Chapter 17
Chapter 17
Baby
"Malandi ka!" salubong sa akin ni Thea sa phone na nasundan ng malakas niyang tawa.
Hindi ko pa alam kung nasaan siya ngayon. Pero mukhang nasa dorm lang naman siya at tahimik din sa background. Siya lang ang maingay at medyo ang tunog ng naririnig kong electric fan siguro na malapit sa kaniya. Ang sabi rin niya ay wala naman siyang ginagawa nang una kong tanungin kanina.
"Thea!" saway ko sa kaniya. Nasa tainga ko ang phone ko habang kausap siya sa kabilang linya.
"Naku, Giselle! Enjoy ba? Baka ma-addict ka!" tumawa pa siyang muli. Bahagya siyang tumikhim pagkatapos. "Okay, serious na. Sa susunod blowjob mo! At huwag kang nakatihaya lang sa kama ninyo! Are you dead, bebe girl?"
Napabuntong hininga nalang ako.
Narinig kong umiiyak si Van at mukhang nagising na kaya nagpaalam na rin muna ako kay Thea. Kung bakit ko ba kasi naisipang magkwento sa kaniya...siguro kasi siya ang kilala ko na pinaka open sa ganitong mga usapin. At bilang kahit may experience na ay masasabi kong baguhan pa rin ako kaya ko naisipang makinig sa opinyon ng ibang tao. At si Thea nga ang naisipan ko. Pero masiyado rin talaga siyang maingay na medyo hindi pa rin ako nagiging kumportable at hindi pa rin ako nasasanay sa kaibigan kong 'yon.
"Gising na ang baby namin." sabi ko habang kinukuha ang anak ko mula sa crib niya at sabay hinagkan nang nalapit na sa 'kin.
"Ang bango bango naman." sabi ko habang inaamoy ang baby ko. "Daddy? Miss mo na si Daddy? Miss ko na rin siya. Pero nasa work pa si Daddy, anak." kausap ko sa anak namin ni Gio.
Humikab pa siya kaya napangiti ako at nanggigil. "Ang cute, cute naman ng baby na 'yan! Alam mo mas lalo mo nang nagiging kamukha ang Daddy mo." mas kamukha talaga ni Van si Gio. Hindi maipagkakaila na mag-ama nga.
Maaga si Gio umalis kanina para sa trabaho niya. May early meeting din siya. Medyo late naman ang gising ni Van ngayon dahil nagising din kaninang madaling araw. Puyat pa 'yon si Gio pero ayaw niya kasi akong hayaan. Nagpupuyat din talaga siya kapag gising ang anak niya. Matutuwa nalang ako na nakikita silang naglalaro.
Pinaliguan ko na si Van. Pagkatapos ay hiniga sa kama namin ni Gio para mabihisan. Na-e-enjoy ko ang mga bagay na ganito kasama ang baby ko. Nakakatuwang talaga. Tinuruan din naman ako nila Nanay at ate. Palagi rin akong tumatawag sa kanila. Gusto ko lang alagaan talaga ng maayos ang anak ko. Kahit may yaya ay ako talaga ang palaging nag-aasikaso sa baby ko. Nasa bahay lang din naman ako.
Iyong pag-aaral ko ay saka na. Mas inuuna ko talaga ngayon si Van. Hindi ko siya maiwan. Lalo sa condition niya. Ang totoo ay palaging may takot sa loob ko para sa anak ko.
Naging hands on ako para sa binyag ni Van. May kinuha namang organizer si Gio at tumulong din si Tita Clara. Lumuwas din ang pamilya ko para sa binyag. Kaya hindi ko talaga lubusang mapagtuunan ang para sa kasal naman namin ni Gio. Naiintindihan naman niya. Inuuna pa talaga namin ang anak namin. Pero patuloy din naman ang pagpaplano at may date na rin ang wedding namin. Mauuna lang itong binyag ni Van. At malapit na rin siyang mag one, months from now. Pero mauuna naman muna ang kasal namin ni Gio bago siya mag-birthday. Nakaka-excite nga ang bawat events para sa anak ko. Pakiramdam ko ay Mommy'ng Mommy na nga talaga ako. Sabi nga rin nila Katrina ay nag-iba na raw talaga ang priorities ko. Ganoon siguro talaga kapag may anak ka na at isa ka na ngang ganap na ina. Ang mga pangyayari sa buhay ay maari rin talagang makapagpabago sa tao.
Nang araw ng binyag ay naroon kaming lahat sa simbahan. Pamilya at mga malapit na kaibigan lang namin ni Gio ang naimbitahan. Wala pa rin ang Daddy niya. Pero ayos lang iyon. Ang iniisip ko lang ay si Gio. Alam kong mas magiging masaya siya kung narito rin ang Dad niya. Kahit pa hindi ito ang biological parent niya ay ito na pa rin ang nagpalaki sa kaniya at kinilala niyang ama.
Kung iisipin ay pareho nang wala ang mga magulang ni Gio. Kaya sinisigurado ko na masaya at kuntento na pa rin siya sa amin ni Van. Kami na ang pamilya niya. At wala akong reklamo kay Gio. Pagtatrabaho lang ang ginagawa niya para rin sa amin ng anak namin. At the same time ay inaalagaan niya rin talaga kami sa abot ng makakaya niya. Kahit minsan ay pagod pa siya sa trabaho. He makes sure na may time talaga siya sa amin ni Van. At hindi ko mapigilang isipin na masuwerte rin talaga ako sa kaniya. Hindi lang siguro maayos talaga iyong simula namin pero okay naman na kami ngayon.
At kapag akala mong maayos na ang lahat...hindi pa pala. Dahil minsan ay nagsisimula pa lang. Bakit ang tao ay kailangang dumanas pa ng sakit. Inisip kong wala naman akong ginagawang masama? Nagsisikap naman akong maitama ang mga naging pagkakamali. Pero bakit parang pakiramdam ko pinaparusahan ako. Bakit hindi iyong mga masasamang tao talaga ang pahirapan ng ganito. Kung bakit ako pa.
"Picture!" malakas na sabi ni Jack at pumuwesto na kami ni Gio.
Karga ko si Van at maganda ang ngiti namin ni Gio sa camera. Sa background namin ay ang cross ng simbahan.
"Kami rin!" ani Thea at malandi pang tumabi ng tayo kay Felix sa tabi namin.
Lahat kami kasama ang mga ninong at ninang ni Van ay ngumiti para sa picture.
Meron din kasama sila Nanay, sila Tita Clara, at Kuya Silvester.
Masaya ang araw na iyon para sa aming lahat. Hanggang sa pagkain pagkatapos sa church.
Nakita kong mahal na mahal ng pamilya at mga kaibigan namin ni Gio ang baby Van namin. Mas lalong mahal na mahal na mahal namin ang anak namin. Mahal na mahal ko ang anak ko.
Siguradong mas lalo akong magsisikap na makatapos para rin sa anak ko. Para maging proud din siya sa akin.
Nang nakauwi na kami sa bahay ay nilapag ko lang muna si Van sa kama namin ni Gio. Kausap pa ni Gio sa phone ang kuya niya at mukhang may nakalimutang sabihin kanina na siguradong tungkol lang din sa business. Nakasunod na rin siyang papasok dito sa kuwarto namin.
Saglit lang akong may kinuha sa nursery. At pagbalik ko ay nadatnan ko nalang na hindi na halos gumagalaw ang anak ko sa kama at parang nag-iiba na rin ang kulay niya. Nabitawan ko ang hawak ko at bumagsak iyon sa sahig. Mabilis kong tinakbo ang distansya namin para agad na malapitan ang anak ko. "Van,"
"Gio!" malakas kong sigaw kasabay ng agad na pag-iyak habang karga ang anak ko.
Halos kumalabog ang pinto nang pumasok si Gio at nadatnan kami sa ganoong ayos. Mabilis niya rin kaming nilapitan at kinuha niya si Van sa akin. "What happened?" kita ko rin ang panic sa mga mata niya habang nakikita ang hitsura ng anak namin.
"Hindi ko alam!" Lumakas ang iyak ko.
Mabilis na lumabas ng kuwarto si Gio dala ang anak namin. Maagap akong sumunod sa kanila. Halos sigawan niya ang mga kasambahay namin sa pag-uutos na pagmadaliin ang driver sa pagkuha ng sasakyan.
Hindi na matigil ang iyak ko at parang gripo ang mga mata ko sa luha habang mabilis namin na sinugod si Van sa ospital. Hindi ko alam ang gagawin. Nakasunod lang ako kay Gio. At agad din naman kaming inasikaso pagkadating namin sa hospital. Pinatawagan na rin ni Gio ang doktor ng anak namin. Emergency iyon. Para akong mawawalan ng malay anumang oras habang nakikita ang kalagayan ng anak ko.
"Huwag ang anak ko, please. Ako nalang... Ako nalang..." pagmamakaawa ko at nagdarasal.
"Doc, please do everything. Everything for my son." halos nagmakaawa na rin si Gio sa doktor.
Nagmadali ang lahat na maipasok ang anak ko sa operating room. Walang assurance na binigay sa amin ang mga doktor. Basta ay gagawin nila ang lahat ng makakaya nila.
Hanggang nagsara ang pinto ng OR.
Niyakap ako ni Gio habang nakatayo kami doon sa labas at hindi ako matigil sa pagluha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro