Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Chapter 28

Natatakot


"Puwede rin naman kaming lumuwas-"

"Hindi na, 'Nay. Ito rin po ang gusto ng Daddy ni Gio." kausap ko ang Nanay ko sa isang phone call.

"Ganoon ba, sige, maghahanda kami." anito sa kabilang linya.

Pinag-usapan namin ang tungkol sa pag-uwi ko sa amin kasama si Gio at ang Dad at kapatid nito. Mamamanhikan daw sila Kuya Silver sa amin. Hinayaan ko na. Mabuti naman ito para magkakilala na rin ang mga pamilya namin ni Gio. Masaya rin sila Nanay na nagkabalikan na kami ni Gio.

Ngumiti ako. "Salamat, Nanay."

Binaba ko na rin ang tawag pagkatapos namin mag-usap.

Naghahanap na rin ng bago niyang magiging secretary si Gio. Nasabi ko pa sa kaniya na dapat ay lalaki. Mukhang tama nga sila ni Kat na selosa rin ako.

Hindi naman sa ayaw na niya akong secretary niya. Nagagawa ko rin naman ng maayos ang trabaho ko. Nga lang natanong na rin ako ni Gio sa plano ko. Kung gusto ko pa rin ba raw mag-law. Ang sabi ko naman sa kaniya ay hindi na siguro. Na-realized ko rin kasi na mukhang hindi rin naman ako ganoon ka-passionate sa naisip ko noong pag-aabogado. Gusto ko lang talaga na maging proud sa akin ang pamilya ko. Lalo ang Nanay at ang Tatay. Pero noong nagtapos ako sa college nakita ko nang proud sa akin ang pamilya ko. Ang sabi pa ng Nanay ay proud na sila ng Tatay na lumaki naman kaming mga anak nila ng mabuti. Iyon pa lang daw ay sapat na sa kanila. Kaya naisip kong siguro ay ayos na rin iyon. Hindi ko rin naman siguro kailangang itulak pa ng husto ang sarili ko. I think we should also know our limits. Ang importante pa rin ay ang happiness natin.

Sa huli ay in-offer-an ako ni Kuya Silvester ng trabaho pa rin sa company nila na tinanggap ko pa rin naman. Gusto ko iyon dahil makakatulong ako sa company nila Gio at the same time ay may magagawa rin ako para sa career ko.

Unti-unti kong hinawakan at nilapit sa akin ang isang onesie na ireregalo ko rin para sa baby ni Thea at Felix. Pupunta kami ngayon ni Gio sa baby shower ni Thea.

Hindi ko maiwasang maalala si Van sa mga gamit ng baby na nakalatag ngayon sa kama namin ni Gio at ibabalot ko na rin sa gift wrap. Nalulungkot na naman ako. Narinig ko ang pinto kaya sinimulan ko na rin ayusin ang mga iyon. Pumasok si Gio sa kuwarto.

"You need help?" marahan siyang umupo rin sa kama kaharap ako.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakangiting umiling. "Hindi na, kaya ko na. Madali lang din naman ito." sabi ko.

Tumango siya. "These are all pink." aniya.

Napangiti na ako. "Oo, girl kasi. Tingin mo sino kaya ang mas magiging kamukha ng baby nila Felix?" tanong ko kay Gio.

"Well, it's a girl. So maybe dapat sa Mommy niya magmana ang bata," nagkibit-balikat si Gio.

Ngumiti lang ako at tinapos na ang ginagawa.

On time lang din kaming nakarating sa venue ng baby shower. At sa restaurant na naman iyon ni Jack. Parang dito na talaga kami lagi nag-c-celebrate. Suggestion din ni Sab na siyang nagprisinta rin mag-b-bake ng cake para kay Thea at sa baby nito.

Dala ko na rin ang gift namin ni Gio para kay baby Felisse, iyon ang napiling ipapangalan nila ni Thea sa baby nila ni Felix. Si Thea talaga ang nakaisip at hinayaan lang siya ni Felix. Mukhang nakuha rin ni Thea sa name ni Felix ang pinangalan sa baby nila.

Nagkabatian at kumustahan. Malaki na rin talaga ang tiyan ni Thea. Medyo tumaba rin siya at ang ganda niyang tingnan sa dress na suot. Makikita mo rin na masaya talaga siya at kuntento na sa buhay. Masaya ako para sa kaibigan ko.

"Gi," lumapit sa akin si Thea. Abala ang iba naming mga kaibigan. "Okay na kayo ni Gio, 'di ba? At magpapakasal na rin kayo." ngumiti siya. "Wala pa rin ba? I mean, siguro gusto n'yo rin pagkatapos na ng kasal." ngiti niya.

Tipid ko lang siyang nginitian.

Ang totoo ay natatakot ako. Natatakot akong baka kapag nagkaanak uli ako at matutulad din kay Van, hindi ko na siguro kakayanin pang mawalan muli ng anak.

"Hey," nasa tabi ko na si Gio.

Bumaling ako sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Are you okay?" tanong niya.

Tumango ako.

"Thea, buksan mo na ang gifts!"

Narinig namin si Rose.

Pumuwesto na roon si Thea sa mga regalo at lumapit na rin kami.

Kasalukuyan siyang nagbubukas ng mga regalo nang bigla siyang napahawak sa tiyan niya at parang nasasaktan. Ang sumunod na nangyari ay binuhat na siya ni Felix. Manganganak na si Thea!

"Hindi ba't next week pa, Lix?" nakasunod ako sa kanila.

Tumango si Felix. "Yeah," pinasok niya si Thea sa sasakyan.

Hinila na rin ako ni Gio sa sasakyan niya. Nakasunod din sila Jackson at Daniel.

Agad namin sinugod si Thea sa hospital.

Ilang oras din kaming nag-antay. Halos nakahinga lang kami nang malamang nakapanganak na talaga si Thea. Sinabi ko kay Gio na puntahan muna namin ang baby at excited din akong makita.

Marahan akong napahawak sa glass windows habang nakikita namin sa loob si baby Felisse. Hindi ko na halos maalis ang tingin ko. May iba pang mga babies din doon sa room. Bahagyang nanginig ang labi ko.

"Hey," hinawakan ako ni Gio.

Unti-unti akong bumaling sa kaniya. May namuo nang luha sa mga mata ko. Agad kong nakita ang pag-aalala kay Gio. Umiling ako. "I-I'm sorry, Gio..." tumulo na ang luha ko. "Gusto," ang sakit ng dibdib ko. "Gusto ko rin na magkaanak uli tayo, p-pero natatakot ako... Natatakot ako na baka matulad kay Van. Natatakot ako, Gio-"

Mabilis akong niyakap ni Gio. Umiyak lang ako sa dibdib niya.

Ang sakit. Pakiramdam ko ay hindi na mawawala itong takot ko. Parang nandito nalang siya palagi. Palagi akong mag-aalala at mangangamba.

Pero sa patuloy na pagyakap at halik ni Gio sa akin ay parang unti-unti rin akong naalo...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro