Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter 20

Secretary


Handa na ako at nakaabang sa pagbaba pa lang ni Gio sa private plane nila. Pinanatili kong pormal lang ang hitsura at ayos ko. Ngunit napakurap pa rin ako nang nakita ko na siyang bumababa sa airstair.

At tuluyan nang nag-iba ang reaction ko nang nakitang may magandang babae siyang inalalayan na makababa rin... Kumapit pa ito sa braso niya at may magandang ngiti sa labi na napintahan ng lipstick.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Gio at nagkatinginan kami. Una akong nag-iwas ng tingin.

Ginawa ko nalang ang trabaho ko at nanatiling pormal.

"You will first meet with Mr. Silvester Fonacier right now, Sir." sabi ko kay Gio, tinutukoy lang ang sched niya na hawak ko.

Ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Nandito ako para sa trabaho... Inikutan ko na ng mga mata ang sarili sa loob-loob ko. Sige, Giselle, kumbinsihin mo pa ang sarili mo.

At sino ba itong babaeng dala niya? Ilang taon siyang nawala. Tapos pagbalik niya ay may babae na siya?

Hinintay ko siya... Napalunok ako.

Dumiretso na kami sa sasakyan.

Nasa harap ako katabi ng driver. Sa likod naman si Gio at iyong babae niya. Naririnig ko pa ang malanding boses ng babae na nagsasalita.

Sino iyan? Girlfriend niya? Wow. Ang sarkastiko ko na sa loob loob ko.

Tumigil kami para makipagkita na kay Kuya Silvester na sasalubungin din ang pagbabalik ng kapatid nito.

Nanatili lang akong pormal sa buong mga pangyayari.

"Oh, Gio, Giselle would be your new secretary. Hindi na puwede iyong dati. He's resigned." ani Kuya Silvester.

Tumingin sa akin si Gio pero nag-iwas na ako ng tingin.

"Where are we going after this?" anang babae.

Nakakarindi na rin ang tinis at landi talaga ng boses nito. Parang palagi niyang inaakit si Gio at kung makakapit pa siya sa braso nito...

Hindi ko napigilang mapairap.

"Join us, Giselle." inaya ako ni Kuya Silvester sa pagkain nila.

"Isn't she just a secretary?" anang bruha.

Hindi ko alam kung bakit parang nagngingitngit na yata ako sa inis sa babae. Wala pa naman itong ginagawang masama talaga sa akin. Pero hindi ko lang mapigilan. Parang nag-iinit talaga ang dugo ko sa kaniya.

Na hindi dapat. Alam kong mali at masama rin ang ganito. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko sa isang taong hindi ko pa naman talaga kilala...

"She's...also a family friend." ani Kuya Silvester.

Sumalo na rin ako sa kanila. Inimbitahan din naman ako ni Kuya Silvester. At masama rin namang tanggihan ang pagkain, 'di ba? At pakiramdam ko pa ay ginutom na rin ako kahit halos nagsisimula pa lang naman ang araw ko.

Pagkatapos ng lunch kasama si Kuya Silvester ay nagpunta pa si Gio sa isang golf course. May kinita lang sila roon kasama si Beatriz. Na mukhang Daddy din nito. Mukhang tuwang tuwa pa iyong mayaman din businessman na makita ang anak na kasama si Gio.

Napapaangat nalang ang kilay ko. Pakiramdam ko ang bitter ko na rito sa tabi.

"Okay ka lang? Naiinitan ka na yata," pinayungan ako ng isa sa bodyguards ni Gio.

Umiwas naman ako sa pagpayong nito. Kunot ang noo nito sa 'kin. Tumango lang ako. "Ang boss mo ang payungan mo." tukoy ko kay Gio.

Pagkatapos noon ay sumama pa rin sa amin si Beatriz. Kahit pa mukhang puwede naman siyang magpaiwan na muna roon sa Daddy niya. May mga importante pang kailangang gawin si Gio. Kaysa sa pakikipaglandian lang din sa kaniya.

Nasa loob na kami ng bagong office ni Gio at sa wakas ay nakaalis na rin iyong Beatriz. Nahiwalay na rin silang dalawa. Baka nalulungkot na tuloy itong si Gio dahil wala na ang babae niya.

"Are you okay?" puna sa akin ni Gio.

Kaming dalawa lang ang nasa loob ng office niya.

Inayos ko ang mukha ko. Tumango lang ako at inabala ang sarili sa pag-aayos ng ilang documents sa drawers ng shelf niya rito sa opisina niya.

"Why did you accept the job?" tanong niya. Nakaupo lang siya sa swivel chair niya habang tinitingnan akong nakaharap naman sa shelves.

"Kailangan ko ng trabaho." sagot ko.

"Really?" may duda sa tono niya.

Muli ko siyang binalingan. "Bakit?"

Napaayos siya ng upo sa swiveling chair niya at mukhang nabigla pa sa kasungitan ko.

"Okay, we're done for today." aniya.

"Nagmamadali ka yatang umalis? Magkikita pa kayo ng girlfriend mo?May date pa pala kayo." wala nang preno ang bibig ko. Nakakainis naman kasi. Parang hindi pa sapat yung kanina na halos buong araw na silang magkasama noong Beatriz.

Kumunot ang noo ni Gio. "What? What girlfriend, Beatriz? She's just the daughter of our company's business partner." aniya.

Pero may duda pa rin ako. "Talaga lang." halos masira ko na yata ang drawers niya at parang padabog ko nang pinapasok doon sa loob ang mga papel.

"Come on, Giselle." ani Gio.

Hindi ko siya pinansin.

"How about you? You're dating my friend now," aniya.

Kumunot ang noo ko. Dating? Friend? Binalingan ko siya. "Si Daniel?"

Nakita kong gumalaw ang panga niya. Hindi siya nagsalita.

Bahagya ko lang siyang sinimangutan at tinapos na rin ang ginagawa ko.

"Ihahatid na kita-"

Binalingan ko siya. "Hindi na. Susunduin ako ni Daniel." sabi ko sa kaniya.

Umawang ang labi ni Gio.

Susunduin naman talaga ako ni Daniel dahil itututor ko pa rin si Tria. Hindi na rin naman magtatagal at pinaliwanag ko na rin sa kaniya na magiging busy na rin ako sa work ko. Naintindihan naman iyon ni Tria at may nakahanda na rin sila Daniel na ipapalit sa akin para bagong magtuturo sa pinsan niya.

Nagsabay pa kami pababa ng building. At naroon na nga si Daniel naghihintay sa akin. Nakita rin nito si Gio na kasunod ko. Binati ni Daniel ang kaibigan niya. Pagkatapos ay sumakay na rin kami sa kotse niya paalis.

Sa salamin ng sasakyan ay nakita ko pa si Gio na naiiwang nakatayo roon at tinitingnan lang na umalis ang kotse sakay kaming dalawa ni Daniel.

Huminga ako at iniwas nalang ang tingin.

"Did you two already talked?" tanong ni Daniel habang nagmamaneho.

Bigo akong umiling.

"You should talk." aniya.

"Kayo rin ni Michaela." sabi ko. Hindi siya nakapagsalita at nanatili ang tingin sa daan. "Ilang taon na rin, Daniel. Baka naman...handa ka nang makinig sa kaniya ngayon. Uuwi siya ng bansa." sabi ko sa kaniya.

Wala naman siyang sinabi. Nagbuntong-hininga nalang ako at tumingin nalang din sa nadadaanan namin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro