Chapter 2
Chapter 2
Good night
"Jack,"
"Hey, Gi," baling nito sa 'kin.
Naabutan ko siyang nagluluto sa kusina. Weekend iyon. Ilang araw rin akong absent. Sa Monday papasok na talaga ako. Hindi pa naman halata ang tiyan ko. Kaya pa siguro. Kahit matapos ko lang ang semester na ito. Sayang din kasi.
"Nagluluto ka na naman?" tiningnan ko ang hinahalo niya.
He nodded and smiled. "Taste this," nilapit niya sa bibig ko ang sandok na may lamang konting sabaw matapos itong hipan.
Napangiti ako at tinikman na. Binigyan ko si Jackson ng dalawang thumbs up. Masarap din talaga siyang magluto. Puwede na siya pumasang Chef. Malaki ang naging ngiti niya sa reaction ko.
"Do you want anything?" tanong niya.
Napa-isip naman ako. Kanina parang may gusto akong kainin. Ah! "Lumpia. Marunong ka no'n?"
Medyo kumunot naman ang noo niya. "Let's see on the internet." aniya at kinuha ang phone niya.
Naghanap nga kami ng recipe online. At dahil kulang ang ingredients na nandito sa bahay ay kinailangan naming lumabas para mamili.
Nakakahiya pa kay Jack kasi pera niya lahat ang pinambili. Wala man lang akong ambag. Gulay lang din naman ang gusto kong laman ng lumpia na lulutuin niya. Tutulungan ko nalang siya sa panghihiwa.
"Sa'n kayo galing?" sinalubong kami ni Gio.
Gaya ni Jack ay halos nandito lang din siya sa bahay niya ngayon. Hindi nga lang kami nag-uusap talaga gaya sa amin ni Jack.
"We bought the ingredients for Giselle's lumpia." nakangiti na sagot sa kaniya ni Jack.
Medyo kumunot lang ang noo ni Gio at wala nang sinabi. Nilampasan na namin siya ni Jack at dumiretso na kami sa kusina.
Naghiwa na nga rin ako ng mga gulay. "First time mo lang 'tong gumawa ng lumpia?" Sabi niya kasi ngayon lang siya makakapagluto nito. Pero sa klase ng paggalaw niya ngayon sa kusina ay mukhang alam na alam na niya ang gagawin.
Papasa na talaga siyang Chef.
Tumango siya. Nakatuon sa ginagawa. "Yeah."
"Nag-aaral ka pa, 'diba? Ano'ng course mo?" tanong ko.
"Business," sagot niya na may pagbubuntong hininga.
"Hindi Culinary? Ayaw mo bang maging Chef? Magaling kang magluto, ah."
Ngumiti siya sa sinabi ko. "Thanks. But I don't think I'm allowed to,"
"Huh?"
Umiling siya habang ekspertong naghihiwa. Hindi gaya ko na mabagal. "I should help my brother in running the family business." Muli siyang nagbuntong-hininga.
Oo nga naman at may business ang pamilya nila. Halata namang mayaman sila. Kahit sa kilos pa lang ni Jackson at pagdadala sa sarili niya. Pero hindi siya mayabang. Ang cute nga niya. Parang siya talaga yung mga napapanood mo sa Kdramas na bidang lalaki. Cute at guwapo rin.
Kumakain ako ng nilutong lumpia ni Jack para sa akin sa may kitchen table nang pumasok si Felix sa kusina. Wala na si Jack at nagpaalam na may sasagutin lang na tawag.
Ngumiti sa akin si Felix kaya nginitian ko na rin siya.
"You like my brother's cooking?" tanong niya.
Tumango ako. "Oo, masarap. Tikman mo." inusog ko ang mas malaking plato na pinaglagyan ng mga gawang lumpia.
Umupo roon si Felix at tinikman na rin ang luto ng kapatid niya. Napatango tango siya.
"Galing ka sa trabaho?" tanong ko.
Tumango siya.
"Nakakapagod?"
Tumangong muli siya. "A bit, but I can handle. I'm used to it."
"Si Jack?"
"What about him?"
"Mukhang...mas gusto niyang maging Chef."
Bahagya siyang napangisi. Nagpatuloy siya sa pagkain. Halos magkamukha sila ni Jackson. Ang kaibahan lang ay mas matangkad at mas malaki ang pangangatawan ni Felix sa nakababatang kapatid. "He should tell our parents. Or me at least. The problem with him is he doesn't say anything. He just follow. He should learn to say no..." Pagkatapos sabihin iyon ay nagkibit balikat siya.
Wala naman akong nasabi. Hindi ko alam kung ano ang idudugtong sa sinabi ni Felix.
"He should trust me. I can help him. I'm his older brother after all."
Saglit kong nakagat ang labi. "Baka hindi niya lang alam kung saan magsisimula..."
Tumango lang si Felix sa sinabi ko.
"Hey," binati ako ng ngiti ni Daniel. Kakarating lang niya kinagabihan.
"Good evening, Daniel." bati ko.
"Good evening." he smiled.
Mukhang mabait din talaga si Daniel. Mukha lang siyang cool at easy. Parang hindi niya pinapahirapan ang buhay niya. Gaya nila Felix ay nagtatrabaho na rin siya sa sariling company din ng pamilya niya. Mayayaman talaga ang mga lalaking ito.
"How are you here? Hindi ka ba sinusungitan ng kaibigan namin?" bahagya siyang natawa sa sinabi.
Si Gio? Umiling ako. "Hindi naman. Mabait naman si Gio..."
Tumango si Daniel. "Yeah. He's a good person. He's just misunderstood sometimes," aniya.
Tumango ako.
"Ready na pala ang dinner. Halos kakaalis lang din ni Felix. Hindi yata siya rito matutulog ngayon. Aakyatin ko na sana sila Jack para matawag." sabi ko.
"Oh, I can do that. Ako nalang tatawag sa kanila. Aakyat din muna ako to change my clothes." aniya.
Tumango nalang ako at hinayaan siya.
Bumalik nalang ako sa dining area at inayos pa ang mga pagkain at kubyertos doon sa mesa.
Nang dumating silang tatlo ay kumain na rin kami. Nag-uusap sila Jack at Daniel at sinasali rin nila ako minsan. Tahimik naman si Gio.
Napatingin ako sa kaniya na tahimik lang na kumakain. Palagi siyang nandito sa bahay. Minsan nga kaming dalawa lang ang tao rito. Pero madalas naman nasa kuwarto niya lang siya. Minsan gusto ko talagang malaman kung ano ang nasa isip niya. Parang may dinadala kasi siya. Baka kailangan niya ng makakausap. Sabi kasi nila nakakagaan din daw iyon ng loob. Yung kahit may nakikinig lang sa 'yo.
Pero siguro masiyado lang din akong nag-iisip. Tahimik na tao lang siguro talaga si Gio at okay lang naman siya. Wala siyang kailangan. Hindi niya kailangan ng makakausap. Ganiyan lang talaga siya.
Bigla siyang nag-angat ng tingin sa akin kaya agad din naman akong umiwas. Muntikan niya na akong mahuling nakatingin sa kaniya. Hindi ba't parang weird iyon na tinitingnan ko siya? Baka ma-weird-uhan pa siya sa 'kin.
Natahimik nalang din ako sa pagkain.
"I'll help you."
Halos mapatalon ako sa gulat nang narinig ko ang boses ni Gio mula sa likod ko. Nilingon ko siya at lumapit na rin siya sa malaking sink. "Hindi na, kaya ko na. Umakyat ka nalang din sa kuwarto mo. Kaya ko na 'to." paninigurado ko sa kaniya.
Nagliligpit lang naman ako ng pinagkainan namin. Sila Jack at Daniel ay naunan nang umakyat sa mga kuwarto nila. Mukhang pagod din iyong dalawa.
Pero mukhang hindi ako narinig ni Gio. Nagpatuloy siya sa pagtulong sa 'kin.
"Hala, Gio, hindi na talaga kailangan."
"I can do it."
Nakagat ko nalang ang labi. Wala na rin akong nagawa at hinayaan nalang siya.
Tahimik kami pareho at walang nagsasalita habang nililinis namin ang kusina. Nang natapos ay muli kong hinarap si Gio na humarap din sa akin.
"Thank you. Hindi naman na talaga kailangan. Kaya ko naman mag-isa. Madali lang naman ang trabaho." sabi ko.
"You're pregnant." pagpapaalala niya sa 'kin. Hindi ko naman nakakalimutan. Magaan lang din naman talaga itong trabaho. "You shouldn't tire yourself. And you're not a maid here."
"Hindi naman... Wala rin naman talaga akong ginagawa."
Sandali kaming natahimik.
"Nagpunta...ka na ba sa doctor?" tanong niya makaraan.
"Noong dinala lang ako ni Jack sa ospital noong araw din na muntikan niya akong mabangga ng kotse niya."
"We should see a doctor. I'll go with you." aniya.
Nabigla ako sa sinabi niya. "H-Hala hindi naman kailangan-"
"It's okay." putol niya sa akin. "I'm not busy. I will set the appointment."
Bumuka lang ang bibig ko pero wala nang nasabi.
Tipid niya akong nginitian. Sandaling sandali lang iyon. Balik na agad muli siya sa pagiging seryoso. "Goodnight, Giselle..." aniya.
"Good night..." marahan kong nasabi.
Tinalikuran na niya ako at nauna nang umalis. Iniwan akong mag-isa roon sa tahimik na kusina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro