Chapter 21
Chapter 21
Ngiti
"Ikaw lang yata ang ma-attitude na secretary." sabi ni Thea. Kumakain siya ng manggang hilaw.
Nagbuntong-hininga ako.
"Parang ang boss mo pa ang kailangang mag-adjust sa 'yo, 'no?" dagdag niya.
Umiling ako. "Hindi ko lang mapigilan, Thea." sabi ko. "Babalik nalang siyang may kasamang ibang babae?"
"Bakit? Ano niya ba yung babae? Sinabi naman niyang wala silang relasyon, 'di ba?"
Hindi ako nakapagsalita.
"Ang selosa mo rin pala, Gi." ani Rose.
Nasa penthouse kami ni Felix, na ngayon ay penthouse na nila ni Thea. Napakilala na rin siya sa pamilya ni Felix.
"Hindi ako selosa-"
"Oh, deny pa." putol sa akin ni Kat.
Muli nalang akong nagbuntong-hininga.
"Mag-usap kayo, Gi." advice sa akin ni Kat.
Tumango naman ako.
"Usap! Idiretso n'yo nalang sa love making 'yan!" si Thea na ganoon pa rin.
Bumaling kaming tatlo nila Rose sa kaniya.
"Oh, bakit? Tingnan n'yo ako. Matagal din akong naghintay, ah. Ilang taon na rin kasing parang ganoon nalang kami ni Felix. Ano? Sex, sex nalang, ganoon? Although enjoy naman lagi. Pero kasi hindi ko alam kung ano pa ba ang plano niya para sa amin. Kaya ako nalang ang nagplano." aniya.
"Pinikot mo siya." sabi ni Rose.
Tinapunan lang ito ng throw pillow ni Thea.
"There are matters that better be discussed in bed. Let your bodies speak. Pillow talk." dagdag pa ni Thea.
"Ewan ko sa 'yo, Althea." bahagya nalang siyang tinawanan ni Kat.
"Kumusta naman ang meeting mo sa family ni Felix?" tinanong ko siya.
Tumango siya. "Okay naman. Ang bait ni mother!" ngiting ngiting aniya.
Napangiti rin ako at natuwa para sa kaibigan. "Mabait talaga si Tita Clara. At gustong gusto na rin noon magka-apo."
Tumango si Thea. "Oo nga, tuwang tuwa nga siya nang nalaman na buntis na rin ako."
"Okay si Thea sa in-laws niya. Sa aasawin mismo may problema." ani Rose.
Hinampas siya ng unan ni Thea na katabi niya lang din. "Panira ka!"
Tumawa lang si Rose na nasundan din ni Kat.
"Bakit?" tanong ko naman.
Nagbuntong hininga si Thea. "Nag-iinarte lang 'yon si Felix. Wala na siyang magagawa. 'Tsaka sanay na ako sa kamaldituhan niya, 'no." aniya.
I hope okay lang sila ni Felix. Mabait din naman si Felix. Minsan ay hindi lang talaga sila ganoon kanagkakasundo ni Thea dahil magkaiba rin talaga ng ugali. Pero nakikita ko namang bagay talaga sila. At matagal na rin nilang kilala ang isa't isa.
"Mahal mo talaga si Felix, 'no?" ngumiti ako kay Thea.
Parang kinilig din siyang ngumiti. "Oo naman. Kung hindi ko mahal 'yon hindi ko titiisin ang ugali noong kamag-anak yata ni Elsa ng Frozen." sabi niya.
Napangiti nalang ako.
Nang dumating ang Monday ay pumasok muli ako sa office. Ilang araw na rin kaming nagkikita at nagkakasama ni Gio sa opisina. Madalas ay wala kaming imikan at nagsasalita lang kung kailangan at may kinalaman sa trabaho.
Nakita ko siyang hinilot ang sintido niya habang kaharap ang maraming papel sa desk niya. Lumabas ako ng office at pinagtimpla ko siya ng coffee. Pagkatapos bumalik din ako agad at nilapag iyon sa harap niya.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Thanks," aniya.
Tumango lang ako at bumalik na rin sa ginagawa ko. Ang mesa ko ay nasa loob lang din ng malaking opisina ni Gio. Idea ito ni Kuya Silvester na hindi ko na pinakialaman.
"Are you going to Jackson's restaurant opening tomorrow?" natanong ni Gio.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Sumimsim siya sa kapeng gawa ko. Tumango ako sa tanong niya.
Tumango rin siya. "Sumabay ka na sa 'kin." aniya.
Hindi ako agad nakatugon.
"Why? Magsasabay uli kayo ni Daniel?"
Umiling ako.
Tumango siya at nagkasundo na kaming sabay pupunta sa opening ng Restaurant ni Jack.
Overtime uli kami ni Gio sa dami rin ng kailangan gawin. Inaasikaso rin niya ang para sa iba pa nilang business. Busy din si Kuya Silvester kaya halos hindi na nagkaka-girlfriend iyon. Pressured din kasi sa Dad nila.
Pero isang beses may nakita akong sexy at magandang babae na Lumabas mula sa office ni Kuya Silvester. Hindi iyon nagtatrabaho rito sa kompanya. Kaya siguro may babae rin naman siya...
Naisip ko si Gio. Tiningnan ko siyang abala lang naman sa desk niya at sa harap ng laptop niya. Naisip ko kung nagkaroon din ba siya ng babae noong magkahiwalay kami. Sumama ang tingin ko sa kaniya.
Nag-angat siya ng tingin sa akin nang naramdaman siguro ang titig ko. "What is it?" tanong niya.
Nag-iwas lang ako ng tingin.
"Are you okay?-"
"Okay lang ako." putol ko sa kaniya.
Hindi na muli kami nag-imikan.
"Lumabas muna tayo para makapag-dinner.-" aniya.
Nakita ko sa glass walls ng opisina niya na madilim na nga sa labas. "Hindi na. Ako nalang ang lalabas at bibili ng pagkain. Tapusin mo na muna 'yan." sabi ko sa kaniya.
Tumango nalang siya at inabot sa 'kin ang buo niyang wallet. Tiningnan ko iyon. "Pagkain lang naman siguro ang bibilhin ko at hindi ang buong restaurant." sabi ko sa kaniya.
Nagbuntong-hininga siya at naglabas nalang ng ilang cash. Tinanggap ko na iyon. At lumabas na rin ng office niya para makabili ng pagkain namin. Nagugutom na rin ako.
Pagkabalik ko ay tinanggal na ni Gio ang eyeglasses niya. Nagsusuot siya niyan minsan, lalo kapag may binabasa siya o kaharap niya ang kaniyang laptop. Bahagya rin siyang nag-stretching.
"Kain na muna tayo." sabi ko matapos inayos sa coffee table na naroon ang binili kong pagkain.
Umupo kami ni Gio sa sofa at tahimik na nagsimulang kumain.
Pagkatapos ay balik muli siya sa laptop niya habang naglinis naman ako.
Ang huli kong naalala ay nakatulog nalang ako sa desk ko. Pagkagising ko ay kumportable na akong nakahiga at nakaunan sa dibdib ng natutulog na si Gio. Magkatabi na kami sa daybed na naroon din sa loob ng opisina niya.
Agad akong bumangon. Nagising na rin si Gio. Umalis na ako sa tabi niya at inayos ang sarili. Suot ko pa rin naman ang blouse ko at pencil skirt. Alam kong natulog lang kami kagabi.
"What time is it?" umupo na si Gio sa daybed. Habang ako naman ay nakatayo sa harapan niya.
Sinagot ko ang tanong niya pagkatapos ay pinaalalahanan ko na rin siya. "Pupunta pa tayo sa opening ng restaurant ni Jack." pagpapaalala ko sa kaniya.
Tumango naman siya.
"Uuwi muna ako sa apartment ko para makapagpalit." sabi ko sa kaniya.
Tumango muli siya. "Okay. Magbibihis lang ako tapos sasamahan na kita sa apartment mo at doon nalang din kita hihintayin." aniya na hindi na hinintay ang sagot ko. Dumiretso na siya sa bathroom ng office niya.
Kaya hinintay ko nalang muna siyang matapos. Hindi tulad ko ay may dala si Gio na mga damit at gamit niya rito sa office niya o kaya sa sasakyan. Minsan may mga biglaan din kasi siyang meetings o out of town at out of the country. Kaya nakahanda na siya at hindi na kailangang umuwi pa sa bahay niya. Madalas din siyang mag-travel dahil na rin sa work niya.
Fresh na siya nang nakalabas sa bathroom. Habang ako ay kailangan ko pa rin maligo. Bahagya ko lang munang inayos ang sarili ko. Lumabas na rin kami ng office niya.
Nakasalubong pa namin si Kuya Silvester nang paalis kami ng building. "Oh, you two slept here?" ngiting ngiti ito sa amin. "Good morning!" bati nito.
"Overtime." sagot lang ni Gio.
"Good morning, po." bati ko naman.
Lumapad pa ang ngiti nito sa amin. At mukhang good mood na nagpaalam na rin sa amin ni Gio at nilagpasan na kami ng kapatid nito.
"Mukhang maganda ang gising ng kuya mo." sabi ko kay Gio.
"Don't mind him." aniya lang.
Sumakay na ako sa kotse niya nang nakarating kami sa basement. "Sandali lang ako." sabi ko sa kaniya habang nagkakabit ng seatbelt.
"Take your time." aniya at nagmaneho na.
Binuksan ko ang pinto ng maliit kong apartment at pinapasok si Gio. Nakita kong nilibot niya ang tingin sa tirahan ko. "Upo ka muna," tinuro ko sa kaniya ang maliit kong couch.
"How long have you been living here?" tanong niya.
Tinabi ko muna ang bag ko doon. "Simula noong nasa huling taon na ako sa college." tiningnan ko siya. "Ang laki rin kasi ng pa-allowance mo."
"What?" nagmaang-maangan pa siya.
"Sinabi na sa 'kin ni Kuya Silver."
Natikom niya ang bibig.
"Uh, salamat nga pala... Malaking tulong sa akin." sinubukan ko siyang ngitian.
Ngumiti rin siya pabalik. Nagkatinginan kami. Nag-iwas ako ng tingin nang nakabawi. "Uh, sige, pasok muna ako sa kuwarto."
Nagmadali na rin akong maligo at magbihis at mag-ayos. Naglagay ako ng konting makeup. Tapos nagsuot din ng heels. Nasasanay na rin ako sa madalas kong ayos dahil sa trabaho ko sa office.
"Tara na?" sabi ko kay Gio nang natapos na ako.
Pinasadahan pa niya ako ng tingin at ang suot ko. Tumango siya at bahagyang ngumiti.
Pagkarating namin ay kumakain na sila. Na-late pa kami ng dating ni Gio. Agad naming hinanap si Jackson. "Sorry, Jack, traffic." sabi ko sa kaniya.
"It's okay, Gi. Umupo na kayo ni Gio at kumain. I prepared lots of food." natutuwang aniya.
Ngumiti ako at tumango. "Congrats, Jack!" bati ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya. "Thanks, Gi." aniya.
Nakasuot siya ng puting pang-Chef na talaga. Nilibot ko ang tingin sa maganda at malaki niyang sariling restaurant. May lumapit sa aming pamilyar na babae. Dumiretso ito kay Jack.
"Uh, Gi, this is Sabrina. She's a business partner." Jack formally introduced us.
Ngumiti sa akin iyong babae. Naalala ko siya. Napangiti nalang din ako.
Giniya na ako ni Gio sa table kung nasaan din sila Felix at ang mga kaibigan ko. "Gi!" sinalubong ako ng buntis na si Thea. "Bakit ngayon lang kayo?" tanong niya.
"Traffic," paliwanag ko naman.
"Upo na kayo, Gio." si Felix.
Umupo na rin kami ni Gio roon. At nagsimula na rin kumain. "Hmm," tumango tango ako nang natikman na ang luto ni Jack. "Ang sarap nito, Jack." puri ko sa kaniya na lumapit din doon sa table namin.
Nakaka-proud din talaga ang lalaki na 'to. Narito rin ang parents niya na nabati na rin namin kanina pagdating.
"Oo nga, pa-take home, ha." ani Thea.
Napapailing nalang kami.
"Sure, sis-in-law." ani Jack.
Ngumisi naman si Thea.
Umiiling nalang si Felix. Mukhang nagkakasundong talaga ang kapatid at magiging asawa niya.
Humabol din ng dating si Daniel na kasama si Michaela.
Agad akong napangiti nang nakita silang magkasama.
"Daniel Guzman," Hindi agad ito nakadiretso sa amin dahil sinalubong pa ng isang matandang businessman na kakilala rin nila Tita Clara na naroon din sa opening.
Napabaling ako kay Gio sa tabi ko nang naramdaman ang titig niya sa akin. Mukhang tinitingnan niya ang reaksiyon ko.
"Ano?" puna ko sa kaniya. Ang mga kasama namin sa mesa ay abala rin sa isa't isa. Napailing ako. "Hindi kami nag-date." tukoy ko kay Daniel. "Madalas niya lang din akong ihatid sundo noon dahil sa pinsan niyang tutee ko rin dati, si Tria. Nakatira siya sa bahay nila Daniel kaya pumupunta ako roon." sabi ko. "Kaibigan ko lang ang kaibigan mo." nangiti kong sabi sa kaniya.
Bahagya siyang nagtaas ng mga kilay at unti-unti rin tumango.
Napangisi nalang ako sa reaction niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro