Chapter 6
Chapter 6
Getting married
"Gio," pinakita ko sa kaniya ang sonogram na bago.
Tinanggap naman niya iyon at napangiti nang nakita.
"Lalaki ang baby." sabi ko sa kaniya.
Nakangiti siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Really?"
Tumango ako.
Niyakap niya ako. Hindi naman agad ako nakagalaw. Pero niyakap ko rin siya pabalik. Mukha siyang pagod.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko habang magkayakap kami.
Pinakawalan niya ako. "I'm sorry." aniya na nakatingin sa akin.
"Hmm? Bakit?" medyo nagtaka naman ako.
Nakatingin siya sa akin. Tapos ay umiling. "I'm sorry I've been busy lately. Hindi na kita nasamahan sa checkup mo."
Umiling naman ako. "Ayos lang 'yon. Naiintindihan ko naman na kailangan ka sa trabaho mo, sa company n'yo. 'Tsaka sinamahan naman ako ni Daniel kaya hindi ako mag-isa."
"I should thank Daniel then." aniya.
Tumango ako. "Nasaan nga pala si Felix? Hindi ko na siya nakikitang umuuwi rito sa bahay mo."
Hindi makatingin sa akin si Gio.
"Gio?"
Umiling siya. "He's busy." nagbuntong-hininga.
Tumango nalang ako.
Iyon ang huli muling nakita at nakausap ko sa bahay si Gio. Si Felix naman ay ganoon pa rin at mukhang wala na yatang balak umuwi o bumisita man lang sa bahay...
Si Daniel ang madalas kong kasama. Si Jack kasi ay naging abala rin sa studies niya. With Latin honors din pala na ga-graduate ang isang 'yon. Mukhang hindi lang halata. Mukhang hindi naman kasi seryoso iyon. Para lang batang mabait at cute si Jack. Hindi ko pa nga ma-imagine na magkaka-girlfriend siya. Baby talaga ang tingin ko sa kaniya. Pero alam ko rin na darating din ang araw na iyon. Dasal ko lang ay mapunta siya sa mabuting babae. Sila nila Felix, Daniel...at Gio.
"What do you think?" pinakita sa akin ni Daniel ang progress ng nursery na pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraan.
Napangiti ako. "Ang ganda na nito, Daniel."
"Maybe we can add more stuffs here." aniya na may tinurong parte sa kuwarto.
Tumango lang ako. Si Daniel lang ang gumawa rito. Halong iba't ibang shades ng blue ang mga pinturang ginamit niya. May cabinets na rin at ang kakalagay niya lang na crib na siya rin ang bumili.
"Sobra na ito, Daniel." sabi ko at hinarap siya.
Nagkatinginan kami at nanatili ang tingin niya sa akin.
"I'm proud of you, Gi." aniya.
"Huh?"
"Tinuloy mo pa rin kahit pa natatakot ka. And you're still too young. Hindi mo pa kilala kung sinong gago yung Daddy ng baby mo. But here you are, tinuloy mo pa rin. That's why I'm proud of you. Not all women are willing to take risks or face the same situation where you are right now."
Wala akong nasabi agad.
Pinunasan ni Daniel ang kamay niyang may konting paint galing sa ginagawa niya rito sa kuwarto ni baby.
"My...my ex-girlfriend did not..." umiling siya, nasa mga kamay niya na nililinisan ang mga mata. "I want to understand her... We were young then. We were still in college. She has dreams...I know...pero hindi ba ako kasali sa mga pangarap na 'yon? Ang anak namin...huli ko nang nalaman that she was already pregnant nang nawala na 'yung baby."
Parang hindi ako makahinga nang maayos sa mga narinig sa kaniya. "Daniel..."
Tumalikod siya.
Sinundan ko naman siya. "Daniel, a-ano'ng nangyari sa bata..."
"Pina-abort niya." nag-igting ang panga niya.
At bago iyon sa akin. Ang Daniel na nakilala ko ay parang palaging nakangiti. Kasama ang parang pagngiti rin ng mga mata niya kapag ngumingiti siya. Parang ang carefree niya lang tingnan. Pareho sa mga pictures niya. Kaya pala parang pamilyar rin siya sa 'kin kahit noong unang beses pa lang na nagkakilala kami. Siguro ay nakikita ko na rin si Daniel Guzman sa mga billboards noon. Model din kasi siya.
"I didn't know, Gi... She didn't even tell me."
Nakita kong nahihirapan siya.
Kung titingnan mo silang apat, parang ayos lang ang lahat. Parang nasa kanila na ang lahat. Kasikatan, karangyaan... Halatang maraming babae ang nagkakandarapa sa kanila. Maayos nilang nagagawa ang mga kailangan nilang gawin. Pero may tinatago rin pala sila sa loob nila.
Mga bagay na gaya ng kung ano talaga ang gusto nila, mga sakit ng nakaraan, at iba pang lihim. Unti-unti ay nakikilala ko ang mga lalaking ito. Masasabi kong hindi sila perpekto pero mabubuti silang tao. Dahil kung hindi ay hindi nila ako kinupkop. Kung masasama sila wala sila ngayon dito sa harapan ko.
Naniniwala akong wala namang taong natural na masama. Minsan siguro nakakagawa lang tayo ng mali, nakakapagsinungaling, dahil sa napakaraming rason. Hindi natin alam. Wala tayong alam sa buong pinagdadaanan ng kapwa natin. Kaya hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit madali pa rin para sa iba ang agarang panghuhusga.
Ang tao ay nagkakamali rin. Ang mahalaga ay ang kagustuhang maitama ang mali at magbago para sa mas ikabubuti. Alam kong marami pang kayang gawin ang apat na kalalakihang ito. At ang past nila ay dapat manatili nalang sa nakaraan. They can do so much better. We can do better. Basta magpapakatotoo lang.
Niyakap ko si Daniel. Yumakap din siya sa akin. Sinubukan ko siyang aluin. Balang-araw, alam kong tuluyan din siyang makakawala sa hindi maganda niyang nakaraan. Matututo siyang magmahal muli at magtiwala. At sa panahong 'yon ay tama na ang lahat.
Hindi naman ibig sabihin na nagkamali ka sa susunod ay ganoon pa rin. Dahil maaring mali ngayon pero puwede pa namang maitama...
"If only I knew..." umiiyak siya.
"Sshh, Daniel... Hindi mo kasalanan. Nangyari na... Kung may magagawa ka man ngayon iyon ay ang pakawalan ang nangyari. Para na rin sa sarili mo. Wala naman kasi tayong kapangyarihan na maibalik at baguhin ang nangyari na..."
Umiyak lang siya sa balikat ko.
Iyon ang natutunan ko sa nangyari sa akin. Masakit iyong nangyari kay Daniel. Pero kung hindi tayo matutong mag-let go sa mga bagay na wala tayong kontrol ay patuloy lang din nating pahihirapan ang sarili natin.
Ang kailangan ay tanggapin na lamang ang mga nangyari na... Dahil minsan malupit din ang mundo. Patuloy lang ito sa pag-ikot at kung hindi mo iaahon ang sarili mo ay mananatili kang nakalubog hanggang sa nalunod ka na. Dahil hindi hihinto ang mundo para sagipin ka sa pagkalunod mo. Patuloy ito sa pag-ikot kaya kailangang magpatuloy ka rin. Dahil kung hindi ay maiiwan ka.
"Gusto mo bang sumama sa loob?" tanong ko kay Daniel na siyang sumama sa akin muli sa doktor.
"I can?"
Ngumiti ako sa kaniya. "Oo naman."
Nasa tabi ng higaan ko si Daniel habang naka-ultrasound ako. Tsini-check ni Doctora ang baby ko.
"Parang...mahina ang puso ng baby," anang doktor.
"Po?" agad akong naalarma.
Maayos naman noong huling punta ko rito.
Hinawakan ako ni Daniel.
"Doc, ano po ang ibig ninyong sabihin? Ang baby ko? Okay lang siya, 'di ba?"
"Yes. We will run more tests to be sure."
Natakot na ako. Ayaw kong may mangyaring masama sa anak ko. Excited na akong makita siya. Hindi ko yata kakayanin kung... Napapikit ako.
"Gi, are you okay?" tanong sa akin ni Daniel nang nakapasok na kami sa kotse niya.
Bumaling ako sa kaniya. "Daniel, hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari sa baby ko. Ayaw ko," umiling ako at napaluha na sa pag-aalala.
Maagap naman akong inalo ni Daniel. "Shush. Your baby will be fine. You both will. So you need to be strong for the both of you. Makakasama sa baby mo kapag ganiyan ka. Nothing bad wil happen."
Tumango lang ako sa sinabi ni Daniel.
"Jack, ayos ka lang?" tanong ko nang nakitang parang pinaglalaruan nalang niya ang pagkain niya.
Sabay kaming tatlo ni Daniel na kumakain ng dinner. Wala muli ang dalawa. Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Ayaw mo ba sa pagkain?" tanong ko.
Umiling siya. "No." umiling-iling siya. Pagkatapos ay nagbuntong-hininga. Nag-focus muli ang tingin niya sa akin. "Gio is getting married." aniya bigla.
Natigilan naman ako at nanatili ang tingin sa kaniya.
"What?" si Daniel na mukhang wala rin alam.
Nagbaba ako tingin sa pagkain ko.
"I know! I was shocked, too! It's so sudden! I thought..." Naramdaman ko ang tingin sa akin ni Jack.
"What did Gio said?" tanong ni Daniel.
"I don't know! Kay Kuya ko lang din nalaman."
Nag-uusap silang dalawa tungkol kay Gio habang nanatili naman akong nakababa lang ang tingin at tahimik.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro