Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Chapter 15

Brother


Kumain kaming tatlo ng kuya ni Gio. Tahimik ang mesa kung hindi lang ito naunang nagsalita. Tinanong kami nito tungkol sa plano namin ni Gio. Nag-usap ang magkapatid at sinasali rin nila ako. Mabait ang kapatid ni Gio at pinagpasalamat ko iyon. Suportado nito ang kapatid kaya natuwa ako. "You take care always." nakangiting bilin nito sa akin.

Tumango ako.

Hinawakan na ni Gio ang kamay ko para alalayan ako papasok sa shotgun seat ng kotse niya. Nagpaalam na rin silang magkapatid sa isa't isa at nakita kong pumasok na rin sa sasakyan nito ang kuya ni Gio.

"Sorry, Gio," sabi ko sa kaniya nang nagmamaneho na siya.

Sinulyapan niya ako. "Bakit ka nag-s-sorry?"

Umiling ako. "Sa inakto ko kanina. Sa Daddy mo,"

Umiling din siya. "Huwag mo nang isipin." aniya. "I'm sorry, too. For how my Dad acted."

Tumango lang ako.

Naramdaman ko ang yakap sa akin ni Gio galing sa likod. Napangiti lang ako. Nasa balkonahe kami at madilim na ang langit. Iniisip ko ang anak namin. Noong nakaraan at huling checkup namin ay kinumpirma ng doktora ang maaring pagkakaroon ng kumplikasyon ng anak ko. Medyo mahina talaga ang puso niya. At natatakot ako. Tinanong ko si Gio at namatay sa cancer ang Mama niya. Sa pamilya ko naman ay sa sakit sa puso namatay ang Lola ko at hindi rin malakas ang puso ni Nanay.

"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ni Gio sabay halik sa pisngi ko.

Kaming dalawa nalang ang narito sa bahay niya. Hindi na umuuwi rito sila Jack. Siguro ay binibigyan nila kami ng privacy, hindi ko alam. Pero gusto ko rin na narito sila. Parang hindi pa ako nasasanay na kaming dalawa lang ni Gio ang nandito sa bahay.

"Iniisip ko ang anak natin, Gio." amin ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang paghinga niya. "Me, too...but we will do everything for him. I will work harder for our family." aniya.

Tumango ako at ngumiti na. Hinarap ko siya. "Gio," pinatakan ko siya ng halik s labi. Pareho kaming napangiti sa isa't isa pagkatapos.

Nakahawak na siya sa baywang ko. Sandali niyang inalis ang mga kamay doon para may kunin sa bulsa niya. Nakita ko nalang na may hawak na siyang singsing. Agad akong napaluha ng kaunti.

Marahan niyang sinuot sa ring finger ko ang magandang singsing. "You like it?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo naman." ngiti ko.

Binaba niya ang mukha sa akin para mahalikan ako sa labi.

"I love you, Giselle." ani Gio.

"I love you too, Gio." sagot ko sa gitna ng halik namin.

"I know things between us might had happened fast. But know that I am marrying you because I have feelings for you, too. And not just because you're carrying our son."

Tumango ako sa sinabi niya.

"You're still young. Alam kong may mga gusto ka pang gawin, clearly before this," hinawakan niya ang tiyan ko. Nagbuntong-hininga siya. "Thank you, Giselle, for carrying our son and for giving me a chance. I promise you, you will still achieve your dreams. You'll finish college, and go to Law school? If you want. I will help and support you." aniya.

Napangiti ako sa sincerity niya habang nakatingin din ako sa mga mata ni Gio. "Salamat, Gio. Oo mga pangarap ko iyon lalo para sa pamilya ko. Para sa mga magulang ko. Pero mas mahalaga kayo ng baby natin ngayon sa akin." sabi ko.

Niyakap ako ni Gio. Niyakap ko rin siya pabalik.

Maaring bata pa ako. Pero tinuruan ako ng mga magulang ko na maging responsable. Nangyari na ang mga nangyari at hindi rin naman ito mahirap tanggapin para sa akin. Kung siguro nagkakilala kami ni Gio sa ibang circumstance ay magugustuhan ko pa rin siya. Tulad ng pagkakagusto ko na rin sa kaniya noon kahit hindi ko pa alam na siya ang ama ng baby ko. Hindi naman mahirap mahalin si Gio. Lalo noong nakilala ko pa siya. Lalo ngayon ay gusto ko nalang siyang protektahan. Silang dalawa ng anak namin. Hindi ko pa siya natatanong tungkol sa Daddy niya pero kung hindi siya kumportable ay hihintayin ko nalang mag-open up siya sa 'kin. Dahil hindi naman dapat pinipilit ang mga bagay.

Siguro ay napaaga lang ito pero siguro rin naman ay dito kami patutungo ni Gio. Hindi naman siguro nangyayari ang mga bagay dahil coincidence lang. Siguradong may rason kung bakit nagkatagpo kami at narito kami ngayon.

Nang dumating ang Sunday ay um-attend kami sa graduation ni Jack. Pagkatapos noon ay diretso na kami sa bahay nila para sa intimate lunch gaya ng gusto lang ni Jackson. Paalis na kami nang may nahagip ang mga mata ko na patungo sa amin...o kay Jack.

"Tita," bumati ito sa Mommy nila Jack.

"Hija!" bumeso si Tita Clara sa kaniya.

Hinawakan ni Gio ang kamay ko.

Tumingin din ito sa amin at tipid lang na ngumiti.

Nakita ko naman ang parang annoyed na mukha ni Jack sa babae. "We're leaving." ani Jack.

Bumaling sa kaniya ang babae at tumango. "Congratulations, ulit!" anito kay Jackson.

"Yeah." bored lang naman na sagot ni Jack. Sinaway siya ng Mommy niya at bahagyang pinalo.

Nagpaalam na rin iyong babae sa amin.

Bumaling si Jack sa akin. "Sorry 'bout that. Sabrina's my classmate." sabi niya.

Tumango ako. "Okay lang," Sabrina pala ang pangalan nang dating fiancee ni Gio...

Maganda siya at mukha namang mabait. May pakiramdam din ako na mabuti naman siyang tao. Wala rin naman talaga siyang ginawa sa akin. Kaya hindi ko maintindihan si Jack kung bakit medyo parang ang rude niya doon sa kay Sabrina. At classmates pa pala sila. Ibig-sabihin ay kilala niya ang babae.

Parang dapat pa nga akong mag-sorry. Pakiramdam ko ay inagaw ko si Gio sa kaniya... Pero hindi naman naging sila at isang beses lang silang pinakilala at pinagkasundo na. Sabi ni Gio ay hindi rin daw sila nag-date. Pero kung nagustuhan din siya ni Sabrina ay pakiramdam ko kailangan ko pa rin mag-sorry doon sa babae. Babae rin ako kaya naiintindihan ko kung ganoon nga. Siguro kapag nabigyan uli kami ng pagkakataon ay kakausapin ko rin siya...

Pasakay na kami sa mga kotse nang biglang sobrang sakit ng tiyan ko. Nakahawak na ako sa tiyan ko at naramdaman na rin ang sumunod na parang basang dumaloy sa legs ko.

Kaya imbes sa lunch ni Jack ay sa hospital kami dumiretso. Mabilis akong sinakay ni Gio sa sasakyan niya at sumunod din sila Jack sa ospital.

Nagising nalang ako na nasa loob na ng private room at naroon din silang lahat. Sila Jack at Felix at ang parents nila, si Gio na nasa tabi ko, at naroon na rin si Daniel...

Naalala ko ang panganganak ko. Sobrang sakit. Hindi talaga madali. Pero normal ko lang din naman nailabas ang baby ko, salamat sa Diyos. Nasa tabi ko lang si Gio at hindi binitawan ang kamay ko.

"Gio, ang baby natin." ang una kong hinanap.

"Shush, he's still in the NICU. But he will be fine." sigurado niya sa akin.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Narinig naman namin kanina ang iyak ng baby namin bago pa man ako nawalan ng malay.

Nag-angat ako ng tingin kay Daniel. "Daniel," marahan kong tawag.

Lumapit naman siya sa hospital bed ko. "How are you, Gi?" tanong niya at ngumiti.

Napangiti na rin ako.

Kinumusta rin ako nila Tita Clara.

Sa huli ay umuwi rin muna silang lahat nang nakitang okay naman kami ni baby. Naiwan lang si Gio. Dumating din ang Kuya Silvester niya.

Ang mga gamit namin ay kinuha na ni Jack sa bahay. Nag-sorry ako kay Jack dahil naistorbo pa ang graduation niya pero in-assure lang naman niya ako na ayos lang iyon.

"I'll just check on our son." ani Gio at hinalikan ako sa noo habang nanatili pa rin akong nakahiga sa bed ko.

Gusto ko na rin makita ang anak namin.

Naiwan ako sa private room na kinuha namin kasama ang kuya ni Gio.

"How are you feeling?" kinumusta ako ng nakatatandang kapatid ni Gio.

Bahagya akong ngumiti rito. "Ayos naman po. Parang medyo pagod lang ang pakiramdam ko." sabi ko.

Tumango siya. "Thank you." aniya.

"Po?"

"Thank you. I've never seen my brother happy and at peace like this. You're giving him direction. All his life he's worked hard just for our father's attention and approval." nagbuntong-hininga siya. "And now I can see that he's finally found his place." ngumiti ito.

"May...sinabi sa akin ang Daddy ninyo..."

Mabigat siyang nagbuntong hininga. "Our Mom...she...she cheated on Dad, and had Gio with another man."

Umawang ang labi ko.

"She died early of cancer. Namatay din sa accident iyong lalaki niya. Tinanggap pa rin siya ni Dad despite," umiling siya. "Gio was only a little boy when our Mom passed away. I needed to study abroad bilang iyon na rin ang gusto ni Dad. My brother was left with Dad... And Dad was hard on him. He had a rough childhood with our father. I didn't know..." umiling-iling siya. "If only I knew, I shouldn't have left."

Hindi ako nakapagsalita at natulala nalang.

"When I came back, my brother was silent... He was too quiet that I already thought of something's not right with him. I've seen him tremble... He paces a lot, shakes a little, look around..." umiling siya. "The doctor said he's developed anxiety... And I blamed myself."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti. "So thank you, Giselle. I know my brother's happy. Ngayon lang siya naging ganito kapursigido. And Dad doesn't bother him alot like it used to before. I hate that old man. Hindi naman kasalanan ng kapatid ko ang mali ng Mom namin." umiling si Kuya Silvester.

"Masuwerte pa rin si Gio kasi kuya ka niya." sabi ko.

Umiling lang siya.

"I hope whatever comes in your way, you'll stay with my brother, Giselle. He's not perfect. But I know he love without condition. He gives his all. I'm here for you both. And my nephew, of course." ngumiti na siya nang malapad.

Napangiti rin ako. "Salamat, kuya."

Napangiti pa siya lalo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro