Chapter 29
Chapter 29
Kapatid
"We didn't lose our son, Giselle. He's always in our hearts. He's for us. Van came to our lives to teach us to be parents for the first time... Our angel made a way for us to happen." sabi ni Gio.
Humigpit lang ang yakap ko sa kaniya.
Pinikit ko ang mga mata.
Nang kumalma ay sumunod na rin kami sa private room ni Thea. Nadatnan namin na gising na ito at hawak na rin niya ang baby niya. Napangiti nalang ako.
"Giselle," nag-angat ng tingin sa akin ang kaibigan ko.
Nilapitan ko siya. "Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Okay lang." ngumiti siya. "Nakakapagod manganak pero worth it." aniya.
Sumang-ayon ako sa sinabi ni Thea.
Binigay ni Thea si baby Felisse kay Jackson na kanina pa rin gustong kargahin ang pamangkin nito.
"Look at your daughter, kuya." tawag ni Jack sa kapatid na nasa tabi lang ni Thea. "Sa guwapong Uncle niya nagmana!" natutuwang ani Jack.
"Huwag kang nang-aangkin, Jackson. Gumawa ka ng iyo." ani Felix sa nakababatang kapatid.
"Gumagawa na nga." ngumisi si Jack.
Nakita ko namang namula si Sab na kasama rin namin sa loob ng room.
Nang dumating ang parents nila Felix ay nagpaalam na rin kami ni Gio na uuwi na muna pagkatapos din makapagpaalam kanila Tita Clara.
"Take care, hija." ani Tita.
Ngumiti ako at tumango. Pagkatapos ay umalis na rin kami ni Gio.
Natuloy kami ni Gio sa pag-uwi sa amin. Kasunod din namin si Kuya Silvester at ang Daddy nila. Sinalubong kami nila Nanay. May ngiti ito sa mga labi. Pormal na nagkabatian ang mga nakatatanda.
"'Nay," nagmano rin ako kasunod si Gio. Ganoon din kay Tatay.
Binati na rin ni Gio ang mga kapatid ko at sila tiyo at tiya.
"Medyo malayo itong amin, napagod siguro kayo sa biyahe." anang Nanay na giniya na sila Kuya Silver at ang Daddy nila Gio sa mesa namin.
Kumain muna kami ng halos late lunch na rin nang nakarating kami sa amin. Sa hapag ay nag-uusap usap din kami. Magaan din ang pakikitungo ng Dad ni Gio sa pamilya ko. Mukhang nagkasundo pa nga agad ito at ang mga magulang ko. Napangiti nalang ako.
"Are you happy?" marahang tanong sa akin ni Gio habang abala sa isa't isa ang parents namin.
Tumango ako sa kaniya at ngumiti.
Tumango rin siya at bahagyang napangiti. "I am, too." aniya.
Lalo akong napangiti sa sinabi niya. Alam kong iba pa rin na narito ang Dad ni Gio at nakukuha na niya ang suporta nito. Hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang pinisil.
"Masaya ako para sa iyo, anak." ani Nanay nang napag-isa kaming dalawa kinagabihan.
Ngumiti ako at yumakap sa Nanay ko. "Salamat, Nanay." sabi ko.
"Hindi madali ang pag-aasawa. Pero matutunan n'yo pa rin pareho iyan ni Gio sa pagsasama ninyo. May madidiskubre pa kayo sa isa't isa na hindi n'yo pa nakikita ngayon. Iba kapag nasa loob na ang dalawang tao ng kasal at kapag pa may mga anak na. Alam kong naranasan n'yo na rin ito noon. Kaya alam ko rin na kakayanin ninyo ngayon. Basta isipin lang ninyo palagi na dalawa kayo. Hindi ka nag-iisa dahil mayroon kayo ni Gio ng isa't isa. Sa bawat gagawin o desisyon ay iisa na kayo. Mahalagang malaman at ikonsidera rin ang opinyon ng isa't isa. Importante iyan, para na rin maiwasan ang mga simpleng hindi pagkakaintindihan." payo ni Nanay.
Nanatili akong nakayakap sa kaniya at humigpit pa iyon.
Kinabukasan ay nagising akong wala na sa tabi ko si Gio. Madalas ay hinihintay niya ako hanggang magising ako sa umaga. Pero kapag nakikita niyang medyo late na ay bumabangon na rin siya para kumilos at magluto ng agahan. Hindi niya talaga ako ginigising. Ang sabi niya lang sa akin ay ang himbing pa raw ng tulog ko kaya ayaw niya akong gisingin at gusto raw niyang magpahinga pa ako. Madalas din talaga siyang nauunang gumising sa akin. Nag-a-alarm na nga rin talaga ako. Nakalimutan ko lang ngayon at nandito kami sa amin. Ang early person din talaga ng mapapangasawa ko.
Nadatnan ko si Gio sa sala namin na abala sa pag-aalaga ng pamangkin ko. May bagong baby na naman sila ate. Napangiti ako at sandali ko nalang muna siyang pinagmasdan habang abala siya sa pakikipaglaro sa bata. Mayamaya ay nag-angat ng tingin si Gio at naabutan niya akong nakatayo roon at nakahalukipkip ang mga braso habang pinagmamasdan siya. Ngumiti lang ako at lumapit na sa kaniya.
Nang nakabalik na kami sa Manila ay um-attend din kami ni Gio ng ilang counselling. Unti-unti ay parang natatanggap ko na rin nang lubusan... Tama si Gio, hindi nawala sa amin si Van. Palaging nasa mga puso naming nagmamahal sa kaniya ang anak ko. Dumating siya sa amin para turuan kami ng Daddy niya na maging mga magulang sa unang pagkakataon, gaya nga ng sinabi sa akin ni Gio. Tinuruan ako ng anak ko na maging ina sa kauna-unahang pagkakataon. At masaya ako. Alam kong may rason ang mga nangyayari sa buhay natin. Siguro kung hindi nangyari ang mga nangyari ay wala na kami ni Gio ngayon dito. Siguro rin kaya nangyari ay para rin sa amin ni Gio, para mas maging matatag pa kaming harapin ang buhay na ito ng magkasama.
Siguro minsan kaya rin tayo nasasaktan ay dahil gusto Niyang mas maging matapang pa tayo. Minsan ang tao ay nanalo, at minsan din ay talo, pero may natutunan naman. Kaya siguro hindi naman talaga tayo natatalo o nag-f-fail. Dalawa lang iyan, either you win or you learn. Failure is never defeat. If you failed, maybe because it's not for you or it's not yet the time. O siguro ay kulang pa. Learn from it and be better the next time. And that next time, you are much stronger than the last.
Kung may natutunan man ako sa mga nangyari sa akin iyon ay ang matutong tumanggap, magpatawad, patawarin ang sarili, at ang magpatuloy. Hindi dapat tayo huminto dahil lang pakiramdam natin ay natalo na tayo noon o nag-fail. O dahil natatakot o may mga doubts na tayong sumubok muli. Matuto sana tayong tumanggap at magpatuloy.
Inaya ko si Gio na bisitahin namin ang anak namin. Agad din naman siyang sumang-ayon. Pinalitan ko ang bulaklak na mula sa huling dalaw din namin dito ng bago. Nagsindi rin ako ng kandila. At naglapag din si Gio doon ng isang kulay blue na stuffed toy. Ngumiti ako.
"Kamusta ka, anak." kausap ko sa anak ko. Kinuwento namin ni Gio sa kaniya ang mga nangyayari at ang nalalapit na rin naming kasal. Alam kong sa kung nasaan ngayon ang anak ko ay masaya siya para sa amin ng daddy niya.
"May sasabihin pa pala si Mama sa 'yo, anak." ngumiti ako. "Magkakaroon ka na ng kapatid." sabi ko.
Nang bumaling ako kay Gio ay nakita ko ang gulat niya. Bahagya nalang akong napatawa sa reaksiyon niya. Tapos ay nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Nagiging emotional na rin ako. Naiyak din ako noong nalaman kong buntis na ako muli. Hinawakan ko si Gio sa magkabila niyang pisngi at unti-unting hinalikan. Tumulo rin ang luha ko.
"I love you, Giselle." aniya.
Ngumiti ako habang magkadikit pa ang mga noo namin. "Mahal din kita, Gio." sabi ko.
Inabot ni Gio at hinawakan ang tiyan ko. Napangiti pa ako lalo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro