Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Chapter 16

Initiate


Tumulo nalang ang mga luha ko nang nahawakan ko na ang anak ko. Ang liit niya sa mga bisig ko. Nag-angat ako ng tingin kay Gio. Ngumiti siya sa akin. Napangiti pa rin ako sa kabila ng pagluha.

Nagtagal din kami ng anak ko sa ospital at inobserbahan pa siya ng mga doktor. Masaya ako nang pinayagan na kaming makauwi. Lumuwas ang Nanay at Tatay maging ang mga kapatid ko at sinamahan din kami ng pamilya ko sa ospital. Kita ko ang tuwa sa kanila nang nakita na rin nila ang baby namin.

"Magiging maayos ba kayo rito?" tanong nang Nanay nang nakauwi na kami sa bahay namin ni Gio.

Tumango ako habang karga ko rin ang anak ko na natutulog. "Opo, 'Nay. May kinuha rin helper si Gio." sabi ko at tumingin kay Gio na ngumiti lang din sa akin.

Tumango ang Nanay. "Osige, basta tumawag ka kapag kailangan mo kami. Luluwas agad kami ng Tatay mo."

Muli akong tumango at ngumiti sa Nanay ko. "Salamat, 'Nay."

Ngumiti ito at tiningnan ang apo.

Nakita na rin ni ate ang singsing ko at pinuri ito. "Ang ganda! Mukhang mahal talaga." anito.

Tumango ako habang nakangiti rin.

Bumalik na rin sa trabaho niya sa company nila si Gio. Ilang buwan din siyang hindi umalis sa tabi ko para maalagaan kami ni baby. Alam kong kailangan ng kuya niya ng tulong. Ang company nila ay pagmamay-ari talaga ng Mom nila na minana rin sa pamilya nito. Pinalago lang ito lalo ng Dad nila matapos magpakasal ang parents nila.

"Ingat ka." bilin ko sa kaniya nang paalis na siya ng bahay.

Maiiwan kaming dalawa ni baby kasama ang helpers at may bodyguards na rin kami rito sa bahay. Wala namang banta sa buhay namin pero kung iyon ang ikapapanatag ng loob ni Gio habang wala siya at nasa trabaho ay okay lang din naman sa akin.

Tumango siya at pareho na kaming hinagkan ni baby. "Call me anytime, okay?" bilin pa niya.

Tumango nalang ako kahit hindi ko naman iyon gagawin kung hindi naman talaga sobrang importante.  Narito rin naman ang mga kasambahay kung kailangan ko ng tulong. Gusto kong mag-focus din si Gio sa trabaho niya. Halos nasa amin lang ng anak namin ang atensiyon niya nitong mga nagdaang buwan.

Nang nakaalis na si Gio ay inabala ko ang sarili sa baby namin. Hindi ko pa ito naisip noon. Siyempre dahil bata pa at pag-aaral pa lang noon ang nasa isip ko. Ang sarap din pala sa pakiramdam na maging ina.

"My apo!" anang kakarating lang na si Tita Clara. Binisita agad kami nito sa bahay.

"Hey there, baby Van." bati naman ni Jack sa anak ko na dinungaw niyang nakahiga sa crib nito. Magkasama sila ng Mommy niya na dumalaw.

Wala kaming maisip na pangalan ni Gio. Medyo natawa na nga lang kami sa mga sarili namin. Kaya sinunod nalang namin ang pangalan sa name niya, Giovanni Fonacier, Jr. At Van bilang nickname na suggestion din ni Jack.

"Tita," niyakap ko si Tita Clara.

"How are you, hija?" kumusta nito.

"Okay, po. Nakapagpahinga na ako lalo rito sa bahay." sagot ko naman.

Tumango ito. "That's good. I actually brought you some healthy juices here. Makakatulong ito sa iyo lalo at nagpapa-breastfeed ka rin?"

Tumango ako. "Opo. Thank you po, Tita."

Abala si Tita sa mga dala niya. "Sinabi lang din ito sa akin ng amiga ko. But this is really good and safe." aniya.

"Inday," tawag ko sa helper. Maagap naman itong tumugon at lumapit. "Paki naman ako rito sa mga dala ni Tita, salamat."

"Sige, Ma'am." anito at sumunod na rin.

Hinagkan lang ni Tita Clara si Van na nagising na rin dahil din kay Jack at umupo na kaming dalawa sa garden sa labas at uminom ng tea. Habang binilin ko rin muna kay Jack at sa yaya ang anak ko.

"So, when's the wedding?" nagtanong si Tita Clara matapos sumimsim sa tasa niya.

"Hindi pa po namin napapag-usapan talaga ni Gio. Baka unahin muna namin ang binyag ni Van? Or magkakaroon lang po siguro kami ng simple wedding ceremony." sagot ko.

Tumango ito. "Sabagay, hindi na rin naman talaga uso iyang grand weddings. Para saan? Kami nga rin ng Tito mo noon. Simpleng simple lang din iyong naging kasal namin. Parang hindi kasal ng isang mayamang Korean business tycoon." bahagya siyang tumawa. "We only invited those people who matters to us. Our family, close relatives and friends. And we were happy. I was happy. As long as we married the person we truly love in front of the people who really became a part of our journey, too." aniya.

Napangiti ako. Humble din talaga ang pamilya nila Jack.

Naging busy at natuon lang ang atensiyon namin ni Gio kay Van kaya hindi na rin muna namin napag-uusapan talaga ang kasal. Okay lang din naman sa akin. Abala rin siya sa company nila at ako sa anak namin. Pero pagkatapos ng ilang buwan ay sinimulan na rin naming planuhin iyon. Sabi ko kay Gio ay gusto ko ng simple lang sana at okay lang din naman sa kaniya iyon.

Isang araw ay binisita nalang ako nila Katrina sa bahay. Si Gio pa pala ang kumontak sa kanila. Nabanggit na nga rin niya sa akin ang mga kaibigan ko. Nagkaiyakan pa kaming apat.

"I'm sorry, Gi. Nabanggit ko lang kasi kanila Nanay noong kumustahin ka rin nila sa akin sa tawag. Nasabi kong lumipat ka na sa sinabi mo sa aming Auntie mo sa Quezon." naiyak na paliwanag ni Katrina sa akin. "Iyon, nabanggit din siguro nila sa Nanay at Tatay mo."

Umiling ako kay Katrina. "Wala na iyon, Kat. Gusto ko rin mag-sorry sa inyo kasi naglihim ako. Hindi ko kayo pinagkatiwalaan..." sabi ko.

Naging mabuti naman silang mga kaibigan sa akin. Pero mas pinili ko pa rin pagdudahan sila at hindi pinagkatiwalaan.

Umiling din sa akin si Kat. "Naiintindihan naman namin, Gi. Noon pa man alam na namin na tahimik kang tao at hindi masiyadong open kahit sa amin na matagal-tagal mo na rin kakilala. At nirerespeto naman namin iyon. Pero sana nagsabi ka pa rin sa amin. Nag-alala rin kami sa 'yo. Paano kung hindi kayo agad nagkita ng Daddy ng baby mo? Wala kang mapuntahan noon! Paano kung napahamak ka?"

Tumango ako. "Kaya sorry sa inyo, Kat." sabi ko.

Umiling siya ganoon din ang dalawa pa naming kaibigan.

Trust. Naalala ko iyong kababata at naging kaibigan ko rin noon. Mga bata pa kami noon at maaring nagbago o nag-iba na rin ang pananaw niya ngayon. Pero tumatak pa rin sa akin iyong ginawa niya noon. Magkaibigan kami tapos bigla nalang niya akong hindi pinansin na hindi ko man lang nalaman ang dahilan. Nagbigay iyon sa akin ng anxiety at sinisi ko pa ang sarili ko. Inisip kong baka may masama akong nagawa o nasabi sa kaniya kahit okay naman kami sa isa't isa bago hindi na niya ako kinibong bigla. Simula noon ay nahirapan na akong magtiwala sa mga bagong nakilala...

Nagkita kami noong umuwi ako sa amin. Binati niya ako ng sandali at saglit ko lang din siyang binati pabalik. Ganoon lang. At tingin ko ay ayos na iyon. May mga bagay na hindi na maibabalik sa dati.

Pero hindi pa naman siguro huli ang lahat. Hindi naman lahat ng tao o mga nakilala natin at dumadating sa buhay natin ay pare-pareho. Natutunan ko ito simula nang nakilala ko sila Axis. Muli akong natutong magtiwala sa mga kaibigan.

"Ang pogi, pogi naman ng baby na ito!" gigil na ani Thea sa anak ko. Mukhang naka-moved on na rin siya sa huling breakup niya.

"Kumusta ka, Thea?" tanong ko sa kaniya.

Kinuha ni Rose ang anak ko mula sa kaniya. Halos pagpasahan nilang tatlo ang anak ko. Hindi naman umiyak si Van at mukhang nagustuhan ang atensiyon na nakukuha sa mga magiging ninang niya.

Bumaling sa akin si Thea. "Okay ako, Gi. Hindi naman ako matagal na mabo-broken sa pangit na 'yon, 'no!" tukoy nito sa ex-boyfriend.

Ngumiti nalang ako.

"Pero, ha! May magandang outcome rin 'yong pagwalwal natin no'ng gabing 'yon! Bongga ka! Ang guwapo ni Daddy Gio!" halos tili na nito.

Maagap ko namang sinaway. "Althea,"

"Gaga ka talaga, Althea!" tinampal din siya sa hita ni Kat.

Ngumisi lang siya.

Pare-pareho naming narinig ang doorbell na maagap namang tinugon ng isang kasambahay. Dumating si Felix. Agad akong napatayo para salubungin ito.

"Felix," salubong ko.

"Oh," napatingin din siya sa mga kaibigan ko. "Did I interrupt your..."

Maagap ko siyang inilingan. "Hindi naman. Nagkukuwentuhan lang kami."

Tumango siya. "May pag-uusapan kami ni Gio, business. Hihintayin ko nalang siya rito. Can I sleep upstairs for a while?"

Maagap ang tango ko. "Oo naman. Pinalinisan ko rin ang mga kuwarto ninyo." sabi ko.

Hindi na talaga sila umuuwi at natutulog dito. Pero mukhang pagod ngayon si Felix. Siguro sa trabaho. Halata sa mukha niya.

"Thanks, Gi." aniya. "Where's Van?" hanap niya sa anak ko.

Nilingon at kinuha ko muna kay Rose ang anak ko para ipakita kay Felix. Agad siyang napangiti nang nakita si Van. "Hey there you little guy." aniya.

Binigay ko muna sa kaniya si Van. Napangiti rin ako.

"Why does it seem like he's growing up so fast?" ani Felix.

Tumango ako at sumang-ayon sa sinabi niya. Ilang buwan na rin si Van. At okay naman siya. May regular visits at checkup kami sa doktor niya na kinuha ni Gio. "Oo nga, e. Madalas nga tamarin ang kaibigan mo sa pagpasok sa trabaho at gusto nalang dito sa bahay makipaglaro sa anak niya."

Ngumiti lang si Felix. Sandali niya lang kinarga at hinagkan si Van at nagpaalam na rin sa amin ng mga kaibigan ko na aakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

Tumango ako at tumuloy na siya.

"Hoy!" tinampal ni Kat si Thea na mukhang natulala kay Felix kanina.

Bumaling sa amin si Thea. "Grabe, Gi! Kaibigan ba ni Gio 'yon? Ang guwapo rin! At mukhang masarap!" aniya. "Sa'n siya pupunta, matutulog? Samahan ko na." biro pa niya.

Mabilis siyang pinalo ni Rose. Tumawa lang naman si Kat. "Baliw talaga." tawa ni Kat.

Nahiya rin naman ako. Mabuti at wala na sa harap namin si Felix.

"Ano? Totoo naman. Nakita n'yo yung braso? Hapit pa sa katawan niya 'yong dress shirt niya! Shit! Tingin ko mawawasak niya yung vageygey ko kapag siya yung aano sa 'kin-"

"Althea!" malakas ko nang saway.

Tumawa pa si Katrina. "Pasensya ka na diyan sa kaibigan mo, Gi, tuyong tuyo na 'yan, e."

Tumawa na rin si Rose.

Nag-make face lang naman sa kanila si Thea na parang bata.

"Si ano pa 'yong huli niya, e-" si Rose.

"Tumigil ka nga diyan, Roselyn. Ang liit nga lang no'n. Akala mo naman. Pero itong si, ano nga name niya, Felix? OMG!" ayaw paawat ni Thea.

Halos masapo ko ang noo. Nagtawag na muna ako ng yaya para kunin ang anak ko at kung ano ano ang naririnig niya sa ninang niya. "Inaantok na, dalhin mo muna sa room niya at patulugin, salamat." bilin ko.

Binalingan ko ulit ang mga kaibigan pagkatapos.

"Pero maiba nga tayo. Ikaw, Gi? Kayo ni Gio, siguro naman nakapag-sex na kayo ulit, 'no." si Thea na naman.

Muntikan ko nang nabuga ang ininom kong juice. "Althea?!"

Nagtawanan lang sila Rose at Kat.

Napailing-iling nalang ako at nilapag ang baso ng juice ko.

"Ay! Pa-virgin? Bakit? Nagkakahiyaan pa ba kayo? Jusko, Giselle! Nakabuo na nga kayo ng bata." si Thea pa rin.

Lalong tumawa si Kat at hinampas ng sofa pillow si Thea sa tabi niya.

"Feeling mo rin, Katrina, ha! Ako lang yata ang hindi pa-virgin dito." baling ni Thea kay Kat.

Masaya ako na nabisita rin ng mga kaibigan. Kahit pa ayaw talagang paawat ni Althea. Nakapagpaalam na rin sila bago pa dumating si Gio nang gumabi.

"Nasa taas si Felix. Natutulog pa siguro. May pag-uusapan daw kayo about business." salubong ko sa kaniya at kinuha ang ilang gamit niya.

Tumango si Gio. "Oo, it's about his business proposal."

Tumango ako. Ang alam ko ay halos pareho ang business nila Gio at ng mga Lee na may kinalaman sa real estate. Pero may iba pa silang mga business.

"Ready na ang dinner. Baka gising na rin si Felix at makasabay siya sa atin sa pagkain." sabi ko habang binibigay sa kasambahay ang gamit ni Gio para madala na sa taas.

Tumango sa akin si Gio at mukhang pupuntahan na muna si Felix.

Nag-dinner muna kami nang gabing 'yon bago sila nag-usap ni Felix sa study ni Gio rito sa bahay. May pinagawa rin si Gio na ilang renovations dito sa bahay kabilang ang bagong nursery ni Van na kadugtong na ng kuwarto namin. May pintong nagkokonekta sa dalawang mga kuwarto. Para na rin mas madali naming mapupuntahan ang anak namin.

Nagpaalam din umalis si Felix pagkatapos nilang mag-usap.

Pumasok si Gio sa kuwarto at naabutan niya akong nagsusuklay ng mas mahaba ko nang buhok ngayon sa harap ng tukador sa kuwarto namin. Kagagaling ko lang din sa nursery at siniguradong mahimbing nang natutulog ang anak namin.

"Nakaalis na si Felix?"

Tumango siya at pumasok na muna sa bathroom. Umupo naman na ako sa gilid ng kama namin at kinuha ang isang libro para makapagbasa na muna.

Nang nakabalik si Gio ay dumiretso na rin siya sa kama namin sa tabi ko. Naisip ko iyong mga sinabi ni Thea kanina... Naipilig ko nalang ang ulo. Parang nademonyo na tuloy ng babaeng 'yon ang utak ko.

Isang beses pa lang namin nagawa ni Gio ang bagay na 'yon. Na bumuo nga kay Van. Hindi pa nangyayari uli... Tiningnan ko si Gio na hindi pa nakakahiga nang tuluyan gaya ko. Bumaling din siya sa akin at nagkatinginan kami.

Kinagat ko ang labi. Dimmed na ang mga ilaw sa kuwarto...

"Uh, Gio..." tawag ko.

"Hmm?"

Unti-unti akong gumapang palapit sa kaniya. Hindi ko rin alam ang ginagawa ko...basta gusto kong mapalapit pa talaga sa kaniya... May landi rin talaga ako sa katawan. Kaya nga ako nabubuntis!

"Gio..." tawag ko ulit nang malapit na ako sa kaniya.

Ilang sandali kaming nakatingin lang sa isa't isa... Bago niya ako kinandong sa mga hita niya. Napahawak ako sa magkabilang balikat niya. Bahagya nalang akong napangisi sa ayos na namin. Umangat din ang labi niya habang nakatingin sa akin.

Matagal na kaming nagtatabi. Pero madalas tinatabi rin namin sa amin si Van sa pagtulog. At wala lang talagang nag-i-initiate... At mukhang ako pa talaga!

Unti-unti akong hinalikan sa labi ni Gio... Sa una ay malambot at mababaw lang. Hanggang sa lumalim at pinasok na ng dila niya ang bibig ko. Tumugon naman ako sa abot ng makakaya ko. Pumulupot na rin sa leeg niya ang mga braso ko at niyayakap ko na siya. Ang mga kamay niya ay unti-unting umaangat mula sa baywang ko.

"Gio..." tawag ko habang bumababa na rin sa leeg ko ang mga halik niya. Pikit na ang mga mata ko. "Hindi ako puwedeng mabuntis ulit...hindi pa." paalala ko sa kaniya. May mga plano naman kami.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "I know. I'll pull out, 'kay? For now. We don't have condom here." aniya. "I'll buy next time." dagdag niya.

Tumango lang ako. Wala akong gaanong alam sa ganito. Pero may tiwala naman ako kay Gio.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro