Chapter 26
Chapter 26
Mahal
Nilambing ako ni Gio na sa kaniya umuwi pagkatapos ng trabaho. Pinagbigyan ko na kaya heto kami ngayon at nagmamadaling mahubaran ng mga saplot ang isa't isa pagkapasok pa lang ng condo niya.
"Hindi na ba tayo aabot sa kuwarto?" tanong ko sa kaniya habang pikit na rin ang mga mata sa mga halik niyang bumaba sa dibdib ko.
Narinig ko ang bahagya niyang tawa. Naramdaman ko nalang na umangat ang katawan ko at binuhat na niya ako patungo sa kuwarto. Napatawa nalang ako at kumapit sa leeg niya.
"Dito ka ba tumira noong..." marahan kong tanong.
Umiling si Gio. "This has been my place, too, since malapit din ito sa office. Dito na ako madalas umuwi kahit noong nag-aaral pa lang ako ng college. And, yeah...hindi ako makauwi sa bahay natin... It's sad. So, umuwi rin ako dito after kitang ihatid sa inyo noon." binaba na niya ako sa kama.
Nanatili ang tingin ko sa mala-anghel niyang mukha. Halos agresibo ko siyang hinila sa batok niya at ako na ang nag-initiate ng malalim naming halik.
"Mahal kita, Gio." paalala ko sa kaniya sa gitna ng mga halik namin.
Bumagsak ang likod ko sa kama at marahan din siyang bumagsak sa ibabaw ko. Nagpatuloy kami sa paghahalikan at pinagsawa ang mga labi ng isa't isa. Nakayakap ako kay Gio. Gusto ko lang iparamdam sa kaniya ang buong pagmamahal ko.
Bumangon ako at siya ang tinulak pahiga.
"Giselle," hindi niya inasahan ang ginawa ko.
Sa aming dalawa alam kong siya ang may mas experience sa ganito. Siya lang ang tanging lalaki sa buhay ko. At wala iyong kaso sa akin. At sa bastos din talaga minsan ng bibig ni Thea ay parang may natutunan na rin naman ako...
"Will you...wear this again?" pinakita sa akin ni Gio ang singsing na binalik ko sa kaniya noong magulo pa ang isipan ko at kamamatay lang ng anak namin...
Nakaunan na ako sa dibdib niya. Inangat ko ang kamay ko. Marahang sinuot sa akin muli ni Gio ang kuminang na singsing. Bahagyang naging blurry ang paningin ko dulot ng namuong luha sa mga mata ko.
"I'm sorry, Gio..." nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Mahal kita." at hinalikan ko siya sa mga labi niya.
"I love you, Giselle." aniya.
Ang mga salitang ito ay mahirap banggitin kapag hindi kanais-nais ang pagkakataon. Pero madali lang kapag masaya ang lahat. Ngayong sinasabi ko ito sa kaniya sa gitna ng sakit at tuwa ay kakaiba ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko siguro ito na ang pinakatotoong masasabi mo ang mga salitang ito sa ganitong pagkakataon. Sa gitna ng lungkot at saya.
"Puntahan natin ang bahay mo bukas?" sabi ko kay Gio habang muli nang nakaunan sa kaniya.
"Are you ready?"
Ramdam ko ang pag-aalala niya.
"Oo naman..." sabi ko lang.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.
Kinabukasan ay nagising akong wala na sa tabi ko si Gio. Pero napangiti rin nang nakakita ng isang stem ng rose sa may bedside table na para sa akin. Kinuha ko iyon at inamoy. Bumangon na rin ako sa kama at nagsuot lang ng shirt ni Gio.
Nadatnan ko siyang nagluluto ng agahan sa kitchen ng condo niya. Nilapitan ko siya at niyakap galing sa likod. Napangiti nalang siya nang naramdaman ako. Maganda rin ang ngiti sa mga labi ko. Pakiramdam ko ay ang clingy ko ngayon. Parang gusto ko nalang yumakap sa kaniya buong araw.
"Are you hungry? It's almost done." aniya, tinutukoy ang niluluto niyang breakfast namin.
"Ikaw pa ang gumagawa niyan. Bakit hindi mo ako ginising?" malambing kong tanong sa kaniya.
"It's okay." aniya.
Hinalikan ko siya sa pisngi. Ang guwapo, guwapo naman ng lalaking ito at ang fresh kahit wala pang ligo.
Hindi na rin ako na-c-conscious talaga. Naging kumportable na yata ako kay Gio. Basta kapag sa kaniya pakiramdam ko ay walang mali o kulang sa akin.
Ang accepting na tao ni Gio. Ang understanding din talaga niya, forgiving...and loving. He holds no doubt nor question, he trusts the person he loves. Kahit minsan ay siya na rin ang nasasaktan...
"I love you." malambing kong sabi sa kaniya sabay halik sa pisngi niya.
Nakangiti si Gio at inabot ang noo ko para mahalikan din. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa spatula.
Sa sumunod na mga araw ay naging abala rin kami ni Gio sa paglilipat ng mga gamit ko galing apartment papunta sa bahay niya. Pinili kong doon na muli kami titira. Halong lungkot at saya ang alaala sa akin ng bahay na iyon. Pero mas marami ang masasayang alaala. At hindi ko iyon ipapatalo sa lungkot.
Marahan kong binuksan ang pinto ng nursery noon ni Van... Naroon pa ang crib niya. Tumulo pa rin ang luha ko. Pero tingin ko naman ay normal nalang ito. Normal naman siguro na masaktan pa rin ako sa ilang alaala ng anak ko. Hinawakan ko ang pendant ng necklace na bigay sa akin ni Gio. Malapit din ito sa puso ko. "Palagi kang nasa puso ko, anak." sabi ko.
Naramdaman ko si Gio na nakatayo malapit sa likuran ko. Pinunasan ko ang luha ko at may ngiting nilingon siya. "Okay na sa baba?" sinubukan ko siyang tanungin, tinutukoy ang ilang gamit namin.
Tumango lang siya at lumapit sa kinatatayuan ko. Niyakap niya ako kaya hindi ko napigilan ang bumuhos pang mga luha. Mahigpit ko siyang niyakap din pabalik.
Nabalitaan namin na nag-proposed na si Daniel kay Michaela habang nasa France sila. Nakabalik na rin galing honeymoon sila Felix at Thea.
Minsan ay sa restaurant din ni Jack kami kumakain para makapagkita-kita na rin. At masaya rin ako na makita at makasama ang mga malapit na kaibigan. Ayos na rin ang lahat...
"Gio, sandali," pinakita ko sa kaniya ang dala kong condom. Nasa loob kami ng naka-locked na office niya at nagsisimula na naman sa malalalim naming halikan.
Nakita kong mukhang natigilan siya.
"Sige na," sabi ko at binigay iyon sa kaniya.
"I will marry you soon..." aniya. "Don't you want to have another baby..." marahan niyang tanong.
Yumuko ako at umiling.
Ilang sandaling walang kumilos sa amin. Nabalik lang ang atensiyon ko kay Gio nang inangat niya ang baba ko at inangkin muli ang mga labi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro