Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Chapter 25

Nice


"We will stay until Lolo gets better." ani Gio.

Tumango ang Lola niya. "Nako, napagastos ko pa tuloy, apo." anito.

Umiling si Gio. "Huwag n'yo na po isipin."

Ngumiti si Lola. "Salamat, apo." anito.

Tumango lang si Gio at nagpaalam na rin.

"Saan kayo matutulog ngayon?"

"May nahanap na po kaming inn sa bayan, Lola." sagot ko sa Lola ni Gio.

"Ganoon ba," tumango ito. "Pasensya na kayo at wala rin kayong maayos na matutulugan sa bahay." anito.

"Okay lang po, 'La." si Gio.

Ngumiti na sa amin ang matanda at tuluyan na rin kaming nagpaalam na magpapahinga muna.

Mananatili pa sa ospital ang Lolo ni Gio bilang payo na rin ng doktor. Sasamahan ito roon ng Tiya at Lola niya. Sinigurado rin namin na kumportable sila roon at may pagkain at mahihigaan din. Nagsabi si Gio na tawagan lang siya kapag may iba pang kailangan. Babalik din kami bukas.

Sumakay kami sa kotse ni Gio at tumigil ito sa isang inn. Pinauna ko na siya sa bathroom at aayusin ko pa ng konti ang nakuha naming kuwarto at mga gamit din naman. Maayos at malinis din itong room namin. Ito na ang napili namin dahil malapit din sa hospital.

Pagkatapos ni Gio ay ako naman ang sumunod. Naligo rin ako pero sandali lang gaya niya. Napagod din kami. Pagkalabas ko ay nakahiga na siya sa kama. Tumabi na ako sa kaniya.

"Goodnight," ani Gio at hinalikan ako sa noo habang nakahiga na ako roon.

Nagkatinginan kami. Inabot niya ang labi ko at hinalikan din. Nag-respond naman ako sa halik niya. Sa huli ay ngumiti nalang kami sa mga labi ng isa't isa at pinakawalan din ako ni Gio. Alam naming pareho pa rin kaming pagod.

Kinabukasan nga ay bumalik kami sa ospital. Naabutan namin ni Gio na gising ang Lolo niya. Sinalubong pa kami nito ng ngiti.

"Kain po muna kayo." sabi ko habang naglalapag kami ni Gio ng dalang breakfast doon na binili lang din namin.

"Salamat, apo." sabi ng Lola ni Gio.

Ngumiti lang ako.

Kausap ni Gio ang Lolo niya at kinukumusta ang pakiramdam nito. Kakausapin din niya ang doctor nito mamaya. Lumapit sa kanila si Lola at susubuan din nito ng pagkain si Lolo. Napangiti ako sa dalawang matanda.

"Mag-asawa na ba kayo ng pamangkin ko?" nakangiting tanong ng Tiya Rowena ni Gio na katabi ko sa upuan doon.

Bumaling ako rito at umiling. "Hindi po..." sagot ko.

Ngumiti pa ito. "Pero magpapakasal din kayo? Tingin ko naman ay nasa edad na kayo. Bagay na bagay din kayong dalawa. Ang ganda ninyong tingnan na magkasama."

Napangiti nalang ako sa sinabi nito.

Nang nakalabas na ng ospital ang Lolo ni Gio ay hinatid namin ito sa bahay. Nagpasya rin si Gio na bilhan sila ng ilang gamit para sa bahay at pinaayos din ang mga sira doon. Tuwang-tuwa naman ang pamilya. Pinag-grocery din muna namin sila at nag-iwan din si Gio ng contact number niya. Nagbilin siya sa Tiya niya na huwag mahihiyang tawagan siya.

"Kumusta?" nakangiti kong baling kay Gio habang nag-d-drive na siya pabalik na kami ng Manila.

Ngumiti siya habang nagmamaneho. "They're nice." aniya.

"You were nice to them, too." sabi ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya. Alam kong masaya na si Gio na nakilala rin ang pamilya ng Papa niya. At nadalaw na rin namin ang puntod ng Papa niya...

"How was it?" nakangiting salubong ni Kuya Silver nang nakapasok na kaming muli sa office.

Ngumiti ako. "Nakilala na po ni Gio ang pamilya ng Papa niya." balita ko.

Ngumiti sa akin si Kuya Silver. "That's good!" anito.

Nagpaalam na rin ako sa kaniyang susunod na sa office ni Gio pagkatapos naming mag-usap.

Pinihit ko pabukas ang pinto ng office ni Gio pero hindi ko rin ito agad tuluyang natulak nang makarinig ng ibang boses sa loob.

"You were gone for long! Where have you been, Giovanni?" anang malanding boses ni Beatriz.

Nadiin ko ang mga ngipin sa isa't isa. Agad nag-init ang ulo ko. At bago pa kung ano ano ang pumasok sa isip ko ay tuluyan ko nang tinulak ang pinto pabukas.

At saktong si Beatriz na nakaharap at nakahawak sa desk ni Gio ang naabutan ko. Nakayuko ito doon at nakalantad ang cleavage sa harap ni Gio na nakaupo sa swivel chair nito at may pinipirmahang mga papel.

Pareho silang bumaling sa pagdating ko.

"Don't you know how to knock?" mataray at maarte nitong salubong sa akin. Humalukipkip pa si Beatriz nang harapin ako.

"Kumatok ako. Hindi n'yo lang narinig." sabi ko.

Tinarayan lang ako nito at bumaling nang muli kay Gio. "And why is her desk inside your office, Gio?" tanong nito. "Wala kang privacy."

Inikot ko nalang ang mga mata. Ang arte talaga ng babaeng 'to.

"We have our privacy here, Bea." ani Gio at lumapit sa akin. "This is my girlfriend, Giselle."

Nakita ko ang paglalag ng panga ni Beatriz. "What? Isn't she your secretary?"

Tumango si Gio sa tabi ko. "Yeah, and my girlfriend, too."

"W-What?" suminghap siya kalaunan. "I'm leaving." sabay kuha ng bag at alis.

Mabuti naman.

Sinundan ko nalang ito ng tingin.

"Ano'ng ginagawa niya rito?" tanong ko kay Gio nang nakaalis na ng tuluyan si Beatriz.

Nagkibit-balikat lang siya. "I don't know. Visiting?" umiling siya. "But don't worry, I won't allow it to happen again." aniya.

"Bea," panggagaya ko sa narinig kong tawag niya kanina kay Beatriz.

"What? That's her nickname." ani Gio.

Tinalikuran ko lang siya at lumapit ako sa desk ko. Sumunod din naman siya. "I didn't call her love, or baby." malambing na aniya sa 'kin.

Hindi na ako sumagot at napailing nalang.

"Hindi mo ba pinaasa 'yon?" tanong ko.

"What? No. Nagkakilala lang kami dahil sa Dad niya. And she knows that I'm in a relationship."

Bumaling ako sa kaniya.

Nagbuntong-hininga siya. "We didn't break up, did we?" tanong niya. "We only needed some time apart..." aniya.

Agad na akong nanlambot. Huminga ako at tumango tango. Hinawakan ni Gio ang baywang ko habang nakatayo kami doon. Pinalibot ko na rin ang mga braso ko sa leeg niya. Ang tangkad ni Gio. Mabuti nakasuot din ako ng heels ngayon. Binaba niya ang mukha sa akin. Unti-unti akong hinalikan sa mga labi ni Gio. Napapikit nalang ako at dinama iyon at gumanti rin ng halik.

Tumigil lang siya at tinungo ang pinto at ni-locked. Pagkatapos ay binalikan niya rin ako at giniya patungo sa sofa. "Gio," tawag ko.

Kinandong niya pa ako habang nakaupo na siya roon. Nanatili akong halos nakayakap sa leeg niya. Nakatingin kami sa mga mata ng isa't isa. Bago muling bumalik sa paghahalikan...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro