Chapter 3
Chapter 3
Movie Date
"Really? Wow!"
Tumango ako kay Jack. Sinabi ko na rin sa kaniya ang plano ni Gio na dalhin nga ako ngayon sa doktor. Nakapagbihis na rin ako at hinihintay nalang ito.
"He's being a good kid now, huh." ngumisi si Jack.
Inilingan ko siya. "Concerned lang siguro siya..."
Tumango tango si Jack. "Yeah. Tama nga siguro talaga sila kuya. Gio's also Mr. Softie."
Napailing nalang ako. Mukhang hindi talaga ganoon kalapit si Jack kay Gio na kaibigan ng kuya niya. Pero mukhang okay din naman sila sa isa't isa.
Nakita namin na bumaba na si Gio. Kaming tatlo lang ang nandito sa bahay ngayon.
"Take care!" bilin sa amin ni Jack. Aalis din siya mamaya.
Pinagbuksan ako ni Gio ng pinto ng kotse niya. Maingat akong pumasok sa loob. Sumunod din siya sa driver's seat.
Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe. Nagpatugtog si Gio ng music sa loob ng sasakyan niya kaya iyon na ang medyo naging ingay sa amin. Parang nagustuhan ko rin ang choice of music niya na napangiti ako. Napasulyap siya sa akin at nang nakita ang ngiti ko ay bahagya na rin nagkaroon ng ngiti sa mga labi.
"Dito ka lang sa labas. Kaya ko na." pigil ko sa tangka pa niyang pagsama sa akin sa loob ng clinic ng napili niyang doktora.
"I can-"
"Please, Gio, dito ka nalang sa labas."
Sandali kaming nagkatinginan bago siya tumango.
Tinawag na rin ako. Pumasok na ako at nakaharap ang may ngiti sa aking doktora. "Where's..."
"Nasa labas po siya."
"Oh," nagpatuloy ang ngiti sa akin ni doktora. Isang may edad na siyang babaeng doktor at magaan ang ngiti niya. "Okay, dito tayo."
Sumunod lang ako sa instructions sa akin. Tinanong ako ni doktora at pinahiga rin sa clinic bed para lubusan akong ma-check.
Halos tumigil ako sa paghinga nang unti-unti kong narinig ang heartbeat ng baby ko... Totoo na nga talaga ito. May buhay na talaga sa loob ko. Magiging ina ka na, Giselle... Pinahid ko ang luhang pumatak.
Ngumiti sa akin si Doctora. Ngumiti rin ako. "First time Mommy," aniya.
Tumango ako.
"Sa susunod mas klaro na iyan." anito at inabot sa akin ang kopya ng sonogram.
Babalik pa ako rito. Nakinig akong mabuti sa mga bilin at payo ng doktor sa akin. May reseta rin siya sa akin.
Konti nalang ang pera ko. Hindi pa rin ako nanghihingi kanila Nanay. Hiyang hiya ako. Na imbes nag-aaral ako ngayon ay narito ako buntis at nagpapabigat sa ibang tao.
Sinagot ni Gio ang check up ko na ito. Nagkausap din sila ng doktora nang nakalabas na ako. Lumabas din mismo si doktora para magkausap sila ni Gio. Binalita nito sa kasama ko na healthy kami pareho ng baby at ang mga bilin niya.
"Let's buy that." ani Gio nang makabalik na kami sa kotse niya, tinutukoy ang mga reseta ni doktora.
"Gio,"
"It's okay, Giselle. You need it."
Umiling ako. "Pero hindi mo kailangang gawin ito. Hindi mo naman 'to responsibilidad."
Hindi siya nagsalita pero nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Natahimik ako. Nag-drive na siya paalis.
Binili nga ni Gio lahat ng sinabi ng doktor. Pati gatas at mga prutas. Tinanong pa niya ako sa mga damit ko. Kung kumportable pa raw ba at hindi masikip.
"Okay naman, Gio. May mga maluwang din akong damit." sabi ko.
Tumango siya at pauwi na rin kami matapos mabili lahat.
Nang nakarating sa bahay ay pinakita ko sa kaniya ang sonogram. Tinanggap niya iyon at halos pa hindi maalis ang tingin niya doon.
"Sobrang liit pa niya." sabi ko.
Marahan siyang tumango na hindi pa rin inaalis ang tingin doon.
"Baka lang gusto mong makita," kukunin ko na sana iyon ulit sa kaniya pero nag-angat siya ng tingin sa akin na nagpatigil sa akin.
"Can I keep this?"
Umawang ang labi ko. Pero ngumiti ako at tumango. Papayag kaya siyang maging ninong sa baby ko? Sabi ni Jack ninong na raw siya. Nag-iisip na pa nga ng pangalan ng baby ang lalaking 'yon. Minsan talaga hindi ko alam kung seryoso ba 'yon o nagbibiro.
"Thanks," ani Gio.
Tumango ako. Nagpaalam na rin siya na aakyat muna sa kuwarto niya.
Nang dumating ang Monday ay pumasok na ngang muli ako sa eskwela. Tinanong ako ng ilang kaklase at Profs sa absences ko. Nagpaliwanag naman ako at sinabing nagkaroon ng emergency...
Humabol ako sa mga lectures. Naging abala rin ako sa mga assignments. At may mga group work pa. Nang nag-uwian ay hindi ko pa inasahan na susunduin ako ni Gio. Kaninang papunta kasi ay sumabay lang ako kay Jack na pumasok din sa University nila. Kahit pa sinabi ni Jack na susunduin niya ako ay hindi ako umasa. Alam kong busy din iyon at nakakahiya na. Kaya ko pa namang mag-commute.
"Gio,"
"Get in." aniya mula sa driver's seat na sandaling binaba ang bintana.
Mabilis na rin akong pumasok. "Gio, bakit..."
"Jackson asked me. Hindi siya makakauwi sa bahay ngayon."
Si Jack talaga. "Hindi ka na sana nag-abala pa. Kaya ko naman sumakay ng taxi." Kahit alam kong mahal din iyon at baka hindi na kayanin ng natitira kong pera.
"It's okay. Pauwi na rin naman ako." aniya.
Galing pa siya sa trabaho. Nakasuot nga siya ng slacks at puting dress shirt niya na nakatupi ang sleeves hanggang ibaba ng siko.
"You want to just eat out?" tanong niya makaraan habang nagmamaneho.
Bumaling ako sa kaniya.
"I can't cook, sorry. Sa labas nalang tayo kumain para hindi ka na magluto."
Tumango nalang ako. Hindi na pinilit ang magluto nalang sa bahay. Baka gusto rin ni Gio kumain sa labas at nagsasawa na rin siya sa mga luto ko.
"I like your cooking. I just want you to have more rest as possible." Parang nabasa pa niya ang nasa isip ko.
Tumango nalang muli ako.
Sa isang mukhang mamahaling restaurant talaga kami kumain.
Tinanong ako ni Gio kung ano ang gusto ko.
"Ikaw nalang bahala." sabi ko sa kaniya. Hindi rin kasi ganoon kapamilyar sa akin ang mga nasa menu. At ang mahal talaga rito.
Nang dumating ang pagkain ay nagustuhan ko rin iyon kaya ginanahan ako. Nabusog ako pagkatapos. Nakita ko pa si Gio na nakatingin sa akin habang kumakain ako at may ngiti sa mga labi niya habang pinagmamasdan ako. Medyo na-conscious ako pero hinayaan ko nalang.
Nang nakarating kami sa bahay ay kaming dalawa lang ang tao roon. Wala sila Felix at Daniel at wala rin si Jack. Hinatid pa ako ni Gio sa kuwarto ko at pinayuhan na magpahinga na. At kung may kailangan daw ako ay katukin ko lang siya sa kuwarto niya.
Ang buti niya.
Pero dahil may mga kailangan pa akong gawin para sa eskwela at kailangan ko pang mag-reply sa group chat namin para sa projects ay hindi agad ako nakatulog. Inabot ng 1AM bago ako natapos at bumaba muna para malagyan ulit ng tubig na maiinom ang water bottle ko. Ugali kong nagtatabi ng tubig para palagi akong nakakainom.
"Giselle?"
Nagkasalubong kami ni Gio sa hagdanan. Paakyat na ako at pababa naman siya.
"Gio, kumuha lang ako ng tubig sa baba."
"Why are you still awake?"
"Gumawa pa kasi ako ng assignments ko." paliwanag ko.
Parang na-stress ang hitsura niya. "I told you, you need to rest."
"Alam ko naman. Kailangan ko lang kasing humabol sa klase ko. Malapit na rin ang exams namin."
Nagbuntong-hininga siya. "May gagawin ka pa ba? I'll help you." offer niya.
Pero umiling ako. "Wala na. Natapos ko na. Matutulog na rin ako ngayon."
"Are you sure?"
Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Oo. Sige, goodnight, Gio."
Tumango na rin siya. "Next time, you tell me. Para matulungan kita."
Tumango ako at napangiti pa lalo. Na-appreciate ko talaga ang kabutihan niya sa 'kin. "Thank you, Gio."
Tumango lang siya.
Tumawag din si Nanay. Kinumusta ako at nagsabing magpapadala raw sila ni Tatay ng pera. Nakagat ko nalang ang pang-ibabang labi. Kailangan ko na rin talaga ng pera. Hindi puwedeng umasa nalang ako sa kanila nila Gio. 'Tsaka may utang pa akong babayaran kay Gio noong sa checkup ko at 'yong mga binili niya para sa 'kin, yung vitamins ko. Kahit pa sabi niyang wala lang 'yon ay nakakahiya. Kaya sabi ko babayaran ko rin siya. Hindi niya naman kasi responsibilidad. Hindi naman talaga nila ako responsibilidad na magkakaibigan. Parang nakakagulo pa nga ako rito sa kanila.
Lumunok ako. "Salamat, Nanay..."
"Ano ka ba, Giselle. Siyempre. Kamusta ka na riyan? Pag-aaral mo? Mga kailangan mo? Hindi ka na halos nanghihingi sa amin ng Tatay mo. Baka hindi ka na kumakain ng maayos diyan. Baka namayat ka na." si Nanay sa kabilang linya.
Napaiyak na ako. "A-Ayos lang po ako, 'Nay."
"Umiiyak ka ba? Giselle Anne." tawag nito sa buong pangalan ko. "May problema ba, anak? Sabihin mo sa Nanay."
Lalo akong napaluha. "Wala po, 'Nay. Nami-miss ko lang po kayo nila Tatay."
"Nako, ang bunso ko. Kaya nga sa sembreak ninyo ay umuwi ka na agad muna rito sa atin. Para na rin makapagpahinga ka."
Um-oo lang ako pero hindi ko pa talaga alam.
Pagkatapos ng tawag ay pinunasan ko na ang mga luha ko. Pagkalingon ko ay naroon na si Gio at mukhang kanina pa nakatayo roon. "Gio,"
"You're not telling your parents."
Umiling ako. "Hindi ko alam. Ayaw kong ma-disappoint sila sa 'kin."
Unti-unting lumapit sa akin si Gio at niyakap ako. Muli lang akong naiyak. Siguro dahil sa hormones na rin dahil buntis ako kaya ganito nalang ako kaiyakin ngayon.
"Let's go out?" pag-aaya niya.
Kumalas na kami sa yakap.
"Saan naman tayo pupunta?" Weekend ngayon. Nagawa ko na rin ang mga dapat gawin para sa eskwela. Kaya masasabi kong wala na rin akong gagawin ngayon.
Nagkibit-balikat lang siya. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na akong hinila paalis.
Umalis kami ng bahay at tumambay sa mall. Bumili ng nakitang sapatos si Gio at binilhan niya rin ako ng halos kapareho ng sa kaniya. Ang mahal na naman. "Ang dami ko nang utang sa 'yo." sabi ko.
Umiling naman si Gio. "Hindi naman ako naniningil." aniya.
"Manood kaya tayo ng cine? Libre kita."
Nagkibit-balikat siya kaya hinila ko na sa bilihan ng ticket. Isang romantic-comedy ang pinili ko. Gusto ko rin kasing mapanood ang movie na 'to.
Pumasok na kami sa loob ng madilim na cinema. Medyo konti lang din ang tao. "Dito tayo."
Naupo si Gio sa tabi ko. Dala rin niya ang snacks na binili namin sa labas.
Nagsimula na ang movie. Tumawa rin kami sa mga nakakatawang scenes. At umiyak ako sa mga nakakaiyak na part. Kahit rom-com ay may iyakan pa rin talaga.
"Here," inabot sa 'kin ni Gio ang panyo niya.
Tinanggap ko iyon at bahagya nalang napatawa sa sarili. "Pasensya ka na. Hindi na kita natanong. Okay lang ba 'tong pinanood natin?"
"Yeah." sagot niya.
"Ano palang gusto mong pinapanood?"
"I like Marvel?" nagkibit balikat siya.
Napangiti ako. Gusto ko rin iyon. Favorite ko nga si Doctor Strange. "Gusto ko si Doctor Strange. Ikaw?" tanong ko nang palabas na kami ng sinehan.
"Thor?" aniya.
Tumango ako at ngumiti pa. "Siguro sa susunod 'yon naman panoorin natin?" sabi ko. Pero natigilan din nang narealized na parang niyaya ko pa siya sa ganito ulit...
Ngumiti siya. "Sure."
Ngumiti nalang din ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro