Chapter 22
Chapter 22
Birthday
"Where are you going?" tanong sa akin ni Gio nang nakitang tumayo ako.
"CR lang." sagot ko naman sa kaniya.
Nagpaalam na muna ako at iniwan ang mesa namin. Dumiretso ako sa ladies' room at agad pumasok sa isang cubicle.
Pagkalabas ko ay naroon na nakaharap sa malaking salamin si Sabrina. Nagkatinginan kami sa mga repleksiyon namin doon.
Lumapit ako at naghugas ng kamay sa sink. Bumaling siya sa akin. "Ikaw si Giselle?" aniya.
Bumaling na rin ako sa kaniya pagkatapos at tumango. "Oo,"
Tumango siya, at bahagyang ngumiti. "Nalaman ko kay Jackson ang nangyari sa 'yo...at sa baby mo... Sorry." aniya. Umiling siya. "Nasabi niya kasi sa akin dati noong isang beses na nasasaktan din siya sa nangyari sa inyo at nandoon ako." paliwanag niya.
Tumango lang ako. Hindi alam ang sasabihin. Ngayon na lang uli may nagpaalala sa akin sa nangyari. Hindi ko naman kinakalimutan. Kung may gusto man akong kalimutan iyon ay ang sakit. Pero sa tuwing naiisip ko ang anak ko ay nandito pa rin iyong sakit. At tingin ko ay normal lang naman siguro ito sa isang ina na nawalan ng anak. Palagi kong naiisip si Van. Inaalala ko nalang iyong mga magagandang alaala naming dalawa. At sa kabila ng lungkot ay napapangiti na ako.
Pinili kong magpatuloy para na rin sa anak ko. Palagi siyang nasa puso at isip ko. At mananatili siyang parte na ng pagkatao ko. Inisip kong ito rin ang gugustuhin ng anak ko para sa akin. Ang magpatuloy at maging masaya pa rin kahit wala na siya. Dahil kahit maliit pa lang siya noon ay naramdaman ko na ang pagmamahal niya rin sa akin. Mahal na mahal ko rin ang anak ko. At gusto rin nating maging masaya ang mga taong mahal natin.
"I'm sorry." ani Sabrina.
Umiling ako at sinubukan siyang ngitian. Umiling lang ako.
Saglit kaming natahimik. Pagkatapos ay tiningnan ko siya. "Sorry rin...sa nangyari sa inyo noon ni Gio..." nasabi ko. Alam kong matagal na pero naisip ko rin noon na gawin din ito.
Maagap naman siyang umiling. "It's..." nakatingin siya sa akin. "It's actually Jackson that I like from the very beginning." amin niya na hindi ko inasahan. Bahagya siyang ngumiti. "Pumayag lang din ako noong magpakasal sana kay Giovanni dahil na rin sa iyon ang gusto ng parents ko."
"Alam ba niya?" tanong ko.
Tumango si Sabrina. "Oo, nalaman na niya noong nasa college pa kami. I confessed to him one time." medyo nahiya siya sa inamin.
"Bakit tutuloy ka pa rin sana sa pagpapakasal sa iba?"
Umiling siya. "Jackson...he was," nailing siyang muli. "He's focused with his goals. At mukhang hindi pa kasali noon sa mga plano niya ang serious relationship. In short, he dumped me after after I confessed to him." bahagya nalang siyang napangisi sa alaala. "At ngayon ko lang lubusang naintindihan. Looking at where he is right now, I completely understood. This is what he really wants. And I'm proud of him." ngiti niya.
Napangiti na rin ako. Ganoong klase ng tao talaga si Jack. Madalas mapagbiro lang iyon at makulit pero makikita mo sa kaniya na seryoso rin siya sa mga plano niya sa buhay.
"Uh," naglahad siya ng kamay niya sa harap ko. "Palagi kang nababanggit sa akin ni Jackson. I know that you two are really close. He sees you as his best friend. I hope we can be friends, too?" aniya.
Ngumiti naman ako at tumango. Tinanggap ko na rin ang kamay niyang nakalahad at nakipagkamay. "Oo naman." sabi ko.
Mukhang natuwa naman siya at lalo pang napangiti ang mahinhin na si Sabrina.
Nauna na si Sabrina sa akin lumabas ng ladies' room. Pagkalabas ko naman ay nakasalubong ko si Michaela. Natigilan ito nang nakita ako.
"Dito ang powder room." turo ko sa kaniya. Baka kasi hinahanap niya at doon din siya pupunta.
Tumango siya. "Thank you... Uh, Giselle, right?"
Tumango ako.
"I...I'm sorry..." marahang aniya.
Bahagya naman kumunot ang noo ko.
"I mean, for what happened years ago. Iyong sa party. Iyong sinugod kita at tinapunan pa ng hawak ko noong drink," aniya. "I was just...really drunk that night. And...jealous...and angry..." amin niya.
Tumango ako at bahagya siyang nginitian. "Huwag mo nang isipin, matagal na rin iyon." sabi ko sa kaniya. "At wala kang dapat na ipagselos. Magkaibigan lang kami ni Daniel mula noon."
Tumango siya at napangiti na rin. "I know that now. I'm really sorry." umiling siya. "Gusto ko lang din na mawala itong awkwardness sa akin." bahagya siyang napangiwi at ngumiti rin.
Ngumiti lang ako at tumango.
Bigla nalang naglapag si Gio ng isang box na regalo sa harap ko isang araw. Tiningnan ko iyon na nakapatong sa mesa ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Ano 'to?"
Nakatayo siya sa harap ko. "It's your birthday." aniya.
Nakagat ko nalang ang labi at pinigilan ang sariling mangiti. Bahagya akong tumikhim. "S-Salamat." kinuha ko na ang gift niya para sa akin.
In-untie ko ang ribbon at binuksan ang kahon sa pagkuha ng takip nito. Bumungad sa akin ang isang kuwintas. Isang locket necklace na nang buksan ko ay nagpakita ng pictures namin ni Gio at ni Van sa kabila. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Suminghap ako bago muling nag-angat ng tingin kay Gio na may emosiyon na rin sa mga mata niya. Sinubukan ko siyang ngitian.
"I can..." tukoy niya sa pagsusuot ng kuwintas sa akin.
Tumango naman ako at hinayaan siya.
Hinawakan ko ang heart-shaped nitong pendant.
Tinawagan at binati na rin ako ng mga kaibigan namin. Nagsabi pa si Jack na doon dumiretso sa restaurant niya pagkatapos ng trabaho namin ni Gio.
"Salamat, Jack, ha." sabi ko sa kaniya habang kumakain na kaming lahat.
Early niya pang sinara ang restaurant niya ngayon para maging private para lang sa amin.
"No worries, Gi. Babayaran din naman ni Gio lahat ng kakainin natin." ngumisi si Jack na bumaling kay Gio sa tabi ko.
Tumingin ako kay Gio habang abala ang mga kaibigan namin. Si Thea ay nagpapasubo pa kay Felix. Nagtatawanan nalang tuloy sila Kat at Rose. Maging ang mga lalaki at sila Michaela at Sabrina na naroon na rin. Tumingin din siya sa akin. Ngumiti ako kaya napangiti rin siya habang nagkatinginan kami.
Kaya nang siya naman ang may birthday ay napabili ako ng oven para maipag-bake siya ng cake sa apartment ko. Maagang-maaga akong gumising para magawa iyon.
Halos magkasunod lang din kami ng kaarawan.
Medyo na-late pa ako ng dating sa office. Agad kong hinanap si Gio at wala siya sa loob ng opisina niya. Tinabi ko nalang muna roon ang dalang naka-boxed na cake.
Lumabas ako para pumunta sa meeting room dahil iyon ang nasa sched ni Gio. Mali talaga na late ako. Hindi pa rin naman ako na-late bukod ngayon. Medyo napalpak pa kasi iyong naunang b-in-ake ko kaya umulit pa ako.
Pero natigilan din ako sa mga hakbang nang nakitang lumabas si Mr. Fonacier, ang Daddy nila Gio, sa pinto ng room kasunod si Gio. Nakita kong pinapagalitan siya ng Dad niya. Hindi sumasagot si Gio at hinayaan lang ang matanda. Hanggang sa nakaalis na rin ito.
Nilapitan ko siya nang wala na ang Dad niya. "Gio," tawag ko. Agad nag-alala para sa kaniya.
Tumingin siya sa 'kin. Sinubukan niyang ngumiti pero nabigo pa rin.
Nang nakabalik kami sa office niya ay agad kong kinuha ang dalang cake at nilabas sa box. Pinakita ko iyon sa kaniya. "Happy birthday, Gio." bati ko at nginitian siya.
Ngumiti rin siya at malapad iyon. Lalo akong napangiti sa reaksiyon niya.
Lumapit pa siya sa kinatatayuan ko. "Thank you." aniya.
Tumango ako na may ngiti pa rin sa mga labi. "Teka, may dala akong candles," kinuha ko at sinindihan na ang mga iyon pagkatapos isa-isang tinusok sa cake. "Ang dami." sabi ko na tinukoy ang mga kandila at bahagyang ngumisi. 28 na rin si Gio. 23 naman ako. Mga five years din ang agwat ng edad namin.
"Okay," sabi ko nang pinuwesto ang cake sa harap niya. "Mag-wish ka muna bago mo hipan."
Pareho kaming nakatayo lang ng magkaharap sa gitna ng office niya.
May ngiti pa rin sa mga labi ni Gio nang pinikit niya ang mga mata para sa kaniyang birthday wish.
Napatitig naman ako sa mukha niya. Ang smooth na balat niya, ang mga kilay niyang bagay sa saktong kapal at haba ng pilikmata niya. Ang mga mata niyang nakapikit na kapag bukas ay makikita ang kakulay ng honey nitong mga orbs. Ang perpekto niyang ilong at panga. At ang mga labi niya...
Siya na agad ang nakakuha ng atensiyon ko sa kanilang magkakaibigan noong nakilala ko pa lang sila. Bukod sa angelic niyang mukha, may iba kay Gio. Lalo noong unti-unti na kaming nalapit sa isa't isa. Gusto ko nalang na alagaan at yakapin siya palagi. Dahil pakiramdam ko ay hindi siya madalas nakakakuha no'n...
Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko nang naisip ko ang mga nangyari sa nagdaang mga taon...
Kumurap ako nang nagmulat na ng mga mata niya si Gio. Hinipan na rin niya ang mga kandila.
"Thank you, Giselle." aniya.
Nakatingin lang ako sa kaniya. Sa malambot at guwapo niyang mukha... Tumingin din siya sa akin. Nagkatinginan kami ng ilang sandali bago ako naunang bumawi. "G-Gusto mo na bang kainin itong cake mo?" tanong ko sa kaniya.
"Sure," sagot niya.
Parang wala pa sa sariling tumango tango ako. "Uh, sige...kukuha lang muna ako ng utensils." paalam ko.
Nang nakabalik ako ay hiniwa na rin namin ang cake at naglagay ako ng slices sa platito. Binigay ko kay Gio ang isa. Nakaupo na kami sa sofa kaharap ang cake na nasa coffee table na ngayon.
"It's delicious. Thank you." aniya habang kumakain.
Bahagya lang akong ngumiti.
"Ano...ang nangyari at mukhang nagalit sa 'yo ang Daddy mo?" marahan kong natanong.
Tumingin sa akin si Gio at umiling. "He did not approve the deal I made despite the board already agreed to it."
"Bakit daw?"
Umiling siya. "He doesn't like it." aniya. "It's okay."
Umiling din ako. "Hindi okay, Gio." sabi ko sa kaniya.
Nag-angat muli siya ng tingin sa akin. "It's okay. I understand."
"Palagi nalang siya ang iniintindi mo..." nasabi ko.
Ngumiti lang siya ngunit nakitaan ko ng kalungkutan iyon. "He's my father, Giselle. He's my family." aniya.
Ramdam ko ang sakit sa puso ko habang nakatingin ako sa kaniya. Ngumiti lang siya na hindi naman umabot sa mga mata niya.
I'm sorry, Gio...
Nagpaalam na ng leave si Gio. Sasama kaming lahat sa probinsya nila Thea. Imimeet na ni Felix ang family ni Thea. Masaya naman ang kaibigan ko at mukhang excited. Susuporta rin kami roon at tatakbong Mayor ang Papa niya.
"Magtatagal kayo doon?" tinanong ako ni Kuya Silver habang nasa loob ako ng office niya at may kinailangan lang din papirmahan.
Umiling ako. "Hindi naman, po."
Tumango siya at kita kong parang may gustong sabihin kaya naghintay ako. Huminga siya. "Nandoon din nakatira ang family ng biological father ni Gio."
Hindi agad ako nagsalita. Sa lugar na pupuntahan namin?
"Maybe, Gio might want to see his relatives there." ani Kuya Silver.
Tumango lang ako. Pagkatapos ay nagpaalam na rin at lumabas ng office niya.
"Gio," tawag ko.
Mula sa pagmamaneho ay sumulyap siya sa akin. Nakasunod lang ang sasakyan namin sa sasakyan din nila Felix. Naroon din nakasakay ang mga kaibigan ko. Magkakasunod lang kaming lahat nila Jack at Daniel na nagdala rin kani-kaniyang mga sasakyan.
"Nasabi sa akin ng kuya mo na roon din sa pupuntahan natin nakatira ang kamag-anak mo..." sabi ko.
Muli siyang sumulyap sa akin. "What?"
"Ang relatives ng Papa mo,"
Saglit niya lang akong sinulyapan at tumuon nang muli sa daan.
"Kung...gusto mo silang makita at makilala rin, puwede kitang samahan." sabi ko sa kaniya.
Wala siyang sinabi at hinayaan ko nalang muna.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro