Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5

Boy


"Gusto mo ba ang business?" tanong ko kay Gio habang nasa loob kami ng kotse niya at nag-d-drive siya. Kakasundo niya lang sa akin sa University.

Tumango siya. "Yeah... I like helping my brother and Dad." nagkibit-balikat siya.

"Pero gusto mo rin ang ginagawa mo sa company ninyo?"

Tumango muli siya. "Yup. It's just that there were times when I felt nervous presenting in front of the board." bahagya siyang ngumisi, nakatuon ang mga mata sa daan.

"Huh? Bakit naman? Tingin ko nga magaling ka sa pag-m-manage."

Nagkibit-balikat lang siya.

"Pero siguro normal lang din yung kabahan." ngumiti ako habang nakabaling sa kaniya. Hindi pa ba siya confident sa lagay niyang 'yan?

"There are times that I'd even tremble because of my nervousness. I hate it." aniya.

Natuon ang atensiyon ko sa kaniya.

"I'm not really that comfortable around people." dagdag niya.

Sandali kaming natahimik.

"Pareho pala tayo? Hindi rin ako masyadong kumportable...lalo kapag may nakatingin sa akin." nasabi ko.

Sumulyap siya sa 'kin. "Why?"

Tumingin ako sa daan. "Hindi ko alam...siguro dahil na rin sa mga naging karanasan ko noong bata..."

"Like?"

"Noong maliit pa ako siguro nasa six years old ako no'n. May taong sumundo sa 'kin sa eskwelahan namin, nagpakilala siyang inutusan daw ng Nanay ko na sunduin ako. Kung wala lang nakakita sa amin at hindi ako naabutan ni Nanay, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng taong 'yon."

"Bastard."

Napabaling muli ako kay Gio. "May kaibigan din ako noon na bigla nalang akong hindi pinansin. Hindi ko na nalaman kung ano'ng rason. Basta naalala ko kapag nakikita ko siya noon kasama ang mga bago niyang kaibigan, nakatingin sila sa akin at parang pinag-uusapan nila ako... Hindi ako sigurado kung ganoon nga. Pero mga bata pa naman kami noon. Pero nakaapekto pa rin sa akin... Kapag may nakatingin sa akin kung ano ano na agad ang iniisip ko. Madalas hindi ko maiwasan."

Tahimik lang si Gio na nakikinig sa akin.

Napangiti naman ako. "Kaya nga ewan ko ba kung bakit ang bilis ko lang na nagtiwala sa inyo. Parang ang gaan din kasi ng loob ko sa inyo nila Jack." napangiti pa ako lalo. O siguro nakatulong din na noong wala akong mapuntahan at magulong magulo ang isipan ko ay sila ang naroon at nagmagandang loob.

Nakita ko ang pagngiti rin ni Gio habang nasa daan pa rin naman ang tingin. Lalo lang akong napangiti sa nakitang ngiti sa kaniya.


"You're baking again?" si Jack na pumasok sa kitchen at naabutan na naman ako roon.

"Oo, birthday ngayon ni Gio. Gagawan ko siya ng cake." sabi ko.

"Kanino mo nalaman birthday niya? Sinabi niya?"

Umiling ako. "Hindi. Natanong ko isang beses sa kuya mo noong nandito siya."

Tumango tango si Jack. "Need help?"

Umiling ako. "Hindi na. Kaya ko na 'to." bumaling ako sa kaniya at ngumiti. "Baka gusto mong magluto ng dinner? Para may dagdag handa tayo."

Malapad din ang ngiti ni Jack at sumang-ayon. Gusto niya talaga ang pagluluto. Minsan nga lang busy siya dahil graduating na rin at sa umaga late na siya minsan nagigising dahil sa puyat kaya hindi na nakakaluto ng breakfast. Kaya madalas ako ang gumagawa. Wala naman iyong problema sa akin. Gusto ko nga rin ang konting bagay na nagagawa rito para sa kanila.

Naging abala kami ni Jack sa kusina. Sinabihan ko na rin sila ni Felix at Daniel na umuwi ngayon para ma-celebrate namin ang birthday ni Gio.

Natapos na kami ni Jack at handa na rin ang mesa, dumating na rin sila ni Felix, pero wala pa si Gio...

"What did he say?" tanong ni Jack sa kapatid.

Umiling si Felix. "He might be busy right now...or he celebrated with his Dad and brother."

"What? I thought Gio never celebrate his birthday with them? I mean his Dad never put an effort to do so?"

Tumango si Felix. "I'm sorry, Gi. Hindi agad namin nasabi sa 'yo. Nagulat nalang din kami sa invitation ni Mr. Fonacier."

Nakaupo na kaming apat sa mesa at si Gio nalang ang hinihintay.

Pilit akong ngumiti kahit parang may naramdaman na akong empty space sa loob ko. Wala rin kasing ni-text o reply sa 'kin si Gio. Maiintindihan ko naman kung sa kanila siya mag-celebrate ng birthday niya. Tama lang at pamilya niya iyon. "Okay lang. Tirhan nalang natin siya sa cake. Kumain na tayo."

Isa isa naman silang tumango at kumuha na ng pagkain. Nagsimula na kaming kumain.

Nakauwi naman si Gio pero late na. Kinatok niya ako sa kuwarto ko. Pinagbuksan ko naman siya.

"I'm sorry." aniya.

Tumango lang ako.

"Hindi ko na na-check ang phone ko. I was with my brother and Dad. They prepared me a party which I wasn't really expecting. I wasn't expecting my father would throw me a party."

Tumango muli ako. "Okay lang, Gio. Naiintindihan ko." sinubukan ko siyang ngitian. "Happy birthday!" bati ko.

Ngumiti naman siya at nagbuntong-hininga. "Where's my cake? Jack told me that you baked one for me."

Tumango ako. "Nasa kitchen. Tinirhan ka namin."

Tumango siya. Nagkatinginan kami. Sinamahan ko nalang siya dahil gusto niyang kainin yung cake.

"Sorry, ginising pa kita." aniya habang pinaghihiwa ko siya ng cake.

"Ayos lang, gumagawa pa rin ako ng assignments ko."

"You want my help? I can help you now with your assignments."

Nilapag ko sa harapan niya ang nahiwang serving ng cake. "Hindi ka na ba busy?"

Umiling siya. "No. I will help you. Para makatulog ka na rin agad." nagbuntong-hininga siya.

Tumango nalang ako.

Pinuri niya agad ang gawa kong cake matapos ang isang subo. "Thank you." aniya.

Tumango ako at napangiti na rin.

Pagkatapos namin sa baba ay tinulungan nga ako ni Gio sa assignments ko. Sa kuwarto ko kami gumagawa. Ang galing niya lalo na sa numbers. Ako kasi minsan nahihirapan pa rin. In-explain niya rin sa 'kin 'yong assignments ko.

"What's your plan after graduation?" tanong niya.

Nagbuntong-hininga ako. "Hindi ko na sigurado. Baka huminto muna ako ngayong sem. Lalaki na kasi itong tiyan ko,"

Bumaling si Gio sa mga papel at libro sa harapan namin.

"Siyempre gusto ko naman makatapos. Lalo na ngayon." naisip ko ang magiging baby ko at ang kinabukasan niya. "Sasabihin ko rin kanila Nanay. Siguro uuwi ako sa amin... Hindi ko pa talaga sigurado... Basta sasabihin ko sa kanila at tatanggapin ko ang disappoinments nila."

"How...how about your child's father," mahinang natanong ni Gio na hindi nakatingin sa akin.

Naisip ko rin iyon. Umiling ako. "Hindi ko alam. Hindi ko na rin kasi siya nakilala..."

"Why?" nag-angat ng tingin sa akin si Gio.

"Hindi ko na kasi...nakita ang mukha niya...uh, umalis nalang ako..."

"How?"

"Natutulog pa kasi siya no'n tapos nakatalikod siya sa 'kin. Hindi ko na tiningnan..." nag-iwas ako ng tingin kay Gio, nakaramdam ng hiya.

Nagbuntong-hininga siya.

Tinapos na namin ang assignments ko tapos nagpaalam na rin siyang babalik sa kuwarto niya.


"Daniel?"

Hindi ko inasahan na si Daniel naman ang susundo sa akin isang hapon sa University. Nakatayo siya sa labas lang ng kotse niya at umayos nang nakita ako. Ngumiti siya.

Napabaling ako sa paligid namin. Pinagtitinginan siya. Nagmadali na akong makalapit ng tuluyan para makapasok na kami sa sasakyan niya.

"Nasaan si Gio?"

"Busy." ani Daniel na nagsimula nang magmaneho.

Nadadalas ang pagiging busy ni Gio ngayon. Minsan nalang din siyang nakakauwi sa bahay. Nakakalungkot. Hindi na rin niya ako nasamahan sa checkup ko noong nakaraan. Si Jack na ang kasama ko no'n. Sa susunod sana makasama siya kasi baka malaman na raw ang gender ng baby sabi ni doctora.

Titigil na rin talaga muna ako sa pag-aaral dahil naaawa na rin ako sa baby ko na naiipit sa uniform. Lumalaki na talaga siya. Napangiti ako. Kahit may takot at pangamba ay may tuwa pa rin sa loob ko sa pag-iisip sa bata. Isa lang ang sigurado na ako ngayon. Iyon ay ang natutunan ko nang mahalin ang batang ito. Akin din naman itong baby. Sa akin siya manggagaling kaya mamahalin ko siya. At ako lang sa ngayon ang aasahan niya.

Unang beses lang iyon na si Daniel ang sumundo sa akin. Nasundan pa nang nasundan. Naging busy si Jack sa studies niya at halos hindi ko naman na nakita si Felix sa bahay.

Nabanggit ko na kay Gio ang tungkol sa check up ko na malalaman na namin ang gender ng baby noong minsan siyang nakauwi sa bahay. Na-excite rin siya. Natuwa naman ako. Si Jack ang madalas kong kasama sa bahay. Minsan ay umuuwi rin si Daniel. Matagal ko na talagang hindi nakikita si Felix. Pero baka tulad ni Gio ay busy lang din talaga siya.

[Gio, ngayon yung appointment natin. Makakasama ka pa ba?]

Walang reply.

Hanggang sa nagpasya nalang ako na magpasama kay Jack. Pero nagsabi si Daniel na siya nalang daw ang sasama sa akin. Kaya umalis kami ng bahay papunta kay doctora nang araw na iyon.

Kung si Gio ang narito ay ipapasama ko na siya sa loob para sabay na naming makita ang baby sa ultrasound. Medyo nasanay na rin ako sa kaniya at naging kumportable. Kaya sa labas lang din si Daniel na pinaghintay ko.

"Are you ready?" ngumiti sa akin si doctora na hinahanda ang gagamitin niya.

Tumango ako at ngumiti. Nakaka-excite din pala. Baka malaman ko na ang gender ng baby ko.

"It's a boy!" ani doctora nang nakita na niya.

Nakahiga ako sa clinic bed at tinitingnan din ang anak ko sa monitor. Hindi ko napigilan ang luha ko. May iba sa pakiramdam ko na parang nag-init.

Binigyan muli ako ni Doctora ng sonogram. Naisip kong ipapakita ko rin ito kay Gio.

"How was it?" sinalubong ako ni Daniel.

"Lalaki." nakangiti kong sabi.

Saglit nanlaki ang mga mata niya. "Woah!"

Tumango tango ako habang nakangiti nang malapad. Nakakatuwa rin talaga.

Pagkarating namin sa bahay ay naroon na rin si Jack kaya sinabi na rin namin sa kaniya. Natuwa rin siya.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Halata na ang tiyan ko pero maliit lang ito. Maliit lang din akong babae. Matangkad din naman ako pero payat. Kaya siguro natago ko pa ito ng ilang buwan. Pinilit ko pa rin talagang mag-aral. Pero kailangan ko na munang tumigil. Medyo nakakalungkot pero ayos lang. Mababalikan ko pa naman. Magsisikap ako.

"Magsisikap ako para sa atin, anak." sabi ko habang marahang hinahaplos ang tiyan.

Nagising nalang ako isang umaga na bumaha na sa sala ng mga gamit para sa anak ko. Namili sila Jack at Daniel na parehong unang nakaalam na lalaki ang baby. Hindi ko pa ulit nakikita sila Felix at Gio. Excited talaga itong dalawang magiging ninong ng anak ko.

"Hindi na dapat kayo nag-abala pa." sabi ko, may ngiti sa mga labi. Natutuwa rin talaga ako sa kanila. Nakakapang-init ng puso.

"Please, Gi. Just let us, okay? We're excited Papas!" ani Jack.

Bahagya naman akong napatawa sa sinabi niya. "Papa?"

"Yeah. We can also be his Dad."

Bumaling ako kay Daniel na nakangiti sa akin. Ngumiti rin ako. "Thank you, Daniel."

"Marami pang guestrooms, right?" tanong niya.

Tumango naman si Jack na masyado yatang abala sa mga pinamili niya. Ang dami talaga. Tingin ko ay sobra sobra na para kay baby. Kung ano ano lang mga pinamili nitong dalawa. Saan naman kaya nila nalaman kung ano ang mga bibilhin?

"Maybe we can turn one guestroom into a baby room?" ani Daniel.

Mabilis namang sumang-ayon si Jack. "Nice, dude!" At nag-high five pa sila.

"Magpaalam muna tayo kay Gio," sabi ko naman.

"Papayag 'yun." si Jack. "If not, ililipat ka nalang namin ng bahay." ngumisi siya.

Nagngisihan silang dalawa ni Daniel.

Bahagya ko nalang nasapo ang noo.

Pero thankful talaga ako sa kanila. Hindi parin ako pinabayaan ng Diyos. Ang sabi nga, minsan may instrumentong ginagamit ang Panginoon para dinggin ang mga dasal natin. At tingin ko, God's instruments ang apat na bachelors na ito na pinadala sa akin ng langit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro