Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Chapter 18

Taon


Isang taon ko rin pinili na manatili muna sa amin sa probinsya pagkatapos ng nangyari... Isang taon. Pero parang ang bilis pa rin. Parang kahapon lang. Hindi pa rin naibsan ang sakit.

"Sigurado ka na ba talaga, Giselle? Puwede ka namang magpahinga pa muna. Bata ka pa rin naman. Puwede ka pang bumalik sa pag-aaral mo kahit sa susunod pa na taon." kausap sa akin ng Nanay.

Umiling ako at binalingan siya para ngitian. Para hindi na rin ito gaanong mag-aalala. "Okay na po ako, Nanay." sabi ko. Nagpatuloy ako sa pag-iimpake ng gamit ko. "Nami-miss ko na rin po mag-aral. 'Tsaka g-graduate nalang sila Katrina. Gusto ko na rin po makatapos."

Nagbuntong-hininga ang Nanay. "Alam namin iyon, anak. Sige, saan ka...tutuloy sa Maynila?" tanong nito.

"Doon pa rin po siguro sa dating dorm na namin nila Kat." sagot ko.

Tumango siya. "O siya, sasamahan ka namin ng Tatay mo-"

Maagap na akong umiling. "Hindi na po, 'Nay. Kaya ko na. Dito nalang po kayo at malapit na rin ang ani, 'di ba?"

Tumango ito. Alam kong nag-aalala lang ang pamilya ko sa akin. Pero hindi naman na talaga dapat. Okay naman ako. Gusto ko lang talagang makabalik na sa pag-aaral.

"Ang tuition mo-"

"Huwag n'yo na rin po alalahanin 'yon, 'Nay. May scholarship naman nang naghihintay sa akin sa dati ko rin university." ngumiti ako sa kaniya.

Nagpatulong ako kanila Kat para makakuha rin ako ng scholarship. Actually nag-apply pa lang ako at hindi pa naman confirmed pero nahihiya talaga ako kanila Nanay. Pinag-aral na nila ako noon pero natigil lang din ako. This time ay gusto ko na talagang maging independent. Puwede naman siguro akong magtrabaho muna. Basta, tutulungan din naman ako nila Kat. Babawi nalang ako sa kanila kapag nakapagtapos na rin ako.

"Mag-iingat ka." bilin sa akin ng ate nang paalis na ako at paluwas ng Manila.

Tiningnan ko ang anak niya na halos kapapanganak pa lang din. Pangalawang anak na nila ito ng brother-in-law ko. Lalaki rin ito. Naalala ko ang baby ko... Ngumiti ako habang hinaplos ang pisngi ng pamangkin ko.

"Giselle..."

Ngumiti ako sa ate. "Opo, kayo rin dito." sabi ko.

"Dalasan mo ang pagtawag, Giselle." anang Nanay.

Sa kanila ng Tatay naman ako bumaling at muli ko pang niyakap ang mga magulang ko.

Pagkatapos noon ay tumuloy na rin ako. Hinatid lang nila ako sa may sakayan ng bus at mula roon ay mag-isa na akong bumiyahe pabalik ng Manila...pagkatapos ng isang taon.

Sinundo pa ako nila Kat sa may bus terminal. Graduating na silang tatlo nila Rose at Thea ngayong taon sa college. Dumiretso kami sa dati ko rin Dorm.

"Bukas pupunta ka sa University?" tanong sa akin ni Kat.

Tumango ako. "Oo,"

"Yung tungkol sa scholarship mo?" kumpirma ni Rose.

Tumango lang muli ako.

"Gi," umupo si Thea sa tabi ko. Hindi ko sigurado kung crush pa rin ba niya si Felix hanggang ngayon. "Okay ka na ba talaga?"

Unti-unti akong tumango at ngumiti sa mga kaibigan ko.

Umupo na rin si Rose sa kabilang gilid ko sa kama. "Basta, Gi, nandito lang kami, ha." anito.

Napangiti ako lalo. "Salamat."

Ngumiti rin sa akin si Kat.

Kinabukasan ay lumakad agad ako patungo sa dati ko nang University. Nag-jeep lang ako gaya ng dati. Naalala ko iyong mga araw na bago pa lang ako noon dito sa Maynila. Medyo takot pa ako kaya sumasabay pa ako lagi kanila Katrina. Ang laki rin kasi talaga ng Maynila. At alam kong may mas malalaki pang lugar bukod dito. Sana isang araw ay makapunta rin ako sa iba pang parte ng mundo. Pangarap ko rin iyon noon pa man.

"You don't really have to apply for this scholarship, Miss Reyes." anang nakausap ko sa University pagkarating ko sa office.

"May nag-sponsor na para sa fees mo rito sa University hanggang sa makatapos ka, plus! May monthly allowance ka na rin." natutuwang anito.

"Po? Sino?" hindi ko naman inasahan iyon.

"Oh! Confidential, hija." anito. "Basta galing lang naman sa isang company na nagbibigay talaga ng scholarship o sponsorship sa mga bright students like you!" ngiting-ngiti nito.

Tumango nalang ako. "Thank you, Ma'am." sabi ko at tumayo na rin.

Medyo weird pero mukhang okay naman. Kailangan ko rin talaga ng tulong. Ayaw ko nang nanghihingi kanila Nanay at medyo tagilid din ang estado ng pananim namin ngayon. At kapapanganak pa lang ng ate. Kaya malaking tulong ito sa akin. Hindi ko sasayangin at mas pagbubutihin ko pa ang pag-aaral ngayon.

"Daniel?" hindi ko inaasahan na magkikita kami sa University sa araw din iyon.

Kita ko sa mukha niyang hindi rin niya inasahang makikita ako. "Giselle," aniya. "Hinatid ko lang ang younger cousin ko. She's from the US at bago pa lang dito kaya," hindi niya inaalis ang tingin sa akin. "You're back!" parang hindi pa siya makapaniwala.

Napangiti nalang ako. "Oo, mag-aaral na ako ulit!" pagpapaalam ko sa kaniya.

"Wow! That's good." aniya.

Nagkangitian lang kami.

"Uh, have you eaten your lunch?" aniya pagkatapos tumingin sa wristwatch na suot.

Umiling ako.

"Well?"

Ngumiti nalang ako at sumama na sa kaniya.

Sumakay din ako sa sasakyan niya. Kinukumusta ako ni Daniel habang nasa biyahe kami patungo sa isang malapit na restaurant.

"You like it?" tanong niya sa 'kin habang kumakain na kami.

Tumango naman ako. "Thank you, Daniel. Kapag may work na ako ikaw naman ang ililibre ko." sabi ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya at tumango.

Pagkatapos naming kumain ay sinamahan pa niya ako sa mall at mamimili ako ng ilang gamit para sa eskwela. "Okay lang ito, ha?" paniniguro ko sa kaniya.

Tumango naman siya at ngumiti. "Yeah, sure. Wala rin naman akong gagawin ngayon." aniya.

Tumango nalang ako at hinayaan siyang samahan ako.

Pagkatapos noon ay hinatid pa niya ako sa dorm ko. "Salamat, Daniel." sabi ko sa kaniya.

Lumabas din siya ng kotse niya. "Gi," tawag niya. Binalingan ko naman siya. "about what happened a year ago...I'm really sorry. I wish I was there for you and your baby... I should've visited you more often then." aniya.

Umiling lang ako. "Tapos na iyon, Daniel. Salamat ulit sa pagsama at paghatid. At sa libreng lunch kanina!" bahagya akong ngumisi.

Ngumiti lang din siya matapos magbuntong-hininga.

"Gio's abroad," pinaalam niya sa akin. Natigilan naman ako. "Also Jackson, he's in France, studying Culinary Arts. Si Felix naman nasa Korea."

Ngumiti nalang ako ng tipid. "Ikaw lang pala ang nandito, kung ganoon?"

Tumango siya.

"Sige, Daniel. Salamat ulit. Ingat ka sa pag-d-drive pauwi." bilin ko sa kaniya.

Pumasok na rin ako sa gate ng dormitory.

Napasandal ako sa kasasarang pinto ng kuwarto. Wala pa sila Kat. Sandali kong naipikit ang mga mata.

Congenital heart defect. Ang sabi ay siguro napagod ang anak ko sa araw na iyon ng binyag niya. At bawal iyon sa kaniya. Kasalanan ko rin. Alam ko naman. Pero hindi ako nag-ingat. Naging pabaya rin ako. Walang araw na hindi ko rin sinisi ang sarili. Kumpleto sa mga visits niya sa doktor si Van. Napag-usapan pa namin noon ni Gio na mangingibang bansa kami para sa anak namin. Mag-u-undergo rin si Van ng operation pero hindi dapat ganoon kaaga. At biglaan ang nangyari noon. Sobrang bata pa ng anak ko. Hindi niya kinaya. Tumigil nalang ang tibok ng puso niya sa kalagitnaan ng pagliligtas sa kaniya ng mga doktor.

Pinunasan ko ang tumulong luha sa pisngi ko. Suminghap din ako lalo nang narinig ko na ang mga boses nila Kat. Pinagbuksan ko sila ng pinto at dumiretso na ako sa banyo para hindi na nila mapuna ang pag-iyak ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro