy ni Jack. "I didn't know that you don't like our business."

Umiling si Jack. "Not really, Dad. I also wanna help kuya with our business in the future. And if one day I'll open my own business, a restaurant maybe? Makakatulong pa rin po ang inaral ko na business."

Tumango ang Daddy ni Jack sa sinabi ng anak. Korean ito pero mukhang marunong din naman ng tagalog. Siguro ay natuto na rin, lalo pa at Filipino ang asawa nito.

"I'm sorry din, po." sabi ko.

Umiling sa akin si Jack. "Wala pong kinalaman si Giselle dito. This is my own doing. Tinulungan niya pa nga ako. If it's not for her I wouldn't have the courage to face you tonight and tell you these things. What I really want."

Bumaling sa akin ang Mommy ni Jack. Kinabahan naman ako. "Kung hindi ang anak ko...sino ang ama ng baby mo, hija?" tanong nito sa akin nang mukhang may pag-aalala. "Ikaw ba, hijo?" Bumaling ito kay Felix na nabulunan naman sa iniinom na tubig.

"What, Mom? No!" sumulyap si Felix kay Gio na nanatiling tahimik.

"It's me, Tita. I'm the father."

Nanlaki ang mga mata ko kay Daniel. "Daniel..." naibulong ko.

"Oh," tumango tango ang Mommy nina Jack at Felix. "Ikaw talaga!" baling nito kay Jack sa tabi ko. "Kung ano ano'ng pinaggagawa mo. Nakakahiya na tuloy dito kay Daniel."

Pagkatapos ng dinner na iyon at nang nakauwi na kami sa bahay ay agad kong kinompronta si Daniel. Si Felix at Jack ay nagpaliwan doon sa bahay nila at mukhang mag-uusap pa silang pamilya. Hindi naman umuwi si Gio rito sa bahay at nag-drive nalang siya kanina paalis pagkatapos ng dinner. Hindi na rin kami nakapag-usap.

"Ano yung sinabi mo kanina sa parents nila Jack? Alam mong hindi totoo iyon." sabi ko.

"Gi," kinuha niya ang kamay ko at hinawakan. "We can...try, you know. I can be a father to your child." aniya.

Umiling ako. "Daniel..."

"Hindi kita minamadali, Giselle. I can wait. We can wait. And see if it will work. Puwede nating bigyan ng buong pamilya ang baby mo."

Umiling pa rin ako. "Hindi ko alam, Daniel,"

Tipid lang siyang ngumiti.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro