Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Chapter 19

Second Chance


Umiling nalang sa amin ni Gio ang doktor nang lumabas ito galing sa operating room. Nanlalaki ang mga mata kong hindi na natigil sa pagluha. Kinuwelyuhan ni Gio ang doktor na bigo rin.

"Hindi..." umiling-iling ako. Hindi ko matanggap.

Halos magwala rin si Gio doon sa ospital. Inawat na siya ng mga staff.

Dumating sila Nanay at niyakap nalang ako. Hindi na ako makahinga hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.

Ang bigong si Gio ang bumungad sa akin nang nagising ako sa loob na ng isang private hospital room. Nag-iwas ako ng tingin at natutulala nalang sa kawalan...

"Bakit, Gio? Ano iyon? Pinahiram lang ba sa atin ang anak natin? Bakit sobrang bilis? Bakit sandaling sandali lang? Marami pa tayong plano para sa anak natin. Bakit nangyari 'to..." nag-breakdown ako sa araw ng libing ng anak namin.

Maagap naman akong sinalo ni Gio. Mahina na rin ang katawan ko dahil halos wala na akong kain at tulog simula noong burol.

Wala akong narinig kay Gio. Tahimik lang siyang nagluluksa rin sa pagkawala ng anak namin.

"Gusto kong mapag-isa, Gio...please." iyon ang huli kong pakiusap sa kaniya pagkatapos ng libing.

Hinayaan niya akong umuwi sa amin at doon na manatili.

"Hindi na kailangan-"

"Please, Giselle. Let me at least drive you to your hometown. Masiguro ko lang na maayos kang makakauwi sa inyo." sabi niya sa akin.

Hindi na ako nakipagtalo. Tahimik kami sa buong biyahe. Hanggang sinalubong na ako nila Nanay nang nakarating kami at binilin na ako ni Gio sa pamilya ko. Pagkatapos noon ay tiningnan ko nalang siyang umalis.

Iyon na ang huling pagkikita namin...

Sa buong pananatili ko sa amin sa probinsya ay halos hindi ako iniiwan nila Nanay. Palagi sila ng ate na nasa tabi ko. Naging abala rin ako noong nagbuntis ang ate ko. Inalagaan ko siya. At kahit papa'no ay nakatulong din iyon sa akin. Tumulong din ako sa mga gawain sa bukid. Inabala ko ang sarili para makalimot sa sakit...

"Good luck, Gi! Fighting!" si Rose nang paalis na ako sa dorm namin para sa first day ko ulit sa college. Tinuloy ko lang kung saan ako huminto noon.

Ngumiti ako sa kaibigan. "Thank you, Rose."

Tinuloy ko nga ang pag-aaral. Inabala ko ang sarili roon. Madalas din kaming magkita ni Daniel. Nakilala ko na rin iyong pinsan niyang babae na sa parehong University rin pumapasok. Mabait na bata rin si Tria. Para ko na rin itong naging nakababatang kapatid sa nakalipas na mga taon...

"Bakit hindi pa kayo ni Kuya Iel?" tanong sa akin ni Tria minsan habang tinututor ko rin siya. Nakatira siya sa bahay nila Daniel kaya roon ko siya pinupuntahan.

"Magkaibigan lang kami, Tria." ngiti ko sa kaniya. Freshman lang siya sa college noong nagkakilala kami.

"Hmm, gusto ko rin naman nila Tita." sabi niya.

Tumingin ako sa maliit niyang mukha at kulot kulot na buhok. Maganda rin si Tria.

Umiling nalang ako. Nakilala ko na rin ang pamilya ni Daniel at naging mabuti rin sila sa akin.

"Hindi mo ba gusto si Michaela para sa Kuya Daniel mo?"

Umiling siya. "Sinaktan na niya ang Kuya Iel ko noon." aniya. Mas magaling na siyang managalog ngayon. Noong bagong dating pa lang siya rito ay napaka-inglesera pa talaga. Sa States din kasi siya lumaki.

Pero napaisip din ako sa sinabi niya...

"Tria, lahat naman siguro deserve ng second chance," sabi ko.

Umiling pa rin siya.

Hinayaan ko nalang.

Minsan ko na kasing hindi sinasadyang narinig sila Daniel at ng ex-girlfriend niya noon na si Michaela na nag-uusap.

Papunta na ako noon sa may parking lot ng University kung saan naghihintay na sa amin ni Tria si Daniel pagkatapos ng klase. Didiretso pa muna ako sa kanila para i-tutor si Tria. Lalo sa Filipino. Nag-CR pa si Tria at sinabihan ako nitong mauna nalang sa parking, at iyon ang nadatnan ko. Naroon na si Michaela at nag-uusap sila ni Daniel. May sinasabi siya kay Daniel.

"No, Daniel. I did not abort our baby! I had a miscarriage! I blamed myself for it. Hindi ko alam kung paano kita haharapin pagkatapos mawala ang baby natin. Kaya nagsinungaling nalang ako sa 'yo para magalit ka sa akin. Dahil gusto kong magalit ka sa akin. Naging pabaya ako. Hindi ko sinasadya."

Iyon ang naabutan kong inamin ni Michaela kay Daniel nang araw na iyon.

Nakita rin nila ako na naroon na at agad tinaboy ni Daniel si Michaela. Nakita ko itong umiyak at walang nagawa at umalis na rin.

"Daniel," tawag ko.

Umiling siya at nagbuntong hininga.

"Matagal na bang nagpapaliwanag si Michaela sa 'yo? Bakit hindi mo siya pakinggan?" sabi ko.

Pero umiling lang siya at pinagbuksan na ako ng pinto ng sasakyan.

It was two years ago.

Ang alam ko ay bumalik sa abroad si Michaela at pinagpatuloy ang modeling career nito doon. Pero parang may nakita o nabasa ako na uuwi rin siya sa bansa ngayon. Hindi ko nga lang sigurado.

Nang graduation ko ay lumuwas sila Nanay at nagkaroon kami ng maliit na celebration sa isang restaurant lang na pina-reserved din nila. Inimbitahan na rin namin si Daniel at sinama sa amin. Nakita kong proud sa akin ang parents ko at malaking bagay na rin iyon sa akin.

"Nakababa na ba siya sa airplane?" tanong ko kay Daniel habang pumapasok kami sa airport para sunduin si Jackson na nakauwi na rin matapos mag-aral sa ibang bansa.

"Yeah," sagot ni Daniel.

"Ayun siya!" sabi ko nang nahagip na ng tingin ko si Jack na kumakaway na rin sa amin ni Daniel at malaki ang ngisi.

"Giselle Anne!" binuhat pa ako ni Jack kaya nakakahiya tuloy sa mga tao sa airport. "I missed you!" aniya.

Napangiti nalang ako at niyakap din siya pabalik nang binaba rin naman niya agad ako. "Na-miss din kita, Jack." sabi ko. "Kamusta?"

"I'm good! I'll be opening a restaurant here soon. How are you? CPA!" parang tukso pa niya sa akin.

Nakangiti nalang akong napailing. The same Jackson Lee I know. Although parang lumaki na rin ang katawan niya. Siguro ay magkasing-laki na sila ngayon ni Felix.

"Wait, wait, puntahan muna natin ang kapatid ko. Something exciting just happened to him. He's so dead." tumawa pa siya.

Kumunot naman ang noo ko.

"Aren't you jetlagged, man?" tanong sa kaniya ni Daniel.

Umiling naman si Jack. "Nope! I'm excited." devilish na ang ngiti niya.

Pareho nalang kaming nagkibit-balikat ni Daniel.

Lumabas na rin kami ng airport at sinamahan na si Jack papunta sa kuya niya. Mukha nga talaga siyang excited at natutuwa.

"Thea?" kumunot ang noo ko sa kaibigan nang nadatnan ito sa penthouse ni Felix nang dumating kami roon.

Tumatawa tawa na si Jack at mukhang tinutukso pa si Felix na mukhang annoyed naman.

"Hi, Gi." awkward na ngumiti sa akin ang kaibigan ko.

"Bakit ka nandito?" nagtaka ako.

Tinuro niya si Felix na napahilamos na sa mukha gamit ang mga palad nito. "Buntis ako, Gi. At siya ang ama." anang kaibigan ko.

"Woo-hoo! I'm going to be an Uncle!" natutuwang announcement ni Jackson.

Binato lang siya ng throw pillow ni Felix.

Sobrang umawang naman ang labi ko.


Sinalubong ako ng matayog na company building sa harapan ko pagkababa ko sa sinakyang taxi. Humugot ako ng hininga at nag-umpisa nang humakbang papasok sa building.

Isang mukhang secretary ang sumundo sa akin sa may lobby at dinala ako nito sa mataas na floor. "This way, Ma'am." pinagbuksan ako nito ng pinto ng isang malaking opisina at pinapasok ako roon.

Sinalubong ako ng nakaupo sa swivel chair nitong si Kuya Silvester. "Have a seat." anito.

Sumunod naman ako. Nalaman ko rin na ang company pala nila ang tumustos sa pagtatapos ko sa pag-aaral. "Bakit,"

Umiling si Kuya Silvester. "It's not actually the company nor me. It's Gio." aniya.

Umawang ang labi ko.

"Maybe he promised you something before?"

Naalala ko iyong sinabi sa akin ni Gio noon...na tutulungan at susuportahan niya ako... Umiling ako. "Kuya,"

"Are you working now?" tanong niya.

Umiling ako. "Maghahanap pa lang, po." sagot ko.

"Good. We're actually hiring." aniya na may ngiti sa mga labi. "Gio will be back soon." aniya.

Natuon ang atensiyon ko sa kaniya.

He smiled. "He will be needing a new secretary. Is that okay with you? Don't worry, malaki naman kami magpasahod. Or you can also tell me your expectations. We will do our best." anito.

"Kuya..." napailing nalang ako.

Nanatili ang ngiti niya at nakikitaan ko rin siya ng pag-asa.

Naisip ko si Gio. Ang tagal niya rin nawala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro